Chapter 49

Habang naglalakad kami sa hallway ng network building kung saan nagtatrabaho si Elise, hindi ko maiwasang sumulyap sa mga taong nakakasalubong namin ni Levi.

May hawak silang mga papeles. Sa tingin ko, off-cam staffs. Mabibilis ang hakbang nila na parang walang pakialam sa nakakasalubong nila kung sikat ba o hindi. Napaisip tuloy akong sana naging busy din ako sa ibang bagay. Para hindi ako naging fangirl ng --

"Tiden, she's with me. We're heading to Elise. Just call back." Binaba ni Levi ang cellphone at sinilid sa bulsa.

Nasa gilid ko siya habang sabay naming tinutungo ang studio kung saan kasalukuyang nagso-shoot si Elise. Tahimik lang si Levi sa tabi ko at hindi na nagtangkang hapitin ako sa baywang. Pabor 'yon sa akin.

Pumasok kami sa studio. Maraming wirings na nagkalat sa sahig, at mga kameras. May malalaking lights pang nakatutok sa babaeng nakalukuyang nakaupo sa likod ng mahabang mesa.

I stilled. Sobrang ganda ni Elise.

"Rishell," tawag ni Levi.

Lumunok ako at sumunod sa kaniya paupo sa visitor lair ng studio. Naghintay kami ng ilang minuto.

"And... cut!" sigaw ng direktor.

Mabilis na nagsikilos ang staffs. Niligpit nila ang mesa at ilang cups sa ibabaw niyon. Pinalitan nila ang backdrop na gaya ng nasa loob ng coffee shop. May lumapit ding make-up artists kay Elise para i-retouch ang make-up niya. Bigla, lumapit sa amin 'yong babaeng sa tingin ko ay PA.

"Are you Miss Rishell Joy Larica?"

Tumango ako. "K-Kailan ang interview?"

"Ah, wait niyo po ako, Miss. Itatanong ko kay Direk kung kaya pa ba ng oras." Mabilis siyang umalis.

Napabuga ako ng hangin. Napayakap ako sa sarili dahil sa malakas na buga ng air cooler sa itaas. Sakto kasing nakatutok sa amin ang buga niyon. Nanigas ako nang inakbayan ako ni Levi at hinapit palapit sa katawan niya. Niyakap niya ako at siya ang nagkusang naghilig sa ulo ko sa balikat niya.

Napalunok ako. Naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko. Para siguro ibsan ang lamig na nararamdaman ko.

"Miss," ngiting sambit ng PA. Lumapit pa siya nang husto. "Susunod na ang interview mo. Halika, ipapaayos kita sa kanila."

Tumango ako. Lumunok pa ako bago nagpaalam kay Levi. Ngumiti siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Naalala ko lang ang nangyari kanina dahil sa mga ngiti niya.

Inayos ako ng production assistant. Tapos, pinagbihis ng isang loose shirt at high-waist. Nag-atubili pa nga akong suotin 'yon dahil 'yon ang fashion na gusto ni Levi.

"Smile to the camera, Miss Rishell."

Tumalima ako sa sinabi ng director. Tapos, tumingin ako kay Elise. Kausap niya ang isang PA. Maya-maya pa'y tumingin sa akin at ngumiti. She mouthed, "nice to see you." I smiled at her.

"Okay... we'll go in three, two, one... action!"

Ngumiti sa camera si Elise. "Magandang araw mga kachikas. Ako 'to, ang inyong chika-queen, Elise. Ang episode natin ngayon ay patungkol sa bagong pantasya sa mundo ng musika. Ang super controversial na si Miss Rishell Joy, the new solo female artist under ANEW Entertainment Group." Bumaling sa akin si Elise. "How are you, Miss Rishell?"

Napilitan akong ngumiti nang matamis sa kamera, kahit pa kumikirot ang gilid ng labi ko dahil sa sugat na hindi nakikita ng mata. "I'm g-good."

"Oh, you are so beautiful, Miss Rishell."

"S-Salamat."

Mahinhining natawa si Elise. "Alright, so balita namin, nakasama mo raw ang noon ay one of the fastest rising local band, na ngayon ay isa sa may maraming tagahanga at tagasunod. The most influential band of the decade... Vine."

"Yes." Nagbaba ako ng tingin at pilit na ngumiti. "Nakasama ko sila sa last gig ng grupo nila sa Ayala."

"Oh, napakaswerte mo pala, Miss Rishell."

Gusto kong ngumiwi pero pinigilan ko ang sarili ko.

Umikhim siya. "According sa aming research, may kakilala kang miyembro kaya nakasama mo raw sila. Sino itong miyembro ng Vine?"

"Uhm, si T-Tiden."

"Oh." Suminghap siya at dinala ang palad sa labi. Tapos ngumiti. "Nakakagulat. Sa apat na lalaki, si Tiden ang sobrang mailap sa girls."

"Ah, hindi naman masyado. Schoolmate ko siya noong highschool years namin."

"Kaya pala." Tumango-tango siya. "Balita din sa social media na mayroon ka raw boyfriend na miyembro ng Vine. Si Tiden ba ito, Miss Rishell?"

"H-Hindi." Umiling ako at pasimpleng sumulyap kay Levi na nakaupo sa sulok. Nakababa ang bull cap sa noo niya at kita ko lang ay ang nakakurba niyang mga labi. "I-I don't want to disclose who is my boyfriend."

"Ohh... too controversial." Umikhim ulit si Elise. "Your music, Drinking Blood, hit the top 20 rock music within a day. Wow! How did you do that?" ngiting tanong ni Elise.

"Uh, p-promotion?"

"Oh." Natawa si Elise. "Of course, promotion. But do you personally think that it has something to do with your viral video with Vine?"

Napatitig ako sa mata ni Elise. Sobrang itim ng mga 'yon. A danger.

Napaiwas ako ng tingin. "Siguro."

Ang totoo, alam kong may kinalaman ang bawtismo sa pagsikat ng kanta ko. Hindi ko lang kayang sabihin dahil hahabulin ako ng mga nakakataas sa posisyon. Binalaan na ako ni Levi kanina na 'wag ko raw mabanggit ang tungkol sa sikreto ng mga idol sa musika at iba pang larangan. Dahil tiyak na paglabas ko pa lang ng building, pugot na ang ulo ko.

"Miss Rishell, trending ngayon ang Death-Blood-Tears dance craze challenge. Kakasa ka ba sa isang dance challenge?"

Hilaw akong ngumiti. "S-Sige."

Tumayo si Elise at humarap sa kamera. Sinunod ko siya. Tinugtog ng speaker ang isang kakaibang kanta. Sa unang dinig, para itong upbeat music na may nakakahalinang motivational lyrics. Pero habang tumatagal, rumirehistro sa pandinig ko ang totoong tugtog. Nag-iba sa pandinig ko ang boses ng kumakanta, pero alam kong hindi sa ibang nakakarinig.

"Miss Rishell, ganito 'yong steps niya."

Tinuruan niya ako saglit, saka sabay naming sinayaw ang dance challenge. Pagkatapos, pumalakpak si Elise maging ang staffs. Nagpaalam siya sa kamera.

"And... cut! Well done, everyone!" sigaw ng direktor.

Nakipagkamay ako sa direktor bago nagpaalam para sana lalapit kay Levi pero pinigilan ako ni Elise. "Can I invite you and Levi over a cup of coffee?" bulong niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Parang wala namang pakialam ang mga staffs. Natawa si Elise. "Oh, don't worry. Walang pakialam ang mga 'yan sa artists."

"Uhm... s-sige."

Naalala ko 'yong sinabi ni Levi. Priestess si Elise. Sabay naming nilapitan si Levi. Tumango siya kay Elise at tumayo. Hinapit niya ako sa baywang at sabay kaming tatlong lumabas ng studio.

"Starbucks tayo?" ngiting aya ni Elise.

Umikhim si Levi. "Rishell is tired. We can't stay any longer, Elise."

Ngumuso si Elise. Nag-beautiful eyes pa sa harap ni Levi. "Come on, Levi. I only ask favor once in a blue moon, tapos tatanggihan mo ako?" Bumaling siya bigla sa akin. "Rishell, change his mind please... pretty please..."

"U-Uh." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Tapos nagbaba ako ng tingin at mas pinagbuti ang paghakbang. "K-Kung anong sasabihin ni Levi... d-do'n ako."

"Aha! You filthy old hag! You enchant her, do you?" Naningkit ang mga mata ni Elise. "You must persuade her to do contract-binding with demons. Dapat may magsu-sustain sa tinatamasa niya ngayon. Hay, baka mamaya, mawawala ang big catch mo na 'yan."

"It's way too early, Elise."

Ngumiti si Elise. "You know, dahil sa sikat ang music niya, why not magpa-trend ulit tayo ng dance craze? Like Drinking-Blood dance challenge? Rock naman 'yong genre ng song -"

Natigilan bigla sa pagsasalita si Elise. Nang tingnan ko siya, mariin siyang nakatitig sa lalaking nakatungong naglalakad papalapit sa gawi namin. Sa tingin ko, may binabasa ang lalaki habang naglalakad.

Bigla, nawalan ako ng hininga. Napahinto ako sa paghakbang maging si Levi at Elise. Napatitig ako nang husto sa lalaki. May kakaiba sa awra niya.

Huminto sa paghakbang ang lalaki nang isang metro mula sa amin. Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang tingin naming dalawa. Bigla siyang ngumiti bago nagpatuloy sa paghakbang. Tumabi si Elise sa daanan ng lalaki.

Parang bumagal ang oras nang nilampasan niya ako. May kakaibang kirot ang namayani sa puso ko, bumigat ang paghinga ko. Parang napapaso ako sa presensiya niya, na gusto ko nalang ay tumakbo palayo. Pero natuod ako sa kinatatayuan. May narinig akong bulong, isang mahina at marahang bulong... won't you turn your life to Jesus and accept Him?

Nanghina ako bigla. Muntik na akong mabuwal kung hindi lang maagap si Levi sa paghawak sa braso ko. "Rishell," diin niyang tawag.

Naghabol ako ng hininga. Hingal kong nilingon ang lalaking parang wala lang na naglalakad palayo. A-Ano 'yon?

"That man!" sita ni Elise. "Hindi ko kayang lampasan ang anghel na nasa paligid ng bahay niya. Napapaso din ako sa apoy na pumapalibot sa kaniya," nagngingitngit sa galit na bulong ni Elise. "If only I could kill him in an instant, gagawin ko!"

"S-Sino 'yon?" tanong ko.

Naningkit ang mga mata ni Elise at bumaling ulit sa akin. "Si Zion Victor Desmantes."

"A-anong meron sa kaniya?"

Bumuntong-hinga si Elise. "He's a Christian. A vessel of God. He's converting not only the unbelievers but our fellows too. And it's frustrating. I can't get a hold on him!"

Napalunok ako. Napatingin ako sa lalaking unti-unti nang nawawala sa paningin ko. Ibig sabihin, tama nga ang hinala ko. There is more powerful than the one who Levi worships. There is still a hope for me... and for Levi.

"Anyway, I already told some of our loyal cult members to invade industries." Ngumisi si Elise. "I will increase the blessings in their works para mas maraming mahumaling."

"Mahumaling?" taka kong tanong. "I-Ikaw ang nag-aano...?"

Natawa si Elise. "Saan mo ba talaga napulot 'tong babaeng 'to, Levi? She's quite unique. We can use her."

"I'm using her, Elise. Don't come near her. She's mine alone."

"Possessive?" Humalakhak si Elise. "Okay. But remember one of our rules, you need to gather more souls for our lord. More blood, more power."

Hinapit ako ni Levi para magpatuloy sa paglalakad. Sumabay si Elise.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.