Chapter FE: TDTYS 47

“BAKIT hindi pa rin siya gumigising?” tanong ni Ethan. Nanlulumo siya dahil padilat-dilat lang si Aurora habang nagdedeliryo mula kagabi. Didilat lang ito saglit pero matutulog ulit. Kung gigising man ito ay para lang sumuka. She was not improving at all. Sa pakiwari niya ay lumalala ito.

“Kailangan pang bumawi ng katawan niya sa pagod. Kailangan niyang magpahinga. Don’t worry. I think she will wake up anytime soon,” puno ng kompiyansang sabi ng nurse. “Bumababa ang ang lagnat niya.”

“Mahina pa rin siya,” giit niya. “Nakaka-recover na ang iba pati ang mga bata pero hanggang ngayon si Aurora pa rin ang di umaayos ang kondisyon. Baka naman may kulang na gamot o dapat dalhin na lang siya sa ospital. Baka mas maganda kung mailuluwas siya ng Manila at doon na siya magpagamot.”

“Dito lang ang anak ko,” tutol agad ni Manoy Gener.

“Paano kung doon na lang ang pag-asa niya? Paano kung hindi lang pala simpleng virus o kulang ang facilities dito sa isla?” tanong ni Ethan. Gagawin niya ang lahat para kay Aurora. Hindi niya hahayaang mamatay na lang ito.

“Huwag kayong magtalo. Ang sabi ni Doctor Sevilla, magtutuloy-tuloy din ang paggaling ni Aurora. Siya mismoa ng magsasabi kung hindi na namin kayang gamutin si Aurora. Hayaan na lang natin na magpahinga ng pasyente,” awat sa kanila ng nurse.

“Kuya, huwag mainit ang ulo. Baka di makabuti kay Aurora iyan,” saway ni Tiya Manuela na gumitna na sa kanila. “Ikaw naman, Alvaro, magpahinga ka rin. Di makakabuti sa iyo kung dalawa kayong magkasakit ni Aurora.”

Hindi pa rin tuminag si Ethan. He felt helpless. He was able to conquer a Herculanean feat. Nagawa niyang magdala ng doktor sa Isla Juventus at nagawang sagupain ang nagngangalit na dagat. Pero pagdating kay Aurora ay wala siyang magawa. He felt helpless and defeated. Parang walang kwenta ang mga paghihirap niya kung di niya ito masasagip.

Ano pa ba ang kulang? Ano pa ang dapat niyang gawin?

“Kapag nagising si Aurora nang may sakit ka, isa ka pang aalalahanin no’n,” sabi ni Tiya Manuela na may pakiusap sa mga mata.

Nakakaunawa siyang tumango. “Maliligo lang po ako at iidlip. Tapos babalikan ko po si Aurora.”

Nanlalagkit na si Ethan at saka niya na-realize na noon lang siya nagkaroon ng matinong ligo mula nang dumating siya. Di niya halos nakilala ang sarili nang tumingin siya sa salamin. Nangangalumata siya. He looked dull and tired.

Sinubukan niyang umidlip man lang pero di siya dalawin ng antok. Gumagana pa rin ang utak niya at bumabalik kay Aurora. He was antsy and frustrated. Kaya kahit si Manoy Gener ay nakasagutan na niya samantalang hinahabaan niya ang pasensiya dito. Kahit na sabihin pa ng doktor na bubuti din ang kalagayan ni Aurora, hindi pa rin siya matahimik.

“Kuya Alvaro, may naghahanap po sa iyo,” tawag sa kanya ni Kenzo.

Dali-dali siyang nagsuot ng T-shirt at lumabas ng kuwarto. “Si Aurora ba? Gising na ba siya?” tanong niya at lumabas ng kuwarto.

“Hindi. Babae e. Pero maganda. Ipinakita niya sa akin ang picture mo pero Ethan ang tawag niya sa iyo. Sino ba si Ethan?”

Sumikdo ang dibdib niya. Walang tumatawag na Ethan sa kanya sa isla. Kahit sina Doctor Sevilla at asawa nitong nakakaalam kung sino talaga siya ay Alvaro ang tawag sa kanya. Masama ang hinala niya na may nakatagpo na sa kanya sa isa sa mga tinakasan niya. Dali-dali siyang nagtungo sa sala at nagulat nang makita na nakaupo sa narra na upuan si Shaira. Bahagyang magulo ang buhok nito dahil siguro mahangin papunta sa isla. Nakasuot ito ng plain white T-shirt na hapit sa katawan at maong na shorts na labas pa ang bulsa. Sa kabila ng simpleng ayos ay regal pa rin ang dating nito at di nabawasan ang ganda nito. Di maalis ni Kenzo ang tingin dito dahil mukha itong manyika. Hindi sumagi sa isip niya na posibleng masundan siya nito doon.

Tumayo ito at namaywang. “I finally catch you. Alam mo ba kung saan-saan ka hinanap? And you are just in an uncivilized island at the end of the earth.” Saka nito inilinga ang mata sa paligid. Puno ng pagtataka ang mga mata nito.

“Paano mo ako natagpuan?" tanong ni Ethan kay Shaira.

"It doesn't matter. Pack your things. I am taking you with me now. Nag-hire ako ng boat at naghihintay iyon sa atin," malambing na sabi niya kay Ethan.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan at nakatigagal lang sa babae. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng promotion sa pelikula nila. Kailangan na naman nilang magpanggap na may relasyon sila o may namumuo sa pagitan nila. Maisip pa lang niya iyon, parang sinasakal na siya. Hindi na niya kayang magpanggap noon pa mang bago siya umalis. Lalo na ngayon na nariyan na si Aurora at alam na niya ang pakiramdam ng totoong magmahal o pagmalasakitan. Not just for the show.

"I can't. I don't want to. I'm not going with you," he said firmly.

Nanlaki ang mga mata ni Shaira. "What? Why?" napapantastikuhang tanong niya. “I mean, is your talent fee not enough? Para pagbalik natin, masimulan na natin ang promotion sa movie natin. The fans are anticipating it. They want to see us together. That would be wonderful.”

Bumuntong-hininga si Ethan. “This is not the right time because....”

Akmang bubuka ang bibig niya para magpaliwanag nang mapansin niya na nakatingin sa kanila si Kenzo. No, hindi nito pwedeng malaman na siya si Ethan Ravales. Hindi pwedeng malaman ng kahit sino sa isla kung sino talaga siya.

Hinawakan niya ang braso nito at iginiya papunta sa pinto. "Hindi mo na kailangang malaman. Just leave and go back to Manila. I must stay here longer. Kung inaalala mo ang tungkol sa movie contract, pwede kitang hanapan ng magandang project. An indie film perhaps that can give you international recognition," pabulong na sabi ng binata.

Pumiksi si Shaira mula sa pagkakahawak niya at halos magdikit ang kilay nang harapin siya. "Are you crazy? Aanhin ko naman ang indie film at international recognition? Our fans won’t appreciate that. They want romance. A blockbuster movie. I came here all the way from Manila, tapos pauuwiin mo ako with nothing? Alam mo ba kung gaano kahabang biyahe ang tiniis ko para lang mapuntahan ka? Hindi mo alam kung ano ang isinakripisyo ko! At ano ba 'yang sinasabi mo na hindi ka sasama sa 'kin? Hindi ako papayag. You will go with me to Manila. You have to go with me. In case you have forgotten, you have a life back in Manila. A career. Isang buhay na kadugtong ng--"

Drat! The woman was spilling all his secrets. He didn’t know how to pacify her. At hindi niya ito masisisi. There was so much riding in their movie. Siya na lang ang pag-asa nito o tuluyan nang aanurin ng baha ang career nito. She was desperate. The woman would do everything to survive. Ang proyekto na lang na kasama siya ang pag-asa nito para lumutang ulit ang career.

Nakita niya ang mga mata ng kapitbahay sa kanila. At natigilan siya nang makita ang naniningkit na mga mata ni Manoy Gener habang nakatayo sa balkonahe ng bahay. Nakita niya ang malisya sa naniningkit nitong mata. Ano na lang ang iniisip nito? Na habang may sakit ang anak nito ay may problema pa siya sa ibang babaeng taga-Maynila? This was trouble. At kahit anong gusto niyang magpaliwanag dito,

Hinatak niya ang braso nito at idinala sa dalampasigan. "Ouch, Ethan! Will you slow down?" reklamo ni Shaira.

“I am sorry,” sabi lang niya pero patuloy pa rin itong hinila hanggang makarating sila sa parte ng dalampasigan na alam niyang walang makakarinig sa kanila. “I am sorry kung hindi kita matutulungan sa problema mo. Hindi mo ako pwedeng sumama sa iyo. Hindi ko na kayang maging leading man mo.”

“Bakit? May problema ba sa pag-arte ko? I can be better. Pwede akong mag-workshop.”

“I have a new life here. May bagay na importante dito na hindi ko kayang iwan.” At least not this soon. Hindi ngayong namemeligro pa ang buhay ni Aurora.

“What? Are you telling me that you are leaving the business? Nababaliw ka na ba? Maraming tao ang magpapakamatay para lang sa posisyon na tinatamasa mo ngayon.”

“Then it is theirs! Kanila na ang posisyon ko! I don’t need it anymore.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.