Hindi pa rin ako makapaniwala. Hinalikan ako ni Levi! Binaon ko ang mukha sa unan at impit na tumili. First time kong mahalikan ng lalaki, at hindi ko alam na gano'n pala ang pakiramdam. Parang gustong tumalon ng puso ko sa excitement at kaba. Tapos, si Levi pa 'yong first kiss ko!
Bumalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko 'yon at binuksan ang inbox. Galing kay Levi. Sabing maghanda raw ako kasi susunduin niya ako. Nakagat ko ang hintuturo sa excitement. Grabe, answeet niya!
Tama. Ipapakilala ko siya kay Mama at Papa. Mabilis akong bumangon at naligo. Nagbihis ako ng magandang damit bago bumaba sa sala. Nandoon si Mama, at nagbabasa ng magazine. Wala si Papa. Ah, baka nagpunta sa fishing port.
"Ma!" tawag ko.
Nag-angat siya ng tingin. Nangunot pa ang noo nang pinasadahan ng tingin ang suot ko. "Saan ka?"
"Uhm..." Lumapad ang ngiti ko. "Magdi-date kami ng boyfriend ko."
"Boyfriend?" Natawa siya. "Wag kang magbiro."
"Hindi, Ma. May boyfriend po talaga ako. At susunduin niya ako kaya ipapakilala ko siya sa inyo ngayon."
"May boyfriend ka? Totoo?"
Ngiti akong tumango. Tumayo si Mama. "Husea! Tawagan mo ang Sir mo at sabihing bumalik siya rito! Hindi pa nakakalayo ng Boljoon 'yon! Bilisan mo!"
Napakamot ako sa pisngi. Grabe 'tong si Mama. Excited masyado. Pero napangiti ako pagkuwan. At least, makikilala na nila sa Levi. Nag-text ako sa kaniyang ipapakilala ko siya sa mga magulang ko. Isang smiley emoji ang reply niya. Nakagat ko ang labi sa kilig.
Wala pang sampung minuto, nakabalik na si Papa. Nakabihis na rin ng damit si Mama at handa na ang pagkain sa mesa. Kunot-noong hinagkan ni Papa ang pisngi ni Mama at pinasadahan ng tingin ang hinandang delicacies ng katulong.
"May problema ba?" tanong ni Papa.
"Itong anak mo, ipapakilala ang boyfriend niya."
"Boyfriend?" Mas lalong nangunot ang noo ni Papa. "May boyfriend ka na hindi ko alam?"
"Actually, Pa, kahapon ko lang siya naging boyfriend."
Mariin pa niya akong tinitigan bago naupo sa puwesto niya sa hapagkainan. "Kailan siya dadating? May trabaho pa ako."
"Malapit na siya, Pa."
Naghintay kami ng ilang minuto bago may katulong na lumapit. "Sir, may naghahanap kay Miss Rishell. Boyfriend niya raw po."
"Papasukin mo."
Umalis ang katulong, maya-maya'y bumalik at kasama na niya si Levi. Napatayo ako. Akmang sasalubungin ko siya nang pigilan ako ni Papa. "Maupo ka, Rishell." Siya ang tumayo at sumalubong kay Levi. Inaya niya itong maupo sa upuan na katapat ng akin. Tumalima si Levi.
Nagtama ang tingin namin ni Levi. Bahagya akong ngumiti sa kaniya, gano'n din siya. Nakagat ko ang labi. Hay, excited na ako para mamaya.
"Anong trabaho mo, iho?"
"Vocalist ako ng banda, Sir."
Tumaas ang kilay ni Papa. Sumulyap pa sa akin bago muling binalik ang tingin kay Levi. "Kaya mo bang buhayin ang anak ko sa pagbabanda mo?"
"Hindi lang banda ang pinagkakaabalahan ko ngayon, Sir. May negosyo ako."
"Anong negosyo?"
"Entertainment industry."
Tumango-tango si Papa. "Mabuti kung gano'n. Hindi ako matatahimik kung isang vocalist lang ng banda ang magiging asawa ng anak ko. Mahal ang bigas, iho."
Ngumiti si Lyndon. "Naintindihan ko, Sir."
Bumaling si Papa sa akin. Tumango siya. "Mukhang mabuting lalaki ang boyfriend mo, Rishell. Hindi na ako tutol sa relasyon niyo. Basta 'wag kayong lumagpas sa linya. Naintindihan niyo akong dalawa?"
"Yes."
"Opo, Pa."
Napangiti ako at napatingin kay Levi. Nakatitig siya sa akin. Naramdaman kong may gumapang sa binti ko sa ilalim ng mesa. Nangunot ang noo ko at akmang sisilipin ang ilalim pero nakita ko ang kindat ni Levi. Ilang segundo pa akong napaisip bago nakuha ang gusto niyang sabihin sa kindat na 'yon.
"Rishell."
"M-Ma."
"Nakikinig ka ba?"
"Ah, y-yes po. Uhm, salamat po." Ngumiti pa ako bago muling tumingin kay Levi. Nakangiti na siya.
Naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya paatas sa binti ko. Nahigit ko ang hininga.
"Kumain na tayo," anunsyo ni Papa.
Nawala ang kamay niya. Kinagat niya ang ibabang labi bago tinaas ang dalawang kamay at hinawakan ang kutsara't tinidor. Nagbaba ako ng tingin. Cute.