Chapter 52

Habang tinititigan ko siya... tumitibok nang mabilis ang puso ko. Kahit na sinaktan niya ako, may parte nga sa aking nagmamahal pa rin sa kaniya. Hindi ko kayang burahin. Kahit saan ako magpunta, sa kaniya pa rin ako babagsak. Hindi dahil literal akong nanghihina kung lalayo ako sa kaniya, pero dahil mahal ko pa rin si Levi. Naintindihan ko na. 'Yong will kong bumalik sa kaniya, pilit ko lang dini-deny at ini-excuse na sinumpa ako ni Levi. Pero 'yong totoo...

"What's with that look, Rish?"

Gusto kong... sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal pero, anong silbi no'n? Binabalewala lang niya ang sasabihin ko. Pinahid ko ang luhang naglandas sa pisngi ko at marahang ngumiti sa kaniya. "G-Gutom ka ba? Uh, hindi ako marunong pero may Youtube naman."

Nilampasan ko siya at nilagay ang shoulder bag sa sofa. Dumiretso ako sa kusina at sinilip ang ref. Naglabas ako ng ingredients, at nag-search sa Youtube.

"I'll be busy in coming weeks. I have a lot of things to catch up in our cult."

Nag-angat ako ng tingin kay Levi. Nakasandal na siya sa hamba ng pintuan ng kusina at nakahalukipkip. Nakatitig sa akin ang kakaibang kulay ng mga mata niya. Ngumiti ako. "O-Okay."

Naghiwa at nagluto ako habang panaka-nakang tumitingin sa Youtube video. Hindi ko alam na nakatitig lang pala sa akin si Levi mula kanina. Nalaman ko 'yon nang matapos akong magluto at napatingin sa pinto. Marahan akong ngumiti at naghain.

Inaya ko siyang kumain.

Tahimik ang hapagkainan pero siya ang unang bumasag sa katahimikan. "You're good at cooking," komento niya.

"Ah." Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. "Mukha nga. Nalaman kong medyo may talent ako sa pagluluto simula nang inutusan mo akong magluto."

Tumango siya. "Will you stay here tonight or you'll go home?"

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. "I w-want to sleep beside you."

"Very well." Pinagpatuloy niya ang pagkain. Nagbaba ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa pagkain.

Niligpit ko ang pinagkainan habang nauna nang lumabas ng kusina si Levi. Nag-text din ako kay Papa na magpapalipas ako ng gabi sa hotel dahil maaga ang shooting ko bukas. Alam kong hindi na siya magtatanong kung bakit, dahil ang gusto lang ni Papa ay ipaalam ko kung nasaan ako. Siya na ang bahalang magpaliwanag kay Mama.

Inabot ko ang paper bag sa mesa at kinuha ang sterilized cup. Sinilid ko 'yon sa bulsa ng suot kong roba at umakyat sa itaas ng kuwarto ni Levi. Pinihit ko ang seradura at tumambad sa akin ang queen size bed na kulay maroon ang bedsheet. Puti ang unan at kumot.

Hinanap ng mata ko si Levi pero narinig ko ang pagragasa ng tubig sa shower room. Mukhang naliligo siya. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang sinara ang pinto. Dinukot ko ang micro-cam sa bulsa at nilagay sa bookshelves sa paanan ng kama. Siniguro kong naka-on ang camera. Lumapit ako sa kama at naupo sa gilid niyon.

Bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Levi na may nakatapis na tuwalya sa baywang. Tinutuyo niya ang buhok. Nagbaba ako ng tingin. Naramdaman ko ang paglapit niya. Inabot niya ang dulo ng buhok ko at sinamyo.

Pasimple kong binaling ang mukha sa camera. Pinikit ko ang mga mata. Hinayaan ko siya sa ginagawa. Nahiga siya sa tabi ko pagkatapos. Bumangon ako at hinanap ang roba ko na tinapon ni Levi. Pinulot ko 'yon at kinuha ang sterilized cup.

Nakahiga si Levi sa kama. Nakapikit. Sumampa ako at naupo sa tiyan niya. Nagmulat siya at nagtama ang mga mata namin. Ngumisi siya. Inabot niya ang kamay ko. Napaigik ako nang walang sabi niyang sinugatan gamit ang sariling kuko ang palapulsuhan ko. Pinagmasdan ko kung paano pumatak ang dugo ko sa dibdib niya.

Humalakhak siya.

Walang araw na hindi niya ako sinusugatan. At tanging pikit ang nagagawa ko para lang hindi matingnan kung paano niya dinilaan ang dugong pumatak mula sa sugat ko.

Napasinghap ako nang sinugatan niya rin ang palapulsuhan niya. Napalunok ako. Pilit niya akong pinapainom ng dugo niya pero tinatanggihan ko. Ngayon, handa akong tumikim para lang makakuha ng sapat na dugo.

Dumukwang ako at hinagkan siya. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa likuran ko. Lihim kong nilabas ang sterilized cup. Hinuli ko ang palapulsuhan niya at tinaas sa uluhan niya.

"I should be on top," paos niyang sambit sa pagitan ng halik.

"Later."

Sinalo ko ang patak ng dugo sa palapulsuhan niya gamit ang cup. Nang ma-seal ko ang cup, at maitago sa ilalim ng unan, doon ko pinakawalan ang labi niya.

Narinig ko ang halakhak niya. Sinabi niya sa aking pinagbawal ng kalaban ng diyos niya ang pag-inom ng dugo dahil nasa dugo ang buhay ng tao. Hindi ko alam kung totoo pero tikim lang ang ginawa ko. Naubo ako. Halos masuka ako sa lasa pero kinabig ako ni Levi.

Nakatulog na siya. Ramdam ko ang hapdi sa katawan ko pero pinilit kong bumangon. Mabilis kong kinuha ang cup at ang micro-cam. Lumabas ako ng kuwarto.

Mabilis akong nagbihis at naglagay ng note. Lumabas ako ng bahay at halos manginig ako sa lamig ng hangin. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang hotel sa susunod na munisipalidad. Hindi ko nga alam kung maswerte ako kaya nakapara agad ako ng taxi. Wala nang halos dumadaan sa highway sa ganitong oras.

Nakababa ang glass window ng taxi kaya mabining humahampas ang lamig ng hangin sa mukha ko. I heaved a sigh. Hindi ko alam na dadating ang oras na hihiling akong sana hindi na huminto ang taxi. Sa bus noon, para akong hindi mapakali hangga't hindi ako nakakarating sa paroroonan. Pero nakakatawa ngayon na iniisip ko ang walang hintuang biyahe.

Tahimik, banayad, walang inaalalang taong maaaring didisiplina sa akin.

Marahan akong ngumiti sa mga alitaptap na lumilipad sa himpapawid, sa marahang pagsayaw ng mga punong natatanglawan ng liwanag ng street lights, sa establishimentong nagniningning sa dilim, sa mga panaka-nakang taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Haaay... miss na miss ko na ang tahimik kong buhay noon.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ang text message na pumasok sa inbox ko.

From PA: miss, babalik na si Mr. Ratunil bukas.

Napangiti ako. Sana nga, bumalik na siya. Pero... baka wala na siyang mararatnang trabaho. Baka nga, hindi maganda sa kaniyang bumalik siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.