Chapter Story 2 - Chapter 09

Mabilis siyang nagtungo sa pintuan at eksaktong pagbukas niya ay bumungad sa kaniya ang lalaki na siyang kakatok na sana. Matiim ang tingin nito na binigay sa kaniya.

“Theon!” bahagya siyang nagulat.

Isa lang ang pumasok sa utak niya, ang humingi ng tulong rito. Babayaran na lang niya balang-araw basta ang importante ay makaalis siya.

“Yeah?”

Kinapalan niya na ang kaniyang mukha. Tutal ito ang nag-offer sa kaniya ng tulong, lubusin niya na. Magaling na rin ang kaniyang sugat kahit ‘di pa ‘yon totally naghilom.

“P-pwede ba—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang nag-ring ang cellphone nito.

“Yes, Zerus buddy?” Sandali itong dumistansya sa kaniya nang sagutin nito.

Hintakot na napaatras siya nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito. Possible na magkakilala ang mga ito pero possible rin na ibang tao ang kausap nito at hindi ‘yon taong isa sa tinatakasan niya. Kung nagkataon huwag naman sana siyang mahuli! Hindi lang kulong ang mangyayari sa kaniya sa mansiyon, alam niyang kaya siyang saktan ng Don.

Nag-excuse ito sa kaniyang harapan at sumenyas na babalikan siya, tanging tango ang kaniyang sagot at nagsirado ng pintuan. Nanlantang napaupo siya sa kama at pinilit pakalmahin ang sarili sa kabila ng takot na kaniyang naramdaman. Biglang may pumasok na idea sa kaniyang isipan nang tumama ang kaniyang mata sa center table. Right!

Agad siyang tumayo at tumakbong nagtungo sa library room. Kailangan niya ng isang computer o laptop na may connection. May alam siya pagdating sa cyber world pero nung nalaman ng kaniyang lolo ang kakayahan niyang ‘yon nung minsan pinasok niya ang darkweb at nakita niya kung anong klaseng tao ang matanda, banned siya sa lahat ng klaseng gadgets.

Nanlumo siya nang makitang walang computer sa library room. Bagsak ang balikat na bumalik siya ng kwarto at umupo ro’n. Nalilito na siya!

Gabi na nang lumabas siya ng kwarto. Hindi niya ramdam ang gutom o ang tamang sabihin talaga ay ando’n pa rin ang takot. Plano niyang umalis mamayang madaling araw. Alam niyang masamang gumamit ng pera sa ibang tao sa masamang paraan pero wala siyang ibang maisip. Kailangan niya lang mamaya ay computer at papasok siya sa isang bank account para magnakaw ng pera. Ibabalik niya rin balang-araw kapag naging okay na ang lahat.

Nakahanda na siya para umalis, inilagay niya sa ibabaw ng kama ni Theon ang cellphone nito sa kaniya. Puting tshirt at sweatpant ulit ang kaniyang suot. Pinarisan niya iyon ng sapatos na pinadala ng lalaki sa kaniya nung nakaraan. May hood jacket siyang nakita sa kwarto nito kaya kinuha na rin niya. Napangiti siya ng mapakla, alam niyang ito na ang huling pagkakataon na makita niya ang lalaki. Ngayon pa lang ay humihingi siya ng patawad kung bakit umalis siya ng walang paalam at pagkuha ng walang paalam sa jacket nito.

Papalabas na siya ng pintuan nang magulat siya nang eksaktong pumasok si Theon. Abut-abot ang kaniyang hininga, teka, ibibigay na ba siya nito sa tauhan ng lolo niya? Pero agad siyang napakunot noo nang makitang namumungay ang namumulang mata nito. Mapula rin ang buong mukha nito at teynga at amoy alak.

“Hi, am I welcome here?” ngumiti ito at napakamot sa batok.

Napatanga siya sandali sa gestures nito at mabilis na tumango. “Of course bahay mo ito, pasok ka.” Nagbigay siya ng espasyo at inalalayan itong pumasok dahil pasuray-suray na ito at mukhang limang shots pa, tumba na ito. Hirap na hirap siya sa sobrang bigat nito. Maliit lang siyang babae at baka maling galaw niya, madaganan siya nito. “Bakit ka naglalasing?”

“May gusto lang akong kalimutan.”

“Sino?”

“Shh… No asking.” Kumindat ito sa kaniya.

Napangiti siya sa sinabi nito. Madaldal pala ito, hindi halata. Lagi kasing pino ang salita nito at seryuso lagi.

“Alam mo, nung kabataan ko sobrang daming naghahabol sa kagwapuhan ko. Theon-gwapo lahat ng bansag sa`kin! Gosh!”

Tuluyan siyang natawa sa arteng pagbabaklaan nito sa huli.

“Napapasigaw pa sila lahat ng; Theon marry me ma-love!” gumalaw ito na parang bakla at tumili na parang kinikilig.

Naiiling na lang si Jackylyn at nakahinga nang marating nila ang sofa. Sandali niyang pinaupo ang lalaki ro’n, magtitimpla lang siya ng kape para mabawasan ang kalasingan nito.

“Iyong iba nilandi ko, dini-date. But this heart—” Tinuro nito ang puso. “Nagmahal ng babaeng hindi siya kailanman minahal.”

Natigilan siya. Napatitig siya sa mga mata nito at kitang-kita niya ro’n ang sakit na ngayon lang niya nakita. Biglang kumirot ang puso niya sa hindi alam na dahilan.

Mula sa malungkot na boses nagsalita ito, “My wife Amara never love me.”

Parang pinagsasaksak ang kaniyang puso sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nasa harapan niya ngayon, na sobrang bait at gwapo ay pinagkaitan ng tadhana at pagmamahal. Namuo ang mga luha sa kaniyang mata pero agad niyang pinunasan iyon. Naiiyak siya sa sinabi nito. Kaya siguro ito naglalasing, siguro ang asawa nito ang dahilan. Bago pa siya traydurin ng puso niya na yakapin ito, tumayo na siya para pagtimplahan ito ng kape.

“Don’t go!”

“Ha?!” Nagulat siya sa pabiglang hila nito sa kaniyang kamay kasabay nang pagyakap sa kaniyang beywang.

Ang lakas ng kabog ng kaniyang puso. Hindi niya maintindihan! Anong gagawin niya? Unang pumasok sa kaniyang utak ay alisin ang kamay nito. Baka mas lalo lang siyang mahirapan na umalis kapag hinayaan niya itong nakayakap sa kaniya.

“T-theon…”

“Pati ba naman ikaw, iiwan mo rin ako?”

Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga sandaling iyon. Ang pinupunto ba ni Theon ay pag-alis niya sa pamamahay nito o ang pagtimpla lang niya saglit ng kape?

“M-magtitimpla lang ako ng kape para ma-okay ang pakiramdam mo,” marahan saad niya.

“Ayaw!” parang batang sabi nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniyang beywang. Wala yata talaga itong balak siyang paalisin.

Napatingin siya sa orasang nasa dingding, quarter to two nang madaling araw. Aalisin niya sana ang kamay nito nang maramdaman niyang yumugyog ang balikat ng lalaki.

Theon...

Alam niyang sa mga sandaling ito, umiiyak ang lalaki at iniiyakan nito ang babaeng hindi niya nakita sa personalan pero lihim siyang nagagalit. Napaka-inconsiderate ng asawa nito sa feeling ni Theon! Marahan niyang tinapik ang likod ng lalaki at nagpasyang bukas na lang siya aalis, kailangan siya nito at siya lang ang nando’n para damayan ang nararamdaman nitong sakit.

“God must really hate me. He let me love the woman who can’t love me back. Pagmamay-ari ko si Amara sa mata ng lahat pero sa puso, hindi. I’m stuck! Fucking stuck. Si Amara lang ang minahal kong ganito na dahil sa kaniya kaya ako dahan-dahan nagbago. Am I too bad?”

Words for words. Ang sakit ng mga salitang sinabi nito at parang sinakal ang puso niya. Marahan bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata at nalaman na lang niyang umiiyak siya para sa lalaki.

Agad niyang pinunasan ang mga luha sa mga mata niya habang hinayaan ang lalaki na umiiyak. Bakit nga ba siya umiiyak? Hindi niya mabilang kung ilang minuto silang gano’n ang set-up; nakayakap sa beywang niya si Theon at umiiyak habang siya ay lihim na nagdasal na sana ay maibsan ang sakit na naramdaman nito. Buong akala niya rati, lahat ng tao na nagpapakasal ay masaya. Sila ‘yon tao na nakita na ang ‘The Half’ pero sa sitwasyon na nasaksihan niya ngayon, maling-mali siya.

Natigilan siya nang maramdamang nakatulog ang lalaki habang nakayakap sa kaniya. Marahan niyang sinilip ang mukha nito at tama nga siya, nakatulog na ito. Napabuntunghinga siya at inisip na napuno na siguro ito kaya naglasing.

Nagpasya siyang ihiga na lang ang lalaki sa sofa bed nang dahan-dahan. Amoy na amoy niya ang masangsang na alak pero tiniis niya. Kailangan ni Theon ang kaniyang presinsya ngayon habang nasa emotional state ito.

Kumuha siya ng throw pillow at nilagay sa ulunan nito. Saka siya nagpasyang magtungo sa kusina at kumuha ng towel at maliit na batya. Agad siyang bumalik at saglit na napatitig sa mukha ng lalaki. Napahugot siya ng malalim na hangin at napailing-iling.

Umupo siya sa tabi nito at marahan binaba ang batyang may maligamgam na tubig at towel. Sinimulan niyang punasan ang pisngi ng lalaki. Malungkot siyang napatingin sa mga mata nitong kahit nakapikit na ay mababanaag pa rin niya ang sakit. Hindi niya tinanggal ang tshirt at pantalon nitong suot, ang sapatos lang nito ang kaniyang tinanggal. Inayos din niya ang pagkakahiga nito, kinumutan at saka pinagmasdan ng matagal.

You look like a god... A dismal god.

Malungkot siyang tumayo para magtungo sa kusina pero nagulat siya nang hinagip ni Theon ang kaniyang kamay. Takang napalingon siya rito pero huli nang ma-realize niya nung ang labi nito ang sumalubong sa kaniya. God! Biglang huminto ang buong mundo niya.

Theon...

Lumayo siya rito pero sinakop nito nang tuluyan ang kaniyang labi lalo na at hinila siya nito pabalik sa sofa. Bumagsak siya sa katawan nito. Naalarma siya at baka nasaktan niya ito pero parang wala itong pakialam at wala yata siyang balak bitawan. Habol niya ang kaniyang hininga nang bitawan ng lalaki ang labi niya pero nakadagan pa rin siya rito.

Nasa beywang niya ang dalawang kamay nito na siyang pumipigil sa kaniya para makaalis. Her first kiss! Gusto niyang magalit pero bakit nagustuhan niya ito? Namula siya lalo na nung mapatingin siya sa namumulang labi nito.

“I m-miss you...”

Nagulat siya sa salitang binitawan nito at napakurap-kurap. Gising na ba ito? Pero nang maisip niya na baka ang asawa nito ang nasa isip nang mga sandaling iyon ay bigla siyang napabangon pero sa ginawa niyang ‘yon, sinundan siya ng halik nito. Napaungol siya nang wala sa oras.

God! Bigyan niyo ako ng lakas na loob na lumayo! Ang taong nasa harapan ko ay may asawa at minamahal ng iba.

Pero ang hirap yatang pakiusapan ang sarili niya lalo na’t umikot bigla ang lalaki at siya naman ang nasa ilalim nito. Napasinghap siya sa sobrang bigat at pakiramdam niya ay nahihilo siya sa amoy alak na hininga ni Theon.

“I waited this long to happen, wifey.”

Para siyang natuod sa huling salitang binanggit nito. Parang mga karayom na tinusok iyon sa puso niya at hindi niya mapigilan umiyak. Masakit!

“E-each night I’m hopelessly praying that maybe... Maybe you could see me more than just a husband, na mahalin mo rin ako, na makita mo rin halaga ko. Kasi ako, s-sobrang mahal kita Amara,” garalgal ang boses nito at hindi maitatangging sobra nga itong nasasaktan.

Tuluyan napunit ang puso ni Jackylyn nang marinig ang mga katagang iyon. Napapikit siya sa sobrang sakit pero pinigilan niyang mapahagulhol. Sa maraming pagkakataon, sanay na siya sa sakit pero mas masakit yata ngayon. Oo inaamin niyang gusto niya ang lalaking nasa harapan niya ngayon, gustong gusto niya na kahit nasasaktan na siya ay binalewala niya. Ito ‘yong unang may nag-confess sa kaniya pero hindi para sa kaniya.

Napapikit siya nang dumampi ang halik nito sa kaniyang labi. Wala siyang planong pigilan ang lalaki at wala rin siyang plano umayaw. Kahit masakit sa parte niya, kaya niyang magpanggap sa gabing ito na siya ang asawa nito at hindi si Jackylyn. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata nang simulang buksan nito ang labi niya sa pamamagitan ng dila nito.

She tasted the bitter sweet of his kiss. Sinisigurado niyang babaunin niya ang alaalang ito kahit hindi naman talaga siya ang nasa isipan ng lalaki. Hinaplos ni Theon ang kaniyang pisngi, ang kaniyang leeg, ang kaniyang dibdib. Napakagat siya ng labi pinigilan mapalakas ang kaniyang iyak. Marahan pinisil nito ang kaniyang dalawang dibdib at bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg.

Damang-dama niya rin ang matigas at gising na gising na pagkalalaki nito sa kaniyang hita. Nag-init ang buo niyang mukha lalo na nung hinubad nito ang suot niyang hoodie, kasunod ay ang pang-itaas niyang kasuotan. Nagpaubaya lang siya sa kamay nito at kung ano man ang posibleng mangyari, kagustuhan din niya. Babaunin niya ito sa kaniyang pag-alis at hindi niya ito makakalimutan na sa isang chapter ng buhay niya ay may nakilala siyang lalaking nagngangalan Theon Willoughby.

Napapikit siya ng mata at napakuyom ng kamao nang simula nitong sambahin ang dibdib niyang nakalantad. Sinamba nitong may pag-iingat at pagmamahal na hindi para sa kaniya. Kumawala ang hikbi sa kaniyang lalamunan pero agad niyang tinakpan ang bibig. Ayaw niyang maisturbo ang lalaki, inisip niyang kabayaran ito sa lahat ng ginawang tulong sa kaniya.

Dahan-dahan nitong hinila ang kaniyang kasuotan sa ibaba matapos nitong tanggalin ang kaniyang sapatos. Nahihiya siya pero hinanda niya ang sarili nang hubarin nito ang kahuli-hulihang saplot sa kaniyang katawan. She’s totally naked under him. Hindi niya tinakpan iyon lalo na nung tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.

“You’re beautiful wife…”

I’m not her...

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.