I used to dream the life of idols, and now that I am one, I am dreaming to live the life of the ordinary. No fans. No interviews. No contracts. No pressures. No fear. No portraying the girl who I don't know. I sighed.
Marahan ang patak ng ulan. Nang-aasar. Hindi ako makahakbang palabas ng building dahil wala akong dalang payong. Nagpatila lang ako at nang unti-unting sumikat ang araw, doon na ako naglakas-loob na tumapak sa maputik na lupa. Dahan-dahang hakbang.
"Miss!"
Lumingon ako sa pinanggalingan. Si Uyi, ang nakausap kong health care professional na nag-assist sa akin at napagtanungan ko tungkol sa pwedeng gawin para makakuha ng dr*g test.
"Hindi contaminated ang blood sample na dinala mo. Hindi mo na kailangang kumuha ulit."
Marahan akong ngumiti. "Salamat, basta 'yong pangalan. 'Wag mong kakalimutan, ha?"
"Yes, Miss." Ngumiti pa siya nang marahan sa akin.
Pumihit ako at muling naglakad. Ilang hakbang pa ang ginawa ko nang may humintong kotse sa tapat ko. Bumaba ang driver at tumayo sa harap ko. Tiningala ko siya. Maybe he's in his late 40s.
Ngumiti siya at nilahad ang kamay. "Good to see you, Miss Larica. I am Tsuban Ratunil."
Ratunil. Napakurap ako. "M-Manager Ratunil?" Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay.
"Yes. Umaambon. Halika sa kotse. Ihahatid na kita. I need to catch up things with you."
"Uh." Bumaba ang tingin ko sa ID na nasa leeg niya. Tsuban Ratunil - Manager. Siguro siya nga si Manager Ratunil. Ngumiti ako. "Okay."
Pinagbuksan niya ako ng passenger door. Agad akong pumasok sa loob. Ilang segundo pa at nakapasok na siya sa driver seat at tumakbo ang kotse papalayo sa LH Prime Health Laboratory.
Sumulyap sa akin si Mr. Ratunil. "How are you, Rishell?"
"I'm fine, Manager."
"Hmm... your eyes are sad. What makes you sad, child?"
"Child?" Napatingin ako sa kaniya.
"Yes, child. I want to call you child. I always fond of calling younger people as child. Is that okay with you? I will stop if you're not comfortable with it."
"Oh." Napatingin ulit ako sa harap. "I don't mind."
"Hmm..."
Tumugtog bigla ang stereo. Nagitla ako.
"Sorry," pasensya niya at pinatay ang stereo.
"Actually, that's okay. I mean, gusto ko ring makinig ng music."
Sumulyap siya sa akin at muling binuhay ang car stereo. Marahan ang takbo ng kotse sa highway pabalik ng Boljoon. Then it hit me. Tumingin ako sa kaniya. "P-Paano niyo pala nalamang nandoon ako?"
"Trisha told me. Galing din ako sa Victory Talisay kaya dinaanan kita. She also told me that you have a small visit in Boljoon church with a famous influencer kaya pinalagay kong pupunta ka sa Boljoon."
Trisha is my PA. Napabuga ako ng hangin. Mabuti nalang. Hindi ko gustong makasama ang kahit na sino partikular si Levi. After hiring a cab, nag-book ako ng hotel room at doon natulog. Alas-cinco pa lang ay dumiretso ako sa Talisay para ipasa sa laboratory ang blood sample. I hoped that it will not turn out as contaminated. Mabuti na lang at dininig ng kung sino man ang hiling ko.
"Pasensya na, 'nak. I did leave you for too long. Kaya lang, hindi pa ako handa sa oras na 'yon kaya ilang buwan akong nawala sa industriya."
"O-Okay. Actually, hindi ako galit, Mister Ratunil. Kaya wala kang dapat ihingi ng sorry sa akin."
"Mas maganda kung Tito ang itatawag mo sa akin."
"Okay, T-Tito."
Marahan siyang ngumiti. Bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya dinukot ko mula sa shoulder bag. Si Levi. Alam kaya niya ang ginawa ko? Please, sana hindi. Lumunok na muna ako bago sinagot ang tawag. Pinasigla ko ang boses. "H-Hello, Levi."
"You leave."
"Y-Yes, may biglang schedule na pinasa ang PA ko." Nagbaba ako ng tingin sa relo. Alas-siyete. "Kailangan maaga ako sa place."
"Alright. Call me up when you're done."
Hilaw akong ngumiti. "Okay."
Binaba ko agad ang tawag. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Muntik na ako ro'n.
"Boyfriend mo ba?"
Napatingin ako kay Tito. "Y-Yes."
"Sinasaktan ka?"
Napalunok ako. "N-No..."
Ngumiti siya nang marahan. "Puro sugat ang nakikita ko sa katawan mo, 'nak. Sabihin mo, saan mo nakilala 'tong boyfriend mo?"
Puro sugat? Pero... nagbaba ako ng tingin sa palapulsuhan ko. Walang sugat doon. Lumunok ulit ako. "Idol ko po siya."
"Idol." Natawa si Tito. Niliko niya ang manibela. "Nagsisi ka ba?"
Malungkot akong ngumiti. "S-Sobra."
Bumuntong-hinga si Tito. "Alam mo, 'nak, kitang-kita ang hirap na dinanas mo kay Levi. Alam kong maraming lihim ang mundo ng showbiz kaya... ipagpalagay mong maaasahan mo ako sa sikreto mo. Hindi ko ipagsasabi kanino man. Pangako. Magtiwala ka sa akin, 'nak."
Nanubig ang mga mata ko. Nakagat ko ang nanginginig na labi at humikbi. Sinabi ko lahat sa kaniya ang nangyari. Wala akong tinago maski isa. 'Yong dr*ga, pangg*gahasa, kulto, dugo... at iba pang hindi ko maatim na mai-involve ako. Iniyak ko lahat habang bumibiyahe kami pasulong.
Hindi ko alam kung anong meron kay Tito Ratunil pero naramdaman ko ang kapayapaan habang nakaupo sa passenger seat. Tipong hindi ko ramdam ang mga matang nakasunod sa akin sa nakalipas na mga buwan. At ni hindi sumagi sa isip ko ang tungkol sa disiplina. Para bang... hindi ako natakot na sabihin sa kaniya ang lahat. Para bang... alam kong ligtas ang sikreto ko sa kaniya.
Pumikit ako nang mariin. "Araw-araw sa University, pinipilit kong ngumiti nang malapad para ipakita sa mga tao na ayos lang ako. Pilit akong ngumiti sa bawat tili nila, para lang hindi masabihan na snob at maldita. Araw-araw, paulit-ulit kong ginagawa 'yon."
Nakagat ko ang labi. "Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang mga babae sa hallway, iniisip kong sana... gano'n din ang buhay ko. Na walang iniisip kung hindi ang makapagtapos ng pag-aaral, na sana kagaya rin ako sa kanilang nagpupunta sa mga mall at library na hindi takot kumausap ng ibang tao. Pagod na ako, Tito. Pagod na akong tumakbo palayo sa mga tao."
Pagak akong natawa. "Hindi naman ganito ang buhay ko dati. Mas okay pa nga sa aking walang kumausap sa akin sa University. Tanggap ko noon na nobody lang talaga ako. Pero hindi ko maiwasang magpapansin sa girl friend ng lahat na si Jamaica."
Napangiti ako. "Palagi ko siyang nakakasalubong sa hallway, at sa tuwing nangyayari 'yon... pinagmamalaki ko sa kaniya ang latest merchandise and books ko. Na sa pamamagitan no'n, makukuha ko ang atensyon niya at isasali niya ako sa circle of friends niya."
Pinahid ko ang luha sa pisngi. "Tanggap ko noong walang gustong makipag-friend sa isang social climber na tulad ko, sa isang attention-seeker, sa isang loser... sa isang babaeng sunod sa uso at iniinggit ang kapwa. Akala ko kasi noon, kapag alam nilang nasa akin ang latest trend, makikipag-friend sila sa akin. Ngayon ko napagtantong... mas lalong lumayo ang loob nila sa akin dahil sa palagi ko nalang pinagmamalaki ang mga bagay na binili ko."
Dahan-dahan kong pinuno ng hangin ang baga. Sabay buga nang marahan. "My pride was so high, Tito. I was boastful pero simula noong hinabol ako ng mga lalaki sa ilalim ng ulan, nawalan na ako ng ganang magmalaki sa kapwa. Naranasan kong literal na lumunok ng putik. And yes, it was so disgusting. Pero 'yong pangyayaring 'yon... it humbled me. Hindi ko na inisip na I'm better than anyone else.
Tapos ngayon... ngayon na naranasan ko ang totoong mundo ng showbiz, ang totoong ugali ng mga idolong hinangaan ko... parang gusto ko nalang iuntog ang ulo ko sa pader.
I asked myself how did I worship those evils? How did I shout their names with so much adoration? How did I buy useless things for the sake of my reputation as their number one fan? How did they capture me into those songs? And how did I end up here... being a prisoner of that evil?"
Pumikit ako nang mariin. "I love Levi. I really love him, Tito. But is this love worth it? Sa panaginip ko, kasama ko siya. Masaya kami ro'n, at palagi kaming nagtatawanan na parang walang bukas. Sobrang saya sa panaginip ko, Tito. Mas lalo ko siyang minahal sa panaginip ko. Pero kapag minumulat ko ang mga mata sa umaga, sinasampal sa akin ang realidad na hanggang panaginip lang talaga 'yon."
Mas lalo akong humikbi. "K-Kaya... kahit ilang beses niya akong tinuturukan at ilang beses na sinusugatan, bumabalik ako sa kaniya, at umaasang isang araw ay makikita niya rin ang halaga ko. Umaasa akong may pag-asa pang mamahalin niya rin ako balang araw. Na kapag iparamdam ko sa kaniyang mahal ko siya, baka... baka may pag-asang magbabago ang turing niya sa akin. Na magbabago ang tingin niya akin. I just love him that much, Tito..."
Ilang minutong tumahimik sa loob ng kotse. Panay ang lunok ko at punas ng luha. Pabor sa akin ang katahimikan. Para bang nakikisimpatya sa akin.
Umikhim si Tito. "Loving him will only cause you destruction. Are you still willing to hold on to that dying hope, Rishell?"
"I... I can't. Pagod na ako, Tito. Gusto ko nang magpahinga."
"Then rest."
Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana, at malungkot na tiningnan ang maulap na kalangitan. "I don't know how to take a rest. Kahit saan ako magpunta, there is still a fear inside of me. Takot akong bigla na lang sumulpot sa harap ko ang isang lalaki at ibalibag na naman ako. Hindi lang katawan ko ang nasasaktan, Tito. Puso, isip, at kaluluwa. Pagod na pagod na."
"I sought the Lord, and He heard me, and delivered me from all my fears (Psalm 34:4). So we may boldly say, 'The Lord is my helper: I will not fear. What can man do to me? (Hebrews 13:6). For God has not given us a spirit of fear, but of power and of love and of a sound mind (2 Timothy 1:7)."
"God?" Napatingin ako sa kaniya. Naalala ko ang sinabi ni Ate Rosan doon sa Panglao.
It is hard to believe in God, but it is far harder to disbelieve in Him. - Emerson
Hindi ba sinabi rin noon ni Levi na may kalaban ang diyos na sinasamba niya? 'Yong Anak ng Diyos na pinadala sa lupa. Ano nga ang pangalan Niya? Jes... Jesus?
"Tito?"
"Hmm?"
"May mas makapangyarihan ba sa diyos na sinasamba ni Levi?"
"Mmm... mas makapangyarihan kaysa kay satanas?"
"Oo, 'yon nga ang gusto kong itanong."
Ngumiti ng malapad si Tito. "Meron. He overcame."
"S-Sino Siya, Tito? Gusto ko Siyang makilala. Baka... baka matulungan Niya ako."
"Matagal ka na Niyang tinutulungan, Rishell. Hindi mo lang napapansin ang kapangyarihan Niyang gumagabay sa 'yo. Doon sa ilalim ng ulan habang hinahabol ka ng mga lalaking gustong gum*hasa sa 'yo... tinulungan ka Niya. Marami pang pagkakataon sa buhay mo na iningatan ka Niya. Hindi mo napansin dahil mas tutok ka sa ibang bagay."
"T-Talaga, T-Tito? Pero paano 'yong... 'yong mga gabing tinuturukan ako ni Levi? 'Yong gin*hasa ako ng mga lalaki? Hinayaan lang ba Niya 'yon?"
"Rishell, ikaw ang pumili sa direksyong tinahak mo. Ikaw ang humakbang sa patibong ni satanas. Kung hindi nangyari sa 'yo ang mga bagay na 'yon... magagawa mo bang magtanong sa akin kung sino ang Diyos na makapangyarihan sa lahat?
Rishell, you choose to be an idol, and that is the consequence. People often blame God for bad events in their lives, without considering that those bad events were the consequences of their actions."
"T-Tito..."
"May dahilan lahat, Rishell. Ngayon, hinahanap mo ang taong magpapalaya sa 'yo." Ngumiti siya habang iniikot ang manibela. "Masaya akong sabihin sa 'yong may kilala ako. Si Jesus."
"J-Jesus?" manghang tanong ko.
"Oo. Jesus came to set the captives free. You are a captive. Now, He will set you free from that bondage. Behold, His grace has come to you."