Chapter Story 2 - Chapter 21

“ Stop there Mr. Rokassowskij.” boses ni Farhistt iyon at patay na bumagsak ang apat na tauhan na pumipigil kay Theon. Kasunod sa likuran nito ay si Mordeccai at ‘yong tatlo na kasama pa nitong lalaki. Duguan na ang mga ito pero wala yatang balak sumuko.

Akmang kakalabitin ng matanda ang gatilyo ng baril pero mabilis niya itong nadakma at walang kahirap-hirap na pinahalik sa sahig ang matandang Don. Nagwawala ito sa sobrang galit kaya si Farhistt ang lumapit dito at nilagyan ng posas ang dalawang kamay para hindi makawala.

“Case solved.” Humarap si Farhistt sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat. May kinuha itong susi sa bulsa ng matanda at binigay sa kaniya. “Ako na bahala kay Mr. Rokassowskij and ikaw na rin ang bahala kay Jackylyn.” Walang kangiti-ngiting saad nito at agad na tumalikod habang bitbit ang matandang Don na hindi na makaimik pa.

“Dupe, sasabay na ako kay Farhistt.” pagpaalam ni Mordeccai. “And please bear in mind, may asawa ka pa.” ngumisi ito at nagmamadaling tumakbo na papalabas kahit ang daming sugat na nakuha.

Minsan gusto niya na talagang patayin ang kaibigan niyang wala sa ayos. Napaigik siya ng maramdaman niyang sumigid ang kirot sa kaniyang sugat na natamo, nagdudugo iyon. Huminga siya ng malalim at marahan ang hakbang na lumapit siya sa dalaga na ngayon ay tahimik na umiiyak. Kakasabi lang niya kanina na huwag ‘tong umiyak.

Gamit ang susi, kinalagan niya ang posas ng bawat kamay nito at tali sa leeg. Isang malakas na sampal naman ang nakuha niya kay Jackylyn at galit na sinumbatan siya.

“Bakit ka ba ganiyan, ha?!”

Natuliro siya bigla sa naging tanong nito. Hindi niya alam ang sasabihin habang nakatunghay sa dalagang galit na galit.

“Ang tigas ng ulo mo! Paano na lang kung namatay ka, paano na lang kung hindi dumating si Yx, paano na lang kung tuluyan kang binaril ng lolo ko? Ha, paano?! Ba't ba ganiyan ka. Hindi mo alam kung gaano ako kinain ng sobrang takot sa isipin na harap-harapan kitang makikitang mamatay. Ang sama mo Theon, ang sama mo talaga!”

Para naman siyang timang na napangiti sa sinabi nito kaya walang pagdadalawang isip na niyakap niya ito nang sobrang higpit kahit ang sakit ng sampal nito. Pangmalakas ang sampal nito, pang-famas sa sakit! Akala rin niya kanina na madadali siya pero mas panig yata ang demonyo sa isang Willoughby.

“Don’t cry, buhay pa ako or kung gusto mo mamatay ako ngayon din?” nakuha niyang magbiro pero hampas ang nakuha niya. Natatawang napaaray na lang siya at sinalag ang mga hampas nito. “Jacky...” bigla siyang nagseryuso at napatingin sa mga namumugtong mata nito.

Eksaktong nagtama ang mata nila ng magtaas ito ng tingin at nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Theon naglaho ang lahat ng pagod at sakit ng katawan na nakuha niya. Mata pa lang ng dalaga, nababaliw na naman siya...

“Can I ask you a favor?”

Napatitig ito sa mga mata niya at pilit binabasa kung ano ang kaniyang gustong sabihin. “A-ano...?”

“Can I love you too?” There, nasabi niya rin. “I know, isa akong taong may asawa pero sa`yo, sa`yo ko natutunan itong lengwaheng nababaliw. Hindi ako naging ganito kay Amara and yes I admit, kasal kami sa papel pero hindi sa puso at kaluluwa. Mahal ko ang asawa ko Jacky, pero nung dumating ka... Lahat biglang nagbago, ginulo mo mundo ko. You took my heart away from me and that was your biggest mistake.”

“T-theon...”

“I love you...” Ang lahat ng agam-agam na naramdaman niya ay biglang nawala nang sambitin niya ang katagang ‘yon. Nasabi niya rin sa wakas ang damdamin na minsan niyang tinikis sa sarili. Iba nga talaga ang nagagawa ng pagmamahal.

“Kusipaa!” Asshole. Naluluhang saad nito at marahan siyang hinampas sa balikat. “Alam ko. Sino ba kasing baliw ang susunod dito sa Finland at bibilhin ako sa napakalaking halaga na buong pera yata ng Pilipinas at balak maging pulubi pagkatapos.” Tuluyan na itong umiyak at mahigpit na yumakap sa kaniya. “I love you first, Theon. Baliw ka, baliw ka talagang lalaki ka!”

“Ang sweet naman, naiiyak ako sa mala-pelikulang palabas ngayon pero humanda ka sa asawa mo hindut!” boses ni Mordeccai ang narinig niya sa kabilang linya.

Awtomatikong napalingon siya sa may pintuan at nakita niya ro’n ang lalaki na nakasandal and out of somewhere, may bitbit na ito ng popcorn at nanonood sa kanila. Nakikipagbatuhan pa ito ng ilang popcorn at nandidiri sa kanila.

Imbes magalit, natawa na lang sila pareho ng babaeng mahal niya. Bumitaw si Jackylyn sa kaniya at patakbong niyakap si Mordeccai. Gulat na gulat naman si Mordeccai sa ginawa ni Jackylyn at hindi makahuma.

“S-salamat... Salamat dahil kahit hanggang dito, tinu-lungan mo pa rin si Theon at ako. Hindi mo hinayaan may masamang mangyari—” Hindi natapos ni Jackylyn ang sasabihin dahil biglang hinila ito ni Theon at parang batang ayaw itong ipamigay sa iba.

“Hey baby, bakit sa kaniya ka nagpasalamat? Wala siyang ambag sa`tin at siya ang malaking sagabal sa pagibig ko sa`yo.” nakabusangot na reklamo niya sa dalaga at hindi maipinta ang buong mukha sa selos.

“Para kang bata Theon, alam mo ba iyon?” Si Jackylyn na naiiling na tiningnan siya.

“It’s because I’m telling the truth. Ang pinsan ko ang hadlang!”

Napalinya naman ang tingin ni Mordeccai kay Theon at binato siya ng popcorn. “Fuck you!”

“Yeah, fuck you too.” Napangiti siya. That is their one way of saying thank you and showing how they treasured their friendship.

Tumalikod na ito pero bago iyon, kumindat pa ito kay Jackylyn pero mabilis niyang pinanlakihan ng mata ang kaibigan at akmang hahabulin ng suntok pero napigilan siya agad ng babae at natatawang niyakap siya mula sa likuran. Hayop talaga minsan si Mordeccai, buti na lang at niyakap siya ng dalaga dahil kung hindi... Baka... Fuck, natunaw na ang puso niya. Tuluyang nawala ang asar niya kay Mordeccai at malamlam ang mga matang napatingin sa babaeng sariling buhay niya ang kaniyang ginawang puhunan.

“Thank you...” nakalabing saad nito at marahang ginulo ang kaniyang buhok nang humarap siya rito. “Hindi sapat ang thank you pero sana maging sapat ito.” At bigla nitong tinawid ang pagitan ng kanilang labi.

Hindi na siya nagsalita pa at puno ng pagmamahal na tinugon ang halik ng dalaga. Ang kamay niya ay mabilis na humaplos sa malambot nitong katawan na minsan ng bumaliw sa kaniyang katinuan at sa lugar na iyon mismo, sa loob ng plane, binigyan nila ng katuparan ang pagmamahal niya sa dalaga.

Pareho silang bumagsak sa malambot na kamang nando’n at sa ikatatlong pagkakataon simula nung inangkin niya ito sa penthouse, nangyari ang pinakamasaya at pinakamasarap na araw na iyon. Hindi niya ininda ang mga sugat na natamo dahil halik lang ng dalaga at bawat haplos nito sa dibdib niya, lahat naglaho.

“Kielletty alue! Kielletty.” Restricted Area! Restricted. Malakas na sigaw ni Mordeccai sa labas at dinig na dinig ni Theon iyon sa pamamagitan ng suot niyang earbuds. “Bilisan mo diyan, hindi ‘yan hotel tangina ka!” asik nito sa kaniya at saka pinatay ang kabilang linya.

Napangisi na lang siya at tinapon sa kung saan ang earbuds at muling hinarap ang dalaga. Sa malambot na kamang nando’n, muling nag-isa ang kanilang katawan at sabay nilang inabot ang langit.

TATLONG BUWAN ang nakalipas, kung nakakangalay lang ang ngumuti baka kanina pa nangalay ang mukha ni Theon sa kakangiti habang pinagmamasdan si Jackylyn na lumabas ng silid. Ito ‘yong araw na pupuntahan nila ang lolo nitong nakakulong panghabang buhay sa Finland. Naging tahimik lang ang kaso ng matandang Don, hindi rin pinalabas sa kahit anuman news ang nangyaring patayan. Lahat ng mga leak footage sa nangyaring patayan ay binubura ng babaeng mahal niya at pinatiling tahimik ang lahat.

“Laway mo,” biro sa kaniya ni Jackylyn.

“Napunasan ko na.” Ngumisi siya at irap naman ang nakuha niya sa dalaga.

Doon lang din niya napansin na suot nito ang kwentas na binigay niya matagal na. Naglaho ang kaniyang ngiti at lumapit dito. “That necklace...”

Napatingin naman ito sa suot nito at namumulang napangiti. “Oo, tinago ko. Maraming beses na gusto ko ‘to itapon para kalimutan ka kaso hindi ko magawa.”

Para siyang teenager na kinilig sa sinabi ng babaeng mahal niya. Ang baby Jackylyn niya na malayong malayo na sa unang babaeng nakita niya sa yacht at nakasama sa isla. Kahit ang laki ng kinaganda nito, ando’n pa rin ang inosenteng side na nagbibigay ng kakaibang karisma sa magandang mukha ng dalaga. Kaya bago pa magising ang sundalo niyang nananahimik sa ibaba, mabilis niya na itong hinalikan sa labi at niyayang umalis na sila sa hotel na kanilang tinuluyan.

Nasa malayo lang siya habang pinagmamasdan ang babae na kaharap nito nang sarilinan ang lolo. May dala silang cake at regalo sa matandang Don at aaminin niyang naawa siya sa kalagayan ng Don pero kailangan nitong magbayad. Pasalamat ito at hindi niya ito napatay, mas pinili niyang batas ang humatol. Alam niyang hindi magugustuhan ni Jackylyn ang gagawin niyang pagpatay rito kung sakali.

“Hyvaa syntymapaivaa, ukki.” Happy birthday, lolo. Marahang sambit ng dalaga at nagbigay galang sa matanda.

Malungkot siyang napatingin sa mga ito at hinintay kung ano ang magiging reaksyon ng matanda.

“Narttu!” Bitch! Galit na sagot ng Don at umalis.

Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at nilapitan si Jackylyn saka niyayang umalis na sila ro’n. Alam niyang kahit gaano kasama ang matanda, may konting respito pa rin natira sa puso ng babae kaya heto sila ngayon at binibisita ito buwan-buwan. Wala nga lang pagbabago, lagi itong iniinsulto ng matanda at susundan ng alis.

“Si Zerus?” tanong nito nung papasok na sila sa sasakyan pabalik sa hotel.

“Sa ngayon, hinahanap na siya. Don’t worry baby, everything will be okay. Makukulong si Zerus at wala ka nang dapat pa ikatakot."

“Sinong takot, ako?” bwelta nito at tinaasan siya ng kilay.

Natigil naman siya sa pagsaksak ng susi sa sasakyan at napatingin sa babaeng mahal niya. “I mean ako. Takot ako sa isipin na aalis ka na naman at mawawa—”

Isang halik ang dumampi sa labi niya at pinisil nito ang kaniyang pisngi. “Ayan, okay na ba?”

Natatawa na lang siyang tumango at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Kinakailangan niyang magpigil muna dahil oras na dumating sila sa hotel, sa elevator pa lang sisigaw na ito sa sarap. Isang kindat ang binigay niya sa babae at mabilis na pinaalis ang sasakyan.

“Theon ‘wag! Nakikiliti ako, ano ba…”

Nakangising kinagat niya ng marahan ang leeg nito at sinipsip nang nasa penthouse na sila na pag-aari nilang dalawa. Sinundan niya ito nung papaakyat ito sa 2nd floor. Agad niyang hawakan ang kamay nito at pinigilan nung sa ikasampung baitang na silang dalawa.

Aaminin niya, naaadik siya sa amoy ng dalaga. Sa katawan nito, sa dibdib, sa perlas nitong sa kaniya lang laging inaalay. Natawa nga sila pareho nung naabutan sila ng staff na naghahalikan sa elevator at muntikan ng mag-love making dahil binaba na niya ang suot nitong undies nung nasa Finland sila.

“Hmm... Will you let me in?” pang-aakit niya habang ang kaniyang kamay ay busy na sa paglalakbay sa katawan nito.

“Pero—"

Hindi niya na hinayaan pa magsalita ito, agad niyang tinuldukan ang kung anuman sasabihin ng dalaga. Isang mapusok na halik ang binigay niya rito at kasabay n’yon ay ang paglalakbay ng kaniyang kamay sa dalawang dibdib nitong inaakit siya. Napaungol si Jackylyn at mas lalo itong nagpadagdag sa kagustuhan niyang angkinin ito ngayon mismo sa may hagdanan.

May pananabik na hinubad niya ang suot nitong undies. Literally speaking, kagagaling lang nila sa simbahan at nagsimba pero heto siya ngayon, ang babae na naman ang sinasamba. Agad siyang yumukod at walang pagdadalawang isip na kinain ang pagkababae nito. Napasabunot ito sa kaniyang buhok at napaungol ng malakas.

“B-baby...” habol nito ang hininga at hindi alam kung saan ibabaling ang ulo.

Habang siya ay puno ng kasabikan na sinamba ang babaeng mahal niya. Wala siyang pakialam kung dito sila sa hagdanan dahil ang totoo, halos naikot na nila ang buong kabahayan. Mas maganda nga ito, exciting. Napangiti siya ng nakakaloko at mas lalo pa minabuti ang pag-angkin ng perlas nito sa pamamagitan ng kaniyang dila at daliri.

“Kaya pa baby?” panunukso niya.

Inirapan lang siya nito at mas lalong diniin ang kaniyang ulo. Ngumisi lang siya at mas lalong ginalingan ang pagsipsip sa clit nito at nilaro ang G-spot ng dalaga.

“Theon! I’m coming.” mas diniin nito lalo ang kaniyang ulo sa pagitan ng hita kasabay n’yon ay ang paglabas ng juices nito.

Marahan niyang sinipsip lahat ng katas at bago pa ito makabawi sa sarap na kaniyang binigay, pinatalikod niya na ito at sa likod inangkin. Kapwa sila napaungol dalawa nang dahan-dahan niyang pinasok ang kaniyang sundalong hanggang makipaggiyera. Napakapit ang dalaga sa railings at siya naman ay sa buhok nito at beywang.

“Baby! Ohhh...” napaungol siya at sinagad ang kaniyang pagkalalaki rito. “Fuck I’m coming...”

Tanging ungol at pangalan lang ang isinagot sa kaniya ni Jackylyn. Mas binilisan niya ang paglabas-masok sa loob nito at napaungol ng sobrang lakas nang maramdaman niyang nanalo na ang kaniyang sundalo sa matinding labanan. Champion!

Nanginginig ang mga tuhod ng dalaga nang pangkuin niya ito at inakyat sa silid nilang dalawa. Sa ikalawang pagkakataon, inangkin niya ito sa shower room. Tanging pangalan lang nila sa isa’t isa ang maririnig sa buong sulok ng kwarto at ungol nilang dalawa. Fuck, kung ganito ba naman kasi kasarap na hindi niya kailanman pagsasawaan. Kung ano man ang maging resulta nito, kung makakabuo silang dalawa... Gusto niya maraming dosena ang gagawin nila.

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.