Chapter Story 2 - Chapter 13

Napatitig si Jackylyn sa malaking salamin, napapansin niyang nagkakulay na ang maputlang balat niya. It’s been a week since may nangyari sa kanila ni Theon. Hindi na ito bumalik pa pero naiintindihan niya, alam niyang may asawa ito na sobrang mahal at labas siya sa kwento ng mga ito.

Ipinilig niya ang ulo at nag-focus sandali sa sarili, napa-pansin niyang nagkaroon ng konting laman ang pisngi at gano’n pa rin, pangit pa rin siya. Hindi niya makita ang ganda na laging sinasabi ng matandang Don na isa siyang napakagandang babae kaya maraming gustong makuha siya at mapangasawa na mga kasama nito. She was being held as auction item but never gonna happened again. Hindi siya bagay para ibenta.

Nagpunta siya sa kaniyang silid. Nagsuot ng hoodie at mask bago siya humarap sa laptop na pinadala kahapon ni Theon sa tauhan nito. Naglakas loob talaga siyang mag-request ng laptop dito at ibabalik niya rin pagkatapos, may gusto lang siyang gawin at isa na rin do’n ang mag-dive sa dark web. Mababaliw lang siya kung ito lagi ang iisipin niya at kahit ngayon lang, isasantabi muna niya ang kaniyang pagmamahal.

Pinatay niya ang buong ilaw ng kwarto at tanging study lamp lang ang nakabukas. Agad niyang binuksan ang firewalls ng laptop at ini-on ang full disk encryption nito for preventing file system data from leaking into the virtual machine. Gumawa siya ng fake account and then nag-set up ng VPN para hindi ma-locate ang address niya.

Ilang sandali pa ay mabilis ang kaniyang kamay sa pagtipa ng keyboard at mabilis na nagsilabasan sa harapan niya ang mga data na hindi niya kailangan. Hinintay niyang matapos sa pagsilabasan ang mga ito sa screen hanggang sa naging asul ang buong screen ng laptop. Marahan siyang nagbilang hanggang tatlo at biglang lumitaw sa kaniya ang mga impormasyon na kailangan niya. Mabilis ang kaniyang mata sa pagbabasa at gano’n din ang kaniyang kamay sa pagtipa sa keyboard.

Pinasok niya ang isang bank account ng matandang Don na hindi nito malalaman na kumuha siya ng pera. Marami itong account pero alam niyang may sarili itong storage room sa mga pera nitong galing sa illegal na paraan. Pagkatapos niyang makakuha ng tamang halaga lang para siyang gamitin niya pag-alis, mabilis siyang umalis sa site.

Nagtungo siya sa pinagbabawal na dark web kung saan ando’n lahat ng illegal activities, black market kung saan ang bentahan ay illegal and drug trafficking. Konting mali lang rito ay buhay ang kapalit, maling pindot lang niya ng keyboard ay hindi na siya sisikatan ng araw. Ganito kadelikado ang dark website kung saan andito lahat ang mga professional hackers, hired killers and assassin.

Kinakabahan siya, matagal na ‘yong huling dalaw niya sa lugar na ito at araw-araw ay nagbabago ang tecknolohiya. Hindi siya masyadong updated at baka magkamali siya ng galaw, ma-locate siya ng kahit sino.

Nagpunta siya sa illegal activities ni Don Jukka, at tama nga siya. Ang 50 million dollars na dinonate nito ay isang palabas lang para hindi mapansin na may transactions ito sa China at Japan na nagkahalagang bilyones. Nanghihinang napapailing siya habang tinitigan ang screen. Hindi basta-basta ang mga taong nasa likod ng illegal activities ng kaniyang lolong hindi makontento sa pera. May video ro’n at mostly mandarin and japanese ang gamit na lenggwahe ng mga ito habang nag-uusap sa isang room, mukhang may meeting ang mga ‘to. Wala ro’n ang matanda, sinigurado nito ang kaligtasan.

Napasinghap siya nang biglang lumingon sa gawi niya ang isa sa mga ito at para bang nakikita siya nito lagpas sa screen niya. Ngumisi ito. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa kaniyang katawan knowing na pwedeng nakita siya nito pero nang maalalang nilagyan niya ng cover ang camera ng laptop, nakahinga siya. Maingat siyang umalis sa delikadong site at pinangakong iyon na ang huling pasok niya ro’n.

Hindi siya mapakali habang kumakain ng hapunan nang gabing iyon. Something appalling. May hindi siya nagugustuhan at kinakabahan siya. Tiningnan niya ang kaniyang suot, she wore something white again and as usual, sweatpants. Dito siya comportable.

Nagulat siya nang biglang nag-ring ang cellphone na binigay sa kaniya ni Theon. Tiningnan niya ang numerong nakalagay ro’n at hindi ito naka-save. Alam niyang hindi ito sa lalaki dahil naka-save ang number nito sa mismong contacts ng phone niya. Hindi kaya.... Nanlaki ang kaniyang mata. No!

Mabilis siyang napatakbo at kinuha ang hoodie jacket at mabilis na sinuot iyon. Nanginginig ang kaniyang kamay na sinuot niya ang sapatos. Nagsimula siyang kainin ng takot at kaba habang iniisip na posibleng na-locate ang kaniyang address. Napaka-careless niya kung gano’n! Ring nang ring ang cellphone at nung huminto ito sa pangatlong tawag, biglang nag-message pop ito.

You’re being watched. Tik-tok-tik-tok

No! Gusto niyang magmura pero wala na siyang oras, agad niyang tinakbo ang pintuan. She’s shaking again at ito ang kinakainis niya. Dito siya laging napapahamak sa sarili niyang kahinaan. Mabilis niyang tinakbo ang private elevator pababa at lihim na nanalangin na sana hindi sila magpang-abot ng tauhan ng lolo niya.

Hanggang ngayon hindi niya kilala ang humahabol sa kaniya kaya kailangan niya ng tripleng ingat. Iniisip niya habang nasa loob siya ng elevator kung saan siya nagkamali, kung bakit na-locate ng mga ito ang address niya at alam ba nito na siya si Jaakkina? Kung sabagay, kahit hindi siya si Jaakkina na pinaghahanap ng mga ito, papatayin pa rin siya. Dahil hindi basta-basta ang dark web, walang nagpupunta sa site na ito na hindi namamatay kapag sobrang careless.

Abut-abot ang kaniyang hininga habang pababa ang elevator papuntang ground floor. Sa pagmamadali niya kanina, nakalimutan niyang itapon sa basurahan ang cellphone, naiwan niya ito. Agad niyang tinakbo ang mahabang lobby at hindi nga siya nagkakamali, may tatlong nakaitim na lalaking papasok at kung pagmamasdan, mukhang hindi basta-basta ang mga ito. Bigla siyang natuliro sa gagawin, agad siyang nagtago sa isang tabi habang pinipigilan niya ang sarili na huwag mangatal sa takot.

“The cyberpunk location is up there. Penthouse.”

Nakagat niya ang kaniyang labi nang marinig niya ang sinabi ng isa sa mga ito at dali-dali nagtungo sa elevator. Hinintay niya muna magsirado iyon saka siya tumakbo ng mabilis papabalabas pero sa isipin na makakaligtas na siya, maling-mali siya. May isa pang lalaki na nakatayo sa labas at nung magtama ang mga mata nila, namukhaan siya nito.

“Seniorita!”

God! Kumaripas siya ng takbo. Hindi niya ito kilala pero base sa pagkakatawag nito sa kaniya, tauhan ito ng kaniyang lolo. Walang lingon siyang tumatakbo habang humahabol naman ito sa kaniya. Kung iisipin, mas marami ang humabol sa kaniya nung nakaraan pero iba iyon, planado ang pagtakas niya.

“Don’t run Seniorita! I don’t have time to kill a bitch.”

Napapikit siya, mas lalong nadagdagan ang takot niya. Mabilis siyang pumasok sa nakabukas na taxi at tarantang pinakiusapan ang kawawang manong na umalis sa lugar na iyon. Panay lingon niya sa likuran at kitang-kita niyang bumalik ang tauhan ng Don at may tinawagan sa cellphone saka mabilis na pumara ng taxi. Humabol ito sa kanila!

“M-manong maawa ka po, pakibilisan niyo po! Hinahabol ako ng kidnapper!”

Napilitan ang matandang lalaki na sundin ang pakiusap niya. Mabilis nitong inapakan ang accelerator pedal. Napahawak siya sa upuan at nagmamadaling ikabit sa katawan ang seatbelt. Panay lingon siya sa likuran na ngayon ay malapit na sa kanila.

Napasigaw siya sa takot nang maglabas ito ng baril at binaril ang gulong ng kanilang sasakyan. Asintado, biglang bumagal ang takbo nila sa kalsada pero mabuti na lang walang masyadong tao. Tuluyan siyang napaiyak pero bago pa siya mahuli ng tauhan ng lolo niya, mabilis siyang tumakbo papalabas nung huminto ang sasakyan sa gitna ng kalsada.

“Jaakina!” malakas na sigaw nito at nagpaputok ulit ng baril.

Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang takot at nanginginig ang kaniyang tuhod pero nagawa niyang tumakbo sa isang tabi. Halos magkagapang-gapang na siya para lang makalayo pero nawawalan ng lakas mga tuhod niya.

No!

“You’re going home Seniorita. Your grandfather awaits you.”

Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata nang malakas siyang hilain ng tauhan ng matanda sa braso at kinaladkad.

Nagpupumiglas si Jackylyn sa pagkakahawak ng lalaki sa kaniya habang walang pakialam ang mga tao sa paligid. Humihingi siya ng tulong pero lahat ng mga taong nagdaan ay ilag at takot yatang umeksina lalo na’t may baril na hawak ang lalaking kumakaladkad sa kaniya. Hinila siya nito papunta sa sasakyan pero sa determinasyon niyang makawala rito, kinagat niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya ng sobrang lakas.

Napasigaw ito sa sakit at isang malakas na sampal ang binigay sa kaniya. Nabaling ang kaniyang mukha sa lakas pero hindi niya ininda ang sakit, ginawa niya iyon para makatakas pero nahila nito ang kaniyang buhok. Napasigaw siya sa sakit.

“Alam mo Seniorita, hindi ako takot patayin ka kaya umayos ka!”

Napaiyak siya sa sakit. Kinaladkad na naman siya nito at lihim nanalangin na sana ay makawala siya sa demonyong nasa harapaan niya. Pinilit siya nitong pumasok sa loob ng sasakyan at nagtagumpay ito. Malakas siyang napasigaw at binayo ang pintuan para makalabas pero naka-lock na iyon. Mabilis itong sumakay at pinaandar ang sasakyan.

“Please maawa kayo sa`kin, ayuko bumalik ng mansion!”

Ngumisi lang ito at mas lalong binilisan ang pagma-maneho. Hindi siya nito pinansin kahit ilang beses siyang nagmakaawa. Naluluhang napatingin na lamang siya sa bawat taong madaanan nila at humingi ng tulong sa mga ito mula sa salamin pero tulad kanina, walang pakialam ang mga ‘to.

Nag-ring ang cellphone nito at do’n siya nakakuha ng tyempo nung sagutin nito ang tawag. Mabilis niyang kinabig ang manibela, hindi siya nito pwedeng ibalik sa lolo niya! Nakipag-agawan siya rito sa manibela mula sa likuran at pa-ekis ekis ang takbo nila sa mahabang kalsada. Hindi niya na inisip kung ano ang magiging kasunod na mangyari basta ang gusto lang niya ay makawala.

Kinagat niya ng mariin ang teynga nito at napapasigaw ito sa sakit. Hinaklit naman nito ang kaniyang buhok gamit ang isang kamay nito. Pakiramdam niya mabubunot yata mga buhok niya pero tiniis niya ang sakit. Nalasahan niya ang dugo sa bibig niya pero hindi siya tumigil. Pa-ekis ekis ang takbo ng sasakyan at nakakarindi ang mga busina sa paligid pero wala siyang pakialam. Pagod na siyang mamuhay sa isang palasyo na hindi bagay sa kaniya.

Eksaktong pagtaas niya ng tingin sa unahan ay ang pagsalubong nila sa isang malaking sasakyan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi niya nakuhang sumigaw.

Dinig niya ang pagbangga ng sasakyan at pagkabasag ng mga salamin. Hindi siya naka-seatbelt kaya humampas ang katawan niya sa unahan. Mga busina ng sasakyan ang huli niyang narinig at boses ng isang lalaki na nakasuot ng mask at hoodie. Kasunod no’n ay biglang nandilim ang buong sistema niya...

BIGLANG nanumbalik ang presinsya niya nung pitikin ni Abhaya ang kaniyang noo kaya nanumbalik siya sa reyalidad na wala na siya sa nakaraan. Saka lang niya naalala na kanina pa pala niya tinitigan ang sariling repleksyon aa salamin at bakit bumalik itong babaeng ‘to? Akala ba niya ay umalis ito?

“Akala ko ba umalis ka?”

“Kanina pa. Nakabalik na lang ako na nakatitig ka pa rin sa salamin. Gandang ganda ka na naman sa sarili mo? Mga isang oras kang nakatulala d’yan.” Maarteng umupo ulit ito at kumakain.

Natawa siya sa inasal ng kaibigan at hinayaan ito na kumain. May gagawin siya at iyon ay basahin ang mga document na pinadala sa kaniya ni Yx thru email. Ang sabi nito, importanteng mabasa niya ang mga ito.

Busy siya sa pagbabasa ng mga dokumento nang bigla siyang tinakasan ng kulay nang marinig niya ang kilalang-kilala na boses. Eksaktong pagtaas niya ng tingin ay ang pagpasok ng taong laman ng utak niya.

Ito ‘yong unang pagkakataon na magpang-abot sila dahil nung unang bumisita ito sa opisina ni Dr. Hayes bago ang birthday party, nakatakbo agad siya ng restroom. Ngayon, yumuko na lamang siya. Hindi siya nito pwedeng makita.

“Is Doc. Hayes here?” tanong nito.

“Inside. Pasukin mo.” Si Abhaya ang sumagot.

Walang sabing pumasok ito at naiwan silang nagkatitigan ng kaibigan. Mukhang may get together yata ang mga ito dahil kanina ay dumating ang mga kaibigan nitong nagngangalang Azael, Zyd Caiden at Cuhen.

“Theon Willoughby. Gwapo siya, at may asawa na.” mayamaya ay saad ni Abhaya.

“Paano mo nalaman may asawa na siya?” takang tanong niya. May alam ba ito sa buhay ng lalaki?

Natawa ito. “Obvious ba? May wedding ring itong suot.”

Napahiya siya sa naging sagot nito. Oo nga pala, may singsing naman talaga itong suot. Dapat nga hindi na siya papaapekto sa presinsya ng lalaki. The best way she can do is avoid him.

Nang gabing iyon ay may order sila galing kay Yx regarding sa paglipad ni Doc. Hayes papuntang Russia na kailangan nilang pigilan but everything went south nung nakaalis ang binata at nasa likod si Abhaya ng sasakyan nito. Isa ito sa pinakabobong ginawa nila pero dahil kaibigan niya ang babae may tiwala siya rito. Tulad ng sabi niya, nakasunod siya ng lihim sa sasakyan ng Doctor hanggang sa makita niyang may nakasunod sa mga ito.

“May nakasunod sa inyong tatlong sasakyan,” mabilis niyang sabi sa kaibigan sa pamamagitan ng suot niyang hikaw at kwentas. Ito ang tanging gadget na nagdudugtong sa kanilang dalawa.

“Shit! Sabi na eh,” inis na pakli nito sa kabilang linya.

Kahit siya ay nag-aalala, hindi lang sa buhay ng lalaki na binabantayan nila kundi sa buhay ng kaibigan niya. Nasa back compartment pa naman ito at alam niyang hindi basta-basta ang sitwasyon nito sa likod.

“No need to worry. Bulletproof ang sasakyang ginamit ni Doc,” sinabi niya iyon kahit hindi ito nagtatanong.

Dinig naman niyang napahinga ito ng maluwang.

“Okay ka lang?!” sigaw niya nang makitang binundol ito ng isang pesteng sasakyan. Kung nakapagdala sana siya ng armalite, kanina pa niya pinagbabaril ang mga deputang ito!

“Shoot them now,” utos nito.

Napatango siya. Kahit hindi naman nito sasabihin talagang babarilin niya ang mga ito. “One car down.” Napangisi siya nang sumabog ang isang sasakyan.

Take that mother fuckers!

“Kapit lang!” sigaw niya ulit. Kinakabahan siya sa buhay nito pero sa isipin na kasama naman ito ni Doc. Hayes, alam niyang imposibleng pababayaan nito ang kaibigan niya.

“Lukaret ka! Saan ako kakapit?” inis na sagot nito.

Lihim siyang natawa. Lukaret din ito pero agad nawala ang ngiti niya nang maalala na hindi pala alam ng lalaki na ando’n sa likuran si Abhaya. Shit!

“Abhaya? Okay ka lang ba? Kiene?!” nag-alala siya para sa kaibigan. Ito lang ang tanging bukod malapit sa kaniya, maliban sa wala siyang pamilya… Ito lang ang itinuring niyang parang kapatid.

“Oo! Si Hudson ang atupagin mo, hindi ako.”

Napangisi siya sa sinabi nito. Kahit ayaw na ayaw nito sa binatang Doctor, alam niyang mahal ito ng kaibigan. Hindi na siya naghukay pa sa nakaraan nito. May tiwala siya sa babae at kung ano man ang maging desisyon nito, rerespituhin niya. Sa taon nilang pagsasama, wala itong naikwento kahit isa. Oh well, kahit siya rin naman o sadyang kinalimutan lang nila ‘yong mapait na nakaraan?

“Apat na armadong sasakyan ngayon ang— Argh!”

Paska! Napahiyaw siya. Mula sa unahan ay may nagkusang bumaril sa kaniya at hindi niya nailagan iyon. Masyado siyang focus sa kaligtasan ng kaibigan, nakalimutan na naman niya ang sarili. Shit! Shit!

Pinaulanan siya ng bala at huli na nang ma-realize niya nung gumiwang-giwang siya sa gitna ng kalsada. Pinilit niyang maging focus at ‘wag padala sa takot na umalipin sa kaniya ilang taon din pero tuluyan siyang nawalan ng control at ilang sandali pa ay naramdaman niyang malakas siyang bumangga sa isang tabi.

T-theon…

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.