Chapter 27

Hindi pa nakalapit si Kate sa kanila, binato niya ito ng matigas ba bagay na nahawakan niya sa isang tabi. Dahilan para matigilan ito at napaaray sa sakit. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para takbuhin ang pintuan papalabas. Napasigaw siya nang habulin siya nito at hilain sa buhok. Napatili ng malakas ang kaniyang anak nung akmang sasaksakin siya nito pero nasipa niya sa tiyan ang babae. Napaubo ito at napaatras sa sakit. Ang ini-expect niya na magagalit si Kate, hindi, dahil tumawa lang ito na nasisiyahan sa kaniyang ginawa. Hindi sila pwedeng saktan ng baliw na hayop na ito!

“You’re all gonna die!” kulang na lang, masamid ito sa pagtawa. Dumapa ito at mabilis na gumapang papunta sa kanilang deriksyon.

“Mommy!” takot na tumili ng malakas si Aerush Li na karga-karga niya.

Napaigik siya nang masugatan ang kaniyang binti. Hiniwa nito ang binti niya at ramdam niya ang sakit na nagmumula ro’n. “Baby, run!” Binitawan niya ang anak niya at pinatakbo ito. Magpapatayan sila ni Kate kung iyon ang gusto nito pero hindi nito masasagi kahit dulo ng damit ng anak niya.

“Mommy, I’m scared! I’m scared.” umiiyak na saad nito sa kaniya pero humahakbang papuntang pintuan.

“No baby, go and hide yourself. ‘Wag na wag kang— argh!” Isang saksak sa isang binti naman niya ang kaniyang naramdaman. “Run, Aerush Li! Run!”

“Don’t run baby! I’m going to kill you first, then next your Mommy.” Isang malakas na halakhak ni Kate ang pumuno sa loob ng silid.

“Aerush Li, now!” Tumango ang munting prinsesa niya at takot na tumakbo papalabas. Nang masiguradong wala na si Aerush sa kaniyang paningin, at nakatakbo na ito papalayo... Si Kate ang hinarap niya. Hinambalos niya ang nahawakang laruan ng anak na hockey stick sa mukha nito. Napasigaw ito sa kaniyang ginawa.

Akmang sasaksakin siya nito sa kutsilyong hawak nang hampasin niya ulit ang mukha. Magkakamatayan sila hanggang sa mapunta sila sa impyernong dalawa!

“You bitch!” Binitawan nito ang kutsilyong hawak at sinakyan siya. Pa-kiramdam ni Lianne, matatanggal sa anit ang kaniyang buhok sa lakas ng pag-kakasabunot nito sa kaniya. “Everything was perfect. I set up myself with Zyd who was drunk that time. I’m always watching you, Lianne.” tumawa ito na parang bruha. “I sent flowers with the named of Henrik on it to make Zyd hates you! The reason why he can’t make it on your birthday? I throw the note you left on the refrigerator and hmm... I ordered someone to put some sleeping tablet on his drinks. And boom! My plan worked. But why the bullshit you cross into my way again?” Hinila nito ang kaniyang buhok at inuntog sa marmol na sahig. Dumugo ang kaniyang noo. “I should have killed you in the first place! You ruined everything. If I can’t have him back, then killing you is my second option,” pabulong na saad nito sa kaniyang teynga.

Napapikit siya, hindi sa sakit. Kundi sa reyalisasyong pinaglalaruan nito ang relasyon nila ni Zyd bilang mag-asawa. Kung sabagay, hindi kataka-taka. Demonyita ito! Galit na hinawakan niya ang buhok nito at hinila ng malakas. Hayop! Pani-walang-paniwala siya na pinagtataksilan siya ni Zyd pero ang totoo, hindi. Itong babaeng ito ang may kagagawan ng lahat! Samantalang dati, pagmamay-ari nito ang lalaki at nung siya na ang nagmamay-ari, saka eeksena? Saka nakita ang halaga kapag wala na? Pakshet, hindi oobra sa kaniya iyon.

Sinampal niya ang mukha nito ng sobrang lakas. Nabaling ang mukha nito at nabitawan siya. Kahit nanghihina siya sa mga sugat na natamo kay Kate, pinilit niyang makawala. Hindi siya nito pwedeng patayin. Ngayon pa na nanganganib ang buhay ng anak niya.

“I’ll be back, Lianne. Wait me here...” Tumayo ito at dinampot ang kutsilyo.

Nanlaki ang kaniyang mata. Anong gagawin nito?! Hindi!

“Don’t you dare harm my daughter, Kate. I swear, I will kill you. I will kill you!” Malakas na sigaw niya. Nagsimula siyang mag-hysteria.

Sinipa lang siya nito kaya napaigik siya. Pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa, masyadong malalim ang mga sugat niya sa binti at pakiramdam niya, mawawalan siya ng ulirat sa sakit at hapdi.

Humakbang ito papalabas ng kwarto habang bitbit ang kutsilyo. Natitilihan siyang napatingin sa babaeng baliw na ngayon. “Kateee, please ‘wag ang anak ko!” nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata. Mas lalo niyang pinilit tumayo pero hindi niya kaya. Ang ginawa niya, gumapang siya. Kahit hirap-hirap, pinilit niyang gumapang ng mabilis para maabutan si Kate.

“Mommy!” malakas na tili ng anak niya.

Hindi!

Mas lalo niyang binilisan ang paggapang kahit hindi niya halos maitukod ang mga tuhod. Nawalan siya ng lakas, naging manhid ang mga hita at binti niya.

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya. Oras na may masamang nangyari sa anak niya, hinding-hindi niya ito mapapatawad pati si Zyd! Ang dalawang ito ang laging nagpapahirap sa kaniya at ngayon, pati ang nag-iisang pag-aari niya na naman? Impit siyang napaiyak at mas binilisan ang pag-gapang.

Nakita niya si Kate, tumatawang pinagmamasdan nito ang anak niya. Nasa itaas ito habang nasa pangatlong baitang na ngayon ng hagdanan sa ibaba ang kaniyang anak.

“Run and hide, princess! Don’t let her get you,” malakas niyang sigaw.

“M-Mommy I’ll... I’ll be back. Ask ako ng help!” umiiyak na tugon nito.

Napakagat siya ng labi at mas lalong nahabag sa anak. Diyos ko! Mag-tatatlong taon pa lang ito pero ganitong trauma na ang naranasan ng anak niya. Hindi nga niya pinapababa ito ng hagdanan dahil baka madulas ito pero ang anak niya, mas piniling bumaba ng hagdanan kahit delikado. Parang nadurog ang puso niya sa takot na nakikita niya sa mata ng bata.

“Run sweety... Run.” nakangising sambit ni Kate at nagsimulang humak-bang pababa ng hagdanan.

Biglang bumaling ang kaniyang tingin sa babae. Nahihirapan man siya, nag-mamadali siyang gumapang patungo sa direksyon ni Kate. Kailangan niyang mapigilan ito kahit mamatay pa siya, ‘wag lang ang anak niya!

Napabalikwas ng bangon si Zyd sa kama. Bigla siyang kinabahan at ang lakas ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya, totoong bumaba ang anak niya sa hagdanan at nahulog ito. Hinagilap niya ang kaniyang tsinelas at walang pagda-dalawang oras na tumakbo pababa ng hagdanan. Parang mabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Mabilis niyang binuksan ang pintuan at kahit sobrang lamig sa labas, binalewala niya iyon. Ang importante, makita ang bata na okay ito.

Mga ilang metro lang ang layo kaya hindi hadlang sa kaniya ang akyatin ang gate ng bahay sakali. Pero napamura siya nang makitang bukas ang gate. Mas lalong kinain siya ng kaba sa naisip. Wala siyang sinayang na oras, mabilis siyang tumakbo papunta sa pintuan ng bahay. Halos hindi nga niya napansin na naka-boxer short at t-shirt lang ang kaniyang suot sa pang-itaas.

“Elhouette?” malakas na tawag niya sa pangalan ng babae. Napatingin siya sa doorbell, agad tumaas ang kaniyang kamay at pinindot iyon. Sirado bawat bintana kaya kung sisilip siya, malabong makikita niya ang nasa loob. “Elhouette? It’s me, Zyd—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang mapansing hindi naka-lock ang pintuan.

Mas lalo siyang nag-alala. There’s something wrong. Marahan niya itong tinulak at sumalubong sa kaniya ang mainit na hangin na nagmula sa loob. Fuck! “Princess!”

“Captain America, help my Mommy!”

Mabilis niyang sinalubong ang batang takot na takot. Hilam sa luha ang mga mata at nanginginig. Walang sabing kinarga niya ito at niyakap ng sobrang higpit. Fuck! Paano na lang pala kung napasobra ang sarap ng tulog niya? Baka wala na siyang mag-ina niya ang kaniyang madatnan. Panay iyak ang kaniyang anak at halos hindi niya na maintindihan ang pinagsasabi nito. Basta lang ito nakaturo sa hagdanan.

Elhouette?!

Agad siyang humakbang papuntang hagdanan at natigilan nang makita ang babaeng haharapin niya sa korte. Matalim siya nitong tiningnan at nakangiti ng mala-demonyo. Maraming dugo ang kamay nito lalo na sa hawak na kutsilyo. Damn it! Huwag na huwag itong magkakamali na sinaktan ang babaeng mahal niya kundi hindi niya ito sasantuhin, siya mismo ang papatay rito.

“Hi babe.”

“Elhouette?! Elhouette! Nasaan ka? It’s me, Zyd.” Kung wala siyang batang karga ngayon, baka nasakal niya na ang leeg ni Kate at binalian ito.

“N-nasa room siya po! That monster hurt my Mommy. Nasa room si Mommy!” Ang anak niya ang sumagot at nanginginig pa rin itong nakayakap sa kaniya.

Masuyong hinaplos niya ang buhok ng bata at pinaramdam dito na walang mangyayaring masama, “It’s okay princess... Daddy’s here, Daddy’s here... He’ll do everything to protect you...”

“You’re my— real Daddy?” Nagtaas ito ng tingin at tiningnan siya. Bago pa siya nakasagot, galit na boses ni Kate ang sumalubong sa kaniya.

“Zyd babe, come back to me! We spent 15 years together, right? Why can’t we go back like we used before? Why can’t you love me again? I killed the man I replaced you. Why the hell can’t you love me back?!”

“You’re fucking crazy, Kate.”

“I said come back to me!” Biglang tumakbo ito pababa ng hagdanan at sinalubong siya ng saksak ng kutsilyo pero mabilis niya itong nailagan at naitulak ito ng malakas. Dahilan para masubsob ito sa sahig.

Agad hinanap ng kaniyang mata ang babaeng ayaw na ayaw niyang mawala. Fuck! He’ll sell his soul to the devil and fucking don’t care if he’ll be headed in hell after this. Ang importante sa kaniya, ang mailigtas ang mag-ina niya. Nakita niya sa ibabaw ng hagdanan si Elhouette, hinang-hina at nakabalandra.

“Elhouette!” Mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo niya sa itaas. Halos mawalan siya ng hininga habang pinagmasdan ang kabuuan nito na may mga sugat sa binti at maraming dugo na kumawala.

“Mommy!” malakas na hiyaw ng anak niya at nagpumilit na kumawala sa kaniyang pagkakarga rito.

“Zyd!” malakas na hiyaw ni Kate. Nasa hagdanan ito at hindi na kutsilyo ang hawak, kundi isang baril.

Agad umilap ang kaniyang mata at binitawanan ang anak. “Princess, deritso sa room. Bilis!”

Agad itong sumunod sa kaniya at naunang tumakbo papasok sa silid.

“Baby please hold on. Please, Elhouette.” Mabilis niyang pinangko ito at dinala sa silid. Ini-on niya ang ilaw at doon niya napansin kung gaano kakalat at maraming dugong nasa sahig. Agad niyang sinarado ang pintuan at ni-lock iyon.

Dahan-dahan niyang nilagay si Elhouette sa ibabaw ng kama habang ang anak niya ay mabilis na yumakap dito. Naghanap siya ng pwedeng pantali sa sugat nito at walang tigil ito sa pagdugo. Kapag hindi niya napigilan iyon, malaking posibilidad na maubusan ito ng dugo at mamatay. Nang makakita siya ng damit, agad niya itong pinunit at tinali sa mga sugat nito.

“Baby, look at me... Look at me, Elhouette.” Naiiyak na hinaplos niya ang pisngi nitong nagkakalat ang dugo at luha.

“Z-zyd...”

Parang sinaksak ang puso niya sa sobrang sakit. Damn! Kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit, takot at pagkasuklam. Bahagya siyang napalayo at napatingin sa kaniyang kamay na may bahid ng dugo. Masyado ng pinaglaruan at pinaghimasukan ni Kate ang lahat, ngayon pati buhay ng mag-ina niya ang pinunterya nito. Napalingon siya sa pintuan nang sunod-sunod na kumatok ang babae. Ang babaeng minsan niyang minahal na akala niya, matino ang pag-iisip.

“Come out Zyd, or I’ll set this house on fire if you don’t!” Malakas nitong binayo ang pinto. “I’m asking for comeback and you gave me this shit?” galit na sigaw nito sa labas habang walang tigil sa pagbabayo ng pintuan.

“Mommy don’t sleep... Don’t sleep po...”

Napakuyom siya ng kamao sa pagmamakaawang boses ni Aerush. Kapag hindi niya madadala ng Hospital si Elhouette baka maulit na naman ang nangyari dati. Walang takot na humakbang siya sa pintuan at binuksan iyon. Sila ang maghaharap ni Kate, labas si Elhouette at nang anak niya sa kabaliwan nito.

“Zyd!” Agad na gumuhit ang saya sa mukha ni Kate nang buksan niya ang pintuan. Bago pa siya nito yakapin, naitulak niya na ito ng malakas. Bumalandra ito sa unahan. Humahikhik ito sa kaniyang ginawa at walang takot na tinutok sa kaniya ang baril. “You will soon meet your mother.” Ngumisi ito.

“Try it.” ngumisi siya habang walang emosyong nakatingin sa babae.

Isang malakas na alingawngaw ng baril ang pumuno sa loob ng kabahayan.

Nakahandusay na bumagsak si Kate sa sahig. Nung ipuputok na nito ang baril sa kaniya, mabilis ang kaniyang galaw. Halos hindi nito napansin ang paglapit niya at hinila ang baril. Siya ang humila sa gatilyo at deritsong tumama sa kesame iyon. Pinagsusuntok siya at pinagkakalmot ni Kate sa mukha para bawiin ang baril at ang ginawa niya, sinuntok ito ng malakas sa tyan. Napaigik ito sa sobrang sakit at dahan-dahang napaupo. Wala siyang naramdamang awa kahit konti.

Hinubad niya ang kaniyang suot na tshirt at pinunit iyon saka ginawang tali. Sinigurado niyang hindi ito makagalaw sakaling magising. Kung siya ang masusunod, gusto niyang ibaon ang bala ng baril na dala nito pero hindi siya ang batas. Ayaw niyang maging mamatay tao, tulad nito. Nang masiguradong hindi na ito makakawala, dali-dali siyang bumalik sa kwarto at binuhat ang babaeng mahal niya.

“Hop on my back, princess.”

Agad na sumunod si Aerush sa kaniyang sinabi. Pangko niya si Elhouette habang nasa likod niya ang kaniyang anak. Wala siyang sinayang na oras, mabilis niyang tinakbo ang hagdanan at bumaba ro’n. Walang malay si Elhouette at namumutla na rin ito. Kahit alam niyang malayo ang sugat sa puso, pag naubusan ito ng dugo, manganganib ang buhay ng babaeng mahal niya kaya kailangan niyang magmadali.

Maingat na pinahiga niya ito sa backseat habang nasa tabi niya sa passenger seat si Aerush. Panay ang lingon nito sa likuran habang seryuso siyang nagmamaneho. Hindi naging sagabal sa kaniya ang kapal ng yelo na halos tumabon sa buong lugar. Ang importante, maidala niya ito sa malapit na Hospital o clinic.

“Capt— Daddy, you think Mommy is okay?”

Sumikdo ang puso niya sa naging tawag sa kaniya ni Aerush. Hindi niya mapigilan kundi ang mapasulyap dito. Ang anak niya... Fuck! Bakla na kung bakla pero napaiyak siya sa simpleng tawag na iyon ng kaniyang prinsesa. Para siyang timang na nakangiting tumango sa tanong nito. Pakiramdam niya, sasabog puso niya sa saya.

“Daddy I’m scared.” napahikbi ito habang nakatingin pa rin sa likuran. Hindi ito mapakali.

“Shhh princess... Daddy’s here, okay? We’re heading to the nearest Hospital. Mommy will be okay soon, hmm?” Hinaplos niya ng isang kamay niya ang buhok nito at pinapakalma.

Napasigok ito at marahang tumango. Sumandal ito sa upuan malungkot na nakatingin sa kaniya habang nagmamaneho siya. “Daddy...”

Napasulyap siya rito. Nakikita niya sa mga mata ni Aerush na masaya itong nakita siya pero ando’n ang kalungkutan. “Yes princess?”

“Thank you po.”

Marahang pumatak ang luha sa mata niya. Tatlong salita lang iyon pero piniga ang kaniyang puso sa sobrang sakit. Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mata niya at pinilit na mag-concentrate sa pagda-drive. Thank you lang ang sinabi ni Aerush pero sinampal siya ng katotohanan na ang dami niyang kasalanang nagawa sa kaniyang mag-ina. Ang dami niyang pagkukulang. Ang dami niyang nasayang na panahon at oras dahil sa galit na kaniyang pinairal. Hindi siya nakinig sa kaniyang puso nang mga sandaling iyon. hinayaan niya ang galit na lamunin siya. Ang dami! Ang daming pagkukulang at muntikan pa nawala ang dalawang babaeng mahalaga sa kaniya.

Dumating sila sa Kenmore Mercy Hospital. Ang isa sa pinakamalapit na Hospital ng Grandyle. Agad siyang bumaba at hindi alintanang naka-shirtless siya at naka-boxer lang. Binuhat niya si Elhouette na walang malay habang nasa likod niya si Aerush. Natatarantang nagtawag siya ng nurse nang makapasok siya ng Hospital.

“She’ll be okay, right Daddy?”

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ng anak niya. “Yes princess. Mommy is a strong woman. Kaya tahan ka na, okay?” Pinunasan niya ang luha sa mata nito.

Tumango ito at naghikab ang kaniyang anak. Masuyong yumakap ito sa kaniya. Nakaupo sila sa lobby habang pinagtitinginan siya ng mga nurse na nando’n. Kung sa bagay, sanay siya sa lamig ng ice rink kaya halos hindi niya alintana ang lamig ng panahon. Hindi na siya kumilos sa kinauupuan nang maramdaman niyang nakatulog na ang kaniyang prinsesa sa kaniyang dibdib. Napasandal siya sa upuan at napatitig sa kesame. Hindi siya mahilig tumawag sa pangalan ng Diyos, pero nang mga sandaling iyon, sobrang pasasalamat niya na hindi nito hinayaan na mawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Baka hindi niya kakayanin kung sa ikalawang pagkakataon mawala si Elhouette at Aerush sa kaniya. Babawi pa siya sa mga ito.

NAPATINGIN si Zyd sa wristwatch na suot. Kating-kati na siyang batukan si Hudson sa katabing upuan. Kanina pa ito nakangisi habang nakatingin sa kaniya at halatang inaasar lang siya. Tapos na ang Stanley Cup 2018 at hindi sila nakapasok sa Playoffs. Nanalo ang Jersey Devils pero wala siyang panghihinayang na naram-daman. In spite of everything, Zyd realized that Elhouette and her daughter Aerush Li, was the real prize he ever wanted.

Nag-resign na siya bilang captain of Pittsburgh Penguin. All his life, hockey was his first love and everything. Pero handa niyang iwan ang lahat para sa mag-ina niya, para sa dalawang babaeng mahal niya. Ganiyan kalaking impact ang binigay sa kaniya ni Elhouette. Kaya ngayon, halos gusto niya ng tumalon mula sa kinauupuan sa loob ng eroplano.

Pagkatapos nang nangyari, umalis ang kaniyang mag-ina na hindi nag-paalam sa kaniya. Umuwi ito ng Pinas at ang tiyahin at pinsan nito ang naghatid kasama ang kaniyang anak. Malaking scandal ang ginawa ni Kate sa buong Pensylvannia at halos buong linggo itong laman ng balita. Hinihingian siya ng pahayag pero lahat inayawan ni Zyd.

Kate was charged for first degree murder and sentenced for 25 - 50 years in prison without parole. Diniin ng attorney nito na may mental insanity nito but no, ayaw niyang sa mental institute ito pupunta. Kate deserved the four corner of jail. He wants her to suffer. Ibabalik niya rito ang pait at sakit na binigay nito sa kaniya. Kulang pa ang kulungan.

Siya ang nagbantay buong magdamag habang yakap-yakap si Aerush nung gabing iyon. Hinintay niyang dumating si Gustavvson. Una niyang tinawagan si Kodi sa pamamagitan ng phone ng nurse at hiningi ang number ni Gustavvson. Ayaw niyang iwan ang kaniyang mag-ina pero kailangan dahil hindi niya hahayaan makawala si Kate na naiwan. Siya ang personal na magpapakulong at magdadala sa babae sa kulungan para masiguradong hindi na ito makakatakas. Lahat ng tumulong sa babae, ipapalasap niya kung paano magalit ang isang McCluskey.

Alalang-alala si Gustavvson nang dumating ito. Agad lumapit ang kaniyang unica sa lalaki at nagpakarga. Nasaktan siya sa parteng iyon pero hindi na lang niya pinansin. Alam niyang mas naunang kilalanin ng bata na ama ito kesa sa kaniya. Kahit labag sa kalooban niya na iwan ang kaniyang mag-ina, napilitan siyang umalis sa Hospital. Pinapangako niyang babalik agad siya pagkatapos niya maidala sa malapit na presinto si Kate.

Pero nung bumalik siya, wala na ang kaniyang mag-ina. Nung tinanong niya ang Doctor, walang alam ang mga ito. Nawala rin ang phone niya, kaya kinailangan pa niya tawagan si Hudson para i-locate ang location ng babae. Nalaman niyang nilipat ito ng ibang Hospital. Naglakas loob siyang bisitahin ito pero tulad ng kaniyang inasahan, malamig pa sa yelo ang naging trato nito sa kaniya. Halos hindi siya nito kayang tingnan at tanging tinuro sa kaniya ay pintuan. And fuck, it hurts!

Pero ngayon, excitement filled him. Makikita niya na ulit ang mga ito. Kahit sobrang hectic ng kaniyang schedule bago ang playoffs, pinilit niyang pumunta ng Pinas every weekend para lang makita ang mga ito. Pero gano’n pa rin, puro pag-tataboy ang ginagawa ni Elhouette sa kaniya. Halos kilala na nga siya ng mga kapitbahay nito sa probinsya dahil sa pabigla-biglang sulpot niya sa bahay nito.

Tinatanggap niya ang galit ni Elhouette at handa siya. Handa siyang tanggapin bawat galit nito. Handa siyang lumuhod para mapatawad nito. Handa siyang suungin lahat para tanggapin sa buhay nito kahit may Gustavvson. Naging tanga at bobo na siya rati, ayaw niyang maulit iyon ulit. Ngayon, lalaban siya na puso ang pakikinggan, hindi ang utak. Sana... Sana ay tanggapin pa siya ni Elhouette sa buhay nito kasama ng anak nilang dalawa... Sana.

Pero nasa bungad pa lang si Zyd ng bahay, tinaboy na siya ni Elhouette. Sa pamilya ng babae, alagang-alaga siya at welcome na welcome sa bahay, pero pagdating kay Elhouette... Hindi. Wala siyang pag-asa.

“Ano ka ba, Lianne! Tatay ‘yan ng anak mo. Bakit ba ayaw mo pagbigyan ng pagkakataon ang lalaking iyan? Tingin ko, mabait naman siya at mula Pensylvannia pa ‘yan, oh. Mukhang pagod na pagod. Bakit hindi mo anyayahan sa loob ng bahay at makapagpahinga?”

Nagyuko siya bilang bigay galang sa ama nito na lumabas din at pina-kiharapan siya. Kagagaling pa nga lang niya sa Pensylvannia at nagpahatid lang ng chopper kay Cuhen sa probinsya ng babae. Nung unang dalaw niya rito, hindi rin siya pinaakyat at hanggang pintuan lang siya. Hindi rin niya nakita ang kaniyang anak o ang tamang sabihin, tinatago nito sa kaniya ang bata. Wala siyang karapatan magalit. Dahil sa totoo, ang may karapatan dito— si Elhouette lang.

“Hayaan niyo siya. Hindi ko kilala ang lalaking iyan. Hindi tayo tuma-tanggap ng mga estranghero sa bahay na ito, ‘Pa. Tayo na ho, pasok na tayo. Hayaan niyo siyang mabulok diyan.”

“Pero anak...”

“It’s okay Mr. Vergara. I understand,” marahang saad niya. Walang magawa ang matanda kundi ang napabuntunghinga at sundin ang anak. Habang tiningnan lang siya ng blanglo ni Elhouette.

“At ikaw, bumalik ka na sa kung saan ka nababagay. Kahit pa lumuhod ka ng ilang beses sa harapan ko Zyd, hindi kita matatanggap ulit sa buhay ko. Tapos na ang lahat sa`tin at lahat pinutol ko na. Have a good day, Captain Zyd Caiden McCluskey. Bye!”

Dumaan sa mata niya ang sakit pero pinilit niyang ‘wag ipahalata. Nanatiling malamlam ang kaniyang matang nakatingin dito at kinuyom niya ang kamao sa libu-libong sakit na sumuntok sa puso niya. Damn, ang sakit! Mapait siyang napangiti nang tumalikod na ito. Naiwan siya sa labas ng bakuran habang bitbit ang maraming dalang pasalubong para rito at sa anak nila.

Malungkot siyang napatingin sa babaeng papalayo hanggang sa makapasok ng bahay. Humugot siya ng malalim na buntunghinga at nagtaas ng tingin. Pakiramdam niya, pag ‘di niya gagawin iyon, babagsak ang luha sa kaniyang mata. Napapansin din niyang pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay at nakikita niya sa mata ng mga ito ang simpatiya.

Napabuntunghinga siya. Hindi siya aalis do’n hangga’t hindi sila mag-uusap ng matino ni Elhouette. Kahit ilang beses siya nitong tinutulak papalayo, para siyang magnet na patuloy na lumalapit dito. Isang oras ang nagdaan, dalawa... Tatlo... Naging apat na oras na nanatiling nakatayo siya sa labas ng gate. Nagsimula na rin dumilim ang paligid pero hindi siya umalis sa pagkakatayo ro’n.

Tinawagan na rin siya ni Cuhen at Azael na susunduin siya ng chopper pero umayaw siya. Habang si Hudson, tinawanan lang siya at sinabihang ‘wag siyang iiyak na parang bata.’ Sweet ang kaniyang mga kaibigan, lalo na si Farhistt. Sa sobrang sweet ni Farhistt, wala itong naipayo.

Gumuhit ang malakas na kulog at kidlat sa kalangitan. Nagtaas siya ng tingin, nagsimulang umiyak ang langit at unang pumatak sa kaniyang mukha. Ang pumasok sa kaniyang utak, tatakbo siya at maghahanap ng mapagsisilungan pero iba ang binulong ng kaniyang puso... Nanatili pa rin siyang nakatayo.

Isang patak... Dalawa... Hanggang sa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Napangiti siya ng mapait habang hinayaan ang ulan na malayang bumagsak sa kaniya. Nakatayo pa rin siya sa labas ng gate habang nakatingin sa malaking bahay, na ngayon ay nakasirado ang pintuan pati ang mga bintana. Muling bumalik sa isipan niya ang masasakit na salitang binitawan niya sa babae. Ang mga salitang pina-kawalan niya. Ang mga sandaling hinayaan itong magbuntis at manganak na wala siya. Damn it! Nagsimulang uminit ang kaniyang magkabilang mata. Dahil malakas ang ulan, hindi malalaman ng kahit sinong makakakita sa kaniya na umiyak siya. Fuck! Para siyang anghel na binalian ng pakpak at pakiramdam niya, durog na durog ang puso niya. Ibang sakit. Puta!

Parang nag-echo lahat sa utak niya ang sinabi ni Lianne simula nung sundan niya ito sa Pinas...

“If you think mahal pa kita, Zyd, then nagkakamali ka. Hindi na, matagal ng hindi.”

“Leave. Isa ka na lang estranghero sa`min ng anak ko. Sabihin natin na ikaw ang ama, pero hindi ka tumayong ama niya nung pinagbubuntis ko siya. Isa kang irresponsableng tao.”

“Don’t make me laugh at you. Wait, you think after all you did magiging okay ang lahat? Wow Zyd, anong akala mo? Isang sorry mo lang, okay na agad? I don’t need your sorry, dahil kahit patawarin pa kita... Hindi na kita tatanggapin sa buhay ko, sa buhay namin ng anak ko.”

“Goodbye Zyd, ‘wag mo na ako o kaming guluhin pa. Please lang, sawang-sawa na rin ako kasi. Kaya kong itaguyod ang anak ko na wala ka. Nakaya ko nga nung pinagbubuntis siya, ngayon pa ba na hindi?”

“Mahal? Oh wow, mahal mo na ako dahil may anak ka sa`kin? Ito lang masasabi ko, wala kang bayag. Yep, wala kang bayag at hindi pagmamahal ‘yan—— Konsensya. Kinain ka ng sarili mong konsensya! But sorry, Zyd... I’m done. Kaya huminto ka na. Wala ng pupuntahan ang ginagawa mong ito.”

Sunod-sunod na bumagsak ang luha niya habang nakatingin sa kabahayan. Hindi siya aalis. Hinding-hindi na. Natagalan man siya, umabot man ng tatlong taon bago siya may ginawa, pero iisa lang masisigurado ni Zyd, hindi na siya tulad ng dati. Mapait ang sariling gamot na gawa niya.

“Elhouette...”

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.