Chapter 9

Nasa kama siya ni Jayvion matamang naghihintay. Binabantayan niya ang pagdating ng lalaking Doctor. Dalawang oras na ang nagdaan at wala pa rin ito. Natawa siya nang mapakla. Bakit nga ba niya hinihintay ang pagdating nito?

Tumayo siya at tinungo ang kaniyang silid. Walang pakialam na hinubad niya ang kaniyang suot at tinungo ang banyo. Binuksan niya ang shower at nagbabad sa ilalim n’yon. Hinayaan niya ang pagdaloy ng tubig sa kaniyang mukha kasabay ang pagdaloy ng nakaraan sa kaniyang isipan…

Naghintay ng ilang linggo sa bahay-bakasyunan ang batang puso ni Ramona. Inisip niyang babalik ang kaniyang magulang at mga kapatid. May parte ng kaniyang puso ang umaasang babalik ang mga ito. Kahit ang totoo, nakita niya ang mga ito sa bungad ng kagubatan kung saan tinapon ng mga pumatay ang pamilya niya.

Nakita niya kung paano naliligo ng dugo ang mga ito at parang basura lang na tinapon sa makakapal na damuhan. Bata ang kaniyang puso at kaisipan pero alam niyang patay na ang mga ito. Patay na ang kaniyang Ina at Ama. Patay na ang tatlong kapatid niyang lagi niyang kalaro.

Nilibing niya ang mga ito. Buong araw siyang naghakot ng mga bato at binigyan ng maayos na libingan. Wala siyang naramdaman sakit. Naging manhid ang puso niya habang tinatabunan ng bato ang katawan ng mga ito. Nilagyan din niya ng mga ligaw na bulaklak ang puntod at kahoy na nagpapatunay na dito niya binigyan ng pahinga ang pamilyang kinuha sa kaniya.

“Mommy…” Lumakas ang kaniyang iyak. Hinahanap niya ang kaniyang Ina. Umuulan ng malakas nang mga sandaling iyon at halos gibain ng hangin at ulan ang bubong ng kanilang pribadong bahay-bakasyunan.

Lahat tinawag niya habang umiiyak at nagtatago sa ilalim ng mesa. Gabi at malakas ang hampas ng alon sa dagat na parang galit na galit sa kaniya. Mag-isa lang siya sa bahay at sa bawat kidlat at kulog, napapasigaw ang batang puso niya.

“Daddy!” Yakap-yakap niya ang kaniyang tuhod. Hindi niya natapos ang kaniyang hapunan na siya ang gumawa. Sunog na hotdog at basang kanin.

Biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Mas lalo niyang niyakap ang sarili hanggang sa naubos ang kaniyang luha. Wala siyang mailuha at maisigaw pa na pangalan. Nanatili na lamang si Ramona sa ilalim ng mesa at hinintay na matapos ang galit na kalangitan.

Hindi alam ni Ramona kung ilang oras siya sa ilalim ng mesa. Nang magmulat siya ng mata, nakita niyang umaga na. Huminto na rin ang ulan. Mabilis siyang gumapang papuntang pintuan at binuksan ito. Inisip niyang nando’n ang kaniyang pamilya at sinusundo siya.

“Aurora…”

Isang malamig hangin lang ang humampas sa kaniya, ito ang palayaw na tinatawag sa kaniya ng kaniyang Ama. Aurora dahil favorite niya ang character na isang Disney Princess na si Sleeping Beauty.

“D-daddy…”

“Umalis ka na rito anak… Lumayo ka na rito…”

“Pero Daddy natatakot ako.”

“Kaya mo ‘yan, malakas ka. Matapang. Umalis ka na rito, lumayo ka…”

Sunod-sunod siyang tumango at pinunasan ang luhang bumagsak mula sa kaniyang mata. Sinunod niya ang sinabi ng kaniyang Ama kahit hindi niya nakikita at boses lang nito ang kaniyang naririnig. Sa unang pagkakataon, humakbang siya papalayo sa kanilang bahay-bakasyunan. Binaybay niya ang daan kung saan magtuturo sa kaniya papalabas.

Sandali siyang lumingon, nakita niya ang kaniyang komletong pamilya na kumakaway sa kaniya bilang pamamaalam at dahan-dahan nawala. Kumaway siya pabalik sa mga ito saka nagsimulang humakbang papalayo sa bahay-bakasyunan na iyon.

Deretso lang siyang naglakad sa walang katao-taong daan at puro kakahuyan sa bawat tabi. Naglakad siya na walang takot at pagod na naramdaman. Basta lamang humakahakbang ang kaniyang paa hanggang sa may nakakita sa kaniyang isang babaeng sakay sa isang mamahalin sasakyan. Bumaba ito at nilahad ang kamay sa kaniya. Tinanggap niya ito saka siya giniya sa loob ng sasakyan nitong itim.

Kinupkop siya ng babae at dinala sa isang lugar kung saan nakita niya ang mga kapwa kabataan na edad ay walo hanggang sampu. Marami silang mga babaeng kabataan ang mga nando’n at nung una, inakala ni Ramona ay nasa maayos siyang kamay, inakala niya lamang ito… Dahil doon mas lalong naging impyerno ang kaniyang buhay. Pero ang impyernong pinaranas sa kaniya ay kaniyang naging kanlungan, naging tahanan.

DUGUANG training ang binigay sa kanila sa isang isolated island. Walang nakakaalam na lahat ng mga kabataan tulad nila ay nando’n. Lahat ng pagkain, gamit at pangangailangan ng mga batang tulad nila ay nando’n lahat.

Natutulog sila sa iisang malaking silid at may kaniya-kaniya silang deck. Bawal silang makipagkaibigan. Bawal silang mag-usap. Bawal silang makitang magkasama ‘pag hindi training ang usapan. Bawal silang gumalaw bilang normal na bata.

Kontrolado ang kanilang bawat galaw. Isang pagkakamali ay katumbas ng isang daan latigo sa katawan. Kung kaya takot silang magkamali. Ang buong isla ay napapalibutan ng mga armadong lalaki na siyang nagbibigay sa kanila ng mahirap na training araw-araw hanggang sa umabot ang dilim.

Walang nagtangkang tumakas sa kanila. Maliban sa nasa isang isla sila, puno ang paligid ng mga armadong lalaki at matataas ang bakod na may electric fence at napapalibutan pa ng maraming security camera. Ang tanging walang security camera lang ay ang banyo kung saan sila sabay-sabay na naliligo lahat at sabay-sabay din natatapos. Walang nahuhuli ng kahit isang minuto dahil isang minutong late ay katumbas ito ng benteng latigo sa katawan.

May ibang mga kasamahan nilang mga kabataan ang hindi kinaya ang mahirap na training nila. May ibang sumuko. May ibang naunang namaalam. Pero siya, walang kahit anong reklamong lumabas sa kaniyang bibig. Tinuring niyang tagapagligtas ‘yong babaeng nakakita sa kaniya at dinala siya rito sa isla. Hindi siya galit. Sa murang kaisipan ni Ramona, tinanim niya sa isipan na babalik siya balang-araw bilang isang malakas na babae. Gusto niyang gayahin ang babaeng tumulong sa kaniya. Gusto niyang maging tulad nito. Gusto niyang maging isang matapang.

Tinuruan sila sa islang iyon kung paano gumamit ng nakakamatay na martial arts, baril, sword fighting at sibat. Kasama rin sa training nila ay kung paano mahasa ang kanilang utak at paano umarte na parang isang modelo. Nakakapagpahinga lang sila kapag oras ng pagkain at tulog.

Bilang ang bawat minuto nilang mga kabataan na nasa isla. Sa bawat taon, may nauunang namamaalam. Pinakaunang rason, hindi kinaya ng utak at katawan ang pinapagawa sa kanilang puspusan training.

“Aurora…”

Nagmulat ng mga mata si Ramona nang marinig niya ang boses ni Jayvion. Kumakatok ito. Bumalik siya sa kasalukuyan. Pinatay niya ang shower at lumabas na walang saplot sa katawan. Tinungo niya ang pintuan at binuksan ito.

Natigilan ang lalaking Doctor nang makitang nakahubad siya at pumapatak pa ang tubig mula sa katawan niya. Nagkalat ang tubig sa sahig. Agad itong nag-iwas ng tingin at kitang-kita niya ang pagpula ng magkabilang teynga ni Jayvion. Imbes na matuwa sa nakita, bumangon ang inis sa kaniyang dibdib.

“You are late.”

Nagtatakang napatingin ito sa kaniya pabalik.

“Late ka na umuwi. 2 hours kitang hinintay. What took you so long?”

Hindi ito nakaimik sa kaniyang naging tanong. Napatingin ito sa kaniya at binabasa ang kaniyang isipan pero seryuso sa kaniyang katanungan kung bakit ito late umuwi.

“Siguraduhin mong maayos ang sagot mo, Jayvion, dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin.”

“Bakit?”

“Bakit? I don’t care if that woman is your secret wife—” Agad niyang sinenyasan ang bibig ni Jayvion nang akmang magsalita ito. “She’s Ara and I don’t care at all. Ang akin, pagmamay-ari kita ngayon. Hindi ko alam kung ilang araw at ilang linggo ang obsesyon ko sa ‘yo but when I am done, you can go back to her. But now? No. Hindi ka pwedeng sumama sa ibang babae hangga’t nasa paligid lang ako, Jayvion, you hear me? I am an extremely possessive individual. You see, what’s mine is mine. I don’t mind if you’re already owned by someone. Basta ang akin ay akin at kailangan ko pa ba sabihin sa salitang french para maintindihan mo? I’m dangerous when I am mad, sweetheart, lalo na kung makita kang may kasamang iba aside from me.” Walang kapreno-prenong saad niya at binilangan ito sa kaniyang kamay ng isa. Hanggang tatlong bilang lang ang kaniyang ibibigay sa lalaki. “Good night, then.” Agad niyang sinara ang pintuan.

Muli niyang tinungo ang banyo at pinagpatuloy ang naputol na shower. Hinahamig niya ang kaniyang sarili. Hindi siya sanay magalit dahil alam ni Ramona na nakakagawa siya ng pangit na bagay kapag natatabunan siya ng kaniyang galit. Kaya dapat kalma at relax lang. Mamaya lang ay itatabi niya si Aurora sa kaniyang pagtulog.

MATAGAL na napatitig si Jayvion sa kesame ng kaniyang silid. Mag-isang oras na siyang nakahiga sa malambot na kama pero ang kaniyang utak ay lumilipad. Hindi ito matahimik. Wala sa Hospital ang kaniyang isipan, wala rin sa trabaho.

Napabuntong-hinga siya. Tumayo at nagtungo sa terasa ng kaniyang bahay. Ilang oras lang ay sisikat na ang araw pero hindi siya magawang dalawin ng antok para makapagpahinga. Tila mapagbirong bumalik sa kaniyang utak ang nangyaring eksena kanina.

Isang grupo ang inambangan nila sa Haven’s Bar. Isang grupo na makapagturo sa kanila kung saan ang taong hinahanap nila na siyang utos ng SPHERE. Isang babae ang kanilang hinahanap na nagtatago sa iba’t ibang pangalan at mukha. Hindi niya lang inasahan na makita ro’n si Aurora.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan si Addavan, ang kaniyang isa sa mapagkatiwalaang kaibigan. Tulad niya, isa rin itong Doctor.

“Ang aga mo tumawag, ah?”

Natawa si Jayvion. Halatang tulad niya ito, hindi rin makatulog o may ginagawang kababalaghan sa loob ng laboratoryo nito. “

“Yeah, and it’s quarter 4 in the morning.”

“I know. May sarili akong orasan dito. Bakit ka napatawag ng ganito kaaga?”

Napabuntong-hinga siya at pinagmasdan sandali ang tahimik na kapaligiran. “I’m fucked.”

Tumawa naman ito sa kabilang linya kasabay ng pagbagsakan ng ilan sa mga kagamitan nito sa laboratoryo. “Oh shit! Pulutin ko lang.”

“Anong nahulog?”

“Puso mo yata ‘to.” Malakas itong tumawa. “Shit, Gunner! Anong fucked ang pinagsasabi mo? Hindi ka kamo papalagpasin ng SPHERE oras na malaman nilang nasa poder mo ang babaeng iyan. Alam mo kung gaano ka delikado ang babaeng iyan sa buhay n’yong mag-ama.”

Natahimik si Jayvion. Wala siyang maapuhap na isasagot.

“Let me guess, hinawakan ka naman sa leeg ng babaeng iyan, am I right? I told you, ibang babae si Aurora. Hindi siya simpleng babae na magbabago kahit may rason siyang magbago. You see Gunner, si Aurora ang klase ng babae na pumapatay kahit walang rason. Ganiyan kadelikado ang babaeng nasa poder mo at ngayon hinayaan mo pa na mapalapit sa anak mo. Anong rason mo ba at hindi ko makuha? Huwag mong sabihin dahil na naman ito sa ginagawa niya sa ‘yo sa kama. Fuck, Gunner! Ako na babaril sa ‘yo ‘pag nagkataon.”

Natawa siya sa huling parte na sinabi ni Addavan. Alam niyang tutuhanin nito ang sinabi. Hindi pa rin pala niya nasabi sa kaibigan ang gold fish nitong naging black piranha na.

“Nga pala, kumusta ang mga isda ko d’yan? Kukunin ko lahat ang mga iyan next week. Na-renovate ko na ang aquarium nila. Huwag kang magplano na palitan ang mga isda ko. May mga palantandaan ako, Gunner, kilala kita.”

Napakamot na lang siya sa ulo at pinigil niya ang sariling huwag matawa habang nagsasalita si Addavan. Saka niya na lang sabihin dito next week na nag-upgrade ang mga alaga nitong isda

“Nalunok mo na ang laway mo, oy?”

Tumikhim siya muna bago nagsalita. “Anong gagawin ko?” Pag-iiba niya sa usapan.

“Tsk. Simple lang, sipain mo na palabas ang lintang babaeng ‘yan. Hindi ako sangayon sa pananatili niya sa buhay niyo. Nilalagay mo lang sa panganib anak mo.”

Napabuntong-hinga siya. Kahit saan tingnan, maling-mali siya na pinapasok niya sa buhay nila ni Nadezhda ang dalaga. Naiinis siya sa kaniyang sarili. Matalino siyang tao. Nagtapos siya ng medicina sa Harvard pero ‘pag si Aurora ang kaniyang kaharap, nawawala ang kaniyang utak. Tama si Addavan, ang lakas ng tama niya kay Aurora kahit alam niyang hindi dapat.

Pinatay niya ang tawag at nagpasyang humiga sa hammock na nando’n. Nag-iisip siya ng pwedeng gawin kung paano paalisin ang babae na hindi masasaktan ang kaniyang anak. Hindi pwedeng magtagal si Aurora sa buhay nilang mag-ama. Aminado siyang panganib ang dala nito. Nagmistulang time bomb ang dalaga at oras na sumabog ito, madadamay ang buhay ng inosente niyang anak at ito ang hindi niya pahihintulutan.

“Damn it! Bakit ko ba hinayaan pumasok sa buhay ko ang babaeng iyon kung pwede ko siyang itulak palayo at umalis sa buhay namin ng anak ko. Aminado akong gusto ko ang pinaggagawa niya sa akin pero hindi pa rin pwede ito. Gagawa ako ng hakbang para tuluyan na umalis si Aurora sa buhay namin ni Nadi. Hindi ko na hihintayin ang panahon na kusa siyang umalis. Ako na mismo ang magtutulak sa kaniya palayo.

MASAYANG nagmulat ng mata si Ramona. A new morning! Nag-unat siya ng kamay at hinagilap ng kaniyang paa ang pulang house slipper. Sinuot iyon at tinungo ang pintuan. Eksaktong pagbukas niya ng pintuan, nando’n na nakatayo ang bata at halatang siya ang hinihintay. Agad itong bumati sa kaniya at nagpakarga pero hinawakan lang niya ang kamay ng bata. Hindi siya sanay kumarga ng bata.

“Where’s your Daddy?”

“At work na po. It’s already 9 na po. Can we play dolls?”

Umismid siya at nag-irap ng mata. “You play alone, okay? Busy ako.”

Nalungkot naman ito sa kaniyang sinabi. Akmang tatalikod ito nang makonsensya si Ramona. Unang pagkakataon na nakaramdam siya ng awa sa bata.

“Okay-okay we play dolls. Let’s go?”

“Yayy! Thank you, Mommy!”

Pinche estupido! Pumayag ako?! Oh, sweet heaven! Ang kulit kasi ng batang ‘to. Hindi man lang nagmana sa Ama niya. Nagmana pa yata sa Ina niyang loka-loka.”

At dahil mabilis siyang na-bored sa laro nilang manika ni Nadezhda, nagsuhestyon siyang isama na lang ito sa parke at hayaan itong makipaglaro sa mga kabataan doon. Dapat din magsuhestyon siya kay Jayvion na bigyan ng kapatid ito para hindi na ito panay ungot sa kaniyang makipaglaro.

Ang saya-saya nito nung sinabi niyang aalis sila. Kaagad niya itong pinabihis ng damit pero siya ang pumili ng kulay. Matchy-matchy sila sa araw na iyon dahil pulang damit ang pinasuot niya kay Nadezhda. Sinuklay niya lang ang mahabang buhok nito at nilagyan ng hair pin. Napagtanto niyang hindi naman pala mahirap mag-alaga ng bata. Nang matapos niya itong bihisan, dinala niya ito sa kaniyang silid. Siya naman ang magpapalit ng damit.

Isang bloody mini dress ang kaniyang piniling suotin na may konting slit sa kanan at spagetti strap ito. Naglagay lang siya ng chic-cat eye makeup looks plus makakalimutan pa ba niya ang kaniyang heels? Nah, never!

“Let’s go.”

Tuwang-tuwa na lumapit ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. Magkasabay silang lumabas sa kaniyang silid. Hindi na siya tumawag kay Jayvion. Binilinan niya lang ang kasambahay na kasama niya ang bata oras na maghanap ang Ama nito.

“Mommy! Ang ganda ng dress natin. Matching colors.”

Ngumiti lang siya. “Are you hungry?” Pag-iiba niya ng paksa nung patungo na sila sa kaniyang sasakyan.

“Hindi po!” Masiglang sagot nito.

Maarteng tumaas ang kaniyang kilay. Good for her dahil siya, hindi pa siya kumain at nagugutom na siya. Bakit ba kasi naisipan niyang lumabas sila? Yeah, yeah dahil ang boring ng mga manika nito.

TAHIMIK lang siyang nagmaneho ng sasakyana habang kumakanta ang batang nasa tabi niya. Bitbit nito ang manikang si Sleeping beauty at sandali siyang napasulyap sa dala-dala nitong manika.

“Of all your dolls, why you choose Aurora?” Binaba niya ang sunglasses na suot at sinulyapan ito.

“Because she’s pretty!”

Tumaas lang ang kaniyang kilay. “What more? Tell me about this sleeping beauty princess.” Binalik niya ang kaniyang atensyon sa pagmamaneho.

“Aurora tells us po how to cope with problems. That sometimes life and growing up presents dangers that no matter how hard we try to avoid them po, we can’t. Mommy, same kayo ng name po! I really like you, Mommy!” Masigla pa rin saad nito.

Nagkibit lang siya ng balikat. Matalinong bata si Nadezhda. Kung sabagay, matalino ang Ama nito. Binalik niya ang sunglasses sa mata at nagseryuso na sa pagmamaneho. Hinayaan niya itong sumabay sa kanta ng car stereo niya. Gusto niya sanang palitan ang kanta pero nung makitang masaya itong sumasabay, hinayaan na lamang niya.

Ilang sandali pa ay dumating na sila sa parke kung saan may maraming mga batang naglalaro na kasing-edad nito. Tinulungan niya itong bumaba sa sasakyan at tinuro ang mga kabataan na makipaglaro ito. Kumislap-kislap ang mata nitong sinunod ang kaniyang sinabi. Yumakap muna ito sa kaniya at nagpasalamat saka mabilis na nakipaglaro sa mga batang nando’n.

“She’s friendly…” anas niya at sandaling tinitigan si Nadezhda.

Sa ilang araw niyang panatili sa bahay ni Jayvion, nagustuhan niya ito kahit hindi siya mahilig sa bata. Malambing at mabait ito sa kaniya kaya siguro gano’n. Kung hindi niya kilala ang sarili, sasabihin niyang anak nila ito ni Jayvion.

“I’m starving!” Tinungo ni Ramona ang mga stall sa tabi. Gutom na gutom na siya at kaya niyang umubos ng isang Jayvion isang oras lang. Hindi niya trip kumain sa mga stall pero wala siyang choice lalo na at masaya ng naglalaro si Nadezhda.

Isang shawarma ang kaniyang inorder at bottled water. Nagpunta siya malapit sa pinaglalaruan ni Nadezhda at maarteng umupo sa sementong bench. Lahat ng mga Nanny na nando’n ay napatingin sa kaniya partikular sa kaniyang suot na halos isang galaw lang ay labas ang kaniyang kaluluwa.

“What?” Malditang tanong niya sa mga ito nang ibaba niya ang sunglasses na suot. Mabilis naman nagbawi ang mga ito ng tingin. Umismid na lang si Ramona at sinimulan kainin ang shawarma. Nakatutok ang kaniyang mata kay Nadezhda na tuwang-tuwa na nakipaglaro sa mga bata do’n sa slide.

Sinulyapan niya ang wristwatch na suot. Nagbibilang siya kung ilan minuto susulpot si Jayvion at hahanapin sa kaniya ang anak nito. For fucking sake! Hindi niya ilalagay sa panganib ang buhay ng bata. Napaikot na lang siya ng eyeball.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.