Kahit ‘di nito sabihin, papunta na siya sa babae. Sinigurado lang muna niya ang kalagayan nito bago siya susugod. Mabilis siyang nakasingit sa mga tao at isa itong malaking advantaged sa kaniyang side. Walang pagdadalawang isip na hinila niya sa kwelyo ang lalaking guard na bubunot sana ng baril at ipuputok sa kaniya.
“Missa Don Jukka on? Oletko nahnyt hanta?” Where is Don Jukka? Have you seen him? Tanong niya sa lalaking gulat na gulat sa kaniyang ginawa. “Tell me where the hell is he?!”
Nanginginig ang kamay na tinuro nito ang kaliwang hallway. Hindi na rin siya nagpasalamat, basta lang siyang tumakbo papunta sa deriksyon na tinuro ng security guard habang may baril na bitbit sa isang kamay. Hindi santo ang bala ng kaniyang baril kaya kung sakaling babaon ito sa katawan ng matandang Don, kapalaran na nitong mamatay sa mismong kamay niya.
There! Nakita niya agad mismo nung paglabas niya ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang private plane at pinilit na papasukin ang dalaga sa entrance door. Tama si Mordeccai sa pag-described laban sa Jackylyn niya, may handcuff nga ito at tali sa leeg. Damn shit! Ginawang hayop ang babaeng mahal niya— bigla siyang natigilan. Mahal niya si Jackylyn?
“Isa kang demonyo at ganid sa pera. Napakawalang kwentang tao ka talaga!” malakas na sigaw ng dalaga at nakikipaghilaan ng tali na hawak ng isang tauhan nito.
Nakangisi lang si Don. Jukka at humithit ng sigarilyo. Doon lang din napansin ni Theon na maraming tauhan nito ang nakatayo at nakakalat. Mukhang inabangan ng mga ito ang pagdating niya kung ‘di siya nagkakamali. Nag-isip siya nang kung anong pwedeng gawin nang mga sandaling ito pero walang pumasok sa kaniyang utak. Ang tanging gusto lang niya ay makuha ang babae at itakas.
“Bring him in,” anas ng Don.
Fuck no! Agad siyang lumabas sa pinagtataguan at bahala na kung ano ang magiging kahinatnan ng lahat pagkatapos nito. Mula sa malayo ay sumigaw si Mordeccai na galit na galit habang nakikipagpalitan ng baril sa mga tauhan.
“Hayop ka talaga Theon, bayani ka ba? Magpapakamatay ka na nga lang, sa dayuhang lugar pa!” gigil na sambit nito at tinulungan siyang makipagpalitan at sagutan ng putok ng baril.
Agad siyang nagpagulong at nagtago sa malalaking boxes na nando’n. Tanaw na tanaw niyang pinipilit na ipasok ang dalaga sa loob ng private plane habang nakakunot na ang noo ng matandang lolo nito.
“Mordeccai?” tawag niya sa kaibigan mula sa kabilang linya.
“Dede ka? Putang ina mo, ah.” asik nito. Tulad niya, nagtatago rin ito mula sa kalayuan at hapung-hapo na tingnan.
Natawa na lang siya sa isiping Attorney lang talaga ang kaibigan niyang ito. Hindi ito mahilig sa patayan pero heto at sumama sa kaniya kahit lagi silang nagbabangayan at nag-aaway dalawa, alam niyang kapatid ang turing nila sa isa’t isa.
“Back me up bro, kailangan ko makuha si Jacky—"
“Are you crazy? Baka ‘di ka na umabot sa paanan niya patay ka na,” galit na asik nito. Kulang na lang ay magbuga ito ng apoy, “Hindi kita sinamahan dito para hayaan kang mamatay puta ka!”
“I know, I know but we don’t have a choice. Just back me up bro!” At walang pagdadalawang isip na lumabas siya sa pinagtataguan.
“Putangina ka talaga Theon, ang sakit mo sa itlog!” Napilitan itong lumabas at sundin ang gusto niya.
Kung hindi mabilis ang galaw nito baka natamaan na siya. Malakas na napasigaw ang dalaga nang makita siya. Nagpumilit itong makawala pero hinawakan ito sa buhok ng lolo nito at hinila papasok sa loob.
“9AM!” malakas na saad ni Mordeccai.
Napalingon siya sa sinasabi nitong deriksyon at pinagpapaputukan niya ang mga ito mula sa dalawang baril na nakuha niya sa mga napatay niya. Napamura na lang siya nang muntikan na naman siyang matamaan. Parami nang parami ang mga kalaban nila at hindi nila kakayanin ‘yon ng kaibigan niya. Tama nga si Mordeccai, mukhang mamatay muna siya bago siya makakalapit kay Jackylyn.
“Get her!”
Hindi niya kailangan ng lumingon kung sino ang sumigaw, Si Farhistt ito at may kasama itong tatlong lalaki. Nagkaroon siya ng lakas-loob at imbes na takbuhin ang plane para pumasok sa loob, ang gulong ang pinuntarya niyang paulanan ng bala. Nagsimula na itong umandar pero hindi niya hahayaan makaalis ito na hindi niya nakukuha ang babae. Malakas ang uri ng baril na nakuha niya kaya may tiwala siyang puputok ang gulong na parang bola.
“That’s it!” napangisi siya ng mag-deflate ang mga gulong, sapat para hindi na ito makalipad pa.
Isang dipa lang ang tinakbo ng private plane at huminto ito. Hindi pa man siya tuluyan nakalapit, biglang bumukas ang pintuan at lumabas do’n ang isang malaking lalaki na may dalang M-4 Carbine.
Shit! Mabilis siyang tumakbo at umikot sa likuran ng plane habang nakasunod sa kaniya ang mga bala. Ang lakas ng tahip ng dibdib ni Theon nang muntikan siyang madali. Kung hindi dahil sa adrenaline rush niya, baka bangkay siyang dadalhin sa Pinas.
“You okay?” boses ni Mordeccai ang sumalubong sa kaniya thru earbuds.
“Yeah, no worries.” habol niya ang hininga at sandaling pinunasan ang pawis. Napatingin siya sa dala niyang baril, ilang bala na lang meron siya.
Napasulyap siya kay Farhistt, nakikipag-one on one ito habang ang mga kasama nito ay gano’n din. Hindi niya kilala kung sino ang mga ito pero kung titingnan, hindi basta-basta ang mga ito lalo na pagdating sa bakbakan at one on one. Nakakahiya sa sitwasyon niyang nagtatago sa likuran ng sasakyan himpapawid kaya ang ginawa niya ay agad siyang lumabas at asintunadong binaril ang lalaking may hawak na M-4 Carbine. Napangisi siya sa tuwa nang bumagsak ito at nagpagulong sa hagdanan.
Habang isang malakas na sipa ang bumungad sa kaniya nang umakyat siya sa hagdanan at pumasok sa loob. Dumugo ang kaniyang ilong at kung ‘di siya nakahawak sa railings ng hagdanan, baka sumubsob na siya sa semento at nakipaghalikan dito. Nabitawan niya ang kaniyang baril at bumagsak sa ibaba.
Dalawang dayuhang lalaki ang nakatayo sa may pintuan at nakapamulsa ang mga ito kasabay ang malakas na paghaplos ng hangin, ay ang pag-alsa ng lamig sa kaniyang buong katawan.
Fuck the winter season coming!
Nakatingin ang dalawa sa kaniya na parang hangin at hindi siya nakikita. Mukhang iniinsulto nito ang kaniyang kakayahan. Hindi sila naging magpinsan ni Doc. Hayes para sa wala. Nasa dugo na nila ang pagiging ganito at mukhang kailangan niyang sampulan ang dalawang dayuhan para padaanin lang siya.
Pero napamura siya sa sakit nang tumama ang paa ng isa sa kaniyang panga habang ang isa naman ay sa dibdib niya. Nagsalitan ang dalawa. Damn shit, ang sakit! Hindi basta-basta ang taong nasa kaniyang harapan. Napahawak siya muli sa railings at pinigilan ‘wag mahulog.
“One step further and death awaits you,”babala ng isang lalaking may malaking tattoo sa kaliwang pisngi. Nakapamulsa ito at tila walang kinakakatakutan.
Umayos siya ng tayo at inisip kung paano mapapatumba ang mga hayop na nasa kaniyang harapan. Wala yata siyang balak padaanin. Nakakaubos na rin ng pasensya at nakailang sipa na ang mga ito.
“Then I fucking don’t care!” Ngumisi siya.
Hindi napaghandaan ng dalawa ang pagbiglang lipad sa hangin ng kaniyang paa at sinipa ng malakas sa hinaharap ang lalaking may tattoo. Napaigik ito sa sakit at napaupo. Pinunasan niya muna ang dugo sa kaniyang labi bago hinarap ulit ang isa at nakipagbuno rito sa may hagdanan.
“Theon!”
“Jacky!” Natigilan si Theon sa pagpasok sa loob ng plane nang makitang nakaumang ang improvised baston-gun sa kaniya ni Don Jukka. Sa kabilang kamay nito ay ang cigarette pipe at kampante itong humithit ng usok at binuga sa hangin.
Natalo rin niya ang dalawang lalaking nakaharang sa kaniyang daraanan kanina. Sa pagmamadali niyang makuha ang babae, ginamitan niya ang mga ito ng nakakamatay na technique at ‘yon ay hilain ng mapwersa ang lalamunan ng isa saka malakas na siniko ang puso. Habang ang isa ay pinuntarya niya ang leeg nito at pinaghahampas ang ulo sa bakal na hagdanan.
Napahugot siya ng malalim na hininga. May apat na lalaking nakatayo at lahat ng mga ‘to ay nakapamulsa habang naghihintay sa utos ng Don. Mula sa labas, dinig na dinig niya ang patuloy na pagpapatayan ng mga kasamahan niya at ito siya ngayon, naghahabol ng hiningang nakatayo sa harapan ng mga ‘to.
“Don’t ever think about it. Tumakas ka na Theon, save yourself!” pakiusap ni Jackylyn.
Napatingin siya sa dalaga at napailing, iyon ang hindi niya kayang gawin sa mga sandaling ito. Malayo na ang narating niya para isuko ang babae. Humakbang siya ng isa at kitang kita niya ang paghawak ni Don Jukka sa trigger. Sandali itong tumigil sa paghithit ng sigarilyo at matiim siyang pinagmasdan.
“200 billion at ibigay mo sa`kin si Jackylyn,” pinal na saad niya at walang takot na nakipagtitigan kay Don Jukka.
Natawa lang ito at inabot sa tauhan nito ang hawak na cigarette pipe. “I changed my mind. After all, mamatay ka rin sa kamay ko bata and all of your money will be mine. Jaakina will become my assassin. I had this planned to remove you from her senses and make her useful. You know how science will do, right?"
Nagulat siya sa nalaman. Fuck no! Hindi niya papayagan mangyari ang bagay na gusto nito.
“Stop this! Theon has nothing to do with it. Let him go, don’t hurt him!”
“You think I didn’t know Jaakkina, you love that married man? Alam mo kung bakit pinatay ko ang ama at ina mo dahil sa walang kwentang pagmamahal na ‘yan?”
Hindi siya makahuma sa sinabi nito. Isa lang ang pumasok sa isipan ni Theon at ‘yon ay ang sinabi nitong mahal siya ng dalaga. Ang lakas ng kabog ng puso niya at mas lalong tumaas ang hangarin niyang iligtas ito.
“Theon, umalis ka na. Hayaan mo na ako, kailangan mo mabuhay. Hindi mo alam kung ano klaseng tao ang nasa harapan mo ngayon,” muling pakiusap sa kaniya ni Jackylyn at marahang pumatak ang mga luha sa mata nito.
“Jacky...”
“Ma rakastan sua...”
Para siyang binagsakan ng langit sa salitang binanggit nito at hindi nakapagsalita. Pakiramdam ni Theon ay umikot ang kaniyang mundo. Muli siyang humakbang papalapit sa dalaga pero humarang agad sa kaniya ang apat na tauhan at tinulak siya pabalik.
“Get out of my way!” galit na sigaw niya. Nagsilabasan ang litid ng mga ugat sa kaniyang leeg pero tila walang narinig ang mga ‘to at tiningnan lang siyang parang hangin.
The blood was dripping from his fist and forehead. May tama rin siya sa tagiliran nung akma siyang sasaksakin nung lalaking may tattoo sa mukha, nailagan niya iyon pero nahagip pa rin ang kaniyang tagiliran. Napakuyom siya ng kamao at nagbilang ng tatlong segundo sa isipan.
Isa... Dalawa... Tatlo!
Napasigaw si Jackylyn nang sumugod siya at nakipag-one on one sa apat na kalalakihan pero dahil may sugat na rin siya sa tagiliran at hindi rin basta-basta ang mga taong ito, agad siyang napabagsak ng apat. Napaluhod siya at nagpipigil mapasigaw sa sakit nang baliin ng isa ang kaniyang dalawang kamay.
Fuck!
“I told you young man, mamatay ka sa sarili kong kamay.” Tumayo ang matandang Don at bawat hakbang na binigay nito papalapit sa gawi niya ay nagpapahiwatig sa kaniyang kamatayan.
Napasulyap siya sa dalaga, hilam sa luha ang mga mata nito at nagpupumilit na makawala sa kinauupuan. Kitang kita niya ang takot sa kislap ng mata ng babae at ang takot na may masamang mangyari sa kaniya. Napangiti siya habang inalala ang sinabi nito kamakailan lang, ‘Ma rakastan sua...’ ibig sabihin ay mahal siya nito. Mahal siya ni Jackylyn, fuck, mahal siya nito!
Nagpumilit siyang makawala pero nalugmok siya ulit dahil mas hinigpitan ng isa ang pagbali sa kaniyang dalawang kamay at may pumipigil din sa kaniyang balikat para ‘di siya makatayo.
“Please ‘wag mo siyang saktan. Maawa ka, ‘wag!” nagwawala na si Jackylyn sa kinauupuan at panay hila ito sa nakaposas na kamay sa upuan.
Tuluyang nakalapit sa kaniya si Don Jukka at iniumang sa kaniyang noo ang dulo ng improvised gun nito at nakangising demonyo.
“Ei ole sellaista rakkaudeksi kutsuttua asiaa. Koska tuo rakkaus on sinun ainoa lippu helvettiin.” There's no such thing called love. Because that love will give you one way ticket to hell.
Napatingin siya sa dalaga at ngumiti sa huling pagkakataon. Gumuhit naman sa labi nito ang kaniyang pangalan at umiling-iling. “Ala itke vauva...” Don’t cry baby. Mahinang saad niya pero mas lalo itong umiyak at nagsisigaw na ‘wag siyang saktan.
Napatitig siya sa kay Don. Jukka at matapang na sinagot ang sinabi nito kamakailan lang. “Nahdaan helvetissa.” See you in hell.
“Lolo ‘wag!” Malakas na hiyaw ni Jackylyn ang narinig ni Theon at kasabay ang malakas na alingawngaw ng putok ng baril.
***