“Hijo? Hijo! Nakung bata ka bakit dito ka natulog sa labas ng bakuran? Akala ko umalis ka na kasi nawala ka pero heto pala at basang-basa ka pa. Diyos ko sa`yo!”
Naalimpungatan si Zyd nang tapikin siya. Marahan niyang minulat ang mata at napaayos ng upo. Nakaupo lang siya sa tabi ng gate at saka lang niya napansin umaga na. Inayos niya ang sarili at napabahing. Agad siyang humingi ng pasensya.
“Magandang umaga po.” nilangkapan niya ng sigla ang boses kahit ilang beses siyang nababahing sa harap ng matandang babae. Kilala niya ang Ginang, ina ito ni Elhouette. May dala-dala itong kawali at puno ng pag-alala ang mukha.
“Aba’y hijo, bakit dito ka sa labas natulog?” pagalit na tanong nito, “Naku ang batang ito! Hindi ko alam kung bakit at anong nangyari sa inyo ni Lianne pero hindi naman ako ganiyan kasama. Halika sa loob, pumasok ka...”
“Pero baka magalit si—”
“Ay wala akong pakialam,” mabilis na putol nito, “Ako ang Nanay niya. Matagal ko na kayong nakikitang dalawa na lagi ka niyang inaaway. Hindi sa pina-panigan kita dahil hindi naman nagsasabi sa`min ang batang iyon pero nakikita ko ang lahat ng pagsisikap mo para lang makausap ang anak ko. Kaya tama na iyan, pasok sa bahay.”
Hindi siya nakahuma. Marahan siyang tumango at sumunod sa Ginang. Panay pa rin ang kaniyang bahing at mukhang sisipunin yata siya nito. Hinintay lang naman niyang pagbuksan siya ng pintuan ni Elhouette. Kahit pagtawanan siya ng kapit-bahay, o pagtawanan siya nito na parang tangang naghihintay sa labas habang basang-basa sa ulan. Wala siyang pakialam.
Binigyan siya ng tuwalya ng Ginang at isang pares na damit na napaglumaan ng asawa nito. Naglibot siya ng tingin, malaki ang loob ng bahay at simple lang ang desinyo pero maganda. Ang Ginang pa lang ang napapansin niyang gising. Tinuro nito sa kaniya ang malapit na banyo at inutusan siyang maligo at baka mauwi sa lagnat ang bahing niya.
Nag-alalang tiningnan ni Zyd ang sarili sa suot na damit matapos siyang makapagligo. Dahil malaki ang kaniyang katawan at matangkad siya, hindi nagkasya sa kaniya ang polo. Habang ang pantalon, napunit. Napilitan siyang lumabas na tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kaniyang pribadong parte habang litaw na litaw ang kaniyang six pack abs.
“Diyos ko! Santa-Maria kang bata ka.” Napakapit ito sa mesa nang muntik itong mahulog sa kinauupuang silya. “Bakit ka nakaborles?!”
“Ah, kasi ho hindi nagkas—”
“Ma, nong nangyari d’yan!”
Napatingin siya sa deriksyon ng boses ni Elhouette mula sa itaas. Bumaba ito ng hagdanan at muntik malaglag sa baitang ng hagdan.
“Elhouette!” Mabilis pa kay Super Man siyang napalapit sa babae para daluhan ito.
“Ate, anong— oh my God! Pandesal?!”
“Ulam?!”
Napaatras siya nang paluin ni Elhouette ang kaniyang kamay at tinulak papalayo rito. Mabilis na lumapit ang dalawang kapatid nitong babae at kilig na kilig na nakatingin sa kaniya pababa sa kaniyang tiyan. Bigla siyang nailang at namula.
“Ate, bakit ang hot ng asawa mo? Ang mga pandesal niya, ang sarap gawing pangsawsaw sa kape.”
“Ate, bati na kayo ni kuya Zyd! Ang gwapo niya, oh.” Sabay turo sa kaniyang tiyan at nagsihagikhikan ang dalawang kapatid nito. Habang pinagkukurot naman ito ng babaeng mahal niya sa tagiliran at pinaakyat pabalik sa itaas ang dalawa.
Inosente lang siyang nakatingin dito habang hinintay na bumaba si Elhouette na nakasimangot. Tiningnan lang siya nito ng masama at nilagpasan. Deri-deritso itong nagtungo sa kusina kung saan ang Ginang na nagkakape.
“Ma naman! Bakit niyo pinapasok ang lalaking ito? Alam niyo naman na ayukong makita ang pagmumukha niya. Isa siyang irresponsableng lalaki! Hanggang pasarap lang sa kama ang alam niya at maliit ang utak niyan.”
Lihim siyang nasaktan sa sinabi nito pero hindi siya kumibo dahil alam niyang totoo lahat iyon. Nanatiling tahimik si Zyd na nakatayo sa isang tabi. Pinipilit niyang ‘wag mabahing kahit sobrang kating-kati ng kaniyang ilong at lalamunan.
“Hay naku, Lianne, bata ka! Ako ba ay ‘wag mo pagsabihan? Nauurat na ako sa inyong dalawa. Kung ayaw mo siyang makita, aba’y pumikit ka. Hindi ka naawa sa lalaking iyan, oo. Buong magdamag naghintay sa`yo sa labas at nabasa ng ulan. Aba’y hija, hindi ko kayo pinalaking bastos sa bisita.”
“Pero ‘Ma—”
“Umupo ka na at magkape,” putol ng Ginang, “Ikaw rin, Zyd. Upo ka rito—Diyos ko!” Napa-sign of the cross ito nang mapasulyap sa kaniyang abs. “Wala ka ba damit na dala?”
“Wala ho.”
Napatingin siya kay Elhouette, tiningnan lang siya nito ng masama at binig-yan ng nakakamatay na irap.
“Hindi ba pupunta ka ng bayan? Bilhan mo na rin ang batang iyan, Lianne. Huwag na huwag kang magdadabog d’yan at urat na urat na ako sa iyong dalawa. Bueno, halika na Zyd. Upo na!” Tinuro ng Ginang ang mesa habang pinag-titimplahan siya ng kape.
Tahimik siyang sumunod at umupo paharap sa babae. Nakasimangot lang ito habang umiinom ng kape. Nag-abot ito ng pandesal, bahagya itong natigilan at napatingin sa kaniyang dibdib papunta sa kaniyang abs. Nang mapansin nitong nakatingin siya, agad umasim ang mukha ng babaeng mahal niya at inirapan siya. Lihim siyang napabuntunghinga. Handa siyang hintayin na mapatawad nito kahit abutin siya ng ilang taon. Ngayon pa ba siya susuko?
Papikit pa lang si Zyd ng mata habang nakahiga sa may kalambutang sofa nang marinig niya ang matinis na boses ng kaniyang nag-iisang princesa. Agad itong tumakbo papalapit sa kaniya at naglalambing.
“Daddy!”
Mabilis niyang tinanggap ang yakap nito at pinugpog ng halik ang ulo. “My baby princess! How’s my baby?” Umupo siya at hinarap ang bata.
Humagikhik naman ito at tinuro si Lianne na hindi na halos maipinta ang mukha sa sobrang inis. Malalaki ang hakbang nito ngayon na lumapit sa kanila saka kinuha sa kaniya ang bata. Muntikan pa siyang napapikit sa sumaging kamay nito sa kaniyang balat. Namimiss niya ang mga haplos nito sa kaniya.
“Magkumot ka!” Binato siya nito ng kumot. Ang lawak ng kaniyang ngiti nang saluin niya iyon saka nito niyaya si Aerush na umalis.
“Bye Daddy! Play tayo pagbalik namin, ah? Stay kayo d’yan.” Kumaway sa kaniya ang bata hanggang sa makalabas ang mga ito ng bahay.
Napabuntunghinga siya at bumalik sa pagkakahiga. Binawalan siya ni Lianne na matulog alinman sa kwarto sa itaas dahil hindi naman siya guest. Kaya sa sofa siya magpapahinga kahit sobrang awkward na wala siyang saplot maliban sa tuwalya. Ilang sandali lang, hinila siya ng antok. Pakiramdam niya, magakakasakit yata siya nito. Pagtatawanan siya ni Hudson pagnagkataon.
Nagising lang si Zyd nang marinig niya ang matinis na boses ni Aerush Li. Napabalikwas siya ng bangon at saka niya naramdaman ang pagsugod ng sakit ng ulo. Fuck! Sandali siyang sumandal at pinikit ang mata.
Natigilan siya nang magmulat siya ng mata at deritsong tumama sa lalaking pati sa Pinas, sumunod. Si Henrik Gustavvson. Naglinya ang kaniyang kilay lalo na’t karga-karga nito ang kaniyang anak. Nagtitigan sila at nag-trashtalkan sa isip. Kung hindi pa nagpababa si Aerush dito at mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya, baka nagsuntukan na sila gamit ang utak.
“Daddy! We bought you clothes po.”
Ngumiti lang siya at hinalikan ito sa noo. “Talaga?”
Saka naman lumapit sa kanila si Lianne at walang emosyong binato sa kaniya ang dalawang paperbags na dala nito. “Magbihis ka at pagkatapos, umalis ka na rin. Hindi ka kailangan dito. Isa pa, may bisita kami.”
Hindi siya sumagot. Pinili niyang ‘wag intindihin ang sakit na gumapang sa puso niya sa sinabi ni Elhouette. Tahimik lang siyang nagpunta sa banyo at sinuot ang binili nitong damit. Napangiti siya nang makitang sakto lang ang lahat. Hanggang ngayon, alam pa rin ng babae ang taste niya.
Tinawag siya ng kapatid nitong babae na kilala niya sa pangalan Eliann na kumain na raw ng tanghalian. Napasunod siya sa dalaga hanggang sa dumating sila sa bakuran. Doon niya napansin ang munting salo-salo na puro mga seafoods at iba’t ibang putaheng nakalapag sa mesa. Nakita niyang nakaupo na ang mga ito at siya na lang ang hinihintay. Agad tumalim ang kaniyang tingin kay Gustavvson nang makitang sa tabi na lang nito ang bakanteng upuan.
“Daddy seat ka na!”
Napilitan siyang humakbang patungo sa deriksyon ni Gustavvson at umupo ro’n. Oh fuck! This gonna be fun.
Nagsimula silang kumain matapos magdasal ang ama ni Elhouette na hindi man lang niya alam ang pangalan. Halos hindi niya kayang galawin ang pagkain sa pagkairita sa presinsya ni Gustavvson na alagang-alaga ang kaniyang babaeng mahal pati ang kaniyang anak. Siya dapat ang gumawa lahat ng mga iyon pero kapag gagawin niya iyon, isang malamig na tingin lang ang ibibigay sa kaniya ni Elhouette pagnagkataon.
Ganadong-ganado ang lahat maliban kay Zyd na hindi halos maidala sa bibig ang pagkain sa naramdamang selos. Fuck, oo! Nagseselos siya at gustong-gusto niyang sakmalin ang lalaki. Napakuyom siya ng kamao at pinipilit na ‘wag mag-react. Alam niyang wala siyang karapatan kahit mamatay pa siya sa selos ngayon sa harap ng kaniyang mag-ina.
“Paabot ng tubig, please?”
Sabay silang nag-abot ni Gustavvson ng tubig kay Elhouette nang humingi ito. Nagtinginan sila ng kaniyang mortal na kaaway sa hockey at nagpapatayan sa isip. Siya ang nauna, kaya dapat baso niya at pitsel ang kunin ni Elhouette.
Naglipat-lipat naman ng tingin ang anak niya sa baso at pitsel na inabot nilang dalawa habang si Elhouette, nakasimangot ang tingin nito sa kaniya. Parang bumagsak ang kaniyang mundo nang abutin ng kaniyang reyna ang hawak ni Gustavvson na baso.
First blood!
Gusto niyang maglupasay. May mali ba sa tubig ng pitsel na hawak niya? Napa-tingin siya ro’n, malinis naman at parehong tubig at pitsel pero bakit kay Gustavvson pa? Bumagsak ang kaniyang balikat at akmang babalik na sa pag-upo nang abutin ng kaniyang anak ang basong hawak niya.
“Daddy I want water din po!” ngumiti ito ng sobrang tamis.
Nagliwanag ang kaniyang mukha at sobrang luwang ng kaniyang ngiti. Kahit papaano, nand’yan ang anak niya, ang kaniyang prinsesa na parang malaking tao na kung mag-isip. Nababakla na naman siya. Pakiramdam niya kasi, maiiyak siya sa napakagandang ngiti ni Aerush... Ang Aerush ng buhay niya.
Nagsalin siya ng tubig sa baso at inabot rito.
Nung birthday nito, kahit may laro ang Pittsburgh Team, tumakas siya. Pumunta siya sa birthday celebration ng bata at tulad ng dati, pinalayas siya ni Elhouette. Okay lang sa kaniya na pinalayas, basta nakita niyang nag-ihip ng kandila ang bata at naibigay sa anak ang kiddie hockey set na Jersey number niya ang nakatatak.
HINDI halos makatulog si Zyd nang gabing iyon. Panay galaw niya sa sofa. Sa tangkad niya, halos hindi siya nagkasya ro’n. Ngayon lang niya napansin na hindi siya komportable sa kinahihigaan simula nung dumating ang Gustavvson sa bahay na ito. Pinilit siya ng Ginang na sa guest room matulog pero katabi niya ang lalaki. Hindi siya pumayag. Pinili niya sa sofa kahit alam niyang hindi siya makakatulog lalo na’t nandito ngayon ang lalaki at baka magkatabi pa ang mga silid nito sa itaas. Ang daming pumasok na mga bagay-bagay sa isip niya at inaatake siya ng sobrang selos.
Nagpasya siyang lumabas at nagpunta sa balcony ng bahay. Napa-buntunghinga siya at malungkot na pinagmasdan ang maitim na kalangitan. Kakatapos lang ng ulan kaya basa pa ang buong paligid. Kanina pa siya pinalayas ni Elhouette pero dahil umulan buong maghapon hanggang gabi, hindi siya nakaalis.
Choose someone that chooses you.
Napakuyom siya ng kamao. Hanggang ngayon, nasa sulok pa rin ng kaniyang puso ang katagang iyon. Pipiliin pa rin ba niya kung ngayon, hindi na siya ang pinili ni Elhouette? Titigil na ba siya? Damn, no! Kahit harap-harapan na naglalambingan ito sa kaniya, kahit harap-harapan na pinapakita sa kaniya na wala siyang puwang sa puso nito, na wala siyang babalikan pa, Hindi siya titigil. Kaya niya. Maliit na bagay lang ito kumpara sa ginawa niyang pagtaboy kay Elhouette dati at pinagsalitaan ito ng masasakit na salita.
Pero mas lalong bumagsak ang kaniyang mundo nang magtaas siya ng tingin sa kabilang bahagi, nakita niya ang kaniyang babaeng minamahal, kausap si Gustavvson sa terrace.
Puta!
Nagtagis ang kaniyang bagang sa nasaksihan. Para siyang napako sa kinauupuan at halos hindi niya magawang magbawi ng tingin. Nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon and for fucking sake, parang pinagpapalo ng hockey stick ang puso niya!
Nagbawi siya ng tingin at pinigilang huwag gumawa ng ingay at baka madisturbo ang mga ito. Inisip na lang ni Zyd na sana, bukas paggising niya, bumalik na ang dating Elhouette na kaniyang pinakasalan. Ang babaeng sumira sa pader na kaniyang nilagay. Ang babaeng akala niya, hanggang contract lang. Ang babaeng gumulo sa buong sistema niya at ngayon, ibang lalaki na ang nagpapasaya.
A fucking karma, right... Fuck this heart!
Isang linggo. Isang linggong nagdaan na puro bangayan sila ni Gustavvson pagdating sa babaeng pareho nilang mahal. Pareho nilang gusto at siya, ayaw niyang sumuko kahit pinaparamdam sa kaniya ni Lianne na wala siyang konting pag-asa pa.
Nung nakaraang araw, pareho silang sumama ng lalaki sa palayan at kung gaano sila kagaling sa ice rink, gano’n sila kawalang-alam nung nag-araro sila sa palayan...
“Fuck! Will you stop following me, Gustavvson?” singhal niya sa lalaki. Kanina pa ito sunod nang sunod sa kaniya. Halos naligo na siya sa putik dahil ang bilis maglakad ng kalabaw.
“I am not, McCluskey!” angil nito, “And shut your mouth. You’re scaring the old kelebew.”
“Kelebew?”
“Yeah, kelebew. That animal is kelebew.”
Puta! Gusto niyang sipain pagmumukha nito. “Kalabaw ‘yan, tangina!” asik niya, “Get your ass away from me, Gustavvson. I’m asphyxiated by your face and makes me wanna drown you here, right there, on this fucking mud!”
Tumalim naman ang tingin nito sa kaniya at hinamon siya ng suntukan. Dahil pareho silang nainis dahil sa nanibago sila sa putikan, nagharap silang dalawa at akmang magsusuntukan na lumapit sa kanila ang matandang lalaki na ama ni Elhouette. Nagpatayan na lang ulit sila ni Gustavvson sa isip.
Nung umalis saglit ang matanda, hinamon niya itong magkarera sila ng kalabaw sa gitna ng palayang inaararo. Ang mga audience nila, mga magsasaka rin at ang mga kababaehan na nanonood sa kanila, halos matunaw sa sobrang kilig.
Naka-set na ang kanilang kalabaw at nagbilang na rin silang dalawa hanggang tatlo. Eksaktong pagbilang nilang tatlo, bumagsak ang malakas na ulan. Oh yeah, isang malas na araw.
“Elhouette!” tawag niya sa babae.
Agad nagsalubong ang kilay nito nang makita siya. Nasa palayan ulit sila ng araw na iyon at nasa munting kubo ito nakaupo habang nagpapahangin. Si Henrik, kasama ang anak nila na umuwi saglit sa bahay dahil gusto nitong kumain ng ice cream. Siya ang nagpresintang sumama pero umayaw ang kaniyang munting unica hija. Masasaktan sana siya, nang maisip niyang sila lang dalawa ni Elhouette ang naiwan sa munting kubo. Wala rin kasi ang ama nito, sumama sa kumpadre na kumuha ng binhi sa malapit na bayan. Sila lang dalawang nando’n sa palayan.
“Kailan ka aalis sa bahay?”
Hindi siya sumagot. Basta lang siyang nakatitig dito kahit nakataas ang kilay nito na nakatingin sa kaniya. “Gaano ba kalaki ang galit mo sa`kin para bawasan ko.”
Tumawa naman ito na puno ng sarkasmo. “Alam mo, tangina mo. Ilang beses ko ba itatak d’yan sa kukote mo na Wala. Na. Akong. Nararamdaman para sa`yo?”
“Elhouette...”
Nag-abot ang tingin nito at tiningnan siya ng masama, “Uuwi na ako. Maiwan ka rito.” Agad itong bumaba sa hagdanang kahoy pero hinarangan niya ito.
“Elhouette naman, oh. Please, kausapin mo naman ako ng matino, oh?” nagsusumamong pakiusap niya. Puro putik ang kaniyang kamay at paa pero balewala iyon kay Zyd. Hinawakan niya ang kamay nito pero winakli nito ang kamay niya.
Nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Alam mo, Zyd? Nakakatawa ka. Para kang aso sa mga mata ko, sunod nang sunod. Alam mo ‘yong salitang hindi ka mahal? Bakit mo ba pinagsisiksikan ‘yang sarili mo sa`kin, ha? Oh come on! Captain ka, marami pang babaeng magkakandarapa sa`yo. ‘Wag ka sa`kin, please? Aside sa hindi ko kailangan ng lalaking walang bayag, hindi ko rin kailangan ang mga lalaking tulad mo. Walang utak. Utak mo nasa itlog. Ang alam mo lang, libog. Can’t you see I’m happy with Henrik, Zyd? Or nagbubulagbulagan ka lang? Okay, para tumigil ka na talaga— kami na ni Henrik, okay na ba? Malinaw na?”
“Elhouette...” humugis lang iyon sa kaniyang labi habang nakatingin sa mga mata nito kung nagsasabi ba ito ng totoo. Naramdaman niya ang paghapdi ang kaniyang puso at walang awang piniga iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya naninibago sa tuwing sumusugod ang gano’ng klaseng sakit.
Natalo siya... Natalo siya ni Gustavvson.
“Ano pa hinihintay mo? Umalis ka na sa buhay namin ng anak ko! Hindi ka namin kailangan ni Aerush. Mabuti na lang at matalino ang anak ko, alam niya kung sino siya dapat sumama at hindi sa`yo ‘yon, Zyd. And don’t you ever think of taking her from me, hindi ka mananalo. Alis ka na!”
Napangiti siya ng mapait nang itulak siya nito ng malakas. Bahagya siyang napaatras at malungkot na pinagmasdan ang babae. Mula sa mata nitong magaganda, sa matangos nitong ilong, sa mapupulang labi na lagi niyang kinasasabikang halikan dati. Kung sana’y alam niya lang kung ano ang tinatakbo ng hinaharap, kung sana’y maibalik niya lang ang mga kahapon.
Dahan-dahan bumagsak ang luha mula sa kaniyang mata habang nakatingin dito. “K-kahit konting chance, Elhouette... K-kahit konti... Wala na ba talaga?”
Ngumisi lang ito at ang sagot nito ay mas lalong nagpadurog sa puso niya. “Wala na. Si Henrik na ang mahal ko.” Agad siyang tinalikuran ni Elhouette pero hinabol niya ito at niyakap ng sobrang higpit mula sa likuran.
“Baby please... Come back to me. Balikan mo na ako, Elhouette... I’m begging you...” nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses. Kahit anong pilit niyang ‘wag maging mahina at bakla sa harapan ng babae pero wala, hindi niya kayang pagsinungalingan ang kaniyang sarili. Nasasaktan siya. Ayaw niyang si Henrik ang piliin nito. Kahit magalit ito sa kaniyang inasta ngayon.
“Ano ba, Zyd! Bitiwan mo nga ako. Ano ba!” Pinilit nitong haklasin ang kaniyang kamay pero mas hinigpitan niya ang kaniyang pagkakayakap.
“Zyd, ano ba! Bitawan mo nga sabi ako, eh.”
“Elhouette naman, oh.” Napaluhod siya sa lupang may mga bato.
Sa tanang buhay ni Zyd, ngayon pa lang siya lumuhod sa isang babae na umiiyak. Wala na siyang pakialam sa kaniyang pride, dahil aanhin niya iyon kung puso niya mismo ang sumusuko. For fucking goodness! Handa siyang ipalit lahat ng Stanley Cup ng team niya, balikan lang siya nito at bigyan ng panibagong pagkakataon na baguhin lahat.
“Elhouette please, I am begging you to love me again. Please, ako na lang ulit? Ha? Please ako na lang, Elhouette... Hi-hindi ako mapapagod sa kakahingi ng sorry sa`yo. Oo, I admit na sobrang putangina ko. Ang bobo ko. Wala akong bayag. Napakairesponsable! But I’m here, asking your forgiveness and asking to take me back. Baby naman, oh... P-pwede ako naman? P-pwede ba...”
“Wala ng balikan.”
“Elhouette...”
Inalis nito ang kaniyang pagkakayakap sa beywang nito at humarap sa kaniya. “Isa ka na lang bahagi ng nakaraan ko, Zyd. Paalam.”
Bumagsak ang buong mundo niya nang talikuran siya nito. Ando’n ang sigaw ng utak niyang habulin ang babae pero sa mga salitang binitawan ng babaeng minahal niya ng mas higit pa, pakiramdam ni Zyd, hinati ang kaniyang puso kasabay ng pag-guho ng kaniyang pag-asa na maibabalik pa niya ang dating sila.
Wala. Wala na siyang pag-asa kahit konti. Napaupo siya sa lupa habang nakasunod lang ang kaniyang tingin dito na papalayo sa kaniya. Ganito pala kasakit... Ganito pala ‘yong pakiramdam na ayaw na nung taong mahal mo, ganito pala kasakit kapag totoong nagmahal ka.
Napakuyom siya ng kamao. Nagsimulang yumugyog ang kaniyang balikat at kahit anong pigil niyang huwag umiyak para lang sa puso niyang nawasak— wala. Wala siyang nagawa nung sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha niya at damang-dama niya bawat sakit sa araw na ito.
B-bakit, Elhouette... Bakit...
Bumuhos ang malakas na ulan. Dahan-dahan siyang nabasa pero hindi niya inalintana iyon. Basta lang siyang nakaupo sa lupang naging putik na rin dahil sa lakas ng ulan. Wala na sa mga mata niya ang babae. Mabuti at hindi ito naabutan ng ulan. Okay lang na siya ang magkakasakit, lalaki siya. Sanay siya sa lamig. Huwag lang ang babaeng pinangako niya sa sariling hindi niya sasaktan sa ikalawang pagkakataon.
Hanggang dito na lang ba talaga siya? Marahan niyang pinilig ang ulo at napatingin sa kamay. Nando’n ang singsing na binigay ng kaniyang ina kay Elhouette. Nalaglag iyon nung nasa Hospital sila at tinago niya iyon. Balak niyang ibalik ulit sa babae dahil ito ang totoong nagmamay-ari. Pero paano nga ba? Wala na yata... Natalo siya.
Hindi, una pa lang wala na talaga. Simula nung sinaktan niya ito, pero pinagsisihan niya na iyon. For fucking sake, God knows! Kaya hindi nila magawang makapasok sa Playoffs dahil masyadong okupado ng babae ang kaniyang buong sistema at naapektuhan ang buong team. Hindi siya makatulog. Kinakain siya ng sobrang guilt at labis na pagsisisi.
Pero kapag pala babae na ang sumusuko, mahirap ng ituloy ang laban lalo na kapag may ibang nagpapasaya na rito. Mapait siyang napangiti habang naghahalo ang ulan at luha sa mata niya. Fuck, ang sakit! Dahan-dahan siyang napahiga sa basang lupa na ngayon ay naging putik. Bakit hindi niya kayang matanggap? Bakit?
B-bakit Elhouette...
***