Chapter 13

Napangiti na lamang si Ramona habang pinagmamasdan ang magandang tanawin na nasa kaniyang harapan; ang malapad na likod ito ni Jayvion. Nasa harap ito ng kawali at nagluluto ng breakfast nila sa araw na iyon. Natakam siya ulit, hindi sa luto nitong fried rice, bacon at egg, kundi sa katawan nitong naka-display.

Matapos siyang angkinin nito ng dalawang beses ngayon umaga sa magkaibang posisyon, hindi na siya umangal. Ano pa ang irarason niya? Nakuha na nito ang kaniyang kiliti. Hindi lang kiliti, pati ang walang kwentang puso niya.

“Starving?” Nakangiting sumulyap ito sa kaniya.

Ngumiti naman siya at tumango. Ganito pala ang pakiramdam kapag kinikiliti ang puso ng isang tao. Unang pagkakataon niya lang ito naramdaman. Naririnig niya lang ang salitang kilig sa pelikula.

“Okay, here’s your order. Anything, Ma’m?”

Natawa siya at umayos siya ng upo. Ginagawa siyang teenager ni Jayvion at damang-dama niya ang sinasabi nitong pag-aari siya nito. Gusto niya ang pagiging agresibo at dominante ng lalaking Doctor.

“I feel it. May 6th sense ako. Instead of these foods I prepared, ako ang gusto mong kainin.”

Ang lakas naman ng kaniyang halakhak. “How did you know?”

Nagkibit lang ito ng balikat at inayos ang pagkain sa mesa. Kumuha rin ito ng mug sa cup board at tinimplahan siya ng kape na may creamer. Mabilis siyang umayaw at mas gusto niyang wine pero sumenyas lang ang lalaki na hindi ito aalis buong araw kung ipipilit niya ang kaniyang gusto.

“Okay-okay, a little sugar and add more creamer please?”

Kinindatan naman siya nito at mabilis na sinunod ang kaniyang gusto. Pakiramdam ni Ramona, tumaba ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ang lalaking nasa kaniyang harapan at inaasekaso siya. Masarap din pala sa pakiramdam na may taong nag-aasikaso sa kaniya.

“What about Nadezhda, baka hinanap ka na ng anak mo?”

“She’s with her Lolo-Dad. Kapag nando’n ang anak ko kasama ang mga pinsan niyang galing States, nakakalimutan ni Nadi na Ama niya ako.”

Napangiti siya. Ang cute lang ni Nadezhda. Nang bumalik ito, may bitbit na itong timplang kape at ang macho nitong tingan kapag boxer short lang ang suot. May isang tattoo ito at iyon ay ang nasa kamay.

“I thought, you’re mad.?”

“For whom? You?”

Tumango siya. Umupo naman ito sa kaniyang tabi at sinimulan siyang asikasuhin na parang mag-asawa silang dalawa. Nung nasa bahay siya ng Hyzer, hindi nito ginagawa sa kaniya ang bagay na ito. Nakakapanibago!

“Nadamay ko anak mo…”

“I should be the one to apologize.”

“What do you mean?”

Ngumiti lang ito at nagsimulang kumain. Nagkibit lang siya ng balikat at nagsimulang sumubo ng kanin. Sa kauna-unahang pagkakataon, ito pa lang ang almusal na na-appreciate ni Ramona sa loob ng maraming taon. Ilang sandali pa ay magana siyang kumain kasabay si Jayvion. Nagpalitan pa sila ng biruan na parang matagal silang may relasyon at paminsan-minsan ay sinusubuan siya nito na parang bagong mag-asawang nasa honeymoon stage.

MABILIS na inayos ni Ramona ang kaniyang sarili nang umalis na si Jayvion. May natanggap itong tawag kaya napilitan itong lumisan sa bahay niya na kaniyang pinagpasalamat dahil magkikita pa sila ni Mordeccaii. Ang sabi ni Jayvion, isa itong Lawyer ito but who cares? Ang impormasyon ang kaniyang kailangan, hindi ang credentials ng lalaki.

Nakasuot siya ng red halter dress at high heels shoes. Smokey make up ang kaniyang nilagay sa mukha bago siya nagmadaling lumabas ng bahay at tinungo ang kaniyang kotse. Pero gano’n na lang ang inis niya nang makitang flat tire ito at pati ang ibang sasakyan niya. Napilitan siyang mag-taxi. Alam niyang si Jayvion ang may gawa n’yon pero hindi niya magawang magalit.

He’s cute when he’s jealous. Napangiti na lang siya.

“Saan tayo Ma’m?”

Sinabi niya ang pangalan ng Restaurant sa Makati at kaagad itong nagmaneho. Habang si Ramona ay hindi pa rin mawaglit ang kaniyang ngiti. Parang sirang plakang bumabalik sa kaniyang utak ang eksena kagabi at kanina.

“Ma’m, inlove kayo ‘no?”

“Ha?” Takang napatingin siya sa driver mula sa rearview mirror. Nanunudyo ang mata nitong nakatingin sa kaniya. “Paano niyo nasabi, Manong?”

“Kanina pa kayo nakangiti Ma’m, eh. Nangingislap ang inyong mata at tatlong beses niyo rin dinama ang labi. Siguro naisip niyo ang nobyo niyo, Ma’m ‘no?”

Ngumiti lang siya at hindi sumagot. Nasa maayos siyang mood ngayon at dahil magaan ang gising niya sa araw na ito, nakuha niyang makipagkwentuhan sa driver hanggang sa dumating siya sa kaniyang destinasyon. First time na nangyari sa kaniyang makipagkwentuhan sa ibang tao dahil minsan, mas gusto niyang kausapin ang kaniyang alagang si Aurora keysa sa iba.

“Thank you Ma’m! Ipagdasal ko kayo ni Sir na biyayaan ng maraming anak.” Nagagalak na saad nito nang bigyan niya ito ng tripleng bayad. Kumaway pa ang matandang driver sa kaniya.

Natawa lang siya at tumango. Saka siya nagpasyang pumasok sa loob ng Restaurant, kung saan alam niyang naghihintay si Mr. Mordeccaii Whatever.

Tama nga siya, andoon ang lalaki at matamang naghihintay sa kaniya. Nasa harapan nito ay dalawang kopeta ng wine at isang baso ng tubig. May ginagawa ito sa laptop na dala nito.

“Hi, sorry for the inconvinience. Got stuck in the traffic.” Ngumiti siya at umupo sa upuan nasa harapan nito.

Ngumiti lang ito nang magtaas ng tingin sa paraang hindi naniniwala sa kaniyang sinabi. Sinara nito ang laptop na gamit nito. “From your looks, hindi ko masasabing na-stuck ka sa traffic, Ms. Aurora. I might say, na-stuck ka sa isang lalaki at ito ang dahilan kaya ka natagalan dumating.

Namangha naman siya at sinabayan ito ng tawa. She like this man! Kaya nitong basahin ang kaniyang munting galaw. Konti lang ang nakakapansin n’yon.

“So, do you have it?”

“Yes.” Inabot nito sa kaniya ang isang brown envelope na naglalaman ng mga impormasyon na kailangan niya.

“Great!” Kinuha niya sa kaniyang bag ang isang box na nakabalot ng pulang wrapper at ribbon na naglalaman ng malaking pera at binigay sa lalaki. Para itong regalong tingnan. “I guess, I need to take my leave Mr. Mordeccaii. Have a good day!”

“Wine?” Inabot nito sa kaniya ang kopita. “You need this to calm. Hindi mo magugustuhan ang mababasa mo d’yan mamaya.”

Nagkibit siya ng balikat. May punto si Mordeccaii. Kinuha niya ang kopita at inamoy ito. Nang masigurong wala itong halong lason o anuman chemical, tinungga niya na ito. Hindi siya makapahintay na malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay ng kaniyang pamilya. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang siya ulit nakaramdam ng ganitong galit.

“Don’t trust anyone, Aurora. Au Revoir.” Tumayo ang lalaki at naunang lumabas ang lalaki sa kaniya sa Restaurant na iyon. Sumakay ito sa sasakyan nitong kumikislap sa mamahalin salapi.

I don’t like his tone.

Nagkibit siya ng balikat at maarteng pumara ng taxi. Nagpahatid siya deretso sa kaniyang magandang bahay. Maghahanda siya sa kaniyang pagsanib mamayang gabi at pinag-iisipan pa niya kung isasama niya si Aurora sa paghihiganting gagawin niya.

I guess, Aurora needs to be there with me. Ipaparamdam ko ang sakit na ginawa nila sa ‘kin. Ibabalik ko ang sakit na binigay nila sa ‘kin. Akin ang orasan ngayon.

“THE hell! Bakit hindi niyo sinabi sa ‘kin?!” Galit na tanong ni Jayvion sa matandang driver na inutusan niyang maging taxi driver ni Aurora kung sakaling lumabas ito ng bahay.

“Sinabi ko na sa inyo, Sir, sa pamamagitan ng text. Nakailang beses akong tumaawag sa inyo, hindi niyo rin sinagot.” Napakamot ito sa panot nitong ulo. “Pero ang bait ng jowa niyo, Sir, ah. Binigyan niya ako ng dalawang libong pamasahe. Kinwento ka rin niya sa ‘kin Sir, at naku Sir! Masasabi kong mahal na mahal ka ni Ma’m.”

Bigla naman nawala ang kaniyang galit at mabilis na napatingin sa matanda. “What?”

“Tama ang sinabi ko. Ni-record ko pa nga baka sakaling gusto n’yong marinig kung gaano kasaya ang boses ni Ma’m habang papunta kami sa Restaurant. Nandito sa phone ko ang trenta minutong record ko—”

“Ito Manong, bumili na lang kayo ng latest Iphone. Akin na ang phone niyo.” Mabilis siyang kumuha ng cheque sa kaniyang brief case na dala at naglagay ng malaking amount doon.

Nagliwanag naman ang mata nito at tuwang-tuwang tinanggap ang chekeng inabot niya. Binigay nito sa kaniya ang android phone nito at saka siya nagmadaling umalis sa bahay ng Uzuro. Kung hindi lang tumawag ang kaniyang pangalawang Ama at sinasabing hinahanap siya ni Nadezhda na umiiyak dahil nahulog sa mababang slide na pinaglalarun nito, hindi siya nagmamadaling umuwi sa bahay ng Uzuro.

Kapag ang kaniyang anak na ang pinag-uusapan, nagiging blangko ang lahat sa kaniya. Kaya siguro naging spoiled masyado si Nadezhda dahil konting ungot lang nito, binibigay niya agad. Maliban lang kay Aurora. Sa ngayon, hindi niya kayang ibigay ang babae sa kaniyang munting prinsesa. Mapanganib si Aurora.

Mahal niya ang dalaga, pero kung kaligtasan ng kaniyang anak ang pag-uusapan, mas pipiliin niya ang kaniyang anak. Pero ngayon? Damn! Sana hindi pa siya huli. Ginawa niya ang lahat para pigilin ang ginawang paghuhukay ni Mordeccai laban sa grupong hinahanap ni Aurora pero kahit gaano siya kagaling, nalusutan pa rin siya ng taong kinuha nitong maghukay ng impormasyon.

Napamura siya nang maalala niya ang ginawa nilang pag-uusap ni Mordeccaii.

“What made you think that I won’t give her these informations she asked?”

“Don’t try me, Attorney.” May pagbabanta sa kaniyang boses.

Ngumisi lang ito at umiling-iling. “Sayang ang pagmamahal na nakikita ko sa mata ng babaeng mahal mo. I feel sorry for her. Ngayon pa lang, magdasal-dasal ka na mas malaki ang pagmamahal na nararamdaman niya sa ‘yo dahil kung hindi, kinakalungkot kong iba ang magiging destinasyon ng buhay mo, Dr. Usuro. Siya ang kliyente ko, hindi ikaw. Kahit bayaran mo pa ako ng tripleng halaga, hindi ko masusunod ang gusto mo. May isang salita ang isang kagaya ko, at iyon ay ang hindi ako nabibili ng salapi ng kaaway.”

Napabuntong-hinga si Jayvion. Mas binilisan niya ang kaniyang pagmamaneho. Hindi pwedeng maibigay ni Mordeccaii ang mga dokumentong naglalaman ng lahat. Kagabi lang ay sinubukan niyang kunin ang mga dokumentong ito sa bahay ng lalaki pero bigo si Jayvion. Isang tuso si Mordeccaii at kung hindi lang tumawag ang kaniyang anak na umiiyak, siya ang makikipagkita sa lalaki imbes na si Aurora.

“Damn! Bakit ang bagal ng takbo ko ngayon?” Naiinis na anas niya kahit halos lumipad na siya sa daan sa kaniyang naging takbo. Nang-agaw na rin siya ng linya para lang makaabot.

Pero pagdating niya, walang Aurora sa Restaurant. Tinanong niya ang waiter at binigay ang description ng babae. Agad nitong sinabi na nakaalis na 5 minutes ago.

What the hell! 5 minutes?!

Mabilis siyang sumakay sa kaniyang kotse at nagtungo sa bahay ng dalaga. Alam niya ang araw-araw na galaw nito kaya mabilis sa kaniyang sundan ang babae.

Pero nang dumating siya sa bahay nito, walang Aurora siyang nadatnan. Sinuyod niya ang bawat silid at kailangan nilang mag-usap dalawa pero wala ito. Dito siya kinabahan. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway at butil-butil na pawis ang pumatak sa kaniyang noo. Iisa lang ang naamoy ni Jayvion at ito ay panganib.

Kailangan niyang maghanda at pigilan ang dalaga sa gagawin nitong panganib. Alam niyang walang kinakatakutan ito, na hindi ang isang tulad niya ang magbibigay ng takot para sa pagkatao nito pero may isang rason siya para matigil ang paghihiganti na gusto nitong mangyari.

Nakita niya na kung gaano kahalang ang kaluluwa ng dalaga ‘pag pumapatay. Inaamin ni Jayvion na siya ang bumaril sa taong nagbebenta ng lobo para hindi ito makapagsalita laban sa grupong hinahanap ni Aurora.

Ilang sandali pa ay pinagmasdan ni Jayvion ang kaniyang tattoo sa kamay. 15 years ago, pinabura niya ang naunang tattoo ng grupo at pinalitan ng pangalawang tattoo na naayon sa kaniyang panlasa.

EKSAKTONG pagdating niya ng bahay, nasa labas na ang sasakyan ni Addavan at matamang naghihintay sa kaniya.

“Gunner!”

“I’m fucking busy, saka na tayo mag-usap. Kailangan kong mahanap si Aurora.” Hindi niya na pinansin ang kaibigang Doctor. Deri-deretso na siyang pumasok sa loob ng kabahayan at agad naman sumunod sa kaniya si Addavan. May dala itong panibagong isda.

Nung nakaraan linggo lang ay muntikan na siyang patayin nito dahil sa mga isda nitong pinalitan ni Aurora ng ibang lahi. Ngayon ay nagdala na naman ito ng panibagong alagain.

“Ano ba ang ginawa mo at gulong-gulo ‘yang utak mo d’yan sa babaeng iyan? Fucking no way, Gunner! Huwag mo akong sabihan na—”

“Yes, you’re right.”

Napamura ito ng ilang beses at agad inabot sa kaniyang kasambahay ang dalawang isdang dala nito. Sinundan siya nito.

“So, what’s the plan?”

“Ang masundan si Aurora. I need to stop here.”

“Hibang ka na nga,” naiiling na sagot ni Addavan. “Gusto mo sabihin ko sa SPHERE at sa Dark X?”

Matalim ang matang tiningnan niya ang kaibigan. “Bukas ka na magbiro.”

“Masisiguro ko bang buhay ka pa bukas? You know Aurora, Gunner. Una pa lang, sinabihan na kita kung anong klaseng babae siya. Hindi siya normal. Nung una, nakikinig ka pa. Nakaya mo pang lumayo para sa kapakanan ng anak mo na parang walang nangyari sa loob ng apat na taon tapos ngayon, bumalik na naman ‘yang obsesyon mo sa kaniya? Gunner, Gunner my friend… Alalahanin mong magkaiba kayo ng mundong ginagalawan.”

“I know, I know but fuck it! Maiintindihan mo rin ako kapag ikaw na ang nasa sitwasyon ko.”

Nagkibit lang ito ng balikat. “Matagal na kitang iniintindi, Gunner. Minsan lang hibang ka. Tangina! Kung hindi lang tayo magkaibigan at hindi ako kasama sa gulong ginawa mo, hindi ako tutulong. Damn you! Sasamahan na kita.”

BAGSAK ang balikat ni Jayvion nung pagdating nila sa pribadong lugar ng grupong kilalang-kilala niya ay puro patay na ang mga nasa paligid. May mga tama at saksak ng kutsilyo ang mga katawan ng mga ito at napailing-iling siya. Kakababa lang nila sa chopper at ito ang kanilang nakita.

“I told you.” Si Addavan. Tinapik nito ang kaniyang balikat. “Sa likod ako dadaan, maghiwalay tayo.:”

Hindi na siya tumango. Deretso niyang tinakbo ang pribadong silid ng kaniyang Ina at hindi na siya nagulat nang makitang nangingitim ito at wasak ang ulo. Nakuyom niya ang kamao at marahan siyang humakbang papalapit dito. Tiningnan niya ang leeg ng Ginang, may kagat ito sa leeg at alam niya kung anong klaseng kagat ito.

“Aurora…” Sa pangalang kumudlit sa kaniyang utak, bigla niyang naalala ang kaniyang anak na si Nadezhda! “Fuck!” Nagmadali siyang lumabas sa silid na iyon at agad sinabihan si Addavan na umalis na sila. Kung hindi nagkakamali ang kaniyang instinct, nasa panganib ang buhay ng kaniyang anak!

“I told you, ey!” Nasa boses ni Addavan ang paninisi.

“Damn it! Maya mo na ako sermunan.” Kausap niya ito sa pamamagitan ng earpiece na nasa kaniyang teynga nakalagay.

“Gago ka kasi! Tangina mo.” Nawala ito sa kabilang linya.

Mabilis na tinakbo ni Jayvion ang gamit nilang chopper. Naghintay siya ng isang minuto saka pumasok si Addavan. Ito ang piloto niya sa araw na ito. Sana hindi pa huli ang lahat! Sana hindi pa huli ang lahat.

Agad niyang tinawagan ang numero ng kaniyang pangalawang Ama. Isang ring lang at sumagot agad ito. “Where’s Nadezhda?!”

“With me. Why?”

“Good. Dalhin mo ang anak ko sa bahay ni Addavan, Dad. I want you to do it, now!”

“Teka, teka, ano ba ang nangyari?”

“I will tell you Dad when I get home, for now just—” Naputol ang kaniyang sasabihin nang mamatay ang kabilang linya. “Fuck!” Muli niyang tinawagan ang Ama pero hindi na ito ma-contact at iisa lang ang ibig sabihin n’yon, gumagalaw na si Aurora.

Putangina! Bakit hindi nila nakasalubong sa himpapawid si Aurora nung papunta sila rito ni Addavan? Kung chopper ang gamit nito, malalaman nila agad iyon ni Addavan. Pero doon lang naalala ni Jayvion na posibleng kotse ang gamit ni Aurora at may inutusan itong tao ngayon para kunin ang kaniyang anak.

Ilang beses siyang napamura sa hangin. Hindi pwede! Hindi pwedeng may masamang mangyari sa kaniyang prinsesa. He swear to God, he swear to God! Makakapatay siya ng tao. Makakapatay siya kahit si Aurora pa ito.

“Addavan, bilisan mo!”

“Oo, tangina mo kasi! Sabi na sa ‘yo, eh.”

Sa mga sandaling ito, alam niyang nasa daan pa lang ang dalaga pabalik ng Manila. IAng isipin na may masamang nangyari sa pamilyang tinuring niya ay nagbigay ng takot sa pagkatao ni Jayvion.

Fuck it!

Mas lalo siyang napamura nang hindi niya makita ang lokasyon ng kaniyang anak sa kaniyang cellphone. Tinanggal ang tracker na nilagay niya sa kwentas nito at hikaw.

Nung nakaraan linggo, nagkita pa sila ng kaniyang Inang si Julie. Pero pinaalis siya agad nito nung binalaan niya ang Ginang na may maghahanap dito at Aurora ang pangalan. Tinawanan lang siya ng kaniyang Ina at sinabihan siyang hindi ito natatakot sa pangalan na kaniyang binanggit.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.