Chapter 11

Walang pagdadalawang isip na pinangko ni Jayvion si Aurora at dinala ito sa kaniyang silid. Nilagay niya ang babae sa bath tub at siya na ang nagkusang maglinis sa katawan nitong naliligo ng dugo. His guilt is killing him inside. How can he tell Aurora everything? Alam niyang darating sila sa ganitong sitwasyon, muling paglalaruan ng panahon.

Binuksan niya ang shower at pinaliguan si Aurora. Nanatali itong tahimik at walang reaskyon pero alam ni Jayvion na panganib ang nasa utak ng babae.

“Ako na.” Tinulak siya nito paalis.

Tumango siya at iniwan ito. Sa labas siya naghintay at nagsindi ng sigarilyo. Galit siya sa dalaga pero sa mga sandaling ito, isinantabi niya ang kaniyang galit. Maayos na rin ang kalagayan ng kaniyang anak at mahimbing itong natutulog sa silid nito.

Hindi alam ni Aurora kung paano siya kainin ng takot nang makitang umiyak ang anak niya. Si Nadi ang nag-iisa niyang mundo at bilang Ama, gagawin niya lahat maproteksyunan lang ang bata.

Nakaubos siya ng dalawang stick ng sigarilyo bago lumabas si Aurora. Hubo’t hubad ito at pumapatak pa ang tubig sa katawan nito habang walang emosyon ang mata. Tinungo nito ang pintuan pero pinigilan niya ang kamay nito.

“Robe.”

Pero winakli nito ang robang inabot niya. Dere-deretso nitong tinungo ang pintuan at pinihit ang siradura. “I’m leaving. I don’t wanna say this, but thank you. May kailangan lang akong tapusin.”

“Papatay ka.”

“Oo.”

Hindi siya kumibo. Humakbang siya papalapit sa dalaga at mariin hinawakan ang balikat nito. Pinaharap niya ito sa kaniya. “Pagkatapos ay ano? Anong susunod? Ilan pa ba ang papatayin mo para d’yan sa paghihiganting hinahanap mo? Ang dami mo ng dinamay na mga inosente, Aurora. Saan ang konsensya mo?”

“Anong pakialam mo? Kahit kailan hindi ko kinuwestiyon ang pagkawala ng pamilya ko, ngayon lang. Kaya kung wala kang magandang sasabihin, huwag na huwag kang mangialam sa mga desisyon ko, Jayvion.”

Napahugot siya ng hangin at hinayaan si Aurora na umalis sa silid niya. Muli siyang kumuha ng sigarilyo at sinindihan ito. Nagsisigarilyo lang siya kapag masyado ng malalim ang kaniyang iniisip.

Alam niya ang grupong sinasabi ni Aurora, pero hindi niya magawang sabihin sa dalaga. May parte ng kaniyang pagkatao ang natatakot na gawin ito. Lalo na at sa simula pa lang, hindi lang basta babae ang turing niya rito. Mahal niya ang dalaga noon pa man kaya kahit gaano kadilim ang nakaraan nito at gaano karaming taong pinatay, naiintindihan ito ng puso niya.

Tinawagan niya si Addavan at sinabi rito ang kaniyang sitwasyon. Tinawanan lang siya nang malakas nito. Alam ni Addavan lahat ang kaniyang mga sekreto. Maliban sa pareho silang Doctor, pareho rin ang pinagmulan nilang dalawa na may mga madidilim na sekreto.

MAAGA pa lang ay dinala ni Jayvion ang anak niya sa bahay kaniyang pangalawang Ama. Tuwang-tuwa ang matanda at ang asawa nito nang makita ang masiglang si Nadezhda. Sa kilos at boses ng kaniyang prinsesa, parang walang nangyari kahapon. Balik sigla ang magandang anak niya kahit panay tanong ito kung saan si Aurora.

“Nadi baby, dito ka muna kay Lolo-Dad at Lola-Mom mo, ha?” Malambing niyang saad dito.

“Balik ba kayo agad, Daddy?”

“Yes. May gagawin lang akong importante kasama si Tito Addavan mo.”

“Oh, Tito Addavan! Tell him, I missed him Dad, ha? Tapos tell him din po na to bring me another princess doll.”

“Noted, princess. Play with your cousin Carla and Jannah.” Hinalikan niya sa noo ang anak niya.

Tumango naman ito at mabilis na tumakbo sa dalawang pinsan nitong kasing-edad habang kalong-kalong ang manika nitong Aurora ang pangalan.

“Jayvion…” Ang pangalawang Ama niya ito. Lumapit ito sa kaniya. Nasa tabi nito ang pangalawang Ina niya. “Anong nangyari? Mukhang hindi ka pa natutulog?”

“Kayo muna bahala sa anak ko. Bibisitahin ko lang ang tunay kong Ina.”

Nagulat naman ang dalawa sa kaniyang sinabi. Alam ng mga ito na matagal na siyang walang komunikasyon sa kaniyang totoong Ina. Sa Ama niya, wala siyang problema. Nasa America ang kaniyang totoong Ama kasama ang pangalawang asawa nito at mga kapatid niya. Siya lang ang nandito sa Pinas at namamahala sa family business na pinamahala sa kaniya ng kaniyang totoong Ama.

“Bakit? Akala ko ba ay ayaw mo ng makita si Julie?”

Napabuntong-hinga siya at matagal bago nakasagot. “Marami akong gustong itanong.”

“Hindi ka na ba namin mapipigilan, anak?” Nag-alalang tanong ng kaniyang pangalawang Ina. Nakikita sa linya ng mukha nito ang matinding pagkadisgusto sa kaniyang desisyon.

“I’m afraid not, Mom.”

“O siya, hindi namin kukuwestyunin ang desisyon mo. Basta mag-ingat ka lang.”

Ngumiti lang siya sa mga ito at nagpaalam. Isang sulyap ang kaniyang binigay kay Nadezhda at kumaway sa bata bago umalis sa bahay ng Usuro. Kailangan niyang puntahan ang Ina at marami silang pag-uusapan dalawa.

Sinulyapan niya ang suot wristwatch nang makabalik siya sa kaniyang sasakyan. Quarter to 9 A.M. Hindi siya nakasuot ng puting coat ngayon tulad ng kaniyang nakagawian. Bagkos, isang leather jacket ang suot niya at pantalon maong. Sandali niyang sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Hindi pa siya nakaramdam ng antok. Maraming gustong gawin si Jayvion sa araw na ito.

Kapagkuwa’y tumunog ang kaniyang cellphone. Pangalan ni Addavan ang rumehistro sa screen.

“Gusto mong samahan kita?”

Natawa siya sa boses ni Addavan sa kabilang linya. Paano niya sabihin sa kaibigan na naging piranha ang mga isda nito?

“Hindi na. Matulog ka na lang d’yan.” Sinimulan niyang paganahin ang makina ng sasakyan. Malayo pa ang kaniyang lalakbayin. Anim na oras din paakyat papuntang North Luzon. Kung pwede lang chopper ang gamitin, ginawa niya na.

“Okay sabi mo, eh. Oo nga pala, daanan ko mamaya ang mga isda ko.”

Matagal siya bago nakasagot. “Sige, daanan mo lang mamaya sa bahay.”

“Copy that! Salamat sa pag-alaga sa kanila nung wala ako.”

Ngumisi lang siya at pinatay ang tawag. Sandali siyang huminto sa isang coffee shop at nag-take out ng dalawang order. Kailangan niya ng kape para manatiling gising sa buong byahe.

“Gunner.” Si Yx ang nasa kabilang linya.

Marahan niyang iniinom ang kaniyang kape habang nagmamaneho. Papalabas na siya ng Maynila ngayon.

“Yx.”

“Report to Fortocarrero Properties. My office.”

“I can’t, Yx. May personal na lakad ako.”

“Oh, I see. Si Addavan na lang and the rest of his men.”

“Okay. Thanks.”

“Sige.” At nawala ito sa kabilang linya.

Muli niyang hinarap ang kaniyang pagmamaneho kasabay ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Galit siya sa mga nangyayari ngayon pero ang may mas karapatan magalit ay si Aurora.

Fuck! How can I unlove her? Kung sa bawat halik at titig niya, nababaliw ang puso ko?

PINAGMUMURA ni Ramona si Uno nang wala itong maibigay sa kaniyang impormasyon. Binasag niya mismo sa harapan nito ang botelya ng wine. Pinahanap niya rito ang grupong pinagmulan ng tattoo pero ang sabi nito, matagal ng wala ang grupong iyon. Tatlong taon na ang nakaraan ayon na rin sa nakalap nitong impormasyon.

“You think I am lying? Kung ayaw mo sa impormasyon binigay ko sa ‘yo, then leave.” Tinuro nito ang pintuan. Walang reaksyon ang mukha nito.

Muli niyang binasag ang mga kopita nitong nakahilera at nilisan ang bar nito na punong-puno ng poot ang puso. Naghintay siyang bumukas ang bar nito para maibigay ang impormasyong pinapahanap niya pero wala rin pala itong maibigay.

Napailing na lamang si Uno at sinundan ng tingin si Ramona. May alam siya sa grupong pinapahanap ng dalaga pero ayaw niyang pangunahan si Ramona. Ang hinahanap nitong mga kasagutan ay ito lang din mismo ang makakasagot. Ayaw niyang mangialam sa pagiging pyschopath ng babae at kung hindi naibigay ang gusto, nagwawala. Tapos na siya sa pahinang laging sinusunod ang gusto nito noon. Ngayon nasa maayos na kalagayan na si Zerus kaya kampante na si Uno.

Tinungo ni Ramona ang kaniyang kotseng naka-park sa labas ng Haven’s Bar. Naiinis na binuksan niya ang pintuan nang magsalita si Arielyn sa kaniyang likuran.

“Aconite.”

Matalim ang matang tiningnan ni Ramona si Arielyn. Alam niyang nakasunod ito sa kaniya simula pa kanina. Hindi niya lang pinapansin.

“What are you doing here? Last time I checked, hindi tayo magkasundo.” Tinuon niya rito ang baril niya. Mainit ang kaniyang ulo at ayaw niyang maisturbo ngayon.

Ngumiti lang ito at nagtaas ng kamay. “Hey, I’m not your enemy.”

“Talaga lang? Dahil lahat ng kasapi ng grupong pinagmulan natin, hindi kaibigan ang tingin ko, kundi kaaway.” Nanatiling nakatutok pa rin ang baril niya kay Arielyn. “Bakit mo ako sinusundan? Don’t fuckin’ tell me, ako ang assignment na binigay sa ‘yo ni Raquel? ‘Coz believe me bitch, hindi namimili ang baril ko ngayon ng papatayin.”

“I know. That’s why in the first place I never treat you as a friend nor enemy. Nandito lang ako para sabihin na mali ang pagsama mo kay Dr. Jayvion.”

Binaba niya ang baril at tinaasan ito ng kilay. “The hell you care?” Pumasok siya sa loob at sinarhan ito ng pintuan. “Huwag kang pakialamera, Nerium. Maraming namamatay d’yan, just mind your own business.”

Nagkibit lang ito ng balikat. “Malay mo isa ako sa makakatulong. Ciao!” At umalis ito.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng babae. Nangangalaiting pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan paalis sa bar na iyon. Magpapakalunod siya ng mamahalin niyang wine collection. Nang sa gano’n makapag-isip siya ng matino at kakalma.

Kung nandito lang sana si Zerus para ito ang utusan niyang kilitiin ang kaibigan nitong si Uno. Kung sabagay, sino pa ba ang kaniyang aasahan kundi ang kaniyang sarili?

MALALAKI ang hakbang na tinungo niya ang collection ng kaniyang mga wine. Sa bawat sulok ng kaniyang bahay ay may mga botelya ng iba’t ibang klaseng wine kaya hindi nakakapagtaka na sa wine umiikot ang buhay niya. Agad siyang kumuha ng isa. Napangiti siya nang mapili niya ang wine na nagmula pa sa Paris. Binitbit niya ito patungo sa kaniyang silid at agad niyang pinaghuhubad ang suot niyang damit. Binati niya muna si Aurora na natutulog.

Nagpatugtog siya ng saxophone music at deretso niyang tinungo ang malaking bath tub sa banyo. Kailangan niya ng wine, music at bath tub nang sa gano’n, kumalma tuluyan ang kaniyang sistema.

Mag-iisip siya kung saan magsisimula pagkatapos nang gabing ito. Tinungga niya ang wine mula sa botelya at saka pinikit ang mata…

“Simula sa araw na ito, mamimili ako.” Boses ito ng babaeng Presidente ng organisyon kinabibilangan nila.

Nasa arena sila na napapalibutan ng mataas na uri ng electric fence habang nakaupo ang Presidente nila sa mahabang upuan. Nasa itaas na bahagi ito at pula ang suot ng babae. Malaki ang suot nitong beach hat na halos natabunan na ang mukha nito. May hawak itong cigarette pipe at marahan bumuga ng usok sa hangin. Gusto niyang tingnan ang mukha ng kanilang Presidente pero hinarangan ng dalawang armadong lalaki ang mukha nito.

“Iilan na lang kayong natira at alam ko lahat kayo ay matitibay. Pero hindi rito magtatapos ang lahat. Masyadong marami ang tatlumpu’t walo na kababaehang assassin. Ang kailangan ko ay anim. Anim na mahuhusay, magagaling at hindi takot kitliin ang sariling buhay para sa nasabing organisasyon na ito.”

Hindi kumibo si Ramona. Nasa likuran siyang bahagi dahil sa tangkad niya. Wala pa man, nakadama na siya ng excitement sa araw na ito. Singkwenta katao sila noon pero dahil sumuko ang katawan ng iba, kaya ang natira ay tatlumpu’t walo. Hindi niya alam na anim lang ang kukunin ng organisasyon. Maraming magagaling sa kanila pero pipilitin niyang siya ang maunang makuha.

Ilang taon silang nakatago sa loob ng islang ito. Sinanay. Minulat sa pangit na sistema ng mundo at pinaramdam na hindi lang sila babae lamang, kundi babae sila na dapat katakutan ng mga kaaway. Tinanim sa kanilang isipan na ang buong buhay nila ay para sa nasabing grupo.

“Nakikita kong handa na kayo lahat. Handa na kayong makipagpatayan sa araw na ito, tama ba?”’

Panabay silang sumagot lahat. Naghihintay kung anong isusunod na sasabihin ng presidente. Hinahanda niya ang kaniyang sarili.

“Lumingon kayo sa kanan. Kumuha kayo ng bola bawat isa sa loob ng malaking kahon na iyan. Sa bawat bola, may mga numerong nakalagay at kulay. Kung ano ang kulay ang nabunot niyo, doon kayo na grupo.”

Sinunod nila ang utos ng Presidente. Kaniya-kaniya silang kuha ng bola na hindi nila tinitingnan. Kung ano ang madampot ng kanilang kamay ay iyon na. Napangiti siya nang makitang pula ito at pangsampu ang kaniyang bilang.

Lahat ay nakakuha na ng bola at nahati sila sa tatlong grupo. Pula, puti at itim. Hawak nila ang numerong magdidikta sa kanilang kamatayan bawat isa.

“Alam niyo naman siguro ang ibig sabihin ng mga numerong hawak niyo pero heto at uulitin ko. Sa kaliwang bahagi, nakalagay lahat ng mga sandatang pwede n’yong gamitin sa kaaway niyo ngayon. Lahat kayo ay magkaaway sa arenang ito. Nasa inyo kung anong klaseng sandata ang gamitin niyo, maliban sa baril, hindi ko ina-allow ito. Ngayon, bawat kulay at numero na magkapareha ay siyang mag-aaway. Isa lang ang pwedeng lumabas sa arena. Walang rules sa larong ito. Nasa inyo kung paano niyo patumbahin at patayin ang kalaban niyo. Basta ang gusto ko, iisa lang ang pwedeng lumabas sa arenang iyan. Ang hindi sumunod, baril ko ang sasalubong. Naintindihan niyo ba lahat?!”

“Yes, President.” Magkapanabay na sagot nilang lahat.

Napangisi siya. Ilan sa mga kasamahan niya ay naamoy niya ang pag-alala at takot para sa sariling buhay. Siya lang yata ang nanatiling kalmado. Buo ang kaniyang sariling papatay.

Ilang sandali pa ay nagsimula ang madugong laro nila sa araw na iyon. Habang siya ay napangiti lang habang nanonood sa mga ito na nagpapatayan. Bawat talsik ng dugo sa sahig ay nagpapadagdag ng excitement sa pagkatao ni Ramona. Pinangako niya sa sariling papatayin niya sa pinakabrutal na paraan ang magiging kalaban niya sa arena.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.