Chapter FTCM3: MFTS 27

EXCITED na nagbihis ng T-shirt at genie pants si Beliza saka sinuklay ang basang buhok. May training ulit sila ni Cardo sa umagang iyon. Sa pagkakataong ito ay mag-i-sparring na sila para daw mahasa siya kapag totoong combat na.

Her wound is healing nicely. Naigagalaw na niya ang braso nang hindi kumikirot. Kaya naman pinatitindi ni Cardo ang training niya. She was getting used to their routine. Sa umaga ay nagte-training sila at magre-review mula hapon hanggang gabi. Wala rin naman silang gagawin sa labas ng bahay dahil araw-araw umuulan.

Kumuha siya ng pulbo at nilagyan ng powder ang mukha. Lumabas siya ng kuwarto para magtanong kay Lilybeth kung may make up ito o kahit eyebrow pencil at mascara man lang nang matigilan. Bakit naman siya magpapaganda? Sa bahay lang naman siya. Magte-training lang siya at tatagaktak ang pawis niya kapag nag-sparring sila ni Cardo. Ni sa harap nga ni Jeyrick di siya masyadong nag-aayos kapag nagkikita sila.

Bakit gusto kong magpaganda ngayon? Pwede naman akong magpaganda kahit anong oras ko gugustuhin.

Ipinilig niya ang ulo. Baka pagtawanan lang siya ng lalaki o kaya ay masermunan dahil magmumukha siyang lusaw na clown kapag nag-training siya nang naka-make up. Baka isipin pa nito na nagpapaganda siya dahil dito.

Ginagawa ko ba ito dahil kay Cardo?

Inipon niya ang buhok sa mga kamay at bumuga ng hangin. Huwag na lang magpaganda. Wala namang okasyon. Training lang. Hindi na ito tulad noong teenager siya na excited siyang magpaganda pag nagkikita sila ni Cardo. As if she was falling back to her old habit. Making herself beautiful for Cardo.

Hindi siya ang boyfriend ko. Si Jeyrick. Si Jeyrick. Okay? Protektor ko lang si Cardo. Kaibigan. Pinsan ng “boyfriend”. Wala nang iba.

Pinilit niyang maging normal nang bumaba sa sala. Naabutan niya si Lilybeth na nagbubuklat ng album. "O! Beliza, nanggaling ka na pala dito dati. May picture pala kayo ni Cardo dati sa falls. Hindi ba ikaw ito?”

Parang nalusaw ang puso niya nang makita ang picture niya kasama si Cardo. Stolen shot iyon habang magkausap sila para sa pictorial niya sa falls. “Hindi ko alam na may ganito kaming picture.” At hindi niya alam na itinago nito. Sa falls niya mas nakilala si Cardo. Umakto ito na bodyguard niya at tourist guide. Mas marami pa itong alam na kwento kaysa sa guide nila. Kayo lalo siyang napamahal sa Lias.

“O! Mukhang close kayo,” sabi nito at ipinakita ang picture nila habang kumakain sa isang fastfood sa Baguio pero may kasama silang ibang kaibigan. Boyfriend na niya ang lalaki noon at pasimple lang silang nagkikita.

“Ah! May common friends kami. Naki-share lang ng table. So parang friends din kami.”

Tumango-tango ito. "Ahhh! Kaya naman pala parang di ka lang basta assignment para sa kanya. Parang friends din kasi kayo.”

"Ibinilin din ako ni Jeyrick sa kanya,” dagdag niya at kinagat ang labi. Di niya alam kung ano pa ang pwedeng mahalungkat ni Lilybeth.

“Wala akong makitang picture ng ex-girlfriend niya dito.”

“Hindi ba siya?” tanong niya at itinuro ang picture nina Glenda at Cardo sa Karanag Falls habang naliligo ang mga ito.

“Bestfriend siya ni Cardo. Hindi siya ‘yung inungutan ni Cardo ko ng Toblerone dati.” Sakto naman na bumababa ng hagdan. “Cardo, anong pangalan ulit ng ex-girlfriend mo? Meliza ba iyon? Parang ganoon ang pangalan.”

Nagtatakang tumingin si Cardo sa kanya. "Cardo, punta tayo sa falls. Maaliwalas ang panahon sa labas. Maaga pa naman ngayon. Wala naman sigurong tao,” sa halip ay yaya niya sa lalaki para maiba ang usapan.

"Kailangan kong umalis. Magkikita kami ni Glenda. May kukunin ako sa kanya. Importante lang.”

"Iiwan mo ako dito?" tanong ni Beliza sa mataas na tono. Aray ko, bhe. Masakit. Iiwan siya nito para kay Glenda. Mas importante pa si Glenda kaysa sa kanya.

"Dadating si Edward para bantayan kayo. Kasama mo si Lilybeth. High alert pa rin ang opisyal ng baranggay dito ako kapag may di sila kilala na maghahanap sa akin o sa iyo.” He tapped her head like a good kid. “Mag-review ka muna. Saka na tayo mag-training.”

“Hoy, Cardo! Di ba pwedeng iba na lang ang makasama kong magbantay kay Beliza. Huwag na lang ‘yung Edward na iyon,” apela ni Lilybeth.

“Trabaho lang, walang personalan, ate. Hayaan mo naman magkaroon ng konting kaligayahan ang partner ko. Masaya na siyang makita ka kahit di mo kausapin. Saka babalik din naman ako,” sabi ni Cardo sa magaang boses.

Sa buong pagkakataong iyon ay nakatitig lang siya sa lalaki. Bumalik na naman siya sa pagiging dating Beliza. Iiwan na naman siya nito para kay Glenda.

Nakangiting bumaling sa kanya si Cardo. “Anong gusto mo pag-uwi ko?”

Ayokong umalis ka. Huwag ka nang pumunta kay Glenda.

Umalis pa rin ito noong nakiusap siya dati. Girlfriend pa siya noon. Ano naman ang dahilan niya ngayon para pigilan ito? Wala na silang relasyon. Wala na siyang valid reason para pigilan ito. Parte lang siya ng trabaho nito. May personal itong buhay.

Tipid siyang ngumiti. “Wala. Basta safe kang makabalik.”

“Alam ko naman na gusto mo nang makabalik kay Jeyrick. Huwag kang mag-alala. Makikibalita ako sa kanya.”

“S-Salamat,” aniya at tipid na ngumiti.

Pero parang di siya masaya sa posibilidad na magkita silang muli ni Jeyrick o babalik siya sa normal niyang buhay. Parang mas masaya siya kung di na lang aalis si Cardo at mananatili na lang ito sa tabi niya.

Paano nangyari iyon? Ilang araw ko lang kasama si Cardo. Imposible na mas gusto ko siyang makasama kaysa kay Jeyrick. Si Jeyrick ang mahal ko.

"Di mo na sinagot ang tanong ko,” untag ni Lilybeth sa kanya. Hawak nito ang reviewer niya sa Law and Taxation.

“Sorry. Na-block kasi ang utak ko. Pwede bang mamasyal sa labas?” tanong niya.

“Sige. Doon sa may sweet ponkan orchard?”’

“Hindi. Gusto kong pumunta sa Karanag Falls. Isang linggo na ako dito. Mababaliw na ako,” sabi niya at sinabunutan ang sarili. Baka kung ano pa ang magawa niya sa kaiisip kung gaano kasaya sina Cardo at Glenda habang magkasama.

“Baka di tayo makalabas,” nag-aalalang sabi ni Lilybeth. “May bantay tayo.”

“Anong ginagawa ng charm mo? Gamitin mo,” tukso niya at kinindatan ito.

Ngumiwi ang babae. “Eeeww! Baka isipin niya binibigyan ko siya ng chance.”

“Wala naman mawawala sa iyo. Sige na please. Mababaliw na ako dito.”

“Oo na. Wala akong planong mag-alaga ng pang-mental. Kakausapin ko na.”

Makalipas ang ilang minuto ay nakaismid na bumalik si Lilybeth. “Pumayag na siyang samahan ako sa falls pero dapat daw ngitian ko siya.”

“O! Wala naman masama kung ngingitian mo siya. DI naman kiss iyon.”

“Oo na. Ngingitian ko na para sa iyo. Kundi ka lang talaga mahal ng pinsan ko...”

“Thank you! Maglalagay lang ako ng bulutong sa balat ko,” sabi niya. “Para kung may makakita man sa akin, magtatakbo na agad.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.