Chapter 36

"The Last Resort"

  Chapter 10

by CareLikeGoldFish

Sizzling.

I couldn't help but to smile in triumph. After months of playing around, I came in contact with Lumere. He was a good man with good talent. I didn't hesitate to introduce myself to him and welcome him in our circle of friends. Stella, my fling, even welcome Lumere with open arms.

"He seems... a good guy. Nice. It could be better if we let him in. What do you think, Magnus?" she asked while giving some sweet kisses upon my earlobe. She even breathe into my ear.

My hand found her nape. I gave her a smack on her lips. "Lumere is something. He has the talent. We can use him," I whispered.

She smiled and played with my hair. I hissed and caught her hand. "No touching 'em, baby. Girls won't be happy seeing 'em a mess."

She giggled. "But I like to play with your hair. Won't you let me?"

"Later in our bedroom, baby."

I winked and kissed her once more before I stood up. "It will be no suprise if Yumi will accept Lumere. Later, you can ask Yumi to accept you. You also do good, baby. Trust me."

"Oh. But... I heard Lumere has a friend. He want his friend to be accepted too."

I glanced at her. "You, Lumere and his friend... will be included. I promise."

...

Biglang may kumatok sa pinto ng hotel room. Mabilis kong binaba ang cellphone at patakbong binuksan ang pinto. Nakangiti ang hotel crew. "Good morning, Maam! Room service!"

"Oh." Ngumiti ako. "Salamat. Sige, lagay mo na lang diyan sa kama."

Pinasok niya ang maliit na mesa na para sa breakfast in bed. Nilagay niya sa kama tapos nagpaalam sa akin. Sinara ko ang pinto at nag-unat-unat. Hay!

Lumapit ako sa entrada ng balkonahe at hinawi ang kurtina. Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa mata ko. Mukhang late na, a?

Hinayaan kong pumasok sa kuwarto ang sinag ng araw. Dumulog ako sa pagkain at prenteng nag-agahan. Pagkatapos, tumawag ako ng crew para kunin ang breakfast table.

Nagmuni-muni ako sa balkonahe nang tumunog bigla ang cellphone ko. Mabilis akong bumalik sa loob ng kuwarto at sinagot ang tawag. "Hi, si Rishell 'to -"

"Good morning, Rish."

Natigilan ako nang marinig ang boses sa kabilang linya. Pamilyar. Nakagat ko ang labi. "S-Sino 'to?"

"You..." Natawa siya. "You don't recognize my voice?"

"L-Levi..."

Narinig ko na naman ang malago niyang tawa, pero para sa akin, para 'yong isang daang stars na kumikislap at masayang kumakanta sa tainga ko. Lumapad ang ngiti ko at paulit-ulit na kinagat ang labi. "N-Napatawag ka?" impit kong tanong.

"I just want to sent my utmost gratitude for your support. Tiden told me what had happened. Are you okay now?"

"Uhm..." Parang tinatanong niya 'yong tungkol sa nangyari sa Oslob. 'Yon lang naman ang pinaka-dreadful na nangyari sa akin this past days. "Ah, 'wag mo nang alahanin 'yon. I'm more than okay now."

"That's good to hear."

Napahinga ako nang malalim. "Yon lang ba 'yong dahilan ng pagtawag m-mo?"

"I want to invite you for a dinner. Are you free tonight?"

Nahigit ko ang hininga. Ano? Ano?! What!

Nanlaki ang mga mata ko at tumango-tango. "S-Sure! I'd love that!" Nakagat ko ang hintuturo. "Bakit pala biglaan? Uhm... may sasabihin ka bang i-importante? You know, all of a sudden, you invited me. It's overwhelming..."

"I have been thinking about you lately. I can't get your pretty face out of my mind... since that day when I tasted your soft lips under the sea."

Nalunok ko na yata pati uhog. Napahinga ako nang malalim. I threw my head back, supressing my giggles. Hindi ko na mahanap ang salitang dapat sabihin kaya nanatili akong walang imik, habang sinasapo ang bibig para hindi kumawala ang isang tili.

"Rish?" tawag ni Levi.

"Y-Yes?"

"I asked you. Are you free tonight?"

"Oh yes! I do!"

"I do?"

Naubo ako. "I m-mean, I d-do love to share table with you tonight, Levi."

Narinig ko ang tawa niya. "Alright. It's settled. Send me your address. I'll fetch you later."

"S-Sige." Umikhim ako. "Uhm... nasa'n pala si Tiden? Hindi na siya tumawag mula kagabi. Inasahan ko 'yong tawag niya -"

"He's busy."

"Ah." Nagbaba ako ng tingin. "Gano'n ba? Nasanay kasi akong palagi siyang tumatawag. 'Yong tawag niya kasi 'yong naging alarm clock ko for the past years."

"He's really busy, Rish. I'm sorry."

"Di, ayos lang." Umiling pa ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Naintindihan ko. Ah, ano palang oras mamaya? Para makapaghanda ako."

"7 p.m."

"Oh, sige. Tatandaan ko." Ngumiti ako.

"Okay, Rish. I'll hang up. Nicole is here."

'Yong good mood na biglang nabasag dahil sa pangalang Nicole... napasimangot ako. "S-Sige. I'll wait for you na lang mamaya."

"Okay."

'Yon at siya ang unang nagbaba ng tawag. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Kahit kailan, epal talaga ang Nicole na 'yon. Kainis!

Tinapon ko ang cellphone sa kama at napaikot-ikot sa kuwarto. "Oh! I am under your spell! I love you, Vine!" pasigaw kong kanta.

Tumakbo pa ako sa balkonahe at sinigaw ang kanta. "Oh! I am under your spell! I love you, Vine!"

Humalakhak ako at pumasok ulit sa loob ng kuwarto. Hinawi pa ang buhok na parang gandang-ganda sa sarili ko.

Aba, bakit? Kung hindi ako tunay na maganda, hindi sana ako yayayain ni Levi. But now? Come on, he called to invite me over dinner? I must be special!

Dali-dali kong pinulot ang cellphone sa kama at nag-log in sa Facebook. Nag-update ako ng relationship status: In a relationship with someone.

Tumili na naman ako at nagpabaling-baling sa kama. Sheems! 'Di pa rin ako makapaniwalang si Levi mismo ang tumawag. Grabe! Hindi ko alam kung anong swerte ang bigla na lang pumasok sa katawan ko. Baka, ito na ang sign na si Levi na nga ang forever ko! Waah!

Ngumiti ako nang malapad at binuksan ang messages para sana mag-text sa group message ng VinePress Boljoon Chapter, kaso natigilan ako nang may makita akong unread message mula kay Tiden. Taka ko 'yong binuksan.

From Tiden: Take care of yourself for me. I may not be there by your side to protect you but I will always hope for your success. You are the reason why I am achieving these dreams of mine. You are my strength, Rishell. You are my most treasured possession. I love you... so much. I will do everything to protect you, even if it will cost me much.

There is only one thing that I will ask from you. Please... please remember me. I can take losing myself for the only girl I love, but I can't take losing you for a lifetime. That would end me.

Rishell, mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita. Kaya sana, ingatan mo ang sarili mo para naman hindi ako mag-alala pa. Magagawa mo ba 'yon para sa akin?

Ito pala ang pinakamahabang message na naipadala ko sa 'yo. Nakakatawa. Sana noon ko pa ginawa ang LSM sa 'yo. Baka matagal ka nang nahulog sa akin. :)

Kidding aside, totoo ang sinabi ko. Mahal kita.

Napangiti ako sa message niya. Nang tingnan ko kung kailan pumasok sa inbox, kanina palang madaling araw. Mga isang oras after ko mai-send 'yong message ko noong hatinggabi. Nag-type ako.

To Tiden: Salamat sa message mo. Pero 'di pa rin kita type. Bleh. :p

Natawa na lang ako sa message. Ibang klase rin ang isang 'yon. Pasalamat siya't hindi ako 'yong tipo ng babae na lumalayo kapag nalamang may gusto ang isang lalaki sa kaniya.

Hayst. Bakit kasi hindi tumawag? Ayan, na-miss ko tuloy ang boses niya.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nakakapanibago lang. Hindi naman ganito dati. Kahit pa nagmo-morning exercise sila through practicing chords, nag-i-excuse siya sa kabanda para tumawag sa akin kahit saglit. Hindi ko pa nalimutan 'yong sinabi niya one time...

"Mamayang hapon ang concert kaya rehearsal namin ngayon. Pero tingnan mo, nakatawag pa rin ako sa 'yo kahit sobrang busy ko. Kaya bumangon ka na, Rishell. Mali-late ka na. Mas magandang maaga kang bumangon para marami ka pang magagawang kapaki-pakinabang sa lipunan."

Tapos tatawa siya nang malakas, sabay sabing mahal pa rin niya ako kahit ginagawa ko lang siyang alarm clock. Napangiti ako.

Hays... noon 'yon. Hindi na ngayon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.