Chapter 30

@Tweets4Lavander: Day 721: I miss you a little. A little too much. A little too often. A little more each day.

Three Years Ago

“I WANT you all to submit a one fourth index card, with one by one photo size of yourself, name, course and section and contact number.” Tila nagmamadali pa na wika ng halos kakarating lang naman nila na professor. Late ito ng fifteen minutes sa klase nila, first day pa man rin. First subject rin ng BSCS 1-1 ang klase.

“Ngayon na po ba, Sir?” tanong ng isang hindi pa man masyadong nakilala ni Lavander ay alam na niya na “pabida” sa kaklase. Nginitian na nito ang lahat at nakipagkilala, nakipagkamay na para bang tatakbo ito sa eleksyon sa sandali pa lamang na pumasok ito ng classroom.

“No. Next meeting.” Isinukbit ng professor ang satchel bag nito. “Class dismiss!”

Napanganga si Lavander. Agad-agad? Tumingin siya sa mga kaklase. May ilan na nagulat rin pero mas marami ang napa-“yes” dahil tapos na ang klase. Naisip niya na siguro ay iyon ang mga kaklase na tamad mag-aral. Napailing-iling siya. Hindi siya sasama sa ganoon.

Pero sino ang sasamahan niya?

Socially awkward siya. Hindi siya palakaibigan. Madalas lang siyang nasa bahay, gumagamit ng computer. Kaya nga pinili niya na kumuha talaga ng kursong related sa computer dahil pakiramdam niya ay doon siya magaling. Bachelor of Science in Computer Studies ang kinuha niyang kurso sa Brook Shire University. Pero kahit ganoon, gusto rin naman niyang baguhin ang sarili. Naniniwala siya sa kasabihan na “no man is an island”.

Sinubukan pang tumingin muli ni Lavander sa mga kaklase at nag-iisip ng puwedeng samahan. Wala naman kasi talaga siyang kilala sa klase. Mahirap rin para sa kanya ang kahit makahanap ng school mate. Dati kasi siyang nag-aaral sa probinsya---sa Batangas. Ngayong college ay napagdesisyunan ng mga magulang niya na pag-aralin siya sa Maynila. Maganda raw ang quality ng education roon. Pinag-dorm siya ng mga magulang para daw maranasan rin niya ang buhay ng isang independent.

Nahagip ng tingin ni Lavander ang katabi. Kagaya niya, tahimik rin ito. Hindi ito nakipagkilala sa kanya o kahit ang ngumiti man lang. In fact, ngayon lamang niya nakita nang buo ang mukha nito dahil ngayon lang ito tumingin sa direksyon niya. Hindi pa rin ito ngumingiti. Sa kabilang banda, hindi rin naman maggawa ni Lavander. Paano niya magagawa gayong pinangunahan ng isang nakakatakot na pakiramdam ang kanyang puso? Bumilis ang takbo noon. Hindi normal. Kinabahan siya kung bakit.

“Miss?” untag sa kanya ng katabi nang napatitig siya rito. Pero hindi niya mapigilan, eh. Guwapo ang lalaki. May kapayatan pero matangkad. Fair lang ang kulay nito pero mukhang malinis. Walang bakas ng kahit anong tagihawat sa mukha nito at halos lahat ay perpekto sa oval shape na mukha nito...maliban sa mata. Mukhang malabo na iyon. Nakasuot kasi ito ng may kalakihan na salamin sa mata. But then, he looked so good. Parang crush niya sa pelikulang Spiderman na si Andrew Garfield.

Hindi makakatanggi si Lavander na naapektuhan siya sa simpleng pagtingin niya sa lalaki. Pero sinubukan pa rin niyang itago ang nararamdaman. Yumuko siya. “Ah, I’m sorry.”

“Para saan?” mukhang nagtataka ang tinig ng lalaki.

Shit. Para saan nga eh hindi naman pala niya minasama! “Ah, wala. Nagulat kasi ako.”

“Okay.” Sagot nito pero parang may inaantay pa rin.

Nilakasan ni Lavander ang loob. “Ahmm...Can I join you?”

Kumunot ang noo ng lalaki.

“I-I mean, break kasi `di ba?” kinuha pa niya ang class schedule at ipinakita sa lalaki. Three hours ang break nila pagkatapos ng klase na iyon pero dahil maaga pa na nagpalabas ang professor, mas humaba pa iyon. Hindi naman niya gusto na mag-isa. “K-kung okay lang naman sa `yo. Wala kasi akong kaibigan dito o kakilala man lang. Wala rin ako na makita na sasamahan. Ikaw ba?”

“May kaibigan na ako---“ naputol ang pagsasalita ng lalaki nang may biglang pumasok sa classroom. Mukhang kaklase rin nila ito pero mas na-late pa sa maagang nagpalabas na professor. Nang makita nito ang lalaking kausap niya ay naging maganda ang ngiti nito.

Ito ba ang sinasabing kaibigan ng lalaki? Hindi na kataka-taka. Guwapo rin ito at mas lamang ng ilang paligo sa lalaki. Mukha kasing mayaman ang kilos at pananamit nito. Lumapit ito sa kanila. “Wala bang klase, Christoff?”

“Tapos na.” Sagot ng kausap niyang lalaki na Christoff pala ang pangalan. Lumingon naman sa kanya muli ito. “Siya ang sinasabi kong kaibigan, si Nick.”

“Hello...” bati naman ni Lavander.

Siniko ni Nick si Christoff. “Wow, nagbabago ka na yata, ah. May chicks ka na agad unang araw pa lang ng klase.” Komento pa ni Nick pero tumingin rin naman sa kanya. Nilahad nito ang kanang kamay sa kanya. “Hi, ako nga pala si Nick. Its nice to meet you, Miss...?”

“Lavander. Pero puwede niyo rin ako na tawagin na “Ava”. Its my nickname,”

“Ava,” pag-ulit ni Nick. “Okay, its nice to meet you, Ava!”

Tumingin siya kay Christoff. Ibinigay niya rito ang kamay. Tinanggap naman nito iyon. “Christoff,”

Hindi kasing nice ng pagpapakilala ni Nick ang kay Christoff. Pero kakatawang mas may naramdaman pa siya rito kaysa kay Nick. Sa paghahawakan lamang nila ng kamay ay nakaramdam na kaagad siya ng init.

Bumaling si Nick sa kanila. “Do you want to join us, Ava?”

Tumango si Lavander. “Kung okay lang sana.”

“It’s not a problem. We’re friends from now on, all right?” inakbayan pa siya ni Nick na para bang close na close sila. Bahagyang nailang si Lavander. Hindi siya sa sanay sa ganoon, lalo na sa isang lalaki. Tumingin siya kay Christoff. Mukhang sinaway naman nito ang kaibigan sa pamamagitan ng pagtingin rito. Natawa lang si Nick.

“Tara, tambay tayo sa canteen.”

LUMIPAS ang dalawang linggo. Sina Nick at Christoff na ang naging regular na kasa-kasama ni Lavander sa klase. Na-enjoy naman kasi niya ang company ng mga ito, lalo na ni Nick. Kahit magkaiba ang mga ugali nila ay natagpuan niyang masaya ito na kasama. Maloko kasi ito. Ito rin ang madalas na nagsasalita sa ngayon ay parang barkada na nilang tatlo.

Isa pa sa gusto ni Lavander kay Nick ay ito rin ang tila icebreaker sa pagitan nila ni Christoff. Hindi ba niya alam pero sa tuwing nakakasama niya ang lalaki ay tila palaging may tensyon. Hindi kasi mahilig magsalita ito. Tahimik. Kakaiba ito kay Nick na masiyahin at maraming kalokohan sa buhay. Minsan nga ay naiisip niya kung bakit naging magkasundo ito at si Nick.

Dahil araw-araw na rin niyang nakasama ang mga ito ay nakilala na niya ang mga ito. Gusto na lang isipin ni Lavander na kaya talaga naging magkaibigan ang dalawa ay dahil nga nakatira ang mga ito sa iisang bahay. Tama ang hinala niya kay Nick---mayaman ang pamilya nito. May-ari ng restaurant sa Australia ang ama nito at magaling na lawyer naman ang Mama nito. Nagtatrabaho sa isang malaking software company ang Ate nito na ayon rito ay kaya kumuha ito ng Computer Studies dahil gustong gayahin ang kapatid. Gusto rin daw nitong kasama si Christoff dahil iyon ang napili na course ng huli. Ito ang spoiled na bunso ng pamilya Fradejas kaya siguro ganoon na lang ito. Masiyahin, happy go lucky. Samantalang si Christoff naman ay anak ng mayordoma at family driver ng pamilya Fradejas. Sabay na lumaki ang mga ito sa mansion ng mga Fradejas.

Isang araw ay maaga na naman na natapos ang klase nila Lavander. Bahagya pa rin siyang naninibago dahil ibang-iba iyon sa high school. Sa college ay kapag sinabi ng professor mo na class dismiss kahit hindi pa eksaktong oras ng tapos ng klase ay puwede ng umalis. O `di kaya ay kapag walang professor, puwede ng hindi pumasok. Maaga ng natapos ang klase ni Lavander ay nabalita pa na absent ang sa susunod at huli na nilang klase ngayong araw. Uuwi na lang sana siya nang biglang magyaya si Nick.

“Tara sa bahay namin, Ava.”

Kumunot ang noo ni Lavander. “Ano ang gagawin natin doon?”

Nagkibit-balikat si Nick. “Kahit ano. Wala na naman tayong klase at wala rin naman tayong assignment at projects. Let’s just have some fun. You know, bond. Don’t worry, ihahatid kita sa dorm mo pauwi.”

Marunong mag-drive si Nick. Eighteen years old na ito kaya may driver’s license na ito. Mas matanda ito ng isang taon sa pang-karaniwang first year college dahil nahuli itong pumasok. Kuwento nito ay gusto raw nito na may kasabay noon kaya inantay nito si Christoff. Simula nursery hanggang ngayong college ay magkaklase ang mga ito.

Hindi na nag-alinlangan pa si Lavender. Pagkatapos ng lahat, pinagkakatiwalaan na niya ang dalawang lalaki. Medyo uncomfortable pa rin siya kay Christoff dahil na rin siguro sa tila nawawalan ang hangin ang paligid kapag magkasama sila pero inisip niya na nandiyan naman si Nick. Maaliw siya panigurado.

Inaasahan na ni Lavander na mamangha siya kapag nakita niya ang bahay nina Nick. Napakaganda nga noon, napakalaki. He truly is a rich kid. Na-welcome sila ng mayordoma ng pamilya na ina ni Christoff.

“So ikaw pala si Lav,” masayang wika ng ina ni Christoff. Sa pagsabi ng ina, malamang ay kay Christoff nito narinig ang kuwento tungkol sa kanya. Kahit nasabihan na niya ang dalawa na “Ava” na lang ang itawag sa kanya, hindi iyon maggawa ni Christoff. Mas prefer nitong tawagin siyang Lavander na `di kalaunan ay ginawa na nitong “Lav” dahil may pagkamahaba nga naman ang kanyang pangalan.

“Hello po. Good afternoon po.”

Tumingin ang Ginang sa anak na si Christoff. “Tama ka nga, Anak. Maganda nga si Lav,”

Namula si Lavander. Sinabi iyon ni Christoff sa ina nito? Nagagandahan sa kanya si Christoff? Naghatid ng paru-paro sa tiyan ni Lavander ang isipin na iyon.

Tumingin si Lavander kay Christoff. “Mama...” mukhang nahiya ang lalaki.

Ngumiti at ginulo lamang ng ina ang buhok ni Christoff. Tumingin ito kay Nick. “Sa sala na lang po muna ba kayo, Sir? Doon ko na lang ipapahatid ang merienda niyo?”

“No. I think, mas okay kung sa entertainment room.” Tumingin si Nick kay Lavander. “Ava, marunong ka ba na mag-Xbox?”

Tumango si Lavander. “Mahilig maglaro noon si Red, ang bunso kong kapatid. Paminsan-minsan napapalaro rin ako.”

“Great!” nasabik ang mukha ni Nick. Hinawakan nito ang kamay niya. “Tara sa entertainment room,”

Hinila ni Nick si Lavander. Pinatigil niya ito nang makitang hindi sumunod si Christoff.

Lumingon siya sa lalaki. “Go on. Susunod na lang ako,” wika naman ni Christoff.

Tumingin siya kay Nick. “`Wag kang mag-alala kay Christoff. Susunod `yan. Siya ang magdadala ng pagkain natin mamaya.”

Kumunot ang noo ni Lavander. Ganoon ba kung ituring ni Nick ang kaibigan? Parang ginagawang katulong rin samantalang hindi naman dapat. Anak ito ng kasambahay pero hindi ito kabilang roon. Isa pa, kung tunay na kaibigan na tinuturing ni Nick si Christoff, hindi dapat ang ganoong treatment.

Nabagabag si Lavander pero pinili na lang rin niya na huwag magtanong. Nang makarating sa entertainment room ay humanga na naman siya. May malaking TV roon at marami rin na play station sets. Kinuha nito ang latest version pa ng Xbox. Pinalapit siya nito sa punong rack ng mga game disc.

“Anong gusto mo na laruin?” tanong pa sa kanya ni Nick pero maya-maya ay may kinuha ng game disc. “Ito na lang! I love racing!”

Hindi sana ganoon ang gusto ni Lavander pero dahil masyadong sabik si Nick ay pinabayaan na niya. Isinalang na nito ang game disc.

Unang round pa lamang ay talo na kaagad si Lavander. Pero hindi na siya nagtaka. Mukha namang kabisado na ni Nick ang laro sa paraan pa lamang ng pag-manipulate nito ng controller. Isa pa, wala rin kasi talaga siyang hilig sa racing. Iba ang nilalaro niya sa Xbox.

Nang matapos ang round ay dumating si Christoff. Inilagay nito ang tray na naglalaman ng merienda nila sa table sa may entertainment room.

“Salamat. Laro rin tayo?” Si Lavander na ang nagyaya kay Christoff dahil parang walang balak si Nick. Ni hindi man lang ito magpasalamat sa pagdala ng pagkain ni Christoff sa kuwarto.

“Dalawa lang ang controller ko, Ava,” pagpapaalala naman ni Nick.

“It’s okay,” binitawan ni Lavander ang controller niya. Ibinigay niya iyon kay Christoff.

“Hindi. Okay lang,” pagbawi naman ni Christoff.

“Okay lang rin, ano ka ba! Hindi naman ako mahilig maglaro ng Xbox,”

Tumaas ang isang kilay ni Nick. “Pero sinabi mo na naglalaro ka?”

“Iba ang marunong sa mahilig.” Ngumiti si Lavander. “Isa pa, hindi ako marunong sa laro na `yan.”

Tumango si Nick pero hindi tumigil. Sa halip, lumapit ito sa kanya. Pinahawak nito ang controller nito sa kanya at inutusan na maglaro rin si Christoff. Kunot noong sumunod ang lalaki.

Masyadong naging madikit ang katawan ni Nick kay Lavander habang tinturuan siya. Nailang na naman siya kagaya nang unang beses. Tumawa si Nick nang maramdaman ang kanyang panginginig. “Relax, Ava. Hindi naman kita kakainin. Tuturuan lang kita ng technique para maglaro.”

“A-ah, okay...” It doesn’t feel right though. Halos nakayakap na si Nick sa kanya. Pero magkakaibigan sila. `Di ba dapat ay nagtitiwala siya rito? Wala naman siguro itong gagawin na masama sa kanya. O kung mayroon man, nandoon naman si Christoff para ipagtanggol siya. Sadya sigurong touchy lang ang si Nick.

Maya-maya ay nawala rin naman sa isip ni Lavander ang pagkailang kay Nick. Infairness, nag-enjoy naman siya sa sumunod na laro at parang kaya ganoon ay dahil sa isipin na ang kalaro kasi niya ngayon ay si Christoff. Hindi na lang niya pinansin ang pagtataka ng isip kung bakit dahil parang mas tama yatang pansinin niya ang paghawak-hawak sa kanya ni Nick kaysa ang isipin ang lalaking kalaro na wala namang ginagawang malaki sa kanya.

DALAWANG klase pa pero may pakiramdam si Lavander na kaya na niyang sabihin kung kumusta talaga ang araw niya: hindi iyon kompleto. Absent si Nick kaya sila lamang dalawa ang magkasama ni Christoff. Vacant sila ngayon ng isa’t kalahating oras. Nagpunta sila ng library upang magpalipas ng oras.

Kumuha si Christoff ng libro. Sadyang masipag mag-aral ang lalaki. Nangunguna ito sa klase. Full-scholar ito sa Brookshire. Mahilig rin naman na mag-aral si Lavander at maganda rin ang class standing niya. Pero wala siya sa mood ngayon kaya tinaggihan niya ang alok na libro ni Christoff.

“Iba pala talaga kapag wala si Nick. Parang kulang ang araw,”

Noong highschool si Lavander ay may matalik rin naman siyang kaibigan. Tahimik at mahiyain rin ito. Kaya kung tutuusin, hindi na bago sa kanya ang kagaya ni Christoff. Sa buong maghapon kasi na magkasama sila, hindi ito gaanong nagsasalita. Ganoon rin naman ito kapag magkakasama sila ni Nick. Sa kanilang tatlo, si Nick ang madaldal, ang magulo. Ito ang nagbibigay sa spice sa barkada na binuo nilang tatlo. Kaya naman ngayong absent ito sa dahilan na gusto lamang nitong gumala kasama ang isa pang barkada noong highschool, pakiramdam niya ay malaki ang kulang.

Dahil tahimik rin kagaya ni Christoff, hindi dapat siya nagkokomento ng ganoon sa kaibigan. Pero sadyang nahahawa na yata siya sa magulong si Nick.

Natigil si Christoff sa pagbubukas ng libro. “H-hindi ka ba masaya na kasama ako, Lav? Boring ba talaga ako?”

Namutla naman si Lavander sa sinabi ng lalaki. Na-offend niya ba ang kaibigan? “I’m sorry... hindi ganoon ang gusto kong sabihin pero---“

Nakagat ni Lavander ang ibabang labi. Ano nga ba ang kanyang gustong sabihin? Mayroon siyang dahilan pero tama ba na sabihin iyon?

Pakiramdam kasi ni Lavander, kapag sila lamang dalawa ni Christoff ay sumisikip ang paligid. Para bang may kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kapag kasama nila si Nick, nawawala iyon. Pero napaka-weird ng mga nararamdaman niya na iyon para ipaliwanag kay Christoff. At maiintindihan ba nito iyon?

“Sanay na naman ako, Lav.”

“Christoff...”

Ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa tainga nito. Well, kailan pa ba umabot? Hindi palangiti ang lalaki. Geek, suplado at madalas na walang emosyon, iyon si Christoff. Pero sa ngiti nito ngayon, nakakita si Lavander ng emosyon.

Sakit at lungkot.

Sa isipin na ginawa ni Lavander iyon sa kaibigan ay matinding nakonsensya siya. “`S-sorry...”

Hindi nagsalita si Christoff. Pakiramdam tuloy ni Lavander ay ibinalik rin nito sa kanya ang ibinigay niya rito. Naging kambal ang kanilang damdamin.

CHAPTER TWO

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.