Chapter 25

NAPAUNGOL si Callie nang maramdaman na parang pinipiga sa sakit ang ulo niya. Bago siya matulog ay nararamdaman na niya iyon at ginawa naman niya ang mga precautionary measures para maagapan iyon. Alam niyang mahina ang resistensya niya sa ulan. Uminom siya ng gamot bago matulog pero hindi iyon naging epektibo. Pinakiramdaman niya ang sarili niya at doon niya napagtanto na may lagnat siya.

Napatingin siya sa beside table ng kuwarto niya, particular sa kalendaryong nandoon. Napaungol lalo siya nang makita ang note na nakalagay para sa araw na iyon. Ngayon ang pinakainaantay niyang araw. Darating ang mga paborito niyang international romance novel authors ngayon sa Pilipinas. It was a one day book signing and she wouldn’t missed it for the world. Mamayang gabi ay aalis na rin ang mga ito dahil lilipad na ang mga ito sa Singapore para sa susunod na stop ng mga ito.

Bumangon siya ng kama pero nanglalambot pa rin siya. Sandali siyang umupo muna nang may marinig niyang tumunog ang cellphone niya. It was Arjun.

Sa kabila ng sama ng pakiramdam ay napangiti siya nang makita ang pangalan nito. Alam niyang buong magdamag itong nasa tabi niya dahil lamang natatakot ito na magkasakit siya. Ganoon ito kapag alam nitong naulanan siya. Pero destined yata talaga na magkasakit siya at hindi napigilan nang pag-aalaga nito at nang nangyari sa kanila kagabi.

Alam naman niya sa sarili niya na siya rin ang may gawa kung bakit siya may sakit. Kung hindi sana niya pinigilan si Arjun nang magyaya itong umalis ay hindi sila ganoong mauulanan. Pero hindi rin naman niya pinagsisihan iyon dahil sa magandang nangyari.

Siguro ay maraming magtataka na ginawa niya iyon bilang mahiyaing babae siya. Pero hindi naman yata tama na si Arjun lang ang may karapatan na manghalik sa kanya nang basta. Saka binigyan naman siya nito ng cue na puwedeng action ang gawin niyang pagpapasalamat rito. Ang paghalik rito ang unang naisip niyang paraan. Hindi naman ito nagreklamo at nakita niya pang masaya ito na naramdaman niyang hindi lang talaga siya ang nag-benefit sa ginawa niya. Kaya lang ay may kapalit naman ang saya niya.

Inaasahan na niya na paggising niya ay wala na si Arjun sa tabi niya. Alam niyang may maaga itong schedule ng shooting. Kaya siguro ito tumawag sa kanya ngayon ay para kumustahin siya na hindi naman siya nagkamali ng akala.

“How are you feeling?” bungad agad nito sa kanya nang masagot niya ang tawag. Halata ang pag-aalala sa boses nito. “I am so sorry I have to leave. Hindi ko kasi mapakiusapan si Rafael na um-absent ngayon. Paalis kasi `yung isa kong kaeksena at sa isang linggo pa siya babalik. Made-delay ang taping kapag hindi pa namin natapos ngayon. But I would go home as soon as possible. Nagtext na rin ako sa Kuya mo. Uuwi raw siya ngayon para sa `yo,”

“Ha? Hindi mo na kailangang gawin iyon. Kaya ko naman ang sarili ko,”

Na-touch siya sa ginagawa ng dalawang lalaking mahalaga sa buhay niya. She felt cared and loved. Pero may pagka-OA nga lang at kailangan pang umuwi ng Kuya niya na nasa ibang bansa para lang sa kanya.

“He wanted to be there, too, so don’t worry, okay? Just rest. Nagluto nga pala ako ng breakfast mo bago ako umalis. Nasa lamesa sa kusina. I-microwave mo na lang kung malamig na. `Wag ka na rin pumasok sa Book Keeper. Nagtext na ako kay Nina na siya na muna ang bahala,”

“You sounded so bossy. Hindi naman talaga ako papasok ngayon,”

“Good. I want you to be safe and sound. Dapat nandiyan ako pero hindi talaga puwede kaya ganito na lang ang ginagawa ko. Sana ay naiintindihan mo. Gusto kong gumaling ka kaya naman magpahinga ka na lang muna sa bahay, ha?”

Naiintindihan naman niya ito. Masaya nga siya ay nag-e-effort ito. “Pero kailangan kong umalis, Arjun,”

“What?!” muntik na niyang mabagsak ang cellphone sa lakas ng boses nito. “No! Diyan ka lang! May sakit ka. `Di ka puwedeng umalis,” matapang na sabi nito.

“But I need to go to the book signing! Once in a lifetime lang ito,” she was looking forward for that event for a long time. Hindi siya papigil kahit kanino kahit sa bagyo pa man mapapirmahan lamang niya ang kanyang mga libro at makita ang mga idolo niyang manunulat.

Pinatay na niya ang cellphone niya. Masasayang lang ang enerhiya niya kung makikipagtalo pa siya kay Arjun. Desidido na siyang umalis kahit may sakit.

Pinilit niyang gumayak kahit lalong sumama ang pakiramdam niya sa pagpupumilit. Kumain siya at kahit masarap naman ang inihanda ni Arjun ay wala siyang gaanong gana. Naligo na siya pero parang mas pinainit pa noon ang pakiramdam niya. Nagbihis siya at nang inaayos na ang mga dadalhin ay nakarinig siya ng ingay ng kotse sa labas. Maya-maya pa ay may naramdaman na lang siyang kamay na humawak sa braso niya.

It was Arjun.

“Hindi ka aalis,” mas maawtoridad ang boses nito. Bago siya makapiyok ay ipinasok siya nito sa kuwarto at inihiga sa kama.

Bumangon siya. Inihiga ulit siya nito. “Don’t be such a kid, Callie. You are sick!”

“Mahalaga sa akin ang araw na ito. Hayaan mo na ako! You know how much I love books and it would be a treasure for me if I am going to have my book autographed by my favorite author. `Wag mo naman ipagkait sa akin ang bagay na `yun,”

“I care so much about you at ayaw lang kitang mapagod. Gusto lang kitang gumaling agad. Kapag pumunta ka pa roon, baka may mangyaring masama sa `yo. Tignan mo nga, namumutla ka na,”

Napabuntong-hininga siya. Tama naman ito. Nanghihina na siya. Pero minsan lang mangyari ito... Bakit kasi ngayon pa siya nagkasakit?

Kasalanan mo rin naman,

Tinignan niya ang mga librong papipirmahan sana niya. Inayos niya pa talaga ang mga `yun para sa book signing pero masasayang lang pala. Kung may mauutusan nga lamang sana siya na---

Napatigil siya. Naalala niyang napag-usapan nila ni Ron na sabay silang pupunta sa book signing. Pupunta rin kasi ang isa sa mga paborito nitong international authors sa event. Kinuha niya ang cellphone niya. Pero bago pa siya makatawag kay Ron ay nagsalita si Arjun.

“Anong ginagawa mo?”

“Tatawagan ko si Ron. Siya na lang ang uutusan ko na magpapirma nitong mga libro tutal ay pupunta rin naman siya sa---“

“What? Si Ron na naman?!” putol nito sa sasabihin niya. Pumait na naman ang boses nito.

“Kaysa naman masayang ang araw na ito. I’ve been dying to have those books autographed. This is my only chance,” she dialled Ron’s number. Hinablot ni Arjun ang cellphone niya.

“Saan ba ang book signing na `yan?”

“Sa SMX. Bakit?”

Hindi ito sumagot pero kinuha ang bag niyang naglalaman ng mga libro. Inihiga ulit siya nito. “Magpahinga ka lang diyan at `wag mo ng abalahin si Ron. Parating na rin naman ang Kuya mo kaya aalis na ako,”

“Ha? Saan ka pupunta?”

“Ako ng bahala sa mga librong ito,”

At bago pa siya makapagsalita ay nakalabas na ito.

MAS MAINIT pa yata kaysa sa disyerto sa India ang lugar na ito,

Kung hindi lang natatakot si Arjun na baka pagkaguluhan siya ng mga tao oras na malaman ng mga ito kung sino siya ay kanina pa niya natanggal ang itim na jacket na suot niya. Kahit wala rin sa lugar na naka-shades siya dahil hindi naman maaraw sa SMX convention center ay hindi rin naman niya iyon puwedeng alisin dahil na rin sa estado ng buhay niya.

He knew that his decision for today was very impulsive. Pero kung ganoon nga yata talaga kapag nagmamahal ka at nakikita mo na may kalaban ka na. Nagiging competitive na siya to the point na hindi man lang niya inisip ang maaring mangyari sa kanya mailayo lamang si Callie kay Ron. Masyado na siyang kinakain ng selos niya.

Ah bahala na! Nawika na lamang niya nang hindi na niya makaya pa ang init sa loob. Hinubad na niya ang jacket niya. Napakadami nang tao sa loob ng area at dadalawa pa lamang sa author ng mga librong inihanda ni Callie ang napapirmahan niya. May natitira pang tatlong libro na iba’t iba rin ang author. Sa bawat author pa naman na naroon ay isang oras yata ang pinipila niya. Nahihirapan na siya pero naiisip pa lamang niya na kung sakaling si Callie ang pumila roon sa kalagayan nito ay tripleng paghihirap ang dadanasin niya konsensya pa lamang. Maigi na siyang itong nahihirapan huwag lang si Callie.

“May lahi ka, Kuya?” narinig niyang wika ng babaeng nasa harapan niya na nakatingin pala sa kanya. Tinitigan siya ng babae na para bang isa siyang specimen sa microscope. Kinabahan siya.

Kinilabit ng babae ang nasa harapan nito na wari niya ay kaibigan nito. May binulong-bulong ito at binigyan siya ng tingin. Nang manlaki ang mata nito ay may tumulo yatang pawis sa gilid ng mukha niya.

“Si Arjun Kapoor!” parang may megaphone na hawak ang babae nang sabihin nito iyon. Awtomatikong napalingon ang karamihan na nasa paligid. Nakarinig siya nang mga bulung-bulungan at may iba pa ngang tumili.

And the next thing he knew...sa kanya na nakatutok ang atensyon ng mga tao at hindi sa authors na nagpunta pa roon galing ibang bansa.

CHAPTER SEVEN

NAG-AALALA na si Callie kay Arjun. Ilang oras na simula nang umalis ito ng bahay nila at hanggang ngayon ay wala pa siyang nari-receive na text mula rito. Nakarating na ang Kuya niya mula sa huling flight nito at nakapagpahinga na rin pero hindi pa dumarating o nagme-message man lang sa kanya ang huli. Maggagabi na at kanina pa dapat tapos ang book signing. Naka-ilang tawag na siya rito pero out of reach ang cellphone nito.

Hindi na ganoong masama ang pakiramdam niya pero dahil sa nangyayari kay Arjun ay parang bumabalik muli ang sakit niya. Palakad-lakad siya sa bahay nila nang tawagin siya ng Kuya niya na nasa sala. Isang oras makatapos umalis ni Arjun ay dumating ito. Ito ang nag-alaga sa kanya.

“Si Arjun nasa TV! Mukhang harassed na harassed ang loko!” natatawang wika pa nito.

Hindi na sana niya papansinin ang kapatid niya dahil sanay na rin naman siya na nasa TV si Arjun lalo na sa mga panahon ngayon. Pero ang sabihin nitong harassed ang kaibigan ay siyang nagpatakbo sa kanya sa kinaroroonan nito. Nalaglag ang panga niya nang makita si Arjun, basang-basa ng pawis habang pinagkakaguluhan sa SMX at hawak-hawak ang mga libro niya.

“So what made you come to this event, Mr. Kapoor? Fan ka rin ba ng mga authors na nandito?” tanong ng isang reporter rito habang nakapila si Arjun at napakaraming tao ang nasa paligid nito.

Umiling si Arjun. “I went here because of my best friend. She was the one who owns this book,”

“Oh. She must be so important for you. Talagang ikaw pa personally ang nagpunta rito para papirmahan ang mga librong ito para sa kanya,”

Ngumiti lang si Arjun. May nagtanong na isa pang reporter dito.

“This best friend of yours... siya na ba ang magiging kilabot ng mga fans mo?”

“`Di pa ba halata ngayon?” nakangiti pa rin si Arjun.

“So you mean...?”

“She’s not just my best friend. She’s someone special,”

“How sweet,” komento pa ng reporter.

Sumigaw ang Kuya niya. “Ang haba ng buhok mo, kapatid!”

Did Arjun just announce his feelings to me on TV? Natapos na ang report tungkol rito ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso niya. At hanggang sa may pumaradang sasakyan sa gate nila ay ganoon pa rin iyon. Lumala pa nga yata nang lumabas ito.

“Kumain na kayo?” itinaas nito ang dalawang supot ng take-out food.

Umiling ang Kuya niya. “Tamang-tama, hindi pa. Pero sa tingin ko, kulang pa `yang dalawa mo sa pagod na nakapinta diyan sa mukha mo,”

“Surely, you have heard the news,” pagkatapos noon ay inilapag nito ang mga supot sa lamesa. Pagod na umupo ito sa sofa.

“Oo nga. Tapak na tapak ko tuloy ang buhok ni Callie. May namamagitan na pala sa inyong kakaiba, wala man lang akong kaalam-alam,” pumalatak pa ang kapatid niya pagkatapos ay kumain ng fried chicken na dala ni Arjun.

“Hinalikan niya kasi ako kagabi, eh,” tumingin ito sa kanya. Awtomatikong namula ang mukha niya.

Ibig sabihin ba noon ay ang halik lang niya ang makakapag-udyok rito para i-level up nila ang relasyon nila? Ibig sabihin ba nito ay sila na?

Kung ganoon, sana matagal ko na `yung ginawa!

PERO hindi nangyari ang nasa isip ni Callie. Ilang araw na simula nang mangyari ang tungkol sa book signing pero hindi naman niya naramdaman ang tungkol sa “something special” na sinabi ni Arjun sa TV pa. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa mas lalo pa itong naging abala sa trabaho nito at simula nang araw na iyon ay hindi niya pa ito nakikita ng personal o talagang binibilog lang nito ang mga reporters tungkol sa kung anong mayroon daw silang dalawa. Naasar na siya rito dahil parang binibigyan lang siya nito ng mga false hopes pero naasar rin siya sa sarili niya dahil umaasa rin naman siya.

Ngayon ay isa sa mga araw na dapat ay magkikita sila ni Arjun. Pero dahil nagkaroon ng biglaang shooting ang mga ito ay naudlot iyon. Matagal na nilang plano na kapag nag-showing ang pelikula Chennai Express sa Pilipinas ay sabay nila iyong panonoorin.

Simula nang sumabak si Arjun sa mundo ng Bollywood ay parang dumikit na rin ang mundo niya roon. Hindi pa man siya nakakarating sa India ay parang nakarating na rin siya dahil sa mga pelikulang napapanood niya. She felt addicted to Bollywood not entirely because of him because of the movies they produce. Karamihan kasi ng mga napapanood niya, kahit mahaba ay talaga namang magaganda. Feeling nga niya ay mas kilala pa niya ang mga artista sa Bollywood kaysa sa mga artista sa Hollywood o sa Pilipinas. Nagustuhan na rin niya ang karamihan ng mga artista roon at nagkaroon ng favorite. Paborito niya si Shah Rukh Khan at suwerte namang dahil sa impluwensiya ni Arjun ay sumikat ang Bollywood sa Pilipinas at pinapalabas sa ilang piling sinehan ang pelikula ng mga ito. Ngayon ay showing sa Greenbelt ang bagong pelikula nitong Chennai Express.

Nang mag-usap sila noong isang araw sa cellphone ay napag-usapan nila iyong panonoorin. Bumili ito ng ticket online at ipinadala pa sa kanya. Mag-iisang linggo na iyong showing pero hindi pa rin nila iyon napapanood. Naiinip na siya at naaasar na rin sa mga status na nakikita niya sa Facebook tungkol sa movie na iyon. Gustong-gusto na niyang mapanood ang pelikula pero wala naman ito.

Minsan ay nagsasawa na siyang umintindi rito. Naasar na siya sa sarili niya dahil ang tagal na nang panahong umaasa siya na mayroong magandang mangyari sa kanila. Oo, nagpaparamdam ito. Pero hindi naman siya nito dinidiretso. Para siyang pinapaasa nito na hindi niya maintindihan. Para siyang tanga na nag-aantay rito. Pero ganoon nga siguro kapag nagmamahal, mapapakanta ka na lang ng “I can wait forever,”. Kahit naman kasi i-entertain niya ang ibang lalaking nagtatangka sa kanya ay ito pa rin ang nasa puso niya. He was the only one her heart sees. At kung `di lang rin ito ang lalaking para sa kanya, hindi na rin siguro siya magmamahal.

Nanlulumo tuloy na hinawakan niya ang ticket pagkatapos ay tinignan niya ang cellphone niya at nagbabaka-sakali na may bagong text roon si Arjun. Gusto niya pa rin umasa na sasabihin nitong matutuloy sila pero sa halip na text ni Arjun ay text ni Ron ang nandoon.

“Girl, I wanna watch a movie tonight. Free ka ba? Lets go out. I feel so bored,”

Sandaling nag-isip siya at ni-reply-an ito. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa Kuya niya.

“THANK GOD maagang natapos,” naiusal ni Arjun nang makita ang oras sa wristwatch niya. It was just seven in the evening. Ibig sabihin ay puwede pa siyang makaabot sa full night show ng Superman. Ticket naman kasi na available for the whole day ang pina-reserve niya at ipinabigay kay Callie noong isang araw. Napangiti siya nang maalala ang kaibigan.

Masyado niyang isinubsob ang sarili niya sa pagtatrabaho at ilang araw na rin silang hindi nagkikita nito dahil doon. Nang mga nakaraang araw kasi ay sa Bacolod ang shooting nila para naman sa isang one-episode drama show. Ngayong araw ay sa Maynila na pero nagkaroon naman ng biglaang eksena kaya na-delay ang pag-uwi niya. Mabuti na lang at na-shoot agad iyon kaya puwede pa rin siyang humabol na manood.

Tinawag niya si Joseph---ang baklang personal assistant niya at ipinakuha rito ang mga gamit niya. “Wala bang text or tawag sa cellphone ko?”

“Mayroon, Sir. Si Ma’am Callie,”

Binuksan niya agad ang cellphone. Isang text lang ang natanggap niya rito at tanging “okay” lang ang sinabi nito. Lumarawan ang pagkadismaya sa mukha niya.

Napansin naman iyon ni Joseph. “You know, Sir, kapag ang babae nagsabi ng “okay lang,” maraming ibig sabihin `yan,"

Tumingin siya rito. Halatang nabasa nito ang message niya. Pero sa halip na magalit siya ay nagkaroon pa siya ng interes na usisain ito sa nakikita nito sa sitwasyon nila. “Like?”

“Puwedeng nagtatampo siya kaya “okay” lang ang sagot niya,”

Napabuntong-hininga siya. “I can’t blame her. Pinangako ko ito sa kanya,”

“Hmmm... Pero `yung totoo, Sir. Girlfriend niyo na po ba si Ma’am Callie?”

“It was something like that,” sagot na lang niya.

Simula nang magpa-shot gun interview siya sa book signing ay ilang tao na ang nagtatanong kung girlfriend ba raw talaga niya ang best friend niya. But he couldn’t tell them to it that straight. Oo gusto niyang maging girlfriend si Callie pero hindi pa iyon ang tamang panahon. So he just categorized her as someone special.

“Ganoon? So hindi pa official? Mukha namang in love na in love kayo kay Ma’am. Bakit ayaw niyo pang gawing official, Sir? Mahirap ang MU lang, ha. Maraming complications,” tuloy-tuloy na sabi nito. “Ay sorry, Sir. Ang daldal ko. Curious lang kasi,”

“Okay lang. Pero gusto ko sanang magtanong, bakit mo nasabing mahirap at maraming complications?”

“Siyempre Sir, ayaw niyo pang aminin. Para kasing pinapalagay niyo na kayo pero hindi pa naman sigurado. Tapos ang mga babae, magulo mag-isip `yan. Maraming mga “what-if” sa utak dahil hindi niyo pa siya binibigyan ng assurance. Minsan ay nababasa ko ang mga text messages sa inyo ni Ma’am at nararamdaman ko na base roon ay mahal ka rin naman niya. Pero kayo naman, ayaw niyo pang gumawa ng move. Paano kung mamaya pala, ma-feel niya na pinapaasa mo lang siya? Ayaw niyo pa kasing i-sure `yung feeling niyo. Minsan kasi, may mga babae na kailangan ng assurance para makontento,”

Tumagos sa puso niya ang sinasabi nito. Kinabahan rin siya. Paano nga kung iyon ang nararamdaman ni Callie? Paano kung mapagod ito sa mga ginagawa niya?

“`Di naman sa nanghihimasok ako sa relasyon niyo, Sir. Pero may pusong babae rin po ako. Nararamdaman ko `yung nararamdaman ni Ma’am Callie. You might hurting her in that way,”

Bumuntong-hininga siya. He was suffering from the same dilemma all over again. And it suffered him more knowing that Callie might feel hurting because of what he is doing. Bakit ba ngayon lang siya naliwanagan ng ganoon?

He should make a decision. Dapat rin niyang ayusin ang sarili niya, ang damdamin niya.

Tinapik niya ang balikat ni Joseph. “Thank you for telling this out,” wika niya. “Anyway, may alam ka ba na malapit na flower shop rito? I want to make it up to her,”

May sinabi itong shop. “Ako na lang ang bibili, Sir. Baka pagkaguluhan na naman kayo doon,”

“No, thanks. I think I can handle it. Nagmamadali na rin kasi ako,” sabi niya at iniwan na ito. He knew he is becoming impulsive again this time but he had the feeling of wanting to do things to Callie in his own. Damn it if he is an actor and if ever people would see him, people would swoon over. Kahit ma-harass man siya kagaya nang nangyari kay noong booksigning, he wanted to be a normal when doing sweet things to Callie. Siguro ay dahil gusto rin niyang ipakita sa mundo na importante ito sa kanya.

Kaya lang ay hindi pa puwede talaga,

Pagkatapos niyang magtungo sa flower shop ay tinawagan niya si Callie. Pero hindi ang boses nito ang kanyang narinig. “Arjun? Bakit ka napatawag?” boses iyon ni Kuya John.

“Ah, si Callie?”

“Naku, umalis. Naiwan itong cellphone kaya ako ang sumagot,”

Kumunot ang noo niya. “Saan raw pupunta?”

“Manonood yata ng sine. Kasama `yung si Ron ba `yun?”

Sinakop na naman ng selos ang kanyang puso. “Saang sinehan raw? Anong panonoorin?”

“Sa Greenbelt. Gagamitin yata nila `yung ticket na pinadala mo noong isang araw,”

Lalong nagngalit ang puso niya. Dumiretso siya sa Greenbelt at pumasok sa sinehan. Iniwan na niya ang bulaklak sa kotse. Late siyang dumating kaya madilim na sa loob. Nahirapan siyang hanapin ang dalawa at makahanap ng puwesto na mababantayan niya ang bawat galaw ng mga ito.

Katulad ni Callie ay fan rin siya ni SRK. Gusto niya lahat ng pelikula nito maliban sa pinapanood niya ngayon. Hindi kasi siya mapakali at hindi rin niya maituon ang isip sa panonood dahil mas nakatuon iyon kayna Callie at Ron. Wala namang ginagawang masama ang mga ito hanggang dumating ang interval ng pelikula. Sandaling nagkaroon ng break sa sinehan at umilaw ang paligid kaya naman kitang-kita niya nang hawakan ni Ron ang kamay ni Callie. Napatayo siya.

“Hoy, `wag mong hawakan ang kamay niya!” malakas ang boses niya kaya karamihan ng mga tao sa sinehan ay napatingin sa kanya. Kagaya nang reaksyon ng mga tao sa book signing ay ganoon rin ang mga ito. Pero wala siyang pakialam. He became so oblivious of the environment. Ang tanging nakikita lang niya sa oras na iyon ay ang kamay ni Ron na nakahawak kay Callie. Tumayo rin ang dalawa at halatang nabigla pa nang makita siya.

“A-Arjun? Anong ginagawa mo---“

Hindi na niya pinakinggan pa ang sumunod na sinabi ni Callie. Pumunta na siya sa row ng mga ito at kinuha ang kamay ng dalaga. Hinila niya ito palabas.

“Dear, wala naman kaming ginagawang masama ni Callie,” narinig niya pang wika ni Ron. Napansin niya na medyo malamya ang boses nito at parang nakakaikot ng mata ang pag-“dear” nito sa kanya pero hindi iyon sapat para hindi niya ipagpatuloy ang pagpapaalis kay Callie sa lugar na iyon.

Binitawan niya lang ang kamay nito nang makalabas sila ng sinehan. “Bakit ba inis na inis ka kay Ron? Sabi nga niya, wala kaming ginagawang masama!”

“He held your hand!” nanggagalaiti pa rin na sabi niya.

“And so? Kaibigan ko siya at---“

“Alam mong nagseselos ako sa kanya! Sinabihan na kita na ayaw ko na nakikipagkaibigan ka sa kanya,”

“Why are you acting like this, Arjun?” seryosong-seryoso ang tanong ni Callie, diretso sa mga mata niya.

Matapang na sinalubong naman niya `yun. “Alam mo ang sagot, Callie,”

“Alam mong hindi ko alam, Arjun! You tell it to the world that I am special to you.Pero kaibigan mo ako, best friend mo! Hindi ba kapag sinabing kaibigan, puwede mo rin siyang i-categorize na espesyal sa `yo? Hindi ba’t---“

Itinigil niya ang pagsasalita nito sa pamamagitan ng halik niya. Naramdaman niya na nagulat ito sa ginawa niya. Pero iyon ang natatanging alam niyang gawin para patahimikin ito.

And just made the people around you noisier, sigaw naman ng utak niya.

Pero wala na siyang pakialam kahit marami ang kumukuha ng litrato nilang dalawa. Eskandalo na naman, naisip niya. Pero nakakaeskandalo na rin ang nararamdaman niya. Ang tanging pagkakamali lang siguro niya ay `di niya mapigilan na ilabas ang lahat ng mga iyon sa tamang oras, sa tamang lugar.

“S-stop,” narinig niyang wika ni Callie nang maramdaman siguro nito ang pagkakagulo ng mga tao. “You---“

“How could you be so dumb, Callie? I love you. And I love you not just as a friend. You’re not special to me just because you are my best friend. You are special because you’re the only woman who I long to be with for, to pull and hug you and even kiss you!

“I felt brutal doing all this to you but I can’t suppress my feelings anymore. Parang sasabog na ang puso ko sa selos kapag nakikita kang kasama ni Ron or heck, even if you just said his name! I get jealous because I'm afraid someone is going to make you happier than I do. You are my everything, Callie. And I don’t want to lose you,”

There I said it!

“Kileeeeeg!!!” ang malandi at malakas na boses na iyon ang nakapagpaputol ng moment nila ni Callie. When he looked at the person, he saw Ron. May pagpadyak pa ito at pumapilantik pa ang kamay nito.

Tumingin siya kay Callie. Ngiting-ngiti ito sa kanya.

“I don’t want to lose you too because I love you. And please don’t get jealous to Ron because you see, as the years passed by, he already changed. And one of the changes is also the status of his gender,” Paliwanag nito na nagpanganga na lang sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.