Chapter 22

“TOTOO BA ang nakikita ko? Nandito ang Kuya mo?”

Muntik nang maibagsak ni Callie ang mga inaayos niyang libro nang marinig ang boses ng assistant niya na si Nina. Ilang taon na rin itong nagtatrabaho sa Book Keeper---ang book shop at ang natatangging bagay na pinagkakaabalahan niya ngayon. Alam nitong bihirang dumalaw sa kanya ang Kuya niya. Busy kasi ito sa trabaho nito bilang piloto. Palagi itong wala sa bansa. Isa pa ay hindi rin nito hilig magbasa ng libro, lalo na ang mga librong ibinebenta sa shop niya.

Lumingon siya sa pintuan ng shop. Hindi naman ganoon kalaki ang shop kaya nakita niya agad ang Kuya niya. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito. Tinaasan niya ito ng kilay saka pinagpasyahang ibaba ang mga inaayos na libro.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya nang makalapit sa kapatid.

“Masama bang dumalaw sa business ng nag-iisang kapatid ko?”

“Of course not. Pero alam naman nating lahat na hindi ka dumadalaw sa akin rito. Kahit si Nina ay nagulat nang makita ka,” tinignan niya ang assistant.

Ngumiti ito. “Na-amused nga ako nang makilala niya ako,”

Namula si Nina. Ilang beses na niyang ipinakita rito ang picture ng kapatid niya kaya hindi na siya nagtaka na nakilala nito ang lalaki. Inamin rin nito sa kanya na may crush ito sa kapatid niya kahit hindi pa nito nakikita sa personal ang huli.

“Idinadaldal kasi kita diyan minsan,” sagot na lang niya.

“Hmmm... Good thing ginagawa mo `yun. Akala ko kay Arjun at sa akin ka lang marunong dumaldal,” anito na tinutukoy ang best friend niya.

“Paano, madaldal rin si Nina kaya no choice rin ako kundi dumaldal sa kanya. Besides, siya lang din ang palagi kong kasama rito kaya hindi iyon mapipigilan,”

“Sabagay,” nagkibit-balikat ito. At luminga-linga sa shop niya. “Mukhang okay naman itong shop mo, ah,”

“Wala naman akong naikukuwento sa `yon a hindi. Maganda ang kita ng shop dahil malapit ito sa mga schools. Maraming mga kabataan ngayon ang mahilig sa mga fiction and pocketbooks,”

“Kagaya mo noong college ka pa hanggang ngayon,”

Ngumiti siya. “You know that,”

Itinayo niya ang Book Keeper dahil na rin sa pagmamahal niya sa mga libro. Simula nang mamatay ang Daddy niya at lumipad ang best friend niyang si Arjun sa India ay nagkaroon siya ng fascintation sa libro. Parang iyon ang naging remedy niya sa kalungkutang naramdaman niya sa pagkawala ng dalawang mahalagang lalaki sa buhay niya. Isama pa roon na nahirapan rin siya sa pag-aalaga ng Mommy niya nang magkasakit ito nang matindi pagkatapos nang aksidenteng kinasangkutan nito at ng Daddy niya ilang taon na ang nakararaan. Kapag nasa mga panahong nahihirapan siya at parang gusto na niyang tumakas sa mundo ay ang mga libro ang naging sandalan niya. Kapag nagbabasa siya, pakiramdam niya ay sandali siyang nakakalimot sa mundong ginagalawan niya. Masyadong naging mahirap para sa kanya ang naging buhay niya nang mawala ang Daddy niya.

Sanay siya sa buhay na maginhawa, sa buhay na walang problema. She was living a life like a princess then. She had the set of a family a princess should have. His father is the courageous king, her mother is the amazing queen and his one and only father is the dashing prince. But she had stopped believing it when her father died. The princess life she had back then became the once upon a time.

Hindi siya sanay sa hirap kaya nahirapan siyang mag-adjust nang unti-unting nawala ang halos lahat sa kanya. Nang mamatay ang Daddy niya ay nawalan sila ng income dahil wala naman silang mga itinayong negosyo. His high-paid service was their money then. Nabuos rin ang pera na inipon ng Daddy at Mommy niya dahil sa laki ng nagastos nila sa Mommy niya. Ilang buwan rin itong na-comatose makatapos nang aksidenteng kinasangkutan nito at ng Daddy niya. Naka-recover naman ito kaya lang ay naparalisa ang kalahating bahagi ng katawan nito at kung anu-anong sakit pa ang naglabasan rito pagkatapos. Nang dahil doon ay kinailangan rin nilang ibenta ang mansion at ilang ari-arian nila para mapagamot ito.

Pinilit niyang maging matatag sa mga panahong parang ninakaw ang perpektong buhay niya lalo na at halos wala siyang masandalan noon. Kinailangan kasing umalis ni Arjun at ang kapatid naman niya ay kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral nito sa Maynila. Gustuhin man kasi niyang huwag paalisin ang mga ito sa buhay niya ay may mga bagay talaga na hindi puwede.

Pinayuhan sila ng Doctor na sa probinsya nila dalhin ang Mommy niya pagkatapos nang nangyaring aksidente. Mas malaki raw kasi ang tsansa na makaka-recover ito kung sa lugar kung saan tahimik at sariwa ang hangin ang kapaligiran nito. Dahil doon ay sa bahay nila sa Batangas sila nag-stay. Iyon lamang ang property nila na hindi nila binenta. Doon na rin siya nagpasyang pumasok ng kolehiyo para maalagaan ang Mommy niya. Kaya lang ay wala siyang nakatulong sa pag-aalaga rito kundi ang katulong nila dati na siyang naging private nurse na rin nito. Hindi na kasi nila kaya pang umupa ng private nurse dahil malaki ang gastusin ng kapatid niya sa pag-aaral nito kahit na ba sabihing may scholarship ito na kinuha ng Daddy nila noong nabubuhay pa ito. Hindi naman kasi kasali sa scholarship ang mga gastusin ng kapatid niya sa Maynila---ang dorm, pagkain at malaking other expenses pa nito kagaya na lamang kapag may mga project. Isa na rin iyon sa naging dahilan kung bakit pinili niyang mag-aral sa Batangas dahil mas makakamura sila ng gastusin kung ganoon ang mangyayari.

Mabait at maasikaso naman ang private nurse slash katulong nila. Kaya lang kadalasan ay busy ito dahil na rin all-around ito sa bahay. Kapag may mga ginagawa itong gawaing bahay ay siya palagi ang nag-aasikaso ang Mommy niya. Dahil roon ay napapabayaan rin nito ang kanyang ina. Madalas ay hands-on pa rin siya sa pag-aasikaso sa kanyang ina. Nakita niya ang lahat ng hirap na dinanas nito. Hirap itong maglakad, magsalita at madalas itong nagkakasakit. Naging mahina ang resistensya nito dahilan para dapuan ito ng iba’t ibang sakit. Madalas itong inuubo at kapag ganoon, pakiramdam niya ay nauubos ang tapang niya sa katawan. Sa lakas kasi noon ay parang kaunti na lang at mawawalan na ito ng hininga. Iyon ang ikinatatakot niya.

May mga panahong gustong-gusto na niyang sumuko dahil wala naman siyang taong makapitan sa mga problema niya. Malayo si Arjun sa kanya at ganoon rin ang kanyang kapatid. Madali lang contact-in ang Kuya niya dahil nasa Maynila lamang naman ito pero natatakot naman siyang sabihin dito ang nararamdaman niya. Alam niyang matagal na nitong pangarap na maging piloto at kapag sinabi niya rito ang problema niya ay baka itigil nito ang pag-aaral at tulungan siya. Mabait ang kapatid niya at ayaw rin nito na nahihirapan siya. Si Arjun naman ay hindi niya rin kayang pigilan ang pag-alis dahil para sa ama at sa kinabukasan rin naman nito ang nakataya roon. Pangarap rin ni Arjun na magkaroon ng magandang buhay at makasama ang ama nitong nasa India. Doon ay makakapag-aral ito dahil sa wakas ay ni-recognize na ito nang ama nito. Hindi niya rin naman kayang pigilan iyon. Nagkataon lang talaga na sa mga panahong umalis ito ay ang panahong kailangan niya nang masasandalan at mahirap pa na makipag-communicate rito. Uso na noon ang mga e-mails pero hindi naman nila palaging nasasagot ang isa’t isa dahil pareho silang wala silang internet connection sa bahay. Kinailangan niya pang magpunta sa mga computer shop noo. Maraming gastusin sa bahay at kung dadagdag pa ang internet fee roon ay lalo lamang silang mahihirapan. Ganoon rin naman si Arjun sa India dahil hindi rin naman ganoon karangya ang buhay nito nang manirahan ito roon. Nang magsipag-tapos na lamang sila ng pag-aaral naging madali para sa kanilang ang pagko-communicate sa isa’t isa dahil parehas na silang nagkaroon ng pera na pangtustos sa matagal nilang pag-uusap na dalawa.

Bihira lang din ang naging kaibigan niya nang lumipat sila sa Batangas. Wala siyang social life dahil na rin abala siya sa pag-aalaga sa Mommy niya. Ang pocketbooks na siyang natagpuan niya noon sa bahay nila na waring binabasa ng dating katulong niya ang tanging masasabi niyang naging “vice” niya. With reading, she created her fantasy world again. Alam niya kasing hindi na maibabalik ang dating perpektong buhay niya. Binubuhay niya lamang iyon muli sa mundo ng pagbabasa.

Ang naging fascination niya sa libro ang nagtulak sa kanya para magtayo ng ganoong klase ng business. Nang mga panahong naka-graduate siya ay nakaluwag na sila sa gastusin dahil naka-graduate na ang kapatid niya at malaki ang kita nito sa pagpipiloto. Isama pang wala na rin silang ginagastos sa Mommy niya dahil namatay ito ilang linggo bago siya gr-um-aduate ng college. Dahil business administration ang course na kinuha niya, naisipan niyang magtayo ng negosyo at pinahiram naman siya ng capital ng Kuya John niya para makapagsimula. Ibinenta niya ang bahay nila sa Batangas at bumili ng bahay sa Maynila para doon na manirahan. Iyon kasi ang gusto ng Kuya niya para kapag umuuwi ito galing sa mga biyahe nito ay hindi na ito mahihirapan pa. Sa Maynila na rin niya itinayo ang Book Keeper.

Sa ngayon ay mahigit tatlong taon na ang business niya at so far ay maganda naman ang kita noon. So far din ay masaya rin naman siya sa buhay niya ngayon. Kahit busy ang Kuya John niya at dalawang beses sa isang buwan lang ito umuwi sa Pilipinas dahil sa trabaho nito, unti-unti niyang tinatanggap iyon. May girlfriend ito pero nasa ibang bansa nakabase si Ate Natalia---ang Australian stewardess na girlfriend nito. Bihirang magsama ang dalawa sa Pilipinas. Kapag nagkikita ang mga ito ay palaging sa ibang bansa dahil na rin sa trabaho at lokasyon ng mga ito. Kaya kapag nandito ang Kuya niya ay siya lamang ang pinupuntahan nito. Siya pa rin ang priority nito. Iyon naman ang mahalaga sa kanya. Na kahit papaano ay may masasandalan pa rin siya. May pamilya pa rin siya. At kahit may girlfriend ito ay umuuwi pa rin ito palagi sa kanya.

“I am glad that everything is doing well on your life, Baby Sis,”

Nakaramdam siya ng kakaiba sa sinabi ng kapatid niya. Kapag kasi tinatawag siya nitong Baby Sis, madalas ay kung may pabor na hihingiin ito sa kanya, o di kaya ay may kasalanan itong ginawa sa kanya. Isama pa ang pagtataka niya kung bakit ito dumalaw sa shop niya.

Humalukipkip siya. “May hihilingin ka, Kuya?”

“H-ha? Ah, slight,” nagkamot ito ng ulo.

Napangiti siya. “Sabi na nga ba, eh. Masyado ba `yang importante at kailangan mo pa talaga akong dalawin dito at hindi mo pa sinabi sa bahay?”

“Well, napadaan lang naman talaga ako dito since malapit lang ang event organizing shop na pinuntahan ko,”

Kumunot ang noo niya. “A-anong ginawa mo doon? Magpa-party ka?”

“Nope. I’m getting married,”

Kung gaano katamis ang ngiti nito ay ganoon naman kasama ang naging reaksyon ng mukha niya. Sa halip na masaya ay nilukob ng mga tanong na “what if” ang utak niya. Mga “what-if” na ayaw niyang mangyari....

Nanigas siya. This couldn’t be happening. Not this soon!

HINDI mapigilan ni Arjun ang mapangiti habang nakatingin sa bagong bahay ng mga Delos Santos. Hindi man iyon ang dating malaki at tinitingalang mansion na madalas niyang puntahan noon ay ni hindi man lang iyon nakaapekto sa nararamdaman niya ngayon. He was excited because of the person he was going to visit tonight.

Inaasahan niyang pagka-doorbell niya ay ang babaeng matagal na siyang nanabik makita ang bubungad sa kanya. Kahit matagal siyang nawala sa Pilipinas, marami pa rin naman siyang alam tungkol sa buhay ng nag-iisang best friend niya. Alam niyang madalas ay ito lamang ang tao sa bagong bahay ng mga ito sa Maynila. Kaya sandaling nagulat pa siya nang makitang ang Kuya John nito ang nagbukas sa kanya ng gate.

“O, Arjun. Nasa Pilipinas ka pala,” nagulat rin ito nang makita siya. “Bakit wala yatang naikuwento sa akin si Callie na darating ka?”

“Surprise kasi,” nakangiting sabi niya. Palaging kapag umuuwi siya ng Pilipinas ay sikreto lamang iyon dahil na rin sa media. Even if he was a Bollywood star, he was famous in the Philippines. Ganoon yata talaga kapag sumikat ang isang Pilipino sa ibang bansa ay nagiging sikat na rin ito sa bansa. “Ikaw, akala ko twice a month ka lang umuwi at every second at fourth week of the month lang `yun?” Third week of the month ngayon.

“On leave ako isang linggo na. Bukas ng gabi pa ang alis ko,” sagot naman nito sa tanong niya. “Pasok ka muna. Wala kasi si Callie kaya ako ang nagbukas ng gate. Um-attend siya ng biglaang seminar sa Baguio. Bukas pa nang umaga ang balik,”

Nakaramdam agad siya ng panlulumo nang malamang wala roon ang babaeng hinahanap niya. Hindi niya alam na nasa seminar pala si Callie. Kaya naman nang huli siyang mag-online para bigyan sana ito nang hint na uuwi siya ng Pilipinas ay hindi niya ito nakitang online.

Kay tagal niyang pinaghandaan ang pag-uwi niya sa Pilipinas at sa unang araw pa ng pagdating niya ay wala ito. Ang babae rin ang nag-iisang rason kung bakit siya umuwi. Matagal siyang nahiwalay rito dahil pagkatapos ng highschool ay kinailangan niyang lumipad patungong India.

It was painful for him leaving the Philippines, leaving Callie. Lalo na at nang mga panahong kinailangan niyang umalis ay alam niyang nasa stage ito kung saan kailangang-kailangan siya nito. But family matters were the first thing to put in.

Pagka-graduate niya ng highschool ay muling nagpakita sa kanila ang kanyang ama. Humingi ito nang patawad sa ginawang pag-iiwan nito sa kanilang dalawa ng kanyang ina.

Isang exchange student mula sa India ang kanyang ama nang makilala nito ang Mama niya. Ulilang lubos na noon ang kanyang Mama at nakakapag-aral lamang sa tulong ng scholarship sa kolehiyo. Doon nagkakilala ang dalawa at nagkaroon ng relasyon ang mga ito. Nabuo siya at natakot ang kanyang ama. Bumalik ito sa India. Dahilan nito ay dahil masyado pang bata at magulo ang isip. Hindi raw nito kayang suportahan pa noon ang kanyang ina kaya pinili nitong umalis. Ngayong financially stable na at handa na ito ay saka lang nito naisipang balikan silang dalawa ng kanyang ina.

Naging mahirap para sa kanya ang pagtanggap dito. Naging malaki ang pagkukulang nito, hindi lang sa kanya pati na rin sa Mama niya na mag-isang nagtaguyod sa kanya. Hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang ina dahil sa kanya. Pero pinagbigyan nila itong pareho ng Mama niya na makabawi. Pinatunayan naman nito iyon at dinala pa nga sila nito sa India kung saan ito nakatira. Doon niya ipinagpatuloy ang pag-aaral niya. Hindi man kalakihan ang suweldo ng kanyang ama bilang Production Assistant ay naging sapat naman iyon para buhayin sila. Kumuha siya ng kursong Communications sa India.

Noong una ay nahirapan siya dahil hindi siya marunong ng Hindi language o magsulat man lang noon. Tyinaga niyang matuto nang mabilis para makasabay siya. He was a fast learner so it became easy for him. He learned eventually. Isa pa ay madalas na inglisero rin ang mga kaklase niya kaya nakapag-adjust agad siya.

Pagkatapos niyang maka-graduate ay doon niya sinubukan na pumasok sa mundo ng Bollywood. Bollywood is the film industry in India based in Mumbai, the largest city in the country. Dahil nagtatrabaho ang kanyang ama sa industriya ay nagkainteres siya roon. Isang taon rin siyang nagtrabaho roon bilang production assistant hanggang sa madiskubre siya ng isang director. Sinabi nitong may kakaiba raw sa kanyang mga mata na nagustuhan nito para isalang siya sa isa mga malaking pelikulang ida-direct nito. Pinag-audition siya nito sa role at natanggap siya.

Suportado siya ng pamilya niya sa bagong career na pinasukan niya. Tumigil ang kanyang ama sa trabaho at siyang naging manager niya. He made his first acting debut as a bad boy hero in a romance drama and became a commercial success. It earned a positive critical reception and declared a super hit by Box Office India. Nagsunod-sunod ang projects niya.

Doon nagbago ang buhay niya. He became successful. He became famous and he earned a lot of money.

But he just earned the money. He was not able to save or even spend a lot of it. Bilang manager, ang tatay niya ang nag-aasikaso ng lahat ng expenses niya. Binibigyan naman siya nito nang sapat na halaga para sa mga personal na gastusin niya. Noong una ay okay lang iyon sa kanya dahil nakikita niyang ginagastos naman nito iyon para sa kanilang pamilya. Nakapagpatayo ito nang mas magandang bahay, bumili ng mga magagarang gamit doon at bumili rin ng mga sasakyan at ilang ari-arian. Ginagastos nito iyon sa mabuti.

Pero akala niya lamang ang lahat ng iyon. Dahil sa naging big time lalo ito sa pagsikat ng anak ay nag-iba ang ugali nito. Nang mabili na nito ang ilan sa mga gusto ay nagkaroon ito ng bisyo ng hindi niya namamalayan. He entered Casino, got addicted to it and uses drugs.

It leaked in the public. Maraming naging negative feedback sa kanya ang mga tao. “Like father, like son” ang madalas na sinasabi sa kanya ng mga tao. It took a lot of effort before the issue went off. Muntik na siyang sumuko sa iba’t ibang showbiz issues dahil lamang doon.

He clearly knew he was not that kind of guy. Ni hindi nga siya naninigarilyo, drugs pa kaya? He was not the guy into vices. Pero dahil sa image niya sa mga pelikula ay marami ang nagsususpetsa na ganoon rin siya sa totoong buhay. Masakit na mahugasgahan pero dahil nasa showbiz siya, hindi naman iyon naiiwasan. Mabuti na lamang at kahit malayo si Callie sa kanya sa mga panahong iyon, palagi naman nitong pinaparamdam sa kanya na pagsubok lamang iyon at malalampasan niya rin iyon.

Maraming taon rin silang nagkalayo ni Callie pero hindi iyon naging hadlang para maputol ang pakikipagkaibigan nila. Nang mga panahong umalis siya ay napakahirap ng komunikasyon lalo na at nasa ibang bansa pa siya. But eventually, they passed it. Nang magkaroon siya ng trabaho ay nagpakabit na sila ng internet sa bahay para makausap niya palagi ito. Thanks to the power of the internet, kahit ilang oras ang pagitan ng lugar nila ay nagagawa pa rin niyang ma-contact ito nang mabilis and even saw her in Skype whenever he had time. They just needed to compromise with each other situation. Pareho kasi silang naniniwala sa katagang, “if there is a will, there is a way,”.Kapag wala siyang ginagawa ay tinatawagan niya ito. Palagi rin itong online ngayon dahil ang tanging pinagkakaabalahan lang nito ay ang business nito. Pero siyempre, iba pa rin ang pakiramdam na makita ito sa personal, na makasama ito. Isang taon na yata ang nakalipas simula nang huli niyang bisitahin ito. Miss na miss na niya ito. Iyon nga lang ay minalas siya ngayon.

Pero ganoon pa man ay hindi niya pinalampas ang pagpasok sa bahay ng mga ito. Kapag nasa Pilipinas siya ay palagi siyang naroon. Hindi na naman siya iba sa mga ito kaya free na siyang pumasok. May inuupahan siyang condo unit sa Pilipinas kapag umuuwi siya pero nauwi lang siya roon kapag tutulog na. Minsan nga ay hindi pa, lalo na kapag nandoon ang Kuya John nito. Madalas siyang niyaya ng mga itong doon matulog.

Pagkapasok niya ng bahay ay bumulaga sa kanya ang sala. Makikita agad roon ang mga displays ng picture frame sa gilid na table. Hindi niya maiwasang doon unang magpunta pagkapasok sa bahay. The part had given him the act to reminisce memories. Nandoon kasi ang mga pictures nito, ng pamilya nito at marami rin portion doon na kasama siya. Napangiti siya at hindi mapigilang hawakan ang isang picture nila doon na magkasama.

“Bagay talaga kayo ng kapatid ko,” narinig niyang wika ni Kuya John sa likod niya.

Tumingin siya rito. Ngiting-ngiti ito sa kanya. Highschool pa lamang sila ay palagi na nitong sinasabi sa kanya ang bagay na iyon.

“Bakit kasi hindi mo pa siya ligawan?” sunod namang tanong nito sa kanya.

“Kuya John...” para siyang na-caught off guard sa tanong nito. Sa ilang tao na nakakilala sa kanila ni Callie at sa mayroon sila, marami nang nagtanong ng iyon sa kanya. Pero sa tuwina ay hindi niya sinasagot iyon. Kahit matagal ng taon ang nakalipas simula nang mangako siya sa ama nito, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natutupad iyon. He was almost there. Pero dahil sa kanyang ama ay nawala lahat ng ipon niya.

Malaki ang allowance na ibinibigay sa kanyang ama. Hindi siya magastos na tao kaya malaki rin ang naiipon niya. He had a lot of savings. Pero dahil sa mga ginawa nito sa buhay nito, he was back to zero. Nakulong ito at naging mahirap para makalabas ito. Isama pang dahil sa nalulon ito sa Casino ay nagkaroon ito nang maraming utang. Naibenta nila ang mga ilan sa nabiling ari-arian dahil rito. Kinailangan pa rin niya niyang ipa-rehab ang kanyang ama. Pati ang issues ay kailangan rin niyang tapalan nang maraming pera para matapos. Ginastusan niya ito nang malaki. Kahit naman kasi sa kabila ng ginawa nito, hindi niya pa rin kayang pabayaan ito. Ama niya pa rin ito. But he learned his lessons well after that. Hindi na niya pinabayaan ang kanyang ama na humawak ng pera niya.

Kumuha siya ng bagong manager niya. Unti-unti siyang bumangon. Nakaipon rin siya pero hindi pa rin iyon sapat. Dahil kasi sa mga nangyari ay naging kakaunti ang projects niya. Naging malaki talaga ang epekto ng ginawa ng kanyang ama sa career at buhay niya. Isama pang marami rin na nakakapansin na naapektuhan siya nang malaki sa issue. Hindi raw kasi naging maganda ang huling acting niya at nag-flop pa iyon. Pinayuhan siya ng manager niya na magpahinga muna at iyon rin ang dahilan kung bakit siya nagpunta ng Pilipinas.

“I really wouldn’t mind for a double wedding, Arjun. Tumatanda na rin naman kayo ni Callie,”

Napakunot ang noo niya. “Double wedding? You mean---“

Ngumiti ito. “Yeah, I am planning to get married to Natalia soon. Nag-propose na ako sa kanya last week and she said yes,”

“Wow! That was good news!”

Tumalikod ito sa kanya at umupo sa sofa. Sumunod siya rito. “Good news indeed. Pero parang ayaw ni Callie,” lumungkot ang mukha nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. “Ha? Bakit naman?”

Sa pagkakaalam naman niya ay aprubado naman ang girlfriend ng kapatid nito rito. Isang beses na rin niyang nakita ang mga ito nang minsang mag-shooting siya ng pelikula sa Australia at parehong nandoon ang mag-nobyo. Mukhang mabait naman si Natalia at mahal ng mga ang mga ito ang isa’t isa. Wala rin siyang naririnig kay Callie na masamang ginawa ng babae rito.

“I feel it. Hindi man niya sabihin, alam kong ayaw niyang magpakasal ako,”

“Hindi ko maintindihan. Bakit?”

“When I told her about it, iba ang reaksyon niya. Alam kong wala naman siyang problema kay Natalia pero siguro iyon dahil sa thought na magpapakasal ako. Natatakot siya na iwanan ko siya. Naalala ko kasi `yung kuwento ng isang stewardess na naging kaibigan ko. Pareho lang kasi sila ng sitwasyon. Dalawa lang silang magkapatid at wala na rin magulang. Nang magpakasal `yung kapatid niya, nalungkot siya. Pakiramdam kasi niya ay wala na siyang pamilya dahil bubuo na nang bago `yung kapatid niya,”

Kahit naguguluhan ay pinili niyang intindihin ang lahat. Wala naman kasi siya sa kalagayan nito. Noong isang araw ay nakausap niya si Callie pero sandali lamang iyon. Napansin nga niyang malungkot ito pero dahil kakaunti na ang oras niya noon ay hindi na niya nausisa ang dahilan nito. Ngayon ay nagkaroon na siya ng teorya kung bakit.

“I can’t blame Callie because of that. Lalo na nang makita ko na nag-status siya kagabi sa facebook. She said that if only she had someone to hold to...something like that. I feel she had a problem,” nagyuko ito ng ulo.

“I am here. I can be her someone to hold on to---“

Nagtaas ito ng tingin. Pinutol nito ang sasabi niya. “But you are not always there. Palagi kang busy. Malayo ka pa at minsan ka lang umuwi ng Pilipinas. Isa pa, kaibigan mo lang siya. Kapag may problema siya, hindi naman siya makakapag-demand sa `yo na dapat palagi kang andiyan sa tabi niya. Siguro naiisip niyang wala naman siyang karapatan dahil kaibigan lang siya. You know, there were blues like that. At si Callie, alam naman nating wala siyang gaanong kaibigan. Siguro ay natatakot siyang kapag nawala ako ay wala na siyang maasahan. Na kapag may problema siya, wala na `yung taong puwedeng-puwede niyang tawagan anumang oras dahil pamilya niya ito,”

Hindi siya nakapagsalita. Alam niyang hindi siya ang the best na kaibigan dahil wala siya palagi sa tabi nito. Kapag may problema ito, hindi niya maipapangakong palagi siyang nandiyan. Hindi rin naman ito nagde-demand sa kanya. Masaya na ito na nabibigyan niya ito ng oras. Pero siguro nga ay hindi lang sapat na maging masaya.

“Alam mo, palagi kong naiisip na kung may boyfriend lang ang kapatid ko, `di sana wala akong problemang ganito,” ngumiti ito nang makahulagan sa kanya.

Napalunok siya. “A-at ano namang gusto mong palabasin?”

“Ligawan mo na kasi ang kapatid ko,” sa haba nang naging usapan nila, doon rin pala `yun hahantong.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.