"Ginagawa mong idol ang katulad mong makasalanan. Ginagawa mong role model ang isang tao, na tulad mo ay nagkakasala sa Diyos. Hinahangaan mo ang isang makasalanan. Tinitingala mo ang isang makasalanan. Why are you doing that?
Dahil ba napapasaya ka nila? Dahil uso ang magkaroon ng idol? Dahil lubos mo silang hinahangaan? Dahil talentado sila? Dahil magaganda at gwapo sila?
Why are you praising a sinner like you? Why are you worshipping a sinner like you? Why do you engage in fandom wars to save the face of your idols?
Just think of this logic... you are praising, worshipping, and protecting the reputation and name of a criminal who breaks the law of God. This criminal should be sentence to death because of sin but then, Someone presented Himself to die on behalf of the criminal that you are idolizing.
Sino ba ang mas karapat-dapat mong hangaan at sambahin? 'Yong kriminal, o ang Taong namatay para isalba ang kriminal?
Who is more worthy of your praise, worship, time, and life? Is it your idol who breaks the law of God, or is it Jesus Christ who died on behalf of your idol and you?
You are giving your time and resources to someone who can not save you from the fires of hell. You are praising someone who is not worthy to be praise. You are dedicating your life to temporary pleasures...
... and if you die while idolizing man, who can save you from the wrath of God to come? Who will save you from the eternal death in hell?
Will your idols save you from tribulation to come?
But the most important question is... do they have the ability to save you from eternal death in hell?"
Napayuko ako. Nanlabo ang paningin habang nagsimulang kumanta ang worship team. I listened to the song. And not long after, my body shook. I can feel the presence. His presence.
Masayang kumakanta ang lahat ng tao sa loob ng hall. Pumapalakpak sila at sumasayaw. Tinataas pa ang kamay
Huminga ako nang malalim at pumalakpak. Dahan-dahan kong sinabayan ang mga tao sa pagsayaw.
Nakisabay ako sa kanta ng mga tao. Hindi ito 'yong klase ng musika na palagi kong pinapakinggan. It was mild, gentle... like the afternoon breeze. Pero kahit na hindi upbeat, pero 'yong kapayapaang hatid ng kanta... is enough for me.
Hindi ko alam na mayroong kanta na ganito. 'Yong hindi mo kailangang mag-head bang. 'Yong... simpleng sabay lang pero ramdam mo 'yong saya habang kumakanta. 'Yong walang mura. 'Yong... payapa?
Nag-iba ang kanta.
Napangiti ako sa lyrics. Tinaas ko ang kamay at pinikit ang mga mata. I sang my heart out.
I feel a cool wind caress my skin. Nagmulat ako at nagpalinga-linga. Walang bukas na entrance ang hall kaya imposibleng pumasok ang malamig na hangin. Is that Him? The Holy Spirit?
Napahinga ako nang malalim sa pagkabanayad ng kanta. Para akong dinuyan sa ulap. I surrender to that feeling, I surrender to the One who is calling out to me. I surrender everything...
Will You receive me, Lord?
Ilang segundong naging tahimik ang paligid. I could feel the stillness of crowd, but the sudden gush of wind surprised me. It filled the place. I could see how people breathe the Life. I could feel the sudden urge, the sudden breathe of Life on me. From my nostrils down to my lungs.
Like drinking a cup of cold water on a hot sunny day.
I suddenly lowered myself, bended my knees. Naiyak ako sa tuwa. Hindi ko alam na ganito ang pakiramdam. Hindi ko inasahan ang kapangyarihan Niyang gumagalaw sa buong paligid. A sudden change of atmosphere, a sudden change!
"This is it, people of God! The atmosphere is lifting up! The atmosphere is changing! The Spirit of God is moving in this place! A miracle may happen now! Breathe the life now! Breathe and accept Him! Hallelujah! Praise God!"
I breathe deep, deeper than I did before. My hands started to shake uncontrollably until I gave in. I let myself lay on the floor, and weakly stared at the ceiling. A smile lingered on my lips.
"T-Thank you." I cried. "Thank you for showing mercy on me, God. I have sinned a lot. I have sinned great. Thank you. I am not worthy but because You are the essence of love, you gave up Your Son, Jesus, to die on the cross instead of me. Thank you for Your grace, Lord."
I can't take it. Hinayaan ko ang sarili kong lumuha. Sinabi ko sa Kaniya lahat ng kasalanang ginawa ko. Lahat ng sikreto ko. Sinabi ko ang tungkol kay Levi, tungkol sa mga magulang ko, tungkol kay Jamaica. Tungkol sa lahat ng bagay.
Wala akong tinago maski isa sa Kaniya. Can I hide anything from Him? No, I can't. He is the God who sees everything.
NAGMULAT ako ng mata. Una kong napansin ang puting kisame. May naririnig akong pluck ng gitara. Unti-unting pumasok sa isip ko ang mga nangyari, at dahan-dahan akong umupo.
Nakita ko si Tito kasama ang dalawang tao. Sa tingin ko, mga kaedad ko lang 'yong babaeng kumakanta at 'yong lalaking naggigitara.
Umikhim ako kaya nahinto sa pag-pa-pluck 'yong lalaki at napatingin ang babae sa gawi ko. Ngumiti siya. "Gising ka na."
Ngumiti ako sa kaniya at tumingin kay Tito. "O-Okay lang po talagang dito na muna ako?"
"Oo naman, 'nak." Tumayo siya at lumapit sa kama. Naupo siya sa gilid. "Nakausap ko na ang mga magulang mo at pinaliwanag kong kailangan mong nandito. Hindi sila naniwala na dahil gusto mong i-build ang spiritual life mo kaya sinabi kong latest project mo ang nandito sa church."
"P-Project?"
Ngumiti siya. "Hahayaan kitang mag-lead sa worship paminsan-minsan. Alam kong maganda ang boses mo. Bakit hindi natin gamitin para i-glorify si God?"
"T-Talaga po?" Napatingin ako sa dalawa kaedad ko bago binaling ulit ang tingin kay Tito. "Akala ko hindi ako t-tanggap."
"Nak, don't be discourage. Church is not for righteous but for sinners saved by grace, as what Jesus said, that He came not for the healthy but for the sick."
"S-Salamat po, Tito."
Ngumiti siya at bahagyang tinapik ang balikat ko. Muling nag-strum 'yong lalaki at nagpatuloy ang babae sa pagkanta. Paminsan-minsan, sumasabay ako.
Nanatili ako sa church ng halos isang linggo. Nagpa-water baptism na rin ako bilang deklarasyon na susunod ako kay Kristo. Nag-file din ako sa admin ng excuse letter na agad pinirmahan ni Tito bilang patunay na hindi ako gumagawa lang ng excuse para hindi pumasok. Araw-araw din akong tumatawag kay Mama para mangumusta.
Noon una ay pinagsabihan ako pero malumanay kong pinaliwanag sa kaniya ang sitwasyon. Siyempre, hindi siya naniwala. Kaya sinabi ko na lang na may exclusive project akong ginagawa sa simbahan. Si Papa naman, basta nasa maayos akong lagayan, okay lang sa kaniya.
Palaging tumatawag si Levi pero hindi ko sinasagot. Nang minsang tumawag siya sa hatinggabi, aksidente kong nasagot ang tawag. Nagtanong siya kung nasaan ako pero hindi ko sinabi. Nagmura siya kaya pinatay ko ang tawag at in-off ang cellphone.
At... at naalala ko na ang mga memoryang binura ng sumpa niya. Halos magdamag akong umiyak habang inalala kung pa'no ako pinagkaisahan nina June at Tiden.
Tiden...
Hindi na nagparamdam si Tiden matapos noong huling pag-uusap namin. Pero unti-unti ko nang pinatawad ang dalawa. Dahil naintindihan ko ang dahilan nila. Bumuntong-hinga ako.
Wala ring text o tawag galing kay June. Hindi rin kami close ni Ariel at mas lalong si Nicole. Si Kervy naman... simula noong pinutol ko na ang komunikasyon namin, hindi na siya nag-atubiling magparamdam ulit sa akin.
At si Lyndon... hindi kailanman pumasok sa isip ko ang tungkol kay Engineer. Naalala kong ang huli naming pag-uusap ay may kinalaman sa Vine, sa kaso ni Jonaira, at sa nawawalang biktima ng Boljoon.
Nakagat ko ang labi. Nakakuha kaya siya ng bagong ebidensya?
Pero malabo 'yon. Malabong-malabo.