Chapter 16 - Wakas

Hindi niya magawang kapain ang boses. Sa kabilang sulok ng isip niya, may kinalaman si Arielyn sa pagsulpot ng lalaki sa kaniyang harapan. Sandali niyang kinapa ang kaniyang puso, wala na ang galit na nanahan doon. Ibang damdamin na at hindi niya matukoy kung ano ito. Ano ba ang sasabihin niya? Marahan siyang napahawak sa kaniyang tiyan nang maglikot ang batang nasa sinapupunan niya. Nagbaba siya ng tingin.

“Ma’m inlove kayo ‘no?”

Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang boses na iyon mula sa cellphone na hawak ni Jayvion. Naalala niya ang boses na ito, ito ‘yong boses ng Mamang driver noon.

“Ha? Paano niyo nasabi, Manong?”

“Kanina pa kayo nakangiti Ma’m, eh. Nangingislap pa ang mata niyo at tatlong beses niyo na rin dinama ang labi niyo. Siguro naisip niyo ang jowa niyo, Ma’m ‘no?”

“Paulit-ulit ko ‘tong pinakinggan, Ara,” mahinang anas ni Jayvion. Nakikita niya sa mga mata nito ang matinding pangulila sa kaniya. “Paulit-uli na halos memoryado ko na lahat.

“Actually, Manong. May isang lalaki akong nagugustuhan. Tingin ko nga mahal ko na siya.” Nakuha niyang humalakhak na halatang kinikilig. “But I’m not sure Manong kung pagmamahal ba ‘tong nararamdaman ko sa kaniya at sa bata. Ang gwapo niya kasi! Tapos ang yummy pa. Kuha mo, Manong? Sa dami ng lalaking nakilala at nakasalamuha ko, sa kaniya ako nagkaganito. Para siyang isang magnet, hinihila ako kahit gusto kong dumestansya sa kaniya.”

“May anak siya Ma’m? Single Dad?”

Natawa siya nang malakas. “Yes, and I like her daughter, too! Ang talino nung bata. Lagi niya akong tinawag na Mommy. Nung una, nandidiri ako. Kalaunan, nagustuhan ko. Odd kasi hindi ako mahilig sa bata. You see Manong, lumaki akong alila at ibang mundo ang kinagagalawan. Pero ‘pag kasama ko si Jayvion, nag-iiba ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, babaeng-babae ako sa kaniya. Masaya ang puso ko. Hindi nga niya alam na tinititigan ko siya minsan at napapangiti na lang ako. Kaninang umaga nga, nagising akong katabi ko siya at doon ko naisip Manong, na gusto kong magising sa umaga na siya lagi ang una kong nakikita. Sila dalawa ng anak niya. I don’t know why! Pakiramdam ko kasi, sila ‘yong bubuo sa pagkatao ko. I mean, silang mag-ama ang mga taong magpapakompleto sa ‘kin. Nakuha niyo ba ako? Nakakadiring pakinggan pero ito ba ‘yong tinatawag nilang pag-ibig, Manong?”

“Naku Ma’m! Iyan nga! Kinikilig naman ako sa inyo, Ma’m.”

Napahagikhik siya. “Ako rin Manong, kinikilig! Ang daldal ko ngayon araw. First time nangyari ‘to.”

“Ganiyan talaga ‘pag umibig, Ma’m. Nagiging madaldal. Minsan nga ang iba naging tanga.”

Nakagat ni Ramona ang labi nang patayin ni Jayvion ang phone nito. Matiim ang mga tingin binigay nito sa kaniya lalo na sa malaking tiyan niya ngayon. Kumudlit ang saya sa mukha nito pero agad din napalitan ng lungkot. Humakbang ito sa kaniyang kinapipwestuhan at biglang lumuhod sa kaniyang harapan. Namumuo ang mga luha sa mga mata nito.

“Ara… I’m sorry.” Ginanap nito ang kaniyang dalawang kamay.

“Jayvion…” Halos pabulong na lamang itong lumabas sa kaniyang bibig.

“Walang araw na hindi kita hinintay na bumalik. Gusto kitang puntahan dito, gusto kitang sundan, pero naduwag ako. Natakot na baka mas lalo mo akong kamuhian kapag nakita mo ako lalo na at buntis ka sa anak natin. Hanggang sa hindi na ako nakatiis. Kinausap ko ang kaibigan mo, nagpatulong. Ayuko na magmasid sa malayo. Napagod na ako na maghintay habang pinagmamasdan ka ng anak natin na ngayon ay nasa sinapupunan mo.” Niyakap nito ang kaniyang kamay. “I love you. Matagal ko ng gustong sabihin ang mga katagang iyan ng paulit-ulit hanggang sa maniwala ka.”

“J-jayvion…”

“Mahal kita. Mahal ka namin ni Nadi. Mahal na mahal kahit hindi mo alam na anak natin si Nadezhda, Ara.”

Para siyang natuod sa sinabi ni Jayvion. Hinanap niya sa mga mata nito ang salitang nagbibiro lang ito, pero hindi niya mahanap. Seryuso ang lalaki at napatunayan niya ito mula sa mga butil ng luha na umalpas sa mga mata nito.

“S-si Nadezhda? Wait, paano…” nalilitong tanong niya. “Hindi ko naalalang nagkita na tayo o ano pa man. Pinagloloko mo ba ako?”

“Listen, Ara. Naalala mo ‘yong baptism of fire na ginawa niyo sa isang sikat na bar sa Makati? I was there. Honestly, kami ng kaibigan kong si Addavan. You were drunk. May dalawang lalaki na gusto kang dalhin sa isang silid pero sa ‘kin ka sumama. Naalala ko pa, sinabi mong gusto mo ako ang makauna sa ‘yo at nangyari iyon. May nangyari sa ‘tin pero kinabukasan, nawala ka agad. Hinanap kita ng ilang taon hanggang sa tinigil ko ang kahibangan iyon. Biniro pa ako ni Addavan na baka isa kang multo kaya hindi kita mahanap. Hanggang sa nagkita tayo ulit sa isang bar. May kikitain akong misyon nang gabing iyon nang pumasok ka. Para pa akong nahipostismo nang mga sandaling iyon, Ara, kung hindi mo lang alam. Nawala ako sa misyon ko, ikaw ang naging focus ko sa gabing iyon. Lumapit ako sa ‘yo, nagpakilala. Niyaya mo akong sumama sa ‘yo at wala akong pagdadalawang isip na sumama. Humantong tayo sa isang silid at may nangyari sa ‘tin. Buong magdamag kitang inangkin at sabi ko, hindi na kita papakawalan pa. Kaya hindi ako natulog. Binantayan kita habang natutulog ka sa tabi ko. Kinunan din kita ng larawan para sakali, mawala ka man pagkatapos ng gabing iyon, alam ko na kung saan ka hahanapin.”

“Pero nakaidlip ako at nang magising ako, wala ka na sa tabi ko. Hinahanap kita at doon ko nalamaan na isa kang kasapi ng isang organisasyon. Belladonna. Mas malala pa, nung hinukay ko ang background mo, doon ko nalaman ang nangyari. Ang pamilyang pinagmulan mo na naging biktima sa inggit at galit ng Ina ko sa Ama mo. Kaya nagdesisyon akong huwag kang mahalin ng tuluyan. Kinalimutan ko lahat. Pero nagbiro ulit ang panahon, may misyon kami ni Addavan sa Dubai. Nando’n ka sa senaryo. Ang misyon namin ni Addavan ay kunin lang ang anak at asawa ng isang makapangyarihang Drug Lord pero pinagpapatay mo lahat. Nagkasagutan tayo sa pamamagitan ng baril. Natamaan mo ako sa gilid ng tiyan at nagtamo ka ng sugat sa dibdib at balikat.” Sandali itong huminto at marahan hinaplos ang kaniyang pisngi.

“Pero hindi ko sinasadya iyon na barilin ka. I swear, Ara, wala sa plano ko ang saktan ka. Nagpatulong ako kay Addavan na iligtas ka. I don’t know what hit me but looking you lifeless ay parang sasabog ang puso ko. Dinala ka namin sa Hospital na pag-aari ni Addavan at doon ko nalaman na buntis ka nung matanggal namin ang bala. Isa lang naisip ko noon, anak ko ang nasa sinapupunan mo. Na-comatose ka, Ara. But thanks to our modern technology, and thanks to our little Nadezhda. You both survived. You’d gave birth thru cesarean. Its miracle and you don’t know how happy I am that time. Napatunayan din namin ni Addavan na anak ko si Nadi nung pina-DNA test ko ang bata.”

“Jayvion…” Nagsimulang magtubig ang kaniyang mata.

“Limang buwan ang nagdaan nung sinilang mo si Nadi dinala kita sa Pinas. Tinago. Doon pumasok si Quattour, he’s Addavan half brother. Nung makita ka niya, malulutong na mura ang inabot ko. Hindi ko alam na magkakilala kayo noon pa. He gave me an advice at iyon ay tanggalin ang konting memorya na nakilala mo ako. At first, hindi ako pumayag pero kalaunan, napapayag ako ni Addavan at Quattour. Dahil alam kong magwawala ka sa galit kapag nalaman mo ang lahat. Nung matanggal ni Quattour ang maliit na memoryang iyon sa utak mo sa pamamagitan ng kaniyang invention, tuluyan akong nabura sa sistema mo, Ara.”

“Y-you mean…”

“Yes Ara, yes. Ako, si Addavan at Quattour ang may dahilan kaya hindi mo ako maalala. Nang magising ka, hindi na ako hinayaan ni Quattour na lapitan ka. Nakakabuti raw ito lalo na at nasa akin ang anak natin na si Nadi. I named her Nadezhda `coz she’s our little hope. Hindi ko alam na lumaking matalino ang anak natin at kinuha niya ang mga larawan mo at isa na ‘yong larawan mo na nasa silid kung saan nakaupo ka at nagkamalay na. Si Quattour ang kumuha ng larawan na iyon at pinadala sa ‘kin para sabihin na gising ka na. Gusto kitang puntahan, nang anak natin pero pinigil ko ang sarili ko.”

“T-teka… ‘Yong picture na laging hawak-hawak ni Nadezhda ay ako iyon?”

Tumango ito at hinalikan ang kaniyang kamay ng buong puso. “Oo, Ara. Ikaw iyon.”

“Bakit hindi ko nakilala ang sarili ko?”

“Dahil iyon ang pinaniwalaan ng utak mo. Ara, forgive me. Tinago ko ang lahat sa ‘yo. Ang laki ng kasalanan ko.”

Napahikbi siya. Ngayon lang napansin ni Ramona na umiiyak siya habang nakatingin kay Jayvion. Nagagalak ang kaniyang puso at nasasaktan. Hindi niya makapa ang boses. Basta lang nagsipatakan ang mga luha sa kaniyang mata. Hindi siya makapaniwala. Talagang hindi siya makapaniwala kahit pinaliwanag na ni Jayvion sa kaniya ngayon. Hindi kayang tanggapin ng utak niya ang lahat.

“Bago mo dinala ang anak natin sa pribadong resort nang gabing iyon, alam na ni Nadi ang totoo. Sinabi ko sa kaniya na ikaw ang totoong Ina niya. Nadi is a smart kid at naiintindihan niya lahat sa murang edad. Pinaliwanag ko sa kaniya kung bakit at naiintindihan ako ng anak natin. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, nang aking Ina, pero Ara… I love you and I am begging you to forgive me. Nandito ako, ayuko na magtago. Ayuko ng layuan ka. Sapat na ang ilang taon na lumaking walang Ina si Nadi pero hindi na ako makakapayag na lumaking walang Ama ang anak natin na dinadala mo ngayon sa sinapupunan mo…”

Halos sumabog ang kaniyang puso. Hindi niya maapuhap ang boses. Basta lang pumatak ang kaniyang mga luha sa mata habang nakatitig kay Jayvion.

“Mommy, tanggapin mo na kami ni Daddy, please? We miss you Mommy…”

“N-nadezhda?” Tuluyan siyang napaiyak nang pumasok ang anak nila.

Karga-karga ito ni Addavan at nasa likuran si Arielyn sa mga ito. Agad itong nagpababa at tumakbo sa kaniya. Kaagad siya nitong niyakap nang mahigpit. Pareho silang umiiyak tatlo.

“Stop crying, you gay,” anas ni Arielyn kay Addavan.

“I’m not crying.” Nagkunwaring umubo ang lalaki.

“Yeah, and all the pigs fly.” Tumalikod ang dalaga at nagtungo ito sa kusina. Habang si Addavan ay lumabas at nagpupunas ng luha. Masaya ito para sa kaibigan nitong si Jayvion.

Hindi pa rin makapaniwala si Ramona sa narinig. Wala rin tigil sa pagpatak ang mga luha niya habang yakap-yakap si Nadezha. Umiiyak ito at panay sabi sa kaniyang mahal siya nito at bumalik na siya. Nadudurog ang kaniyang puso.

“B-bakit Jayvion? Bakit ngayon mo lang sinabi? Muntik ko ng magawan ng masama ang buhay ng sarili kong anak…” Nasa boses niya ang panunumbat pero mas nanaig ang kaniyang pagmamahal.

“Mommy, sorry kung naging bad si Daddy sa ‘yo. He loves you! Can’t you see po? Even Lolo-Dad wants to see you. Balik ka na, Mommy. Gusto ko nasa tabi mo while mag-birth ka ng little brother ko...”

Natawa siya sa mahabang lintanya ng kaniyang anak. Gusto niyang tanungin kung paano nito nalaman na lalaki ang magiging kapatid nito. Pinugpog niya ng halik ang pisngi ng bata. Hindi na siya galit. Sa kaniyang pag-iisa rito sa Switzerland, kasama ang pinagbubuntis niya ng anak nila ni Jayvion. Tuluyan niya ng natanggap lahat. Tinigil niya ang pagiging si Aconite o Aurora. Nakaya niyang hindi pumatay.

Ang pagkahilig niya sa wine ay napilitan siyang ihinto iyon nang magkaro’n ng isang buhay sa kaniyang sinapupunan. Ang wine ay napalitan ng gatas. Ang pagkahilig niya sa mga seksing damit ay napalitan ng mga maternity dress. Isa ngang himala dahil hindi na rin siya naghahanap ng mga kulay pula.

“Will you forgive me, Ara? I love you. Please, accept me. Tanggapin mo kami ng anak mo, maawa ka.”

Natawa siya sa mukha ni Jayvion. Tumatawa siya at lumuluha. Ang gwapo ni Jayvion! Na-miss niya itong itali sa kama ulit at sakyan sa itaas. Hinaplos niya ang pisngi ni Jayvion at umupo ito sa kaniyang tabi. Sa mga mata nito, kitang-kita niya ang kislap ng pagmamahal.

Sino ba siya para hindi tanggapin ang paliwanag at sorry nito? All awhile, siya pala itong babeng kinababaliwan ni Jayvion noon. Nagselos pa siya sa babaeng tinawatag nitong Ara at siya lang pala ito. Pero sino ‘yong kasama nito sa bar ni Uno?

Binigyan niya ito ng isang halik sa labi at ngumiti. “Yes, Jayvion. Yes.”

“Yeheyy!” Si Nadezhda.

“Thanks God!”

“I love you, Mommy!”

“I love you both!” Napangiti si Ramona. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang galak at parang sasabog ang kaniyang puso sa sobrang saya.

“Pero sino ‘yong babaeng nagpakilalang Ara sa bar ni Uno?” kaagad niyang tanong.

“Ah, kasama ko sa SPHERE at minsan kasama sa misyon. Narinig niyang pinag-uusapan ka namin ni Adavvan at hindi ko nga alam bakit siya nagpanggap na Ara sa gabing iyon. Nagselos ka ba?”

Ngumiti siya at umiling. “Noon pero ngayon, hindi. Ako pala ang totoong Ara at totoong Ina ni Nadezhda.” Binigyan niya ng tig-iisang halik ang kaniyang mag-ama.

“Si Aurora?” Bigla niyang naalala ang kaniyang ahas. Iniwan niya ito kay Jayvion. Pinakuha niya ito kay Quattour sa kaniyang bahay at pinadala sa bahay ni Jayvion.

“She’s okay. Aggressive pa rin tulad mo.” Bahagyang natawa si Jayvion. “Hindi ko siya pinabayaan at dahil sa viper mo, natuto akong mag-alaga ng ahas.”

Natawa lamang siya. Tama ang kaniyang desisyon na sa lalaki niya ihabilin si Aurora. Na-miss niya ang kaniyang alaga. Magkikita sila nito pagkatapos niyang manganak. Sa ngayon, nagagalak ang kaniyang puso at ebidensya ang mga luha sa kaniyang mata.

Nung una, inakala niya wala siyang karapatan umibig at sumaya. Pero heto at binigyan siya ng pagkakataon ng mundo na magsimula. Panibagong bukas na kasama ang mga ito. Saka niya na poproblemahin ang organisasyon. Sa ngayon, sarili niya muna ang kaniyang isipin at nagpapasalamat siya na hindi sumuko si Jayvion sa pagmamahal sa kaniya.

All those years, inisip niyang tatanda siyang mag-isa tulad ni Raquel, but then the world proves her wrong. Mas makapangyarihan ang pag-ibig. Mas makapangyarihan ang pagmamahalan ni Jayvion na inalay sa kaniya. Sana ay mapatawad siya ng pangalawang Ama nito sa kaniyang ginawa noon.

W.A.K.A.S.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.