“McCluskey!”
Napalingon siya kay Gustavsson na tumawag sa kaniya. Nasa labas siya ng bahay habang may dalang mug. Umuusok pa ang kapeng nagmula ro’n at isa iyon sa gusto niya tuwing umaga. Ang sarap mamuhay sa probinsya na walang inaalala pero sa sitwasyon niya, ang hirap.
“What?” asik na tanong niya. Siya na nga itong lumayo para ‘di makita ang paglalambingan ng mga ito sa kusina habang nag-aalmusal sila. Kung nasa Pittsburgh sila, baka niyaya niya na itong makipagsuntukan at ang mananalo, ang siyang magmamay-ari kay Elhouette.
“I’m not here for a fight. I want us to talk.”
“We’re talking idiot.”
Hindi nito pinansin ang pabalang niyang pagsagot. Namulsa ang isang kamay nito habang sa isang kamay ay ang mug na hawak. Marahan nitong sinimsim ang kape bago nagsalita. “About Lianne—”
“She’s mine. And I will do everything to make her mine again. Mark that Gustavsson.”
Nagkibit lang ito ng balikat, “If that’s the case, may the best man win.”
Tiningnan lang niya ito ng masama at tinalikuran. “I will win her. And this time, hindi ko na siya papakawalan.” Tuuyan niya itong iniwan at bumalik ng bahay. Hindi niya pinansin ang kakaibang titig ni Gustavsson nung tumalikod siya na parang may gusto itong sabihin sa kaniya. Tutulong na lang siya sa tatay ni Lianne sa palayan. Masarap magsaka at nag-enjoy siya sa tuwing makikipaghabulan siya sa kalabaw.
Pero sa araw rin na ‘yon, natalo siya ni Gustavsson. Lalo na nung tinulak siya ni Lianne papalayo habang malakas ang ulan at nakaluhod siya rito para tanggapin siya ulit. Nagpaiwan siya sa kubo. Hinayaan niya ang malakas na ulan na basahin siya. Hindi siya sanay sa klima ng Pinas pero wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Ang mahalaga sa kan’ya ay ang makuha ulit ang pag-ibig ni Lianne pero huli na siya. Naunahan na siya ni Gustavsson. Naunahan siya.
Hindi lang niya lubos maisip na babalikan siya ni Lianne sa kubo. Gusto niya itong yakapin kahit nanginginig na ang kaniyang katawan sa lamig at ginaw pero ‘di niya nagawa nang bumitaw na ang kaniyang lakas. Sanay siya sa malamig na temperatura ng Pensylvannia pero hindi sa Pinas kaya nawalan siya ng malay. Nagising na lang siya na nasa Hospital at kaharap ang mga tangina friends niya. Nakakunot ang mga noo at handa yata siyang patayin ng mga ito. He admit, masasamang damo ang mga kaibigan niya at sa tingin na binigay ng mga ‘to sa kaniya, alam niya na ang mangyayari sa kaniya. Kakatayin na siya.
“Nagpapakamatay ka ba?” ‘Yon ang unang bungad na tanong sa kaniya ni Hudson.
“Or kung gusto mo, kami na ang papatay sa`yo. Para naman ‘di masyadong masakit sa`min ‘pag nawala ka na.” Si Cuhen.
Natawa siya. Hindi sila masyadong magkakasama dahil sa buhay na pinili niya pero alam ni Zyd na totoong kaibigan ang mga ‘to. “I will tell you guys if gusto ko na.”
“Talaga lang!” Binato siya ni Azael nang mansanas at agad niya ‘yon nasalo.
Mabilis niya iyong kinagat at do’n niya lang napansin ang IV na nakakabit sa kamay niya. “What’s this? I hate this stuff.” Tinanggal niya iyon at hinayaan lang siya ng mga kaibigan niya na gawin ang bagay na gusto niya. “Who bring me here? Naalala ko nasa palayan ako at— si Elhouette ko?!”
“Buhay pa gago!” Si Cuhen. “Si Henrik Gustavsson ang nagdala sa’yo rito.”
Nagkibit siya ng balikat sa narinig. Hindi niya narinig ang pangalan na iyon. Nakatuon ang kaniyang atensyon sa mansanas na agad nangalahati. “Muntikan ka ng mamatay gago ka. Kung ‘di lang namin alam na healthy ang lahi natin baka iisipin ko, may sakit ka puso. Tangina mo! Ulan lang nagkasakit ka?”
Hindi siya kumibo sa sinabi ni Cuhen. Buhay nga siya pero ang puso niya, para ng patay. Wala siyang maramdaman kundi kahugkaan at sakit. Hanggang ngayon patuloy pa rin na umiikot sa utak niya ang sinabi ni Lianne. Nasasaktan siya. Natigil siya sa pagkagat ng mansanas nang mapatingin siya sa mga kaibigan niyang nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya.
“I guess Zyd needs our help,” suhestiyon ni Farhistt.
“Plan A.” Ngumis si Azael.
“Plan B is mine,” singit ni Hudson na masama ang tingin sa kaniya.
“Wait, paano niyo nalaman na nandito ako sa Hospital?” pag-iiba niya sa usapan ng mga ito.
Nagkibit lang ng balikat ni Farhistt at Hudson. “Don’t ask. Hindi mo maiintindihan,”simpleng sagot ni Hudson. Naglalaro ito ng stethoscope sa kamay. Pinapaikot nito iyon. “Ang mahalaga ang plano namin para sumaya ka ng gago ka.”
“Okay, what’s the plan?” Si Cuhen.
Agad nagsitayuan ang mga ito at pumwesto ng pabilog malayo sa kaniya. Sabay pa itong sumulyap sa kaniya at nagbubulungan sa isa’t isa.
“Ano ba ang pinag-uusapan niyo? Can I join?”
“Shut up! ‘Di kami nakikipagplano sa ‘di tuwid magsalita ng tagalog. Keye meghentey ke ne leng.”
Pinilit niyang kumalma sa mapang-asar na sagot ni Azael.
Iniwan siya ng apat at binigyan pa siya ng nakakamatay na tingin ni Azael bago tumalikod ang mga ito. Nababagot na bumangon siya at nagtungo sa pintuan. Gusto niyang lumanghap ng hangin sa rooftop at punuin ang dibdib. Hanggang ngayon, presko pa rin ang sakit pero ‘di siya susuko. Natalo siya ni Gustavsson pero hindi siya naging captain ng isang team kung mabilis siyang sumuko. Kailangan niya pa rin sumubok kahit ilang beses siyang itulak ni Elhouette papalayo.
Eksaktong pagbukas niya ng pintuan ang pagbiglang pagpasok ni Gustavsson. Kumuyom ang kaniyang kamao at nagpipigil siyang sunggaban ng suntok ito. Pinilit niyang kumalma at nilagpasan ito pero mabilis siya nitong hinawakan sa balikat.
“McCluskey, spare me a minute. I need to talk you.”
“For?”
“About Lianne,” deritsahang sagot nito.
Mapait siyang napangisi. “You have her. But don’t celebrate yet.”
Tumango ito pero mataman siyang tiningnan. “No, it’s not about me and Lianne. It’s about you and her.”
Natigilan siya sa sinabi ni Gustavsson. Napahugot siya ng malalim na hangin at niyaya ang lalaki na sa rooftop sila ng Hospital mag-usap at pumayag naman ito. Namulsa ito sa suot na pantalon at malayong tumingin nung nasa rooftop na silang dalawa. Namayani sa kanila ang mahabang katahimikan bago ito nagsalita.
“Take care of her.”
Tumalim ang kaniyang matang tumingin dito. “What do you mean?”
“Lianne loves you.”
Para siyang naging bato sa sinabi ni Gustavsson. Hindi siya makapaniwala sa narinig pero nang maalala niya ang nangyari kagabi at kung sino ang pinili ni Elhouette, natawa siya ng mapakla. “Nice.”
“She loves you, stupid. Lianne still loves you. I don’t want to say this to you because fuck, I love her too. I love the woman you hurt before and I badly want her mine. I fucking love her but part of loving her is setting her free so she can love you again.”
Hindi siya nakasagot. Bumaling ang kaniyang tingin sa payapang ulap nang mga sandaling iyon. Parang kagabi lang, walang malakas na ulan na nangyari. Parang kagabi lang, kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagkamatay ng puso niya pero nanatiling si Elhouette pa rin ang tinitibok nito.
“But Elhouette choose you instead of me.”
“Really?” natawa ito ng pagak. “Lianne loves me as a friend.”
Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hindi siya makapagsalita. Napapantastikuhang nakatingin lang siya kay Gustavssona at hinintay ang sunod nitong sasabihin.
“But she’s fucking hard headed. She won’t leave me. Nasanay siyang ako kasama niya lagi nung wala ka. Kaya kahit mahal ka niya, pinipili niya ako kasi pakiramdam niya obligasyon niya iyon na piliin ako para ‘di ako masaktan. I love her for that but I don’t want her to stay with me forever. Hindi niya ako mahal.”
Hindi na siya nagkomento nang magsalita ito ng tagalog. Minsan, natututo ang isang tao sa isang bagay kapag nasaktan. “What shoud I do?”
“The fuck you doing here, Zyd!”
Isang kamay ang humila sa kaniyang leeg at pinagsusuntok siya sa ulo. Oh fuck! Bigla siyang nahilo sa ginawa ni Azael, puta!
“You bastard!” inis na pakli niya kay Azael nang bitawan siya.
Nakangising umiling naman ito. “Magtagalog ka muna. ‘Di ka namin naiintindihan.”
“Puta ka!”
Ang lakas ng halakhakan ng kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nasa rooftop na din. Halatang siya ang kailangan ng mga ito.
“We have a plan already. Sa planong ito, dapat makisabay ka. Kailangan ‘wag kang marupok at kailangan—” Natigil sa pagsasalita si Hudson nang bumaling ang tingin nito kay Gustavsson. “To make our plan works, Captain Gustavsson needs to cooperate with us.”
“Um, me?”
“Yeah. Come here man!” Inakbayan ito ni Azael at hinila papalapit sa kaniya.
“But I’m—”
“We won’t kill you.” Natatawang saad ni Cuhen.
“Yeah, they’re right,” dugtong niya. “Lumapit ka na at para matapos na tayo rito.”
Pumorma sila ng pabilog at nag-usap sa planong sinasabi ni Hudson at Azael. Nung una, umayaw sila pareho ni Gustavsson. Pero kalaunan, napapayag siya nung pumayag si Gustavsson sa plano ng kaniyang mga kaibigan.
Ipapalabas ng mga ito na patay na siya. Fuck! Sa parte pa lang ‘yan, gusto niya ng manakal ng kaibigan. Sa isiping masasaktan niya si Elhouette sa fake death niya, para na siyang sinusuntok sa sakit pero ang sabi ni Hudson, para sa kaniya iyon. ‘Wag na raw siya umangal at pasasalamatan daw niya ang gagawin ng mga ito balang-araw.
“Pero masasaktan si Elhouette sa gagawin nating kabaliwan. Damn!”
“Yeah, I agree on that.” Si Gustavsson na nagdadawang isip pa rin sa plano ng apat na kaibigan niya. “Lianne might lose her head ‘pag nalaman niyang namatay si McCluskey.”
“Straight ka na talaga magtagalog. Where’s the old kelebew?”
Natawa naman si Azael sa kaniyang sinabi pero agad din nagseryuso nang samaan ito ng tingin ni Cuhen.
“After your fake death, we’ll surprise her a wedding.” Pagpatuloy ni Hudson.
“Lahat tayo magpapakasal kay Elhouette niya?!”
Isang sapak ang nakuha ni Azael kay Cuhen. “Stop interrupting.”
Ngumisi naman ito at nagkibit ng balikat.
“And you dude,” baling ni Hudson kay Gustavsson. “I know how you love that woman but we’ll move mountains kung kaibigan ang usapan. Zyd got her first and Zyd must have her. Sorry but hope you’ll understand us why we doing it for our fucking friend, Zyd. Bobo kasi siya.”
Ang lakas ng hagalpak ni Azael sa huling sinabi ni Hudson habang siya ay ‘di maipinta ang mukha. Damn! Harap-harapan siyang iniisulto ng kaibigan niyang nasobraan sa talino.
“No worries. I know McCluskey is stupid.”
“What?” angil niya kay Gustavsson. “Gusto mo magsuntukan tayo rito?”
“But he’s a good friend. I won’t stop your plan. I’ll try my best to cooperate but please, ‘wag niyong masyadong galingan at baka masaktan masyado si Lianne. I hate to see her crying.”
“Noted.”
Doon nagsimula ang plano ng apat niyang kaibigan. Pagkalabas nila sa Hospital, hindi siya hinayaan ng apat na lumitaw sa harapan ni Elhouette kahit gustong-gusto niyang magpakita. Kahti gusto niyang tanungin kung totoo ba ang sinabi ni Gustavsson na mahal siya nito, hindi pwede. Bawal sa kaniya.
Pinauwi siya ni Cuhen at binigyan ng linggo na maghanda para sa gaganapin na proposal niya sa airport. Sa tulong ni Gustavvson at nang apat niyang kaibigan nagawa niya ‘yon. Nalaman din niyang iyak nang iyak ang babaeng mahal niya sa pamamagitan ng recording device na nilagay ni Hudson sa phone nito. Para siyang nadudurog sa tuwing naririnig niya ang mahabang iyak nito at pauli-ulit na pagsambit na gaano siya kamahal.
Damn! Sa parteng iyon pa lang, gusto niya ng tumakbo pabalik sa Pinas at magpakita sa babae na buhay siya. Kahit selos na selos siya dahil si Gustavsson ang nasa tabi ni Elhouette at nagpapakalma rito, wala siyang magawa kundi ang sumunod sa plano. Ang plano na siya rin ang nahihirapan sa tuwing naririnig ang mga iyak at hikbi ng babaeng mahal niya…
“Baby,” paglalambing niya kay Elhouette nang sumampa siya sa kama. Nasa kabilang room ang alaga nilang aso at pusa, kasama ang magandang anak nilang si Aerush.
“Ano?” pagtataray nito. Nakakunot ang noo at handang lapain siya anuman oras.
“You always yell at me. Ouch. You’re hurting me, baby.”
Inirapan naman siya ni Elhouette at ‘di siya pinansin. Nanatili itong nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang mga old pictures nito sa cellphone. Paminsa-minsan ay ngumingiti ito pero paminsan-minsan umaasim ang mukha.
“Ang pangit ko talaga rati,” nakangiwing saad nito.
“Even now.”
Malakas siyang hinampas nito. “As if gwapo mo!” pinandidilatan siya nito ng mata. “Umalis ka nga! ayaw ko makita ‘yang mukha mo. Ang pangit-pangit.”
Napangiti siya ng nakakaloko. Kung ‘di niya alam na buntis ang asawa sa pangalawang anak nila, baka nasaktan na siya at nagdrama sa harap ni Elhouette. “Pinaglilihan mo na naman ako.”
Umarko lang kilay nito at inismiran siya. “Luh? Gwapo ka? Si Henrik na lang ang paglilihan ko kung gano’n kasi gwapo siya, ‘no.”
“Really?” agad niyang kinuha ang hawak nitong phone at kinaumbabawan ang asawa. Nagwala naman ito at pinaghahampas siya pero isang mapusok na halik ang kaniyang binigay rito. Para naman itong isang tupa na tumigil sa paghahampas sa kaniya at mabilis na tinugon ang kaniyang halik.
“Now, who’s the most handsome? Is it me, or Gustavsson?”
“Hen—”
Kinuyumos niya ulit ito ng halik at mas mapusok iyon. Nagsimula rin bumaba ang kaniyang kamay patungo sa ilalim ng suot nitong cotton short. “Sino?” Nasa gitna ng hita nito ang kaniyang kamay habang nakangisi siya.
“Si Henri—”
Fuck! No.
Napaigtad ito nang salatin niya ang pagkababae nito at mariing sinimsim ang leeg. Hindi siya papayag na maging ka mukha ni Gustavsson ang kanilang anak. Hindi makatarungan iyon.
“Ahhh Zyd! Umm…”
Napangiti siya nang mapaungol ito ng malakas. Naramdaman din niyang nagsimulang tumayo ang kaniyang alaga sa ilalim ng suot niyang boxer short. Handang-handa ng makipaglabanan ng matindi nang—
“Daddy, Mommy! Let’s go na. Why so tagal?”
Bigla silang naghiwalay dalawa ni Elhouette at umarteng parang walang nangyari. Ando’n na sana. Naundlot pa.
“Princess next time knock the door para Mommy and Daddy have time to make—”
“Bibig mo Zyd!” putol sa kaniya ni Elhouette.
Napakamot na lang siya sa batok at deritso nang tinungo ang banyo. Mauna na siyang mag-shower at pahupain ang init ng kaniyang katawan. May lakad silang pamilya at ‘yon ay ang manood ng Hockey play offs ni Gustavsson. He miss the ice rink and being captain of the team pero mas matimbang ang dalawang babaeng mahal na mahal niya ngayon at may kasunod pa na darating.
“Daddy! Make it faster, ha. I don’t wanna miss Daddy’s Henrik game.”
“Alright sweety.”
Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Elhouette at nilambing ang anak nilang matabil at maraming rason. Manang-mana sa ina nito. Dalawang babaeng nagpapasakit sa kaniyang ulo minsan pero mahal na mahal pa rin niya at walang magbabago ro’n.
Ang lawak ng ngiti ni Zyd habang karga-karga ang nag-iisang prinsesa niya at katabi niya ang kaniyang reynang medyo kalakihan na ang tyan pero hindi pa rin halata tingnan. Isang panibagong prinsesa pa ulit ang nasa sinapupunan nito at ngayon pa lang, alam na ni Zyd ang mangyayari. Magiging mala-impyerno ang buhay niya sa demand ni Aerush na lagi siyang ginagawang barbie doll at nilalagyan ng make up sa mukha.
“Baby, okay ka lang? pwede pa tayong bumalik ng bahay kung masama pakiramdam mo.”
Inirapan naman siya ni Elhouette. “Nandito na tayo sa arena. Magsitigil ka nga d’yan. Kita mong ang excited ng anak natin.”
Napangisi siya. Ang maldita talaga nito pero okay lang, mas lalo niya itong minahal sa kabila ng paiba-iba nitong ugali araw-araw. Maraming mga tao at fans niya ang nagpapicture sa kanila. Nagsalita siya ng konti sa camera habang malawak ang ngiti ng kaniyang mag-ina saka sila tuluyang nakapasok sa loob ng arena kung saan gaganapin ang laro.
“Daddy look! Daddy Henrik is so magaling talaga.” Ang lakas ng tili ng kaniyang anak nang magsimula na ang game at nakapag-goal agad si Gustavsson.
“Princess, mas magaling si Daddy d’yan. I’m a captain of the team before. Gustavvson can’t even beat me.”
“Ayan ka na naman.” pinanlakihan siya ng mata ni Elhouette.
“Pero Daddy, I guess you can’t beat Daddy Henrik kasi sa stares pa lang ni Mommy scared ka na, eh.”
Napakamot siya sa kaniyang batok habang natawa ang kaniyang magandang asawa sa sinabi ng kanilang magaling na anak. Manang-mana talaga sa asawa niya ang katabilan nito at natatawa na lang si Zyd sa parteng iyon.
Umabot ng dalawang oras ang panonood nila ng Hockey at tinanghal na nanalo ay ang Jersey Devils. Ang saya ng anak niya na nag-request pa ito na pumunta silang dalawa sa ice rink at magpabuhat sa Daddy Henrik nito. The fuck! Wala siyang magawa kundi ang sundin ang request ng kaniyang magandang prinsesa kundi ‘di siya makakatabi kay Elhouette sa pagtulog. Gusto niyang maiyak sa isiping masyado siyang inalipin ng kaniyang reyna at prinsesa na mahal na mahal niya.
“Congrats!” napilitan siyang batiin si Gustavvson. Agad nagpakarga ang anak niya rito nang makalapit sila.
Natawa naman ito at tinapik siya sa balikat. “Thanks, McCluskey.”
“Daddy! Come here, I want a photo of us with Daddy Henrik. You always away him pa naman.”
“Princess—”
“Mom is looking at us,” putol nito.
Fuck! Napamura siya ng malutong at walang magawa kundi ang tumabi kay Gustavvson at nagpapicture kasama ito at ang anak niyang ginawa siyang under.
NATATAWANG umiling si Henrik nang magpaalam ang mag-asawang McCluskey sa kaniya. Tapos na ang celebration ng team at nagpasya na rin siyang umuwi sa bahay niya sa Grandyle Village. Malayo, pero mas gusto niya ro’n.
Nang makarating siya ng bahay, agad siyang nagtungo sa kaniyang silid at deritsong humiga sa malambot na kamang nando’n. Sa kabila ng masayang nangyari ngayong araw, may bahagi pa rin ng kaniyang pagkatao ang masakit. ‘Yon ay ang makita ang babaeng una niyang minahal na ngayon ay masaya na kay McCluskey.
Natawa siya ng mapakla at pinatong ang braso sa noo. Matagal siyang napatitig sa kesame. Gusto niyang matulog pero masakit ang kaniyang puso. Kahit tanggap niya ng wala talagang para sa kanila ni Lianne, nasasaktan pa rin siya. Nasasaktan siya sa isiping bakit ‘di niya kayang kalimutan ito?
Napamura siya ng malakas at tinungo ang kabilang silid. Maingat niyang binuksan iyon at alam niyang sa mga sandaling ito, mahimbing ng natutulog ang babaeng nakilala niya sa kung saan at sumama sa kaniyang maging kaniig isang gabi. Pagkatapos nag-offer ito sa kaniya nang isang buwan na maging alipin niya sa kama hanggang sa magsawa ito at bumalik sa Pinas. Umayaw si Henrik nung una pero ‘di na ito umalis at pinanindigan nito ang sinabing ‘di ito aalis sa buhay niya sa loob ng isang buwan.
“She’s sleeping like a doll,” usal niya nang lapitan niya ito. Maingat ang kaniyang bawat galaw at ayaw niyang magising ito. Ayaw niyang magising ang babae na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin siya pero ang kaniyang puso, nanatiling si Lianne pa rin ang tinitibok.
Inayos niya ang kumot na nakalihis sa katawan ng dalaga. Para itong isang prinsesa na nangangailangan iligtas pero alam ni Henrik na ‘di niya kayang iligtas ito. Hindi siya ang makakapagligtas sa prinsesang nagngangalang Trinity.
Ni-lock din niya ang binatana at inayos ang kurtina. Ilang beses siyang bumuntunghinga at nagpasyang bumalik sa kaniyang silid nang marinig niyang magsalita ang babae. Hindi na siya nagulat.
“Congratulations. Jersey Devils win again.”
Lumingon siya rito at ngumiti. “Sorry, I wake you up.”
“Nah it’s okay.” Tumayo ito at matamis ang ngiting lumapit ito sa kaniya. Nakasuot lang ito ng manipis na nighties at litaw na litaw ang mayamang dibdib na walang anuman suot na bra. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi at hinalikan ang kaniyang labi. “Actually, hinintay kita.”
Hindi siya sumagot. Hindi rin siya tumugon sa halik na binigay sa kaniya ni Trinity. Mataman lang niya itong tinitigan at hinintay na dumistansya sa kaniya ang babae.
“Goodnight. Take a rest handsome. I love you.” Muli siya nitong hinalikan sa labi at ginulo ang kaniyang buhok. Ilang segundo siya nitong tinitigan at ngumiti. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at giniya papalabas sa silid nito. “Get out now or I can’t resist myself and seduce you in bed again.” Saka ito tumawa.
“Trinity…”
“I know, I know.” Tumawa ito. “Goodnight handsome!” Nag-flying kiss ito nang makalabas siya sa silid ng babae. Kinagat pa nito ang labi at napapailing na lang si Henrik kay Trinity nang isara nito ang pintuan.
Deritso niyang tinungo ang silid ni Elhouette at marahang napabun-tunghinga. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang luha sa kaniyang mata habang umupo siya sa malambot na kamang nando’n.
“I know you’ll be happier with Zyd, Lianne. I know how much you love him.” Nilamukos niya ang kaniyang mukha at humiga sa kama. Napatitig siya sa kesame at hinayaan ang sariling balikan ang nakaraan…
Malakas ang kulog at kidlat sa labas ng bahay at patuloy ang pagbuhos ng ulan. Hindi niya naranasan ang ganitong klima sa Pittsburgh kaya nasisiyahan siya sa tuwing umuulan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon at mailap kay Henrik ang antok kaya nagpasya siyang tumayo. Tinungo niya ang bintana para magmasdana ang ulan mula ro’n nang mahagip ng mata niya si Lianne na nagmamadaling tumakbo papalabas ng gate.
“Lianne? No fuck!” mabilis siyang sumunod sa babae matapos niyang magsuot ng pang-itaas. Hindi niya alintanang naka-boxer shorts siya.
Paglabas niya, wala siyang Lianne na naabutan sa gate. Tinuro ng utak niya, ang palayan. Bumalik siya ng bahay at kinuha ang flashlight na nasa ibabaw ng refrigerator. Palitan na lang niya ito ng bago. Mabilis niyang sinundan si Lianne sa palayan at baka ano pa mangyari sa babaeng minamahal niya pero ‘di siya mahal.
“Zyd!”
Narinig niya ang malakas na sigaw ni Lianne sa pangalan ng lalaking mortal na kaaaway siyang ituring sa loob ng hockey game.
“Lianne…” mahinang usal niya. Basang-basa siya ng ulan pero ‘di niya ininda ang bagay na iyon. Ang iniisip niya ay ang kalusugan nito.
“Zyd! Nasa’n ka ba?!”
“I am here, Min Dam. Always here…” napakuyom siya ng kamao. Gustong-gusto niyang takbuhin ang babae at yakapin ito ng mahigpit pero wala siyang karapatan para gawin iyon kahit mahal na mahal niya ito.
Kahit malakas ang ulan at may kadiliman ang paligid, nakita niyang tumakbo ito papalapit sa kubo at tinulak ang pintuan. “Zyd? Zyd, andito ka ba?!” Inumang nito ang dalang flashlight sa bawat sulok.
Parang may kung anong sumuntok sa kaniyang puso. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya magawang ihakbang ang paa. Paulit-ulit lang na binulong ng kaniyang puso ang pangalan ni Lianne.
Hindi siya gumalaw. Nanatili lang siyang nakatayo sa gitna ng palayan habang ang puso niya ay dahan-dahan sinaksak ng maraming beses. Kahit walang kasiguraduhan ang kaniyang nararamdaman para rito, sumugal siya. Sumugal sa isipin na balang-araw, pipiliin at magagawa siyang mahalin ni Lianne. Lahat ginawa niya ang bagay na pinagkait ni Zyd rito. Siya ang sumalo rito nung pinagtabuyan ito at pinagbantaan mamatay tao. Siya ang naging sandalan ni Lianne sa mahabang panahon. Siya ang naging lakas ng babae nung mga panahong naghihina na ito. Siya ang naging alalay para tumayo ito at lumalaban uli. Siya ang nand’yan pero siya ang hindi pinili.
Umagos ang kaniyang luha pero hinayaan lang ni Henrik iyon. Hindi mapapansin ang luha sa mata niya dahil sa ulan malakas naman ang ulan. Pinilit niyang ‘wag pansinin ang sakit na bumabatay sa puso niya, mas nangimbabaw pa rin ang pagmamahal niya sa dalaga.
Agad siyang sumunod sa kubo. Iniisip niyang baka kailanganin ni Lianne ang kaniyang tulong. Nasa bukana siya ng kubo at nakita niyang yakap-yakap nito si Zyd sa isang tabi.
Lianne… sa ikalawang pagkakataon, ‘di niya magawang bigkasin ang pangalan na iyon. Masakit, masakit na parang buong puso niya pinagsasaksak ng maraming kutsilyo. Hindi niya magawang magreklamo. Wala siyang karapatan magreklamo. Basta lang siyang nakatingin sa mga ito habang nasa bukana siya ng pintuan.
“I... Want you to know... That... You... Made me realized what l-love, really is. Y-you made me realized that loving you... Is the best part of my existence. I... Love you more than I love myself... Kayo ng anak natin. Ma-mahal na mahal kita, Lianne Elhouette Vergara McClusk——”
I love you more than I love myself too, Min Dam. But I guess, I am that hard to love.
“Zyd? Zyd! Hayop ka, ‘wag kang mamatay sa`kin! Zyd... Zyd naman, eh.”
Napakuyom siya ng kamao nang impit na umiyak ang babaeng mahal niya at pinipilit na gisingin si Zyd. Humiga ito sa tabi at niyakap ng mahigpit si Zyd habang umiiyak ng malakas.
“Zyd naman, eh...”
Nagsimulang yumugyog ang kaniyang balikat sa sakit na naramdaman. Paano ba maibsan ang sakit na naramdaman niya ngayon kung para siyang pinapatay sa bawat hikbi at palahaw ng babaeng mahal niya. Durog na durog ang kaniyang puso at hindi niya kaya ang tagpong iyon. Umatras siya. Kahit kailan ‘di niya magawang kunin ang pagmamahal nito na hinahangad niya sa lahat. Nagmahal lang naman siya.
“Zyd? Tangina! Huwag mo akong biruin. Huwag mo akong biruin ng gan’yan. Zyd! Pakshet mo talaga kahit kailan. Gumising ka... Gising. Zyd naman, eh! Mahal mo ako tapos mang-iiwan ka? Gago ka ba?! Zyd, Zyd naman, eh. Zyddddddd!”
Mapait na ngumiti si Henrik at doon na siya naglakas ng loob na tawagin ang pangalan ni Lianne. Mabilis itong napatingin sa kaniya at nangingislap ang luha nito.
“H-henrik…”
Walang salitang umakyat siya sa loob ng kubo at kinapa ang pulsuhan ni Zyd. Mahina na lang iyon. Agad niyag inakay ang lalaki ng walang kahirap-hirap habang umiiyak na sumunod sa kaniya si Lianne.
Pareho silang malaking tao ni Zyd kaya ang ginawa ni Henrik, pinasan niya ito sa kaniyang likod nang simulan nilang baybayin ang maputik na daanan. Kahit alam niyang natalo siya ni Zyd sa puso ni Lianne, hindi siya nagtatanim ng galit. Mas matimbang sa kaniya ang kaligayahan ng babaeng umiiyak na nakasunod sa kaniyang tabi.
Gamit ang motor tricycle ng pagmamay-ari ng pamilya Vergara, mabilis niyang pinagana ang makina iyon habang nasa loob si Zyd at Lianne habang yakap nito si Zyd at umiiyak. Sa minsan niyang pagpunta sa bayan, alam niya kung saan ang may malapit na Hospital. Wala siyang sinayang na panahon, agad niyang pinatakbo ang tricycle.
Iyak nang iyak ang babae pagdating nila ng Hospital habang inasikaso ito ng isang Nurse at isang Doctor. Pareho silang basa at nanginginig ito sa kaniyang tabi ngayon habang ang ulan sa labas ay patuloy pa rin sa pagbuhos ng malakas. Swerte nila dahil walang kahoy na humarang sa kalsada dahil kung nagkataon, mapipilitan siyang ihatid sa morgue si Zyd.
“You still love him.”
Hindi ito sumagot. Nanatili itong umiiyak at niyakap na lamang niya ito ng mahigpit. Hindi na kailangan ni Henrik na kompirmasyon dahil nakikita niya iyon sa mata at kislap ng babae, matagal na.
Kaya nung kinausap siya ng mga kaibigan ni Zyd, pumayag siya. Pinapalaya niya rin si Lianne. Mas mahal niya ito para manatili ito sa kaniyang buhay. Alam niyang naaawa lang sa kaniya ang babae at hindi niya iyon kailangan. Kaya kahit labag sa kaniyang loob, binitawan niya si Lianne at binalik sa totong minamahal nito. Siya na ang pumili para sa ikakasaya nito dahil alam ni Henrik, na mas lalo itong magiging masaya kung nasa kay Zyd ang babaeng mahal niya. Magpapaubaya siya.
Bumalik siya sa reyalidad nang marinig niya ang malakas na kalabog sa silid ni Trinity. Nagmadali siyang tumayo at tinungo ang silid nito. Napakunot siya ng noo nang makitang nahulog ito sa kama. Naiiling na lamang siyang nilapitan ito at binuhat para ibalik sa kama. Natigilan naman si Trinity pero ‘di ito nagreklamo.
Hinalikan niya ito sa noo at labi. “I’ll sleep here,” usal niya at tumabi ng higa rito.
Kumislap ang mata nito at mabilis na yumakap sa kaniya. “Yayy! I love you talaga. I can sleep like a baby now,” masayang saad nito at ginawang unan ang kaniyang bisig.
Ilang sandali lang ay mahimbing na itong nakatulog at habang siya, nanatiling nakatitig sa kesame. Iniisip kung kailan makakawala sa pagmamahal na umalipin sa kaniya…