Chapter 57

After a week, napagdesisyunan kong umuwi na sa El Grande Lat. Nagpaalam ako at nagpasalamat sa mga taong nag-welcome at nag-aruga sa akin. Nakangiti sila. Banayad na umihip ang panghapong hangin. Tiningala ko ang dalawang palapag na malapad at matayog na gusali sa harapan ko.

Marahan akong napangiti at humakbang palapit sa kotseng naghihintay sa akin. Isang ngiti ang ginawad ko kay Tito na nakaupo sa driver seat. Gumanti siya ng ngiti at pinatakbo palabas sa driveway ng Victory Talisay ang kotse. Bumiyahe kami patimog - papunta sa Boljoon.

"Ayos na ba sa 'yong umuwi, 'nak?"

Tumango ako. "Hindi naman ako pwedeng manatili sa church, Tito. May responsibilidad pa akong dapat gampanan."

"Masaya akong... makita kang mas maayos na kaysa sa una kitang nakita."

Natawa ako. "Thanks God." Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Kita ko ang dahan-dahang pagsayaw ng mga sanga ng puno sa gilid ng kalsada. "Jesus truly came to set the captives free," bulong ko sa hangin.

"Hindi pa rin ako magsasawang ialok sa 'yo ang posisyon sa ministry. Kita kong mas hiyang ka sa pagiging worship lead," sabi ni Tito.

"Hindi pa siguro ngayon, Tito." Ngumiti ako. Sinandal ko ang ulo sa headrest ng kama at hinayaan ang hanging tangayin paabante ang ilang hibla ng buhok ko. Rinig ko ang mahinang ugong ng makina at ang simoy ng hangin sa kakahuyan. "May mga bagay pa akong dapat ayusin."

"Kung 'yan ang gusto mo, 'nak."

Naging tahimik ang biyahe pagkatapos no'n. Pinagmasdan ko lang ang mga sasakyan na kasabayan ng kotse. 'Yong mga taong naglalakad sa sidewalk, 'yong mga ngiti nila at 'yong halakhakan ng ilang grupo ng mga babae sa kanto.

The sun rays hit my eyes. Kailangan ko pang isara ang mga 'yon. Ngumiti ako habang dinadama ang hanging tumatama sa mukha ko. Hindi ko alam kung paanong sa iglap, biglang nagbago ang buhay ko. Wala na ang takot ko noon na naghahari sa puso ko, wala na ang kadiliman.

It's an overwhelming peace, love, security, and... fire for the Lord.

Hindi ako nagsising tinanggap si Jesus. Hindi ako nagsising humingi ng tulong sa Kaniya. At ngayon, napatunayan kong totoo Siya. Walang sinuman sa tanang buhay ko ang nagbigay ng ganitong pakiramdam.

'Yong contentment, 'yong peace... 'yong hindi nagwo-worry sa future. 'Yong walang pakialam sa trend. 'Yong hindi naghahangad ng atensyon at kasikatan. 'Yong... Siya lang ang gusto ko.

Hindi nagtagal ay huminto ang kotse sa tapat ng gate ng EGL. Kinunan ng ID si Tito pero nang makita ako ng guard ay muling binalik ang ID. Humingi pa ng pasensya. Ngumiti lang ako at sinabing ayos lang. Pinadaan nila kami sa gate.

"Hanggang dito na lang ako, 'nak," tanggi ni Tito nang pinilit ko siyang bumaba ng kotse.

Hilaw akong napangiti. "Gusto ko lang kayong ipakilala sa magulang ko, Tito."

"In the right time, child." Ngumiti siya bago pinatakbo ang kotse paikot sa fountain at pabalik sa gate.

Kumaway na lang ako hanggang mawala ang kotse sa paningin ko. Bumuga ako ng hangin bago nagpasyang pumasok. Tahimik ang loob ng bahay.

"Ma? Pa?"

Umakyat ako sa itaas at kinatok ang kuwarto nila pero wala akong nakuhang sagot. Nasa'n kaya ang mga 'yon? Kunot-noo akong bumaba ng hagdan. Wala rin ang mga katulong.

Bigla na lang akong nakarinig ng halakhakan sa labas. Patakbo kong tinungo ang pinagmulan niyon at nakita ko sina Mama at Papa sa patio sa may hardin. Kausap nila si Engineer Lyndon.

"Aba, malaking kontrata ang nakalaan para sa batang 'to!" natatawang saad ni Papa.

Natawa si Mama. "Mabuti at hindi mo naisipang iwanan ang trabaho mo?"

"I don't throw contracts away, Madam."

"Yan ang gusto ko sa 'yo, Mr. Davies," puri ni Mama.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at umikhim. "Ma, Pa."

Unang bumaling sa akin si Papa. Tumayo siya at niyakap ako. Tumayo rin si Mama at ginaya si Papa. Nailing tuloy ako kay Lyndon na nakatitig lang sa akin.

"Natapos mo na ang project?" tanong ni Papa.

Tumango ako. "Salamat po sa pagpayag mo, Pa... Ma."

"Ah." Humalakhak si Papa. "Ako ang nagpapayag sa Mama mo. Sa akin ka lang dapat magpasalamat," ngiting biro ni Papa.

I was taken back by a suddem repulsion. Parang nawalan ako ng gana bigla. Mayroon sa loob-loob ko na hindi gusto ang sinabi ni Papa. Kahit biro lang 'yon, pero he sounded arrogant. And that was not good. They should be a role model to me.

Umikhim na lang ako at bahagyang ngumiti. Matapos akong kausapin at pagsabihan ni Mama, inaya nila akong maupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Lyndon. Nakita ko pa ang pagtaas ng sulok ng labi ni Engineer. Ngumiti na lang ako nang marahan sa kaniya.

"Ah, Rishell. Simula sa lunes, pwede ka nang bumisita ulit sa Port. Natapos na ng team ni Mr. Davies ang renovation." Ngumiti nang malapad si Papa. "Sobrang lawak at maganda na ang Larica building kumpara noon."

"Mabuti naman po at natapos na." Ngumiti ako.

"Rishell," tawag ni Mama.

"Po?"

Nangunot ang noo niya. "Bakit parang may nag-iba sa 'yo?"

"Nag-iba po, Ma?"

"Hayaan mo na," sita ni Papa. "Sikat na ang anak mo kaya may magbabago sa kaniya. Ang importante, humihinga ang anak mo."

Nagkibit-balikat si Mama bago sumimsim sa umuusok na tsa sa tasa. Ikinuwento ni Papa ang ginawang renovation ni Lyndon. Tumatango-tango lang ako at paminsan-minsan ay sumisimsim sa tsa. Ilang beses na ring nagpabalik-balik ang katulong para ilagay ang bagong teakettle sa mesa at kunin ang ubos nang teakettle.

"Rishell, noong isang araw, tumawag si Levi. Nag-away ba kayo?" tanong bigla ni Mama.

Natigilan ako. Umikhim ako at binaba ang tasa. "Ah, konting misunderstanding lang, Ma." Nag-angat ako ng tingin kay Lyndon. Seryoso at kunot na ang noo niya habang nakatitig sa akin. Sigurado akong magtatanong siya mamaya.

"Who's Levi, Mrs. Larica?"

Ah, hindi pala mamaya. Nagtanong na siya agad.

Natawa si Mama at bahagyang tinapik ang balikat ko. "Yong gwapong vocalist ng Vine, Mr. Davies. Boyfriend niya 'yon. Kung hindi ako nagtanong sa mga katulong, baka hindi ko malalaman na sikat ang boyfriend ni Joy."

"Boyfriend?" Tumaas ang kilay ni Lyndon. Tumango-tango. "I see." Tinaas niya ang sariling tasa at sumimsim habang nakatitig sa akin.

Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang tasa.

Nagulat na lang ako nang humahangos na nagpunta ang katulong sa amin. Hiningal at mukhang takot. "M-Maam, 'yong boyfriend ni Miss Rishell, nandito."

Nahinto sa eri ang kamay kong hawak ang tasa.

"Bakit mukha kang takot?" tanong ni Mama.

"K-Kasi, Maam... parang galit."

Humigpit ang hawak ko sa tasa at dahan-dahang binaba. Narinig ko bigla ang mabibigat na hakbang palapit sa gawi namin. Huminto 'yon bigla.

"O, Levi, iho... nandito ka pala." Tumayo si Mama at sinalubong ang bagong dating. "Nakauwi na si Rishell. Naku, pasensya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo kahapon, naging busy ako sa pagbabasa ng bagong cooking books."

Dahan-dahan kong nilingon si Levi. Agad nagtama ang tingin naming dalawa. Nakatayo siya ng dalawang metro mula sa akin. Hindi kumikilos para lumapit, at parang wala ngang balak lumapit. Kaya si Mama na ang lumapit. "Gusto mo ba ng tsa?" alok ni Mama.

Ilang segundong tumitig sa akin ang maiitim niyang mga mata. Hindi ko alam kung nagsuot siya ng contact lens o talagang maitim 'yon dahil hindi si Levi ang komukontrol sa katawan niya. Bumaling siya kay Mama at ngumiti. "I'm good, Tita. Gusto kong makausap ang girlfriend ko."

"Sige. Ayos lang sa akin, iho. Lapitan mo na siya."

"I want to talk with her privately, Tita."

Sandaling nagpalipat-lipat ang tingin ni Mama sa akin at kay Levi. Maya-maya pa'y umikhim. "Walang problema, iho."

Ngumiti si Levi at muling tumitig sa akin. Kakaiba ang ngiting nakikita ko sa mga labi niya. May halong galit, inis, pagkamuhi. Pero kahit na gano'n, hindi siya nag-atubiling humakbang para lumapit sa akin. Umikhim ako at naglakad palapit sa kaniya. Umatras siya kaya natigilan ako.

Mukhang hindi 'yon napansin ng tatlong taong nag-uusap na ngayon sa likuran ko. Napabuga ako ng hangin. At least, napanatag ang loob ko na hindi siya makakalapit.

Umusal ako saglit ng dasal bago humakbang palampas kay Levi. Napansin ng mata ko ang pag-iwas niya sa akin. Dire-diretso akong naglakad hanggang makalampas ako sa garden. Dumiretso ako sa kakahuyan na nasa likod ng bahay. Ayokong may makakita sa gagawin ko kay Levi.

Humarap ako sa kaniya. At gano'n na lang ang gulat ko nang halos isang dangkal ang layo niya sa akin. Ilang segundong naghinang ang tingin namin bago siya mabilis na umatras palayo, na parang napapaso.

"What did you do?" kunot-noong tanong niya. "Rishell, what did you do!"

"I have accepted Jesus in my life. He is my Lord now."

Nanlaki ang mga mata niya. "Are you out of your mind? Jesus is dead!"

"Shut up, Levi. I have known the truth, you can't fool me again!"

Humalakhak siya. "Is that so, woman?" Nag-iba ang tono ng boses niya. At alam ko nang hindi nga si Levi ang nakausap ni Mama kanina.

Huminga ako nang malalim. "By the power and authority -"

"Shh..." pigil ni Levi. Nilapat pa niya ang hintuturo sa labi. "Do you think that I will give you up, Rishell? You're wrong, sweetheart."

"You and your deceitful words!" inis kong sigaw. "Pakawalan mo si Levi! Pakawalan mo siya!"

Doon umalingawngaw sa paligid ang halakhak niya. He even threw his head back to show that he is laughing because of what I said. A smile lingered on his lips. "You can't force me to go out, woman. Do you know what's Levi in Hebrew?" Humagikgik siya. "Bound."

"You liar!"

"Sweetheart, I don't lie. When did I lie?" Ngumisi siya at nakita ko ang unti-unting pagliyab ng mga mata niya. "Levi is bound to go to hell with me!"

Nakagat ko ang labi. "By the power and authority in the name of Jes -"

"Rishell."

Nahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang banayad na sambit ni Levi sa pangalan ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Bumalik sa dati ang kulay ng mga 'yon.

"L-Levi..."

Ngumiti siya, isang matamis na ngiti. "Don't do this, baby. You still love me. I can sense your love in your gentle eyes. You still love me... baby, you still do. Rishell, please baby... I love you."

Nanghihina akong napasandal sa isang puno. Narinig ko na naman ang halakhak niya. Tinuro pa ako at hinawakan ang tiyan sa kakatawa. "Weak. You still love this man, Rishell. Why are you hurting yourself? Come back to me. Come back to the arms of this man. Don't try to fight your feelings, don't try to fight. You will be safe in my arms. I promise, sweetheart."

"N-No..."

Unti-unti akong napadausdos paupo sa lupa dahil sa panghihina. Hindi ko kaya... hindi ko kayang saktan si Levi!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.