Natatawang inabot ni Zyd ang cellphone kay Lianne. Takang inabot nito at nakakunot ang noong tumingin sa kaniya. “That’s your phone. You give that to me before, remember?”
“Hindi mo ‘to tinapon?”
Ang lakas ng halakhak na kaniyang binitawan. Halos magkasamid-samid siya sa kakatawa habang ‘di maipinta ang mukha ni Lianne. “Ang pangit ng mga selfie’s mo. Lalo na ‘yong mga pout lips pictures. Ah they’re fucking ugly, for real.”
Sinapak siya nito at madilim ang mukhang tumayo. “Akala mo naman ang gwapo mo? Eh, mas gwapo pa si Henrik sa`yo. Min Dam pa tawag sa`kin. Sobrang sweet sa pandinig—”
“Mas gwapo ako,” nalukot ang kaniyang mukha.
“No. Mas gwapo siya.”
Napakuyom siya ng kamao. Madilim ang kaniyang anyong tiningnan ang asawa, “You’re lying. Mas gwapo ako dahil ako ang mahal mo.”
“No. Mas gwapo si Henrik sa`yo, no jokes.”
Tuluyang nalukot ang kan’yang mukha at matamang tiningnan ang asawa. Agad niyang binuksan ang front camera ng kaniyang phone at nag-selfie kasama si Lianne. Nang tingnan niya iyon, napangiti siya at agad pinakita sa asawa. “See baby, ang gwapo ng asawa mo. Tapos sasabihin mo sa`kin na mas gwapo sa`kin si Gustavvson? That mother fucker!”
Agad tinampal ni Lianne ang kaniyang bibig. “Ba’t ka nagmumura”
“Kasi I’m jealous, baby. Akin ka lang at kahit alam kong ako ang mahal mo, nagseselos ako kapag may nagagwapuhan kang iba maliban sa`kin. Ayuko magselos pero damn, ‘yong puso ko nagseselos kay Gustavsson!”
Hindi ito nakaimik sa kaniyang sinabi. Namula ang magkabilang pisngi nito. Simula nung nagbalikan sila at dito na sa Pennsylvania nakatira, maraming nagbago. Naging honest at vocal na siya sa lahat pagdating kay Elhouette. Marami siyang natutunan sa mga nagdaan na taon simula nung hinayaan niyang mawala ito. Kaya pinapangako niyang magbabago siya sa paraan na mas mamahalin siya lalo ni Elhouette. Dahil baka sa susunod na iwan siya nito, ‘di niya kakayanin at baka sa mental institute siya matatagpuan.
“Hmp! D’yan ka na nga.” Tumayo ito at iniwan s’ya. Mabilis na sumunod si Muning dito at ang dalawang aso niyang si Lula at Tacu.
“Baby! Hindi mo na ako mahal?”
“Hindi na! Drama mo. Bahala ka d’yan.”
Napangiti siya nang irapan siya nito nang lingunin siya. Ang ganda-ganda ng kaniyang asawa at araw-araw niyang pinapasalamatan sa Diyos ang bagay na iyon. Binigyan siya Nito nang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya at piliin siya ulit ni Lianne sa ikalawang pagkakataon. Hanggang ngayon naalala niya pa rin ang ginawa niya at nang kaniyang mga kaibigan para lang makuha ang kapatawaran ni Lianne…
“Gusto mong makuha siya? Then do it. Hindi madali sa una pero pasaan ba at tatanggapin ka niya. You need effort and patience, dude.” Si Cuhen. Magkasama silang magkakaibigan sa yacht ni Hudson at do’n nagpapahangin habang nag-iinuman.
“Ayaw niya na sa`kin.”
“Gago!”Binato siya ni Hudson ng beer in can. Hindi niya ‘yon nasalo at tumama iyon sa kaniyang noo. “Kung gusto mong batuhin kita ng buong box sabihin mo lang para magising ka. Like Zyd, we’re almost there! Abot kamay mo lang siya. Pasaan ba at mapapatawad ka ng pinakamamahal mong Elhouette. Tama si Cuhen, patience man. ‘Wag kang nagmamadali. Hindi ‘to hockey.”
Tumango-tango siya at binuksan ang beer na binato sa kaniya ni Hudson. Tinungga niya iyon at nag-isip ng malalim. Sa pananatili niya sa bahay ng Vergara, nagkakainitan lang sila ni Gustavsson sa tuwing nagkakasalubong sila.
“Ganito na lang, kidnappin mo na lang si Elhouette mo.” Natatawang suggestion ni Azael na sapak ang nakuha nito kay Cuhen. “Ang sakit naman. Nagbibiro lang, eh. Tips lang ‘yong tinuro ko sa kaniya. Hindi sa gusto kong iparating kay Zyd na kidnapin niya si Elhouette tulad nung ginawa mo kay Ellah pero parang gano’n na nga.”
Ang lakas ng kaniyang tawa nang batuhin ni Cuhen ng tsinelas si Azael sa mukha. Minsan naisip niya ng gawin iyon pero ‘di siya kasing-galing ni Cuhen pagdating sa ganiyan bagay. At ayaw niya rin na mas lalo siyang kamumuhian ni Elhouette ‘pag nagkataon. Maldita pa naman ito at proven niya ang ‘yon.
“Gusto mong tulungan ka namin?” Si Farhistt.
Napatingin siya rito at napaunat ng likod. “What is it? Do you have any plan?”
“Well the plan is to make her love you again.”
“Yes. That’s the first one but what next?”
Ngumisi si Azael. “Magbigti ka.”
Inis na binato niya ito ng beer na walang laman, but this time nasalo na nito iyon at binato nito sa malapit na trashbin. “ Tumahimik ka kung wala kang matinong sasabihin. Can’t you see? I’m bleeding. Palibhasa kasi, nagpakasal ka kay Pennywise mo na ‘di mo naman mahal.”
“Ouch!” natatawang saad naman ni Hudson. “Kawawa naman si Azael, inaaway mo Zyd.”
Nagkibit lang siya ng balikat at nginisihan lang siya ni Azael at Cuhen. “Inlove kasi ang Canadian natin kaibigan. Magtagalog ka nga ulit Zyd, dali!” pangungulit pa ni Azael, “Sabihin mo, ‘Elhouette beby mehel kete.”
Tumalim ang kaniyang tingin dito. Hindi na siya sumagot at padarang na tumayo. Lalanghap lang siya ng hangin sandali sa roof deck. Baka mag-away lang sila ni Azael at maihulog niya ito sa dagat. Kahit nasa Pennsylvania siya, alam niyang mahal nito si Amara. Ang nakakabatang kapatid nito.
Bumalik siya sa bahay ng Vergara kinabukasan dahil ‘di siya pianayagan ng mga kaibigan niyang umuwi. Nag-overnight sila sa yacht at wala lang naman silang ginawa kundi ang mag-inuman at maligo sa dagat. Hinatid siya ni farhistt sa private chopper nito.
Nakita niyang masayang naglalaro ang kan’yang anak na si Aerush Li at si Gustavsson. Nayayamot na tiningnan niya ang lalaki at kating-kating kunin ang bata rito pero wala siyang karapatan gawin iyon kahit anak niya ang si Aerush.
“Daddy!”
Agad siyang ngumiti at yumukod para salubungin ng yakap si Aerush na tumakbo papalapit sa kaniya. Ang maganda niyang anak! Niyakap niya ito ng mahigpit at pinugpog ng halik ang pisngi. “Daddy miss you…”
Ngumiti ito ng matamis at ginulo ang kaniyang dark brown na buhok. “Where are you kagabi Daddy? Mommy was looking for you.”
Biglang sumikdo ang puso niya sa narinig, “Really?”
“I’m kidding!” bumungisngis ito at binigyan siya ng halik sa noo. “But I saw Mommy talking with your picture last night and she was crying,” bumulong ito sa kaniya. Hindi alintana na naghihintay si Gustavsson sa may kalayuan.
“What did she say, princess?”
“Ask Mom!” At nagpababa na ito sa kaniya saka siya hinila para makipagsabay ng laro kay Gustavsson ng mga manika.
Holy fuck! Napasabunot siya sa buhok nang makita ang tatlong manika. Paglalaruin sila ng manika ng kaniyang anak! Napatingin siya kay Gustavsson na inabot sa kaniya ang isang babaeng manikang kulay dilaw ang buhok.
“That’s Zyd Caiden.”
“What, no! It can’t be me,” asik niya.
Nagkibit lang ng balikat si Gustavsson at pinakita nito sa kaniya ang isang manikang kulay pula ang buhok. “And this is Henrik. Aerush named them.”
Ngumiti lang ang nag-iisang prinsesa nila ni Elhouette at nagpa-cute sa kanilang harapan. Napabuntunghina siya. May magagawa pa ba sila?