“Kuya?”
Nagtaas ng tingin si Gallagher para tingnan ang pumasok na panauhin.
“How is she?”
“She’s doing good. Ayaw ka niyang makita base na rin sa mukha niya.” Tumawa ito.
“Then ‘wag mo akong tawaging kuya,” angil niya sa kaniyang bunsong kapatid.
“Anong gusto mong itawag ko sa ‘yo? Sir, Boss, highness o kaya naman Mr. Nossnevs, Mr. Svensson… Ano pa, ah, Mr. Gheron?” pabirong tanong ng kapatid niyang isang Pastry Chef.
“Baka may makarinig sa ‘yo niyan.” Natawa rin siya.
Wala siyang maitago sa kaniyang kapatid na nagmana yata sa kaniya. Alam ni Gallagher, na alam nito ang totoong trabaho niya pero nanatiling tahimik lang ang bibig ng dalaga.
“Sino ba kasi siya, ha? Maliban sa ang pangalan niya ay Marie-babes—”
“That’s my line. Huwag kang makiki-Marie-babes!”
Nag-ikot ito ng mata at natawa. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa pribadong room na ito? Nakita ko si kuya Magnar may pasa sa mukha, ah. Bakit ba lagi kayong nag-aaway sa tuwing nagkikita kayo? Para kayong aso at pusa gayon bestfriend naman kayo. May saltik talaga ulo niyo?”
Natahimik siya saglit at inalala ang pangyayari kagabi. Napakuyom siya ng kamao. Nadatnan niya kagabi na kausap ni Magnar si Marie at base sa kaniyang nabasa, magkakilala ang dalawa. Kung ano man ang relasyon ng kaniyang kaibigan sa babae, aalamin niya sa lalong madaling panahon. Walang balak si Magnar sabihin sa kaniya kung bakit napasugod ito sa Sapporo kahit pilipitin niya pa ang leeg ng kaibigan.
“Babae na naman ba?” Natawa ito at nagkumpas-kumpas ng kamay sa ere na para siyang pinapangaralan. “Simula dati, ‘yan na issue sa inyong dalawang magkaibigan. Kailan ba kayo magtitinong dalawa at hindi mag-aagawan ng babae, ha? Pati sa kalandian mo kuya, dinadamay mo pa ako. Pinapaselos mo si Marie, hindi naman tumalab. Mas lalo lang nainis sa kalandian mo! My God, Gallagher Svensson! Kung hindi lang ako bunso, dinurog na kita d’yan sa kinauupuan mo kahit ganito ako kaganda.”
Napahagalpak siya ng tawa sa mahabang lintanya ng dalaga. Nasanay na siyang vocal ito sa lahat ng gusto nitong sabihin. Nagsasalita ito base sa obserbasyon at hindi niya kinokontra ang bawat sinasabi ng kapatid niyang spoiled.
“Oo na. Now will you go back to the kitchen and watch her for me?”
“Siya ang pinag-iwanan ko sa pwesto ko.” Ngumisi ito at nagtaas ng kilay.
“Bloody hell! She fucking don’t like sweets and pastry.”
Nagkibit naman ito ng balikat at maarteng tumayo. “Well, nasa kaniya na iyon kung paano niya gampanan ang iniwan ko. Once hindi magustuhan ni Head Chef ang ginawa niya, isusumbong kita na ikaw ang may-ari ng Silver Garden at ako ay isang tsimay mo lang naman at hindi totoong ako ang may-ari. Duh! Mapanlinlang ka talaga!”
“Fuck!”
“Bye Kuya!” Tuluyan itong umalis at iniwan siyang hindi makahuma.
Minsan, hindi niya rin kayang sabayan ang takbo ng isip ni Faarra. Magkapatid nga talaga silang dalawa kahit mas matigas ang ulo nito sa kaniya.
Kinausap niya muna si Magnar sa hologram watch bago siya pupunta ng sa kusina ng Silver Garden. Sisibakin na siya ng Head Chef nito kapag nagkataon kahit siya naman ang may-ari ng Restaurant.
“Kagabi pa kita tinatanong, anong ginagawa mo rito sa Sapporo?”
“Magbebenta ng kagwapuhan.”
Tumalim ang kaniyang tingin kay Magnar. Sinubukan niyang hukayin ang relasyon nito kay Marie pero wala siyang makuhang sagot. Tanging si Yx lang ang kayang makapagmanipula sa kanila dahil alam ng lalaki ang kanilang kahinaan.
“Paano mo nakilala si Marie?”
“Sa facebook messenger mo. Marie-babes my love so sweet?” Tumawa ito sa kabilang linya na agad niyang tinaasan ng dirty sign.
“You hacked my messenger again? Damn you, motherfucker! Leave her alone,” deretsahang saad niya at dinuro-duro ito. Wala siyang pakialam kung pagtatawanan siya nito. Ang mahalaga, sa kaniya ang dalaga.
Bigla siyang natigilan sa pumasok sa kaniyang isipan. Sa kaniya? Inaangkin niya na si Marie ngayon. Bago ito, ah.
“We’ll talk later. May kikitain ako ngayon,” sagot nito. Ang lawak ng ngisi.
Sumenyas lang siya saka pinatay ang tawag. Nagpalipas muna siya ng trenta minutos bago nagpasyang magpunta sa kusina. Eksaktong pagpasok niya nang salubungin siya ng kaniyang kapatid at binigay sa kaniya ang bagong lutong cookies.
“Taste it! Bilis!”
“Who made this? Masyadong maitim ang kulay.”
“Arte mo ‘no? Tikman mo nga o isusumbong kita kay Head Chef?”
Tinatamad na tinanggap niya ang dark cookies. “Ang kulit mo rin, eh, ‘no?” Saka niya sinubo lahat iyon para hindi na ito mangulit pa.
Motherfucker shit! Napatingin siya kay Faarra na puno ng pagtatanong ang mata. “Masarap!”
“Told you!” Nagkislapan pa ang mata ng kaniyang kapatid nang sabihin nito ang katagang iyon. “Wanna know who made this?”
Napailing siya at natawa. Ayon sa mata ng dalaga, alam niya na ang pangalan kung sino. Mabilis niyang binawi ang lahat na dala nito at tinungo ang pwesto ni Marie.
“Marie-babes sweety cake!”
Nayayamot na tiningnan siya nito habang nakataas ang kilay. Mali ang kaniyang approach, mainit ang ulo ng dalaga pero ito ang gusto niya sa lahat. Ang mainit ang ulo nito. Boyfriend siya nito kaya dapat niyang gampanan ang salitang boyfriend.
“Ang sarap naman ng cookies mo.” Nakangising saad niya pero ang kaniyang mata ay nasa malaking dibdib nito. Hindi naman flat ang dalaga, gusto lang niyang asarin ito.
“Kung pangmamanyak lang ang gagawin mo sa ‘kin, umalis ka na!” nagpipigil ito sa galit.
“Bakit ka galit? Dahil ba hindi mo agad ako nakita kanina nung pumasok ka? Aww, ang puso ko Marie-babes! Pinatibok mo.”
Binagsak nito sa harapan niya ang hawak nitong bowl. “Kung tingin mo nasisiyahan ako sa presinsya mo, Gheron, pwes nagkakamali ka.”
“Ano na naman ba ang ginagawa ko at galit na galit ka na naman, ha? Marie-babes?”
“Sir, tawag ka ng Head Chef.”
Napahawak siya sa noo nang biglang sumulpot mula sa kung saan si Faarra at kung titingnan sa malayo, para itong naglalambing na babae sa kaniyang angking kagwapuhan.
“Sige later…”
“No. Now as in now or else—” Tumalim ang mata nito at nakuha niya ang ibig sabihin ng kaniyang kapatid. “Ayaw mo naman sigurong magalit ako hindi ba?”
I’m totally screwed.
Pagtingin niya kay Marie, nakasimangot na ito at nag-aapoy ang matang tiningnan siya. Bago pa niya matawag ang pangalan ng dalaga, nag-excuse na ito at tinungo ang oven. Naging bato na naman ang kaniyang Marie-babes. Wala siyang magawa kundi ang sundin ang utos ng kaniyang kapatid. Tauhan pa rin siya ng sarili niyang Restaurant kaya wala siyang magawa kundi ang sumunod.
HALOS durugin ni Marie ang ginagawang dark cookies sa araw na iyon. May gana pa talagang magpakita sa kaniya si Gheron pagkatapos niyang malaman na kilala nito ang lalaking minsan din niyang iniyakan? Gusto niyang tanungin kung paano magkakilala ang dalawa pero naunahan na siya ng inis. Hindi niya alam kung para kanino ang inis na naramdaman niya, para kay Gheron o para sa Pastry Chef na laging nakakaasar ang tinging binibigay sa kaniya.
Tahimik siya buong araw. Kahit nung bumalik si Gheron sa pwesto at tinawag siya na kailangan nito ng assistant. Seryuso na ang mukha nito at nakatali na ang mahabang buhok. Pusta niyang pinagalitan na ito ng Head Chef, mas mabuti iyon. Puro kalandian kasi ang nasa isip nito.
Natapos sila sa araw na iyon na hindi pinansin si Gheron. Nagmadali siyang tinungo ang locker room at kinuha ang cellphone niya. Wala siyang chat na nakuha sa kaniyang kapatid, gusto niyang isipin na may nangyaring masama sa mga ito dahil ilang araw na rin at walang paramdam ang mga ito. Nakita niya rin ang ilang chat ni Judith kaya nireplyan niya ito na nasa Silver Gardern siya sa Sapporo nagtatrabaho sa loob ng dalawang linggo.
Matapos niyang replyan ang mensahe ni Judith, nagpasya siyang umuwi sa staff house. Pagpasok na pagpasok niya, agad niyang pinaghuhubad ang mga damit na suot at dali-daling tinungo ang banyo. Nagbabad siya sa hot shower at nung maramdaman niyang okay na ang kaniyang pakiramdam, saka siya lumabas at nagpasyang maagang matutulog ngayon gabi. Tapos na siyang nag-dinner dahil libre naman ang pagkain sa Restaurant na kaniyang pinagtatrabahuan. Ang kailangan niya lang ay magpahinga.
Nagsusuklay siya ng kaniyang buhok nang tumunog ang kaniyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha iyon sa ibabaw ng kama sa pag-akalang ang kaniyang kapatid ito. Kumunot ang kaniyang noo nang mabasa ang mensahe.
‘Please let’s talk. Nandito ako sa harap ng convenient store.’
Naglinya ang kaniyang tingin sa nabasang text galing kay Gheron. Sino sa tingin nito na makikipagkita siya at makikipag-usap? Sa kalandian palang nito, nabibiwesit na siya.
‘Please Marie? I will wait you here.’
Sumikdo ang kaniyang puso sa nabasa. Walang Marie-babes sa dulo ng kaniyang pangalan.
Magnar?
Ito ang pangalang lumabas sa kaniyang utak. Huminga siya ng malalim at ilang beses na binasa ang text na binigay sa kaniya. Baka sakaling naduduling lang siya dahil kung saan niya iisipin, imposibleng magpapadala ng kahit anong text si Magnar. Iniwan nga siya nitong parang hangin at hindi nagpakita. Walang closure, wala lahat.
Hindi ako susunod sa gusto mo. Binalik niya sa ibabaw ng kama ang phone niya at hinarap ang sarili sa malaking salamin. Pero gusto kong malaman ang rason niya kung bakit! Humugot siya ng hangin at muling binalikan ang phone niya. Nagtipa siya ng mabilisang reply at saka nagmadaling nagpalit ng kasuotan. Iyong suot na hindi siya kayang traydurin ng sakit.
Malayo pa lang, pansin na ni Marie ang presinsya ni Magnar. Nakatayo ito sa harapan ng convenient store at nakapamulsa. Walang pinagbago ang mukha, gwapong-gwapo pa rin ito. Mas lalo nga yata itong gumwapo sa kaniyang paningin lalo na at maayos ang pagkakapanamit nito ngayon na parang isang mamahaling mamayan.
Huminga siya ng malalim. Naging magulo ang tibok ng kaniyang puso nang masilayan niya sa pangalawang pagkakataon ang gwapong striktong mukha nito. Kabaliktaran ng kay Gheron.
“I’m glad you’re here!”
Hindi siya nakaimik nang salubungin siya nito ng mahigpit na yakap.
“Pasensya ka na Marie kung ngayon lang ako ulit nagpakita sa ‘yo…”
Parang may kung anong sumabit sa kaniyang lalamunan. Nabikig siya. Walang gustong lumabas na kahit isang salita sa kaniyang bibig habang pilit na pinoproseso ng kaniyang utak ang sinabi ni Magnar.
“Pwede ba!” Nagbigay siya ng distansya sa kanilang dalawa pero ‘di siya nito hinayaan na makawala sa malakas nitong bisig. Mahigpit ang pagkakayakap nito. “Bitawan mo nga ako!”
“No! Gusto kong makinig ka sa ‘kin.” Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya at nahihirapan siyang makawala kahit anong gawin niya.
“Na ano? Na pinagpalit mo ako sa isang mayaman na babae para makaahon ka sa hirap? Matagal ko ng alam ‘yan, Magnar.” Nanunulak ang kaniyang kamay sa lalaki. Pinagsisihan niyang nakipagkita siya ulit dito ngayon dahil mas lalo lang nanumbalik ‘yong sakit na matagal niya nang pinatay.
“Ang totoo niyan Marie—”
“Tangina mo talaga, Magnar!”
Nagulat si Marie nang mula sa kung saan, sumulpot si Gheron na galit na galit at hinila si Magnar para suntukin sa mukha. Ilang segundo siyang natulala kaya huli nang mareyalisado niyang pinagsusuntok na ni Gheron ang gwapong mukha ni Magnar.
“Gago ka talaga! Pati ba naman si Marie? You know that she’s mine!”
“She’s not yours.”
“Anong hindi?” Isang suntok pa ang muling pinakawalan ni Gheron sa kawawang mukha ni Magnar.
“Magsitigil nga kayo!” Saka lang siya tuluyang nakahuma at pumagitna sa mga ito.
Ngayon lang niya nakitang galit na galit ang mukha ni Gheron habang nakatingin kay Magnar habang kalmado lang ang huli at mukhang inaasahan na nito ang suntok na paparating. Pero wala yatang balak magpaawat ni Gheron, galit na galit pa rin ito at namumula. Totong galit iyon at hindi kunwarian tulad ng sa kaniya.
“Gal, hindi ko sinabi sa ‘yo rati. May relasyon kami ni Marie noon,” kalmadong saad ni Magnar.
“Nice fucking joke, motherfucker!”
Anong nangyari? Pinag-awayan ba nila ako? Bakit ako? Kahit nalilito siya sa nangyayari, pinilit niyang pigilan si Gheron na nagwawala. Walang sila, pero ganito ito makaasta. Parang lalaking pinaglalaruan ang puso!
“Marie-babes!”
Sumikdo ang kaniyang puso nang lumingon at tumingin sa kaniya si Gheron. Para itong batang maiiyak at lumapit sa kaniya. Ang magulo nitong buhok na nakatali ay nagpadagdag ng rugged look nito at mas lalo itong kaakit-akit tingnan. Walang sinong santang babae ang aayaw sa kagwapuhan ng binata.
“Ako ang boyfriend mo, ‘di ba? Sinagot kita kahapon— I mean, sinagot mo ako nung nakaraang araw. Kaya imposible ang sinasabi ni Magnar na may relasyon kayo! Hindi ako makakapayag!”
“H-ha…?” Parang naging paru-paro ang kaniyang puso at lumipad ito.
“Marie, look at me.” Si Magnar ang nasa kaniyang tabi kahit may pasa na ito sa mukha. “Ma—”
“Tangina mo! Ako ang magsasabing mahal ko si Marie-babes ko! Gago!”
“Mahal ka ba niya?”
“Mamahalin pa lang pero papunta na rin do’n.”
“Eh, ‘di ka pa niya mahal. Walang kasiguraduhan.”
“Tangina mo gago! Papunta nga kami ro’n, right Marie-babes?”
Para naman siyang napahipotismong napatango sa kawalan pero nang maisip na mali ang ginawa niya, mabilis pa sa kidlat ang na tumakbo siya papalayo sa dalawa.
Bakit ako tumango? Bakit ako tumango sa kagaguhan ng taong iyon?! Hindi pa ako tapos sa kanilang dalawa, lalo ka na Magnar. Maghaharap pa ulit tayo na wala si Gheron.
Hahayaan niya na ang dalawang magpatayan, wala siyang pakialam sa mga ito. Dahil matagal na rin pinatay ni Magnar ang puso niya. Ito ang dahilan kung bakit siya aloof sa lalaki. Tanging si Gheron lang ang malakas ang loob na kaya siyang paikutin at daanin sa matatamis na salita.
Hindi pa nasasagot ang mga katanungan niya. Marami pa siyang gustong itanong kay Magnar. Sobrang dami! Naunahan lang siya ng galit at takot na baka mas lalo siyang masaktan sa isasagot nito. But it’s now or never… baka ‘pag ‘di niya ginawang kausapin ang binata, baka habang-buhay siyang ganito.
Bukas na bukas din, mag-uusap sila ni Magnar. Siya mismo ang makikipagkita rito lalo na at day-off niya. Personal niyang kakausapin ang lalaki at pipiliting patawarin ito para mapatawad na rin niya ang kaniyang sarili at bigyan ang sariling tsansa na magmahal ulit— pero hindi kay Gheron. Maghahanap siya ng lalaking mayamang-mayaman na kaya niyang ipantay kay Magnar!