Sa isang mumurahing hotel si Lianne bumagsak. Ayaw niyang bumalik sa bahay ng kaniyang tiyahin at baka mahabang sermon ang abutin niya rito pag makita siyang bitbit ang kaniyang mga gamit. Iniwan niya rin sa ibabaw ng kama ang contract nila ni Zyd at nag-iwan siya ng note na gusto niya ng divorce. Pagkatapos ng nangyari, magpakatanga pa ba siya? Nasa Pittsburgh siya, wala sa Pinas para magpakamartyr. Sa Pinas lang uso ang marupok.
Mabilis niyang pinunasan ang luha na lumabas sa kaniyang mga mata. No, ‘di deserved ni Zyd ang iyakan. Dahil ang totoo, kung siya tanga, si Zyd mas tanga! Ginago na nga ito ng ilang beses ng ex, sige pa rin at hindi niya iyon kawalan. Nabasag nga puso niya at nasaktan but doesn’t mean na magpakarupok siya. Inayos niya ang sarili at pinangakong hindi siya iiyak na habang nakatingin sa salamin.
May mga kalmot at mga sugat lang naman siya pero keri lang. Malayo sa atay, ‘di nakakalason. Tinamad siyang gamutin ang kaniyang sugat, deritso lang siyang sumalampak sa kama at katabing natulog si Muning.
Kinabukasan, nagising siya na parang walang nangyari lang. Kalmado lang siya habang nag-iisip kung ano ang unang gagawin. Unang pumasok sa isip niya, buksan ang laptop at maghanap ng work online. Unang bumungad sa kaniya ang mahabang message ni Sheena sa Skype, ‘di lang muna niya pinansin iyon.
Iba’t ibang shops at company ang kaniyang inapplyan pero hindi pasok ang work experience na hinihingi sa kaniya. Napabuntunghinga siya sa inis. Kaya nga nag-apply para magkaro’n ng work experience! Hindi ‘yong hanapan siya ng ilang taon. Napaikot siya ng mata at humiga sa kama. Napatingin siya kay Muning na nagsimulang naglalambing sa kaniya. Teka, wala pala siyang cat food na dala Napabalikwas siya ng bangon at nagpaalam kay Muning na bibili ng mabilisang pagkain nito.
Nasa malapit na grocery store siya napadpad at naghanap ng pagkain ng baby niya. Akmang dadamputin niya na ang item nang may nagsalita sa kaniyang harapan.
“You’re Lianne Elhouette McClus— I mean, Vergara right?”
Napakunot siya ng noo. Familiar sa kaniya ang baklang nasa harapan niya ngayon. Saan ba niya ito nakita? Ah yes, ‘yong fashion designer na nakilala niya sa birthday party ni Ms. Williamson at nag-offer sa kaniya ng modelling job. Biglang nagliwanag ang kaniyang mukha at napangiti ng maluwang.
“Yes, I am. Hello, Fritz!” Ngumiti siya. Kunwari close sila. Naalala niyang nasa kaniya pala ang calling card nito. Bakit niya nakalimutan iyon?
Agad naman itong nagtatalon sa tuwa pero agad din kumalma nung may lumingon sa kanila. Mabilis siya nitong niyaya mag-coffee sa kaharap ng shop at magkwentuhan saglit. Dahil secured naman si Muning sa hotel room, agad siyang pumayag. Ngayon na kailangan na kailangan niya ng trabaho.
Nalaman niyang matagal na siya nitong gustong i-reach out kaso wala itong number sa kaniya. Natawa siya sa part na iyon. Wala naman kasi siyang cellphone at ‘di rin niya binigay ang kaniyang Skype ID. Nag-offer ito sa kaniya ng trabaho at hindi na siya nagpakipot pa, agad niya itong tinanggap. Kahit maging janitress o tagasilbi lang siya ng kape, walang problema iyon kay Lianne. Ang importante sa kaniya, may trabaho.
Binigyan siya nito ng panibagong calling card at pinapabisita sa office nito saka ito nagmamadaling nagpaalam dahil baka mamatay raw ang alaga nitong pusa. Kung swerte ba naman ang pag-usapan, siya na yata ang pinakaswerte! Bukas na bukas rin, pupunta siya at tatanggapin ang modelling job. Petite nga siya, but she can slay.
“Baby Henli!” masayang sinalubong siya ng kaniyang pusa, “May work na si Moma mo!” Agad niya itong kinarga at inikot-ikot sa hangin. Kung may malas, may swerte. Mahigpit niyang niyakap ang pusa at naiiyak sa sobrang tuwa.
Actually, kanina pa siya gustong maiyak pero pinipigilan lang niya. Thankful din siya at nakakilala sa kaniya or wala naman talagang may paki sa kaniya dahil isa siyang Pinay. Racists to the highest level pa nga ang iba.
Umaga pa lang, naghanda na siya na pupunta sa office ni Fritz Hertford. Nagpaalam na rin siya kay Muning na hintayin siya habang wala siya sa hotel room nila. Kagabi pa lang, nag-iisip na siya kung anong isusuot para naman magmukhang presentable sa harap nito. ‘Yong mga kagamitan at mga sapatos na binili sa kaniya ni Zyd sa Paris, hindi niya dinala.
Nalula siya sa sobrang taas na building na nasa kaniyang harapan. Nalilito siya bigla kung tama ba ang pinagdalhan sa kaniya ng taxi driver pero gumora pa rin siya. Sayang ang kaniyang ganda kung ‘di siya papasok. Agad siyang inasikaso ng staff nung sinabi niya ang kaniyang pangalan at may appointment siya kay Fritz. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang baklang kausap niya ay isang Vice-President lang naman ng Beauty and You Modelling Agency.
Agad siyang inasikaso ni Fritz at masayang nakipagchikahan sa kaniya lalo na sa topic-asawa niya. Mapakla siyang natawa. Kung alam lang nito talaga ang buong kwento, baka pagtawanan siya. pagkatapos ng chikahan at daldalan na akala mo close na close sila, binigyan siya nito ng contract.
Muntik pa siyang himatayin. Buti napigilan niya ang kaniyang brain cells na ‘wag mag-inarte. Walang pagdadalawang isip na pinermahan niya iyon matapos basahin ang lahat na nakasaad. Masayang niyakap naman siya ni Fritz at nakipag-shakehand.
“Congrats girl! I’m looking forward for this modelling journey of yours. I can’t wait to show the world your beauty, Lianne.”
Napakagat siya ng labi sa sinabi nito. Napakabait naman ng baklang ito. Parang naiiyak siya sa sobrang kabaitang pinakita sa kaniya. “Thank you so much, Fritz!”
“No worries.” Tumawa ito. “You can start working anytime you want,” pero agad napaisip ito nang makita ang kaniyang mga kalmot sa mukha. “Wait-wait, who did that? I felt bothered looking those scratches.”
Natawa siya at nagkailang kinalmot iyon ni Muning. Naniwala naman agad ito at pinaalalahanan siyang mag-ingat next time dahil sayang daw ang kaniyang kagandahan. Tumango lang siya at nagpaalam na rin agad kay Fritz. After 2 days na siya babalik dahil maghahanap pa siya ng malilipatang murang apartment. Ayaw niyang bumalik sa bahay ng kaniyang tiyahin. Saka malaki-laki pa naman ang pera niya sa bangko. Kaya niyang kumuha ng apartment at doon tumira.
Nagulat pa siya nung magkasalubong niya ang babaeng sinusumpa sa isipan. Napangisi siya. Si Kate Malandi Pepe. Agad naman tumaas ang kilay nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nung akmang lagpasan niya na ito, hinila nito ang kaniyang buhok na agad niyang pinigilan ang kamay nito at hinila rin ang buhok ng babae. Tsk! Anong akala nito? Ito lang may alam manghila in public?
“I’m still not done with you!” malakas na saad nito. Habang pinipigilan ang ‘wag mapaaray sa pagkakahila niya rin.
May ilang nakapansin sa kanila at napapatingin.
“Kate.”
Napalingon sila pareho sa tumawag sa pangalan nito. Nakita nilang seryusong humakbang papalapit sa kanila si Fritz. Agad siyang napahiya sa kaniyang inasta at humingi ng pasensya rito.
“I’m sorry—”
“No, Lianne. The way I see it, it’s Kate who started it first.”
Agad tumaas ang kilay ni Kate at galit na tumingin ito kay Fritz. “What the hell, Fritz. You defended this bitch?”
“Her name is Lianne and she’s my new princess,” walang gatol na sagot nito at mabait siyang tiningnan. “Come back anytime girl. See yah!”
Napangiti naman siya at kulang na lang mag-flip siya ng hair sa harapan ni Kate, na gigil na gigil. Kulang na lang yata sabunutan siya ulit. Sa sobrang kapal ng mukha nito, napansin niyang suot nito ang wedding ring na binato niya rito. Lihim siyang natawa. Mabilis na siyang nagpaalam at umalis sa lugar na iyon na nakangisi.
Napatingin si Lianne sa malaking salamin at napangiti. Kakayanin niya ang training kahit sobrang nahihirapan siya. Hindi naman siya pang-model ang dating pero dahil sa laki ng tiwala ni Fritz sa kaniya at sa kailangan niya ng trabaho para mabuhay rito sa Pittsburgh, kailangan niyang yakapin ang opportunity na iyon. Papatunayan niyang ang Pinay na tulad niya ay may kayang ipagmalaki.
Ang nakasaad sa contract, sa Catalog and Commercial Model siya ilalagay. Dahil hindi siya matangkad, hindi siya pwede sa Fashion or sa Run Away. Wala naman problema iyon kay Lianne, kahit maging tagahugas lang siya ng baso at plato okay na sa kaniya. Malaki naman rate ng dollar ‘pag naging peso.
It’s now or never! Ngayon niya ipapakita sa lahat na hindi lahat ng Pinay, kayang api-apihin. Lahat ng babae ay may iba’t ibang kagandahan, maputi man o maitim. After all, hindi sa kulay nababase ang kagandahan ng isang babae, nasa puso ito at kabutihan ng loob. And that gave her motivation. Fighting!
Hindi naging madali sa kaniya ang unang linggo at kulang na lang, sukuan niya ang kaniyang kagandahan. Charrut lang! Lalo na minsan nagkakasalubong sila ni Kate kahit ang laki ng Beauty and You, hindi nila maiwasang magbangayan. Pero siya na lang ang lumulugar dahil nahihiya siya kay Fritz. Ang pagkakaalam niya, Fashion and Glamour Model si Kate kaya ganito ito umasta sa lahat ng co-model nito.
“You okay? How’s the training?” natatawang tanong ni Fritz nang abutan siya nito ng paborito niyang coffee. Mabait ito sa kaniya, lahat ng mga baguhan model na kinuha nito ay tinitrato nitong parang pamilya kaya siguro successful ang modelling agency nito at isa sa pinakamalaking agency sa Pittsburgh.
“I’m slowly adapting it.”
Ngumiti ito at may pinakita sa kaniya na product. “Your hair took my attention before…”
Nanlaki ang kaniyang mata. Bakit parang na excite siya at kinabahan? “You mean… You’re giving me this shampoo? I like it!” Mabilis niyang dinampot ito at inamoy. Ang bango! Natawa ito sa kaniyang tanong. Halos maluha-luha ito at ‘di rin niya mapigilang matawa. May mali ba sa kaniyang tanong?
“No honey,” natatawang saad nito, “You’re so witty!” pabirong hinampas siya nito sa balikat. Close na yata sila. “Anyway, let’s be serious. This product is your first project. Congrats!”
Sa sobrang saya niya, halos yakapin niya na si bakla. Ang bilis naman ng blessing! Kahit papaano, may naitutulong din pala iyong Maria Clara niyang buhok. Alam niyang hindi pipitsuging product iyon, nakita niya ang presyo nito sa market at mahal ang price list kaya excited siyang gawin ang unang project niya. Sana maging successful. Sana, dahil ayaw niyang mapahiya si Fritz sa kaniya.
Halos magsitalon siya sa sobrang tuwa ng mag-click ang product sa market. Ang daming pumuri at bumili sa shampoo na ginawan niya ng commercial. Pakiramdam niya tuloy, ang ganda-ganda ng buhok niya. Kung sabagay, maganda naman daw talaga sabi ng mga co-model niya. Halos hindi makapaniwala si Sheena at nang kaniyang tiyahin pero sumopurta pa rin ito sa anong gawin niya sa kaniyang buhay, ‘wag lang daw siya magbigti.
Kulang na nga lang din kaladkarin siya ni Hera at Trixie nung nagpunta siya ng Coffee Shop sa araw na iyon. Sa tuwa ng mga ito, pinaghihila nito ang kaniyang buhok at masayang-masaya sa kaniya. Natigil lang ang harutan nilang tatlo nang pumasok si Zyd at naglakad patungo sa counter. Ne hindi ito tumingin sa kaniya at parang ‘di siya kilala.
Agad nagseryuso ang kaniyang mukha at walang pakialam na umupo sa isang upuan habang ina-assist ito ng dalawa. Sa tatlong linggong wala na siya sa buhay ng lalaki, inaamin niyang nakaramdam siya ng sakit at lungkot. Normal naman iyon dahil nasanay siyang lagi itong kasama at kausap tapos biglang—– lagapak. Sino ang ‘di masasaktan, right? Pero sa ginawa nito, ang dami niyang na-realize. Self-worth, self-love, self-respect. Na hindi siya isang pakarat, o sa tagalog, isang pakantot. Naghihintay na lang siya ng tamang panahon na makahanap ng tamang attorney pero kailangan niya muna mag-ipon sa ngayon.
Tumaas ang kaniyang kilay nang dumapo ang tingin sa kaniya ni Zyd na walang kaemosyon. Wow, ito pa ang tamang snob sa kaniya? Hinayaan lang niya iyon at kinuha ang cellphone sa bag nung tumawag si bakla. Required nito na magkaro’n siya ng phone dahil ang hirap daw niyang hagilapin.
“Hello, Fritz?” first base lang ang tawag niya kay VP. Ayaw nitong tawagin in a formal way dahil 40 pa naman ito at ayaw tumanda agad. “Okay, I’m going.” Agad siyang nagpaalam sa dalawang babae at mabilis na lumabas sa Coffee Shop.
Nag-abang siya ng taxi sa labas nang maramdaman niyang may tao sa kaniyang tabi. Hindi niya na kailangan lumingon, kilala niya kung sino ito kahit ‘di pa ito magsalita. Nakakatawa lang isipin, parang dati lang ang sweet nila sa isa’t isa at kulang na lang mainggit ang langgam sa sobrang sweet nila. Pero ngayon? Parang wala, back to strangers again.
“Congrats,” walang kaemosyong sabi nito.
Nag-iisip siya kung sasagutin ba niya or hindi… Pinili niya ang hindi. Nana-tili siyang tahimik habang naghihintay ng taxi. Ang tagal ba naman kasi! Hinihintay siya ngayon ni Fritz sa favorite spot nitong Coffee Bar. May ibibigay raw ito sa kaniyang panibagong project. Aside sa pag-undergo niya ng training kung paano pataasin ang self-confident, tinuturuan din siyang hasain ang kaniyang acting skills.
“Enjoying the spotlight? Nice.”
Ano ba problema nito? Gigil na gigil na siyang sumagot pero nagtitimpi siya.
“A model, not bad.”
Compliment ba iyon? It sounds like a sarcasm. Ano ba ang gusto nitong itumbok? Sinulyapan niya ang suot na wristwatch, ando’n na si VP at malamang hinihintay siya.
“You were still the under contract, Elhouette. That means, you’re still my wife. A contract is contract or you gotta pay twice the price.”
Doon siya nagulat sa sinabi nito. Wait, what?! Bago pa siya nakapag-react, tumalikod na ito at agad lumayo. Hahabulin pa sana niya ang lalaki pero may humintong taxi na sa kaniyang harapan kaya napilitan siyang sumakay.
Hayop! Wala iyon sa kontrata nila na babayaran niya ito ng doble kung sakaling ‘di niya susundin ang kasunduan nila. Kung meron din, wala siyang pakialam pa. Huh! After all ng ginawa nito, ito pa ang may ganang umarte na biktima? Ang kapal ng mukha ni Zyd. Maghaharap sila, maghaharap sila makikita nito! Pero sa ngayon, haharapin niya muna si V-President at kailangan niya ng trabaho.
Matapos silang mag-usap ni Fritz, agad siyang nagpaalam. Next week ay may photo shoot siya at commercial shoot kaya dapat niyang ihanda ang sarili. Ek-saktong paglabas niya ng Coffee Bar nang magkita sila ni Henrik. Agad lumapit sa kaniya ang binata at sandaling nagpaalam sa dalawang kasamahaan nito. Naiiling na lang siya at natatawa sa tuwing nagkakasalubong ang landas nila ni Henrik. Para kasing, sinasadya nitong lagi silang nagkikita kahit alam naman niyang imposible iyon.
“Hey, Min Dam!” simpatikong ngumiti ito sa kaniya. “Going home?”
Tumango siya. Minsan na itong naghatid sa kaniya pauwi sa bagong kuhang apartment niya kung saan ando’n si Muning; ang tamad niyang pusang naghihintay. Nung una, nagtaka pa ito kung bakit hindi siya sa bahay ng McCluskey umuuwi pero ningitian lang niya ang binata at naintindihan nito ang kaniyang ibig-sabihin.
“Sinusundan mo ‘ko lagi ‘no?” biro niya sa lalaki. Sa ilang beses niyang pagtatagalog, naiintindihan na rin nito ang ibang words na sinasabi niya. Minsan, ginagamitan pa siya ng Voice Language Translator para lang maintindihan ang kaniyang pinagsasabi. Nagsasalita rin ito ng konting tagalog pero bulol.
“No?” napakamot ito at natatawang niyaya siya papunta sa kotse nito. “Shall we?”
Pabirong inirapan niya si Henrik, bakit ba ang gwapo nito pero walang girlfriend? Minsan tinanong niya ito at ang sagot lang, hindi ready. Talaga lang, ‘di pa ito ready? Mukhang aloof ito sa babae.
“Kaen taye liver ko.” Nagsimula na nitong paganahin ang makina ng sasakyan.
Habang siya naman humagalpak ng tawa. Ano raw? Para itong tipaklong magsalita. “Ano? Liver mo? Atay ka, atay?”
Natawa ito at parang nahihiyang nagkamot ulit sa batok. “Come on, Lianne. I’m doing my best out here trying to speak Tagalog. It’s kinda… Difficult. Naka-kabuyol.”
Tubig! Inabot niya ang tumbler nito sa unahan at mabilis na ininum. Sa sobrang tawa niya muntik na siyang atakehin sa puso. Aba’t! Pinandigan pa talaga nito ang pagsasalita ng tagalog. Iba rin trip ng isang Gustavvson, eh.
“Nakakabulol,” correction niya. “Okay, say it again,” ang sarap din naman kasi nitong pag-tripan minsan.
“Nakakabuyol.”
“No, nakakabulol.”
“Nakakabuyoy.”
Pakshet! Nauwi sa malakas na halakhakan ang tagalog training nilang dalawa. Nakakatawa talaga kausap itong si Henrik, mabuti pa ito, pinapatawa siya lagi at masarap kasama. Pakiramdam niya, special siya. Dati si Zyd, nagpaparamdam nito sa kaniya… Ngayon ibang tao na.