Chapter 37

"5,990 pesos, Maam."

Nagbaba ako ng tingin sa dress na tinutupi niya. "Ah, pwedeng tawad? One thousand nalang sana, Miss?"

"Naku, Maam, bawal po ang tawad sa mall."

Lumunok ako at pikit-matang kinuha ang card sa wallet. Inabot ko sa kaniya. Ngiti niya 'yong tinanggap sabay swipe.

Hay nako. Ang mahaaal!

Agad kong tinanggap ang card nang binalik niya 'yon sa akin. Binalot na niya ang dress. Napanguso ako. Naku, Levi, kapag hindi ka talaga nagandahan sa akin mamaya, ikaw ang ipambabayad ko sa plane ticket! Ubos na 'yong twenty thousand na bigay ni Tiden!

"Thanks for purchasing, Maam. Until next time," sabi ng cashier sabay abot sa akin ng binili ko.

Hilaw akong ngumiti at tinanggap ang inabot niya. Mabilis akong pumihit at naglakad palayo sa counter. Nakita ko pa kung paano magtago ng tawa 'yong customer na nakasunod sa akin. Malamang, narinig niya 'yong epic fail kung tawad sa cashier. Hmmp. Ang mahal naman kasi!

Ayos lang sana kung nasa akin 'yong dalawa ko pang credit cards kaso binawi ni Papa. Sabing magtipid daw ako. Nag-deposit lang siya ng five thousand sa savings account ko tapos wala na. Kung hindi pa ako nakautang kay Tiden, malamang lalanguyin ko 'yong Port ng Cebu bukas. Hay nako.

Tinaas ko 'yong supot kung nasaan ang bago kong biling necklace, earings, heels, saka perfume. "Kapag talaga wala kayong silbi mamaya, huh, pasensyahan na lang tayo. Lulusawin ko talaga kayo!" magkalapat ang ngiping bulong ko sa supot.

Kung pwede lang magwala sa inis!

Kasi naman, ang sabi sa karatula ng necklace, 40 percent discount. Akala ko imu-multiply lang 'yong .40 sa 25,000 at 'yong babayaran ko na lang ay 10,000. Naku, kailangan pa palang i-minus sa 25,000 'yong 10,000. Sheems talaga. Isang tumataginting na 15,000 ang nakuha sa savings ko. Sheeems talagaaa! Kainis! Hindi na ako magpapaloko sa discount na 'yan! Tapos 'yong perfume, heels, at earings... hayst! Nakakabaliw pala 'pag walang alam sa salitang tipid!

"Kakatayin ko talaga kayo. Naku," gigil kong bulong sa supot. "Pag hindi nagustuhan ni Levi - aray ko!"

Napatda ako sa isang standee. Muntik na akong mapadapa pero mabilis 'yong taong standee. Hinuli niya 'yong balikat ko at mariing hinawakan. Napabuga ako ng hangin sa gulat. Tinulungan ako ng lalaking standee para tumayo nang maayos.

"S-Salamat," gulat kong sabi. Inayos ko ang buhok at lumunok.

Umikhim 'yong lalaki. "Be careful next time."

Nag-angat ako ng tingin at napaatras nang mapagtantong si Lyndon ang lalaking 'yon. Nagbaba ako ng tingin sa suot niya. May suot siyang cap, may berdeng apron sa harap, at may hawak-hawak na karatula. 50% Discount for Food and Beverages.

Umasim ang mukha ko pagkabasa ng discount. "Anong ginagawa mo riyan?" ngiwi kong tanong.

"Nothing."

"Ha?" Pagak akong natawa. "Mukha kang timang. May lisensya ka naman." Napailing ako at natawa. Umiling-iling pa ako at pumihit.

Saktong nakita ko ang nakatungong lalaki sa pharmacy sa tapat ng food stall, na sa tingin ko ay pinagtatrabahuan ni Lyndon. May nakasaksak na earplugs sa magkabilang tainga niya at nakatungo siya sa isang babae. Nag-uusap ang dalawa. Kapwa may suot na itim na face mask.

Napalunok ako. Naka-V neck ang lalaki at kitang-kita ko 'yong tattoo sa collarbone niya. Isang tatsulok. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Napaatras.

Malinaw pa sa isip ko kung kanino ko nakita ang tattoo na 'yon sa collarbone. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko na 'yon nang hubad-barong lumusong sa ilalim ng dagat si Levi, at nang humarap siya sa akin sa loob ng cottage na tanging tumalya lang ang nakatapis sa baywang.

Nasapo ko ang bibig. Baka nga si Levi ang lalaking 'yon!

Mabilis akong pumihit paharap kay Lyndon at nagtago sa likod niya. Napaigtad siya sa gulat. "Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Shhh! Itago mo na lang ako, okay?"

Napasinghap ako nang maglakad si Levi pati na 'yong babaeng kasama niya papalapit sa gawi ko. Mas lalo kong tinago ang sarili sa likod ni Lyndon. Mabuti na lang, matangkad ang lalaking 'to at malapad ang balikat. Hindi mahirap magtago.

"You want drinks?" rinig kong boses ni Levi. Nakagat ko nang mariin ang labi.

"Why you'd ask? Of course. Kanina pa kaya ako nauuhaw. And oh, look, they have discount. Two drinks please," boses ni Nicole. Napaismid ako.

Pero hindi man lang natinag sa pagkakatayo si Lyndon. Sa tingin ko nga, hawak-hawak pa rin niya 'yong karatula. Napapikit ako. Sana, hindi siya kikibo...

"Sir, Maam, hali po kayo sa loob. Nandoon 'yong counter. Pwede po kayong mag-dine in sa loob."

Dahan-dahan akong lumingon sa babaeng bigla na lang lumabas mula pinto ng stall. Nakaharap siya kina Levi at Nicole, kaya hindi niya ako napansin na nakatago sa likod ni Lyndon na nakatayo lang sa gilid ng pinto ng stall.

Tahimik kong pinakawalan ang hininga ko. Grabe, ang intense naman nito. Hayst, ba't ba ako nagtatago kay Levi? So what kung makikita niya ako? Nagbaba ako ng tingin sa hawak kong supot. Napangiwi ako. E, baka makita niya kung gaano ako kadesperada sa dinner date namin.

"Ah, no need. Baby, sa arcade na tayo. I don't want to eat inside. You know, fans are everywhere. Baka madumog pa tayo," sabi ni Nicole.

Narinig ko na lang 'yong papalayong yabag nilang dalawa. Haaay. Napakamot ako sa pisngi at napatingin sa babae. Nakatingin na siya sa akin. Lumunok ako. "Ah, h-hi?"

Humalukipkip siya. "Gf mo?" tanong niya kay Lyndon.

Sumulyap pa saglit sa gawi ko si Lyndon. "Hindi."

"Good." Tumango 'yong babae. "Halika na sa loob. Kanina pa kita hinihintay at nandiyan ka lang pala. At saka bakit ba suot-suot mo ang custome na 'yan? Nasa'n ba si Daryl?"

"He excused himself. Ako na muna ang pumalit," sabi ni Lyndon bago humarap ulit sa gawi ko. "Anong ginagawa mo rito, Miss Larica?" Bumaba ang tingin niya sa dala kong supot. "I thought it was clear to you that you're not safe? Go back to Boljoon and hide in your favorite room," sabi pa niya habang nakatitig sa supot.

"Excuse me?" Napairap ako sa kahambugan niya. "Hindi ka siguro informed na friend ko ang isang miyembro ng bandang kinaiinisan mo?"

Ngumisi siya. "Too confident, Larica?" Hinapit niya 'yong babae sa baywang at sabay silang pumasok sa stall.

Kumurap-kurap ako at napahawak sa pisngi. Napasimangot ako. Nakakainis. Grabe! Tumalim ang tingin ko sa papalayong bulto niya at pairap na naglakad palayo sa stall. Huh, akala siguro desperada ako sa atensyon niya. Tss. Bahala siya!

ISANG oras bago ang usapan namin ni Levi. Nakaupo na ako sa upuan sa balkonahe at handang-handa na. Nasa maliit na table rin 'yong cellphone kung sakaling tatawag siya. Napangiti ako at tinaas ang kamay sa pool. Sinukat ko damit ng daliri ang malaking pool na kitang-kita ko mula rito sa itaas.

Bumuga ako ng hangin at sinipat na naman ang cellphone. Wala pang tawag ni text mula kay Levi. Ah, ang aga ko rin kasing naghanda. Hmm... bagay naman 'yong nabili ko sa suot kong bloody red dress na hapit sa kurba ng katawan ko. Flowing siya mula thigh pababa sa talampakan.

Inabot ko 'yong tubig sa baso at sumimsim. Kinakabahan ako. What if... hindi magustuhan ni Levi? Magmumukha akong ewan no'n panigurado. Pero ang ganda ko kaya. Bagay na bagay sa akin 'tong get-up, imposibleng hindi siya hahanga.

"Sheems!" Napaubo ako. Inis kong binalingan ang cellphone na bigla-biglang nagri-ring. Ayan tuloy, nabilaukan ako!

Umubo pa ako at umikhim bago sinagot ang tawag. "Hi, L-Levi."

"Good evening, Rish. I am here outside. Can't get my car pass the security. Do you mind if..."

"Ah, walang problema." Ngumiti ako at inipit sa tainga ang tumakas na hibla ng buhok. "Ako na ang bababa. Hintayin mo na lang ako riyan sa labas."

"Okay."

Kinagat ko ang ibabang labi bago pinatay ang tawag. Tumili ako saglit bago pumasok sa kuwarto. Kinuha ko ang shoulder bag at key card. In-lock ko ang pinto sabay patakbong tinungo ang elevator.

Ngiti kong binalik ang key card sa reception at sinabing babalik din ako mamaya. Nakita ko pa ang nanunuksong ngiti ng receptionist, parang tinutudyo ako. Huh, kung alam lang niyang vocalist ng pinakasikat na bandang Vine ang ka-date ko, siguradong maiinggit siya. I flipped my hair. Taas-noo akong naglakad palabas ng building.

Madilim-dilim na sa labas. Nakabukas na halos lahat ng ilaw sa daan. Pati 'yong malalaking ilaw sa harap ng hotel, bukas na rin. Kaya kitang-kita ko ang lalaking kanina ko pa hinihintay doon sa kabilang side ng kalsada. Ngumiti ako at tumawid.

Ibang sasakyan ang gamit ni Levi. Isang Mercedes-Benz GLE 300D 4MATIC. Alam ko 'yong uri kasi nakita ko 'yan na in-showcase ng Revolution sa Ayala minsan.

Nahinto ako sa paghakbang nang masilayan ko ang itsura niya. Nakaupo siya sa hood ng sasakyan at nakatungo sa cellphone. Nakasimpleng polo at pants lang siya pero... pero anlakas ng dating.

Natulala ako saglit habang tinititigan siya. Lalo nang biglang humangin at ginulo niyon ang buhok niya. Bumagsak na naman ang cowlicks sa noo niya. Napalunok ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at halos hindi ako makahinga. Nagbaba ako ng tingin at pumikit nang mariin.

Sheems. Mas lalo lang yata akong nahulog sa kaniya.

"Rishell."

"H-Ha?" Mabilis akong nag-angat ng tingin at nagtama ang tingin namin. "L-Levi..." Lumunok ako.

Ngumiti siya. Humakbang palapit sa akin habang sinuksok ulit ang cellphone sa bulsa. Nataranta ako. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Napaatras ako. Huminto siya at kumunot ang noo. "Are you alright?"

"Ah... h-hano kasi... uhm..."

Parang nabasa niya ang kaba sa mukha ko kaya natawa siya. "Don't be afraid. I won't hurt you."

Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi niya suot ang contact lens kaya kitang-kita ko kung paano magningas ang kulay asul sa mata niya. Halos natatabunan niyon ang kulay berde. Lumunok ulit ako at humakbang paabante. Dahan-dahan. Paisa-isa. Hanggang isang dangkal na lang ang layo ng katawan namin. Mas lalo lang yatang nanikip ang dibdib ko sa kaba.

Napapitlag ako nang hinawakan niya ang balikat ko, at pinadausdos ang kamay pababa sa likod ko. Ramdam ko ang init ng daliri niyang naglalandas sa balat ko. Nakagat ko ang labi. Backless pala ang suot kong dress.

Lumunok siya. "I missed your lips, Rish."

Umawang ang labi ko. At hindi pa ako nakaimik nang bumaba ang mukha niya at kinabig ako. Lumapat ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako.

Nang magsimulang gumalaw ang labi niya, doon ko napagtantong hindi ko lang pala siya crush at idol. Mahal ko na si Levi.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.