Nanatili ako sa loob ng covered court dahil inakala kong hindi papasok si Lyndon. Kaso, ano bang iniisip ko? Na restricted siya sa court? Lumayo na lang ako para hindi mahalata ng mga tao na magkakilala kaming dalawa. Kasi naman, tulad nang ginawa ni Ate Rosan sa akin, binigyan niya rin ng tubig si Lyndon at open arms na tinanggap. In-invite pa ni Ate na sumali sa activity.
Hay nako. Kung hindi pa ako nakiusap na mag-stay kanina, malamang tumakbo na ako sa labas pagkakita ko pa lang sa kaniyang naglakad papasok sa court. Nakasuksok pa ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon at prenteng naglalakad na parang prinsepe!
"Youth minister ako ng church namin," kuwento ni Ate Rosan. Tinuro niya ang mga dekorasyon sa paligid. "Magkakaroon kami ng outreach program sa kabataan dito sa Tawala. Alas-siyete sana magsisimula kaso hindi pa dumarating 'yong worship team."
Tumango si Lyndon. Umismid ako at nagkunwaring kumakain ng marshmallows at walang pakialam sa kanila. Inayos ko pa ang pagkakaupo sa monoblock para marinig ko nang maayos ang sasabihin ni Lyndon.
"Ilang oras kayo dito?"
"Siguro by ten or eleven, makakauwi na kami. Within this area lang 'yong mga teens kaya hindi problema ang distansya. Pangalan mo'y Lyndon, 'di ba? Saang church ka?"
"Hindi ako nagsisimba," sabi ni Lyndon.
Tumaas ang kilay ko. Simba? Nalunok ko ang marshmallows. Narinig ko na sa mga classmates ko dati ang tungkol sa pagsisimba. Alam ko depinisyon pero hindi ko pa naranasang pumasok sa simbahan. Saka, hindi naman nagsisimba sina Mama at Papa.
"Ah. Gano'n ba?" medyo disappointed na sabi ni Ate Rosan. "Di bale, magandang start 'tong outreach program para malaman mo ang kahalagahan ng pagsisimba."
Nakita ko sa gilid ng mata ang pagtango ni Lyndon sabay sulyap sa akin. Napaupo ako nang maayos. Alam kong nandito siya dahil nandito ako. Pwes, bibigyan ko siya ng sakit ng ulo. Hindi ako aalis hangga't hindi natatapos ang program. Patigasan na lang kami.
"Rouela Rose! Mabuti nandito na kayo."
Napalingon ako sa tinawag ni Ate Rosan. Sinalubong niya 'yong bagong dating. Nagyakapan sila tapos nagpunta sila sa platform at nagpakilala sa amin. Naupo sa tabi ko si Lyndon. Nangunot ang noo ko. Sabi nang lumalayo ako sa kaniya tapos ito siya't dikit nang dikit! Aba, matindi ang kapal ng balat ng lalaking 'to, a?
"Good evening! Pasensya na kung na-late kami. Nagkaroon kasi ng aksidente sa Dauis at kailangan pa naming mag-antay hangga't hindi pa natatabi ang nagrambulang sasakyan." Ngumiti ang babaeng tinawag na Rouela Rose. "Simulan na natin?"
Napangiti ako sa ganda ni Rouela. May something sa kaniya na hindi ko mapangalanan. Siguro, masyadong sweet ang boses niya at napakaganda. Sa kilos, pananamit, at salita, talagang masasabi kong mabait siya.
"Kung alam niyo ang kantang 'to, sabayan niyo kami. May lyrics sa white screen kung hindi niyo kabisado. Ayos ba?" tanong ni Rouela.
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Mas lumapad ang ngiti ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Tipid siyang ngumiti at tumango bilang pag-acknowledge na napansin niya ako.
Nagsimulang mag-strum ang guitarist ng team. Tapos biglang sinabayan ng drums. Woah! Upbeat! Tumayo ang mga teenagers pero nanatili kami ni Lyndon na nakaupo.
"Woah! Oh oh oh! Woah oh oh oh!" Unang lumabas sa bibig ni Rouela.
Humina ang drums nang kumanta ang lalaking kasama ni Rouela.
Napatayo ako sa upbeat. Napakurap-kurap ako. Woah! Ang ganda ng music! Napasayaw ako at napatalon kasama ng ilang teenagers.
Woah! Hindi ko alam na may ganito palang uri ng kanta. 'Yong hindi masakit sa tainga at hindi nakakahilo. 'Yong banayad sa pandinig kahit pa upbeat ang tugtog!
Nakita ko sa gilid ng mata ang pagtayo ni Lyndon. Tulad ko, napukaw din siguro ng kanta ang interes niya.
Mula sa pagtalon-talon, sumayaw bigla 'yong mga tao sa harapan. Leaders din yata sila ng program. Sumabay ako sa sayaw ng mga tao. Pati si Lyndon, napasayaw! Napangisi ako. Engineer na nagsasayaw?
Humiyaw 'yong mga tao. Woah! Napaka-organize ng sayaw at talon-talon nila. Para silang nag-practice. Tapos 'yong sayaw, decency at its finest! Tapos kumakanta sila nang sumisigaw. Hindi 'yong klase ng sigaw habang nakiki-sing along ang mga fans sa idolo nila, kung hindi 'yong sigaw ng saya! Like they mean the lyrics and they're singing their hearts out!
What a performance!
Grabe! Parang may hang-over pa yata ako sa kanta. Gusto ko pang mag-request nang isa pa kaso nakakahiya sa mga tao. Baka isiping inaabuso ko ang music team nila.
Umakyat sa stage si Ate Rosan. Inayos ng team ang musical instrument at nagsibabaan ng stage. Ngumiti si Ate Rosan sa amin at kumaway pa. "Hi! Nag-enjoy pa kayo sa music!"
"Yes! Sobrang saya pala no'n!" pasigaw na sagot ng isang teenager. Nakaupo siya sa harapan.
Pumalakpak si Ate Rosan. "Praise God!"
Natigilan ako. God?
Umikhim si Ate Rosan at nilibot ang tingin. "Hindi namin nakasama si Kuya Orilo niyo kaya ako na muna ang magsasalita sa harapan niyo."
Narinig ko ang paghinayang ng ilan. May ilan pang pabulong na nagreklamo pero dahil malapit lang ako ay rinig na rinig ko ang binulong nila. Tumaas naman ang kilay ko. Nagpunta lang ba sila rito para makita 'yang Kuya Orilo na sinasabi ni Ate Rosan?
Wow.
Ngumiti si Ate Rosan at pumalakpak na naman. Para siguro i-cheer ang music team. "Salamat sa praise jam, Rouela." Tumingin siya ulit sa amin. "Alam niyo ba kung bakit nandito tayo?"
"Para makita si Kuya Orilo!" sigaw ng isang babae sa likuran.
Natawa si Ate Rosan. "O sige, ivi-video chat natin siya mamaya. Okay ba sa inyo?"
Naghiyawan ang mga babae. Napaismid ako. Mga fans pala 'tong nandito, e. Hay nako. Sumulyap ako kay Lyndon. Nakatingin lang siya sa harapan, kay Ate Rosan. Mukhang malalim ang iniisip. Pinagkibit-balikat ko 'yon at muling tinuon ang atensyon kay Ate Rosan.
"Sino sa inyo ang fans ng music artist? Ng actor at actress? Ng book authors? Ng graphic artists? Ng politics? Ng poets at poetess? Ng rich persons? O ng isang gwapo at magagandang pribadong tao na nakasalamuha niyo one time?"
Halos lahat yata ng nandito, e, nagtaas ng kamay. Kaya nagtaas na rin ako. Isa rin naman akong fan. Hindi ko naman kinakaila 'yon.
"Ah. Sobrang dami pala natin, ano?"
Umarko ang kilay ko. Fan din siya?
Natawa si Ate Rosan. "Naging fan ako. Hmm... ng pinakasikat na banda sa buong mundo. Halos ubusin ko pa 'yong allowance ko noon para lang makabili ng latest albums at merchandise." Napailing si Ate Rosan. "Hindi lang banda. Reader at fan ako ng book authors. Mga five hundred books din ang nasa bookshelf ko noon."
"Hala, ate! Pahingi naman ako!" sigaw bigla ng babae sa unahan.
Natawa si Ate Rosan pati na 'yong ibang tao. Nanatili akong nakahalukipkip at walang kibo.
"Naku, sorry. Sunog na lahat. Nakalibing na sa lupa."
Narinig ko na naman ang paghinayang ng ilan. Nakalibing sa lupa? Sinunog niya? Aba, sana pinamigay na lang niya. Mas marami pang makakabasa no'n.
"Mga five hundred thousand din ang gastos ko para sa idol ko noong banda at book authors," si Ate Rosan.
Umikhim 'yong babaeng nasa unahan. "Tapos sinunog mo lang 'yon? Bakit naman? Sayang naman ng perang ginastos mo."
"Oo nga, e." Tumango-tango si Ate Rosan. "Naghinang ako sa panahong ginugol ko para mag-fangirling. Naghinang ako sa pera na inubos ko para sa mga gamit na wala namang silbi, ni hindi ko masaing kapalit ng bigas."
Natahimik ang lahat. Napalunok ako sa sinabi niya. Sobrang natamaan ako ro'n.
"Kung sana inipon ko 'yong pera para ibigay sa charity, hindi siguro ganito ang paghihinayang ko," nakangiting sambit ni Ate Rosan.
Naghinayang siya? E, bakit nakangiti siya?
Wala ni isa ang nag-side comment. Siguro natamaan sa sinabi ni Ate Rosan. Napabuga ako ng hangin. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mama sa akin. Pero kasi, required kaya 'yong pagbili ng merchandise. Hindi ko matatawag ang sarili ko bilang fan kung wala akong merchandise na pwedeng ipagmalaki sa kapwa ko fangirls.
"O, bakit ganiyan mukha niyo?" Natawa si Ate Rosan. "Naghinayang kayo? Para saan? Sa mga bagay na sinunog at nilibing ko sa lupa?"
Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba lagi na lang akong natatamaan sa sinabi niya?
"Hindi niyo dapat pinaghinayangan ang mga bagay na mula sa pagiging fangirls at fanboys niyo. Ganito, naniniwala ba kayong... kasalanan ang idolatry? O, baka hindi kayo naniniwala sa Diyos kaya patuloy kayong nagpapakulong sa idolatry?"
Nalunok ko na yata lahat ng laway ko.
Umiling si Ate Rosan. Naupo siya sa platform at seryosong tumingin sa amin. "May isa ba sa inyong hindi naniniwala sa Diyos?"
Walang ni isang nagtaas ng kamay.
Natawa si Ate Rosan. "Alam niyong may Diyos pero nagda-doubt pa rin kayo kung totoo Siya, tama?"
Gusto ko na yatang maubo sa sinasabi niya pero pinigilan ko ang sarili. Nakakahiya sa iba.
"Little girls and boys, naintindihan ko kung bakit ganiyan kayo. Naranasan ko ring mag-doubt sa existence Niya. Ang nakakamangha, Siya mismo ang lumapit sa akin para ipakilala ang sarili Niya. Napakabuti Niya, 'di ba?" Ngumiti si Ate Rosan.
"Sa mundong ginagalawan natin, sobrang dali lang sabihing God exists and God doesn't exists. Pero may sinabi si Emerson na pumukaw sa interes ko...
It is hard to believe in God, but it is far harder to disbelieve in Him.
Tama, hindi ba? Mahirap maniwala sa Diyos, pero mas mahirap na maniwalang walang Diyos. Hindi man natin sabihin, pero meron sa loob-loob natin na sa simula pa lang, alam na may kumukontrol sa lahat ng bagay sa mundo. God put that in your heart before you were born in this world.
In Romans 1:19, Because what may be known of God is manifest in them, for God has shown it to them.
It is clear that God showed His existence in all of us.
For since the creation of the world His invisible attributes are clearly seen, being understood by the things that are made, even His eternal power and Godhead, so that they are without excuse (Romans 1:20)
Sobrang linaw. Sa simula pa lang, pinapakita na ng Diyos ang Kaniyang ekstensiya sa lahat ng ginawa Niya. Walang excuse. Kahit pilit nating winawaglit sa isip ang katotohanang mayroong Diyos, pero sa bawat tanggi natin, ay siya ring pagbuklat ng mga ebidensiya na Siya ay totoo at nabubuhay.
Wala kang takas mula sa Kaniya.
Pero bakit nga ba, pilit binubura ng tao ang katotohanan? Hmm... Because although they knew God, they did not glorify Him as God, nor were thankful but became futile in their thoughts, and their foolish hearts were darkened (Romans 1:21).
Kahit alam ng tao na may Diyos, hindi nila ina-acknowledge si God. We are too prideful to admit that we are weak without God. We are too foolish to think that we can do things without the help of God. We are fools! Too blinded by the belief that people are the most intellectual animal in scientific world.
Animal. Ang sakit namang tawaging animal ng dalubhasa sa siyensiya."
Natawa ako sa joke ni Ate Rosan. Pati 'yong mga tao, nakitawa rin. Pero kanina pa ako nakikinig nang husto sa sinasabi niya. Napukaw ang interes ko sa usaping Diyos. Kailanman, wala pang nagdi-discuss sa harap ko tungkol sa Diyos.
"Pero ito ang seryosong mensahe kapatid. Dahil sa katigasan ng tao, God gave them up to their lusts.
Therefore God also gave them up to uncleanliness, in the lusts of their hearts, to dishonor their bodies among themselves (Romans 1:24).
Masaklap. Dahil sa masyado tayong makasalanan kaya pinabayaan tayo ng Diyos na gawin ang makasalanang gawain. Nagtataka ka ba kung bakit may aborsyon? May rape? May serial killings? May drug users and pushers? May corrupt? May magnanakaw? May sinungaling, mandurugas, manlalait, at iba pang masasamang gawaing laganap sa mundo? Pwes, kapatid, 'yan ang rason!
At ang iba, sinisisi ang Diyos kung bakit may ganiyan. Nakakalungkot sabihing tayo mismo ang gumagawa ng ikakapahamak natin! Nadadamay pati ang inosente!"
Umalingawngaw sa buong court ang huling sinabi ni Ate Rosan. Kanina pa nanlalamig ang kamay ko. Hindi ko alam pero parang nasagot na lahat ng tanong ko kung bakit laganap ang kasamaan sa mundo.
"Alam niyo ba kung sino ang nasisiyahan sa nangyayari? Si satan. Ang ama ng kasinungalingan. Dahil likas sa tao ang gumawa ng kasalanan, madali sa kaniyang bulagin ang isip ng tao.
Madali lang sa kaniyang sabihin sa 'yong normal lang at walang mali. Normal lang ang paghanga sa ibang tao kaya walang mali sa ginagawa mo. KASINUNGALINGAN!
HINDI NORMAL NA HUMANGA SA TAO. HINDI NORMAL ANG PAGSAMBA AT PAGPURI SA TAO. HINDI NORMAL IYON!
Isang kasalanan ang humanga sa tao na higit pa sa paghanga mo sa Diyos. Isang kasalanan ang pagsamba mo sa tao dahil ang dapat mong sinasamba ay ang Diyos! SIYA LAMANG AT WALANG IBA PA!"
Napahawak ako sa gilid ng monoblock. Nanginig ang kalamnan ko sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako!
"Alam niyo ang trending sa SocMedia? Hastag Protect Ara Taliman at all cost. Hashtag Stan Authors. Hashtag Stan Vine. Hashtag Protect Idols at all cost." Natawa si Ate Rosan. "Hindi niyo alam ang pinagsasabi niyo! Hindi niyo alam na nakasangla sa demonyo ang kaluluwa ng mga idolo niyo! Hindi niyo alam na demonyo ang sinasamba niyo!"
Nahulog ako sa monoblock. Napaigik ako. Sheems. Anong pinagsasabi niya? Ni hindi ako tinulungan ni Lyndon. Nanatiling sa harap ang tingin niya habang nakahalukipkip. Ang lalaking 'to! Sa una lang pala gentleman!
"Hindi ko gustong mapunta sa impyerno ang kaluluwa niyo. Kagaya niyo, dumaan din ako sa pagiging fangirl. Pero nabuksan ang mga mata ko kung bakit maraming humahanga sa kanila.
Kung sa tingin niyo, ayos lang na makinig ng musika mula sa mga idolo niyo, nagkakamali kayo.
Dahil sa paulit-ulit niyong pakikinig sa musika ng idolo, kumikilos ang demonyo para nakawin ang kaluluwa mo.
Pansin mo ba na sa tuwing nakikinig ka ng musika ng idolo, nawawalan ka ng gana para magbasa ng Bibliya, kumanta ng praise and worship song, o kaya nawalan ka na ng ganang magdasal?
Sinasabi ko sa 'yo, simula pa lang 'yan. Marami sa inyo ang hindi makikinig sa paalalang ito dahil ang nakikita niyo sa idolo niyo ay magagandang gawain, magagandang katangian, kabaitan, at iba pang bagay na masarap sa mata at pandama.
Pero alam niyo ba ang sariling motibo?
Ginagawa nilang mabait, maganda, at talentado ang mga sarili sa harap ng mga tao para makuha nila ang paghanga niyo. Hindi niyo ba napapansin?
Ginagawa niyong diyos ang mga idolo niyo at hindi ninyo pansin 'yon dahil iniisip niyong walang masama sa pagiging fangirl at fanboy."