Chapter 14

Madilim ang kabahayan ng Usuro nang dumating sila. Kasing-bilis ng kidlat ang kaniyang naging takbo papasok sa loob ng bahay at doon niya nakita ang kaniyang pangalawang Ama at Ina kasama ang kaniyang dalawang pamangkin. May tali ang mga ito at naka-duct tape ang bibig. Awang-awa si Jayvion sa sinapit ng mga ito.

Habang si Addavan ay siyang naging look out niya kung may kaaway sa paligid. Ang tatlong katulong ay patay na nakahandusay sa isang tabi at naliligo sa sariling dugo.

Nagsiiyakan ang kaniyang dalawang pamangkin at yumakap sa kaniyang Ina matapos niyang matanggal ang mga tali at alisin ang duct tape sa bibig ng mga ito.

“Dad, you okay? Si Nadi, Dad? Saan ang anak ko? Where the hell is she?!” Inalalayan niya ang kaniyang Ama. Nahihilo pa rin ito.

“S-someone took her. Isang lalaki. He only took Nadezha and everything went black.” Sapo nito ang ulong may konting dugo.

“Damn it! Damn it!” Napasuklay siya sa sariling buhok.

“Pero bago ako nawalan ng malay, narinig kong dadalhin nila si Nadi sa isang bahay-bakasyunan ni Aurora.”

“Damn it, Aurora!”

“Anak, ano ba ang nangyayari? Bakit nila kinuha ang apo kong si Nadezhda?”

“I will explain everything Mom pagbalik ko. Pasensya na at nadamay kayo ni Dad pati ng mga bata sa gusot na ito.”

Habang si Addavan ay may tinawagan sa cellphone nito. May kinausap itong tao at nagpadala ng ambulansya. Agad itong lumapit sa kaniya at binulungan siyang umalis na sila at hanapin ang kaniyang anak.

“Dad, I need to go. Ilang minuto lang at darating na ang team ni Addavan. Wala na akong oras para magpaliwanag pa at kailangan kong makuha si Nadezhda.” Matapos sabihin ang mga katagang iyon, kaagad silang umalis ni Addavan sa bahay ng Usuro.

“What’s the plan?”

“Save my daughter.”

“Location?”

“Sa dulo ng impyerno. Kikitain natin si Satanas.”

Napailing na lamang si Addavan sa kaniyang naging sagot. Nagtungo sila sa pribadong paliparan ng Hyzer. Si Addavan pa rin ang kaniyang piloto. Iniisip niya ang posibleng mangyari pagdating nila sa pribadong bahay ni Aurora. Sana hindi pa siya huli!

MAPAIT ang ngiting kumawala sa lalamunan ni Ramona habang pinagmasdan ang batang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng sofa. Nag-hire siya ng limang tauhan para kunin ang bata sa mga Usuro at kabilang na ro’n ang utos niyang huwag kumitil ng buhay ng kahit sinong Usuro. Gusto niyang siya ang papatay sa mga ito.

Puno ng galit at poot ang kaniyang puso ngayon na ilang segundo lang ay makakapatay siya. Kulang pa ang lahat ng mga pinatay niya ngayon araw! Kulang na kulang pa para sa hinahanap niyang hustisya.

Naalala niya ang mukha ng babaeng nag-utos para patayin ang buong pamilya niya. Nalarawan sa mukha nito ang sobrang gulat, takot at pangamba sa sariling buhay nung lumitaw siya sa opisina nito na naliligo ng dugo mula sa mga tauhan nitong nauna niyang patayin. Nakapulupot sa kaniyang leeg si Aurora na alam niyang dama nito ang poot na nanahan sa bawat himaymay ng kaniyang pagkatao…

“S-sino ka! Paano ka nakapasok sa pribadong lugar na ito?” Nagkulay suka ito nang makita ang kaniyang hitsura. Nakaupo ito mula sa mamahalin swivel chair kaharap ang maraming dokumento.

“Ako? Sino ako? Hindi mo ba naalala ang pamilyang pinatay mo dalawamput taon na ang nakaraan?” Ang lakas ng kaniyang halakhak matapos sabihin iyon. Nagbabadya ang kaniyang aura ng panganib at kamatayan.

“W-wala akong alam d’yan sa pinagsasabi mo!”

Tumigil siya sa paghalakhak at marahang humakbang papalapit dito. Sumandal siya sa isang tabi at pinagmasdan ang mukha ng babaeng kahit may edad na, sopistikada pa rin tingnan. Mukha ng babaeng naging dahilan kung bakit naging ganito ang buhay niya pero hindi niya pinagsisihan kung bakit siya naging Belladonna.

Sa kaniyang isang kamay ay isang punyal na ilang tao ng ninakawan ng buhay. Wala siyang baril, naubos ang bala ng dala niyang silencer. Pinaglalaruan niya ang mahabang punyal sa kamay habang si Aurora ay panay galaw sa kaniyang leeg. Nararamdaman niya ang galit ni Aurora.

“It’s okay. Sa dami ba naman na pinatay ng grupong ginawa mo, malamang nakalimutan mong isa sa pamilya ko ang walang-awang ninakawan mo ng pag-asang maging kompleto. Ako lang naman ang batang nakaligtas mula sa mga tauhan mong halang ang kaluluwa. Too sad, hindi nila ako napatay.” Ngumisi siya habang pinaglalaruan ang punyal sa hangin. “20 years ago, pamilyang Vasquez ang pinili mong ipapatay. Ang pamiyang iyon ay masayang nagbabakasyon sa isang pribadong resort. Hindi ko alam kung bakit mo pinatay ang mga magulang at mga kapatid ko pero huwag ka ng magpaliwanag, ayaw ko na itong alamin. Dahil pagkatapos kitang patayin, isusunod ko ang lahat ng mga taong may koneksyon sa ‘yo at unang-una ang anak mong sinungaling!”

“No! W-walang kasalanan si Jayvion dito! Walang kasalanan ang anak ko sa pagpatay ko sa pamilya mo.”

“Aww, ang sweet mo naman. Do you hear yourself, Julie?!” Mabilis ang kaniyang galaw na binato rito ang punyal. Tumarak ang punyal niya sa upuan nito at sinadya niya iyon. Hindi pa niya agad ito papatayin. Nag-uumpisa pa lang siyang maging demonyo.

Muli siyang humalakhak nang makitang hindi ito makagalaw at dumugo ang pisngi nitong dinaplisan ng kaniyang punyal. Kaya niyang pumatay ng target kahit nakapikit.

Lumapit siya rito at maarteng umupo sa sofang nando’n. May nakita siyang botelya ng wine, agad niya itong kinuha at walang sabing tinunga matapos amuyin. Magkikiwentuhan muna sila. Alam nyang sa mga sandaling ito, papunta na si Jayvion. Of course, para iligtas ang mamatay-taong Ina nito.

Buto sa buto, mata sa mata, ito ang kukunin niyang kapalit at wala siyang pakialam kung si Jayvion ito. Alam niya na ang lahat. Nagtugma ang mga hinala niya! Alam niya rin si Jayvion ang pumatay sa taong magiging tulay niya sana sa grupo ng mga ito. Ito ang lalaking bumaril sa taong magtuturo sana sa kaniya.

“Ang sarap!” Palatak niya at bahagyang napapikit. “I bet, mas masarap ito keysa sa dugo mo.” Durog na bumagsak ang botelya ng wine nang ibato niya ito sa puting dingding. Tumayo siya at ngayon ay si Aurora ang kaniyang pinaglalaruan. Nilipat niya ito sa kaniyang braso at muli siyang humalakhak. Naging agresibo ito. “Shh… Not now, Aurora. Hindi pa ako nasisiyahan.” Hinimas niya ang ulo nito at kumalma ito. Muli niya itong binalik sa kaniyang leeg.

“Bakit hindi ka makapagsalita, Julie? Nagulat ba kita at alam ko ang pangalan mo? Nagulat ba kita at alam ko kung nasaan ang lungga mong ito? Huwag ka rin mag-alala, mamatay ka rin lang naman huwag ka ng magulat. Hindi healthy iyan. By the way, nagpakilala na ba ako sa ‘yo? Opps, I’m Aurora, huwag mo ng tandaan ang pangalan ko dahil hindi ko naman totoong pangalan ‘yan.” Ngumisi siya at lumapit sa bintana. Pinagmasdan niya ang magandang tanawin. “Ang ganda ng napili mong lungga pero nahanap pa rin kita. Oh, I forgot to say! Kaya pala hindi ko mahanap ang grupong ito dahil pinagtatakpan ng anak mong Doctor! Habang ang Nanay niyang walang kwenta ay isang drug dealer, leader ng mga nagnanakaw ng sasakyan, isang putanginang nagbibinta ng mga kabataan para maging pokpok. Oh, oh, wait! Hindi ko pa nasali, kasali pala sa grupo niyo ang kidnap for ransom. Wow, Julie! Sobra mo akong pinahanga. Perfect tandem kayo ng anak mo, kaya pala ang kampante mo.”

Napasigaw ito nang hugutin niya ang punyal sa upuan. Tinutok niya ito sa leeg nito at muling ngumisi. “Hindit ito masakit. Magtiwala ka…”

“M-maawa ka… Ibibigay ko ang lahat ng kayamanan ko. Just say it—”

“Tahimik!”

Napahiyaw ito nang tumama ang dulo ng punyal sa hita nito. Pakiramdam ni Ramona, tinamaan niya ang buto ng babae. Well, ito naman talaga ang plano. Luhaan itong nagtaas ng mata. Namimilipit ito sa sakit. Nawala ang pagiging sopistikada ng Ginang at para itong sinabunutan ng sarili nitong multo. Isali pa ang dugo nitong parang gripong kumawala sa hita nito kung saan niya sinaksak ng kutsilyo.

“M-maawa ka, A-aurora…”

“Don’t you freaking call me that name, Julie.” Diniin niya lalo ang punyal sa hita nito.

“M-maawa ka…. Maaawa ka…” Nagkalat ang make-up nito sa mukha. Nagmukha ito ng bruha sa kaniyang mata.

Ngumiti lang siya nang matamis. Hinugot ang punyal at muli itong binigyan ng isang saksak sa kabilang hita. Kulang pa nga ito, eh. Kulang pa! Sa sobrang poot na nararamdama niya ngayon, gustong-gusto niya itong saksakin agad sa ulo. Pero hindi, hindi ito ang kaniyang plano. Ang patayin agad ang babae ay hindi magbibigay ng kasiyahan sa kaniyang pagkatao. Dapat madama nito ang bawat himaymay ng kaniyang galit sa loob ng dalawamput taon.

“Masakit ba?” Napuno ng halakhak ni Ramona ang buong silid. Hindi pa siya nakatiis, hinila niya nang malakas ang buhok ng Ginang. Ni katiting na awa ay wala siyang maramdaman kahit na lumuha pa ito ng putik sa kaniyang harapan.

“Aurora?” Baling niya sa kaniyang alaga. Kalmado ito, waring naghihintay sa kaniyang go signal. Kinuha niya ito sa kaniyang leeg at nilapit sa mukha ng babae. “Aurora is a venomous snake. Kita mo naman kung gaano ka aggressive ang alaga ko, right, Julie?”

“No… No!” Kita niya ang takot sa mata ng Ginang. Sunod-sunod itong napalunok at akmang aalis sa kinauupuan pero hindi nito magawa dahil sa kaniyang ginawang marka sa magkabilang hita nito.

“Hindi ikaw ang nagdedesisyon dito, Julie. Ako, ako ang nagdedesisyon.” Hinila niya ulit ang buhok nito. Namilipit ito sa sakit. Makikita nito ang demonyong binuhay sa kaniyang pagkatao. “Hindi masakit ang alaga ko. Parang ang katumbas ng kaniyang kagat ay isangdaan kamatayan sa impyerno, Julie.”

Mabilis naman na umalis sa kinauupuan ang Ginang sa sobrang takot sa kaniya. Hinayaan niya itong umalis. Gumapang ito sa sahig pero dahil sa natamo nitong saksak sa kaniya at sa daming dugo na kumawala rito, halos hindi ito makalayo.

Muli siyang humalakhak. Marahan niyang pinunasan ang luha at dugong naghalo sa kaniyang mukha, na ilang sandali lang ay dugo naman nito ang ililigo niya.

“Sige, gapang lang. Gapang lang, Julie, gapang lang.” Siya ang pumalit sa upuan nito at walang sabing pinatong ang paa sa mesa nitong gawa sa mahogany. Antigo. Sa kaniyang isang kamay, nakapulupot si Aurora at naghihintay sa kaniyang sasabihin. Sa kabilang kamay ay ang punyal na siyang gagamitin niya rito.

Tuwang-tuwa siyang pinagmasdan ang Ginang na gumapang habang humihingi ng tulong. Luhaan at hinang-hina. Nang mabagot siya sa upuan ng babae, agad siyang tumayo. Naglakad ng marahan papalit dito habang nagmamakaawa ito na huwag niyang patayin. Too late! Hinila niya ang buhok nito habang nasa likuran siya ng Ginang. Napangiwi ito sa sakit pero nasisiyahan siya.

“Isang kagat lang ang gagawin ni Aurora sa ‘yo, I promise.”

“H-hindi! H-hindi! Huwag!”

“Too late, Julie,” anas niya.

Napangiti siya nang tuklawin ito ni Aurora sa leeg. Nag-lock ang pangil ng kaniyang alagang ahas sa leeg nito habang hindi niya pa rin binibitawan ang buhok nito. Gusto niyang siya ang huling makita nito habang sinusundo ng kamatayan.

Hindi pa siya nasiyahan, pinagsaksak niya ang likod nito at ulo habang si Aurora ay dumiin lalo ang pangil sa leeg ng Ginang at walang balak bumitaw. Tumigil lang siya nung makita niyang patay na ito. Nakadapang bumagsak ito sa sahig at naliligo ng sariling dugo.

Marahan niyang pinunasan ang dugong tumalsik sa kaniyang mukha. Napangisi siya at pinatihaya niya ang patay na katawan nito saka dinuraan ang mukha. Agad niyang binalik si Aurora sa kaniyang leeg at mabilis na nilisan ang lugar na iyon…

“Hindi pa tayo tapos, Julie. Maniningil pa ‘ko sa anak mo.”

“Huwag kayong mag-alala. Mabibigyan ko na kayo ng hustisya.” Mapait siyang ngumiti at tinungga ang wine sa kopita. Nakaupo siya sa single sofa at nanatiling nakatitig ang kaniyang mata sa batang mahimbing ang tulog o sa madaling salita, walang malay. Hinihintay niyang magising ito.

Sandali siyang sumulyap sa orasan na nasa dingding. Inoorasan niya ang pagdating ni Jayvion. Tinanggal niya ang tracking device na suot ni Nadezhda kaya imposibleng mahahanap siya nito pero dahil alam niyang si Jayvion Gunn Hyzer ito, walang imposible sa lalaki.

Sila lang dalawa ng bata sa pribadong resort na ito. Iba na ang may-ari nito pero binili niya itong resort sampung taon na ang nakaraan at binigyan ng tamang libingan ang mga magulang at kapatid sa likod ng bahay. Dito niya balak ilibing ang lalaki kasama ang anak nito.

Bumagsak ang luha sa kaniyang mata pero mabilis niya itong pinunasan. Magbabayad ang dapat magbayad. Ano kung mahal niya ang lalaki? Wala siyang pakialam sa nararamdaman niya laban dito. Ano kung napalapit na siya sa anak nito?

Inubos niya ang laman ng wine sa kopita at nagbilang sa isip. Ano kung si Jayvion ang nagligtas sa kaniya nung nagbarilan sila ni Zerus noon? Wala siyang pakialam! Mas masakit ang ginawa ng Ina nito sa kaniyang pagkatao. Mas masakit ang ginawa nito! Tinraydor siya. Pakiramdam niya dinaya siya ng kaniyang pagmamahal na nararamdaman para rito. Dinaya siya ng orasan! Dinaya siya ng lahat dahil sa dami ng lalaki, sa taong pamilya ng kriminal pa siya nagkaroon ng sinasabi nilang pag-ibig.

Marunong siya magbasa ng kilos ng tao pero pagdating kay Jayvion, naging tanga siya. Mas nangibabaw ang kaniyang matinding atraksyon sa lalaki. Kaya pala nung una, ayaw nito sa kaniya. Ngayon lang niya lubusan naintindihan ang lahat. Pero sige lang, hihiga ito sa lupa kasama ang anak nito. Sinisigurado niya ang bagay na iyon.

Mula sa malayo, narinig ni Ramona ang ingay ng chopper. Dumating na ang bisitang kaniyang hinihintay. Well, not bad. Ang bilis nitong rumesponde kahit malayo ang pribadong resort na ito na pag-aari ng kaniyang magulang. Iba talaga ‘pag hawak niya ang alas at ang kahinaan ni Jayvion. Ito pala ang mga warning na binigay sa kaniya ni Nerium na binabalewala niya. Ang paalala ni Mordeccaii na huwag siyang magtiwala sa kahit sino. May mga punto nga naman talaga. Ngayon lang niya lubos naintindihan. Sadyang tanga lang siya.

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa batang walang malay. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at pinagmasdan ang inosenteng mukha ng bata. Her poor Nadezhda… Bigla, parang kinuyom ang kaniyang puso sa sakit.

Kailan pa siya nagdadalawang isip na pumatay? Wala siyang pinipili kaya masaya si Raquel sa kaniyang kakayahan. Wala siyang puso, hindi siya marunong maawa kahit sa mga bata. Kumikitil siya ng mga inosenteng bata at tao. Pero bakit ngayon sa isiping papatayin niya rin ang anak ni Jayvion na walang malay ay parang pinipiga ang kaniyang puso? No, hindi siya magpapadala sa ligaw na awang nakapa niya sa kaniyang puso. Ang mga katulad ni Jayvion ay dapat din pinapatay at hindi na binubuhay.

Umupo siya sa tabi nito habang naka-dekwatro ang paa. Maikling damit ang kaniyang suot na mahaba ang uka sa dibdib. Ang kaniyang buhok ay nakapusod at tanging pulang-pula na lipstick na lamang ang nakapintura sa kaniyang mukha. Hindi na siya nag-abalang maglagay pa ng ibang kolorete, mabubura lang din naman kapag matatalsikan ng dugo.

“Aurora?!”

Natawa siya sa malakas na boses ng lalaki. Hindi na siya nagtaka kung bakit damang-dama niya ang galit sa boses ni Jayvion. Well, always naman. Kapag anak nito ang pinag-uusapan, laging mainit ang ulo nito.

“I’m here! Pasok ka lang, hinihintay ka namin ng anak mo.”

Full loaded ang kaniyang baril at minsan, walang kontrol ang kaniyang kanan kamay. May sarili itong isip na bumaril ng kaaway. Habang ang kaniyang kabilang kamay ay marahang humahaplos sa buhok ni Nadezhda.

“Aurora! Oras na may mangyayaring masama sa anak ko, hinding-hindi kita mapapatawad!” Biglang bumukas ang pintuan.

“At tingin mo, napatawad ko kayo sa ginawa niyo sa ‘kin?” Isang putok ang kaniyang binigay sa lalaki. Kung hindi ito agad nakailag, tinamaan na ito sa puso.

“Fuck!” Bahagya itong napaatras. Napamura ito nang malakas at nasapo ang balikat na tinamaan niya. Mula roon, tila ulan na dumaloy ang dugo nito.

“Huwag kang magtatangkang lumapit Jayvion, kung ayaw mong sa ulo ng anak mo tatama ang pangalawang bala ng baril ko.” Ngumisi siya. Walang tigil pa rin sa paghaplos ang kaniyang kamay sa buhok ng bata.

“Damn it, Aurora!”

Napaismid lang siya sa pangalawang mura nito. Nanatiling nakatutok pa rin ang kaniyang baril sa lalaki at maling galaw lang nito, sa ulo na ang susunod. Huwag na huwag itong magkakamaling subukan siya dahil `di nito alam kung saan ang kaya niyang gawin.

“Why? Is it painful? Hindi ba at masakit ang ginawa ng Ina mo sa pamilya ko, ha, Jayvion? Hindi ba?!” Tumigil ang kaniyang kamay sa paghaplos sa buhok ng anak nito. Matalim niyang tinitigan ang lalaki. Nagbabaga ang poot sa kaniyang mga mata.

“Kasalanan ng Ina ko ay hindi kasalanan ng anak ko, Aurora!”

“No. Kasalanan ng Ina mo ay kasalanan mo rin— nang buong angkan niyo.” Muli siyang nagbigay ng isang putok at tulad nung una, nakailag si Jayvion. “Bakit hindi mo ako barilin? Ayaw mo? Hindi mo kaya? Hindi ba at lahi kayo ng kriminal? Ayaw mong ipaghiganti ang walang kwenta mong Ina na pinagpyestahan na ngayon ng mga uod sa impyerno? Gumanti ka, Jayvion! Gumanti ka!” Muli siyang nagpaputok pero this time, mabilis na nakatakbo si Jayvion para magtago sa likod ng sementong haligi.

Dinig na dinig niya ang mura ng lalaki pero wala siyang pakialam sa mga mura nito. As long as hawak niya ang alas nito at kahinaan, ibig sabihin ay hawak niya rin ang buhay nito.

“Bakit ako gaganti sa babaeng mahal ko, Ara?!”

Ara? Natawa siya nang marinig ang pangalan iyon. Mukhang nagdedeliryo na si Jayvion at ibang pangalan na ang binanggit nito.

“Ara, maawa ka sa anak ko. Bata pa si Nadi. Ako ang parusahan mo, huwag ang nag-iisang prinsesa ko.”

“Tahimik ka!” Pinagbabaril niya ang pwesto nito. Gusto niyang gumanti si Jayvion. Gusto niyang barilin siya nito habang nasa tabi niya ang anak nitong walang malay pa rin. “Parusa mo, ay parusa ng lahat. At pinapangako ko sa sarili ko na walang aalis sa islang ito kundi ako lang. Nakahanda na ang dalawang libingan sa likod. Doon, doon ko kayo ililibing ng anak mo na magkahiwalay.”

“Damn it! Makinig ka sa ‘kin, Ara! Makinig ka sa sasabihin ko dahil hindi ko na ito uulitin pa.”

“Huwag ka ng mag-aksaya ng laway dahil hinding-hindi tatalab ang anuman gusto mong sabihin! Hindi mo mababago ang desisyon kong patayin kayong mag-ama.” Pumatak ang kaniyang luha sa sobrang poot.

“Ara makinig ka! Mahalaga ang sasabihin ko! You need to hear the truth about Nadi and you—”

“D-daddy? Mommy?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.