Chapter 8

“Mommy!”

Maarteng tinanggal ni Ramona ang suot na sun glasses sa mata. All red ang kaniyang suot at para siyang nag-run away ng modelling clothes sa Paris sa kaniyang damit.

Excited na tumakbo papalapit sa kaniya ang bata at yumakap sa kaniyang tuhod. Nag-ikot lang siya ng mata at pasimpleng tinanggal ang kamay ng bata. Nandidiri siya o ano, hindi siya sanay sa presinsya ng anak nitong si Nadezhda.

Panglimang araw niya sa bahay ni Jayvion and oh, sobra niyang na-enjoy ang pagbabakasyon sa bahay nito not to mention na may free sex pa! Sa foods, okay lang naman siya. Hindi siya maarte sa pagkain basta may wine kasama. Sa accomodation, perfect! Alagang-alaga siya ni Jayvion kahit puro pagsusungit ang ginagawa nito pero sa tuwing ginagapang niya sa kama, hindi naman pumapalag.

“What did you buy po?”

“Fish,” simpleng saad niya.

“Talaga po? A gold fish?”

Ngumisi siya. “Yes.” Mula sa isang silyadong box, nilabas niya ro’n ang binili niyang isda sa black market. Illegal sa Pinas ang isdang binili niya pero mas okay.

“Is that a piranha?!” Gulat na tanong ng bata sa kaniya.

“Exactly!” Ang lakas ng halakhak niya. Limang black piranhas ang kaniyang binili and they’re so freaking cute! Isali pa ang size ng mga ito na isang palad niya ang laki at sobrang aggresibo. “Look at them, Nadezhda! Ang gaganda ng ngipin nila.”

“Pero Mommy, they look scary to me.”

“I know. Tawagin mo ang Dad mo. Sabihin mo pinalitan ko na ang gold fish niya, okay?”

Mabilis itong tumango at nagmadaling tinakbo nito ang kusina. Dinig niya ang matinis na boses ni Nadezhda at tinatawag ang ‘Daddy’ dito. Habang siya ay natatawang pinagmasdan ang mga isdang nasa malaking aquarium. Si Quattour ang pinadeliver niya kanina ng Aquarium at wala naman siyang narinig na reklamo kay Jayvion kaya okay lang. Sa sala niya ito nilagay kung saan nakapwesto dati ang gold fish.

Busy siya sa pagpapakain ng karne sa mga piranha nang marinig niya ang boses ni Jayvion na gulat na gulat. Nag-ikot na lamaang siya ng mata at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Magpapalit lang siya ng damit at magbabad na rin sa bath tub nito.

“Aurora what’s these?” Nag-abot ang kilay nito.

“Fish, duh!” Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang hagdanan.

Tinungo niya ang silid ng lalaki at walang kahirap-hirap na pumasok. Doon na siya naghubad ng damit at pinakialaman ang malaking bath tub nito. Na-miss niyang magbabad. Limang araw din siyang nagtiis sa shower pero ngayon, wala ng makakapigil sa kaniyang magpakasaya!

NAKASAMBAKOL ang mukha ni Jayvion nang tingnan niya ang illegal na isdang dinala ni Aurora. Sunod-sunod siyang napamura sa isip at napailing-iling. Mamaya rin ay itatapon niya ito at hindi ito magandang alaga lalo na at may bata sa kaniyang pamamahay.

But you let her venomous pet stay.

Napahugot siya ng malalim na buntong-hinga at hinarap ang kaniyang napakagandang anak. “Come here, Nadi.” Lumapit naman ito sa kaniya at agad niya itong kinarga. “What do you want for lunch?”

“I want a Jollibee!”

“Okay, padeliver tayo—”

“No Daddy! Gusto ko out tayo tapos kasama natin si Mommy Aurora!”

“Baby, hindi pwede—”

“But minsan lang tayo nag-e-eat sa labas. Minsan, si Lolo-Dad lang kasama ko dahil busy ka sa work. Please, Daddy? Promise I’ll behave po.”

Napabuntong-hinga siya at tumango. May magagawa pa ba si Jayvion kung totoo lahat ang sinabi ng kaniyang nag-iisang prinsesa? Mas marami ang oras niya sa kaniyang trabaho at lagi nitong kasama ay ang pangalawang Ama niya. Maarte ang kaniyang anak pagdating sa pagpili ng Nanny nito. Ngayon lang niya nakita si Nadezhda na masaya sa Yaya nito kaya hindi niya ito kayang biguin ngayon.

“JOLLIBEE!”

Nag-ikot ng mata si Ramona. Nasa parking lot sila ngayon. Ang buong akala niya ay sa isang mamahalin Restaurant sila pupunta at kumain. Nagsuot pa siya ng scarlet red bodycon dress na labas ang hita at cleavage niya tapos sa fast food lang sila pupunta?! Hindi niya ito matatanggap! Hindi siya umaapak sa kahit anong klaseng fastfood simula nung nasa organisasyon na siya. Huling apak niya sa Jollibee ay kasama niya ang kaniyang pamilya.

“Are you sure na dito tayo?” Nakataas ang kaniyang kilay. Ayaw niyang lumabas ng sasakyan. Sayang ang kaniyang outfit. No!

“Yes Mommy! Ayaw mo? Let’s go na.” Nasa back seat si Nadezhda dahil siya ang umagaw sa pwesto nito sa unahan. Sa kaniya ang lalaki.

“I don’t like it.” Umarko ang kaniyang kilay. Hindi siya papasok. Not ever!

“Aurora…”

“What?” angil niya kay Jayvion.

“Kung ayaw mo talaga, you can stay here. Hintayin mo na lang kami ng anak ko.”

Napasimangot naman ang kaniyang anak sa narinig. “Pero Daddy I want her po to come with us! Please, Daddy!”

“Nadezhda!” Tawag niya sa bata.

Tumingin naman ang bata sa kaniya. “Ano nga ang sabi ko sa ‘yo kahapon?”

Nagbaba naman ito ng tingin at napalabi. “That I should always listen to Daddy.”

“Good. Now go with your Daddy! Nagiging dinausaur ako kapag nagagalit.”

Nanlaki naman ang mata ng bata at mabilis na tumango. Sinenyasan niya ang lalaki na umalis na ang mga ito at sa loob siya ng sasakyan maghihintay. Hindi naman siya nabo-bore sa kaniyang presinsya.

Sinundan niya ng tingin ang mag-amang pumasok sa loob ng malaking fast food. Katabi nito ay Mall kaya nagpasya si Ramona na umibis ng sasakyan at nagtungo sa katabing Mall. Siya ‘yong personal Nanny ng anak ni Jayvion na may sariling desisyon. Not to mention na hindi siya tumatanggap ng bayad at wala silang kontrata. Ang kontrata meron sila ay pasayahin at painitin ang katawan nila sa kama.

Bawat taong nadadaanan niya ay napapalingon. Kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata ng mga ito at may iilan na naglakas-loob na lapitan siya at nagpakilala pero deadma ang inabot sa kaniya. Nakalimutan niyang sabihin na hindi pala siya basta-basta nakikipag-usap sa mga taong hindi niya kilala o kahit kilala niya, hindi siya agad-agad humihinto para makipag-usap. Mahal ang bawat patak ng kaniyang oras at swerte ni Jayvion sa parteng iyon.

Mula sa kalayuan, tumalim ang kaniyang mata nang makita niya si Arielyn. Ang kasamahan niya sa Belladonna. Seryuso itong nakatayo sa isang tabi at nakahalukipkip ang kamay. Misteryuso itong tingnan sa suot nitong cap and black jeans.

Kawawang target. Mukhang sa maraming tao pa mamatay. Nilagpasan niya ang babae sa paraang hindi sila magkakilala.

“Having a good time?”

Tumaas lang ang sulok ng kaniyang labi at hindi niya pinansin ang sinabi ni Arielyn. Maghahanap siya ng Restaurant kung saan siya kakain mag-isa.

Nakailang hakbang pa lamang si Ramona nang marinig niya ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Napabuntong-hinga siya at nagpatuloy sa paghakbang na parang walang nangyari. Kung siya, mahilig maglaro, si Arielyn ay deretso nitong pinapatumba ang target nito. May tao o wala.

Tsk! Masyadong halata maglaro.

Pumasok siya sa isang bukas na Restaurant at umupo sa bakanteng upuan. Pinagmasdan niya ang mga taong nagtulakan para tingnan ang nangyari. Natawa siya at tinawag ang waiter para pagsilbihan siya. Mula sa kaniyang mata, nakita niya si Arielyn na simpleng naglakad patungo sa escalator. Hindi mahahalatang ito ang salarin.

Eksaktong matapos siyang mag-order ng kaniyang gustong kainin nang matanggap niya ang mensahe na galing kay Uno. Pinapunta siya nito sa bar nito mamayang gabi kung gusto nito malaman ang resulta ng kaniyang pinapahanap. Nagliwanag ang kaniyang mata. Mga ganitong balita ang kaniyang gustong marinig sa lahat. Dinial niya ang numero ni Uno pero nakailang ring bago nito sinagot.

“Really? Sa tagal niyan, ngayon mo lang ako bibigyan ng results? Just wow, Uno!” Kunwari galit siya pero ang lawak ng kaniyang ngiti ngayon.

“We are not close, Ramona. Aside from that, I’m a busy man,” seryusong saad nito sa kabilang linya, “Hindi ka importante tulad ng kaibigan kong si Zerus. Tandaan mong kinakausap lang kita dahil kaibigan pa ang turing ni Zerus sa ‘yo kahit na ginawa mong impyerno ang buhay ng kaibigan ko dahil d’yan sa pangingialam mo.”

Natigilan naman siya nang maalala si Zerus. Masaya na ito sa Iceland, alam niya ang bagay na ito. Kasama nito ang babaeng mahal na mahal nito at gamit ni Zerus ay ibang katauhan ngayon. Tulad ng kaniyang pangako, hindi na siya mangingialam pa sa buhay ng lalaki. Wala na rin siyang pakialam kay Zerus. Pinutol niya na lahat.

“Yeah, yeah. May sasabihin ka pa, Father?” Pang-aasar niya sabay senyas sa waiter na lumapit ito sa kaniya. “Give me your best wine,” anas niya sa waiter. Tumalima agad ito saka niya hinarap ulit si Uno. “Where are we again?” Pero pinatayan siya ni Uno ng phone.

Natawa na lang si Ramona at nilagay sa bag ang phone niyang konti lang ang nakakaalam ng kaniyang numero. Kahit si Jayvion ay hindi nito alam ang number niya.

TULAD ng usapan nila ni Uno, nagpunta siya sa bar nito at nag-order ng mamahalin wine. Alas-dose ang usapan nila ng binata. Busy ito sa pagmi-mix ng alak sa kamay.

Tiningnan niya ang orasan. Limang minuto ang nagdaan. Nakakapagod maghintay. Nilibot niya ang kaniyang tingin, puro mga matataas na tao ang mga nando’n. May ibang tulad ng kaniyang trabaho at may ibang mga bilyonaryo. Kung mukha lang siyang pera, kanina pa siya kumapit sa mga ito at nakipagharutan saglit.

“Uno!” Tawag niya sa binata pero para wala itong narinig. Napairap na lang siya sa hangin at sinimsim ang wine. Nakakainis ang lalaki! Binalikan niya na lang sa isip ang nangyari kanina…

“Where have you been? Kung hindi lang sinabi ng anak kong hintayin ka, kanina ka pa namin iniwan, Aurora.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Jayvion. Nakaupo ito sa hood ng kotse nito habang karga si Nadezhda na may dalang mga laruan. Binati siya ng bata pero tiningnan lang niya ito at naunang pumasok sa loob ng kotse. Sumunod naman ang mga ito.

“Mommy, saan kayo galing?” Tanong ni Nadezhda. Nasa backseat na ito at nilagyan ng seatbelt ni Jayvion. “Nag-poop kayo?”

“Kumain, okay?”

Tumango-tango naman ito. Saka naman pumasok sa driver seat ang lalaki at hindi na nakipagtalo sa kaniya. Para silang mag-asawa dalawa na nag-aaway dahil tahimik lang siya sa isang tabi.

Mula sa kaniyang kinauupuan, nakita niya si Arielyn na nakatayo sa isang tabi at sa direksyon nila ni Jayvion ito nakatingin. Sumenyas ang kamay nito na kaniyang ikinatigil.

Shit!

Akmang baba siya sa sasakyan ni Jayvion nang paganahin na nito ang makina at umalis na sila roon. Nanatiling nakatingin ang kaniyang mata kay Arielyn at sumenyas pa ito ulit na siya lang ang nakakabasa.

“You, okay?”

Sumulyap siya kay Jayvion. “Just drive.”

Hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi pero hindi na ito nagtanong pa. Sandali niyang pinikit ang mata. Iniisip niya ang posibleng gagawin ni Arielyn o Nerium sa buhay niya ngayon. Well, wala siyang pakialam kung anong gagawin ni Arielyn dahil kaya niyang banggain ang pinaplano nito. Hindi sila magkaibigan dalawa.

“Ramona…”

Tumalim ang tingin niya kay Uno nang umupo ito sa harapan niya. Tinawag nito ang kaniyang pangalan na minsan nakakalimutan niya na sa dami ng mga pangalan na kaniyang ginagamit. Nilagay nito sa table niya ang isang shot ng alak. Umasim ang kaniyang tingin dito at sinenyasan itong alisin sa harapan niya ang dala nito.

“Hindi ka pa rin nagbabago.”

“Pwede ba! ‘Yong pinapagawa ko sa ‘yo ang pasya ko rito.” Seryusong saad niya at sinimsim ang likidong nasa wine glasss.

Masarap! Bahagya siyang napapikit at nang magmulat siya ng mata, huminto ang kaniyang mundo nang tumama ang kaniyang mata kay Jayvion.

May kasama itong babae…

Tumaas ang kaniyang kilay. Wala siyang nakitang reaksyon sa mata ng lalaki at nakahawak sa braso ni Jayvion ang babaeng kasama nito ngayon. Nilagok niya lahat wine sa kopita at hindi binabawi ang tingin sa mga ito.

“Who is she?” Pinupunto niya ay ang babaeng kasama ni Jayvion.

“I can’t tell you.” Tumayo ito at bumalik sa pwesto.

Umismid lang siya habang nakasunod pa rin ang kaniyang tingin kay Jayvion na alam niyang alam nito ang kaniyang presinsya. Siya lang nagsuot ng pula sa gabing iyon kaya imposibleng hindi nito nakita ang matinik at dumudugong rosas sa gitna ng sementeryo.

Maarteng nagsalin siya ulit ng wine sa kopita habang nanatiling nakatuon ang kaniyang mapanuring mata sa dalawa. Hindi niya mabasa ang galaw ng babae na kasama nito dahil close na close ito kay Jayvion. Bawat ngiti nito at kislap ng mata ay nakikita niya at nababasa.

“Hmm?” Dahan-dahan niyang sinimsim ang wine.

Nakita niyang nagtungo ang dalawa sa unahan at kinausap si Uno. Mula sa kaniyang pwesto dinig niya ang pag-uusap na namagitan sa mga ito. Hindi maingay ang pwesto ni Uno. Tamang chill at tugtog lang ang musika. Tamang lugar para sa mga taong gustong mapag-isa at magplano ng kasamaan tulad niya.

Malakas ang kaniyang pandinig pero gusto niyang lapitan ang mga ito. Bitbit niya ang kaniyang kopita at humakbang sa pwesto ni Jayvion. Wala siyang naramdaman kakaiba ngayon gabi kahit nakita niyang may kasamang ibang babae si Jayvion. Actually, okay lang sa kaniya.

“Jayvion.” Deretsong hinalikan niya ang labi ni Jayvion nang lumingon ito sa kaniya. Isang nakakapugtong halik para ipakita sa babaeng kasama nito na isa siyang territorial, mapanganib at nakakamatay kung may magtatangkang umagaw sa lalaki lalo na at hindi niya pa ito pinagsawaan!

Binitawan niya lang si Jayvion nung kapwa na sila naghabol ng hangin dalawa. Habang si Uno ay napapailing sa kaniyang inakto pero hindi siya nito pinakialaman, umasta itong hindi siya kilala.

“Aurora!” Bahagya siya nitong tinulak papalayo.

Natawa siya sa reaksyon ni Jayvion na gabi-gabi niya ginagapang. Isali pa ang ginawa nilang kalokohan sa bath tub nito nung nakaraan. Kung paano niya ito napapaungol at napapasambit sa pangalan niya na parang baliw. Aww, her poor-poor Jayvion… Nasa ilalim ng kapangyarihan niya ito at kung sino man itong babae na kasama nito, magdasal-dasal na ang babae dahil gagawin niyang impyerno ang buhay nito ngayon.

“Yeah, it’s me. Nandito ka rin pala.” Nakakalokong tanong niya habang maarteng nilalaro ng kaniyang kamay ang buhok nito. “What are you doing here with that… Woman?” Tumalim ang tingin niya sa babaeng kasama nito.

“She’s—”

“I’m Ara.”

Bigla siyang napahinto sa ginagawang paglalaro sa buhok ni Jayvion Ang matang kanina lang ay nagbabadya ng panganib, ngayon ay mas lalong nag-apoy sa galit.

Ito ang babaeng nagngangalang Ara? Gusto niyang humalakhak ng tawa. Bakit iba yata ang mukha? Nag-undergo ba ito ng maraming plastic surgeries? Imposibleng ito si Ara na sekretong asawa ni Jayvion at Ina ni Nadezhda dahil ibang-iba ang mukha nito plus… Mas maganda siya.

Napasulyap ang kaniyang mata sa kamay nitong nanatiling nakakapit sa siko ng kaniyang Jayvion. Napakuyom ang kaniyang kamao. Matagal namalagi ang kaniyang tingin sa kamay nito at kung may kapangyarihan ang kaniyang mata, nasunog na ang kamay ng babae.

“So, you are Ara?” Tumaas ang kilay niya. Umayos siya ng tayo at binagsak ang kopita sa counter. Lahat napatingin sa kaniyang ginawa lalo na at nabasag ang kopita sa kaniyang kamay. “You’re his wife?” Ngumiti siya. Ngiting hindi abot sa mata.

Tiningnan siya ng babae na walang katakot-takot sa mata. “Yes.”

Natawa siya sa narinig. Nagbayad pa siya ng milyon sa pesteng picture na binigay niya kay Uno tapos makikita niya lang pala harap-harapan ang sekreto nitong asawa. What a shame! She silently composes herself. Ano kung asawa ito ni Jayvion? Aminado siya sa bagay na ito. Hindi niya lang napaghandaan na ibang-iba ang mukha nito ngayon pero aaminin ni Ramona na kasingtangkad niya ang babae.

“Oh right. Okay-okay. Pasensya na ‘Ara’ kung hinalikan ko si Jayvion, ha? I can’t help it kasi when it comes to him. Sobrang sarap niya kasi, hindi lang sa halik kundi pati sa kama. Siya ang klase ng lalaking gagapangin ko oras-oras sa sarap.” Ngumiti siya habang si Jayvion ay hindi makahuma. Bago siya umalis, binigyan niya pa ng isang halik ang lalaki sa labi at may binulong dito.

“What about your shot, Aurora?” Si Uno.

Nginisihan niya lang ang binata sa pagtawag nito ng Aurora sa kaniya. Alam niya ang ibig nitong sabihin sa shot na sinasabi nito. Hindi niya na kailangan. Nakita niya na mismo harap-harapan and so what? Nasa kaniya ang lalaki. Hindi niya kailangan ang puso ni Jayvion, sapat na ang katawan nito. Pagkatapos n’yon, tahimik siyang aalis na parang walang nangyari.

Enjoy your night, sweetheart… Ito ang binulong niyang panganib kay Jayvion.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.