“WHAT do you mean?” Pinilit ngumiti ni Lahynna maski nahuhulaan na niya ang ibig nitong sabihin.
“Putulin na natin ang napagkasunduan natin dahil hindi tamang nakipag-deal ako sa ‘yo ng ganoon. I was an asshole by doing that. You deserved more than that, Lahynna Belle.”
Natigilan si Lahynna. Napawi ring bigla ang kanyang mga ngiti. Bumangon siya bigla at naupo nalang sa damuhan patalikod rito. Parang ayaw na niyang gumalaw. Ayaw niyang i-absorb ang narinig. Oo at agree siyang may mali sa deal nila. At gusto niya ang narinig na sinabi nitong higit sa deal nila ang deserve niya. But she was happy with what they have. She was happy of unofficially having him. Basta ba nakakasama niya ito.
Pero bakit ganito? Baka naman nagsawa na ito sa kanya?
“May iba ka na bang nagugustuhang maging friend mo?” Ang bigla ay naisip niyang pwedeng dahilan kung bakit ayaw na nito sa set up nila.
Bumangon siRubick at naupo nalang din sa tabi niya.
“Oo e. Pasensiya ka na, ha?” Ang nakakainis ay narinig pa niya itong tumatawa.
Kahit napakasakit sa kanya na lingunin ito ay pinilit niya ang sarili. Ayaw naman niyang lumabas na bitter. O ‘di kaya ay maisip nitong naging attached na siya rito at di nalang friendship ang meron siya para sa binata.
Kahit ‘yon naman talaga ang totoo. Pero importante pa ba iyon? Hindi ba at malinaw naman ang ini-offer nito sa kanya noon?
Siguro ay binigyan lang nito ng panahon ang sarili na mapalapit ng mas malapit sa kanya para alamin ang isang bagay. At ngayon, siguro, alam na nito ang totoong nararamdaman. Napatunayan na nito ang dapat nitong patunayan. Mukhang hindi maganda ang kinalabasan. Para sa kanya ay hindi maganda. Dahil kung naka-get over ito, siya naman itong nahulog ng sobra ang damdamin rito.
“Okay lang. Ano ka ba? Maayos naman nating pinagkasunduan iyan,‘di ba?”
Naging napakahirap na para kay Lahynna ang ngumiti pero pinilit niya ang sarili. Kahit gaano kasakit at kabigat sa dibdib, kailangan niyang magpanggap na ayos lang ang lahat.Nagdesisyon na si Lahynna na tumayo at pilit pinatatag ang sarili. Sumisikip na kasi ang dibdib niya.
Nang bigla nitong hilahin ang kanyang braso.
Napabalik tuloy siya sa pagkakaupo. Pilit niyang itinago ang sarili rito. Any moment, baka kumawala na ang damdaming pilit niyang pinipigilan. Masakit na masakit na ang kanyang lalamunan.
At masakit na rin sa dibdib, gusto na niyang maiyak.
“Thank you for the memories.” Pigil ang damdaming dagdag niya. Ni hindi niya alam kung paano pa niya nagawang ngitian ito.
“Can I talk to you, seriously? Para kasing nagbibiruan lang tayo palagi.” Sa seryosong tono ay sabi nito.
“Serious naman ako ah? Ikaw nga itong madalas na parang nakakaloko lang kung makipag-usap sa akin. Ang pangit ko talaga siguro ano? Parang katawa-tawa lang ako lagi sa paningin mo.”
Naiinis na siya sa sarili. Nagkakabara na ang lalamunan niya. Gusto na ding magbuhol ng dila niya.
“No. You’re beautiful.”
Nang haplusin nito ang kanyang pisngi ay para bang hinaplos na din nito ang umiiyak niyang puso. Pero pinigilan niya ang sarili na maging maligaya. Hindi tama na umasang may ibigsabihin ang mga gestures nito. Hindi tamang umasa pero masasaktan din lang pala sa huli. Mas mahirap iyon
“Huwag mo nga akong nilalandi?” Saway niya rito at inalis ang isang kamay nitong nasa pisngi niya.
“I have five words for you, Belle.” Anitong deretso ang tingin sa mga mata niya. “Will. You. Be. My. Girl?”
Nanlaki ang mga mata niya.
Seryoso ba ito?
“Finding match… Finding Server… Accept or Decline?”
“Wait… wait!” awat niya kay Rubick. “Ano ‘yan? Nanliligaw ka ng mabilisan?”
“Nafu-frustrate na kasi ako sa ‘yo. Ang manhid mo.” Nahablot pa nito ang sariling buhok dala siguro ng tensyon o anupaman. Pero hindi niya makakalimutan ang frustration na maliwanag na nakalatag sa mga mata ni Rubick.
“May kukwento pala ako sa ‘yo.” Bigla ay sabi nito.
“Teka ang gulo mo. Bakit ba napaka-inconsistent—”
“Once upon a time, a beast living in darkness met a beautiful young lady in a farm.” Patuloy nito na parang hindi siya narinig na umaangal.“…finding for some worms for her school activity. The beast was such a pain in the ass. But that moment he saw her, everything seems like turning right. His dark world was as if enlighten with the smile of the beautiful lady. Para siyang isang maliit na liwanag na nagbigay pag-asa sa wasak na mundo ng halimaw. Bigla, nagustuhan ng halimaw na magbago. He decided to find her. And finding her was like getting into the right path. Pero mailap ang swerte sa kanya dahil kapatid nalang nito ang nakilala niya. Nasa ibang lugar pala siya nag-aaral.”
Her tears slipped away from her eyes. He was telling her his journey in finding her after the first time they met. At hindi niya iyon alam. Hindi niya iyon nalaman.
Ganoon ba siya ka-inlove kay Szade noon para hindi mapansin ang ginagawa ni Rubick? Kung siguro noon ay malalim ang lugar ni Szade sa puso niya, ngayon, kaya niyang sabihin na wala na siyang maramdamang kahit ano para kay Szade. Nanghihinayang nalang siya sa mga panahon na ibinigay niya sa dating boyfriend. Sana… hindi nalang siya nag-aksaya ng panahon kay Szade. Sana… napansin niya agad si Rubick.
Hindi na niya mapigil ang mga mata na binabaha na ng kanyang mga luha dahil sa magkakahalong emosyon.
Nakita niya ang namumula na ring mga mata ni Rubick. Siguro ay dahil din sa matinding emosyon. Inabot niya ang gwapong mukha nito at hinaplos.Pero pinigilan ng isang kamay nito ang kamay niya. Inabot iyon at dinala ang likod ng palad niya sa mga labi nito at magaang hinagkan.
“The beast didn’t stop finding her. But the moment he found her, may iba na pala siyang minamahal. Someone he had no match. Nagkaroon na naman siya ng self-doubt. Nawalan ng kumpiyansa sa sarili pero pinilit ayusin ang kanyang buhay. But then,he also accepted the reality that he was nothing but a friend to her. And also that, there was no happy ending for him. She didn’t deserve someone like him He didn’t want to bring trouble in her perfect life…” He stopped for a while and gazed intently at her.“But something happened. Something unexpected happened. They crossed their boundaries. And he even breaks his own rule. And now, he was gambling his feelings to her.” Malakas na bumuntong-hininga ito. “Your turn to end the story, Belle. Nasa sa ‘yo kung magiging tragic ‘yon o happy ending.”
Rubick breathed heavily. Parang nawawalan na ng pag-asa. And all she wanted was grabbed him and kissed him all night. Pero nagpigil siya sa sarili. Everything needs to set clear first.
“I really tried my best. Wala na akong maisip na magandang proposal. I tried to be me. Walang effect, at nabibilisan ka. So, I tried to be something like a romantic story teller—”
Umangat ang mga kamay niya sa mga pisngi nito na nagpatigil sa pagsasalita ni Rubick. Her heart was swollen by his words of love. She couldn’t contain the beautiful feelings she had.
“And he didn’t fail. He won her heart. Because if truth be told, she learn to love him in the process. Or maybe, love was already there but she didn’t take time to notice. She didn’t notice because she was busy with the wrong one.Yet, she knew that the beast wasn’t really a beast. He was such a handsome prince that was being cursed by a witch named, Dark Destiny. But he surpassed all the challenges in life. He had proven her that he was not a complicated man. He was a good personwhom was victim of a dark world. At hindi hadlang ang lahat ng iyon para mahalin rin niya ang nagpapanggap na halimaw na si Rubick. He had transformed to his real form. A dashing handsome prince who deserves Lahynna Belle’s heart and love.”
Umagos ang masaganang luha mula sa mga mata ni Rubick kasabay rin ng pagbukal ng mga luha niya. There were tears of joy. Because finally, they had their own happy ending love story.
And they ended it with blistering kisses. Kisses of love they had for each others. Wala na yatang pinakamasayang nilalang sa mga sandaling iyon kundi siya.
EVERYTHING runs smoothly. Iyon ang naiisip ni Lahynna habang pinapanood ang kanyang ina at ang Mommy ni Rubick sa kusina. Masayang nagkukwentuhan ang dalawang ginang patungkol sa mga recipes ng mga ito.
Nagkaayos na si Rubick at si Tita Miranda nang araw rin na maging opisyal ang relasyon nila. Dinala ng boyfriend ang Mommy nito sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya at para makilala din siya nito. Nagkasundo ang mag-ina na magkatulong sa pagpapatakbo sa restaurant lalo pa nga at mina-manage ni Rubick ang DJP.
Magandang bagay na din iyon para maaliw ang Mommy nito at hindi na ma-obsess na naman sa kakahabol sa asawa.Natutuwa siya dahil madaling nagkapalagayang-loob ang mga ina nila. Madalas ang Mommy niya sa bahay nina Rubick dahil iniimbitahan roon ng ginang para sa cooking bonding ng dalawa. At sila ni Rubick ang mga hurado ng obra ng mga ito.
Kung minsan naman ay doon sa bahay nila nagkakayayaan ang mga itong mag-share-an ng mga recipes. At maswerte ang barkada nina Lanryd kapag mga panahon na naroroon at naaambunan ng biyaya ang mga sikmura. Tulad ngayon. Tuwang-tuwa ang grupo dahil habang mainit ang laro sa DOTA tournament ay may mainit at masarap ding meryenda na nakahain.
Minsan nalang makatambay sa bahay nila ang barkada ng kapatid dahil unti-unting naging busy ang mga ito. Ang iba ay sa trabaho, ang iba ay sa pag-aaral.
“Ay, naku Amiga! ‘Yong mango pannacotta mo, na-perfect ko na.” Tila tuwang-tuwa at may halong pagmamalaki na sambit ni Tita Miranda.
“Talaga? Oy, patikimin mo naman ako ng gawa mo.” Pakli naman ng ina ni Lahynna. May kinukuha ito sa fridge.
“Oo naman. Talagang papatikim ko sa ‘yo. Nakahanda na nga ‘yong dadalhin ko. E’ nagmamadali kasi si Rubick. Nakalimutan nang bitbitin…”
At kung anu-ano pang nabuksang topic. Nagdesisyon na siyang magpakita sa dalawa.
“Ma, pengeng juice sa labas. Baka mabulunan ang mga ‘yon sa paglantak sa broccoli pesto niyo.”
“Ay, teka sandali.” Mabilis na kumilos ang kanyang ina.
Bumaling naman si Tita Miranda sa kanya at inabot ang isa niyang kamay. “Thank you for everything, hija.”
“Po?” Takang-tanong niya.
“Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbabago ni Rubick. At hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat. Hindi kami magiging maayos na mag-ina kung hindi mo siya binago. Kung hindi niya ako sinaway sa mga mali ko at ipinaintindi sa akin ang mga pagkukulang ko… Hynna.” Malalim na huminga ito. “Sobrang salamat.”
Pinigil niya ang sarili na maluha sa puno ng damdaming sinabi na iyon ng ginang. Tinapik-tapik niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “Wala po kayong dapat ipagpasalamat. Mahal ko po si Rubick. Isa pa, sobrang mahal niya din kayo. Masaya akong nagkaayos na kayo.”
Inabot siya ng ginang at niyakap.
“Ang drama niyo namang magbiyenan.”
Kung natatawa ang kanyang ina sa eksena nila, siya naman ay nagulat.
“Magbiyenan?”
“Oo. Soon, you’ll be my daughter-in-law. At excited na kami ni balae na magsabi na kayo sa amin.”
‘Balae?’
Akala niya ay cooking stuffs lang ang pinagkakasunduan ng dalawa. Bakit may naaamoy yata siyang iba?
“Kailan niyo ba kasi balak lumagay sa tahimik? Baka kung kailan may laman na ang tiyan mo, saka ka pa magsabi?”
“Ma?!”
“What?”
Parang gusto niyang maghurumentado. Oo, cool ang Mama niya. Pero hindi niya akalain na sasagad na sa ganoon ang ka-cool-an nito. Seryoso ba ito?
“Open-minded naman kami. Tsaka tama ang Mama mo, Hynna. Mas maiging magsabi na kayo para maihanda na namin ang kasal…” Bumaling si Tita Miranda sa kanyang ina. “Alam mo balae, maganda kung sa simbahan sa Albay sila magpakasal…”
Napanganga nalang siya sa dalawa nang marinig na masaya nang nagkukwentuhan at nagpaplano ang mga ito sa magiging kasal raw nila ni Rubick.
Which was really far from her mind…
Hindi sa ayaw niya pero nag-eenjoy pa sila sa relasyon nila ni Rubick at ang usapang kasal ay medyo mabigat kung tutuusin. They should ready their self first.
Bago palang ang relasyon nila ni Rubick. Tatlong buwan palang silang mag-on. Though masasabi niya na ang tatlong buwan ng formal na relasyon nila ay parang kasing tagal na ng tatlong taon. Para bang masyado na nilang kilala ang isa’t-isa at sanay na sila sa isa’t-isa para isiping bago palang sila ni Rubick. It felt like, they were together since time immemorial.
Hinayaan nalang ni Lahynna na na-e-excite sa kung anu-anong plano ang dalawang ginang at inabot ang juice na ginawa ng kanyang ina. Dinala niya iyon sa lanai kung saan lumalantak ng pagkain ang grupo nina Lanryd na naging witness sa pinagdaanan nila ni Rubick bago nauwi sa totohanan.
Pero sa pagbungad niya roon ay parang may kumirot sa kanyang puso pagkakita sa isang eksena.Ni hindi niya napansin ang pag-agaw ni Tim sa dala niyang tray. Nakatutok ang atensyon niya kay Rubick na karga at nilalaro ang isang taong gulang na anak ni Eina. It seems like Rubick was so fascinated with the child. Ang batang tinanggihan nito noon.
Hindi naman siya dapat na makaramdam ng selos dahil sinigurado ni Rubick sa kanya noon na hindi daw talaga nito anak ang anak ni Eina. Pero ngayon, bakit parang gusto niyang magduda? Lalo na nang lumapit si Eina sa dalawa at punasan nito ang pawis ng bata, pati na din si Rubick.
They look like one happy family.
At kahit pigilan niya ang sarili ay ‘di niya mapigilang mainggit. Ano ang gustong palabasin ni Eina at bigla-bigla nalang nitong ibinabalandra ang anak nito kapag ganoong nandoon silang lahat?
“Hynna! Lika na dito. Masarap itong pesto na recipe nina Tita. Kumain ka na. Mauubusan ka na namin.”
Sandali siyang bumaling kay Damon na nag-aaya sa kanya. Tumango at ngumiti lang siya.
“Sige lang. Mamaya ako. Tsaka madami pa naman sa loob.”
Muling bumalik ang atensyon niya kina Rubick. Naiinis talaga siya sa eksenang nakikita. Dapat ay papasok na siya sa loob nang mapansin na naglakad si Eina papunta sa may likod bahay. Siguro ay maghuhugas ng kamay sa back sink.
Nagdecide siyang lapitan ito at komprontahin. Hindi siya matatahimik hanggang hindi ito nakakausap. Hindi kasi maganda ang pakiramdam niya sa ginagawa nito. May hinala siya na ginagamit nito ang bata para makapaglalapit na naman kay Rubick.
“Oh? Hynna. Maghuhugas ka din ng kamay?”
Ngiting-ngiti si Eina. Siya naman ay di makuhang tapunan ito ng ngiti. Nagngingitngit pa din ang loob niya.
“Magkaderetsahan nga tayo, Eina? Inilalapit mo ba ang anak mo sa boyfriend ko?”
Nagbago ang timpla ni Eina. Tumalim ang mga mata nito. Para bang handang lumaban sakaling maghamon siya.
“Correction. Inilalapit ko ang anak ko sa ama niya.” May diin ang bawat mga salita nito.
“Hindi niya anak ang anak mo, Eina. Mahiya ka nga! Isinisiksik at ginagamit mo ang bata para lang makuha ang gusto mo.”
“At sino ka para sabihin iyan?” singhal naman nito. “Ako ang ina kaya ako ang makakapagsabi kung sino ang ama ng anak ko. Si Rubick ‘yon. Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong tanggapin ang bagay na iyon. We had and always had a shared property. At iyon ay ang anak namin. Just accept it!” pagkasabi noon ay iniwan na siya nitong tigagal.
Sumikip yata ang pakiramdam ng dibdib niya at napahawak nalang ng mariin roon habang ang isang kamay ay itinukod sa sink.
They will always have a shared property.
At sa nakikita niyang determinasyon ng pinsan na ilapit kay Rubick ang bata, malamang na nagsasabi ito ng totoo. Na kay Rubick nga ang batang iyon. Kung hindi, bakit ganoon nalang ito kasigurado na gawin ang bagay na iyon?
Nakaramdam siyang bigla ng matinding takot na mawala sa kanya si Rubick. Anong laban niya sa isang inosenteng bata? Hindi pa man napapatunayan ni Eina ang ipinaglalaban nito, nakikita na niya kung gaano kalapit si Rubick sa anak ng pinsan. Paano pa kapag napatunayan na mag-ama nga ang mga ito? Iiwan ba siya ni Rubick para panagutan ang tinalikuran nitong obligasyon noon?
‘Kung napatunayan ni Eina at pumayag si Eina na ipa-DNA test ang anak niya at lumabas na ako ang ama, pananagutan ko sila.’
Rubick was a man with dignity. Nakikita niya iyon sa bawat kilos at pananalita nito. At ikinakatakot niya iyon. Dahil alam niya, kung sakali man ay gagawin ni Rubick ang mas tama.
Napahigpit ang pagkakadaklot ni Lahynna sa dibdib. Nagsisikip iyon. Nahihirapan siyang huminga…
Habol niya ang hininga kasabay ng unti-unting panlalabo ng kanyang mga paningin.
“Belle!”
At bago siya tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman niya ang maiinit at malalakas na brasong pumaikot sa katawan niya.