NAGLALAKAD-LAKAD si Lahynna sa dalampasigan. May malapit na beach sa kanilang subdivision at pinili niyang lumanghap muna ng sariwang hangin bago sumugod sa giyera. This time, wala nang makakapigil pa sa kanya. Babawiin na niya ang para sa kanya.
Iniempake ni Lahynna ang mga gamit. Balak niyang umuwi ng Bohol at asikasuhin ang pagpapa-cancel ng annulment nila ni Rubick. Babalik na din siya sa bahay nilang mag-asawa. Sa pagkakaalam niya, nasa mansyon ng biyenan ang mag-ina ni Rubick at si Mommy Miranda ang nangangalaga. Pagkakasyahin na niya ang kanyang sarili sa oras na kaya lang ibigay ng asawa sa kanya. Naiintindihan naman niya na may obligasyon sa anak si Rubick. Kahit ganoong nagagalit siya kay Eina, hindi niya kayang idamay ang bata. Wala naman iyong kasalanan.
Nagbuntong-hininga si Lahynna at tumigil sa paglalakad. Saka pinanood ang malawak na karagatan. Ngayon niya naintindihan ang naging sitwasyon at aksyon ni Mommy Miranda noon. At hindi niya masabing mahina ang ginang dahil hindi makapag-let go. Siya ang naging mahina dahil mabilis siyang sumuko. Mahal niya si Rubick pero mabilis siyang bumitaw. Pero si Mommy Miranda, kahit nalaman nito ang pagtataksil ng asawa, hindi ito basta bumitiw. Siguro, dahil sobrang mahal nito ang asawa. At isa pa nga, ayaw nitong masira ang pamilya. Pero dumadating nga pala sa hangganan ang lahat.
Gusto na niyang putulin at itapon ang lahat ng insecurity na lumalamon sa kanya sa mahaba-haba ring panahon. Handa na siyang mabuhay at tanggapin kung ano lang ang kaya niya. Basta huwag mawala sa kanya ang asawa.
“I’m sorry, babe…” Mabigat na bulong niya sa hangin. Nandoon na lahat ng pagsisisi niya sa mga maling naging desisyon. Gusto rin niyang iiyak lahat ng sakit at ubusin, ipatangay sa hangin. Para kapag bumalik at humarap siya sa asawa, ang dating Lahynna na ang makikita nito.
She couldn’t wait to get her husband back.
“Belle…” Kasabay ng malumanay na tinig ang pagbundol ng matigas na bagay sa kanyang likuran at ang pagpaikot ng matitigas na braso sa kanyang baywang.
Napasinghap si Lahynna nang maramdaman ang mainit na hininga ng asawa na tumatama sa balat sa kanyang leeg. Gusto niyang mapaungol sa masarap na sensasyon pero mas pinaibabaw niya ang matinong isip.
“P-Paano mo nalamang nandito ako?” Pigil niya ang sariling mapadaing sa matinding pangangailangan nang tuluyang dumampi ang mga labi nito sa kanyang leeg.
“Kanina pa kita sinusundan. Mula sa bahay ng Tita mo.”
Tiningala ni Lahynna ang asawa. Magtatanong na sana siya nang unahan siya nito sa pagsasalita.
“Bakit basta mo na naman ako iniwan?” Agad nasalamin ang sakit at pangungulila sa mga mata ng kanyang asawa. “Alam mo ba kung gaano katinding takot ang naramdaman ko nang magising ako na wala ka na sa tabi ko? Akala ko, okay na tayo. You were whispering words of love, last night. Nagsisinungaling ka lang ba?”
Sunod-sunod na napailing si Lahynna. Nagsimulang uminit ang kanyang mga mata at sigurado siya, anumang sandali ay babagsak na ang kanyang mga luha. Kaya mabilis siyang pumaling paharap rito, inabot ang mukha ng asawa at binigyan ito ng malalim na halik. Kasabay ng pagtugon ni Rubick ang paglandas rin ng mga luha niya. Nahinto tuloy ang asawa at pinatigil siya sa ginagawa.
“Why…?” Puno ng pag-aalalang tanong nito.
Nakangiti na siyang umiling. “I was just happy I still have you. Natakot ako na baka kung kailan kaya ko nang lumaban, wala na pala akong babalikan.” Nabasag ang tinig ni Lahynna. “I’m sorry, naging mahina ako. I’m so sorry, babe. Mahal na mahal pa rin kita at hindi iyon nabawasan kahit konti kahit magkalayo tayo. Pasensiya ka na kung nagpalamon ako sa insecurities ko. I’m sorry din kung naging makasarili ako at sinolo ko ang lahat. Nakalimutan ko at hindi ko pinansin na nasasaktan ka din. Sorry kung—”
“Sssshhh…” Pinatahimik ng mga labi ni Rubick ang mga labi niya sa isang mainit na halik. “Tama na, okay? Tapos na iyon. Nasaktan ka at ako. Pareho tayong nasaktan. Pareho din tayong magpagaling, magkasabay. At wala nang iwanan magmula ngayon. Can you promise?”
Sunod-sunod na tumango siya habang patuloy sa paglandas ang mga luha niya. Mabilis na tinuyo iyon ni Rubick ng maliliit na halik.
“Sobrang mahal kita, Belle. Sobra-sobra na para akong buhay na patay habang wala ka sa tabi ko. Ikaw lang Lahynna Belle, ikaw lang ang gusto ko sa buong mundo. You are my life, my air to breath… kapag umalis ka pa ulit sa buhay ko, para mo na din akong pinagdamutan ng karapatang mabuhay pa.”
Buong pagmamahal na tiningala niya ang asawa. Nakikita niya ang nag-uumapaw at sari-saring damdamin mula roon. At sigurado siyang nangingibabaw ang contentment at happiness habang sinasalubong nito ang mga mata niya. Bumaba ang mga labi nito sa tungki ng kanyang ilong at magaang hinalikan, napapikit nalang si Lahynna.
“Uwi na tayo?”
Mahigpit na yumakap siya sa asawa. “Mamaya na. Let’s stay like this for more than a while.”
Bahagyang natawa si Rubick at mahigpit ring yumakap sa kanya. Noon niya naramdaman ang walang kapantay na kapanatagan, contentment at kaligayahan. Sa higpit ng mga yakap ni Rubick, pakiramdam niya ay wala nang makakapaglayo pa sa kanilang mag-asawa sa isa’t-isa.
“Ako pala ang dapat mag-sorry, babe.” Umangat ang ulo ni Lahynna at nagtatanong ang mga matang tinitigan ito. Isang gwapong ngiti naman ang isinagot ni Rubick sa kanya, saka… “Kung ang iba nagbabayad para mapadali ang annulment, ako naman, matagal nang nagbabayad para mapatagal ang annulment. Akala mo ba, isusuko nalang kita ng ganoon? Habang nabubuhay ako, you’ll stay as my wife. Just death will do us part, at tumutupad ako sa pangako.”
Hindi na alam ni Lahynna kung ano ang sasabihin. Buong akala niya ay sumuko na din ito. Siya lang pala itong naging mahina sa kanilang dalawa.
BUMALIK sa dati ang lahat. Nasa DJP-Bohol na ulit sina Rubick at Lahynna. Pumayag si Robyn na makipagpalit sa kapatid tutal, kailangan na din nitong harapin at pakitunguhan ng maayos ang ama. Kung paanong nakumbinsi ni Rubick ang kapatid ay hindi niya alam.
‘It’s time for him to heal. Kung gusto niyang maging totoong masaya siya.’ Iyon lang ang sinabi ng asawa at hindi na rin naman siya nag-usisa. Ang mahalaga, masaya sila. Lalo na ang kanyang pamilya.
Nang bumalik siya sa bahay nila ni Rubick, muli niyang naalala ang masasaya at masasakit na alaala. And it’s okay. It is part of their life. Hindi na niya iyon pwedeng takasan tulad ng ginawa niya nitong nakaraang mga buwan. She should deal with the pain and get over and done with it. Together with her husband.
Hindi na rin masyadong masakit sa kanya na isiping kailangan ni Rubick na magbigay ng oras para sa anak na si Rain. Kung minsan nga ay siya pa ang nagtutulak dito na dalawin ang anak.
‘Sasama ka ba pauwi sa bahay ni Mommy?’
At kapag tumatanggi siya ay hindi na ito nagpipilit. Hindi na rin naman ito umaalis. Gusto tuloy niyang makonsensiya. Hindi mapuntahan ni Rubick ang anak, siguro dahil iniisip nito ang damdamin niya. Pero kapag itinutulak naman niya ang asawa ay ngingitian lang siya at saasabihing ito na ang bahala sa bagay na iyon.
Weekend nang makatanggap si Lahynna ng tawag mula sa biyenan at ini-invite silang mag-asawa na doon mananghalian. Wala naman siyang choice kundi umuo. Nahihiya siyang tumanggi bukod pa sa matagal niya itong hindi nadalaw sa bahay. Sa restaurant at sa DJP lang sila nagkikita.
Tinipon ni Lahynna ang lahat ng lakas ng loob habang papasok sa entrada ng mansyon. Masakit makita roon ang mag-ina ni Rubick. Pero hindi naman siya patatalo sa damdaming iyon. Hindi na ulit.
Bahagya pa siyang nagulat na si Mommy Miranda lang ang sumalubong sa kanilang mag-asawa. Pasimple siyang nagtitingin-tingin sa buong bahay at nakikiramdam sa presence nina Eina at Rain pero mukhang wala doon ang mag-ina. Maski sa hapag ng pananghalian, sa kwentuhan nilang magbiyenan at sa pagsi-siyesta sa wakas, ay walang Eina at Rain siyang naramdaman.
Hindi tuloy siya nakatiis at nagtanong. “Nasa mall po ba ang mag-ina ni Eina?”
“Mall? Hindi ko alam. At wala na akong pakialam sa kung anong ginagawa nila ngayon.” Tumigas ang mukha ng ginang na ipinagtaka niya. Pagkuway kumunot ang noo na bumaling sa manugang. “Wait. Hindi ba sinabi sa ‘yo nitong si Rubick na pinaalis ko na ang mga sinungaling na iyon?”
Bumaling siya sa asawa na nagkibit-balikat lang. Ngumiti ito sa kanya saka sa ina. “I think hindi na kailangan pang pag-usapan ang mga bagay na tapos na.”
Hindi alam ni Lahynna ang mararamdaman. Bakit may hindi sinabi si Rubick sa kanya at bakit ganoon nalang ang galit na nakita niya sa mukha ng biyenan?
“Babe?” Untag ni Lahynna sa nasa tabing asawa. Magkatabi silang nakahiga sa lounge doon sa garden. Si Mommy Miranda ay nasa lanai na at nagbabasa ng paboritong paperbacks.
“Hmm?” Nakangiting bumaba ang tingin nito sa kanya, hawak ang cellphone at naglalaro ng online games. Siya naman ay viewer at panggulo lang nito.
“Anong nangyari?” kunot-noo at nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa kanya. “Bakit parang galit si Mommy kay Eina? Hindi ko maintindihan. Dati kasi, nakita kong naaaliw si Mommy sa apo niya.”
Nagtagis ang mga bagang ni Rubick pero mabilis ring kumalma. “I told you. Hindi niya apo si Rain at naaawa ako sa bata dahil kinakaladkad ni Eina sa gulo ang sariling anak.” Kaswal lang ang pagkakasabi ni Rubick na para bang nagkukwento lang ito ng isang pangyayari sa paligid.
Napaunat tuloy siya at bumangon na sa pagkakahiga. Nalilito siyang talaga. “What do you mean? Anak mo si Rain e’di apo siya ni Mommy Miranda.”
“Calm down, okay?” Binitiwan na din ni Rubick ang cellphone at hinarap siya.
Kinabig ni Rubick ang asawa saka kinandong. Gusto pa sana niyang kumawala pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang baywang.
“Sinabi ko naman sa ‘yo, di ba? Hindi ko anak ang batang iyon.” Giit nito sa kanya. Mas humigpit ang mga braso sa kanyang baywang nang maramdamang balak na naman niyang pumiglas. “Mukhang maganda ang epekto ng mga bago mong treatment kasi hindi na nahihirapan ang puso mong tanggapin ang mga mabibigat at maseselang bagay.”
“Pero ang DNA test?” Hindi niya pinansin ang huling sinabi ng asawa.
“Pineke nila ni Ralph.” Madilim ang gwapong mukhang sabi nito. Tila bumuhos ulit ang galit na kailan ba niya huling nakita? “Narinig siya ni Mommy na kausap sa cellphone si Ralph. Nanghihingi ng pera si Ralph kay Eina kapalit ng pananahimik nito. At sinabi ko naman sa ‘yo, si Ralph ang ama ni Rain. Pinaako sa akin ni Eina ang bata dahil mas matutulungan ko siyang maipagamot ang anak niya kaysa sa totoong ama. And besides, pamilyadong tao si Ralph, itatanggi talaga siya nito.” Nagtagisan ang mga bagang ni Rubick sa matinding galit.
Maski siya ay hindi alam kung ano ang mararamdaman. Napakawalanghiya ng kanyang pinsan para gawin ang lahat ng iyon sa kanila.
“Hindi ba at noon pa man, ayaw na niyang ipa-DNA test ang bata? No’ng nagkasakit ang bata, nagmamakaawa siya kay Ralph na tulungan sa pagpapagamot pero walang maibibigay ang lalaking iyon. There came the evil plan. Ini-blackmail ni Eina si Ralph na kung hindi matutulungan na mapeke ang DNA test result, guguluhin niya ang pamilya ni Ralph. She did that out of desperation. Her son is indanger, what do you expect? Palagay ko naman kasi talaga, plano nalang ni Eina na palakihing mag-isa ang bata. Pero lumabas nga ang sakit ni Rain at nangyari ang mga nangyari. Pinanindigan na din niya ang kasinungalingan niya. But everything must come to an end. And this is her end.”
Tama. Napakatuso ng babaeng iyon. Kahit ano ay kayang gawin ni Eina, makuha lang ang gusto.
“Pero bakit hindi mo sinabi sa akin? Mahigit isang linggo na tayong nakabalik dito sa Bohol.”
Sa halip na intindihin ang galit sa pinsan ay pagtataka ang inuna niya. Tapos na iyon, nangyari na. Wala nang silbi kung magalit pa siya.
“Kasi… gusto ko lang siguraduhin na babalik ka sa akin, meron o walang katibayan ng pagkakamali ko.” Pabuntong-hininga na tugon ng asawa. “Isa pa, gusto kong malaman kung hanggang saan na ang tiwalang kaya mong ibigay sa akin ngayon.”
Napatitig si Lahynna sa asawa. Ngumiti naman ito sa kanya. Nakaramdan siya ng guilt.
Trust… napakahina ng paniniwala at pananalig niya sa asawa. Siguro dahil sa dami na din ng nangyari, maski ang tiwala niya dito, nayanig na ng sunod-sunod na delubyo. Pero hindi na ngayon. Hindi na siya papatalo sa kahit ano.
“Alam mo bang sobrang nasaktan ako no’ng nakikita at nararamdaman kong wala kang tiwala sa akin. Na kapirasong papel lang, kayang sirain ang relasyon natin? Na walang silbi ang salita ko sa ‘yo kasi mas naniniwala ka sa iba. Sobrang sakit no’n, Belle. Kasi, kung wala kang tiwala at ako lang ang nagtitiwala, hindi magwowork ang relasyon natin. Trust is the most important thing we must have in a relationship. We can’t work things better if we don’t trust each other.”
She smiled apologetically on her husband. “I admit. And I’m sorry. I promise now, to do better and give my best to work things out. Hindi na ako basta susuko. Hindi na kita basta susukuan.” Humilig siya sa malapad at matigas na dibdib nito. “And I’m sorry for…” She heaved a sigh. “Sinabi mo sa akin na hindi mahalaga sa ‘yo ang anak… pero sa sobrang obsession kong maibigay sa ‘yo ang bagay na nasira sa ‘yo noon, hindi ko na napansin na sinisira ko na ang relasyon natin. Naging pre-requisite sa isip ko ang pagkakaroon ng anak para mabuo tayo bilang pamilya. I’m sorry.”
“No... I’m sorry, Belle.” Magaang hinagkan nito ang kanyang tuktok. “Na-realize ko na masyado rin akong naging makasarili noon. Ipinipilit ko sayong tanggapin ang ebidensiya ng pagkakamali ko, samantalang hindi ko kayang makita at hindi ko matanggap ang kapatid ko pala, na inakala kong pinsan ko lang. Nakita ko sa ‘yo ang sarili ko. At nakita ko rin ang sitwasyon ni Mommy sayo. Tama ka. Hindi madaling tanggaping may kahati ka sa mahal mo. Noong nakikita ko si Mommy na habol ng habol kay Daddy at sobrang miserable... Na kahit nasasaktan na, nagmamahal pa din. Na kahit nahihirapan na, lumalaban pa din. Ayokong maging ganoon ka. Ayoko nang saktan at pahirapan ka kaya hindi ko na din ipinilit ang sarili ko. Ang hinihintay ko lang noon at pinanghahawakan, is the faith that you’ll give your trust to me again, you’ll trust me like you did before. Hindi ako sumuko sa paniniwalang babalik ang tiwala mo. Na mahal mo ako kaya magtitiwala ka ulit sa akin…”
Pinigilan ni Lahynna ang mapahikbi dahil sa naririnig. Hindi lang siya ang nahirapan sa sitwasyon nila. Mas higit ito. At tama ito… bakit naiwala niya iyon? Kaunting lindol lang sa samahan nila, bumigay at nagpatalo na siya? Napakahina niya… Pero sobrang nagpapasalamat siya na matatag si Rubick. Na kahit sumuko na siya noon, hindi ito sumuko at nagtiwalang maaayos pa. Kung maski ito, sumuko na sa kanila, baka hindi na dadating ang araw na ito. Na magkasama sila ulit. Na masaya na sila ulit.
“You know, isa lang naman ang maipagmamalaki ko at kaibahan namin ni Daddy. Isang babae lang ang minahal ko. At sa buong panahon na magkarelasyon tayo, hindi ako nagtaksil sa ‘yo. Hindi ako nagmahal ng iba.” He lovingly kissed the top of her head. “Naiintindihan ko ang insecurity na naramdaman mo noon at gusto kong alisin na iyon ng tuluyan sa ‘yo, katulad ng pag-aalis mo ng mga insecurities ko. Ayokong may mga hindi magagandang bagay na naman ang pumagitna sa atin. Let’s just live the way we should be. Kontento naman na ako sa ganito. Masaya na ako sa ganito.”
Nangingislap ang mga matang tiningala niya ang asawa habang nakatuon ang baba sa dibdib nito. “And I am more than happy being with the most handsome husband on earth. I am contented now that I have you back, Rubick. I don’t know how to put this emotion into words… basta. Sobrang-sobrang-sobrang masaya ako na nakabalik na tayo sa isa’t-isa.”
Sinagot nito ng mainit na halik ang mga sinabi niya. Sa halik na iyon niya naramdaman ang walang kapantay ring kaligayahan nito. Walang kapantay na pagmamahal sa kanya. Hindi na niya ito isusuko ulit kahit ilang libong Eina pa ang muling magtangkang sumira sa kanila.
She will hold on tight and believe in their love. Together they will fight all the problems, obstacles and misgivings that were going to enter into their lives. Together they will fight, shield with their love for each other.