Chapter 24

HINDI mapakali si Callie. Kung dati ay hindi naman siya kinakabahan kapag nakikisalamuha sa mga kaklase niya, ngayon ay iba na. Simula nang graduation nila noong highschool ay hindi na niya nakita ng personal ang mga ito. Nawalan na siya ng komunikasyon sa mga ito dahil sa paglipat nila sa Batangas. Ngayon naman ay mga kaibigan niya ang iba rito sa Facebook pero parang balewala lang din siya sa mga ito. Nakikita niya kung gaano kaganda at karangya ang buhay ng mga kaklase niya at dahil sa nangyari sa buhay niya, wala siyang panama sa kung ano ang mayroon ang mga ito. Iyon ang naging dahilan niya para mawalan siya ng lakas para kausapin ang mga ito. Hindi na siya kagaya ng dating isa sa mga tinitingala sa kanila.

May mga pagkakataon pa na gusto na niyang i-unfriend ang iba rito. Naalala niya noon na may nabasa siyang article tungkol sa depression na nadadala ng Facebook. Because of her classmates then, she felt like she was suffering it, too. Matagal na simula nang mawala ang marangyang buhay niya pero minsan ay naiisip niya pa rin iyon. She had suffered so much because she just didn’t lose the physical things, she also lose her family. And even Arjun left her after that. Iyon ang pinakamasakit na parte para sa kanya. Matatanggap niya pa nang buo ang tungkol sa pisikal na bagay. Pero ang nangyari sa pamilya niya ay hirap na hirap siya. May mga dahilan naman ang lahat. Pero hindi niya maiwasang magtanong...bakit kailangang sabay-sabay pa?

Life is so unfair...for her. Pero pinilit niyang tanggapin iyon. Pinilit niyang magpakatatag. At isa ang mga araw na iyon na gagawin niya iyon.

Nahihiya man siya sa mga kaklase niya dahil sa kung anong mayroon siya ngayon ay sumama na rin siya dahil kay Arjun. Napag-alaman niyang isa rin pala iyon sa dahilan kung bakit ito umuwi. Matagal na nitong alam ang tungkol sa get-together party. Siya lamang ang walang kamalay-malay. Hindi naman kasi siya naabisuhan. Pakiramdam tuloy niya ay date lang siya sa party ni Arjun kahit ang tunay ay kasali rin naman siya dahil kaklase niya ang mga ito noon. Nang dumating kasi silang dalawa ay si Arjun na lamang ang kinausap ng mga ito. And she became the wall flower in the party. Pero kagaya ng dati ay hindi siya nagreklamo. Hindi naman niya masisisi ang mga kaklase kung bakit pinagkakaguluhan ng mga ito si Arjun. He was a celebrity.

Kumuha siya ng finger foods at dinala iyon sa isang tagong table para kumain. Doon na lang niya palilipasin ang oras tutal ay libre naman iyon. Habang kumakain ay nagulat siya nang may isang lalaking lumapit sa kanya. Nang tingalain niya kung sino iyon ay sinalubong siya ng green-eyed na lalaking itim na itim ang buhok. Isang lalaki lang na kaklase niya ang kilala niyang ganoon. It was Ron Suarez, one of his half-American classmates at isa sa mga nagtangkang manligaw sa kanya noon.

Halos walang pinagbago si Ron. Guwapo pa rin itong tignan at mukhang malinis. Isa ito sa mga heartthrob ng school nila noon. Marami ang nagsasabing napakasuwerte niya noon ng pormahan siya nito. Mabait naman si Ron, matalino at galing rin sa isang prominenteng pamilya. Anak ito ng isa sa pinakatitiningalang businessman sa Pilipinas at galing naman sa mayamang pamilya sa America ang ina nito. He was a gentleman, too. Minsan rin itong nagpunta sa bahay nila para ipagpaalam sa kanyang ama na ligawan siya. Pero hindi pumayag ang kanyang Daddy.

Mabait ang Daddy niya pero pagdating sa mga manliligaw niya ay istrikto ito. Nang magpaalam rito si Ron para ligawan siya ay hindi ito pumayag. Sinabi nitong masyado pa raw siyang bata. Noon lang siya nilayuan ni Ron. Hindi naman iyon nakaapekto sa kanya dahil kahit pumayag man ang Daddy niya, alam niyang siya rin naman ay hindi papayag. Simula’t sapol ay si Arjun lang ang lalaki sa puso niya.

“Hey Callie. Its been a long time since we have met. How are you?”

Hindi niya maiwasang mapangiti nang dahil rito. Ito ang unang kaklase niyang lumapit sa kanya at kinamusta siya. In-entertain naman niya ito. Naging matagal ang pag-uusap nilang dalawa at lahat ng kaba at lungkot na nararamdaman niya dahil sa estado niya ngayon ay nawala dahil dito. Hindi niya akalaing may pagkamakulit na side rin pala si Ron. Malaki ang pinagbago nito ngayon. He became a funny man and she have been laughing and smiling the whole time because of him.

She had enjoyed the party because of Ron.

PAGOD na pagod si Arjun. Halos hindi siya tinigilan ng mga kaklase niya. Kung dati ay nilalayuan siya ng mga kaklase niyang babae dahil nakatatak sa isip ng mga ito na mababaho raw ang mga Indian, ngayon ay parang mga sawang kumakapit ang mga ito sa kanya at marami pa ang nagsabing gusto ng mga ito ang amoy niya. Muntik na niyang paikutan ng mata ang mga ito dahil ang pabango niya noon ay siya pa rin namang pabango niya noon. Iba talaga ang dala ng kasikatan niya ngayon.

Sanay na naman siya sa limelight pero nanibago siya sa turing ng mga ito sa kanya. He didn’t expect that the treatment for him would be that special. Hindi na tuloy niya namalayan kung saan nagpunta si Callie dahil sa sobrang busy niya sa binibigay na atensyon ng mga kaklase. Medyo naasar siya pero inintindi niya ang mga ito. Naalala niya ang mga binitawan ni Callie tungkol sa mga mayaman at mahirap. Tama talaga ito.

Nang sa wakas ay mapagod rin ang mga kaklase niya na kausapin siya ay doon niya napagdesisyunan na hanapin ang kaibigan. Ilang oras rin niya itong naiwan at hindi natatanaw. Nag-excuse siya sa grupo. Malaki ang venue kaya hindi agad niya nakita si Callie. Isama pang nasa isang tabi ito at tumatawa kasama ang isang...lalaki.

May pumiga sa puso niya at awtomatikong naningkit ang kanyang mga mata lalo na nang makilala kung sino ang lalaki. Nakaramdam agad siya ng selos lalo na nang makitang masayang-masaya ito habang nakikipag-usap dito.

Bihira siyang makaramdam ng selos dahil wala naman siyang dahilan para roon. Minsan lang lumabas si Callie at panandalian lamang palagi iyon. But with Ron...he felt there is something bad would happen. Ito kasi ang secret mortal enemy niya noong highschool. Ito kasi ang nakitaan niyang pursigidong ligawan si Callie noon at alam niyang sa ugali nito ay madali lang nitong makukuha ang kaibigan. Hindi nga lang natuloy iyon dahil sa Daddy ni Callie. Pero ngayong malaki na sila at wala na rin siyang makitang bagay na puwedeng pumigil sa interes nito sa best friend niya ay nasasaktan siya. Matagal na rin niyang nakita si Callie na tumawa nang ganoon. Hindi niya maiwasang mag-isip ng mga “what if...”

Nanatili lamang siyang nakatanaw sa mga ito ng ilang sandali hanggang sa may magsalita sa likuran niya.

“Selos ka `no?”

Nang lingunan niya ang may-ari ng boses ay nakita niya si Rafael. Kaklase rin nila ito noon pero ngayon niya lamang ito nakita. Sabi ng isa niyang kaklase ay male-late raw ito dahil may taping pa ang pelikulang dini-direct nito. Isa na ito sa mga kinikilalang batang director sa at may-ari ng malaking talent agency sa Pilipinas.

“Iba ka talaga, Raf.” Sabi niya sabay yakap sa binata. Ginantihan naman siya nito ng yakap. “Kumusta ka na?”

“I am sick of that question man. Kakarating ko lang rito, `yan na ang bungad sa akin ng mga tao. What about you just answer my question about what I see in your reaction?”

Bumuntong-hininga siya. “How the hell have you read my emotions?”

“I have read your emotions since we are highschool. We are seatmates right? I know you are deeply in love with your best friend,”

Natigilan siya sa sinabi nito. Oo at seatmates sila noon pero hindi niya masasabing naging close silang dalawa. Bihira nga silang mag-usap pero kung ipagkukumpara naman sa iba ay mabait naman ito sa kanya. May pagkatahimik kasi ang personality nito.

“I am also good in observing, Arjun. So you can’t deny it to me. Ano bang problema mo at hindi mo pa i-level up ang relasyon mo kay Callie?”

Sandaling napaisip siya kung dapat ba niyang sabihin kay Rafael ang problema niya. Pero sa huli ay napagdesisyunan niya na rin sabihin.

“I want to be with her. If only I could do that so easy. If only I could earn money and at the same time be with her. Pero mahirap iyon. Alam mo namang sa India ang trabaho ko at nandito siya sa Pilipinas,”

Napangiti naman ito sa sinabi niya. “`Yun lang ba? That is so easy to solve,” may dinukot ito sa bulsa at ibinigay sa kanya. It was his calling card.

“Work in the Philippines. Be one of the talents of my agency,”

HINDI mapigilang tumawa ni Callie habang nakikipag-video call sa Skype kay Ron. Nasa Book Keeper siya pero dahil kakaunti naman ang bumibili ng oras na iyon ay napagpasyahan muna niyang mag-online. Ilang araw na simula nang matapos ang get-together party pero hindi pa rin napuputol ang komunikasyon nila. Naging daan pa nga iyon para ma-reconnect siya muli rito dahil pagkauwi niya ay nakita niyang may friend request kaagad siya rito at may message pa. Sinabi nitong nag-enjoy raw ito sa pag-uusap nila kaya nito iyon ginawa. Kinuha rin nito ang Skype ID niya para makapag-usap magkakitaan rin sila.

Ngayon ay isa sa mga araw nga na iyon. Kagaya pa rin si Ron noong muli niyang makita ito. He never failed to make her laugh. Ang dami pa nitong baon jokes kapag magkausap sila.

“Isa pang joke,” wika nito.

“Last mo na `yan, ha? Kinakabag na ako rito,” nakahawak na siya sa tiyan dahil hindi pa rin siya nakaka-recover sa huli nitong joke.

“Oo. Matatapos na ang lunch break. I need to go back to work after this,” nasa opisina kasi ito. “Alam mo ba kung bakit broom stick ang gamit ng mga witch?”

“Bakit?”

“Kasi kapag vacuum cleaner, mabigat,” nakangiting sabi nito.

Napatawa na naman siya. Sakto namang biglang bumukas ang pinto ng shop. Nang tumingin siya roon ay nakita niya si Arjun. Nakakunot noong tumingin ito sa kanya at lumapit. Nang makita nitong magkausap sila ni Ron ay napansin niyang dumilim ang mukha nito.

Dahil lumapit ito sa kanya ay nakita ito ni Ron sa screen. Kumaway ang huli rito samantalang kiming ngumiti lamang si Arjun. Mukhang hindi yata nito nagustuhan na nakikipag-usap siya sa dating kaklase. Nagpaalam na si Ron at pinatay na rin niya ang laptop niya.

“Napapadalas ang pag-uusap niyo ng Ron na `yan, ah.” Walang ka-emo-emosyohan ang mukha nito.

“Sakto lang na nagkakaabutan kami na mag-online,”

Tinignan siya nito nang mataman. “T-tapatin mo nga ako, Callie, nililigawan ka ba niya?”

Sa loob-loob niya ay napangiti siya sa tanong ni Arjun at sa tonong ginamit nito. She could sense jealousy in his voice. “Eh ano naman kung nililigawan niya ako?”

Napalunok ito. “W-well, I am your best friend. Siguro naman ay entitled ako na magtanong tungkol sa mga personal na bagay,”

“Don’t worry, ikaw ang unang makakaalam kapag nagtangka siya,” paninigurado niya rito.

Pero duda siya kung gagawin nga iyon ni Ron. Oo at nagkagusto ito sa kanya dati at kung titignan ngayon base sa madalas nilang pag-uusap ay puwede rin nitong gawin iyon. Pero may nase-sense siyang kakaiba sa ugali nito sa kanya ngayon. Naging mas madaldal ito at parang naging maarte na hindi normal para sa isang lalaki. Kaiba noong highschool sila. Sa tingin niya ay may mali sa personality nito. Pero ayaw niyang mag-conclude sa ngayon. Baka naman naging malaki lang talaga ang pagbabago nito.

Iniba niya ang usapan. “Kumusta nga pala ang unang araw ng taping niyo? Ang bilis niyo yatang natapos,”

Kung sa kanya ay naging daan ang get-together para mag-reconnect kay Ron, kay Arjun naman ay naging daan iyon para bumuo ng career sa Pilipinas.

“Okay lang. Mabilis natapos dahil umaga naman ang setting ng eksena. At hindi naman ako nasa main role,”

Masaya siya sa ibinigay na opportunity rito ng dati nilang kaklase. Bagong character sa isang teleserye na dina-direct ni Rafael ang ibinigay nito kay Arjun. Hindi pa man nag-e-air iyon sa telebisyon ay marami ng nag-aabang sa paglabas nito. Iyon kasi ang unang project na ginawa ni Arjun sa Pilipinas. Marami na ang usap-usapan na siguradong pagkatapos noon ay dadami pa ang project nito.

“Kahit hindi naman ikaw ang nasa main role, I am sure aabangan ka pa rin ng mga tao. Kumusta naman ang tungkol sa manager mo? Mayroon na ba?”

Doon lang ito napangiti. “Yeah. Bago nga lang, eh. Bata pa. Babae,”

“Talaga? Sino?”

“`Yung anak ni Janette Tandigan,”

Binundol ng kaba ang dibdib niya. Kilala niya si Janette Tandigan. Kung mayroon mang pinakakontrobersyal na manager ng mga artista ay ang babae na yata iyon. Hindi niya alam na susunod pala sa yapak nito ang nag-iisa nitong anak na babae na si Jeanette.

Dahil kontrobersyal ang manager, pati ang pamilya nito ay kilala na rin. Ang akala ng ilan noon ay mag-aartista si Jeanette dahil na rin sa angking ganda nito. Minsan na rin itong sumali sa mga beauty pageants. Ilang beses rin napakabit sa kung sinu-sinong lalaki ang pangalan nito. May pagkamalandi raw kasi ito base sa bali-balita. Kung ito ang magiging manager ni Arjun, malamang ay baka ma-link rin ito sa best friend niya.

Hindi naman bago sa kanya ang ma-link ang best friend niya sa ibang babae. Hindi na iyon bago para sa isang artista. Pero palagi naman siyang ina-assure ni Arjun na kaibigan lang nito ang mga babae iyon. Parang ayaw nitong mag-isip siya palagi nang masama kahit `di pa naman siya nakakapagsalita. Pero ngayon... bakit mukhang masaya pa ito at parang pinaglalandakan pa sa kanya na babae ang manager nito at bata pa?

She felt like Arjun stabbed her heart.

HINDI pa man tuluyan na nakakapasok si Arjun sa bahay nila Callie ay natanaw na niya ito mula sa gate. Mukhang abalang-abala ito sa ginagawa nitong pag-aayos ng mga libro sa terrace ng bahay nito. Bumaba siya ng kotse saka pinuntahan ito.

“What are you doing?” tanong niya rito na mukhang hindi namamalayan ang pagdating niya. Bukas kasi ang gate ng mga ito kaya pumasok na lamang siya basta at iniwan ang kotse na ginamit niya nang pumunta siya sa taping at dumaan sa opisina ng talent agency.

Ang kotse na ginagamit niya ngayon sa mga lakad niya ay pagmamay-ari ng Kuya John ni Callie. Tuwing nasa Pilipinas siya ay pinapagamit naman ng mga ito ang kotse na iyon. May lisensya sa Pilipinas na kinuha niya noong nakaraang taon nang makauwi siya kaya wala siyang problema sa pagda-drive. Wala pa kasi siyang sariling kotse sa Pilipinas dahil inuna niya muna ang matitirahan niya.

“Inaayos ko `yung mga libro na papapirmahan ko bukas. May book signing ang mga favorite international authors ko dito sa Pilipinas bukas at kailangan kong dalhin doon ang mga paborito kong libro para mapapirmahan. Inaalikabok na kasi `yung iba kaya dito na ako sa terrace nag-ayos para madaling linisin,” tiningala siya nito. “Ikaw, tapos na ang taping?”

“Yeah. Maagang natapos dahil wala namang mga retake. Nakadaan na rin ako sa office para kuhanin ang pinakauna kong suweldo,”

“Ang bilis naman! More than a week ka pa lang, ah?”

“Well, maagang magbigay si Rafael,” ngumiti siya. “Kaya bilisan mo nang mag-ayos diyan at kakain tayo sa labas,”

Nagliwanag ang mukha nito at tumalima na. Bago mag-alas sais ay nakarating na sila sa lugar kung saan matagal na niya itong gustong dalhin muli.

“Oh God! Sa Spiral restaurant tayo kakain?”

Ngumiti siya. “I should have done this before,”

Hindi man sabihin sa kanya ni Callie, alam niyang sa loob-loob nito ay matagal na nitong gustong makapunta sa paborito nitong restaurant. Hindi na rin siya nagtaka sa naging reaksyon nito. Niyakap siya nito nang mahigpit na mahigpit. He hugged her back.

Masasabi niyang kuripot siyang tao. Bihira siyang gumastos sa mga mamahaling bagay dahil na rin sa pangarap niyang makaipon nang malaki. Pero sa ngayon ay gusto niya munang kalimutan ang pag-iipon lalo na at unang suweldo naman niya. Alam niyang para sa taong kagaya niyang gustong maging practical sa lahat ay mali iyon. But he wanted to live for the present. Kahit minsan lang. Dahil mas nagiging masaya siya at nararamdaman niya na ayos ang lahat para sa kanya kapag nakikita niyang masaya ito.

He wanted to put first his happiness. His happiness is Callie and when he knew that she would be happy, the happiness became double.

So far ay pina-practice niya iyon at lahat naman ay nagiging maayos. Mas masigla siya ngayong nasa Pilipinas siya. Nang tinanggihan niya ang trabaho sa India para makasama si Callie ay may opportunity pa rin naman na dumating sa kanya.

Ilang pagkakataon na rin na may nag-aalok sa kanya na mag-artista sa Pilipinas. Pero dahil may kontrata siya sa India ay hindi niya matanggap ang mga iyon. Ngayon lang siya tumanggap dahil hindi pa muli siyang nakakapag-reneew ng kontrata. Gusto rin niyang magkaroon ng career sa Pilipinas dahil bukod sa nandito si Callie, pabor sa kanya na magtrabaho sa lugar kung saan mas matagal siyang naninirahan at mas tinuturing niyang bayan.

“Mabuti na lang pala at nagsuot ako nang maganda. Or else, baka `di ako makapasok. Bakit kasi kailangan mo pa mag-surprise?”

“I thought girls find it romantic when guy surprises them,”

“Hmmm... So you mean this is a romantic day for us?”

Tinitigan niya ito nang mataman. “Puwede ba?”

Nanatili rin itong nakatitig sa kanya. He felt awkwardness that gave him a feeling of so much nervousness in his heart. Bakit ayaw nitong magsalita? Ayaw ba nitong magkaroon sila ng ganoon? Bakit dati, kapag pinaparamdam niya rito na gusto niya ito ay mukhang masaya naman ito? Kagaya na lamang nang araw na hinalikan niya ito. Hindi ito nagalit o nagreklamo man lang. He even saw a hint of happiness in her eyes. But now...

Siguro ay dahil kay Ron. Sa isiping iyon ay nag-iba ang mood niya. Hinagod niya ang buhok. “Oh well,”

Pinagbuksan niya ito ng pinto. Napansin niyang may sasabihin ito sana sa kanya pero inunahan na niya. Bigla kasi siyang natakot sa maaring sabihin nito nang maisip ang tungkol kay Ron.

“Let’s just enjoy this night as friends. Joke lang `yung kanina,” pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay hirap na hirap siya sa pagsasabi noon. Friends. Mahigit isang dekada na silang magkaibigan. And everytime that would stick in his mind about their true relationship with Callie, it is always a torment. Ayaw niyang maging kaibigan lang. Pero ayaw rin niyang kumalas sa ipinangako niya sa ama nito. Kahit pinipilit na siya ng kapatid nitong ligawan ito, hindi niya magawang tuluyang gawin iyon. Nirerespeto niya ang pinag-usapan nila ng ama nito kahit matagal nang nangyari iyon. Kahit patay na ito.

Pero paano kung maunahan ka naman ng iba? Paano kung bago mo pa magawa ang bagay na pinangako mo sa ama niya ay kasal na si Callie at wala ka nang magagawa?

Damn it.

Pilit na inalis niya ang inis na nararamdaman dahil sa mga naiisip. But he can’t stop thinking a lot about it lalo na at mukhang hindi naman apektado si Callie sa mga pinagsasabi niya kanina. Ni wala siyang mabakas na lungkot sa mukha nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa masaya lang talaga ito dahil nakakain muli ito sa paboritong restaurant nito kaya ito ganoon.

“Ah, I so missed this cheese!” anito nang makapunta sila sa cheese area ng restaurant. Kinuha agad nito ang blue cheese na all-time favorite nito kapag kumakain sila doon. Inabutan siya nito ng isa pero tinanggihan niya iyon. Kahit masarap lahat ng pagkain na nakapaligid at na-miss rin niya ang restaurant na `yun, wala siyang gana. Masama ang loob niya.

“Ang arte nito, oh. Akala ko ba mag-e-enjoy tayo? Bakit ganyan ang mukha mo?” pumamaywang pa ito sa kanya nang biglang may naisip. “Aha! Siguro kulang ka sa sweets. Tara na nga lang doon sa chocolate fountain at mabawasan `yang sama ng mukha mo,” hinila siya nito sa sweets area.

Kumuha ito nang sticked marshmallow and dipped it in the fountain. Iniabot nito iyon sa kanya pero tinitigan lang niya.

“What’s the problem, Arjun?” mukhang naasar na rin ang mood nito. Na-guilty siya pero hindi pa rin maalis ang sama ng mood niya. Kaya naman para maalis iyon ay nagdesisyon na siyang tanungin ito para malinawan.

“Kumusta na kayo ni Ron?”

Kumunot ang noo nito. “Is Ron your problem? Paano naman siya naging---“

Hinawakan niya ang isang kamay nito. “Please, sagutin mo ako.”

“Okay lang naman kami. Palagi pa rin kaming magkausap. At bukas nga pala, siya ang kasama ko sa book signing sa----“

Doon tuluyang nasira ang mood niya. Pero pinigilan niya ang sarili niya na magalit o ipakita muli kay Callie na masama ang loob niya. Natatakot siyang baka mamaya ay maggaya rin ito sa kanya at masira niya ang gabing iyon dahil sa pag-iinarte niya. Ang huling gusto niyang mangyari ay ang masaktan si Callie.

Sa halip na pansinin ang sinabi nito ay kinuha na lang niya ang unang pagkain na nakita niya sa buffet table ng sweets at diretsong kinain iyon. “Mukhang bago ito, ah. Masarap pala. Tikman mo,” kumuha pa siya ng isa at sinubuan ito. Napansin niyang nakatitig lang ito sa kanya. “O? Ayaw mo?”

Humalukupkip ito. “Tell me, nagseselos ka ba kay Ron?”

“Ayaw ko na nakikipagkaibigan ka sa kanya,”

“Bakit naman? Mabait naman siya at napapatawa niya ako,”

“At ako hindi? Basta ayaw kong ikinukuwento mo siya,” he knew he sounded like a selfish boyfriend but he doesn’t care anymore. Selfish na kung selfish pero mahal niya ito kahit hindi pa man nagle-level up ang relasyon nila. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong selfishness rito.

“Kung ganoon, ayaw ko rin na kinukuwento mo si Jeanette,” she had the same tone as his.

Napatitig siya rito. “`Wag mong sabihin na nagseselos ka rin kay Jeanette?”

“Ayaw ko na nakikipagkaibigan ka sa kanya,” ginaya nito ang sinabi niya kanina.

“We’re not even friends. Manager ko lang siya,” paliwanag niya.

“Pero gusto mo siya. Ang laki ng ngiti mo nang kinuwento mo siya sa akin,”

She amused him. Hindi naman niya sinasadya na mapangiti noong kinukuwento rito si Jeanette. Noon pa man ay kilala na ito at alam niya ang reputasyon nito. But he knew his limits. Si Callie lamang ang babae sa kanya. Isang dekada na niya itong mahal at malinaw sa isip niyang `di siya magsasawang mahalin ito. “Napansin mo `yun?”

Tumalikod ito sa kanya. “Bakit ba natin pinag-uusapan ito? Magkaibigan lang tayo, hindi ba? Ikaw mismo ang nagsabi noon sa akin kanina,”

But I want more than that, muntik na niyang masabi. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi pa iyon ang tamang panahon para umamin siya rito. Nagsisimula pa lamang siya ulit. Oo at unti-unti niyang pinaparamdam rito na gusto niya ito. Pero hindi pa siya puwedeng tuluyang umamin. Natatakot kasi siyang hindi nito maintindihan ang dahilan niya.

“Kumain na nga lang tayo,” hinawakan niya ang kamay nito. “Pero doon tayo sa pang-dinner talaga. Mamaya na `yang dessert,”

Naramdaman niya na parang nadismaya ito sa ginawa niya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kampante siya na kagaya niya ay may nararamdaman si Callie sa kanya. Nadidismaya ito kapag dumadating sila sa mga usapang “kaibigan” sa pagitan nilang dalawa. He could feel that she wanted more, too. Ngayon lang siya natakot na mawala iyon dahil kay Ron. Iyon lang kasi ang lalaking kinuwento nito nang ganoon at nagkataon pang nanligaw ito kay Callie noon.

Alam rin niya na mali ang ginagawa niya. Ang lagay kasi ay pinaghihintay niya ito. But his purpose is for her, too. Iniisip lamang niya ang future nila. Nirerespeto lang rin niya ang sinabi rito ng ama nito.

Pero sandali lamang naman ito nadismaya. He tried his very best to make her happy again. Naging madali lang naman `yun sa kanya. Nang ipinakita niya rito na nag-e-enjoy rin siya ay bumalik ito sa mood nito kanina. Nawala na rin ang tungkol kay Ron sa isip niya dahil sa nakikita niyang anyo nito na masaya kapag kasama siya.

Alas-diyes na ng gabi nang mapagpasyahan nilang umalis ng Spiral Restaurant. Pero sa halip na diretsong umuwi na ay dumaan muna sila sa Manila Bay upang maglakad-lakad sandali.

“Pinapaalala mo sa akin ang nakaraan,” wika nito sa kanya.

“Ayaw mo ba?”

Noong high school pa sila ay madalas silang dumaraan roon kapag namamasyal. Malapit lang kasi ang Manila Bay sa school na pinapasukan nila dati.

“Gusto. I missed everything we had then. `Yung mga araw na palagi kang may oras sa akin... Na kapag kailangan kita, palagi kang nandiyan at `di ako matanggihan. `Yung mga araw na palagi kitang nakakasama at nahahawakan,”

Hinawakan niya ang kamay nito. “I am trying to make it up to you,”

Tumingin ito sa kanya. “And thank you so much for trying. I know that words aren’t enough for it,”

“You know, action speaks louder than words. Puwede namang ganoon na lang ang gawin mo,” napangiti siya nang biglang may maisip. Pero alam niyang sobra na ang nasa isip niya. Naalala kasi niya ang tagpo kung saan hinalikan niya ito nang magpasalamat sa kanya. Pasalamat na lamang siya noon at hindi ito nagalit.

“Aw, umuulan na pala,” bago pa ito makapagsalita muli ay hinila na niya ang kamay nito at tumakbo. Malayo pa ang pinagparadahan niya ng kotse mula sa kinaroroonan nila. Malaki ang patak ng ulan at kapag nagtagal pa sila roon ay siguradong basang-basa na sila pagdating sa kotse. Mahina pa naman ang resistensya nito sa ulan.

Pero bago pa sila tuluyang makatakbo ay naramdaman niyang hindi ito sumusunod sa kanya. Napatigil siya. “O, bakit ka tumigil---“

Pinutol nito ang pangangaral niya sa pamamagitan ng paghapit nito sa kanya papunta rito. Nanlaki ang mata niya sa gulat sa sumunod na ginawa nito pero sandali lamang iyon. He feels her lips press to his and the shock fades and became a sensation that he knew he was going to desire forever.

“Then thank you it is,” nakangiti pang sabi nito sa kanya sabay tingin sa kanya. He received the best thank you gift ever today.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.