Biglang natigilan si Ramona. Dahan-dahan siyang napasulyap sa batang nagsalita sa kaniyang tabi. Gising na ito pero hindi agad nito magawang idilat ang mata. Paulit-ulit na binanggit ng batang nasa tabi niya ang salitang ‘Daddy’ dahilan para makaramdam siya ng libu-libong karayom na tumusok sa puso niya.
Naibagsak niya ang baril na hawak at sunod-sunod na pumatak ang luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa bata. Bigla siyang bumalik sa nakaraan noong walong taon pa lamang siya at hinahanap ang kaniyang mga magulang. Ganitong-ganito ang kaniyang boses noon…
Napahikbi siya. Hindi ang kagaya ni Nadezhda ang magpapatigil sa gagawin niya ngayon!
“I’m… I’m sorry baby. I am sorry if I need to kill you now.” Mula sa kaniyang likuran, kinuha niya roon ang nakatagong punyal na siyang ginamit niya sa Ina ni Jayvion. Nanginginig ang kaniyang kamay. Mas lalong lumakas ang kaniyang iyak. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang patayin ito.
“M-mommy… Why… Why are you crying?” Tuluyan na itong nagmulat ng mata at nag-alalang tumingin sa kaniya.
“Shh. J-just close your eyes…” Mas lalong lumakas ang kaniyang iyak.
“Ara!”
Napaigik siya nang maramdaman niyang may tumama sa kaniyang balikat. Nabitawan niya ang kutsilyong hawak. Napahikbi siya. Kahit papaano, gusto niyang magpasalamat na binaril ni Jayvion ang kaniyang balikat. Gusto niyang patayin ang mag-ama! Gusto niyang patayin si Jayvion pero bakit hindi niya magawa? Dahil ang totoo niyan, madali lang patayin ang lalaki. Madaling-madali pero hindi niya magawa…
“Run to your Daddy, Nadezhda.”
“Mommy! You bleed!” Bumangon ito at tiningnan ang kaniyang balikat na dumudugo.
“I said run to your Daddy! I don’t wanna kill you, baby.” Napapikit siya. Binaba ang punyal na hawak. Parang sinuntok ang kaniyang puso ngayon.
Ang kaninang galit niya ay parang yelong natunaw sa inosenteng mata ng bata. Para siyang nakatitig sa isang anghel at binalik sa kaniya ang mga kasamaan na ginawa niya, na isa rin siyang kriminal at walang pinagbago sa mga kriminal na pumatay sa kaniyang pamilya.
“I’m sorry, Nadezhda. I’m sorry… You need to go. Please go.” Nagmulat siya ng mata. Hinaplos niya ang buhok nito at binigyan ito ng halik sa noo.
“No, Mommy! I love you!”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang yakapin siya ng bata. Ang kaninang matapang niyang pagkatao ay tuluyan natibag. Tuluyan siyang napahagulhol sa yakap nito. Ang sakit-sakit ng puso niya. Parang sinaksak ito ng maraming beses at nahihirapan siyang huminga sa sakit.
Hindi niya magawang ibuka ang bibig sa sakit na naramdaman ng puso niya. Awang-awa siya rito. Nadamay niya ang batang walang alam sa pinaglalaban niyang hustisya. Dinamay niya ang batang inosente.
“Ara…”
Napatingin siya sa lalaki. Nagtama ang mata nilang dalawa. Wala na itong baril na hawak pero sapo nito ang balikat na may tama. Nakagat niya ang kaniyang labi at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Hindi niya kayang pagmasdan ang mata ni Jayvion.
“T-take Nadezhda! Umalis na kayo habang nakokontrol ko pa sarili ko…”
Tumango naman si Jayvion at lumapit ito sa kanila. Hindi niya kayang tingnan sa mata si Jayvion. Ayaw niyang gisingin ang galit sa kaniyang puso ngayon.
“Mommy…” Nagsimulang umiyak ang bata nang kargahin ito ni Jayvion. “Mommy, you bleed po...”
Hindi siya umimik. Walang-wala itong sugat na kaniyang natamo ngayon sa ginawang sugat ni Nadezhda sa kaniyang puso. Ang anak lang nito ang may kakayahan na patigilin siya.
Tumayo si Ramona at marahan humakbang papuntang hagdanan.
“Gamutin ko ang sugat mo, Aurora…”
Isang kamay ang pumigil sa kaniya pero tinabig niya lang ito. Dere-deretso siyanng naglakad. Hinayaan niya ang dugong kumawala mula sa kaniyang natamong sugat. Dahil ang totoo, mas malaking impact ang ginawa ng anak ni Jayvion sa kaniyang pagkatao. Hindi na siya ito… Hindi na siya si Ramona, Aurora o si Aconite.
“Fuck, Gunner! Muntikan na akong sumugod nang marinig ko ang ratratan ng mga bala! Akala ko pinatay ka na ni— the heck! May tama ka?” Nang-iinsultong boses ni Addavan ang sumalubong sa kanila ng anak niya nang sumampa na sila pabalik sa chopper.
Panay pa rin ang iyak ng kaniyang prinsesa habang karga niya ito. Gusto nitong balikan si Aurora sa loob ng bahay. Pero hindi, hindi sila pwedeng bumalik ng anak niya. Mapanganib si Aurora ngayon. Nagpapasalamat lamang si Jayvion at nakuha pang kontrolin ng babae ang galit nito at tuluyan pinakawalan ang kaniyang anak.
Sumenyas siya sa kaibigan at nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Agad nitong pinalipad paitaas ang chopper habang ang kaniyang puso tuluyan naiwan sa kamay ni Aurora.
Ara… Napahugot siya ng hangin.
“D-daddy… Si Mommy… Why natin siya iniwan? I thought you love her?”
Hinaplos niya ang buhok ng kaniyang anak. Pinapakalma niya. Hindi pa nito naiintindihan ang lahat. “Babalikan natin si Mommy mo, Nadi. She’s mad to me but I promise you, makikipagbati ako kaagad sa kaniya, ha? Sa ngayon, kailangan muna natin umalis. Mommy need to be alone for now.”
“But Daddy…”
“Shh… Go to sleep Nadi. I promise babalik tayo, okay? Bukas or susunod na araw kapag tuluyan niya na akong napatawad.”
“Then say sorry to her!” Napahikbi ito.
Natigilan si Jayvion. Tama ang kaniyang anak. Pero hindi ito ang tamang panahon para humingi ng tawad. Galit ang nasa puso at isip ng babaeng mahal niya at mas lalo lang siya nitong kamumuhian lalo na ‘pag malaman nito ang lahat.
“I will baby. Sige na, sleep ka na, ha?” Hinalikan niya ang noo nito.
Tumango naman ito. “I love you, Daddy. Say sorry to her bukas po, ha?”
“Sure princess.” Hinaplos niya ang buhok nito. Napangiti siya ng pinikit nito ang mata at tuluyang natulog.
“I envy you, Gunner,” mayamaya ay saad ni Addavan. Nakuha pa nitong sumulyap sa kaniya. “Ang swerte mo, alam mo ba ‘yon?”
Mapait siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. “Saan ka banda nainggit, gago! Sa pagkaroon ko ng anak na hindi alam ni Aurora na meron kaming anak dalawa o sa pagiging marupok ko sa pag-ibig ko sa kaniya? Na sa daming babae na pwedeng ibigin, sa babaeng isang kalaban ng gobyerno at maraming pinatay na mga inosente at kriminal? At kahit pinatay niya ang Ina ko sa hayop na paraan, hindi ko pa rin magawang magalit sa kaniya? Fuck, Addavan! Nagbibiro ka ba?! Hindi mo na nakita kong gaano ako sa mesirable ngayon? Hindi ko nga alam kung makikita ko pa si Aurora pagkatapos nito. Damn it!”
Natawa naman ito nang malakas pero agad din tumahimik nang makitang natutulog ang kaniyang anak. “Chill man. Malay mo, mahal ka rin ni Aurora, Ramona, Ara, Aconite— ang dami niyang pangalan. Buti at natatandaan mo mga pangalan niya?”
“I just fucking love her,” nanghihinang anas niya.
“Halata naman. Tanga-tanga ka, eh. Masakit ba ‘yan sugat mo? Mukhang may balak talaga si Aurora na patayin ka, ah. Konting galaw oh, tinamaan ka na sa puso.”
“Shut the fuck, Addavan.”
“Sa dami ba naman kasi ng pwedeng mahalin, d’yan ka pa sa babaeng may saltik. Kagustuhan mo ‘yan, panindigan mo.”
Tumalim lang ang kaniyang tingin sa kaibigan Doctor. “Nagsalita ang kaibigan ko na tulad ko rin, baliw sa isang babae. Gusto mo banggitin ko ang buong pangalan niya?”
Agad naman itong tumahimik at nag-iba ang timpla ng mukha nito. “Huwag mo na ipaalala.”
Ningisihan lang niya ang kaibigan. Alam niya kung sino ang kinababaliwan nitong babae ngayon, kaya huwag siya nitong subukan.
Nagseryuso na ito sa pagpapalipad ng chopper habang si Jayvion ay napabuntong-hinga na lamang. Nung una, wala siyang balak ipaalam kay Aurora na may anak silang dalawa. Pero mapagbiro ang tadhana, muli silang nagkrus ng landas.
Kinalimutan niya na ito tulad na laging sinasabi sa kaniya ni Addavan lalo na at nasa kaniya si Nadi. Pero paano ba kalimutan ang pag-ibig, na unang kita pa lang niya kay Aurora noon, pinana agad ng pesteng kupido ang puso niya?
Dalawang beses niya ng niligtas ang buhay ni Aurora. Pangalawa ‘yong nakita niya itong duguan sa tabi ng dagat at walang malay ilan buwan na ang nakaraan. May tama ito ng baril at maraming nawalang dugo kaya ang nangyari, siya ang personal na nag-asikaso at gumamot nito hanggang sa naging okay ang babae at umalis na hindi nagpaalam.
Matagal niya na itong mahal pero hindi siya gumawa ng hakbang para maramdaman nito ang kaniyang pagmamahal dahil may rason siya. Unang rason, alam niyang ang kaniyang Ina ang nagpapatay sa pamilya nito. Pangalawa, ang kanilang anak. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay nito.
Alam ni Jayvion kung anong klaseng babae si Aurora. She’s dangerous and deadly. Kaya tinago niya ang katotohanan. Ang tanging may alam lang sa sekretong ito ay si Addavan, Quattour at siya. Ang kaniyang pangalawang Ama, hindi siya sigurado kung hanggang saan ang alam nito pero sa tingin niya, may alam ang matanda. Hindi lang ito nagsasalita.
WALANG reaksyon ang mukha ni Ramona nang tanggalin niya ang balang natamo sa balikat. Nakaharap siya sa malaking salamin ng banyo habang nililinis niya ang sugat. Nilagyan niya ito bendahe matapos buburan ng maraming alchohol.
Wala siyang maramdaman sakit. Dahil siguro mas dama niya ang sakit na nanahan sa kaniyang puso. Binuksan niya ang gripo at naghugas ng kamay. Nakuha niyang maghilamos at matamang pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin kasunod ang pagpatak ng ilang butil ng luha sa kaniyang mata.
“Bullshit!” Malakas niyang sinuntok ang salamin at nagkandurog-durog iyon. Tuluyan siyang napaiyak. Niyakap niya ang sarili. Hindi siya sanay umiyak, pero bakit ayaw magsitigil ang mga luha sa kaniyang mata? Sa galit niya, muntikan niyang madamay ang inosenteng bata.
Pinche estupido!
Sa isiping papatayin niya ang inosenteng si Nadezha ay dobleng sakit ang bumabalik sa kaniya. Hindi kaya ng kaniyang konsensya. Hindi kaya ng puso niya. Pakiramdam niya, kapag ginawa niya iyon, buong buhay niya itong pagsisihan. Habang-buhay niya itong pagbabayaran.
Kaya sa gabing iyon, nagpasya si Ramona. Magpapakalayo muna siya sandali at magpapahilom ng sugat bago siya haharap kay Nadezhda at humingi ng kapatawaran. Kay Jayvion, hindi niya alam dahil siya ang tipo ng taong hindi agad nakakalimot. Nagtatanim siya ng galit, ito ang madaling salita pero walang kasalanan ang bata. Hindi niya ito dapat idamay pa. Kaya bukas na bukas din ay kakausapin niya si Raquel at itapon siya sa ibang bansa. Mas malayo sa Pilipinas para hindi siya matutuksong balikan ang lalaki at harap-harapan itong barilin.
ANIM NA BUWAN ang nagdaan.
Natatawang pinagmasdan ni Ramona ang sarili mula sa malaking salamin ng kaniyang silid. Ang laki ng pinagbago ng kaniyang katawan. Medyo nagkalaman na rin siya at ang takaw ba naman niya kasi. Ang hilig niyang kumain nang kumain lalo ‘pag mais. Naging instant paborito niya agad ang mais!
“Malaki na ang tiyan mo…”
Ningitian lang ni Ramona si Arielyn nang lingunin niya ito. Hindi niya alam kung paano sila naging magkaibigan nito sa loob ng tatlong buwan. Ang alam niya lang, nakita siya nito sa tabing dagat habang nagpapahangin at nilapitan siya ng babae, kinamusta. Pagkatapos n’yon, naging magkasundo na sila. Sinabi rin nito na bata pa lang sila ay gusto na siya nitong maging kaibigan pero natatakot daw ito sa kaniyang aura at mukha raw siyang tigre na handang lalapa.
“Yeah. Ang likot na rin ng anak ko. Panay ang sipa na nga ang alam.” Natatawang saad niya at muling pinagmasdan ang tiyan sa malaking salamin. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwalang nagbunga ang ginagawa nila ni Jayvion sa kama.
“Hindi pa alam ni Raquel ang sitwasyon mo. ‘Pag nalaman niyang tinatago ko ang totong sitwasyon mo, patay talaga ako.”
“Well, hindi mo naman sasabihin, eh. Isa pa, on vacation ako ng isang taon. Wala siyang magagawa kung ayaw niyang magwala ako sa opisina niya. Saka nasa Switzerland ako.”
“Basta Ninang ako ng anak niyo ni Dr. Jayvion.” Inabot nito sa kaniya ang paperbag na dala nito.
“Ano ‘to?” Hindi niya pinansin ang pangalan binanggit ni Arielyn. Nasa denial state pa siya. “Sa tuwing napapadpad ka rito sa apartment ko, puro pagkain dala mo.” Nasisiyahang saad niya nang makitang pagkain iyon. “At may mais pa!”
“Eh, kinakain mo naman ‘no! Ang arte mo.” Tinawanan siya nito pero ilang segundo lang ay agad itong nagseryuso. “Nga pala, wala ka ba balak sabihin kay Dr. Jayvion ‘yang batang dinadala mo? Anak niya rin ‘yan.”
“I don’t wanna talk about him.” Inismiran niya lang ang kaibigan at nagtungo sa sala. Kakainin niya itong mga dalang pagkain ni Arielyn at kanina pa siya nagugutom, nakalimutan niya lang.
Dito sa Switzerland, ibang katauhan ang kaniyang gamit. Hindi siya si Ramona or Aurora. Normal na citizen lang siyang nakatira sa lugar ng Switzerland at nakatulong sa kaniya ang panibagong atmospera.
“Akala ko ba mahal mo?” Muli nitong tanong.
“Ang daldal mo.” Sinimulan niyang lantakan ang mga pagkain. “Ang sarap!” Palatak niya at sunod-sunod na sinubo ang mga iyon nang may nag-door bell.
“Food delivery for Ms. Eve!”
“Oy pagkain ko ‘yon! Kunin mo nga, Arielyn.” Utos niya sa kaibigan.
“Pero lumalamon ka na, ah.”
“Yeah-yeah, kulang ito!”
Naiiling na lang ito na sinunod ang kaniyang utos at tinungo ang gate. Nang bumalik ito, biglang nawalan ng kulay ang kaniyang mukha. Natigil din sa ere ang kaniyang pagsubo ng pagkain.
“I think I need to leave. And’yan na ang pagkain inorder mo, Aurora.” Ningisihan siya ni Arielyn at bigla itong nawala.
“How are you, Ara?”
Jayvion…