"Ouch love, nasugatan ako!”
“Ha?” Mabilis na lumapit sa kaniya si Blessy at tiningnan ang kaniyang daliri. Agad nag-abot ang kilay nito nang makitang wala siyang sugat. “Wala ka naman sugat, ah.”
“Meron.”
“Saan?”
“Dito oh,” Tinuro niya ang kaniyang labi. “Masakit. Tumalsik ang itak sa labi ko.” Nakangising saad niya at nagmakaawang tumingi dito.
Nasa labas sila ng bahay ngayon, nagbubukas siya ng buko gaya ng hiling ni Blessy. Katatapos lang nila mag-agahan dalawa at masasabi ni Zerus na ito ang isa sa pinakamasayang agahan na meron siya ngayon ‘di pa tuluyan nagbalik ang kaniyang alaala.
“Ako ba ang pinagloloko mo?”
Agad naging inosente ang kaniyang reaksyon at umiling. “Hindi. Masakit talaga!”
Naglinya ang kilay nito pero agad din ngumiti. “Ayan!”
Sandaling huminto ang kaniyang mundo nang kintalan siya ng halik ni Blessy sa labi.
“Okay na ba? Wala ng masakit?”
“Wala na.” Sumilay ang nakakalokong ngiti niya. Pero nakapag-isip siya ng ibang kalokohan. Agad siyang umarteng masakit ang alaga niya. “Love! Masakit din dito.” Tinuro niya ang kaniyang sundalong gising na gising.
“Pinagloloko mo ba talaga ako Fender Hearst?!” nanlaki ang mata nito at matalim siyang tiningnan.
Napakamot siya ng ulo. Hindi tumalab ang kaniyang plano. Kung wala lang sana itong sugat, baka inangkin niya na ito sa tabi ng puno.
Shit! I want her again.
“Huwag na huwag mong susubukin, Fender, binabalaan kita.”
Ngumisi lang siya at ipagliban na lang niya ang pag-angkin rito. Mamaya naman ulit. Masyado lang siyang nanabik na angkinin ulit ito kahit ilang beses niya itong sinamba kagabi at kaninang umaga sa mahabang mesa habang nanonood sa kanila ang AI robot ni Uno.
Nang hapon iyon, niyaya niya ang dalagang maglakad-lakad sa tabi ng dalampasigan. Nagtago ang araw sa makakapal na ulap kaya malaya silang naglalakad dalawa sa mapinong puting buhanginan na walang sapin sa paa.
“I’m planning to get rid of my tattoo’s.”
“Bakit?”
“Ayaw mo?” balik tanong nito.
Ngumiti ito at sandaling tumigil sa kaniyang tabi at humarap sa kaniya. “Bagay sa ‘yo.”
Sumilay ang ngiti sa labi niya nang sambitin nito ang bagay na iyon. Bawat tattoo na nakaukit sa kaniyang katawan ay may kaniya-kaniyang kwento. Kwento kung saan, ilan beses siyang malapit suinundo ni kamatayan dahil sa uri ng kaniyang trabaho. May tattoo siya sa likod kung saan may mga linya at kung ilan ang napatay niyang inosente o hindi.
“Siguro ang hindi ko lang nagustuhan, itong nasa likod mo.” Umikot ito sa likuran niya at tinuro ang mga linyang iyon. “Hindi ko alam kung para saan ito at ano ang mga ito.”
“Iyan ang mga bilang ng mga taong pina—”
“Huwag mo nang ipagpatuloy,” agap nito at mahigpit na yumakap ang isang kamay nito sa kaniya mula sa likuran. “Ngayon ko lang sasabihin ito, mahal kita… Mahal kita kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo.”
Katahimikan ang biglang sumunod. Parang may kung anong malamig na kamay ang humaplos sa kaniyang puso at pakiramdam ni Zerus, may kung anong sumundot sa kaniyang mata. Biglang nanubig iyon. Nagtaas siya ng tingin at sa kalangitan at marahang napangiti.
“Love,” mahinang anas niya.
“Hmm?”
“I don’t believe in God,” panimula niya. Hindi siya naniwalang may Diyos. Nasa utak lang ito ng tao. Isa lamang itong imahinasyon. “But I prayed you from Him. I can’t thank God enough for you the way He answered my prayers. The way how He brought you me when I least expected. Damn! Ang drama ko.”
“Fender…” Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniyang likuran. “Pinapaiyak mo ako.”
Humarap siya rito at mahigpit itong niyakap. Nakikita niyang nagbabadyang pumatak ang mga luha nito mula sa magaganda nitong mata kaya kinintalan niya ito ng halik. “Ang bilis mo umiyak. Hindi ka pa rin nagbabago.”
“Sinong hindi maiiyak, ha? Hindi ako makapaniwalang laman ako ng mga dasal mo…”
Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa noo. “Because God brought you me for a reason. God has given me the biggest blessing, in a way I never saw coming Blessy.”
Tuluyan itong umiyak sa kaniyang dibdib at damang-dama niya ang sakit at saya sa boses ng pinakakamahal niyang babae. Imbes na patahanin ito, hinayaan niya lamang si Blessy na umiyak. Masarap itong paiyakin minsan.
“WHAT do you want for dinner?”
“Kahit ano, alam ko naman na masasarap lagi ang mga luto mo.”
“Really?”
Malambing itong ngumiti at tumango. Napangiti na lang si Zerus at kinintalan ng halik ang nag-iisang reyna ng buhay niya. Agad niyang kinuha ang lobster na nasa fridge. Maghahanda siya ng Lobster Bisque at Grilled Lobster na isa sa paborito niyang kainin.
“Pwede ba akong tumulong?”
“No.” Hindi humaharap na sagot niya sa tanong ni Blessy. Nakaupo ito sa mahabang stool. Habang siya, hinahanda niya ang mga sangkap para sa ulam nila sa gabing iyon. Wala siyang suot na pang-itaas kundi apron.
“Pero gusto kong tumulong.”
“Just stay there and watch me.” Humarap siya sa dalaga at sandaling lumapit dito at kinintalan ito ng halik sa noo. “May sugat ka pa sa balikat.”
“Pero hindi naman masyadong masakit.”
“Hindi masyado.” Inulit niya ang sinabi nito at naiiling na tumalikod. Kailangan niyang madaliin ang paghahanda para maangkin ang kaniyang dessert na siyang pinakagusto niya sa lahat.
“After I’m done here, I want my dessert right away.”
“Anong dessert?”
Ngumisi lang si Zerus at mas ginanahang maghiwa ng mga sangkap. Paniguradong hindi makakalakad si Blessy kinabukasan nito. Natigilan siya sandali nang sumigid ang sakit sa kaniyang ulo. Bahagya siyang napailing-iling at ininda iyon.
Fuck! What’s wrong with me? Nabitawan niya ang kaniyang hawak na kutsilyo at napahawak sa ulo. Nanlalabo ang kaniyang paningin. Damn! Anong nangyayari?
“Fender? Fender!” Mabilis na lumapit sa kaniya si Blessy at agad siyang dinaluhan.
“I’m… I’m okay…” Umayos siya ng tayo at pinilig ang ulo. May mga alaalang lumilitaw sa kaniyang gunita pero malalabo.
“Okay ka lang ba talaga? Pwede naman na ako na ang magluto para sa ‘tin.”
Sandali niyang pinakiramdaman ang sarili, medyo nawawala na ang sakit sa kaniyang ulo. “Don’t worry about me, love. Gwapo ang lalaking mahal mo.”
Tinitigan siya nito at marahang sinipat ang kaniyang mukha. “Talaga ba na okay ka lang?”
“Yeah.” Ninakawan niya ito ng halik sa labi at muling bumalik sa kaniyang ginagawang paghihiwa. Damn it! Kung kailan ayukong bumalik ang alaalang meron ako… Napabuntunghinga siya.
Matapos nilang maghapunan na sabay sa gabing ito at magkwentuhan sa terasa, nagpasya silang matulog. Agad nakatulog ng mahimbing ang dalaga sa kaniyang tabi. Nagpasya siyang tumayo at tinungo ang mini-bar. Kailangan niya ng pampakalma. Kanina pa siya ginugulo ng kaniyang isipan at hindi niya kilala ang mga mukhang lumilitaw ro’n.
“Uno,” sambit niya sa pangalan ng kaibigan nung nasa dulo na siya ng hagdanan.
“Puta! Paano mo nalaman na nandito ako?”
“I sense your presence,” aniya, “Good. Now that you are here, let’s have a drink.”
“Call!”
Sabay silang nagtungo magkaibigan sa hidden mini-bar nito sa kaliwang bahagi ng bahay. Agad siyang binigyan ni Uno ng light drinks pero mas pinili niya ‘yong hard drinks para makatulog siya agad.
“Anong sadya mo?”
“Fuck man! Bahay ko ‘to. Sariling bahay kaya karapatan kong umapak rito.”
Nagkibit siya ng balikat. “Alam ko pero anong sadya mo?”
Tinungga nito ang alak at ngumiti ng nakakaloko. “I watched your scandal videos with Blessy around the house.”
“The fuck you did—” Mabilis niyang nahila ang leeg nito para pilipitin.
“Biro lang!” natatawang saad nito. “May kailangaan akong sabihin.”
Tumalim naman ang kaniyang tingin kay Uno at binitawan ito. Muli niyang hinarap ang iniinom na alak sa baso. “What is it?”
“Ramona.”
“Namatay na ba?”
Humalakhak ito sa kaniyang sinabi. “Don’t be rude, man. Ramona is sweet.”
“And psycho,” dugtong niya, “Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng kapatid ko, Uno.”
Nagkibit ito ng balikat. “Honestly speaking, I am against on that.”
“Against what?”
“Kapatid.”
Tumiim ang kaniyang tingin dito at marahang binasa ang galaw ng kaibigan. May alam itong hindi niya alam. Sandali niyang binaba ang baso at humugot ng malalim ng hangin.
“May alam ka.” Hindi patanong ito.
“Mahalaga pa ba iyon? Sa nakikita ko, masaya ka ngayon.”
“Uno,” may pagbabanta sa kaniyang boses.
“I suggest you to change your face and identity,” mabilis na saad nito at tinungga ang alak. Bigla itong naging seryuso. “Muntikan malaman ni Hayes ang location nang islang ito. Magaling ang kupal na Doctor na iyon at kahit secured ang buong lugar na ito, alam kong malalaman niya. Kaya kong pantayan ang kaniyang kakayahan pero hindi ibig sabihin na kaya natin pagtaguan.”
Hindi siya kumibo. Nanatiling uminom lang siya ng alak. Isa pa ito si Hayes na may utang sa kaniya. Kumuyom ang kaniyang kamao. Dapat niya nang harapin ang binata at tuldukan ang buhay nito.
“I will kill him.”
“I don’t think you can do that.” Naiiling na saad nito at muling tumungga ng alak.
“Why not? Mabilis lang sa ‘tin pumatay.”
“Pero hindi si Hayes, Zerus. Kung gaano mo siya gustong patayin, gano’n din si Hayes sa ‘yo. Now, all you need is change your identity and live as—”
“No. I won’t do that. Killing that bastard is the best thing to do.”
“You can’t.”
“Why not?”
“Blessy…”
Natahimik siya nang marinig niya ang pangalan ng babaeng labis niyang pinasalamatan sa itaas. Parang may kung anong sumuntok sa kaniyang puso at nahihirapan siyang huminga sa isiping masasaktan niya ito ‘pag malaman nitong pumatay na naman siya para sa sariling kagustuhan.
“Anong condition ni Abhaya?” pag-iiba niyang tanong.
“She’s okay. Don’t worry about Ms. Sahada. Instead, worry about her.” Ang pinupunto nito ay ang kaniyang inosenteng Blessy.
“Okay you win.”
Malawak ang naging ngiti ni Uno at tinapik siya sa balikat. “Ikaw lang ang nag-iisang matalik kong kaibigan kaya ginagawa ko ‘to para sa ‘yo. Live like a normal person, Zerus. Wala na tayo sa organisasyon matagal na at ngayon nasa harapan mo na ang babaeng alam mong makakapagbago sa ‘yo nang tuluyan. Iwan mo na ang ganitong klaseng buhay.”
Napakuyom siya ng kamao at napatango. Bago lang silang magkaibigan ni Uno pero kung umasta silang dalawa, parang simula bata ay magakaibigan na sila.
“Sabihin mo lang sa ‘kin kung kailan mo balak magpapalit ng mukha at may mairekomenda akong kaibigan kong surgeon na siyang gagawa ng bago mong mukha.”
“Sayang naman ang gwapo kong mukha ‘pag nagkataon.”
Napangisi ito sa kaniyang sinabi. “Well, that’s the first option. There’s a second one though.”
“Eh?”
“Hindi kayo sa Pinas tumira. Sa ibang bansa kayo na hindi kayo kayang maabot ng kapangyarihan ni Hayes but, you need to change your identity pa rin.”
“How about killing him?”‘
“Blessy.”
Padaskol na nilapag niya ang walang laman na baso. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan ng babae, umuurong ang kaniyang planong patayin ang binatang Doctor. Hindi na siya tulad noon na hindi takot mamatay. Ngayon, iisipin pa lang niyang susunduin siya ni kamatayan, nakaramdam na siya ng takot at pag-alala. Takot sa isiping maiiwan niya ang dalaga na mag-isa at umiiyak.
Agad din umalis si Uno matapos silang mag-inuman dalawa. Habang siya, nanatili pa rin sa mini-bar at malalim ang isip. Para kay Blessy gagawin niya ang lahat para hindi malagay sa alanganin ang buhay nito. Dalawang tao ang gusto siyang mawala. Una ang organisasyon at pangalawa si Hayes.
Tinungo niya ang balcony at malayang pinagmasdan ang buwan. Nakita niyang malayo na ang yate ng kaibigan at kahit papaano, napangiti siya sa presinsya ni Uno.
“Love…”
Mabilis siyang napalingon nang maulinigan niya ang boses ni Blessy sa loob ng kabahayan.
“Nasa balcony ako,” ganting sagot niya.
Agad itong sumunod sa kaniya sa balcony. Puno ng pag-alala ang mata nitong nakatingin sa kaniya. “Hindi ka makatulog?”
Tumango siya at lumapit dito. Malambing niyang hinilig ang kaniyang ulo sa balikat nito habang ang kaniyang isang kamay ay nakayakap sa maliit na beywang ng dalaga. Kahit papaano, kumalma ang kaniyang magulong utak nang maamoy niya ang natural na amoy ng dalaga.
“Bakit ayaw mong sabihin sa ‘kin ang nagpapagulo sa ‘yo?”
Marahan siyang bumuntunghinga, “I’m planning to kill someone.”
Natigalgal ito sa kaniyang sinabi. “Fender!”
Marahan siyang natawa nang lumayo siya rito. Pinisil niya ang ilong nito at pisngi. “Just fibbing. Let’s go? Malamig dito sa labas at baka sipunin ka.”
Napahinga ito ng maluwang, “Okay…”
Inakbayan niya ang dalaga at giniya itong bumalik sila sa itaas. Saka niya na sabihin dito ang plano niyang pagpapalit ng identity. Baka mabigla ito kahit alam ni Zerus na handa siya nitong intindihin.
MARAHAN napabuntunghinga si Uno habang siya’y nakahiga sa top deck ng kaniyang yacht na pagmamay-ari. Nabili niya ang yacht na iyon gamit ang perang nakukuha niya sa pamamagitan ng paglalaro niya ng baril at tao. Para sa sariling kagustuhan at luho, nagawa niyang makipagsabayan kay kamatayan. Pero habang lumilipaas ang panahon, nararamdaman ni Uno na walang silbi ang mga materyal na bagay na nasa kaniya ngayon. Wala siyang maramdamang kasiyahan pero masaya siya ngayon natagpuan na ni Zerus ang babaeng mahal nito. Gusto niyang tuluyan itong magbago at mamuhay ng normal. Alam niya kung anong paghihirap ang dinanas ni Zerus para lang sa babaeng mahal nito na matagal na nakalimutan.
“I envy them.” Natatawang saad niya habang binibilang sa utak ang ga-buhangin na mga bituin sa kalangitan. “Sana magkaroon na nang masayang buhay silang dalawa. Kahit sa gano’n paraan, maibsan ang ang kasalanan ko kay Zerus.”
Nagpasya siyang tumayo at inabot ang violin. Ito ang violin na galing sa babaeng nakilala niya sa Hospital ilang taon na ang nagdaan. Malungkot niyang binuksan ang vioin case at muling binasa ang nakasulat sa maliit na note na iniwan nito.
Hi,
I can’t find the right words to appreciate what you have done for me. Even if I put all the words in the world, they are not enough. You save me from darkness.
Thank you.
Haven.
Maingat na binalik niya sa loob ng case ang note at hinarap ang violin. Hindi siya marunong magpatugtog sa nasabing instrumento pero dahil kay Haven, natuto siyang gamitin ang pinakamamahal nitong violin.
Sinimulan niyang tugtugin ang paboritong violin music ni Haven. Nang sa gano’n ay maibsan ang kaniyang nararamdamang pagkabaliw sa dalaga. May pagka-resemble ng ugali si Blessy at Haven kaya magaan ang loob niya sa dalaga. Pagmamay-ari ito ng kaniyang kaibigan kaya binabantayan niya ito sa loob ng mga panahon na nasa kombento ang babae at nag-aral maging madre. Alam niyang darating ang araw na magbibiro ang tadhana at muling pagtagpuin ang dalawa.
Binalik niya sa lagayan ang instrumento matapos niyang patugtugin ito. Kailangan niyang kausapin si Ramona na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon, walang maalala si Zerus.