January 7, 2021
7:00 P.M.
Concert venue, Argao
KAUNTI nalang at maabutan na niya si Levi. Kaunti... kaunti pa... ayan!
"Levi!" sigaw niya. Humigpit ang hawak niya sa necklace.
Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi, pero wala na ito sa puwesto kanina.
Nakita niya ang bouncer kaya tinawag niya ito. "Kuya!" Lumingon ito sa kaniya. "Pakibigay kay Levi!" Inabot niya ang necklace at letter.
Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay niya, pero napasinghap siya nang basta-basta na lang nitong kinuha ang letter mula na kamay niya. Nagulantang siya. "Kuya! Baka magusot! Ingatan mo!"
Tumalikod ang bouncer at pumasok sa loob ng dressing room. Ngumiti siya nang malapad.
Levi, my idoool!
Kinilig siya bigla. Umalis siya sa siksikan at masayang nagtungo sa harap ng stage, doon sa VIP seats. Napabuntong-hinga siya. As usual, sa likuran ng VIP seats na naman siya pupwesto dahil wala nang bakante sa harap.
...
January 7, 2021
9:45 P.M.
Concert venue, Argao
DIM light is on. Maraming tao sa paligid. Nagsisiksikan. Pero ito 'yong klase ng concert na gustong-gusto ni Jonaira. Nawawala ang anxiety attack niya. Nawawala ang loneliness na nararamdaman niya sa oras na 'yon.
"Miss!" sita ng lalaki nang masagi niya ang harapan nito.
Mabilis siyang humingi ng pasensya at sumiksik sa nagtatangkarang mga tao. Kung sana... may height din siyang lampas five feet, hindi sana siya mahihirapan.
"Excuse me, excuse m -"
Napahiyaw siya nang tinulak siya ng isang lalaki. Bigla siyang natumba sa likod. Napanguso siya. Tumayo at humalukipkip. Hindi niya kita ang Vine dahil sa tangkad ng mga lalaki.
Naisip niyang umikot sa gilid. Doon, nakakita siya ng daan para makalusot. Mga babae ang nandoon sa parteng 'yon kaya madali sa kaniyang mag-excuse. Hanggang sa napadpad siya sa kumpul ng mga lalaking may malalaking pangatawan. Medyo malayo-layo ang pwestong 'yon mula sa mga babae kanina kaya doon siya tumayo.
Nang maging wild ang audience, kinuha niya ang camera phone at nag-video. Naki-head bang din siya. Tapos pinatay niya ang video recording at sinilid sa bag ang cellphone dahil napansin niyang mas magiging wild pa ang mga tao. Baka matapon ang phone niya.
"Wooo!" sigaw niya.
Bigla, may pumulupot sa baywang niya. Paglingon niya, isang lalaking naka-mask at bull cap ang nakita niya. Pero kahit na gano'n, pamilyar ang perfume na gamit nito.
"Seariel?" paninigurado niya.
Dumukwang ang lalaki at bumulong sa tainga niya. "It's me, babe."
Napangiti siya. "I thought ikaw 'yong nasa taas?"
"I let my brother to perform for me tonight. I'm not feeling well."
"Uminom ka ba ng gamot?"
May dinukot ito sa bulsa. Tabletas. "Drink this up, babe," nang-aakit na bulong nito sa tainga niya.
Walang pag-aalinlangan niyang nilunok ang tabletas. Gusto niya ring maibsan ang lungkot na nararamdaman niya. 'Yong ate na naman niya kasi ang pinuri ng parents niya, at mukhang walang pakialam ang mga ito sa kaniya kaya what's the use of being a good girl? She thought.
Tumingkayad siya at naglambitin sa lalaki. Inalis nito ang face mask at hinalikan siya. Buong puso niya 'yong tinugon at pinagbuti ang paghalik. Naramdaman niya ang kaunting sakit sa batok niya. Alam niyang tinurukan na naman siya ni Seariel ng dr*ga. Pamilyar na sa kaniya ang parang kagat ng langgam na sakit sa pagturok. Tatlong beses na siya nitong tinurukan simula noong naging magkasintahan sila last month.
Pero kakaiba ang epekto ng droga. Hindi gumaan ang ulo niya. Naninigas ang kalamnan niya. Kumalas siya sa halik at kunot-noong tinitigan ang mga mata ni Seariel sa ilalim ng bull cap.
"What is t-that?" bulong niya.
"I'm sorry, babe. They will kill me if I will not do what they want me to do."
"S-Seariel?" Naiiyak na sambit niya. Kinabig siya nito para hagkan na naman.
Nakita niya sa gilid ng mata ang paglibot ng mga lalaking may malalaking katawan sa kanila, na parang tinatago sila mula sa ibang fans na nagkakagulo na sa hard metal na kasalukuyang tinutugtog ng Vine.
"I-I love you, Jonaira..." bulong ni Seariel sa pagitan ng halik.
Hindi siya makatugon. Unti-unting naparalisa ang katawan niya mula sa binti paakyat sa balikat. At bago pa man umabot sa ulo niya ang epekto ng dr*ga, nasambit niya ang mga salitang hindi pa niya nasasabi sa lalaki kailanman. "I-I love you too, Seariel."
Gulat na kumalas si Seariel. "J-Jonaira..."
Ngumiti siya. "I love you. Please end my suffering, Seariel. Please kill me."
Ilang segundong tinitigan ni Seariel ang mukha niya. Bumuntong-hinga ito. "Wait for me in other lifetime," bulong ng lalaki.
"If there is other lifetime, I will wait for you," daing niya.
"I'm sorry, babe."
"Don't be sorry. I and our baby in my tummy are happy to see in our last breath."
Mas lalong nagpigil ng hininga si Seariel. Kinuha nito ang cellphone niya sa bag at ilang segundong nagtipa. Binalik nito ulit ang cellphone sa bag.
Hinagkan siya sa noo ni Seariel bago tuluyang naparalisa ang buong katawan niya. Natikom pa niya ang bibig.
Kinabig siya ni Seariel at niyakap. Tatlong beses siyang sinaksak ni Seariel sa likod, saka muling sinuot ang mask, at pinangko ang katawan niya papunta sa exit ng building. Nakasunod ang mga lalaking nakapalibot kay Seariel.
Mabilis siyang nakalabas ng building, papunta sa pinakamalapit na eskinita. Dahan-dahan niyang binaba ang katawan ni Jonaira.
"Text her family," utos ng lalaking sumunod sa kaniya. Umutal ito ng isang inkantasyon para makunan si Jonaira.
Sinunod niya ang sinabi nito. Dinukot niya sa bag ni Jonaira ang cellphone at nagtipa. 'Don't tell mommy, ate.' At sinend sa contact na may registered name na sister.
Binura niya ang dalawang text niya at binalik ang cellphone sa bag. Napabuga siya ng hangin habang pinagmasdan si Jonaira na lupaypay sa maruming lupa. Nakapikit na ito.
"N-Nawala na ba ang bata?" pigil-hininga niyang tanong.
"Yes. Next time, don't spill your mess inside. Queen Elise is not happy with what you did. You are her possession."
"I understand." Kumuyom ang kamao niya.
"Now go. Here is the spare car key of Levitus' car. Go inside and wait for him. He will drive you to Maingey."
"Where's Maingey?"
"F***** some Christian boy in Oslob."
Sukat noon, bigla na lang naglaho ang lalaki. Pumunta siya sa parking lot at sumakay sa passenger seat. Nanghihina ang katawan niya sa ginawa. Parang pinunit ang puso niya.
Jonaira's eyes spoke of betrayal and peace. She died peacefully.
Inis niyang sinabunutan ang sarili.
...
January 8, 2021
12:50 A.M.
Private residence, Boljoon
NAGKASIYAHAN sina Lyndon at Kurt Vincent. Tinaas ni Lyndon ang baso at nilagok ang alak. Napabuga siya ng hangin dahil sa tapang.
"Dude, libre naman diyan. Hitik na hitik ang career mo," lasing sa sambit ng isa niyang kaibigan.
Natawa siya. "Hardwork is the key," aniya at muling tumungga ng baso.
Ilang bote na rin ang naubos ni Kurt Vincent kaya lupaypay na itong nakasandal sa sandalan ng upuan. Humalakhak si Lyndon. "Akala ko mataas ang alcohol tolerance nito, 'yon pala, tatlong bote ng alak at nakatulog na. Pinagmalaki pa niya 'yong apat na boteng nainom niya noon, a."
Natawa ang isa pa niyang kaibigan. "Empe Junior 'yon. Siyempre, mas maliit kaysa ritong regular size."
Nagtawanan sila. Maya-maya pa'y nag-aya na siyang umuwi. Dahil lasing kaya hindi siya gumamit ng sasakyan. Akay-akay niya sa balikat si Kurt Vincent na halos hindi makatayo sa pagkalasing.
"Mag-kotse ka, Dude," bulong nito. Muntik pang maduwal sa daan.
"Oo, para mabangga tayo. Ilang kilometro lang ang layo ng subdivision kaya tara," sabi niya.
At sa pang-aasar ng langit, bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa ang suot niya. Napaungol siya sa inis. Inalis niya ang pagkakaakbay ni Kurt Vincent sa kaniya. Natumba ang pinsan sa gilid ng kalsada.
Napabuga siya ng hangin. Inalayan niya itong sumandal sa poste ng hindi na gumaganang ilaw. Narinig niya ang reklamo nito pero hinayaan niya lang. Tumingala siya at dinama ang buhos ng ulan. Unti-unting nawala ang epekto ng alak sa sistema niya.
Naghintay siya ng ilang minuto.
...
January 8, 2021
1:30 A.M.
Concert venue parking lot, Argao
TAHIMIK ang pag-apak niya sa lupa. Kita niya ang paglalakad ni Levi sa dilim. Namangha siya. Ni hindi niya nakitaan ng takot ang maamo nitong mukha.
Sumakay ito ng kotse. Saktong katabi lang ng kotse niya!
Nang makaalis ito, mabilis niyang tinakbo ang kotse at pinaandar. Sinundan niya ang kotse ni Levi dahil gusto niyang malaman kung saan ito nakatira. Isa pa, gusto niyang bisitahin si Tiden. Sinabi nitong kasalukuyan silang naka-stay in sa isang hotel sa Oslob. Ayos lang, maaga pa naman. Saka, walang klase bukas kaya ayos lang sa kaniyang magpuyat.
Ilang minuto ang pagbiyahe niya sa tahimik na coastal road. Ilang baranggay ang nadaanan niya at ilang Munisipalidad na rin ang nalusutan niya habang sinusundan ang kotse ni Levi. Pero binagalan niya nang kaunti ang kotse para hindi nito mahalata na sinusundan niya ito.
Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan pagdating nila sa Alcoy. Mas bumagal ang takbo ng kotse niya, pero nakatuon pa rin ang mga mata sa kotse ni Levi kaya sigurado siyang hindi siya niya maiwawala ang kotse nito. Lumabas sila ng Alcoy at pumasok sa munisipalidad ng Boljoon. Ilang minutong nagtagal ang ulan hanggang unti-unting tumila. Bigla na lang kumalat ang hamog sa buong paligid. Mas bumagal ang takbo ng kotse niya.
Ilang sandali pa nang biglang huminto ang kotse ni Levi. Mabilis niyang iginilid ang kotse at pinatay ang headlight. Ilang sandali pa, nakita niya ang pagbukas ng passenger door. May kasama si Levi? Naningkit ang mga mata niya.
Tapos bumukas ang driver door. At mukhang nang-aasar pa yata ang hamog dahil mas kumalat 'yon sa buong paligid. Hindi naman masyadong makapal ang hamog pero dahil sa isang street light lang ang nagbibigay liwanag sa paligid, at ilang metro ang layo niya mula sa mga ito, hindi niya masyadong maaninag kung anong nangyayari sa harap.
Bigla, nakarinig siya ng putok ng baril. Nanlamig ang pakiramdam niya. Nakita niya ang pagbitbit ni Levi sa isang lalaki at walang sabi-sabing tinapon sa loob ng compartment and katawan ng lalaki.
Pumasok ulit sa driver door si Levi at muling humarurot ang kotse nito palayo. Hindi siya agad nakagalaw sa gulat. Ano 'yon?
At sino 'yong lalaki?
Mabilis niyang pinaandar ang kotse at nag-u turn. Bumalik siya sa pinanggalingan. Nakagat niya ang labi, pinagalitan ang sarili. Kung hindi pa siya sumunod, malamang hindi niya makikita ang krimen!
She promised herself that she will never drive a car again.
Binangga niya sa poste ang kotse.
...
January 8, 2021
2:25 A.M.
Main Road Arbor, Boljoon
LASING siya pero dahil sa ulan, nawala ang epekto ng alak. Dagdagan pa ng isang putok ng baril. Napatayo siya nang tuwid at hinanap ang pinanggalingan. Malakas ang tunog kaya alam niyang nasa malapit lang.
Inakay niya si Kurt Vincent at hinanap kung saan nagmula ang putok. Umaambon pero hindi niya alintana ang lamig ng hangin at hamog sa paligid.
"Come on, dude. Be a man," magkalapat ang ngipin na sambit niya.
Isang ungol ang sinagot nito. Napailing siya.
Dinala siya ng mga mata si main road. Nagpalinga-linga siya at walang tao. Sino ang nagpaputok? May biktima kaya?
Narinig niya ang reklamo ni Kurt Vincent, nangangalay na daw. Inalis niya ang pagkakaakbay nito at hinayaan itong humiga sa basa at sementadong kalsada.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Walang galaw. Naglakad pa siya saglit hanggang may matagpuan na bagay sa gilid ng kalsada. Isang basang papel at necklace. Kunot-noo niya 'yong pinulot at sinipat.
Rishell Joy Larica
Your Admirer and Number One Fan
Larica? Mas lalong kumunot ang noo niya. Binuksan niya ang hugis pusong pendat ng necklace at nakita niya ang larawan ng isang babaeng nakangiti. Maganda at pamilyar.
Doon niya napagtantong anak nga ito ng lalaking may-ari ng fishing port sa Cebu City. Nakita niya ang larawan nito nang i-search niya ang background ng may-ari ng kompanyang komuntrata sa kaniya.
Sinilid niya sa bulsa ng pantalon ang mga iyon at nagpalinga-linga na naman. Pumukaw sa atensyon niya ang duguang parte ng kalsada. Mabilis siyang nakalapit doon at sinipat.
May binaril nga!
Dinukot niya sa bulsa ang water-proof na cellphone at tinawagan ang pinakamalapit na pulisya. Pero habang sinasagot niya ang mga tanong ng sumagot sa tawag, bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
Unti-unting nawala ang dugo sa kalsada. Napaamang siya. Paano na ang imbestigasyon?
...
January 8, 2021 ● 6:45 A.M
Article by Guinea
A Gunshot Was Heard; Victim is Missing
Early this morning, a gunshot was heard around 2 in the morning. Two residents of Baranggay Baclayan, town of Boljoon, testified that they have not seen the suspect, but they were alarmed at the bloody road along the main road of Baranggay Arbor.
There was no body to recover. The victim is missing.
The crime scene had been contaminated due to the presence of rain earlier, and the authorities had a hard time to retrace the scene. There is no evidence to find the suspect.
Is it case-closed or not?
~~
Author's Note: Please leave a review so I will know your thoughts about Rishell's story. Also, you can chat me on Messenger (Aranew Taliman) so we could have chitchat about this story and know each other. If you have testimony, I am open to hear it. Thank you for reading and until the next story!
God bless you and glory to God!