Chapter 46

Warning: Dark Chapter Ahead. Please Pray and Stay Vigilant!

~

"Don't worry. People will love your voice."

Kinagat ko nang mariin ang labi. Kanina, ini-release ng management ang debut song ko as solo artist under ANEW Entertainment Group. Sobrang pressure nga dahil sa viral video ko kasama ang Vine. Naging usap-usapan pa sa social media kung saan ako napulot ng management.

"I don't think so. I'm not as good as you, Levi."

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng Waterfront Hotel. Binalingan niya ako at ngumiti. "I just know. Your debut song will rock the industry." He leaned closer to me. "Your song was baptized by our boss. It will be a big hit."

Napangiti ako. "Thank y-you."

Binigyan pa niya ako ng isang magaang halik sa labi bago umibis. Bumaba na rin ako ng kotse. Mabilis na nakalapit sa labi ko si Levi, at kusa kong ikinuwit ang kamay ko sa braso niya.

"You look gorgeous tonight, baby."

"You too, handsome."

Binigay ni Levi ang keyless entry remote sa crew ng hotel. Sabay kaming pumasok sa loob ng magarang hotel. Binati kami ng security, saka in-usher ng isang babae papunta sa function hall. Pinagbuksan kami ng pinto ng lalaking nakaantabay sa entrada.

Kiniliti ng hard metal music ang tainga ko pagkapasok ng function hall. Nakabukas ang disco lights, at may mga single tables na nagkalat. Walang upuan. Puno ng tao ang function hall. Halos lahat ng lalaki, naka-itim na tux. Samantalang ang mga babae, itim na dresses na halos kita ang buong kaluluwa.

Noong una ay baka mailang o ngingiwi ako. Pero simula noong pumirma ako ng kontrata, nawala ang modesty sa bokabularyo ko. Ewan ko ba, basta nagising akong isang araw na wala nang pakialam kung masyadong revealing ang isusuot ko. Napansin 'yon nina Mama at Papa pero hindi nagkomento. Pinagkibit-balikat ko na lang.

Levi grabbed me by waist. Nagpatianod ako. Ramdam ko ang awrang lumalabas sa katawan niya. Dangerous, Covetous, Dominance. Nakagat ko ang labi nang mas hinapit niya ang katawan ko palapit sa kaniya. Lumusot kami sa mga taong nagsasayawan. May iba pang halos magmi-make out na sa lapag. Napailing ako at iniwas ang tingin. Somehow... I feel happy.

Dinala ako ni Levi sa isang hindi mataong parte ng function hall. Aniya, naka-reserve na 'yon para sa aming dalawa.

"Nasa'n ang Vine?" tanong ko. Huminto ako sa tapat ng single table.

Gumapang ang kamay ni Levi pataas sa balikat ko. "They will be here after an hour."

"Kasama si Nicole?"

"Hmm... yes." Tinawag niya ang waiter. Kinuha niya ang dalawang wine glass mula sa utility tray na dala nito at binigay sa akin ang isa.

Ngiti kaming nag-toast, bago ko sinimsim ang wine at nilibot ang tingin sa hindi magkamayaw na mga tao. I could see a lot of familiar faces. From the mainstream showbiz, up to the low ranking Radio hosts, kompleto.

Binaba ko ang wine glass sa mesa. "Nagla-live coverage sila?" taka kong tanong. May malaking camera kasi sa itaas ng function hall na lumilibot sa buong paligid.

"Yes."

"Really?" Ngumisi ako. "Paano 'yong nagmi-make out sa sahig?"

"Silly. Of course, they won't include that scene." Gumapang ang daliri niya sa leeg ko. Bahagya akong napatalon sa gulat. Humalakhak siya. "Still the same spot?"

Napasinghap ako nang hinapit niya ako at hinagkan ang leeg ko. Pabiro kong tinapik ang kamay niyang malikot. "Stop it. Let's enjoy the party, okay?"

Ngumisi siya. May inilabas na coca*ne mula sa ilalim ng tux. Nilagyan niya ng cocaine ang wine glass namin at bahagyang inikot-ikot para humalo ang droga sa inumin. Nakatitig ako sa kaniya habang sinisimsim ko ang wine. Maging siya ay nakatitig sa akin.

"Levitus Yushen!"

Sabay naming binaba ang wine glass at lumingon sa tumawag kay Levi. 'Yong sikat na male artist sa isang network at kasalukuyang may pinakamalaking fandom sa buong Pinas.

"Rei," bati ni Levi.

Tumawa ang lalaking lumapit sa amin at naki-high five kay Levi. Saka, tumingin sa gawi ko. "Girlfriend mo?" tanong niya.

"Yes."

"Pwedeng matikman? Sawang-sawa na ako sa partner ko. Ilang gabi ko nang alam mo na."

Natawa si Levi at bumaling sa akin. "You want to join him?"

Umasim ang mukha ko. "Of course not. I don't date dirty boys."

Humakhak si Rei. Maging si Levi ay nakihalakhak. "See?" sabi niya. "My girlfriend don't like you, Rei."

"Ouch," birong sambit ni Rei at humawak pa sa dibdib. "Hindi ko na itatanong kung saan mo nabili ang coca*ne na hinalo mo sa wine, Levitus."

Nagtawanan kaming tatlo. Tapos, umikhim si Rei. "Pero kung gusto niyo, may wet party mamaya sa poolside. Mas masarap ang coca*ne na ihalo sa alak at dugo. Pampalakas."

"Let's see if we can attend. Rishell will be interviewed by Elise tomorrow."

"Si Elise?" Humalakhak na naman si Rei. "Naikama ko na 'yon."

Inabot ko ang wine glass at muling sumimsim. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Levi. "Are you still actively participating in human sacrifice? Black Sabbath is approaching."

Tumango si Rei at ngumisi. "Oo naman, dude. Nagpapalakas ako. Alam mo naman, gusto kong maging worldwide sensation. Magagawa ko 'yon 'pag magkakaroon ako ng contact sa mga beautiful witches natin."

"Still the same Rei." Umiling-iling si Levitus.

Natawa si Rei. "Bakit ganiyan tono mo?" Ngumisi siya. "Alam kong may halo 'yong kanta mo. Sabihin mo, sinong demonyo ang nag-bawtismo sa bagong album niyo?"

"You don't have to know."

"Ah, alam ko na. 'Yong may-ari ng studio sa tagong parte. Naks, Levitus, kaya pala hindi natatanggal ang Vine sa number one most influential music artists sa Pinas. 'Yong malakas ang kinontrata mo."

Iniwas ko ang tingin. Baka 'yong lalaking nakatoka sa control room ang sinasabi niyang kinontrata ni Levi. Ang akin kasi, sa Mandaue branch nai-record. Hindi ko alam kung may nag-bawtismo pero sabi naman ni Levi na meron. At boss pa. Sino kaya?

"Alam mo, dude." Nakita ko sa gilid ng mata ang pag-akbay ni Rei kay Levi. "Dagdagan mo 'yong hard metal. Mas maraming kabataan ang makokontrol ng grupo niyo. Tingnan mo ang grupong AraNew, halos isang billion na ang views sa YouTube. Alam mo ang ibig sabihin no'n? Mas pinapaboran ng taas. Naging international na."

Levi tsked. "We're taking it slowly."

Humalakhak si Rei. "Baka isang araw, kakatokin ka ni boss at magtatanong kung bakit ambagal niyong kumilos." Bumuga siya ng hangin. "Ano bang pinakain ni Maingey sa inyo at sobrang bagal ng usad niyo?"

Mas dumilim ang awra ni Levi kaysa kanina. "Get your f**** hands off of me."

Tinaas ni Rei ang dalawang kamay at natatawang lumayo. Narinig ko ang buntong-hinga ni Levi. Nilagok niya sa isang tungga ang laman ng wine glass. Hinawakan ko ang braso niya. "Kalma ka lang," saad ko.

"That leech," magkalapat na ngiping saad niya. "I want to kill him right now."

"Wag kang pumatay. Sabi ni Papa, masama 'yon."

Bumaling sa akin ang matalim na titig ni Levi. "Killing is the joy of satan."

Natikom ko bigla ang bibig. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinilabutan sa sinabi niya.

Bumuga siya ng hangin. "Satan even order his witches and loyal followers to kill the true Christians. Knowing that, I don't hesitate to kill, Rishell. No, I really love to kill."

Napaatras ako sa sinabi niya. Umalingawngaw bigla 'yong panibagong hard metal na kanta sa malalaking speakers. Inatake niyon ang tainga ko at naramdaman ko ang kasiyahan. Na parang gusto kong tumalon at mag-head bang sa sobrang saya. Nawala 'yong takot ko sa titig at sinabi ni Levi. Nawala na parang bula.

"Woah!" sigaw ko at nagsasayaw. Nakita kong nagwawala na ang mga tao sa pagsayaw. Sheems. This is what I want!

Naramdaman ko ang paglakbay ng kamay ni Levi sa balikat ko pababa sa baywang. Tumalikod ako sa kaniya at sinandal ang likod sa dibdib niya. Gumiling ako habang hawak niya ang baywang ko.

Hiningal ako bigla. "W-Why does hard metal makes me happy?" taka kong tanong. "A-Akala ko talaga nagbibigay ng anger, depression, at isolation ang hard metal."

Naramdaman ko ang paghinga nang malalim ni Levi sa tainga ko. "That's the power hidden in it, Rishell. It makes people gone wild, so addicted to that uplifting beat, so that they will no longer look for another joy."

"Another joy?" Natawa ako. "May iba pa bang joy kaysa sa ganito? Parang lumulutang na 'yong puso ko sa saya. At hindi ko kayang tumigil sa pagsayaw. Ansaya nito!"

"Hmm... aside from the happiness you get from wealth, fame, and power, many Christians profess that they have found the true meaning of joy."

"Christians?"

"Those are our enemies. Those people who believe that God is real, that Jesus was dead but had risen from the grave, and converting our fellows to Christianity. Those are our enemies, Rishell."

Tumigil ako sa pagsayaw at nilingon siya. "Talaga? Pero mukhang wala namang ginagawang masama ang Christians sa atin, a?"

"No." Nangunot ang noo niya. May dumaang emosyon sa mga mata niya. "They are the enemy of satan. So they are our enemies too."

Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na may kalaban pala ang diyos na sinasamba ni Levi. At parang takot ang naririnig ko sa boses niya. Hmm... they said that satan is powerful, and has dominion over the world, pero ayon sa nakikita ko sa mga mata niya... is it possible that there is more powerful than him?

And Jesus... hindi ba pangalan niya 'yong nakasulat sa activity doon sa Panglao? And it had said.... Jesus Set The Captives Free.

But... who is Jesus?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.