CHAPTER 8

SA community park pinulot sina Lahynna at Rubick. Okay naman n asana. Kaso lang, bakit may pakiramdam siya na kahit saan sila magpunta palaging may malalagkit na mga mata ang nakatitig sa binata. Kung minsan ay lumalapit pa. Di bale sana kung nakikipag-usap lang, pero dapat bang may pahimashimas pa sa braso?

Pero hindi naman niya din masisisi ang mga kadalagahan sa lugar nila dahil talaga namang may magnetic appeal ang kagwapuhan ng kanyang kasama. Kaya lang, hindi niya mapigilang mayamot. Mga wala kasing respeto ang mga babaeng iyon? Didn’t they saw she was with him? They hold hands and laugh together. They were together. Bakit kailangang sirain ng mga ito ang masayang moment nila sa paghaplos-haplos at pang-aakit ng mga ito?

Naging konsolasyon nalang niya na walang pakundangan si Rubick sa pagbabaklas ng mga mapuputing kamay sa braso nito. Maski paano ay nakakabawas iyon ng pagkayamot niya.

“Ang tahimik mo na. Kanina lang, puro ka kwento?” Narinig niyang tanong ni Rubick habang naglalakad sila matapos makabili ng ice cream sa na nagro-roam around sa buong park.

Nag-cross arms siya at hindi binuksan ang cornetto. “Wala. Nawala lang ako sa mood.”

“Huhulaan ko?”

Hindi siya nagbigay ng reaksyon.

“Because of those women?”

Hindi pa din siya nagbigay ng reaksyon pero sa isip niya, sinasampal na niya ang mga babaeng iyon. Nagseselos ba siya? Hindi. Naiinis lang siya kasi halatang-halata at walang kahihiyan ang pagpapakita ng kalandian ng mga babaeng ‘yon.

“I don’t care about those girls, okay? Ikaw ang gusto kong kasama.”

She breathed heavily while looking straight to his warm eyes. Na para bang lahat ng emosyong gusto nitong iparamdam sa kanya ay ipinapakita na ng mga mata nito.

And she was stunned. Just by looking to his very eyes, para bang sinibat siya ng mainit na damdaming nasasalamin sa mga mata ni Rubick. Noon siya biglang natauhan. Hindi naman kasalanan ni Rubick kung napakagwapo nito kaya nakukuha ang atensyon ng mga babaeng nasa edad nila. Hindi nga ba at kahit hindi maganda ang reputasyon nito sa lugar nila noong bandang una ay marami pa ring mga babae ang lumalandi rito? He really had that charm no woman could ever resist. Kaya bakit ba ibinubunton niya dito ang inis?

“Yeah. Sorry.”

Pahablot na binuksan niya ang hawak na ice cream. Lantutay na iyon at malamang na tunaw na kung hindi lang dahil sa balat noon.

“Nakalimutan ko na gwapo nga pala ang kasama ko kaya dapat na ready na ako sa mga ganyang eksena.” Nasambit niya.

And besides, wala siyang karapatang mag-inarte dahil wala naman silang relasyong dalawa.

Argh! Iyon ang mahirap sa set up nila e. Hindi siya pwedeng mag-inarte. Kaasar!

“Maganda ka rin naman ah? Bagay lang tayong magkasama.” Natatawa na si Rubick nang balingan niya. Hindi niya tuloy masigurado kung nagbibiro lang ba ito o ano?

Nakakaloko na talaga ang walanghiya!

“Maganda? Kaya naman pala mga tambay, tindero at mas matatanda sa atin ang nakakapansin sa akin. Pang bastos-level lang itong ganda ko. Pang-sitsit level lang! Nakakainis!”

Tuluyang napahalakhak si Rubick sa pagsisintir niya.

“Sige, tawanan mo pa ako, bwisit ka!”

Sinimulan niyang kainin ang ice cream na natunaw na.

“E kasi, hindi naman gagawin ng mga matitinong lalaki ang pagsitsit. ‘Yong mga gumagawa sa ‘yo noon, mga walang modo. Mga kapal lang ng mukha ang meron kaya nagagawa ang ganoon.”

It somehow made her feels good. Hindi niya inaasahan na maririnig ang ganoon kay Rubick. Siya itong may malinaw at magandang tingin sa buhay pero si Rubick pa ang nagawang tumingin ng mas maayos sa ganoong sitwasyon.

“But seriously talking, gawin nila ‘yan sa ‘yo sa harapan ko, manghihiram sila ng mukha sa aso.”

Nakita niyang nagseryoso na ang binata at parang biglang nayamot. At kapag ganito na ito, medyo nag-aalala siya. Pagdating kasi sa kanya, protective ito. Baka mamaya, magfuel ang pagkayamot nito at pilitin siyang iharap dito ang mga nambastos sa kanya. Alam niyang hindi magiging maganda ang kasunod na eksena.

Hindi nalang siya nagsalita at itinutok ang atensyon sa natunaw nang ice cream.Sandali pa at naramdaman niya ang mga daliri ni Rubick sa ilalim ng kanyang baba. Itinitingala siya.Desire and tenderness were all over his eyes as he was gazing down her. At parang sa paningin niya ay unti-unting bumababa ang gwapong mukha nito sa kanya.

Napapikit nalang siya nang inakala niyang hahalikan siya nito sa mga labi. But his lips landed on the corner of her lips. Drinking the remains of her ice cream.

Napaungol siya sa pagkasabik na matikman ang mga labi ni Rubick. At tila alam nito ang kanyang pangangailangan, hindi na siya pinapaghintay pa nang matagal. He savagely kissed her. Sensually. Passionately. Rumaragasa ang init at sensasyon sa mga himaymay niya at huminto sa kanyang tiyan. Making her ache in passion and need. She was in bliss as she returned every intense kissed he gave her. It was mind-blowing, stupefying kind of kiss she wouldn’t exchange at any cost or anything in this world.

Halos maputol ang mga hininga nila nang pakawalan ang isa’t-isa. He even wiped the vestige of the wonderful kissed they shared.

“Don’t ever get jealous again.” He warmly smiled on her. Ang isang kamay nito ay magaang humahaplos sa kanyang pisngi. “Dahil wala na akong ibang babae na titingnan ng katulad kung paano kita tingnan. At hahalikan kung paano kita halikan, Belle.”

Namula ang mukha ni Lahynna. Was she jealous?

Alright. She’ll admit it. Yes!

Hindi niya lang agad napansin na ang mga nararamdaman niyang pagkairita sa mga babaeng nagpapa-cute at lumalapit rito ay senyales ng pagseselos. Masyado siyang obsess sa paghahanap ng justification sa mga nagiging reaksyon pero ini-stepped across niya ang possibility na selos lang iyon. Nagiging sobrang lulong na siya kay Rubick. At pakiramdam niya, mas magiging mahirap nang umahon kung ipagpapatuloy pa nila ang ganito. Dapat na tapusin na nila ang set up nila.

Pero kasi…

Ayaw rin naman niyang matapos iyon. She enjoyed being with him. Hindi niya maisip ang mga araw na wala nang Rubick na dadaan sa kanila sa umaga para lang personal na bumati ng ‘magandang umaga’. At yayayain siyang sabay na silang pumasok sa trabaho. Ang hapon hanggang gabi na may Rubick na nakikipagkwentuhan sa kanya, pinapatawa at inaaliw siya sa tuwing nabo-bored na siya. Hindi niya ma-imagine na wala nang Rubick na tuwing weekend ay ipagpapaalam siya sa mga magulang niya para ipasyal o yayaing kumain sa labas.

Hindi niya kaya, maski isipin lang na mawawala na si Rubick sa kanya dahil tapos na ang usapan nila. She knew everything has come to an end. Pero habang malayo pa sila sa wakas, it would be better if she enjoyed every single moment they had together.Kung matapos man ang set-up nila ni Rubick, atleast, she could tell to her self that she enjoyed it to the fullest.

She smiled to Rubick, covering all the feelings she had inside. “I’m not jealous.” Tanggi pa niya sa binata. Things will get different kapag inamin niya. “Why would I? E, wala namang tayo. We were just friends.”

“But we kissed. We hold hands. We go out on a—”

“That’s the benefits. Our friendship includes benefits also. Remember? We agreed in that kind of set up, right?”

Hindi sigurado ni Lahynna kung tama ba ang nakita niya, but Rubick seems like he was bathed with unfathomable hurt right in front of her. Hindi niya rin alam kung bakit niya sinabi iyon. Siguro mas na sa sarili niya gustong ipaalala ang bagay na iyon. Nasasaktan siya, sa totoo lang. Pero sinita rin niya ang sarili. Hindi naman siya dapat na makaramdam ng ganoon. Pumayag siya sa ganoong set up kaya dapat lang na manindigan din siya.

“Let’s go home.” Anyaya nalang niya rito bago pa niya muling hayaan ang sarili na masaktan na naman.

“HINDI bagay ‘yong dalawang ‘yon. Ang laki no’ng babae. Gwapo ‘yong lalaki.”

Nasa community park sina Lahynna at Rubick nang hapong iyon. Ipinagpaalam siya ng binata na mamamasyal lang sa park. Magpapahangin. At kailan ba naman tumutol ang kanyang ina?

Kanina pa silang nagpapahangin na may kasamang panti-trip sa mga taong nakikita nila sa paligid. Katulad ng ginagawa nila ngayon. Nakasalampak sila sa damuhan habang pinapanood ang mga nagde-date. Tinapik niya sa braso si Rubick. Saka nagdecide humiga sa damuhan.

“Ang sama! Bagay naman sila ah? Number 10. One si guy tapos zero si girl.”

Tumawa ito. Nahiga na din sa damuhan sa tabi niya. Iniangat ang ulo niya at ipinaunan sa isa nitong braso. Nagsumiksik naman siya rito hanggang nasa pagitan ng leeg at balikat nito ang ulo niya.

She purred on his neck. Ang sarap amoyin ng mabangong singaw ng katawan ni Rubick. Parati iyong may nakakakalmang pakiramdam na hatid sa buong katauhan niya. She felt like she was home in his warm long arms. And protected when he enveloped her inside.

“Mas masama ka naman. Nilalait mo ‘yong dalawa.” Sabi nitong natatawa. Hindi pansin ang mga kakaibang damdaming hatid sa kanya ng posisyon nila.

Umismid si Lahynna. “Hindi ko sila nilalait. Dinedescribe ko lang sila. Bagay naman talaga ‘yong dalawa.” Sabay tawa.

“Isang mataba at isang mapayat. Total contrast.” Pumalatak si Rubick at tumingala sa langit. “Paano naging bagay ang dalawang magkaibang-magkaibang tao?”

She breathed on his neck once more before she looked up in him. Hinding-hindi siya magsasawa sa napakabangong amoy ng katawan nito.

“Di ba nga, ang attraction ay parang magnet? Ganoon din sa love and relationship. Opposite attracts.”

‘And I was attracted to you, already. Sa sobrang tindi ng atraksyon mo, hindi na ako makawala sa ‘yo. I already fell for you, Rubick. If it’s possible, I wanted to keep you, forever…’

Oo. Wala nang magagawa si Lahynna kundi ang tanggapin sa sarili na totoong nahulog na ang damdamin niya kay Rubick. Dahil sa mga pinaggagagawa nila, nagkapalit na yata sila ng posisyon. Siya na itong hindi makaahon sa damdaming ginising nito mula sa kanya.

Wala siyang batayan sa kung paano niya nasabing mahal na niya si Rubick. Yet, if seeing him as her future… if wanting to be with him, today, tomorrow and forever was the meaning of love, then yes, she is inlove with him.

Hindi importante sa kanya kung ano ito noon. Ang mahalaga sa kanya ay nagawa nitong ayusin ang sarili. Para roon ay masayang-masaya na siya. Bumaba ang mga paningin ni Rubick kay Lahynna. He was looking intently on her lips. At para bang bigla siyang nauhaw sa mga labi nito. Gusto niya itong mahalikan ulit. Kailan ba sila huling nagkaroon ng ganoon ka-intimate na sitwasyon?

Hindi niya alam kung naiilang lang ito o naaapektuhan na ng mga sinasabi ng mga nasa paligid. Dati-rati naman kasi, wala itong pakialam sa sasabihin ng mga tao kapag may bigla nalang umaangkla rito. Pero kapag sila ang magkasama, para bang ingat na ingat itong may maipintas ang mga tao sa kanilang pagkakasama.

“Naniniwala ka sa bagay na iyon?” Parang pagcoconfirm nito sa sinabi niya.

Tumango siya rito ng may malapad na ngiti sa mga labi. Parang natural nalang kasi sa pakiramdam niya ang kagustuhang ngitian ito. It was so hard not to smile to the most handsome man she had ever met.

Inabot ni Rubick ang kamay niya at magaang pinisil-pisil. “You know, my father was a fucking ass, Lahynna Belle.”

Gustong sawayin ni Lahynna si Rubick dahil sa pagsasalita nito ng hindi maganda patungkol sa ama. Pero nang makita niya ang bitterness, pain and regrets na naghahalo-halo sa mga mata nito ay pinili niyang manahimik at pakinggan ang lahat ng sasabihin ni Rubick.

“He married my mom and promised a wonderful life. Hinahanggan at iniidolo ko siya at maraming beses kong sinabi na paglaki ko, magiging katulad niya ako. Inilagay ko siya sa pedestral. I idolised him so much. Pero pinagsisisihan kong sinabi at ginawa ko iyon no’ng araw na malaman ko ang mga kalokohan niya. No’ng nakita ko ang mga report papers and photographs na resulta ng pagpapaimbestiga ng Mommy. At hindi na niya naitago pa ang mga iyon. Totoo lahat ng eskandalo at tsimis na kumakalat sa DJP patungkol kay Daddy. At hindi kayang linisin ng pera niya ang mga pambababae niya. Marami siyang anak sa iba’t-ibang babae. Mga naging sekretarya niya, ibinahay niya. At ang Mommy, hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya pang pakawalan ang walang-kwenta niyang asawa, when that man didn’t do anything but hurt her. Ayaw pa niyang pirmahan ang annulment samantalang malinaw naman na wala na silang future ni Dad.” Nagtiim-bagang si Rubick at ang manipis na mga labi ay nag-isang linya nalang sa tindi ng galit at sama ng loob nito. “At nitong nakaraan lang, nalaman ko na ang inaakala kong pinsan ko, kapatid ko pala sa ama.”

Napasinghap si Lahynna. Totoong nabigla siya sa narinig. ‘Yon na ba ang sinasabi ni Lanryd na masyadong dinamdam ni Rubick kaya gabi-gabi sa bar? Nauwi pa sa pakikipagsuntukan. At para bang naramdaman niya ang hapdi at pait na nararamdaman ni Rubick habang sinasabi ang mga iyon sa kanya. Ito ang hinihintay niya ‘di ba? Ang mag-open up si Rubick sa kanya.

“Yes, ‘yong kapatid ni Mommy, ka-affair niya. Matagal na. Hindi malayo ang edad ng anak niya kay Tita sa edad ni Kuya. Ibigsabihin, napakatagal nang panahon na nagloloko siya. And I hate him so very much.” Dama ni Lahynna sa pagtatagisan ng mga bagang ni Rubick ang matinding galit nito sa ama. “Na minsan itinatanong ko kung bakit siya pa ang naging ama ko. At bakit ang tanga ng nanay ko para magmahal ng ganoong uri ng lalaki?” Ilang beses na nagmura si Rubick habang mariing nagkikiskisan ang mga ngipin. Hinayaan lang ni Lahynna ang binata na ilabas nito ang lahat ng damdamin na nagpapahirap rito sa loob ng mahabang panahon.

“See? Napakabulok ng pamilya ko.” Mapait na ngumiti si Rubick. “Hindi katulad mo. Lumaki ka sa maayos at mabuting pamilya. Kaya siguro naging maayos din ang paglaki mo. Hindi katulad ko.”

Bumuntong-hininga si Lahynna. Nabawasan ba ang pagtingin niya sa binata?

Hindi. Hindi maski katiting. Ang totoo, mas nadagdagan ang paghanga niya rito. Sobrang mahal nito ang ina na maski nahihirapan na itong intindihin iyon, hindi nito sinusukuan.

“What’s the point of telling me all of these? Alam mong kahit ano pang sabihin mo sa akin, it wouldn’t make you a lesser man. Wala namang nagbago eh. You are still Rubick De Juego, the hottie-cool friend I have.” Malapad na ngumiti siya para pagaanin ang loob nito.

Ngumiti na din si Rubick. “I just wanted to emphasize that we were total opposites.”

“And that difference you were saying was the thing that complicates your outlook in relationships?” Tumango si Rubick. It was already an obvious question. Pero gusto lang niyang makumpirma mula rito.

“I was eaten by my insecurities, Belle. Inaamin kong natakot ako sa ‘yo kasi baka bigla kang magbago. Safe pa no’ng dati kasi lagi ka namang wala dito at nasa Leyte. Pero ngayong nandito ka na tumitigil at sa DJP pa nagtatrabaho, lalong lumalaki ang takot ko na baka paunti-unti, lumayo ka na ng tuluyan dahil sa mga kabulukang malalaman mo patungkol sa akin.” Tahimik na pag-amin nito. “Takot ako sa relasyon. Bukod sa, ano nga lang ba ang kaya kong ioffer sa isang babae? Maliban sa yaman ng pamilya ko ay ang pangalang puno ng eskandalo. Dito sa lugar natin, palaging importante ang reputasyon sa lipunan.” Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

“I am afraid I might get a kind of relationship that my parents had. Paano kung ulitin ko lang din ang ginawa ni Dad? His two brothers were like him, nagbibilang ng babae at hindi nagse-settledown. Walang pinakasalan. My grandfather, either. At least ay may legal namang asawa, si Lola. May mga babae din si Lolo na hindi na nakilala ni Lola pero alam ng mga Tito at Tita ko kasi, nang mamatay si Lolo, may bigla nalang sumusulpot sa ancestral house at nagpapakilalang anak ni Lolo kay ganito at ganyan. At alam mo, no’ng teenage time ko, ganoon din ako. Nagbibilang din ako ng girlfriend. Partida nang hindi ko pa alam ang reputation ni Dad, ha? Paano pa ngayon? I think the curse was repeating on and on. Lalo na at aware na ako. Nasa dugo na yata naming ito.”

Napabuntong-hininga si Lahynna. Rubick’s judgement was clouded by those not so good things that happened in his family. Idagdag pa na mukhang iyon na ang itinanim sa isip niya ng mga taong nasa paligid niya.

“Ano ka ba? Nasa tao naman iyon e. Pinili nilang maging ganoon kaya naging ganoon sila. Kung pipiliin mong maging katulad nila, ganoon nga ang mangyayari.”

“Pero paano kung totoo ‘yong kasabihan na kung ano ang puno ay ‘yon ang bunga?”

Natigilan siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Rubick. He doubted himself, on and on. At ayaw niyang maapektuhan siya ng mga sinasabi nito patungkol sa sarili. She knew he was better than what he thought about himself. She decided na ibalik nalang sa naunang topic ang lahat. Ayaw na niyang marinig na pinagdududahan nito ang sarili.

“My parents stay long together. Maski hanggang ngayon nga. At nakikita mo naman iyon ‘di ba? Relationships and commitments were sometimes a choice. Your parents choose to fall apart. My parents choose to stay together, forever. See? It was a choice. That was it.” Pagpapagaan niya ng loob nito.

How can she heal a broken soul like him? Alam niya, maski hindi sabihin ni Rubick na mahalaga ritong buo ang pamilya nito. At nasasaktan ito ng sobra sa mga eskandalong kinasasangkutan ng magulang. Na siguro, kung makakapagpalit lang ito ng magulang ay hindi nito pipiliin ang meron ito ngayon.But still, she admired him for dealing with all of it on his own. Nakakaya nitong ngumiti sa harap ng marami kahit napakabigat na pala ng dinadala nito sa dibdib. Alam din niya na ang tulad nito ang gagawin ang lahat huwag lang maulit ang naging sitwasyon ng pamilyang kinalakihan. He will keep his own future family, whole and all together. Napakaswerte ng babaeng makakatuluyan nito sa hinaharap.

At piping naihiling niya na sana ay siya nalang iyon.

“Yes. At gusto ko ng katulad ng relasyon nila.” Derektang sabi nito sa kanya. At wala siyang mabasang kahit ano sa mga mata nito.

Nagulantang nalang siya sa mga sumunod na narinig. “Let’s stop this.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.