“BELLE…”
Ngumiti si Lahynna habang ang isang kamay na hawak ni Rubick ay inihaplos sa gwapo at parang pagod nitong mukha. Anong nangyari at ganoon ang hitsura nito? Noon niya naisip ilibot ang mga paningin sa paligid. Napansin pa niya na may nakakabit na dextrose sa kanya.
“Anong pakiramdam mo? Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo? Sabihin mo lang, tatawagin ko na ang doktor.”
Pinigilan niya si Rubick sa tangka nitong pagtayo. “I’m fine. Bakit nandito na naman ako?”
“You collapsed, yesterday.” Bumuntong-hininga ito. “Ako dapat ang magtanong kung ano ang nangyari. Sabi ng doctor ay na-stressed ka, kaya nagkaroon ka na naman ng atake. Dapat ay hindi ka nalang gumagawa ng mabibigat na gawain.” Muli, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.
Naalala niya ang naging komprontahan nila ni Eina. Iyon naman ang nagpa-stress sa kanya dahil wala naman siyang ibang ginagawang mabigat na gawain sa bahay.
“Ikukuha ko kayo ng maid para ‘di mo na kailangang kumilos. Mga ilan ba ang kailangan? At pababawasan ko din ang work loads. Magtrabaho ka lang kung kailan mo gusto—”
“You’re going to be an unfair employer.” Mabilis na saway niya sa sinasabi nito.
“Of course not! Ayoko na napapagod ang prinsesa ko. Anong unfair do’n? Ipo-promote na kita para walang masabi ang mga nasa DJP.”
Hindi niya alam kung ngingiti o kukurutin ang boyfriend. “Ayoko pa din.”
“Pero—”
“Nasaan nga pala sina Mama?”
“Pinauwi ko muna. No’ng sinabi naman ng doktor na stable ka na at ipinapahinga lang ang katawan, napapayag ko din silang umuwi na.”
“E’ ikaw? Dapat nagpahinga ka din.”
“Di ako makakapahinga na di pa kita nakikitang nagigising. At gusto ko na ako ang una mong makita kapag nagising ka.”
Nginitian niya ulit si Rubick. Napakaswerte niya na ganito kamapagmahal ang boyfriend niya. At parang ayaw niya maski isipin palang na magkakaroon siya ng kahati rito. Paano kung pumayag na si Eina na ipa-DNA ang bata at mapatunayang kay Rubick iyon? Paano kung agawin ni Eina ang boyfriend niya sa kanya?
Tears start to stream down her face while it felt like she was tearing apart.Oo, makasarili nga siguro siya. Gusto niyang ipagdamot si Rubick sa mag-ina ni Eina. Pero masisisi ba siya ng kahit na sino? Ayaw niyang magkaroon ng kahati sa lalaking mahal niya. Gusto niya na siya lang. O magkaroon man siya ng kahati rito, iyon ay sa magiging anak nila. She would whole heartedly share him to their future child.
Their future child…
“Hey! Baby, bakit ka umiiyak?? Baka makasama iyan sa ‘yo.” Hindi magkandaugagang saway sa kanya ni Rubick.
“Hug me, Rubick. Please… hug me.” Napapasinghot na ungot niya rito.
Nag-aalala man ay ngumiti si Rubick. Umupo ito sa gilid ng hospital bed niya. “Gusto mo lang palang maglambing, iiyak ka pa? Kapag inatake ka na naman, baka mauna pa ako sa ‘’yo.”
His hands shoved behind her back and gentle pulled her against him. “Huwag mo naman akong pag-alalahin ng ganoon. Magpapakasal pa tayo at mag-aanak pa tayo ng marami.”
Tumawa siya. Hindi niya alam kung seryoso ba ito o nang-aasar lang.
“Gusto ko din ng anak na marami.”
Pinakawalan siya ni Rubick.
“Gusto kong kasal muna bago anak.”
“Edi magpakasal na tayo.” Desperada na siya.
Biglaan ang desisyon dahil nakaramdam siya ng takot. Paranoid na nga siguro siya. Natatakot siya na kung hindi pa sila matatali sa isa’t-isa, makagawa pa ng paraan si Eina na agawin sa kanya si Rubick. Yes, she was that desperate…
“Hindi pa tayo pwedeng magpakasal. May mga inaaayos pa kasi ako. Besides, gusto kong meron akong maipagmamalaki sa mundo bago dumating ang maliliit na Rubick at Lahynna.”Para bang naaaliw na pinalis nito sa mukha niya ang ilang hibla ng buhok na naalis sa pagkakatali.
Sinimangutan niya si Rubick. “Mahalaga pa ba sa ‘yo ang sasabihin ng iba?”
“Belle…” Malambing na inabot nito ang isa niyang kamay. “Pamilya mo lang naman ang inaalala ko. Puno na nga ng eskandalo ang mga magulang ko, gusto ko namang may magawa na makakapagpalimot sa kabulukan ng pinagmulan ko. I wanted to throw away all the insecurities I have by doing something you will be proud of. I wanted to be the best me so you will be proud of me.”
“Stop it, Rubick! I am already proud you are my boyfriend.” Saway pa rin niya.
Nagsisimula na siyang mainis. Kung anu-ano tuloy ideya ang pumapasok sa kanyang isip.
“O baka naman kaya ganyan nalang ang pagtanggi mo ay dahil nagdadalawang-isip ka lang. Dahil paano nga kung anak mo ang anak ni Eina? E’di dapat na siya ang pakasalan mo at hindi ako.” Dala ng frustration ay naibulalas niya rito. Hindi na niya alam ang sinasabi dahil nilalamon siya ng paranoia.
Tumigas bigla ang anyo ni Rubick. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na hindi ko anak ang batang iyon?” Nagtatagisan ang mga bagang nito. Kung sa inis at galit sa kanya o kanino pa man, hindi niya sigurado.
“Pero ganoon nalang ang fascination mo sa bata kahapong karga mo siya. Bakit hindi mo pa aminin sa akin na may naramdaman kang lukso ng dugo kaya nagdadalawang isip ka sa akin?”
Gusto na naman niyang maiyak. Nagsisimula na namang sumikip ang dibdib niya. Pero hindi niya ipinahalata rito. Gusto niyang malaman ang reaksyon nito at i-confirm ang hinala niya. Pero iba ang nakita ni Lahynna sa mga mata ng boyfriend.
“Akala ko pa naman, iba ka sa kanila, Belle. Pero hindi pala. Hindi ka naniniwala sa akin na hindi ako tumatalikod lang sa obligasyon kaya ako tumanggi kay Eina. Iresponsable din ang tingin mo sa akin tulad nila. Ganoon din kababa ang tingin mo sa akin.”
Nakikita niya kung gaano niyang sinaktan ang damdamin ni Rubick. At mas lalo iyong nakapagpabigat sa loob niya. Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya sinasaktan si Rubick? Mahal niya ito. Hindi niya ito dapat na sinasaktan ng ganoon!
“Rubick…”
“Ayokong makipag-away sa ‘yo, Belle. Hindi iyan makakabuti sayo.”
“Hindi kita inaaway!” Napahawak sa kaliwang dibdib si Lahynna. May mariing sumasakal sa kanya sa bahaging iyon at nahihirapan siyang huminga.
“Belle? Belle!”
Tarantang pinindot ni Rubick ang emergency button habang hindi malaman kung paano siya aalalayan.
“I-I a--am f-fine.” Mariing napahawak siya sa braso nitong umaalalay sa kanya.
“You’re not fine!” Gulantang na sambit nito na hindi nilulubayan ang emergency button. “I’m sorry, baby. I’m so sorry. Hindi ko naman sinasadyang pasamain ang loob mo.”
Sa kabila ng paninikip ng dibdib ay hindi niya maiwasang maramdaman ang mainit na damdaming dala ng mga salita ni Rubick. Siya ang nanakit sa damdamin nito pero binalewala nito iyon at mas inaalala ang nararamdaman niya. How could she be so cruel to him? Pakiramdam niya, ang sama-sama niyang girlfriend rito.
Sa kawalan ng maisip gawin at sabihin sa kabila ng kanyang sitwasyon ay napayakap siya rito habang lumuluha.
“I’m s-sorry… Rubick…” Habol ang hiningang sambit niya.
Pumasok ang mga nurse at doktor kaya’t napilitan silang maghiwalay na dalawa. Inasikaso na siya ng mga iyon habang si Rubick naman ay piniling tumigil sa isang tabi.
Kita niya ang sakit na nasa mga mata nito pero natatabunan iyon ng matinding pag-aalala sa kanya.
He was such a great man. A selfless and loving boyfriend. Tapos heto siya, nag-iisip ng hindi maganda. Dahil lang nai-insecure siya kay Eina.
“IT’S been awhile, Hynna.”
Ngiti lang ang isinagot ni Lahynna kay Szade nang magkahulihan sila ng tingin matapos niyang pumasok sa Miranda’s Best—ang restaurant nina Rubick na mina-manage ng mag-ina.
Medyo nag-aalala na kasi siya. Parang may nagbago kay Rubick magmula nang lumabas siya ng ospital. Mas madalas na ito sa restaurant kaysa sa DJP at si Tita Miranda ang pumapalit rito.
Siguro masama pa din ang loob ng boyfriend sa kanya. At idinadaan nito sa paggiging missing nito madalas. Halos wala na kasi itong panahon sa kanya. Kung dati ay dumadaan ito sa bahay nila bago dumeretso sa trabaho at isinasabay siya, at ganoon din sa gabi, bago umuwi sa bahay ng mga ito, biglang nagbago na. Alin nalang sa dalawa, sa umaga o sa gabi lang ito dadaan. Tinatawagan nalang siya nito para ipaalam kung nasaan ito. Pinigilan niya ang sarili na sumama ang loob. Karapatan naman ni Rubick na magtampo sa kanya. Sinaktan niya ito.
Pero nasaktan din naman siya. Na-guilty siya ng husto. Lalo pa at wala siyang ginagawa para ayusin ang tampuhan nila. Maging ito man. Kaya nagdesisyon na siyang i-surprise visit si Rubick sa restaurant. Nag-undertime ang dalaga sa trabaho.
But it turned out na siya ang na-sorpresa. Naroroon si Szade, costumer ng Miranda’s Best kasama ang isang magandang babae na may malaking umbok sa tiyan. At gusto yata niyang mainggit at mag-self-pity. Szade had his pregnant wife. Magkakapamilya na ito, anytime soon.
“Yeah.” Pilit ang ngiting sambit niya sa dating boyfriend at saka binalingan ang babaeng kasama nito. “You must be the wife?”
Ngumiti ang babae. “Soon.” Tugon nito. “Nauna kasi ang baby.” Dagdag pa nito na sinundan ng tawa. Inabot naman ni Szade ang kamay ng babae at marahang pinisil.
Szade must love the woman really. Hindi siya makaramdam ng kahit na ano sa nakikita. She was happy for them but part of her wants to get envied.
Naalala na naman kasi niya ang eksena noong bago siya lumabas ng ospital. Nagbibiro lang naman ang kanyang ina nang magtanong sa doktor kung pwede na ba siyang magbuntis.
‘That was not a good idea. Ang mga may Idiopathic DCM na nagbubuntis ay at risk sa thromboembolic complication. Kapag nagbubuntis ang pasyenteng may ganyang kondisyon ay kino-consider namin ang termination of pregnancy.’
Pakiramdam ni Lahynna ay dinaganan siya ng napakalaking bato sa kanyang dibdib pagkadinig roon. Eksakto namang pumapasok si Rubick sa loob ng hospital room. Narinig nito ang mga paliwanag ng doktor at hindi niya kayang tingnan ang reaksyon nito. Gusto nito ng maraming anak. Kailan lang ay sinabi nito iyon. Tapos ay ganito kasamang balita ang sasalubong dito?
Natakot na siyang makita ang disappointment sa gwapong mukha ng boyfriend. Baka… baka hindi niya kayanin ang self-pity at insecurity.
‘Pero, Doc, ‘di po ba, may mga katulad niya ang heart condition na nagkaroon naman ng anak?’ katwiran ng kanyang ina.
‘Yes. Pero iba ang kondisyon ni Lahynna. Nagkaroon na siya ng malalang atake…’
At nagsimula na naman ang doktor na magpaliwanag ng patungkol sa medical condition niya na halos hindi na niya naintindihan. O tamang sabihin na ayaw niyang intindihin. Gusto niyang mag-self-pity pero pinigilan niya ang sarili nang maramdaman ang isang kamay ni Rubick na malambing na pumipisil sa kanyang balikat.
Nagsimula siyang matakot na baka hindi na dumating ang araw na yayain siya ni Rubick na magpakasal. Siyempre, sino ba namang lalaki ang gugustuhing kumuha ng asawang hindi ito kayang bigyan ng maski maliit lang pero buo namang pamilya?
Buo at masayang pamilya na nawala rito noon. Paano kung ma-realize nito na si Eina ang posibleng makapagbigay noon dito?
“Bridgette is the name, anyway.” Ang pag-aabot ng babae sa kamay nito ang muling humila kay Lahynna sa kasalukuyan.
Nakangiting tinanggap niya iyon. Napatingin na naman siya sa umbok ng tiyan nito.
“Ilang buwan na?”
“Eight.” Si Szade ang sumagot at hinaplos ang tiyan ni Bridgette.
“Come on, join us here, Hynna.” Anyaya pa sa kanya ng mag-asawa pero tumanggi siya.
“Naku, hindi na. May sadya rin kasi talaga ako rito.”
Matapos magpaalam ay dumeretso siya sa bar counter para ipagtanong si Rubick. Wala daw doon ang asawa. Inihatid pauwi ang ina nito dahil hindi raw maganda ang pakiramdam. Sa pagkaalala nga niya ay namaalam kanina ang ginang na pupunta sa restaurant.
May iba pang business ang pamilya nito katulad ng sakahan pero ipinapaubaya nalang sa mga tenant at binubuwisan nalang sa mga ito. Mas gusto ng binata na sa malapit lang ang ina para naman nasusubaybayan ito sa mga aktibidades dahil siguro, nag-aalala na mauwi na naman sa pagka-obssess sa asawa.
Bagay na alam niyang malayo nang mangyari. Tita Miranda already gets over her obsession to her husband. Katunayan ay isinekreto nito sa kanya na malapit nang matapos ang ipinalalakad na papel patungkol sa annulment nito sa asawa.
“Ah, okay. Hintayin ko nalang siya rito.” Sabi ni Lahynna sa manager ng restaurant.
“Do’n nalang po kayo sa office ni Sir maghintay?”
“No. Okay lang ako dito sa dining area.”
Pumuwesto si Lahynna sa tagong bahagi ng restaurant. Pinagmasdan ang paligid. Partikular sina Szade at Bridgette. Hindi niya maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano. Nakakabaliw ang pagse-self-pity. Hindi siya pwedeng magbuntis dahil delikado para sa kanya.
Iyon ba ang dahilan ng pananamlay sa kanya ni Rubick? Pahamak naman kasi itong kondisyon ng puso niya. Bakit kailangang siya pa ang makamana ng sakit na iyon mula sa maternal grandmother niya? Parang ang unfair naman ng mundo sa kanya. Mukhang mawawala sa kanya si Rubick dahil sa sakit niyang iyon.
Papatayo na sana si Lahynna para umalis nang mula sa glass panel wall ay nakita niyang bumaba sina Eina at ang anak nito sa kotse ni Rubick. Ginulo pa ng huli ang buhok ng bata saka kumaway sa mag-ina habang papaalis ang mga iyon. Dumeretso naman si Rubick sa restaurant.
Pakiramdam ni Lahynna ay piniga ang puso niya. Bakit magkakasama ang mga ito? Akala ba niya ay inihatid lang ni Rubick ang ina nito pauwi? Hindi kaya nitong mga nakaraang araw na nanlalamig sa kanya ang boyfriend ay dahil mas gusto nitong makasama ang mag-ina? Na-confirm na ba nito na anak nga nito ang bata? Pumayag nab a si Eina na magpa-DNA test ang anak nito?
Kung anu-anong nakakapagpasakit sa damdamin ang naiisip niya. Hindi niya mapigil. Alam niyang mali na pinagdududahan niya si Rubick pero paanong hindi? Nakakakita siya ng mga eksena na nakakaduda!
“Belle! Andito ka pala?” Masiglang bati sa kanya ni Rubick na agad nakalapit sa kanya nang ‘di niya namamalayan.
“Bakit parang hindi mo gusto?” malamig na sambit niya rito.
Nahinto tuloy ito sa tangkang paghalik sa pisngi niya. Nangunot ang noo ng boyfriend. Pero sandali lang iyon dahil ngumiti ulit ito at natuloy ang naputol na paghalik sa kanya. That moment ay sa labi na sa halip na sa pisngi.
At kahit nagsisimula na namang sumama ang loob niya ay hindi niya napigil ang sarili sa mainit na pagtugon sa mga halik ni Rubick.
He was always like that, igniting the wild fire inside her. At parati rin siyang pinagtatrayduran ng sariling katawan dahil ni minsan ay hindi iyon tumangging masiklaban ang mainit na damdamin para sa binata. The kiss was so feral they almost forgot where they are.
“I was just surprised you pay me a visit.” Anito matapos pakawalan ng maiinit nitong labi.
Naupo sa couch sa tabi niya si Rubick at masuyong umakbay sa kanya. She dismissed the hard feeling she felt when she saw him with Eina and the child. Pilit itinapon sa bintana ang mga alalahanin.
“So, where have you been?” tanong niya ritong kunway walang ideya sa mga pinaggagagawa nito.
“Ah! Inihatid ko si Mommy pauwi. Tapos…” Nabitin ito sa sinasabi. Biglang ngumiti.
And what made him smiles like that? Masyado ba nitong na-enjoy ang bonding nito kasama sina Eina?
“Nag-usap kami ng masinsinanni Dad. Heart to heart. And we are okay now! I understand him. At tanggap ko nang wala na akong magagawa pa para maging buo uli kami. Masakit pero wala naman akong choice. We all need to accept the situation and move forward.” Masiglang pagbabalita nito.
‘Liar!’singhal naman ng kanyang isip.
Bakit kailangan nitong magsinungaling?
The thought was like a knife stabbing her heart. Parang ayaw nalang niyang huminga.
“I have a suggestion, Rubick. Let’s have a list of promise to each other.”
“Huh?” Tila nalito ito sa sinabi niya.
“Promise. You know. Like, walang magsisinungaling. Walang secrets.”
“Hindi ko naman kailangang i-promise pa iyan dahil kahit hindi ko ipangako, ginagawa ko. I never kept secrets behind you.”
‘Oh, really? Kaya pala hindi mo sinasabi sa akin na magkasama kayo kanina ni Eina. Idinahilan mo pa ang ama mo!’
But she held her sanity. Hihintayin niyang magtapat si Rubick sa kanya. Hihintayin niyang ito mismo ang magsabi sa kanya kung ano ang score nito at ni Eina. Kahit ikamatay pa niya ang pag-amin nito ay tatanggapin niya basta ito mismo ang magkusang umamin sa kanya.
“At kaya ko nga ito sinasabi sa ‘yo, di ba? Nagkita kami ni Dad kanina. Galing siya sa bahay. Nagkausap kami at nagkapatawaran. Everything is perfect, Belle!”
‘I don’t think so.’
Nakonsensiya rin si Lahynna na pinag-iisipan ng hindi maganda si Rubick. Lumalabas na wala siyang tiwala sa boyfriend. At mali iyon. Hindi siya dapat na basta nalang tumatalon sa konklusyon dahil sa nakita niya. She still needs to hold on to his words. Hihintayin niya itong umamin kung meron nga itong dapat na aminin.
“That was great. I’m happy for you, baby.” Pinilit niyang maging masigla sa harap ng boyfriend.
Inihilig ang ulo sa dibdib nito. She smelled him. She wanted to feel him more. Gusto niyang maramdaman na malapit na malapit ito sa kanya. Na hindi ito mawawala sa kanya. And as if on cue ay naintindihan ni Rubick ang kailangan niya. He enveloped her with his warm long arms. Let her feel she was home. Safe and secure. He was her home. Kapag nawala ito sa kanya, siguradong magiging palaboy ang kanyang puso.
“Kumain ka na?” Masuyong tanong sa kanya ni Rubick.
She just breathed against his chest. Sniffed his delicious masculine scent. “Busog na ako, dito palang.” Sabi niyang mas idiniin ang sarili kay Rubick.
“Oh, baby… stop.” He silently groaned near her ears.
“Why?”
Inabot ni Rubick ang isa niyang kamay at dinala sa unahan ng jeans nito. Right on the zipper. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang matigas na bagay mula roon.
“Rubick!” mahinang sita niya rito. “Nasa public place tayo.”
He handsomely grinned on her. “Kasalanan mo. You used to arouse me wherever we are.”
He had electrified her the moment he whispered that in her ears. Completely with the warm pleasurable breath of him. Ah! It made her breathless!
Hindi niya alam kung tatawa ba siya o hihilahin ito papunta sa office nito roon sa restaurant. Lokong lalaki ito, walang pinipiling lugar!