Chapter Story 2 - Chapter 14

Halos paliparin na ni Theon ang sasakyan makaabot lang siya ng hospital o kahit saan hospital! Panay tingin siya sa pasyenteng nasa backseat nakapwesto sa review mirror, naliligo ng dugo at halos wala ng buhay. Fuck! Hindi niya ito hahayaan mamatay. No! He won’t let that happen. Never.

“Hold on Jacky!” bulong niya sa hangin habang pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan niya sa kalsada. He can’t afford to let her die! Not again.

Mabuti at walang sumunod sa kanila, hindi niya rin hahayaan ang bagay na iyon. He’s fucking tired of it! Nagliwanag ang mata niya nang makakita siya ng Hospital. Mabilis niyang hininto ang sasakyan sa harap at tarantang binuksan ang pintuan ng sasakyan. Agad niyang pinangko ang dalaga at nagsisigaw sa lobby nung pumasok siyang pangko ito.

“Save her! Fucking save her!”

His muscles almost quivered as he watched Jackylyn with her eyes closed. Mabilis na inasikaso ito ng mga Doctor at nurses. Naliligo ito ng sariling dugo at may dalawang tama ng baril sa balikat at sa ilalim ng collarbone. Fuck! Fuck! This is insane! Kung hindi pa siya sumunod dito, kung hindi niya pa sinundan ang babae malamang patay na ito kasama nung sumabog na sasakyan.

Kinalma niya ang sarili, hindi siya dapat maging emotional dahil hindi ito nakakatulong. He should be grateful for now dahil nailigtas niya ito. It’s been years simula nung umalis ito sa kaniyang penthouse and he search everywhere to find her pero tumigil din siya at nag-focus sa kaniyang asawa na nawala rin. Maliban sa iniwan nito ang cellphone na tinapon niya sa sobrang galit, wala na siyang narinig pa rito. Tuluyan itong naglaho at ngayon lumitaw ito bilang bagong secretary ng pinsan niya, gagawin niya ‘yong tingin niya ay tama.

Puno ng dugo ang kaniyang t-shirt na suot at hindi niya kayang pagmasdan ang nakakadurog ng puso na kalagayan nito ngayon. Lumabas siya at umupo sa upuan na nando’n. Pinilit niyang kumalma ang galit na anuman oras ay pwedeng lumabas. Its not helping at all kung padadala siya. He needs to think. Life fucks him on unexpected ways. May mali, simula pa lang nung una niya itong nakita sa yacht niya pero hindi niya pinansin. Kahit nung umalis ito, alam niyang may mali.

Hindi niya alam kung anong klaseng pagkatao ito mayro’n ngayon. Hudson helps him before pero wala siyang datang nakuha, lahat ay burado. Pagkatapos nitong umalis ay binalikan niya rin ‘yong isla kung saan sila nagsama dalawa ng ilang araw. May nakita siyang bag sa dalampasigan na nakaipit sa batuhan at naalala niyang bag ito ng babae.

Binuksan niya ‘yong bag at mula ro’n, nalaman niyang Jaakina Rokassowskij ang totoong pangalan nito. Naka-sealed ito sa plastic kaya hindi nabasa ang ilan sa dukomento, malaking halagang pera at isang picture frame kung saan may larawan ng isang batang babae at isang ina. Tinago niya ito at nung time na hahanapin niya na ang dalaga, naglaho ang kaniyang asawa. Para siyang pinagsakluban ng langit nang mga panahon iyon.

Naalala niya kung paano siya subsub sa trabaho at subsob sa alak sa mga bar. He could hardly sleep at night and late na rin siyang magising kinaumagahan. He couldn’t understand at all. Kung bakit ang pait ng tadhana para sa kaniya. Kung bakit ang lupit nitong paglaruan ang kaniyang puso. He looked for his wife Amara but like Jackylyn, he couldn’t find her

Hanggang ngayon hindi pa bumalik ang kaniyang asawa pero hindi rito naka-focus ang kaniyang atensyon ngayon. Ang iniisip niya ay ang kalagayan ni Jackylyn kung makakaligtas ba ito o hindi. Huminga siya ng malalim at tumingin sa itaas ng kisame na parang nando’n lahat ng kasagutan na hinahanap niya.

“How is she? Tell me!” mabilis siyang tumayo at sinalubong ang Doctor.

“She’s a fighter. Mabuti at nadala niyo agad dahil posibleng mamatay—”

“Enough!” asik niya sa matandang Doctor.

Agad naman itong tumahimik at nagpaalam. Hindi siya tumango at deritso lang niyang tinungo ang kalalagyan ni Jackylyn. Naka-oxygen ang babae at maraming nakakakabit sa katawan. Napakuyom siya ng kamao at pinipigilan ang sariling manuntok at magwala sa loob ng Hospital.

Ilang beses niyang kinalma ang kaniyang sarilia at nang masiguro niya ng kalmado na siya, agad niyang tinungo ang sasakyan sa labas at kinuha ang cellphone.

“Hey daft! Magdala ka ng ambulance, Doctor at Nurses dito ngayon na.” Saka niya pinatay ang tawag. Hindi niya na kailangan pang sabihin ang kaniyang lokasyon dahil alam niyang kaya itong i-locate ng Attorney niyang pinsan.

Isang oras ang nagdaan bago dumating si Mordeccai na nakasalubong ang kilay at madilim ang mukha. Nakasuot ito ng itim na robe at malaking tsinelas.

“Here’s the ambulance you asked blimp!” Binato nito ang susi sa kaniya. “Nasa loob ng dalawang ambulance ang mga Doctor at Nurses na hiningi mo!”

Mabilis naman niya itong nasalo. Tumalikod naman agad si Mordeccao deritso sa sasakyan nito. Ang mga nakakitang nurse naman ay nagsitilian. Yeah, Mordeccai his demented friend is fucking handsome but cold. Nagpasalamat siya kay Mordeccai at kaway lang ang sagot ng lalaki sa kaniya. Naiiling na binuksan niya ang pintuan ng ambulance na dala nito.

Lumabas do’n ang tatlong Doctor at limang Nurse na hindi niya kilala but he don’t mind at all. Mabilis niyang pinasunod ang mga ito sa kaniya at ito ang pinasuyo niyang mag-assist sa dalagang nakahimlay sa hospital bed. Siya ang nag-asikaso sa hospital bill at umalis na sila ro’n na siya ang nag-drive sa sasakyan.

He’s confused pero sa ngayon ay sisiguraduhin niya munang 100% safe and secured ang buhay ni Jackylyn sa kaniya. Nakapagdesisyon siyang sa bahay niya sa Fobres Park ito dadalhin at itago habang magpapagaling. Mas ligtas ito ro’n at mas masisigurado niya ang kaligtasan nito.

“Mr. Willoughby ayaw ko sanang sabihin ito pero may tendency na ma-comatose ang pasyente. Sa ngayon, sa Hospital muna ni Dr. Hayes natin dalhin ito para masuri at saka natin dalhin sa mansion niyo kapag okay na,” suhestyon ng Doctor na kasama niya.

He froze with a fist. Kung siya ang susundin, ayaw niya sa ideyang iyon pero kung sa ikakabuti naman ito ni Jackylyn kaya pumayag siya. Instead sa Fobres Park, sa HGOH niya ito dinala. Jackylyn was quickly taken care of as he left and he called Mordeccai.

“What?!” asik nito sa kabilang linya.

“Where are you?” kalmadong tanong niya.

“Going to bed,” galit na sagot nito. “Kung hindi mo mamasamain hayop ka, matutulog na ako. Kararating ko lang tangina mo!”

“Come here as fast as you can,” saad niya.

“Fuck you!”

“Fuck you too.” Pinatay niya na ang cellphone at tiningnan ang wristwatch, mag-hating gabi na pala. Ang bilis ng oras.

“Alam mo ba’ng putangina mo?” bungad sa kaniya ni Mordeccai. Madilim ang anyo at nakahalukipkip. Halos lamunin na siya nito ng buhay sa hitsura nitong hindi maipinta.

“Putangina ka rin.”

Sinenyasan siya nitong gigilitan sa leeg at tumalim ang mga mata nito sa kaniya. “Bakit mo na naman ako pinapunta rito bwesit ka? Hindi dahil sa kaibigan at pinsan mo ako, gagawin mo na akong alila!” asik nito.

“Remember the woman I told you before?”

“There were many of them, which one? Maliban sa putanginang malanding lalaki ka, suma-side line ka rin bilang prostitute nung nag-aaral pa tayo. Sino sa kanila at mailagay ko sa listahan ng mga pinagloloko mong hayop ka.”

Tiningnan niya nang nakakamatay ang kaibigan. Ang dami ng sinabi nito. Lumaban din naman ito ng titigan at wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo. Paano nga sila naging magkaibigan ng hayop na ito? Kung pwede lang putulin ang pagiging magkadugo nila, ginawa niya na. Siya ang unang nagbawi at bumuntunghinga. He need his help.

“I mean Jackylyn. You know her, don’t you?”

“Why would I know her? Kapag kilala ko ba siya bibigyan mo ako ng pera—”

“Oo! Fuck!” inis na putol niya. Madaldal talaga ang bwesit niyang pinsan at mukhang pera. “Two hundred thousand para sa oras mong buraot ka!”

He grinned and nodded quickly. “If that’s the case, I know her. Ang babaeng niligtas mo rati at kasama sa isla na dinala mo sa penthouse mo, at tinakasan ka kaya hinanap mo—”

“Enough! Kilala mo nga siya. Siya ang babaeng tinulungan ko kanina at dinala ko rito,” anas niya at namulsa.

“Tapos? Anong connection n’yon sa pagdisturbo mo sa payapang gabi kong hayop ka?” maikling sagot nito, “Pwede na ba akong umuwi? And one more thing, send the money right thru my bank account.”

Napamura siya. Tangina talaga! Kapag itong si Mordeccai ang kausap niya, nawawala ang pasensya niya. Mas tumutulis ang dila nito at nakakapagtaka nga kung bakit nagtagal sila nitong dalawa. Masyado nitong ginampanan ang pagiging abogado at walang preno ang bibig. Isali pa ang pagiging buraot nito.

“Help me,” nasabi niya rin.

“Umiyak ka muna,” nababagot na tanong nito. Kulang na lang ay maghikab sa kaniyang harapan.

Nagsimula siyang mag-warm up sa harapan nito. Ito na siguro ‘yong panahon na sampulan niya ito ng suntok tutal hinahamon nito ang pasensya niya.

“I’m joking. Yeah, what is it? Maghanda na ba ako ng kabaong at panglamay mo? Saan mo nga pala gustong ilibing? Sa himlayan ng mga nangangaliwa sa asawa o sa himlayan ng hindi minahan ng asawa?”

Fuck!

“You know what, you’re not helping at all! Umalis ka na. Kalimutan mo na ang two hundred thousand buraot ka.”

Bigla naman itong humagalpak ng tawa at doon lang niya napansin na pinagtitinginan sila ng mga staff at mga Nurse ro’n. Masyadong nakakatawag ng pansin ang suot ng kaibigan niyang may dementia.

Niyaya niya ito sa mas hindi mataong lugar. Baka hindi makapagtrabaho ng maayos ang mga staff na nando’n sa kakatingin sa kanilang dalawa. Pero bago sila umalis, nagpasabi siya sa mga guard at staff na walang papasukin sa private room kung saan si Jackylyn maliban sa kaniya.

Humantong sila sa bahay niya at may binigay siyang dokumento sa lalaki. Mga mahahalagang document iyon ni Jackylyn. Pinahanap niya ito pero gaya nga ng sabi niya, pinahinto niya. Hindi siya magaling sa ganitong labanan, limitado lang ang alam niya sa cyber world at tamad siya sa mga investigation na iyan kaya siguro ‘yong sinabi ng Private Investigator niya na walang lead sa kaniyang asawa sa buong taon na paghahanap, huminto na rin siya.

“What’s this?”

“Siguro papel?”

“Tangina ka,” asik nito.

“Tangina mo rin.” ningisihan niya ito pero agad din siyang nagseryuso. “I want you to investigate this woman named Jaakkina — Jackylyn Rokassowskij. I’m giving you this bro, I know you could help me. I need to find out who she really is and who are those people who wanted to kill her.”

Napantastikuhan itong tumingin sa kaniya at ilang segundomg dumaan bago ito nagsalita. “Why are you doing this?”

Natigilan naman siya. “I don’t know...”

“Tsk. I’ll send my condolences tomorrow. Mamamatay ka na yata, but don’t forget my money. Make it million, mahal ang bayad ng gwapong Attorney na ‘to. Näkemiin!” Bye. Tumalikod na ito dala-dala ang envelope na binigay niya na hindi man lang inabalahan tingnan.

Natatawang napailing na lang si Theon sa hitsura ni Mordeccai mukhang galing sa isang hotel room at may sexual activities na ginawa. Gross!

Agad siyang tumayo at nagtungo sa sariling silid at naligo nang mabilisan. Kailangan niya pa balikan si Jackylyn sa Hospital at bantayan ito. Habang napapailing naman si Mordeccai na nagtungo sa kotse nito.

“Tanginang Theon na ‘yan! Babae lang kinababaliwan? Fuck. Kung hindi ko lang kaibigan ang gago baka sinuntok ko na sa reyalisasyong ang pangit niya magmahal!” At hindi niya mapigilang humagalpak ng tawa pero agad din siyang tumigil at inayos ang sarili. Napatingin siyia sa review mirror. Napailing-iling siya sa sobrang kagwapuhan.

Maraming babaeng naghahabol at humahabol sa kaniya pero hindi siyang maghahabol sa mga ito. Masyado siyang gwapo, at perfect. Sa mukha pa lang niya, perfect na perfect ang kutis. Kahit nakaroba lang siya, sobrang hot at appealing niyang tingnan paano pa kaya kung naghubad siya.

Why I’m so hot? Pinanganak akong sobrang gwapo. Arghh! At umalis na siya ng tuluyan. Nakakasawa ang pagmumukha ng kaibigan niyang si Theon. Baka mahawa siya sa kabaliwan nito.

Habang papuntang Hospital si Theon ay sandali siyang natigilan sa mensahe ni Mordeccai sa kaniya. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan at nagda-drive sa gitna ng maluwang na kalsada. Problema nito?

“The money.”

Dalawang letra. Napatawa na lang siya sa sobrang segurista nito. Hindi niya na pinansin ang kaengutan ni Mordeccai at nagtuloy-tuloy na siya. Sa isipin na abot-kamay niya na ang babae ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Hindi niya mabigyan ng pangalan kung ano iyon pero sa ngayon, kaligtasan muna nito ang unang priority niya.

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.