Chapter 442

Ilang minuto kaming tahimik na kumain. Panaka-nakang nag-uusap sina Papa at Levi, at tungkol lang sa negosyo kaya hindi ako maka-relate. Tahimik lang din si Mama at paminsan-minsan ay sumisingit sa usapan ng dalawang lalaki.

Naunang magpaalam si Papa dahil may hinahabol daw siyang isang milyong kontrata sa partner niya. Hinatid siya ni Mama sa labas. Nagpatuloy kami ni Levi sa pagkain at nang mawala ang magulang ko ay nagsalita siya.

"Rish."

"Hmm?"

"You're beautiful."

Nag-angat ako ng tingin. Tumigil ako sa pagnguya nang magtama ang tingin namin. Lumunok ako at nahihiyang ngumiti. "S-Salamat."

Ilang minuto kaming natahimik sa pagkain. Nang bumalik si Mama, tumayo na ako maging si Levi. Nagpaalam kami sa kaniya. Hinayaan niya kami.

"You resemble your father. You got his eyes, and facial expressions."

Natawa ako. "Kaya nga mas close ako kay Papa kaysa kay Mama."

"Daddy's girl?"

"Hmm... medyo."

Natawa si Levi. Marahan akong ngumiti. Naramdaman kong hinuli niya ang kamay ko at bahagyang pinisil. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Pumasok ako. Umikot siya sa harap ng hood sa pumasok sa driver's seat.

"We have a lot of things to do, bella."

"Bella?"

"Beautiful lady."

"Oh." Natawa ako. "T-Thank you?"

Sumulyap siya sa akin bago pinaandar ang kotse at pinatakbo palayo.

UNA NAMING pinuntahan ang Boljoon Church sa Poblacion. Tapos, umakyat kami sa Ili Rock na ilang metro lang mula sa simbahan.

"W-Wait," hingal kong sabi. Tumigil sa paghakbang si Levi na nauna na sa akin sa itaas. Nilingon niya ako. Hilaw akong ngumiti. "Pahinga na muna a-ako."

"Sure." Naupo siya sa baitang ng hagdan at tumitig pababa sa akin. "Hydrate your self, bella."

"O-Okay, t-thanks." Dinukot ko ang water bottle sa body bag at lumagok. Pagkatapos, sinimulan ko na naman ang paghakbang paakyat sa Ili Rock. Mabuti na lang at hinintay ako ni Levi, sabay kaming umakyat ulit.

"Hindi ka sanay sa ganito," ngiting sabi niya. Nilagay niya ang kamay sa likod ko, sa bandang baywang, para alalayan ako.

"Y-Yeah. I think so."

Ilang minuto pa at naabot namin 'yong patag na bahagi sa itaas ng Ili Rock. Napabuga ako nang hangin at sinamyo ang preskong hangin mula sa malawak na dagat sa harap. Grabe, ansarap sa pakiramdam!

Naglakad ako papunta sa hangganan. Hindi ko na kailangang dumukwang dahil kita ko na ang dagat kahit nakatayo ako sa hangganan. Parang walang hanggang asul na karagatan ang kita ko sa malayo. Walang alon. Tahimik ang dagat. Nagtatago ang araw sa mga ulap.

Napasinghap ako sa gulat nang may yumakap sa akin mula sa likod. Napalunok ako sa kaba. "P-Pawisan ako."

"Does it matter?" bulong niya sa tainga ko.

Ngumiwi ako. "Naiilang ako, Levi."

"You shouldn't. Don't be shy to me, Rishell. I'm your boyfriend, bella."

Nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang magkasiklop sa bandang tiyan ko. Hinawakan ko ang mga 'yon. "Levi?"

"Hmm?" Mas hinigit niya ako palapit.

"Thank you for loving m-me."

Lumapat ang labi niya sa tainga ko. "You're welcome, bella."

Natigilan ako nang makarinig ako ng bulungan.

"Girl, si Levi ba 'yon?"

"Siya ba?"

"Parang siya, e."

Umikhim ako. "Mukhang kailangan na nating umalis, Levi."

Inikot niya ako at pinaharap sa kaniya. Ngumiti siya at hinagkan ako sa pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko, at hinila niya ako pababa ng Ili Rock. Hayst. I should embrace consequences.

Pangatlong stop, sa Ablayan Peak. Mula Poblacion, bumiyahe kami ni Levi papuntang San Antonio. Nag-stop over na muna kami sa isang fast food bago nagpatuloy sa pagbiyahe.

Ngayon ko lang din naranasang mag-sound trip sa biyahe kasama si Levi.

"Oh I love the way you are

Precious like gem, beauty of gold..."

Ngiti akong sumulyap sa kaniya. Ang ganda talaga ng boses. Sumabay ako sa chorus hanggang matapos ang kanta. Ilang minuto pa at huminto ang sasakyan.

Hawak-kamay kaming umakyat sa tuktok ng Ablayan Peak. Presko ang hangin at tahimik ang lugar. May bench pa kung saan pwedeng maupo at pagmasdan ang 360 degree view ng summit ng Boljoon.

"Picture-an mo 'ko, Levi."

Tinanggap niya ang inabot kong camera at kumuha ng ilang shots. Lumapit ako sa kaniya at akmang kukunin ulit ang kamera nang hinapit niya ako sa baywang at hinagkan ako sa labi. Narinig ko ang click ng camera.

"L-Levi!" namumula kong saway. Tumawa lang siya at pinakita sa akin ang picture. Ang gwapo niya sa sideview.

Nagtagal kami ng ilang oras sa ibabaw ng peak. Hindi tirik ang araw. Sa katunayan, doon pa lang sa Ili Rock, medyo maulap na. Inaya ako ni Levi na mananghalian bago magpunta sa Dayhag Falls.

"Nakapunta ka na sa Ablayan?" tanong ko. Sumubo ako ng burger steak at ninguya iyon.

Nagkibit-balikat siya at nilibot saglit ang tingin sa loob ng fast food, bago tumitig sa mukha ko, "One time, with the team."

"Kailan?"

"Just... recent."

"Ah." Inabot ko ang cola at uminom bago nagtanong ulit. "K-Kumusta kayo ni Nicole? Hindi kaya siya magagalit?"

"Rishell." Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't mention her again. I want you to enjoy this day. Worry not, bella."

"O-Okay." Ngumiti ako.

Bumili muna si Levi ng spare dress at bathing suit sa isang department store, bago kami bumiyahe papuntang Upper Becerril. Dumiretso ang kotse papuntang Sitio Ylaya, at sa buong biyahe, nanatili ang titig ko kay Levi. Hindi naman siya nagreklamo. Sa katunayan, hinayaan niya lang akong titigan ang mukha niya.

"You really love to stare my face," komento niya pagkuwan.

Ngumiti ako. "Hindi kasi ako makapaniwalang boyfriend na kita. Noon kasi, ang layo mo. Pero ngayon, abot-kamay na kita."

"I love you, Rishell."

Sumikdo ang puso ko. Hindi pa rin ako sanay na nag-a-i love you siya sa akin. It's just... too good to be true.

"I-I love you too."

"Why stutter?"

Napaiwas ako ng tingin. Binaling ko ang tingin sa harap. "Kinakabahan ako."

"Don't be."

"I will." Marahan akong ngumiti.

Ilang minuto pa at huminto na ang kotse. Napabuga ako ng hangin. "Last place to visit na ba? Almost 2 p.m. na."

"Are you tired?"

Umiling ako. "Hindi pa naman masyado."

"Just tell me if you're tired. I'll drive you home."

Ngumiti ako. Binaling ko ulit ang mukha sa gawi niya, at nagtama ang tingin naming dalawa. Inabot ko ang pisngi niya at marahang hinaplos. "You're not wearing your contact lens."

"I forgot."

"Kaya kanina pa tingin nang tingin 'yong mga tao sa 'yo."

Ngumisi siya. "Just let them be."

Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Sabay kaming umibis ng sasakyan. Nakaakbay siya sa akin habang binabagtas namin ang daan pababa sa Falls. Mga ligaw na damo at ilang puno ang nasa gilid ng daanan.

Pinauna ako ni Levi. Aniya'y para bantayan ako sa likod. Tumalima ako. Dahan-dahan akong humakbang pababa sa sementadong baitang ng hagdanan. May hawakan sa gilid pero hindi ako nag-atubiling gamitin 'yon.

"Be careful, bella."

"T-Thanks! Ikaw din."

Hindi nagtagal, naabot namin ang Falls. Walang tao. 'Yong tour guide lang na sumama sa amin at kaming dalawa ni Levi ang tao sa oras na 'yon.

Humawak si Levi sa kamay ko. "Let's change clothes."

Tumango ako. Sumama ako sa kaniya papunta sa isang tagong parte. Mukhang alam ng tour guide kaya nagpunta siya sa kabilang bahagi, malayo kung nasaan kami.

"Uhm." Tumingin ako sa kaniya habang binubuksan niya ang backpack. "Dito ako m-magbibihis?"

"Yeah."

"At saan ka m-magbibihis?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Dito," aniya. Ilang segundo siyang tumitig sa mukha ko bago natawa nang malakas. "Magbihis ka na. Hihintayin kita doon."

Inabot niya sa akin ang binili niyang bathing suit para sa akin. Ngumiti pa siya bago umalis, bitbit ang backpack. Mabilis akong nagbihis. Niyakap ko pa ang suot kong dress kanina para hindi mabasa.

Lumabas ako sa secluded area at hinanap si Levi. Pero wala siya. Hinanap ko 'yong tour guide pero baka nauna na siya sa itaas para bigyan kami ng privacy. Napakamot ako sa pisngi. Nasaan na si Levi?

"L-Levi?"

Nagpalinga-linga ako. Maya-maya pa'y narinig ko ang paggalaw ng tubig. May umahon. Nang tumingin ako sa tubig, nandoon na si Levi. Natulala ako saglit habang nakatitig sa mga mata niya. Dominante ang kulay berde. Mukhang gano'n din ang naramdaman niya dahil nanatili siyang nakatitig sa akin.

Kumurap ako at binaba ang dress sa ibabaw ng backpack. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa tubig habang nakatitig sa mga mata ni Levi.

"Sheems! Anlamig!" sigaw ko nang tumapak ang paa ko sa tubig. Napanguso ako nang humalakhak si Levi.

Tinaas niya ang magkabilang braso, na parang inanyayahan akong lumapit sa kaniya. Napabuga ako ng hangin. Dahan-dahan kong nilubog sa tubig ang paa. Napapikit ako sa lamig. Sheems talaga! Baka manigas ako bago pa man makaabot kay Levi.

Kagat ang labing dahan-dahan kong nilakad ang distansya namin. Nang halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa, at halos umabot na sa dibdib ko ang malamig na tubig, doon lang kumilos si Levi.

Pinulupot niya ang braso sa baywang ko at hinapit ako padikit sa katawan niya. I released a sigh. Inibsan ng init ng katawan niya ang lamig na nararamdaman ko. Napayakap ako kay Levi. Dinikit ko ang pisngi sa dibdib niya.

"Better?" tanong niya.

Tumango ako. Naramdaman ko ang paghagod ng palad niya sa likod ko. Taas-baba. I do the same. Hinagod ko rin ang likod niya habang nakayakap sa kaniya.

Bumuga siya ng hangin at dumukwang. Hinagkan niya ang balikat ko, pataas sa labi ko. Tumugon ako sa halik niya. Bigla niya akong binuhat kaya pinulupot ko ang binti ko sa baywang niya at humawak sa balikat niya.

Sa gano'ng posisyon kami dinatnan ng tour guide. Mabilis akong kumalas at bumaba mula kay Levi.

"Maam, Sir, thirty minutes na lang."

"Thank you," pasalamat ni Levi sa lalaki. Tumango 'yong lalaki at muling umakyat sa itaas ng sementadong hagdanan.

Nagkatinginan kami ni Levi at sabay kaming natawa. Inipit niya sa tainga ko ang buhok na tumakas sa mukha ko. Ngumiti siya nang marahan. "I love you," bulong niya.

Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi. "I love you too."

Dumukwang siya at hinagkan ako sa noo. Napapikit ako. May munting ngiting sumilay sa mga labi ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.