Chapter EPILOGUE-FINAL

PABALIk na sa dining si Lahynna dahil doon niya iniwan ang mag-amang Rubick at baby Aion—ang kanilang nine month old baby boy. Yes! They got a baby!

Hindi iyon plinano. Hindi niya rin alam kung paanong nabuntis siya samantalang gumagamit sila ng protection. At hindi rin naman niya binutas ang proteksyon nila tulad ng ginawa niya noon. Pero may hinala siyang nabuo iyon no’ng gabi bago sila nagkasundong mag-asawa. Dahil mag-iisang buwan magmula noon ay nakaramdam siya ng kakaiba mula sa katawan. Hindi biro ang naging takot ni Rubick para sa kanya. Nagkasundo naman na sila na kahit walang anak ay magiging masaya sila. Pero kapag nga pala plinano ng nasa Itaas ay walang pwedeng makakontra pa.

Isang malaking himala na hindi nagdeteriorate ang kalusugan niya. Hindi katulad noong una niyang pagbubuntis. Naging malusog siya at ang baby. Isa lang ang matigas na dinesisyunan ni Rubick. Hindi siya manganganak in a normal delivery. Nagkaroon siya ng psychological theraphy para mawala ang takot niya pagdating sa mga surgeries. Dahil madalas nga siyang laman ng ospital since teenage time, natatakot na siya sa ospital at lalong higit sa surgery. Marami kasi siyang nakikitang nag-undergo ng surgeries pero hindi naka-survive. Idagdag pang namatay ang anak niya kahit magagaling na doctor at apparatus na ang nakakabit dito. Pero sa tulong ng psychologist, naipaliwanag sa kanya na ang tiwala na magiging okay ang lahat, tiwala sa doctor at sa nasa Itaas ang dapat niyang kapitan para maging successful ang anumang pagdadaanan niya.

Suggestion na din ng bago niyang OB-Gyne na caesarean method ang gamitin. Hindi na raw kasi kaya ni Rubick na mangyari ang nangyari noon na pinilit niyang mag-normal delivery. Hindi na din nila kailangang hintayin ang pagla-labor niya at hindi na rin kailangang dumaan sa labor pain. Sila ang pumili ng date kung kailan ipapanganak ang bata na inaprobahan naman ng OB-Gyne. Birthday ni Rubick ang date na napili nila at date na pwede na ring magpa-ceasarian siya. Ganoon nalang ang tuwa ni Rubick nang malusog ang kanilang baby nang ipanganak niya iyon. At maging siya ay hindi nagkaroon ng complications. Hindi na mapantayan ang kanilang kaligayahan. Every hardships and pain were requited. Aion is the living evidence of their love.

Kanina ay pinapakain ni Lahynna ang anak nang sabihin ni Sally na nasa telepono ang kanyang ina. Ipinasa muna niya kay Rubick ang bata para kausapin ang ina. Gusto lang namang itanong ng kanyang ina kung nasabi na ba niya ang dapat sabihin sa asawa.

At siyempre ay hindi pa. Humahanap pa siya ng bwelo.

“I’ll tell you a story. Then, you’ll eat your foods, okay?”

Gusto niyang mapailing sa kalokohan ng asawa. Inuuto nito si Baby Aion para mapakain. And as if the little creature understood his father, tiningala nito si Rubick, with open mouth. Napangiti siya sa sarili nang marinig ang hagikhik ng anak. Just every giggle of this little creature and her heart had been full of warmth, joy and wonderful feelings. Isa pang ipinagpapasalamat nila na hindi rin nito namana ang sakit niya.

“Okay…” Nagsimula si Rubick magkwento. “Once, there was a beautiful maiden who met a beast.”

Aion giggled as if he understood every word his father was saying. At para bang lalong ikinaaliw iyon ni Rubick.

“Yes, son. An awfully cursed beast that was living in a dark world. Guess what! He looks like your Dad.” Natatawang sambit nito na sinubuan ng pagkain ang anak nilang humahagikhik sa high chair sa tabi ng asawa.

Ilang beses na ba niyang narinig ang kwentong iyon? Libong beses na yata. At hindi nagsasawa si Rubick na ikwento iyon sa wala pa namang malay sa mundo na anak nila. Parati itong may iba-ibang version pero iisa ang theme ng kwento nito. The beauty and the beast. Ang nag-iisang fairy tale story na alam ng kanyang asawa.

Natutukso na siyang pumasok sa kitchen pero mas pinili niyang pakinggan ang kwento ni Rubick. Maski napakadaming beses na niyang narinig iyon, hindi pa din siya nagsasawang pakinggan. At hindi siya magsasawang pakinggan ang kwento nila—

“The beast and the beautiful maiden decided to made love.”

“Anak ng tinapa!” Pasugod at nanlalaki ang mga matang lumapit siya sa kanyang mag-ama.

“W-Why?” Parang nalito si Rubick sa biglaan niyang out burst.

Napatayo pa ang asawa niya mula sa kinauupuan.

“Anong kalaswaan ang kinukwento mo sa anak natin?” Nakapameywang na singhal niya kay Rubick.

Ngumisi ang kanyang asawa. His eyes glitter in mischief.

“E’ totoo naman, ‘di ba?” Giit nito.

Pinong kinurot nga niya ito sa tagiliran.

“Wait! Wait! Wait!” Natatawang awat nito sa kanya. “Wala na akong maipang-uto kay Aion e. Ang hirap pakainin.”

She rolled her eyes. Aion was gazing up to them, smiling, giggling and smiling again. Na para bang naiintindihan nito ang mga kaganapan sa paligid.Rubick starts to snake his arms to her waist and leaned her against him. Para siyang siniklaban ng mainit na sensasyon nang lumusot sa maluwag na pang-itaas ang kamay ng asawa at masarap na humaplos sa kanyang tiyan.

“Rubick…” aniyang pilit nilalabanan ang sensasyong bigay ng mainit na palad nito sa loob ng kanyang pang-itaas.

Nakikiliti ang kanyang mga senses sa bawat paglalaro ng mga daliri nito sa kanyang tiyan, paangat sa kanyang dibdib. Napaigtad siya.

Wala siyang suot na brassiere!

Natutulog siya na walang ganoon at ‘di na nag-abalang magsuot pa kaninang magising dahil inuna niya ang pag-istima sa anak.

“Oh, babe…” mahinang anas niya. “The little creature was looking up on us.”

Nakakalokong tumawa si Rubick sa pananaway niya rito. “Don’t worry, baby. Hindi naman niya naiintindihan.”

Nagsimulang gumawa ng ingay si Aion gamit ang hawak nitong teether at ipinukpok sa mesa sa harap nito. Pero parang walang pakialam ang asawa. Hinayaan ang anak na gawin ang gusto nito sa kawawang teether at sa inosenteng mesa.Hindi rin siya nakapagpigil nang maramdaman ang kamay ni Rubick sa dibdib niya. Napapasinghap siya sa masarap na pakiramdam. Itinaas niya ang mga kamay at ipinaikot sa leeg ni Rubick. And savored his fresh, delicious masculine scent. Kusang umarko padikit ang katawan niya sa asawa. At naramdaman niya ang matigas na bagay sa bandang puson.

Oh, her husband’s thing was awake!

She could feel his intense need to have her, again and again…

“Ang aga-aga, Rubick —”

Namatay ang mga salita sa kanyang lalamunan nang sakupin ng mga labi nito ang mga labi niya. They drink from each other’s mouth, hungrily… passionately... At para siyang nalulunod na wala nang hangin sa loob ng kanyang baga, habang gumagalugad sa kanyang likuran ang isa pa nitong kamay.Her eyes shut as he gentle strokes his thumb over her nipple. Tila bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa mga ugat niya.

“Oh… Rubick…” Hindi niya napigilan ang pagkawala ng tila nalalasing na ungol. Gusto niya na ayaw pigilan ang asawa sa ginagawa nito. But Aion… “Aion have to eat.”

“I know, baby.” In a hoarse voice, he whispered in her ears.

He licked her there. Teasing her even more. Her knees weaken. She wanted to collapse right in his warm long and strong arms.

“Oh, please…” Hindi niya alam kung ano ba ang ipinakikiusap niya sa asawa. Ang tumigil ito o huwag itong tumigil?

“We need to eat…”

Aion was doing a harsh sound over the table. Noon siya pinakawalan ng asawa. Kamuntik siyang matumba kung hindi lang siya nito naalalayan sa kanyang baywang.

Bakit ito tumigil?!

“What the—?”

“Kumakain nga pala si Aion.”

A naughty mischief glistening in his handsome pair of eyes as he settles back on his chair.

“But—”

Tumalim ang mga mata niya sa asawa. Matapos siya nitong i-turn on ay bigla siya nitong ibibitin?

What the hell?!

“Mamaya ako kakain.” At ngumiti ito ng makahulugan sa kanya. Tila may ibang gusto iparating.

Tuluyang sumabog sa kabuuan niya ang nag-aapoy na pagnanasa sa asawa. Oh, he knew she couldn’t get enough of him. At talagang tinutukso siya nito!

But then, bago pa tuluyang mauwi sa kung saan ang isip niya, may biglangpumasoksa kanyang alaala.

“May sasabihin pala ako.”

Napakagat-labi siya at deretsong tumitig sa mga matang asawa.

“Ano ‘yon?” Tila napipilitan nitong tanong.

“Ayoko na ikaw pa ang kusang makaalam kaya sasabihin ko na sa ‘yo. ‘Yon din kasi ang sabi ni Mama.” Aniyang naupo na at itinuloy ang pagpapakain kay Aion.

Nang lumipad ang mga mata niya papunta kay Rubick ay nakita niyang natigilan ito. Hindi niya mapagdesisyunan kung kinakabahan o ano. Pero may ideya na siyang nahuhulaan na nito ang sasabihin niya.

“Don’t tell me, buntis ka?” Halos manginig ang boses ni Rubick.

Hindi siya nagsalita. Deretsong nakatitig lang sa mata ng asawa. At kitang-kita niya ang pagbaha ng matinding takot at pag-aalala sa gwapong mukha nito. Kung dati na niyang nakita itong ganoon, ngayon ay mas dumoble yata ang nakita niyang emosyon mula sa asawa. Siguro ay na-trauma na rin ang asawa sa nauna niyang pagbubuntis at kahit naging maayos naman ang pangalawa ay hindi nito makali-kalimutan ang nauna. Sabi nga nito, hindi sa lahat ng pagkakataon ay suswertehin sila kaya mahigpit itong gumagamit ng proteksyon. Hindi na nito gustong maulit ang nangyaring pagkawala nila sa control pareho kaya nabuo si Aion. Though, sobrang ipinagpapasalamat nilang nagkaroon sila ng ganito ka-cute na kayamanan.

“How come? Paano nangyari?” Tumalim ang mga mata nitong nakatutok sa kanya. “Binutas mo na naman?”

“Hindi.” Mariing tanggi niya na totoo naman.

“E’ paano? Naging napakaingat ko na nga. Bakit—”

“April fools!” Malakas na sambit niya at tinawanan ang reaksyon ng asawa. Nakikitawa rin si Baby Aion kaya mas lalo siyang napahalakhak.

“How could you trick me that way?!” Kahit naggagalit-galitan nalang ang boses ni Rubick ay dinig niya na mas nangingibabaw ang matinding relief nito.

Hindi niya makakalimutan at parating babalik-balikan ang mga sandali noong hindi siya nito binitiwan at inilaban siya hanggang sa huling sandali. Ganoon siya nito kamahal na ‘di siya nito kayang i-give-up maski napakaliit na ng tsansa. Hindi minsan man naisip ni Lahynna na ganoon pala kalalim at katindi magmahal si Rubick. Ganoon siya kamahal nito na binabalewala nito ang sariling pakiramdam para sa kanya at para suportahan ang lahat ng gusto niya. Hindi ito nagrereklamo kahit gaano kahirap tanggapin ng mga desisyon niya. Sa halip ay matatag na sumasabay ito sa agos na gusto niyang sabayan. At para doon, isinumpa niya sa sariling hinding-hindi na niya ito hahayaang maranasan ulit ang ganoon katinding paghihirap ng loob ng dahil sa kanya. Masaya na sila kahit sila lang tatlo ni Aion. Just the three of them. Masaya sila. Iyon lang ang mahalaga.

Tumayo siya. Nag-usod ng silya, palapit sa asawa. Busy na ulit si Aion sa paglalaro ng kung ano-anong nasa kandungan nito sa high chair. Magaang inabot niya ang gwapong mukha ni Rubick at binigyan ito ng napakasarap na halik sa mga labi.

“Masunurin na po ako, Mr. Rubick De Juego. You are my boss.” Malapad ang ngiting sabi niya rito.

Inalayan ito ng maliliit na halik sa gilid ng labi.Gumanti rin ito sa kanya. Mabilisang inangkin ang mga labi niyang nagpapasabik rito. Nauwi sila sa mapusok at nag-aalab na halikan.

“No. You are… and you will always be my boss.” His eyes twinkle as they smile. “I love you so much.”

And before she could utter anything, he ardorly kissed her non-stop.

“‘Yong sinasabi ko nga pala.” bulong niya sa gitna ng kanilang paghahalikan.

“Ano ‘yon?” Tila wala namang pakialam na tanong nito. Kung wala doon si Aion ay malamang na agad silang nauwi sa kama.

“Ikakasal na si Lanryd.”

“Hmmm…”

“Gusto niya na kasama din tayo sa entourage. Ikaw ang… uhmm… best man.”

Palagay niya ay hindi naiintindihan ni Rubick ang sinasabi niya dahil pulos ungol lamang ang isinasagot nito sa kanya habang walang pakialam na hinahalikan siya. Siguro, sa isang araw nalang ulit niya sasabihin dahil mukhang nawalan na talaga ng pakialam si Rubick sa lahat. At gusto na rin niyang mawalan ng pakialam sa lahat.

Pero biglang pumalahaw ng iyak si Aion.

“Naman! Wrong timing!”

Side story…

NAALIPUNGATAN si Rubick bandang alas-dos ng madaling araw. Mukhang tulog na ang lahat dahil wala na siyang naririnig na ingay mula sa labas. Tapos na sigurong mag-inuman ang kanyang mga kamag-anak. Bumangon siya mula sa kama. Nakakaramdam siya ng pag-ihi at nagkataon na ang silid na gamit niya ay walang sariling banyo.

Kasalukuyan silang nasa ancestral house ng pamilya ng kanyang ama doon sa Cebu. Isang linggo sila doon. Summer kasi. Tuwing summer ay nakasanayan na ng kanyang paternal extended family na doon magbakasyon. Isa na ring paraan ng family reunion. At kahapon nga lang nakompleto ang lahat. Kahapon lang kasi dumating ang pamilya nina Tita Dianne. Galing pa ang mga iyon sa Maynila. At dahil kompleto, nagkayayaang magkaroon ng beach party tutal naman ay ‘di ganoon kalayo sa dagat ang ancestral house. Inuman, kwentuhan at tawanan.

Maaga na siyang natulog dahil ‘di naman niya gusto ang mga pinsan sa side ng kanyang ama. Hindi siya close sa mga iyon dahil hindi siya marunong magbisyo tulad ng mga ito. At the age of twenty ay hindi pa niya sinubukang tumikim ng alak. Pokus siya sa pag-aaral. Kumuha siya ng Commerce, katulad sa kanyang ama. At ngayong susunod na pasukan ay nasa third-year na siya.

Idol niya ang Daddy niya. Successful businessman ito at kilalang-kilala na ang De Juego Pharma Corporation hindi lang doon sa Cebu kundi maging sa iba’t-ibang panig ng bansa bilang isa sa pinakamalaking manufacturer ng mga gamot. Ito ang major stock holder, President at Chief Executive Officer ng kompanya. Tinitingala at hinahangaan ito sa industriyang kinabibilangan nito.

Paanong hindi? Matalino, mayaman at magandang lalaki. Kung may ilang beses na nga itong napa-issue sa mga executives at mga naging secretary nito. But none of them had he believed. Dahil sabi na din nga ng kanyang ina, gwapo at successful ang kanyang ama. Maraming naiinggit rito kaya marami ang gustong sirain ito.At sino pa bang paniniwalaan niya kundi ang kanyang ina?

Inilagay ni Rubick ang ama sa pedestral. Gusto niyang maging tulad nito. At para doon, alam niyang natutuwa ang kanyang ama. Dahil wala naman itong aasahan sa Kuya Robyn niya. Mas pinili ng kapatid na sundin ang pangarap nitong maging kapitan ng barko kaysa naman mag-take over sa posisyon ng ama sa takdang panahon. At heto na nga ang kapatid. Isang buwan na ang nakakalipas nang sumampa iyon ng barko na para bang hindi na makapaghintay na iwan sila.

‘Ikaw na ang bahala kay Mommy.’ Natatandaan niyang bilin nito.

Ang ina lang nila ang pinagbilin nito sa kanya. Pansin din niya na malayo ang loob nito sa kanilang ama. Hindi nga lang niya pinopokus ang atensyon sa bagay na iyon kasi mas malapit ito sa ina nila. Siguro ganoon lang talaga. Kung maka-ama siya, ito naman ay maka-ina. Siya nalang talaga ang pag-asa ng kanyang ama dahil dadalawa naman silang magkapatid. At wala siyang balak na biguin ang ama. He’ll make him proud of him.

Pagkalabas ng silid ay dederetso na sana si Rubick sa dulo ng pasilyo nang makita niya sa ibaba ang isang pamilyar na bulto na tahimik na nakasandal sa dingding sa tapat ng isa sa mga guest rooms doon sa ground floor. Sandaling kinusot ng binatilyo ang mga mata. Baka kasi nagkamali lang siya. Hindi naman iyon ang silid na ginagamit ng kanyang mga magulang, bakit naroroon ang kanyang Mommy?

Mas lalo siyang na-curious nang makitang nagpapahid ng luha ang ina habang papalayo sa silid. Lumabas ito ng ancestral house. Siya naman ay maingat na bumaba ng hagdan at nilapitan ang guest room kung saan nakatigil ang ina kanina. Medyo nakaawang ang pinto kaya nasisilip niya sa siwang kung sino at ano ang ginagawa ng nasa loob.

Parang puputok ang ulo ni Rubick sa panlalaki ng kanyang utak habang nadidiligan iyon ng napakaraming isipin. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata sa pagbabakasakaling magbabago ang eksenang kanyang nakikita.

“Oh… harder… more!”

Nakakaeskandalo ang palitan ng salita ng dalawang magkapatong. Pero ang higit na nakakaeskandalo ay ang katotohanan na ginagawa ng mga ito iyon habang nasa loob ang mga ito ng magkaibang relasyon. Mag-inlaws ang mga ito at makikita niyang ganito?!

Nanlalaki ang mga mata ni Rubick na lumayo sa pinto ng guest room. Parang tinakasan siya ng kaluluwa habang wala sa sariling lumalabas ng bahay. Parang biglang gumuho ang mundo niya. Bumulusok paibaba ang pagtingala niya sa ama.Ano ang ibigsabihin ng lahat ng iyon? Paanong nagawa iyon ng kanyang ama sa ina niya? At si Tita Dianne sa Tito Carlo niya. Kailan pa ginagago ng mga ito ang buong pamilya De Juego?

It was a shame! His father was a shame!

Ikinakahiya niya ang kanyang ama!

KINABUKASAN...nagdesisyon si Rubick na yayain na ang ina na bumalik sila sa bahay nila dahil siya ang nasasaktan para rito habang nakikita nito ang mga taksil na kung kumilos ay para bang walang ginagawang milagro kapag natutulog na ang lahat.

Noon lang din niya napansin na may gap ang kanyang mga magulang. Hindi niya iyon napapansin noon dahil hindi naman halata sa mag-asawa na may problema ang relasyon ng mga ito. Until that time came that he found out the infidelity of his father.Kung nagtaka ang kanyang ama kung bakit siya nagyaya nang umuwi ay ‘di naman iyon kumontra. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kung magpaiwan ito doon sa ancestral house ng mga De Juego. Napakasakit ng nalaman at nakita niyang kawalanghiyaan nito.Dalawang araw ang lumipas at kumukuha lang siya ng tiyempo para usisain ang ina pero nang makapasok siya sa silid ng mga magulang habang hinahanap ang kanyang ina ay isang bagay ang ‘di niya inaasahang makikita. Mga envelope na naglalaman ng investigation results. Mga larawan ng iba’t-ibang babae na kinakalantari ng kanyang ama!Kung ganoon, totoo ang issue patungkol sa magaling na ama. At alam lahat ng kanyang ina ng tungkol doon pero itinago lang sa kanya?

Sa tindi ng galit at sama ng loob niya ay tinawagan niya ang kanyang Kuya Robyn para ipaalam ang tungkol doon, para umuwi ito at tulungan siyang kumastigo sa ama. Kaya lang, mas hindi niya inaasahan ang kanyang narinig mula rito.

“It is about time na yayain mo na si Mommy na makipaghiwalay kay… sa lalaking iyon.” Tila hirap itong tawaging Daddy ang kanilang ama. “Nagpapakatanga nalang siya roon. Baka sa ‘yo, makikinig na siya.”

Parang puputok ang dibdib ni Rubick. Hindi niya kinaya ang damdaming bumalot sa kanya. “A-Alam mo?” Halos hindi makapaniwalang tanong niya rito.

“Sa palagay mo, bakit mas gusto ko na nasa malayo kung maayos naman ang pamilya natin? Bakit mas gugustuhin kong magtrabaho para sa iba kung merong sadyang nakahandang trabaho para sa akin?”

Sumabog na siyang tuluyan. Sinumbatan niya ito at lahat na dahil ginagawa siyang tanga ng lahat. Wala siyang narinig na sagot mula sa kapatid. Sa sama-samang hindi magandang emosyon ay naibato niya sa concrete wall ng silid ang kanyang iphone. Durog-durog iyon na nagtalsikan ang iba’t-ibang parte sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang silid.Hindi niya matanggap ang lahat. Ang inaakala niyang perpektong pamilya, sa isang iglap ay bigla nalang nawasak.

Ah, hindi. Matagal na palang wasak. Hindi lang siya aware dahil nabubulagan siya ng matinding pagsamba at paghanga sa iniidolong ama. Sa kanyang idol na hindi pala dapat tuladan.

Isang linggo ang lumipas at nag-relocate sila ng kanyang ina sa Bohol kung saan nakatira ang mga magulang ng kanyang ina na matagal nang wala sa mundo. Care taker lang ang tumitira doon para ma-preserve at ma-maintain ang kagandahan ng mansyon. Napapayag niya rin itong makipaghiwalay na sa kanyang ama. Na sa palagay niya ay napilitan lang. Ilang linggo lang muli ang dumaan at parating wala ang kanyang ina. Hindi niya alam kung saan ito nagpupunta. Minsan ay ilang araw itong nawawala. Uuwi. Pagkatapos ay aalis na naman. Ni hindi nga niya alam kung naaasikaso pa nito ang restaurant na iniwan ng kanyang Lolo at Lola sa kanyang ina na naroroon rin lang naman sa sentro.Malapit na ang pasukan pero magulo pa din ang takbo ng mundo ni Rubick. Nag-aalala na siya sa kanyang ina kaya sinundan niya ito minsan. Para lang malaman na lumilipad ito pabalik sa Cebu. Ini-stalk nito ang kanyang ama at gumagawa ng paraan para magkasira iyon at ang bagong babae nito.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman para sa ina. Kung magagalit ba siya dito o maaawa. Akala pa naman niya ay nagsisimula na itong mag-move on nang magrelocate sila. Pero hanggaang ngayon, obsess pa din itong ilayo ang kanyang ama sa mga nagiging babae nito.Dumating ang araw ng pasukan. Labis-labis ang ibinibigay sa kanyang allowance ng kanyang ina bukod pa ang inihuhulog na pera ng kanyang Daddy sa kanyang account, pero hindi sapat ang mga iyon. Nasa pinakamahirap na punto siya ng kanyang buhay na wala siyang makakapitan. Wala siyang mapaghingahan ng sama ng loob. Hanggang isang grupo ng mga kaklase ang nagyaya sa kanyang lumabas at mag-happy-happy. Sinukuan na niya ang mga magulang. Napagod na siyang isalba ang pwede pang isalba.

Natuto si Rubick na bumarkada. Inuubos niya ang pera sa alak at babae. Wala sana siyang balak pakialaman ang pera galing sa ama dahil masama ang loob niya dito sa kawalan nito ng kahit na anong explanation sa ginawa nito. Pero hindi niya magagawa ang bisyo at ‘di siya makakasabay sa barkada kung wala rin lang siyang pera.Nakasali siya sa mga drag race. Kung saan-saan nagpupunta kasama ang mga barkadang itinuturing na pamilya. He had his first sex experience at twenty. And had it uncounted times with those women who flirted with him to wherever he go. Sa mga ganoong pagkakataon kasi siya nakakalimot sa napakapangit na reyalidad niya. Naiisip niya rin noon na kung gagawin niya ang ginagawa ng ama, baka maiintindihan na niya ito kung anong pleasure ang naibibigay ng pangongolekta ng babae na nakaya nitong ipagpalit ang magandang pamilya sa mga iyon. Pero hindi niya makita ang sagot sa tanong na iyon. He can’t find any special thing in collecting women and have sex with them. Hindi niya mahanap ang gustong mahanap, masagot ang gustong masagot.

Naging takaw-gulo na din siya. Palaging naiiwan at napagbubuntunan ng sisi kapag nagkakaroon na ng rambulan. Napabayaan ni Rubick ang pag-aaral. Bumagsak siya sa last sem sa ikatlong taon niya sa kolehiyo pero ‘di niya ipinapaalam sa ina. Tuloy ito sa pagbibigay sa kanya ng pan-tuition at allowance. Tuloy din ang kanyang ligaya. Kung minsan ay nadadala sa suhol ang professor at binabayaran niya para makakuha ng passed grades.Kung walang pakialam ang mga magulang sa kanya, pwes! Wala na rin siyang pakialam sa walang kwentang pamilya niya.

Nakilala siya sa buong lugar na patapon, iresponsable at takaw-gulo. Pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay buhay pa rin siya at humihinga maski wala namang may pakialam sa existence niya.Walang gumagabay sa kanya ngayong tuluyan na siyang naligaw.Paano ba siya babalik sa tamang daan? Walang nagmamahal at umaalala sa kanya.

Perodumating ang araw na napagod na siguro ang Diyos na panoodin ang mga pagkakamali at pagpapabaya niya. Came a day that he met a simply beautiful young lass that was as if sent from heaven.That moment when she shoots him with her warm brown eyes, it felt like suddenly he was at peace. Unti-unting napawi ang hindi magagandang pakiramdam habang nalulunod sa mababait na mga mata nito. At para bang may bumalot na mainit na bagay sa kanyang puso nang ngumiti ito sa kanya at mag-Thank you. Walang halong panlalandi ang ngiti nito. Puro at malinis, mga salitang ni minsan ay ‘di niya naisip na gagamitin parai-describe ang attitude ng isang babae.

Pakiramdam niya ay bigla siyang nagkaroon ng pakinabang sa mundo dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kanya at maging sa pagngiti nito. Na meron pa ring tao na makaka-appreciate ng existence niya.

And then, everything changed. Hinanap niya si Lahynna sa sentro, pero ang kapatid nito ang nakilala niya sa isang online game. The next were history he will forever treasure and forever be thankful…

WAKAS

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.