Chapter 50

"Rishell, kinakausap kita. 'Wag mo akong talikuran!"

Nahinto ako sa paghakbang. Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Saka unti-unting pumihit para humarap kay Papa. Pulang-pula na ang mukha niya sa galit. Kuyom pa ang dalawang kamao.

"Pa, I'm tired. Please, let me rest muna."

"Hindi! Kailan ka pa natutong magsinungaling?" Pagak siyang natawa. "Yan ba ang natutuhan mo sa pagiging idolo mo?"

Bumuntong-hinga ako. "Pa, totoong nandoon ako para sa interview. If you want, you can call Elise para malaman niyong nagsasabi ako ng totoo." Dinukot ko pa sa bulsa ang cellphone. "I'll text to you her number na lang."

"Rishell!" Dumadagundong sa buong bahay ang boses niya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone at nanatili roon ang titig ko. Ayokong mag-angat ng tingin kay Papa. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. "Saan ka nagpunta at natulog kagabi?"

"Sa hotel, Pa."

"Hindi ka nagpaalam sa amin ng Mama mo!"

Napabuga ako ng hangin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. "Pa, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko, at isa pa, hindi ko kailangang sabihin sa inyo lahat ng ginagawa ko. Pa, I need privacy too," sabi ko sabay takbo paakyat sa itaas. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa kuwarto ko. Pabagsak kong sinara ang pinto sa likuran.

Bumuntong-hinga na naman ako at hinang humakbang. Binagsak ko ang katawan sa malambot na puting kama at tumitig sa kisame. Hindi ko alam kung... ako pa ba 'to?

Ilang minuto akong gano'n nang maramdaman kong nanayo ang balahibo ko. Napaupo ako sa kama at nagpalinga-linga. Walang tao sa loob ng kuwarto ko. Bumuga ako ng hangin at hinawakan ang balikat nang bumigat 'yo. I felt someone was watching me.

Napabangon ako at nagpalinga-linga ulit. Nagpunta pa ako sa balkonahe para siguraduhing walang tao, saka yumuko para silipin ang ilalim ng kama. Wala. Pero bakit pakiramdam ko, minamanman ako ng kung sino? Ramdam ko ang init ng titig ng taong 'yon.

May kumatok bigla sa pintuan. "Miss, pinapababa kayo ni Sir. Kailangan niyo raw siyang kausapin."

"Pwede bang sa susunod na ---" Natigilan ako nang umihip ang hangin, at pumasok mula sa bukas na sliding glass door ng balkonahe ang ilang tuyong dahon. Napalunok ako. "S-Sige."

Dali-dali akong lumabas ng pinto at sumunod sa katulong. Nag-usap kami saglit ni Papa at ako na ang humingi ng tawad para matahimik siya. Tapos, nagpaalam ako na muling aakyat sa kuwarto.

At kahit saan ako magpunta, ramdam ko ang taong 'yon --- 'yong nakatitig sa akin.

TIME FLEW FAST. Dalawang linggo na rin nang mag-launch ang debut song ko. Kaliwa't kanang interview, practice, mall shows, dance challenges, collaborations, non-exclusive contract signings with two networks ang naging buhay ko sa dalawang linggo na 'yon.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikilala si Manager Ratunil. Ang sabi ng recruiter, may nangyari kaya hindi agad nakauwi mula sa bakasyon ang Manager ko. May tumayong temporary schedule organizer bilang kahalili muna ni Mister Ratunil. Ayos lang naman. Hindi rin naman ako dependable masyado sa managers. Hangga't maari, ako 'yong nag-o-organisa ng schedule ko at nag-i-entertain ng gig and show invitations kapag wala akong ginagawa.

At si Levi... gano'n pa rin. Sa katunayan, nasa kuwarto niya ako. Kasalukuyan siyang naliligo sa banyo habang nakaupo lang ako sa kama at tulala sa pader. Hindi pa rin siya nagbabago.

Kahit gusto kong tumakbo palayo sa kaniya, pero sa tuwing ginagawa ko 'yon, bigla na lang akong nasusugatan at nagkakasakit. Kapag tinatawagan ko siya, doon lang unti-unting hihilom ang sugat at mawawala ang sakit. Para akong sinumpa. Hindi ko alam kung sinong nagsumpa pero alam kong may kinalaman si Levi ro'n.

Napaupo ako nang tuwid nang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya. Ngumiti siya sa akin at naglakad palapit. Huminto siya sa harap ko at dumukwang para hagkan ako sa labi. Nang hindi ako tumugon, sinampal niya ako at tinulak ako pahiga sa kama.

Siguro namanhid na ang puso ko. Hindi ko na ramdam ang pagmamahal niya na pinakita niya sa akin noon. Nagbago na nga siya. O sadyang... ganito ang ugali niya noon at nagbabalatkayo lang siya para makuha ako? Gano'n nga siguro.

Narinig ko ang halakhak niya nang matapos siya. Tumayo siya sa gilid ng kama at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya. "Fix yourself," sabi niya at tumalikod para magpunta sa closet. Nagbihis siya.

Dahan-dahan akong umupo. May sugat na namang namuo sa tiyan ko. Dumiin ang matatalas niyang kuko sa balat ko kanina. Gusto kong umiyak. Pagod na ako.

"Rish," tawag niya. Malambing ang boses pero alam kong babala 'yon. Mabilis akong tumayo at muling sinuot ang loose shirt at high waist skirt. Hinayaan kong magdugo ang sugat. Alam kong maghihilom 'yon at mawawala ang mantsa sa damit, bago pa man kami makalabas sa pinto ng kuwarto niya. Alam ko. Hindi siya nag-iiwan ng ebidensya.

Gusto kong umiyak. At habang naglalakad kami sa hallway ng hotel, at nakakasalubong namin ang nakangiting hotel hostess at crew, parang gusto kong lumuhod sa harap nila at magmakaawang tulungan akong makalaya mula kay Levi. Pero kailanman, mananatili lang 'yon sa isipan ko.

Binaba ni Levi ang cap. Inayos ko rin ang shades at face mask. Lumabas kami ng hotel at nagpunta sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto habang umikot siya sa harap at pumasok sa driver seat.

"S-Sa'n tayo?"

Sumulyap siya sa akin bago pinaharurot ang sasakyan. "We'll attend a grand ceremony."

"Ceremony?"

"Hmm... the coronation of Elise."

"C-Coronation?"

Coronation. Isang engrandeng koronasyon sa isang tagong isla. Hinatid kami ng isang helicopter papunta sa isla. Maraming tao. Bata, matanda, lahat nandito. Nakangiti sila at mukhang masayang-masaya.

Hindi ko pa rin maintindihan kung para sa'n 'to. Hanggang sa... nakita ko nang harap-harapan si Elise. Ang sabi ng host, na-promote si Elise. Naging candidate na siya for being a bride. Bride? Hindi ko alam kung kanino siya ikakasal.

Binigyan siya ng isang gintong korona. At nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong tao. Gula-gulanit ang balat niya at halos naliligo sa sariling dugo. Pinako ang taong 'yon, sa isang kahoy na parang ginawang krus. Tapos... nakita ko kung paano kumuha ng gobleta si Elise at sinalo ang patak ng dugo mula sa naghihingalong lalaki. Ininom niya ang dugo na nasilid  sa gobleta.

Naghiyawan ang lahat. Kumanta ng hindi ko maintindihan na kanta. Tapos, nagulat ako nang biglang naghahalikan ang lahat. Hindi ko mapaliwanag ang kaba habang nakahain sa harapan ko ang mga taong hayok sa laman.

Tinakpan ko ang tainga at pinikit ng mariin ang mga mata. Nanginig ang kalamnan ko at nanlamig ang pakiramdam ko nang hapitin ako ni Levi. Hinigit niya ako palayo sa lugar na 'yon at papasok sa malaking resthouse.

Nakahinga ako nang maluwag.

Dinala ako ni Levi sa itaas. Kinabahan ako bigla. Lalo na nang pumasok kami sa isang malaking kuwarto at in-lock niya ang pinto.

"L-Levi?"

Ngumisi siya. Giniya niya ako sa kama at pinaupo. May hinanap siya sa drawers sa gilid ng kama, at nanlaki ang mga mata ko nang humarap siya bigla sa akin. May hawak siyang syringe. Alam ko na kung anong likido 'yon.

"N-no..." Nanubig ang mga mata ko. "Please, L-Levi. Sawang-sawa na ako... no p-please..."

Humakbang siya palapit. Gumapang ako sa kama, palayo sa kaniya. Mabilis niyang hinuli ang paa ko at hinila ako palapit sa kaniya.

"N-No..." Umiling-iling ako. "N-No, Levi... No!"

Nahihintakutan kong tinitigan ang mata niya. Nakatitig din siya pabalik sa akin, pero wala nang pagmamahal sa mga matang kulay asul na may halong berde. Nandoon lang ay isang walang emosyong mga mata. Void. Hollow. Evil.

Umawang ang labi ko at sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Lumunok ako. "M-Minahal lang naman kita, L-Levi. Minahal kita pero bakit... bakit ito 'yong bumabalik sa akin? Nasasaktan ako. Akala ko... mahal mo rin a-ako."

Hinaplos niya ang pisngi ko. "You've wronged your feelings, honey. I'm sorry but devils don't love. We know nothing about love."

"P-Pero..."

Humalakhak siya. "Fool. Did you fall on a trap?" Ngumiti siya nang nakakaloko. "Books, magazines, movies, and other creative devices promote devils, honey. If you love those stories where demon fell in love..." Umiling siya. "I'm sorry but this is the truth. Demons can't love."

"H-How about those days? The days you show to me your love?"

"Can't you get it, Rish?" He leaned closer to me. "What I want from you is your soul. Nothing else."

Bigla na lang gumaan ang ulo ko. I threw my head back and breathe deep. Ramdam ko na ang epekto ng dr*gang itinurok niya. At may naramdaman akong tinusok sa balat ko. Minulat ko ang mata at nagbaba ng tingin sa braso ko. May tinurok pang dalawang syringe si Levi na naglalaman ng likido.

"L-Levi..." hinang sambit ko. "T-Tama na... p-please..."

Humalakhak siya. Lumayo siya at nakita ko ang pagbukas ng pinto sa likuran niya. May pumasok na mga lalaki. Lima? Walo? Parang... sampu yata. Napahiga ako sa kama dahil hindi ko na kaya ang pag-ikot ng paningin ko. Pinikit ko ang mata at naghabol ng hininga. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Na parang babaklas na sa dibdib ko.

"Discipline her. She break rules again."

Rules? Pagak akong natawa. Ano na namang nilabag ko? Minsan, hindi ko alam kung reasonable pa ba ang rason niya sa pagdidisiplina sa akin. May nilabag daw akong alituntunin pero hindi ko alam kung ano!

Hindi ko lubos maalala ang nangyari pagkatapos. Nasa alapaap ang utak ko sa panahon 'yon. Minsan, ramdam kong lumipad ako sa kuwarto, at may pagkakataong lumutang ako sa eri. Hindi ko alam kung panaginip o totoo 'yon.

Basta pagmulat ng mata ko kinabukasan, unang nagawa ko ay sumuka. Nilabas ko lahat ng kinain ko kahapon. Nang tingnan ko ang katawan ko, pinagkibit-balikat ko kung ilang malalaking sugat ang nasa balat ko mula ulo hanggang paa, kung ilang pasa, galos, at kagat ang kumikirot sa buong katawan ko. Halos hindi na ako makatayo sa panghihina.

Bumukas ang pinto at pumasok si Levi. Malinis at mabango. Gwapong-gwapo sa suot na suit and tie. At habang tinititigan ko siya, naalala ko ang mga bagay na pinanggagawa niya sa akin.

Kumuyom ang kamao ko.

"Clean yourself. We'll congratulate Elise," aniya sabay talikod at lumabas ng pinto.

Naluha ako. Hindi dahil naaawa ako sa sarili ko, o may natitira pa akong pagmamahal sa lalaking naging idol ko noon. Kung hindi gusto ko siyang saktan. Patayin. Gustong-gusto ko siyang durugin gamit ang sarili kong mga kamay. Pagpira-pirasuhin. Gusto ko. Gustong-gusto ko siyang sakalin hanggang mawalan siya ng hininga!

Nagtaas-baba ang balikat ko. Dahan-dahan akong umupo habang nakatitig nang matalim sa pinto.

Fear swept off the love I have for him... and now, anger takes place. I no longer fear that man. I loathe him to death!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.