Chapter 22

Napakuyom ng kamao si Zyd nang makitang sumakay si Lianne sa kotse ni Gustavvson. Napangisi siya. Lumabas na nga ang totoong kulay ng babae. Madilim ang anyo na pinaharurot niya ang sasakyan pabalik ng bahay.

Agad siyang dumeritso sa kwarto ng babae at kinuha ulit ang contract na iniwan ni Lianne at ang sulat. Mabilis niyang nilamukos iyon at binato sa malapit na trashbin. Fuck! Ang lakas ng loob nitong umalis sa kaniyang poder pagkatapos ng ginawa nito?

Nagsimulang kumuyom ang kaniyang kamao at pilit kinalma ang sarili. Ang lakas ng loob nitong sabihin sa kaniya sa sulat na hindi siya nito gustong makasama at si Henrik Gustavvson ang lalaking gustong gusto nito. Na ginamit lang siya kapalit ang pera at citizenship ng babae. Na hindi na ito naghabol ng pera dahil kaya nitong perahan ng mas malaki si Gustavvson, mas gwapo ito kesa sa kaniya at sawang-sawa na ito sa kaniya kaya aalis na ito sa kaniyang buhay. Na huwag niya itong guluhin pa kahit anong mangyari dahil wala itong nararamdaman laban sa kaniya kahit konti.

Fuck! Tatlong linggo na rin nang mabasa niya iyon pero ngayon lang siya masyadong naapektuhan. Alam niyang mayaman ang pamilyang Gustavvson, pero hindi nakakailang mas mayaman ang isang Zyd Caiden McCluskey. Hindi lang halata dahil ayaw niyang makakuha ng attention ng mga tao.

Mapait siyang napangiti. Hindi niya rin masisi ang babae. Nagkaroon siya ng mabigat na problema simula nung nagkasakit ang kaniyang ina. Hindi lang niya napaghandaan na umalis ito ng walang paalam sa kaniya at sa sulat lang sinabi ang lahat. Masyadong na focus ang kaniyang isip sa kaniyang Ina.

“What?” inis na tanong niya kay Zig nang tumawag ito sa phone.

“Mom wants to see you with Elhouette.”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. “I’ll be there.” Pinatay niya ang tawag at madilim ang hitsura na lumabas ng bahay. Ilang beses na hinahanap ng Mommy niya ang babae pero sinasabi na lang niyang busy ito sa trabaho.

Nang makita ang napakaganda pa rin niyang ina na nakaratay sa Hospital bed at halos ‘di na makatayo, agad siyang ngumiti at hinalikan ito sa noo.

“Mom…”

“W-where is she?”

Pinigilan niyang ‘wag mahalata ng kaniyang ina ang galit na naramdaman. Ngumiti siya ng masuyo at ginanap ang maputla nitong kamay. “She’s... Kind of busy today.”

Nakita niyang nadismaya ang mukha nito at marahang tumango. Damn! Ayaw niyang makitang nasasaktan ang babaeng una niyang minahal. Masuyong hinaplos niya ang buhok nito. “But she said, she’ll pay a visit tomorrow, Mom.”

Agad nagliwanag ang mukha nito. “Really? Oh how I miss your w-wife... She is f-funny and w-witty...”

“Shh... I know... I know, mom.” Ngumiti siya at hinalikan ang kamay nito. Nahihirapan itong magsalita kaya mas okay kung magpapahinga lang ito. “She’ll be here, I promise.”

Ngumiti ito at marahang tumango. “K-kate was here earlier...”

Tumango siya. Simula nung nandito na sa Hospital bed pumirme ang kaniyang ina, laging binibisita ito ni Kate araw-araw. Nung una, hindi siya pumayag pero kalaunan okay na rin sa kaniya kahit ayaw niyang makita ito.

Lihim siyang napabuntunghinga, paano ba niya madadala si Lianne bukas dito sa Hospital? Hindi niya kayang biguin ang Mommy nila. Masasaktan ito pag sinabi niya rin na wala na sila at sumama na ito sa ibang lalaki. Gold digger.

Lumabas siya ng room at nakita niya si Zig na nakasandal sa dingding. Seryusong nakatingin ito sa kaniya ngayon. “What’s your plan?”

Hindi siya sumagot. Namulsa lang siya at nagsimulang maglakad sa hallway habang nag-iisip kung paano madadala si Elhouette kahit isang oras lang. Nagpasya siyang puntahan ito sa bagong apartment nito. Alam niya kung saan ito nakatira.

Nung araw na nalaman niyang umalis na ito, unang pumasok sa isipan niya ay hanapin at sundan ang asawa. Alam niyang nagkulang siya, may problema, nagpadala sa emosyon kaya nakalimutan niya ang birthday nito. Alam niyang nagtatampo ito pero sabay-sabay lahat ng problema. Kaya niyang ihandle ang problema, pero sa mahal niyang ina? Hindi. Nahirapan siya nung una pero iyon din pala ang magiging rason na bitawan ni Elhouette ang usapang isang taon nilang kontrata.

Matamang naghintay siya sa labas apartment nito habang nakatingin sa suot na wristwatch. May huminto na sasakyan sa harapan at lumabas doon ang babaeng kanina pa niya hinihintay. Kasunod na bumaba nito si Gustavvson na masayang-masaya habang ang lawak ng ngiti ni Elhouette. Agad nagpaalam si Gustavvson at hinintay pa ito ni Elhouette na umalis ang sasakyan saka nagpasyang pumasok sa loob bitbit ang bulaklak ng tulips.

Tulips, ha?

Tahimik siyang sumunod dito at hindi man lang siya napapansin dahil panay ngiti ito habang inaamoy-amoy ang bulaklak at nag-selfie. Namulsa siya at inayos ang cap hanggang sa pumasok ito sa elevator at sumunod. Huminto sila sa 17th floor at nauna itong naglakad na ‘di siya napapansin o nagkunwaring hindi siya pansinin. Alin man sa dalawa, wala siyang pakialam basta mapapayag niya lang itong mapasama bukas.

“Stop right there.” Lumingon ito sa kaniya at nakataas ang kilay. “Anong trip mo?”

Tama nga siya, nagkunwaring hindi siya nito nakikita kanina. Agad siyang nagseryuso at namulsa. “My Mom wants to see you,” deritsahang saad niya.

Nagulat naman ito pero agad din nagseryuso, “So?”

“You will come with me tomorrow.”

Natawa ito ng malakas sa kaniyang sinabi. Walang masyadong tao sa hallway kaya malaya silang nag-uusap dalawa. “You think sasama ako?”

“Yes,” seryusong sagot niya.

“Hindi,” biglang nagseryuso ito at tiningnan siya ng nakakamatay, “Kaya kung pwede lang, umalis ka na.” Tinalikuran siya nito at maarteng naglakad papalayo sa kaniya.

Inakala nitong umalis na siya kaya nung buksan nito ang room nito, sumunod siyang pumasok. Galit na nagsisigaw si Elhouette at tinulak siya papalabas pero hindi siya natinag. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at hindi siya aalis hangga’t ‘di niya ito mapapasama bukas.

“Umalis kang gago ka or tatawag ako ng pulis!”

“Then do that. You’re my wife in their eyes. Baka pagtawanan ka lang.”

Natigilan naman ito pero agad ngumisi. “Well, hindi na ngayon. I want a divorce. Saka, wala akong pakialam sa contract dahil ginamit mo rin ako sa loob ng ilang buwan kaya patas lang tayo, Zyd. Nag-gagamitan,” mataas ang noong sabi nito.

Hindi siya sumagot. May point si Elhouette at ayaw niyang itama ang paniniwala nito. Para saan? Sa sulat na iniwan nito nasabi na nito ang lahat. Hindi na nito kailangan sabihin sa kaniya ulit.

“Now leave.” Tinuro nito ang pintuan.

“Magkano ba?” puno ng insultong lumabas iyon sa kaniyang bibig, “Magkano ba ang oras mo para dumalaw sa Hospital? Magkano, para bayaran kita?” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Inaasahan niya na ang sampal na ibibigay nito.

“Umalis ka rito. Alis!” Binuksan nito ang pintuan at tinulak siya papalabas. “Hindi ko hangad ‘yang pera mo, Zyd Caiden McCluskey. Tandaan mo ‘yan, kahit isampal ko—”

“That’s why you chose that Gustavvson?”

Pinagsasampal siya nito at galit na galit siyang tinulak papalabas. “Kung siya man ang pipiliin ko, wala kang paki na ro’n! Tapos na tayong nag gamitan sa isa’t isa. We’re done.”

Natawa siya at napahalukipkip. “If you don’t show up yourself tomorrow, then you’ll pay twice the agreement we had in the contract.” Agad siyang tumalikod at umalis sa room nito.

Narinig niya ang malakas na pagsara ng pintuan pero balewala iyon kay Zyd. Nagtuloy-tuloy lang siya sa elevator at bumaba.

Pero walang Elhouette na dumalaw sa Hospital. Wala ito sa apartment nito at nung tawagan niya si Fritz nung nasa Hospital na siya, nagulat pa ito pero sinabi sa kaniyang umalis ang kaniyang magaling na asawa kasama ang mga co-models at nagpunta sa ibang lugar for photo shooting. Halos ibato niya ang cellphone sa sobrang galit.

“Y-you should pick her up...”

Kinalma niya ang sarili at ngumiti siya nang humarap dito sa kaniyang Ina. “How about—”

“She’s not coming,” tumango-tango ito, “I understand.”

“I’m sorry Mom.” Ginanap niya ang kamay nito at hinalikan iyon. “I’m sorry... I’m really sorry.”

Mapait itong ngumiti. Napapansin niya konti na rin ang buhok nito sa ulo pero napakaganda pa rin nito sa kaniyang paningin. “It’s okay s-son... Where’s Zig and Sela?”

Mabilis lumapit ang dalawang kapatid niya at ito naman ang nakipag-usap habang siya, deritsong lumabas ng pintuan. Pinipigilan niyang ‘wag madala sa emosyon. Sinubukan niya rin tawagan si Elhouette sa binigay na number ni Fritz sa kaniya, naka-off lang ang phone nito. Okay, fuck it!

Mabilis niyang tinawagan si Kodi at pinahanda ang marriage contract nila ni Elhouette. Nagtaka naman ito pero sinunod ang kaniyang utos. Kahit magkaibigan sila, wala itong kaalama-alam. Masyado siyang masikreto sa mga bagay-bagay kaya rin siguro nahihirapan ang ibang tao kung paano siya kausapin.

Saka nag-ring ang kaniyang cellphone at nakitang si Kate ang tumatawag. Wala sa loob na sinagot niya ito. “What?” asik niya rito.

“Easy babe.” tumatawang sagot nito sa kabilang linya.

“What do you want?” tiningnan niya ang suot na wristwatch, nagsimula siyang mabagot.

“Your wife—”

“What is it?” putol niya.

“I heard from Fritz, you were looking for her.”

“Then?”

“She’s with Henrik. Fritz was lying to you. My poor babe, don’t worry I’ll be there in a minut—”

Pinatay niya ang tawag at mabilis na tinungo ang sasakyan sa parking lot. Kinalma niya muna ang sarili saka pinaandar ang sasakyan paalis sa Hospital. Agad niyang hininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at tinawagan si Hudson. Kakausapin lang niya ang kaibigang Doctor at Mechatronical Engineer. Kung hindi siguro siya maagang naging addict sa Hockey, baka naging Captain siya ng barko.

“Hey, Zyd.”

“Yow man, can you help me trace a woman’s location?” bungad niya rito.

Natawa ito sa kabilang linya at ilang segundo bago sumagot. “Her name is Lianne Elhouette Vergara McCluskey.”

“Fuck! How you—”

“I knew everything,” simpleng sagot nito sa kabilang linya at natawa, “I’ll send her location right away. Plus I’m giving you an app for free. You could locate her anywhere.”

Napabuntunghinga siya at napasandal ang ulo sa head rest. “Okay, thank you.” Pinatay niya ang tawag at ilang beses napabuntunghinga. Bumalik siya sa Hospital. Kailangan niyang kausapin si Zig at may ipapakiusap siya rito.

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.