Chapter FTCM3: MFTS 37 (The End)

Nanlamig ang katawan niya. “Pagnanakaw? Bakit naman ako magnanakaw? Ano naman ang nanakawin ko? Bok, malinis ang record ko. Ni hindi nga ako nangupit ni piso sa nanay ko noong bata ako.”

Simple lang ang buhay. Hindi siya maluho. May pera pa siya sa bangko na galing sa mga magulang niya na di niya ginagalaw mula nang magka-trabaho siya.

“Hindi rin malinaw, Bok. Basta kausap ng babae si Hepe ngayon.”

Dali-dali siyang bumiyahe papunta sa poblacion. Hindi niya gusto ang nangyayari. Sino naman ang gustong manira sa kanya? Inisip niya ang mga lugar kung saan siya nakadestino dati o mga kasong nahawakan niya. Sino ba ang makikinabang kapag nasira ang pangalan niya?

Kumatok siya sa pinto. “Permission to enter, Sir.”

“Officer Chogsayan, pumasok ka."

Sumaludo agad siya sa superior pagpasok. “Thank you, Sir.”

Natigilan siya nang makita ang babae na nakaupo sa harap ng hepe niya. Beliza. Parang piniga ang puso niya nang magtama ang mga mata nila ng dalaga. She was hauntingly beautiful. Mukhang pagod ang mga mata nito dahil marahil sa puyat sa pagre-review para sa board exam pero parang kumislap iyon nang makita siya. As if she was excited to see her. Pero mabilis ding nawala iyon at iniwas ang tingin sa kanya. Inisip tuloy niya kung imahinasyon lang niya ang pagkasabik sa mga mata nito.

Namanhid ang buong katawan niya nang maalala ang sinabi ng kasamahan na may nagreklamo sa kanya ng pagnanakaw. Si Beliza lang naman ang nasa opisina ng hepe niya. “Anong ginagawa mo dito, Beliza?"

"Bumisita si Miss Mendez dahil may gusto daw siyang ireklamo ng pagnanaw sa mga tauhan ko. Siya ba 'yung nagnakaw, Miss Mendez?" magalang na tanong ng hepe niya.

"Siya nga, Chief," sagot na walang gatol ni Beliza.

Napamaang ang binata. "Anong ninakaw ko?”

Isang buwan silang di nagkita ng babae. Wala siyang pinakialaman na importanteng gamit nito noong magkasama sila. May nawawala ba itong gamit at sa kanya ibinintang? O baka naman galit ito sa kanya dahil sinabi niya na mahal niya ito. Nagkaproblema ba ito kay Jeyrick dahil sa kanya?

She raised her chin, her sharp eyes mellowed when it met hers. "Ang puso ko. Ninakaw mo ang puso ko."

NAALIW si Beliza sa pagbabago ng emosyon sa mga mata ni Cardo. Mula sa saya ay napalitan iyon ng iritasyon. Mukhang di ito natuwa sa deklarasyon niya ng pag-ibig.

Kalahating araw ang ibiniyahe niya mula sa Maynila at ipinag-drive pa siya ni Jeyrick. Iniwan nito ang mga responsibilidad nito para lang ihatid siya ng Barlig. Dahil kinakabahan ay hinayaan niya itong magplano sa paghaharap nila ni Cardo. Kailangan daw nilang tiyakin na di siya iiwasan ng lalaki. At ang kailangan lang daw niyang sabihin kay Cardo at sa harap ng hepe nito ay ito ang nagnakaw ng puso niya.

Naku, Jeyrick! Bakit ba ako nagpapaniwala sa iyo? Kapag ako ang nabasted dito, sasakalin talaga kita.

“Chief, excuse me lang po. Mag-uusap kami nang masinsinan ng biktima ko,” sabi ni Cardo at hinawakan siya sa braso. “Pasensiya na po kung sayang ang oras ninyo.”

“Oy! Huwag mo akong kaladkarin. Pwede kitang ireklamo ng police brutality,” sabi niya nang hilahin siya nito palabas ng presinto.

“Ano naman ang tawag mo sa ginagawa mo sa akin? Hindi ba mas brutal ka?” angil ng lalaki at nilapitan si Manang Lourdes na nakatayo sa harap ng tindahan sa baba ng Seaworld Inn. “Manang, doon lang po kami sa taas ng inn. Mag-uusap lang po kami ng pamangkin ninyo. Mukhang wala sa sarili.”

“S-Sige,” sabi ni Manang Lourdes at nag-thumbs up pa sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kahahantungan niya. She knew she was in trouble.

Umakyat sila sa ikalawang palapag ng inn at isinara nito ang pinto para walang ibang makaakyat at makabulahaw sa kanila. Binitiwan siya nito at tumayo siya sa gitna ng receiving area.

Niyakap niya ang sarili. “Cardo...”

Madilim ang mukha siyang nilapitan ng lalaki. "Nasisiraan ka ba? Anong ginagawa mo dito? Lasing ka ba para akusahan akong nagnakaw sa iyo. Akala mo ba nakikipaglaro lang ako sa iyo?”

“Sa palagay mo ba bibiyahe ako ng thirteen hours para lang makipaglokohan sa iyo?” Huminga siya ng malalim. “Mahal kita.”

Ngumisi ito. “Mahal mo ako?” tamong nito sa mataas na tono. “May naging problema ba kayo ni Jeyrick? Gusto mo bang gumanti sa kanya?” Naggiyagis ang ngipin nito. “Pinili na ba niya si Paloma?”

Hinawakan niya ang lalaki sa magkabilang pisngi. “Ikaw ang pinili ko.”

Tumingkayad siya at inilapat ang labi sa labi nito. It was a tentative kiss. Hindi niya alam kung tatanggapin ng lalaki. It was something that she didn’t dare do with Jeyrick. Kahit nang gusto niyang selyuhan ang pwesto nito sa buhay niya, di siya nagtangka na halikan ito. But she would willingly do it for Cardo. It was short and sweet.

Pero itinulak agad siya ng lalaki palayo. Nag-Olympic dive na naman ang pride niya. “Beliza, boyfriend mo ang pinsan ko. Gusto mo ba talaga na magkasira kaming dalawa? Matatanggap ko naman kung di mo ako mahal at kailangan mo ng karamay. Pero huwag kang magsinungaling para sagipin ang pride mo.”

Naging pula ang lahat sa paligid niya. Hindi ito maniniwala kahit sa halik niya? Kusang kumawala ang kamao niya at dumapo sa panga nito. Napaupo ito sa lakas at maang siyang tiningnan. “Beliza!”

“Nagpakahirap-hirap akong pumunta dito para lang sabihin na mahal kita. Tapos kung anu-ano ang sasabihin mo sa akin?”

Sinapo ni Cardo ang panga. “Nang turuan kita ng Krav Maga, para lang iyon sa mga magtatangka ng masama sa iyo.”

“Para din iyan sa mananakit sa puso ko. Sabi na nga ba palpak itong idea ni Jeyrick. May panakaw-nakaw ng puso pa kasing nalalaman. Ang corny.”

“Si Jeyrick ang nakaisip nito?” tanong ni Cardo at gumulong sa sahig sa katatawa.

“Ewan ko sa inyo ng pinsan mo. Magsama kayo,” naiiyak niyang sabi. Una, tinanggihan nito ang pagmamahal niya. Tapos ay pagtatawanan lang pala siya.

“Beliza, saan ka pupunta?” tanong nito nang lagpasan niya.

“Babalik na lang ako ng Maynila at mag-aaral. May mapapala pa ako. Joke lang pala sa iyo ang pinaggagagawa ko.”

Nanlabo ang mga mata niya nang binubuksan ang pinto pero pagpihit niya ng seradura ay inilapat ni Cardo ang palad sa pinto. Di tuloy niya nabuksan. “Bakit si Jeyrick mismo ang naghatid sa iyo? Bakit sinabi mo na ako ang pinili mo? Kung boyfriend ka niya, hindi ka niya basta-basta ipapamigay sa iba maliban na lang kung mas martir siya sa akin,” bulong nito sa tainga niya.

Hinarap niya ito at napasandal siya sa pinto. “Hindi ko talaga siya boyfriend. S-Sinabi ko lang iyon para itaboy ang mga babaeng naghahabol sa kanya at para itaboy ka na rin.” Humigit siya ng hininga. “Hindi ko kasi gusto ang nararamdaman ko para sa iyo. Akala ko naka-recover na ako. Akala ko si Jeyrick na ang mahal ko. Pero kapag kapag nasa paligid ka, parang nawawala ako sa sarili. Ayoko lang tanggapin na mahal kita kasi mas gusto kong maniwala na si Jeyrick ang mahal ko.”

“Anong mayroon kay Jeyrick na wala sa akin?”

“Kontrolado ko ang puso ko kapag kasama ko si Jeyrick. Hindi parang naghuhurumentado gaya ng nararamdaman ko sa iyo. N-Natatakot ako na hayaan ka na namang nakapasok sa puso at sa buhay ko dahil baka saktan mo na naman ako. Wala naman akong kadala-dala kapag hinayaan ko iyon. Habang alam ko naman na hindi ako sasaktan ni Jeyrick.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ibig sabihin hindi ako makakabuti para sa iyo.”

“Iyon ang paniniwala ko. Pero sa loob ng ilang araw na magkasama tayo, ipinaramdam mo ulit sa akin kung paano maging masaya. Kahit na natatakot ako, hindi ko naman mapigilan ang puso ko na mahulog ulit sa iyo. Gusto kong sabihin sa iyo na hindi totoo ang relasyon namin ni Jeyrick. Na gawa-gawa ko lang iyon. Naisip ko na baka may pag-asa pa tayong dalawa. Na baka may puwang pa ako sa puso mo.”

“Bakit hindi mo inamin sa akin?”

“Bumalik si Jeyrick at kailangan niya ako bilang girlfriend niya. Siguro dahil pareho lang kami. Takot din siya sa nararamdaman niya. Pero kahit na naging girlfriend na niya ako gaya ng gusto ko, hindi ako masaya na mabuhay sa kasinungalingan. Parang patay ang puso ko na nabubuhay lang kapag tumatawag ka sa akin. Alam mo ba na sobrang saya ko sa mga panahon na magkasama tayo? Doon ko nalaman na iyon ang totoong pagmamahal. You are my truth. Everything else is a lie. Pasensiya na kung natagalan bago ko nalamang mahal kita. Huli na. Wala ka na.”

“At anong nararamdaman ni Jeyrick para sa iyo?”

“Mas lalo niya akong minahal bilang kaibigan,” nakangisi niyang sabi. “Noong una iniisip ko na hinahayaan ko siyang magpanggap na girlfriend niya dahil mahal ko pa siya. Pero loyalty na lang pala ang ginagawa ko. Alam ko na hindi ko kayang bitawan si Jeyrick sa mga panahon na kailangan niya ako. Pero ngayon pinili niyang gawin ang tama. Gusto niyang maging masaya ako kasama mo.”

“Ibig sabihin pwede na nating sabihin sa mundo na mahal kita?”

“Kailangan lang siguro ng kaunting panahon ni Jeyrick para makapag-adjust at matuon ang atensiyon ng mga tao sa career niya.”

“Siyempre naman. Kailangan din nating protektahan si Jeyrick. Ayoko rin na makasira sa kanya. Kailangan niya ito. Handa akong maghintay hanggang makapasa ka sa board exam. Handa akong maghintay hanggang pwede ko nang sabihin na mahal kita sa lahat.”

Kinintalan niya ng halik ang labi nito. “Salamat.”

“Maliit na bagay para maging akin ka. Maghihintay ako hanggang handa na si Jeyrick. Kailangan lang naman niyang harapin ang nararamdaman niya sa babaeng mahal niya. Kailangan siguro niya ng advice. Bakit di kaya niya subukan ang strategy niya sa iyo kanina?”

Tumirik ang mata ng babae. “Cardo, hindi pwede ang kakornihan ni Jeyrick pagdating kay Paloma. Mas komplikado ang sitwasyon nila. At sa ngayon, ayoko munang problemahin ang love life nila. Pwede mo ba akong dalhin sa isang lugar kung saan walang ibang manggugulo sa ating dalawa?”

Binuksan nito ang pinto at hinila siya palabas. “Naghihintay na ang Lias sa atin.”

--- THE END ----

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.