A/N: Okay pa ba tayo? Mas madilim at mas mabigat pa ang susunod na chapters. Pray always!
~
The party is not yet over. Matapos ang pag-alingawngaw ng hard metals sa buong sulok ng function hall, nagkaroon ng toast sa lahat ng bisita. Isa-isang nagbigay ng bagong wine glass ang mga waiters sa mga bisita. Maging kami ni Levi ay nakatanggap.
"Look, kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig," sumbong ko kay Levi at ininguso si Nicole na nakatayo ilang metro mula sa amin. Nakahawak siya sa single table at kasama si June. Nagsasalita si Jun pero parang hindi nakikinig si Nicole, masama lang siyang nakatitig sa gawi ko.
Natawa si Levi. "Let her stare at you with so much hatred. You should be happy. You created hatred in her heart, and that means, you are a child of darkness."
"Ah, wow. A child of darkness?" Natawa ako.
Sumulyap ako sa gawi ni Tiden. Nakatungo lang siya sa isang mesa sa sulok, kasama naman niya si Ariel. Paminsan-minsan ay lumalagok siya ng alak, pero madalas magtama ang tingin namin. Kapag nangyayari 'yon, ako na mismo ang umiiwas ng tingin. Hindi niya siguro akalaing magiging boyfriend ko si Levi.
Alam kong nasaktan ko siya. Hindi ko sinabi. Isa pa, alam kong masakit malamang kaibigan pa ang nakakuha sa babaeng mahal niya. At saka, noon pa niya sinabing gusto niya ako. Na mahal niya ako.
Pero mas mahal ko pa rin si Levi. Napabuga ako ng hangin.
After some time, I felt light-headed. Para akong lumutang bigla habang nakatayo at nakahawak sa single table. Must be the cocaine. Napapikit ako. Napangisi. Saka sumimsim ulit ng alak. "Mmm... Masarap 'tong bagong wine." Tinaas ko pa ang wine glass.
Tiningnan ako ni Levi. Ngumisi siya. "Glad you like it."
"Uhuh." Tumaas ang kilay ko. "Alam kong may nilagay sila sa drinks. What is it this time?"
"Ec*tasy. Coca*ne. Human blood."
Natigilan ako. "Human blood?"
Humalakhak si Levi. "Still it tastes good. Right?"
"But human blood?" Binaba ko ang baso. "Gross. I'm not gonna drink that. Paano mo naatim na inumin 'yon?"
"Priest, priestess, witches, warlocks... they drink blood to gain more power."
"W-What?"
Binaba niya ang baso at humalukipkip. "Don't ask more questions, Rishell."
Natahimik ako. Talaga bang merong gano'n? Sa TV ko lang yata napapanood ang tungkol sa black magick. Pinaningkitan ko ng mata si Levi. Baka gino-good time lang niya ako. Tsk tsk.
Akmang magsasalita ako nang bigla siyang napahawak sa dibdib. Biglang naghabol ng hininga. Napahakbang ako palapit sa kaniya. "L-Levi? Are you okay?"
Mariin siyang humawak sa balikat ko, saka hinigit ako palayo. Lumusot kami sa mga taong kasalukuyang nakikinig sa nagsasalita na preacher sa harap. "Levi," tawag ko pero patuloy niya pa rin akong hinihigit.
Nagpatianod ako. Lumabas kami sa function hall. Muntik na siyang matumba kung hindi ko lang nahawakan ang braso niya. Napalunok ako sa kaba. "L-Levi tell me what's happening!"
Pinagpawisan siya bigla. Sumulyap siya sa akin, saka hinigit na naman ako sa hallway. Napansin kong papunta kami sa mga hotel room. Tahimik ang paligid.
Hinigit niya ako papasok sa elevator at mabilis na pinindot ang 5th floor. Napasandal siya sa dingding ng elevator. "L-Levi," kinakabahan kong tawag. Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan.
"Shh..." daing niya. "345."
"Huh?"
Bumukas ang elevator. Tagaktak na ang pawis ni Levi kaya kinuha ko ang braso niya at dinantay sa balikat ko. Akay-akay ko siya papunta sa room number na sinabi niya.
"Yung key card," bulong ko.
"P-Pants..."
Ngiwi kong kinapa ang pants niya. Ingat pa akong hindi masagi ang hindi dapat masagi. Kunot-noo kong in-swipe ang key card. Bumukas ang pinto. Dinala ko sa loob si Levi at binagsak sa kama. Mabilis kong sinara ang pinto at muling bumalik sa tabi ng kama.
Naupo ako sa gilid. "Levi. Anong nangyari sa 'yo?"
"Uh..." Mariin siyang humawak sa dibdib. Maya-maya pa'y marahas na binabaklas ang neck tie.
Nataranta ako. "A-Ako na. Ako na, Levi..." Sumampa ako sa kama at mabilis na kinalas ang neck tie.
"Take my c-clothes off," nahihirapan niyang bulong.
Napalunok ako. "K-Kailangan ba talaga?"
"R-Rishell... come on."
"O-Okay!"
Mabilis kong inalis ang pagkaka-hook ng coat niya, saka ang pagkakabutones ng inner polo niya. Napalunok ako nang tumambad sa akin ang hubad niyang dibdib. Nakita ko na noon kung gaano kaganda ang itaas na bahagi ng katawan niya, pero iba ngayon na sobrang lapit ko sa kaniya.
Napasinghap ako nang hinuli niya ang kamay ko at dinala sa dibdib niya. "Lean closer," bulong niya.
Sunod-sunod akong napalunok. Unti-unti, uminit ang pakiramdam ko. Pinagpawisan ako bigla. Siguro, umeepekto na ang ecstacy sa wine. Nakagat ko ang labi. Dahan-dahan akong dumukwang para sana bigyan siya ng mabilis na halik, pero kinabig niya ang batok ko at inihiga ako bigla sa kama. Kinubawan niya ko.
"L-Levi..."
He laughed. Wala akong magawa lalo na nang mas lalong lumutang ang isip ko. Parang naabot ko na ang ulap. I was so high in dr*gs.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagising ako sa tabi ni Levi. Napahawak ako sa ulo nang kumirot 'yon. Inabot ko ang cellphone sa bedside table at tiningnan ang oras. Alas-nuwebe? Nanlaki ang mga mata ko.
"L-Levi!" Bumaling ako kay Levi at niyugyog siya. "Gising! Mali-late na ako!"
Nagmulat siya at kunot-noong tumingin sa akin. "Anong oras na?"
"9!"
Bumalikwas siya. Nakahinga ako nang maluwag. Umalis ako ng kama at humakbang papunta sa banyo. Napapikit pa ako sa hapdi at kirot sa buong katawan ko. Hayst.
Pumasok ako sa banyo at tumitig sa whole body mirror sa loob. Napakurap-kurap ako, at gulat na nilibot ng tingin ang hubad kong katawan. Puro pasa, sugat, at kalmot ang balat ko!
"Levi!" inis kong sigaw.
Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng banyo. Nakita ko sa salamin an paghakbang ni Levi palapit sa akin. Pero hindi pa siya nakakalapit nang bigla siyang tumilapon sa dingding ng banyo. Napasinghap ako at mabilis na lumingon sa kaniya.
"Levi!"
Napaungol siya. Pumikit nang mariin. Akmang lalapit ako nang maramdaman ko ang puwersang nagpataob sa akin. Napasalampak ako sa sahig. Napasinghap ako sa gulat. Malalaki ang mga matang tiningnan ko ang puwesto ni Levi. Pero wala na siya ro'n!
Binalibag siya ng puwersa palabas ng banyo. Rinig ko ang pagkabasag ng salamin. Pinuwersa ko ang sariling tumayo kahit pa para akong binugbog ng sampung kamao. Sheems. Anong nangyari kay Levi?
Kinuha ko ang roba at sinuot, saka lumabas ng banyo. Nakita ko ang paulit-ulit na inuntog ni Levi ang sariling noo sa sahig! Natuod ako sa kinatatayuan. Nakita ko kung paano pumutok ang noo niya at nagkalat ang dugo sa sahig. Narinig ko ang sigaw niya. "Stop! F**** stop it!"
Doon ako natauhan. Mabilis kong dinaluhan si Levi at pinigilan ang sarili niyang inuntog ang noo sa sahig. Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil siya. Akala ko ayos na, pero bigla siyang tumitig sa akin.
Nawalan ng puti ang mata niya! Umawang ang labi ko sa takot. Nakita ko kung paano kumurba ang labi niya. Ngumisi.
"Don't stop me, woman. I am disciplining my servant," malalim at parang galing sa hukay ang boses niya. Doon ko napagtantong... demonyo ang kaharap ko.
Nabitiwan ko si Levi. At sukat noon, tumilapon siya sa dingding. Narinig ko ang daing at sigaw niya. Nanginginig akong gumapang palayo. Inabot ko ang cellphone sa bedside table at tinawagan ang unang numerong napindot ko. Tatlong ring na magkasunod-sunod bago may sumagot sa kabilang linya.
"H-Help," nginig kong bulong sa cellphone. Napahiyaw ako nang tumama ang noo ni Levi sa vase. "H-Help us!"
Narinig ko ang isang matinis na halakhak sa kabilang linya. "That's what he'll get in disobeying his lord."
Natigilan ako. Babae ang boses. Pamilyar. "E-Elise?"
Tumawa na naman siya. "Take your time, darling. We can postphone our interview, alright? Oh, please tell your boyfriend that he'll get more discipline if he'll disobey again. Okay?"
Binaba niya ang tawag. Napahugot ako nang malalim na hininga. How dare she! Napatingin ako kay Levi na kasalukuyang nakalutang sa hangin. Pinilit ko ang sariling tumayo at humakbang palapit sa kaniya. Bigla na lang bumagsak ang katawan niya sa sahig.
"Levi!"
Dinaluhan ko siya. Duguan ang buong mukha niya at ilang malalaking sugat ang natanggap niya. Halos hindi ko na siya makilala sa kasalukuyang estado niya. "L-Levi!"
Umungol siya. At nagmulat. "R-Rishell," hina niyang sambit.
"Anong g-ginawa mo? B-Bakit galit na galit 'yong... 'yong ano..."
Nakagat niya ang ibabang labi. "I've d-disobeyed their rule."
"Rule? What rule?"
Huminga siya nang malalim at umungol sa sakit. "Never to speak the name of Je... Jes..."
"Shh..." pigil ko. "B-Baka babalik sila rito."
Nanghihinang inabot ng duguan niyang kamay ang pisngi ko. "T-Thank you. You did not leave."
Nanlabo bigla ang paningin ko. Ngumiti ako nang marahan. "I-I love you... okay? I love you. I will never leave you."
Ngumiti siya at pinikit ang mga mata. "Call Maingey. She know what to do next."
"O-Okay."
Tinulungan ko siyang tumayo at inihiga sa kama. Mabilis kong sinunod ang utos niya. Pagkatapos, naupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. Nakagat ko ang labi nang magtuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko. Masakit. Hindi ko kayang makita si Levi na duguan. Kung pwede lang sanang -
"Don't cry for me, Rishell. It's normal to get discipline from them."
Napalunok ako. "W-Who did that to you?"
"Elise's demons."
"Huh?"
"She's the high priestess here."
"Is it often?"
"Hmm... maybe three times a week."
"W-What? Bakit mo siya hinahayaan?" Lumunok ako. "She don't have the right to discipline you!"
"Rishell." Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil. "I've sold my soul to satan for fame and wealth. This is what I get in return."
Napakurap ako. Napalunok. "G-Ganiyan din ba ang mangyayari sa a-akin?"
"If you disobey him... yes."
Pakiramdam ko, binuhusan ako ng isang timba ng yelo. "I-I don't want that. I don't want that, Levi."
Natawa siya. A hideous laugh. 'Yong pareho ng tawa sa recording studio. "You can't escape from him, Rishell."
"L-Levi..."
Bumaling sa akin ang nakangisi niyang mukha. "You've signed the contract. You've opened yourself to be a vessel of him to spread darkness upon the earth. You can't escape now. He has your soul."
Nawalan ng kulay ang buong mukha ko. "B-But I think... there is someone who's more powerful than him, Levi. We can ask help to that someone."
Nangunot ang noo niya. "Who is that someone?"
"J-Jesus."
Ilang segundong naghinang ang mga mata naming dalawa. Nagitla ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Rei. Nakangisi siya. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto at in-lock. Humalakhak siya. Pinasadahan niya ako ng nakakasukang titig.
"L-Levi..." Napahawak ako nang mariin sa kamay ni Levi. Kinabahan ako bigla.
"What are you doing here?" kalmadong tanong ni Levi.
Humalakhak na naman si Rei. May inilabas siyang syringe. Humakbang siya palapit sa kama at paikot hanggang tumayo siya sa harap ko. Nilahad niya ang kamay. "Akina ang braso mo, Miss."
"What is that, Rei?" tanong ni Levi.
Bagot na sumulyap si Rei kay Levi. "May kumontak sa akin. Disciplinary action."
Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko bigla ang sinabi ni Levi kanina na pangalang hindi dapat sabihin. I-Is that Jesus? Mabilis akong bumaling kay Levi. Umiling ako. Kinabahan. "P-Please... Levi."
Bumuga siya ng hangin. "You go, Rishell."
"N-No..." Hinawakan ko nang mariin ang kamay niya. "Please don't let them discipline me."
Napahiyaw ako nang marahas na hinila ni Rei ang braso ko. He didn't even flinch when he shot me dr*gs using his syringe. Napapikit ako nang biglang gumaan ang ulo ko. The dosage must be so strong that I didn't notice how Rei carried me onto the floor.
Namalayan ko na lang ang pagkalas ng roba sa katawan ko. Nanghihina akong tumingin sa gawi ni Levi - asking for help. But he just smiled at me, not moving an inch.
Nang tingnan ko si Rei, isang demonyo ang nakita ko. Literal na demonyo. Napahinga ako nang malalim. Is this a r*pe? Binuka ko ang bibig. "N-No... please." Pero pakiramdam ko, para lang 'yong bulong.
No. Don't!
Narinig ko ang halakhak ni Rei. "Sweetheart, you know that r*pe is the greatest punishment for a girl, right?" bulong niya sa tainga ko.
I know.