CHAPTER 11

“WAKE UP, sleepy head.”

Malambing na tinig ni Rubick ang gumising sa natutulog na si Lahynna. Nasa Boracay sila kasama ang buong pamilya. Pinagplanuhan raw iyon ni Rubick.

Nitong nakaraan, kung anu-anong iniisip niyang dahilan kung bakit parang biglang nabawasan ang panahon sa kanya ng boyfriend. Sumama pa ang loob niya at pinaghinalaan ito ng kung anu-ano. Pero wala naman pala siyang dapat ikasama ng loob dahil tinatapos lang nito ang lahat ng business commitments para maharap ang kanilang Boracay escapades. Gusto raw nito na magbakasyon sila ng medyo matagal. Lalo na siya para makapag-relax.

Medyo nagtaka lang siya na halos isang barangay ang isinama nito sa vacation escapade nila. Lahat ng malalapit sa kanila, barkada, mga dati at kasalukuyang kaibigan, maging ang mga grandparents niya ay naroroon. Ang Kuya Robyn din nito ay napauwi para lang sumama sa bakasyon grande nila. At kung ipinagtaka niya ang bagay na iyon ay ipinagsawalang-kibo nalang. Masaya naman nga na marami sila.

Napansin niya na present ang lahat maliban kay Eina at sa anak nito. Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa o ika-guilty iyon. Pero mas maigi na din siguro na malayo siya sa mga toxic sa kanyang buhay. Ayaw rin naman niyang masira ang bakasyon nila kung parati siyang maiimbyernang makita na naglalalapit si Eina sa boyfriend. Babalik na naman kasi ang insecurity niya.

Insecurity na lalong lumalala sa tuwing makakakita siya ng buntis o ‘di kaya ay may anak na dala-dala.

Pinili ni Lahynna na matulog kinatanghalian dahil nakakapagod din naman ang makipagkwentuhan at makipagharutan sa lahat pagkarating nila roon. Hinayaan niya ang mga ito na mag-enjoy habang nag-eenjoy din siya sa kama.

“Anong oras na?” pupungas-pungas na tanong ni Lahynna kay Rubick na magaang humalik sa kanyang pisngi.

“It’s 3PM already. Come on, fix yourself. Ah, may mag-aayos pala sa ‘yo. You should be ready before five.”

“Ha?”

Medyo naguluhan siya sa sinasabi ni Rubick. O baka naman disoriented pa din siya mula sa pagkakatulog.

Inabot ng hintuturo at hinlalaki ni Rubick ang baba niya at magaang hinalikan siya sa labi. Parang gusto pa niyang magreklamo nang pakawalan na siya nito.

“Isa pa. ‘Yong torrid?”

Tumawa si Rubick. Tawa na tipong kabado na excited.

“Later, baby.” Simangot ang isinagot niya. “Kailangan muna tayong pumunta sa beach. Nando’n silang lahat. Hihintayin ka namin, okay?”

“Okay.” Nabibitin na tugon ng dalaga. Gusto pa sana niyang itanong kung ano ba ang meron at kailangang pumunta sa beach bago mag-alas-sinko pero pinili niyang alamin iyon mag-isa mamaya.

Nang lumabas na si Rubick ay kumilos na din siya para maligo. Nasa kabilang villa lamang ito at ang ina at si Kuya Robyn. Ang iba naman ay nasa kasunod na mga cottages.

Matapos maligo ay nagulat si Lahynna na may dalawang babae sa loob ng villa. May mga kung-anik-anik sa tabi ng mga ito. Parang mga portable make-up set. Magsasalita na sana siya nang maunahan siya ng isa.

“Ms. Hynna, ready na po ba kayo?”

“Ha?” Nalilitong tanong niya.

“Kung ready na po kayo, sisimulan na po namin kayong i-make up?”

Nag-isang linya yata ang mga kilay niya. “Para saan? At bakit?”

“‘Yon po kasi ang utos sa amin ni Sir Rubick.”

Hindi niya alam ang mararamdaman. Nae-excite siya na di niya maintindihan. But she takes it cool. Kung anuman ang pakulo ng boyfriend, alam naman niyang magugustuhan niya iyon.

“Okay. Sige.”

Nagsimula ang dalawa na asikasuhin siya. Hair dresser ang isa samantalang ang isa ay make-up artist.

At halos hindi niya nakilala ang sarili nang paharapin na siya ng mga ito sa salamin.

“Ako ba talaga ito?”

Parang ayaw pa niyang paniwalaan na nag-transform ang plain looking na si Lahynna sa isang eleganteng babae na nakikita niya sa harap ng salamin.

“Naman, Madam! Ang ganda-ganda mo pala lalo kapag naayusan!” Tili ng isa na nagpakilala sa kanya bilang Roselle.

Natawa nalang siya nang mag-agreedin ang isa pa, si Lenie.

“Pero, teka. Ano bang ganap? Bakit kailangang nakaganito ako?”

Nang iladlad ni Lenie sa kanyang harapan ang traje na kinuha nito sa porch ng villa ay naitakip nalang niya ang mga kamay sa kanyang bibig.

“Oh. My. God.”

“Pasensiya na po, Ma’am kung hindi agad namin sinabi. Ang instruction po kasi ni Sir ay dahan-dahanin namin kasi baka mabigla kayo. Ayaw naman daw niyang maging unsuccessful ang surprise wedding niyo.” Paliwanag na wika ni Lenie.

“Ang swerte, swerte niyo Ma’am! Ang sweet-sweet ng boyfriend niyo. Imagine? Kinontrata pa niya kami from Makati. Sagot niya ang expenses namin papunta rito pati ang accommodation. O ‘diba? Ang bongga!” tuwang-tuwang sabi ni Roselle

“Inisa-isa niya ang mga nanalo sa isang prestigious make-up contest na sinalihan namin nitong nakaraan. At ang swerte din namin na kami ang napili niya.” Magkahalong saya at kilig na litanya naman ni Lenie.

Nagsimulang magtubig ang mga mata niya.

“Ma’am! Naku, Ma’am!” Tili ni Lenie. “Wag kayong umiyak. Baka masira ang make-up niyo, magalit sa amin si Sir.”

Umabot siya ng tissue at maingat na pinaabsorb ang mga luha sa gilid ng mga mata sa tissue. “Sorry.” Sumisinghot na sambit niya. “Ang lalaki naman kasing ‘yon, hindi naman nagpropose. Deretso kasal na agad?”

“E ‘diba mas bongga ‘yon Ma’am? Tsaka baka natatakot si Sir na tumanggi pa kayo kaya isinet up na niya ang lahat para di kayo makatanggi.” Humahagikhik si Lenie sa tabi niya. Tila kilig na kilig.

Kaya naman pala pakiramdam niya ay masyadong busy si Rubick nitong nakaraan. Pati ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina ay parang parating may pinag-uusapan na ayaw ipaalam sa kanya.

Ayon pala.

Malinaw na sa kanya. Kakutsaba ang mga ito sa plano ni Rubick.

“Kukutusan ko talaga iyon mamaya.”

“Isuot mo muna ang wedding dress mo, Ma’am. Para makutusan mo na si Sir.”

Tinawanan lang niya ang sinabi ni Roselle at excited na inabot mula kay Lenie ang wedding dress. Kabado, excited at napakasaya niya habang isinusukat ang damit pangkasal. Ipinagpapasalamat niyang kinayang lahat ng kanyang puso ang mga damdaming iyon. Mukhang effective ang treatment niya.

Saktong-sakto lang sa kanya ang wedding dress. Parang isinukat dahil tamang-tama ang lapat ng malambot at malandas na tela sa kanyang katawan.

Ayaw niyang magbuhat ng bangko pero gandang-ganda siya sa sarili matapos maisuot ang damit pangkasal na pa-tube sa ibabaw, hapit sa katawan hanggang sa kanyang balakang, at pabuka na mula roon hanggang laylayan. Lalong na-emphasis ang kanyang magandang kurba. Pakiramdam niya ay isa siyang diosa sa kanyang suot na napapalamutian pa ng kumikinang na puti at cream na sequins at beads. Idagdag pang nagbagong anyo din siya dahil sa make-up.

“WILL YOU marry me, Lahynna Belle Polinar?”

Pagkalapit ni Lahynna sa improvised na altar doon sa dalampasigan ay iyon agad ang salubong ni Rubick sa kanya. Halos kumawala ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib dala ng matinding sayang nararamdaman ng mga sandaling iyon. She felt so blessed she couldn’t ask for more.

“Makakatutol pa ba ako e’ nandito na tayo?” Kunway pairap na tugon niya.

“Ayaw mo?” Tila gustongma-upset ni Rubick.

Nginitian niya ang boyfriend saka malambing na tinampal ang gwapong mukha nito. Masyado siyang masaya sa mga sandaling iyon at wala na siyang mapaglagyan ng ligaya kaya idinadaan niya sa kunwaring pagsusungit.

“Gusto ko siyempre. Pero ikaw naman kasi. Bakit di mo ako ini-inform?”

Nagkamot ito sa batok. At ganoon ito kapag ninenerbiyos. He looks so cute! Ah, nauubusan na siya ng adjectives para ilarawan ang binata. He is all in one package! And she was so lucky to have someone like him.

“Gusto ko lang i-surprise ka.”

“Akala ko ba, ayaw mo pang magpakasal?”

“Mas lalo namang ayokong mawala ka sa akin.”

Inabot nito ang isa niyang kamay, kumikinang ang mga mata na hinarap siya. At gusto niyang matunaw sa mainit na titig ng binata sa kanya.

“No’ng magkasagutan tayo sa ospital, nakaramdam ako ng matinding takot nang pagdudahan mo ang pagmamahal ko sa ‘yo. Sobrang takot ko na baka sa pagdududa mo, maisipan mo nalang sumuko sa ating dalawa. Baka mainip ka kakahintay sa akin. So, I’m putting away all my pride just to prove you how much I love you. Ayoko nang magkaroon ka ulit ng kahit kakatiting na pagdududa sa damdamin ko sa ‘yo. Gusto kong paniwalaan mo ng buo na totoong mahal kita. Mahal na mahal kita. Minahal na kita noon pa mang una kitang makilala.”

Nang maglandas na naman ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi ay magaan iyong pinahid ni Rubick ng mga daliri nito.

“Don’t cry, please. It is our big day. Gusto kong maging memorable ito pero hindi sa paraang umiiyak ka.”

“Ikaw naman kasi.” Hinampas niya ito sa dibdib. “Hindi mo naman kailangang gawin ito dahil naniniwala naman ako na mahal mo ako. At mahal din naman kita.”

Hindi iyon kasinungalingan. Naniniwala siyang mahal siya nito. Kung may mga sandali na nagduda man siya sa katapatan nito, iyon ay dahil wala siyang tiwala sa mga babaeng lumalapit kay Rubick. But now is the day she would officially made him hers. Forever.

At hindi na siya makapaghintay pa!

“Naisip ko na dito rin naman tayo matutuloy, e bakit ko pa papatagalin?” Natatawang sambit nito.

“Oo nga. Maigsi lang ang buhay.”

Unti-unting napawi ang gwapong ngiti nito. “Don’t say that.”

“I’m sorry. Hindi na ako uulit.”

Bumuntong-hininga si Rubick. “Pero lagi ka namang umuulit.”

Ayaw nito na naririnig siyang nagbibilang sa kung gaano katagal o kadali ang buhay. Para na din daw niyang sinabi na gusto na niya itong iwan.

“Sorry na nga.” Inabot niya ang gwapong mukha nito at masuyong hinaplos. She couldn’t wait to make him hers. The love of her life. Her life actually. Ito na ang buhay niya.

Inabot ni Rubick ang kanyang baba at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Mawawalan na sana sila ng pakialam sa paligid nang marinig nilang tumikhim ang pari sa unahan nila. Nahihiyang napabaling tuloy sila rito. At napatingin sa iba pang naroroon.

Kaya pala lahat ay inimbitahan ni Rubick. Dahil may ganito pala itong pakulo. But she finds it sweet. Really sweet. Sa mga movie lang niya nakikita ang mga ganitong eksena at ‘di niya inakalang mararanasan rin niya. Ano kayang mabuting bagay ang nagawa niya sa kanyang nakaraang buhay para maging ganito kaswerte?

“Mamaya na ulit iyan. Last part pa iyan ng seremonya. Hindi pa nga tayo nagsisimula, nasa last part na agad kayo?” Himig nagsesermon na nanunukso ang pari.

Natawa na din ang lahat ng naroroon.

Wala ang ama ni Rubick sa kasal nila. Ayon dito, nagkaayos na ang mag-ama. Pero patuloy pa din ang huli sa pambababae at hindi na iyon pinakikialaman ni Rubick. Anito ay pasasakitin lang nito ang ulo sa pagsaway sa ama gayong alam naman nitong hindi na mababago ang pagiging babaero noon. Ang mahalaga nalang rito ngayon ay maayos naman na ang takbo ng buhay ng ina. Masaya na iyon maski wala sa buhay ang dating asawa.

Simple pero intimate ang seremonya ng kanilang kasal. At wala na yata siyang mahihiling pa nang tuluyang ianunsyo ng pari na sila ni Rubick ay iisa na.

It was the happiest moment of her life, being married to the man she truly loves.

MULA sa drawer ng mini cabinet na nasa tabi ng kama ay napansin ni Lahynna ang isang pakete ng trust condom. Bakit may ganoon si Rubick? Dati-rati naman ay di sila gumagamit ng proteksyon kapag nagsisiping sila nito.

Naalala niya ang sinabi ng doctor. Iyon siguro ang dahilan. At hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng asawa.

Asawa.

Ang sarap sa pakiramdam na gamitin ang pantukoy na iyon sa kanilang dalawa. At dahil mag-asawa na sila, obligasyon niyang bigyan ito ng isang buo at masayang pamilya. Isang bagay na matagal nitong pinangarap magkaroon.Pinatunayan ng asawa kung gaano siya nito kamahal at dapat lang din niyang patunayan rito ang pag-ibig niya. Alam niyang magiging maligaya si Rubick kung makakabuo sila ng pamilya. Hindi kasi sila matatawag na pamilya kung sila lang dalawa.

“Hynna! Kanina ka pang hinahanap ng asawa mo.”

Narinig ni Lahynna ang boses ng ama sa labas ng cottage matapos noong kumatok sa pinto. Inilipat na pala ng mga magulang niya ang mga gamit niya sa cottage na iyon matapos ang seremonya ng kasal.

At malamang na ang kanyang ina ang mastermind ng lahat. Excited na magsama sila sa iisang silid. May hinala na din siya na isa kina Rubick at sa Mama niya ang naghanda ng pakete ng goma.

“Sandali lang, Papa. Hindi ko makita ang phone ko.” Pagsisinungaling niya. Nakuha na niya sa drawer ang cellphone nang mapansin ang pakete ng condom.

“Dalian mo. Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa ‘yo. Alam mo naman na ayaw noon na nawawala ka sa mga mata niya.” May halong pangangantyaw ang tinig ng ama bago niya narinig ang papalayong mga yabag nito.

Mabilis na binuksan niya ang pakete ng condom at iniladlad lahat sa kama. Naghanap ng pin sa suot niyang traje at pinagtutusok ang bawat piraso ng condom. Saka muling ibinalik sa pakete ang bawat piraso.

May malapad na ngiti na sa kanyang mga labi habang papalabas ng cottage.

Excited na siya para mamaya!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.