Chapter 38

@Tweets4Lavander: Day 67: You were never mine but losing you broke my heart.

@LoveLavander: Day 32: Everytime I am with you, I am more convinced that we belong together.

SABADO. Dapat ay nagpapahinga si Christoff o `di kaya ay ma-feel niya na relax siya. Pero malayong-malayo iyon sa kanyang nararamdaman. Halos hindi siya nakatulog. Inis na inis siya. Buong gabing nasa isip niya ang tagpong nasasaksihan. Kasama ni Lavander si Nick! Iyon na nga ba ang sinasabi niya kaya gusto niyang paghigpitan ang nobya simula nang malaman na nakabalik na pala ang lalaki sa bansa.

“Sana man lang ay hinayaan mo akong makapagpaalam sa mga kaibigan ko,” lukot na lukot ang mukha ni Lavander nang basta na lang niya ito palabasin sa bar.

Nag-alala nang husto si Christoff kay Lavander. Pinatay na nito ang cell phone. Ramdam naman niya na nakulitan na ito sa kanya. Pero masisisi ba siya? Malalim na ang gabi. Iyon lamang naman talaga ang dahilan niya kung bakit gusto niyang umuwi na ang nobya. Pero mas lumalim ang dahilan niya nang makita ang eksena nang mahanap niya ito sa bar.

“Mga kaibigan?” sarkastikong wika ni Christoff. “Mga kaibigan nga ba talaga? Baka naman kaibigan lang. Particularly, ex-boyfriend.”

“Totoo naman iyon. Pinakilala ko na sila sa `yo `di ba? Si Nick...coincidence lang ang pagkikita namin. Party boy si Nick kaya normal na sa kanya na pumunta sa bar at---“

“Nakipagsayaw siya sa `yo!” And that hurts so much.

Christoff really felt insecure. Nasaktan si Lavander kay Nick. Dahil roon, masasabi niya na minahal talaga ng babae si Nick. At si Nick...kilalang-kilala niya ito. Napakamalaro nito. Mapanukso. Paano kung kagaya ng dati ay agawin na naman sa kanya nito si Lavander?

Mali siya. Hindi dapat niya iniisip na inagaw ni Nick sa kanya si Lavander noon. Wala naman kasi talaga siyang ginawa noon. Kung mayroon man, napakaliit lamang noon at kung may nakakaramdam, si Lavander lang siguro iyon. Walang twitter si Nick. Hindi ito mahilig sa social media. Paano nito malalaman ang damdamin niya kay Lavander? Pero dahil sa nakilala niyang masamang ugali ni Nick, wala na siyang tiwala rito. Palagi niyang sinasabi na napipilitan lang naman talaga siya kaya nakipagkaibigan rito. At totoo iyon. Sinaktan nito si Lavander. Sinaktan rin siya nito sa pananakit sa babae.

Gusto na ni Christoff si Lavander noong una pa lamang. Lumalim rin ang nararamdaman niya rito, lalo na noong magbakasyon sila. Hindi man sila ganoon kalapit hindi kagaya nito at si Nick dahil natutuwa ito sa pagiging makulit ng huli ay hindi niya inaasahan na mami-miss niya ito. Sa sobrang pagka-miss niya rito, napaggawa siya ng Twitter para lang ma-contact ito. Doon niya masasabing napalapit siya kay Lavander at espesyal ito sa kanya. Pero bago pa niya maggawang maipakita ang totoong damdamin, inunahan siya ni Nick.

Masisisi ba si Christoff kung sakaling masaktan at magselos siya kay Nick? Kung ganoon iyon naging katindi? Hindi niya gustong intindihin si Lavander. Hindi pumapasok sa isip niya ang mga paliwanag nito. Kahit kinulit siya nito sa cell phone kagabi ng mga paliwanag pa, hindi niya pinansin iyon. Hanggang sa nagsawa na yata ito. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala ang nakakainis na nararamdaman ni Christoff. Inis, galit at takot rin siya.

Sa tindi ng nararamdaman ni Christoff, hindi niya naggawang itago iyon sa kanyang ina. Nang tanungin siya nito, nasabi niya rito ang problema.

“Katanggap-tanggap na wala kang tiwala kay Nick. Naiintindihan ko iyon. Pero naisip mo ba na sa ginagawa mong ito, parang kay Lavander ka naman nawalan ng tiwala?”

Natahimik si Christoff.

“Mahal mo si Lavander at dapat nagtitiwala sa kanya. Mahal ka rin niya at sa tingin mo ba ay sasaktan ka niya? Maaaring may nakaraan sila ni Nick. Pero hindi ibig sabihin na dahil nagbalik si Nick, babalikan na rin siya ni Lavander.

“May nakikita ka ba na kakaiba kay Lavander nang bumalik si Nick? Nagkita ba sila pagkatapos noon? Bukang-bibig ba niya si Nick? May naging bago ba sa ugali ni Lavander pagkatapos noon?”

Alam niya na wala. Kung mayroon man na problema, siya talaga iyon.

“Nainis ako sa kanya na hindi muna niya sinabi sa akin na nagpakita siya kay Nick. Hindi man lang niya ako tinawagan, tinext!”

“Sinabi mo ba `yan sa kanya?”

“Opo. Sabi niya ay kaya ganoon ay dahil sa nalimutan lang niya at bawal nga akong gumamit ng cell phone sa office.”

“May dahilan naman pala siya, Anak. At katanggap-tanggap rin naman na dahilan ang malimutan `di ba? Dahil ikaw mismo ay nakalimot rin. Nalimutan mo na pagkatiwalaan siya.”

Naunawaan ni Christoff ang sinabi ng ina. Naliwanagan rin siya. Bakit nga ba talaga siya naiinis kay Lavander? Sa sarili niya siya dapat mainis. Pero ang ginawa niya, dinamay niya si Lavander roon.

Kinuha ni Christoff ang cell phone. Sinubukan niyang tawagan si Lavander. Kailangan niyang humingi ng tawad sa LQ na ginawa niya dahil sa insecurities at takot niya. Kailangan rin niyang humingi ng sorry sa paghihigpit niya rito dahil na rin sa mga nasabing dahilan.

Pero sa kasamaang palad, nakapatay na naman ang cell phone ni Lavander. Napabukas tuloy siya ng Facebook. Hindi niya kasi masigurado kung nasaan ngayon si Lavander. Ang alam niya ay uuwi ito ng Batangas ngayong araw. Nakaalis na malamang ito at hindi niya na maabutan sa dorm kung pupuntahan man niya para humingi ng tawad sa personal. Pero sadya yatang pinagsusuklaban siya ng langit. Pinarusahan siya sa mga ginawa niya sa nakaraan. Nag-deactivate ng Facebook si Lavander!

Isa na lang ang option ni Christoff: Twitter.

@AvaBanana: Confessed and Deactivated. Grrrr ka!

Ang tweet na iyon ni Lavander ay ginawa two hours ago. At ang huling galit na komento, tinanggap ni Christoff na para sa kanya iyon. Napabuntong-hininga siya. Muntik na siyang mapa-tweet back. Pero na-curious siya sa tweet na iyon ni Lavander. Ano ang na-confess nito?

Hindi kaya...?

Napabalik muli si Christoff sa Facebook. Pumunta siya sa sikat na page ng BSU Secret Files. Bumungad sa kanya ang isang bago at naramdaman kaagad niya na para sa kanya na confession.

BSU Secret Files

“I Love You Now”

Ex-love. Not so new love. Ex love conflict the not so new love.

Hi Honey! Ganito yata ide-describe ang relationship natin, ano? There was an ex love, yet, you are my not so new love. Yes, you are my not so new love dahil bago si ex love...nauna ka naman talaga. Napag-usapan na ba natin ito? Hindi ko sure...pero iyon ang totoo.

@CLozada. Yan, ha? May idea ka na at kung sino man ang nakakabasa nito kung sino ang tinutukoy ko...kung mahilig kayo na mag-Twitter. Sa Twitter, doon tayo unang nabuo, na-develop. Pero hanggang doon lang tayo. NOON. May umeksena kasi, eh. Si Ex love....na ex love na naman talaga.

Ikaw ang mahal ko @CLozada, my honey, my not so new love. Ikaw, noon at ngayon. Ang nangyari kagabi, wala lang `yun. Kaya please, bati na tayo, ha? I love you so much!

@LoveLavander

CCS

Batch 2014

Mabilis na kumilos si Christoff. Si Lavander iyon, sino pa ba? Nagbukas muli siya ng Twitter pero hindi para i-tweet ang nobya dahil iyon lamang ang nakikita niyang option para makausap ito. May tinignan siyang bagong account. Naramdaman niya na may pangagaya na naganap.

At tama nga si Christoff ng hinala.

@LoveLavander: Day 107: I love you and there will always be a soft spot in my heart for you; even when you’ve done wrong and could even care less.

@LoveLavander: Day 106: We smile, we laugh, we argue, and we even disagree on things, but through it all...my heart is still with you.

@LoveLavander: Day 105: I love you even when we fight. :*

Napangiti at napailing-iling rin si Christoff. Kung titignan, nakaka-one hundred seven days na ang relasyon nila ni Lavander. Naramdaman kaagad niya na para sa kanya iyon...lalo na at ang mga recent tweets ay mga status na parang may mga pinag-aawayan. Kagaya ng mga nakaraang araw nila ni Lavander sa kanilang relasyon.

Christoff felt special, loved yet guilty at the same time.

“ATE, BIGYAN mo nga ako ng ticket sa Candy Crush!” ungot ni Red kay Lavander. Kakauwi lamang niya ng Batangas at iyon na agad ang binungad sa kanya ng kapatid. Sinimungutan niya ito.

“Dali na!” kinuha na ng kapatid ang Ipad niya para ito na mismo ang gumamit ng Facebook niya at mabigyan ng gusto nitong ticket. Regalo sa kanya noong birthday niya ng mga magulang ang Ipad. Mahilig kasi talaga siya sa gadgets. “Ang arte mo, Ate! Bakit naka-log out ang FB mo? May tinatago ka ano?”

“Naka-deactivate. Pinagpapahinga ko muna.”

Pakiramdam ni Lavander ay napagod siya. Ikaw ba naman ang hindi intindihin ng nobyo mo pagkatapos ng pagpapaliwanag mo. Ilang beses niya itong sinubukan na kausapin. At bago niya napagdesisyunan na i-deactivate ang Facebook, nag-confess muna siya sa BSU Secret Files. Gusto niyang ipagsigawan sa nobyo ang nararamdaman niya rito.

Sana nga lamang ay mahalata at ma-appreciate niya.

“Ang arte mo, Ate!”

Iniwan na si Lavander ni Red. Gusto niyang mapailing-iling. Kung maarte siya, paano pa si Christoff? Pero sinubukan niya na intindihin ang nobyo. Hindi na rin niya muna masyado na inasikaso ito.

Inisip ni Lavander na kailangan rin siguro ng oras ni Christoff. Maiintindihan rin siya nito.

Natulog si Lavander. Napagod siya sa biyahe. Paggising niya ay naroroon na ang mga magulang. Pero pareho na masama ang pakiramdam ng mga ito kaya maagang natulog. Duty naman sa trabaho ng gabi ang Ate Pinky niya. May bagong nilaro si Red kaya wala rin itong pakialam sa kanya. Hindi man niya gusto munang mag-online para magpahinga pa rin sa ginawa niyang pangungulit kay Christoff, napilitan na rin siya. Bukod sa iyon ang paborito talaga niyang past time, naalala niya na kailangan niyang mag-tweet---sa bago niyang account. Its Day 108 today.

Nag-sign in si Lavander sa @LoveLavander account niya. Kagaya ng ginawa ni Christoff, gumawa rin siya ng account kung saan niya inilagay ang lahat ng mga nararamdaman kay Christoff. It was a private account kaya walang kahit sino man ang nakakaalam...pero hindi na niya inasahan iyon ngayon. Ginawa niya iyong alias sa bago niyang post sa BSU Secret Files.

Ang hindi nga lamang inaasahan ay ang ma-flood siya ng mentions.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: I love you, Lav! I love you, Honey!

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Honey Lav, reply ka naman, o. 

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: What happened to you? I’m worried.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Bakit mo pinatay ang cell phone mo? Bakit ka nag-deactivate? 

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Sorry na, Honey Lav.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Hindi na muli kita paghihigpitan. Nagseselos lang naman talaga ako. Na-insecure at natakot lang ako sa pagbalik ni Nick.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Bati na tayo, please? :D

Ilan lamang iyon sa mga mentions ng hidden account ni Lavander. Matalino talaga si Christoff! Na-gets nito na ginaya rin niya ito kaya napadpad ito sa twitter account na iyon. Malamang ay nabasa na nito ang confession niya.

Tumalon ang puso ni Lavander. Kailangan lang talaga ng oras ng loko.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Are you sure?

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Yes. Nalinawan na ako. I should trust you.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: So you lost your trust on me? Inisip mo na baka patulan ko muli si Nick? Hindi naman niya tayo ginulo.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: May tiwala ako sa `yo. Pero hindi kay Nick. Kaya sinusundo at hinahatid kita araw-araw simula nang bumalik siya.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Pero hindi naman tayo niya ginugulo, ah?

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: I don’t want to take the risk. I love you too much I don’t know what will happen to me when I lose you again.

Napangiti si Lavander sa tweet na iyon ni Christoff. Naalala niya ang mga nabasang tweets mula sa account na iyon at kagaya ng pakiramdam noon, ganoon rin ngayon. Kinilabutan at kinilig siya.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Haay! Ikaw nga talaga si Christoff. :’> I love you, Honey!

Hindi naman talaga galit si Lavander kay Christoff. Naiintindihan niya ito. Kilala naman talaga kasi niya si Nick. Hindi rin maganda ang pagtrato nito kay Christoff kaya hindi rin niya ito masisisi na nawalan ito ng tiwala sa lalaki. Nawalan man ng tiwala maaari sa kanya si Christoff pero lahat naman ng tao ay nagkakamali. Ganoon rin naman siya noon. Nasaktan niya dati si Christoff pero naggawa rin naman siya nitong patawarin. Tinanggap siya nito at minahal pa rin. Nag-antay ito sa kanya. At patunay ang Twitter Account na ginagamit nito ngayon sa pagmamahal nito.

@Tweets4Lavander:@LoveLavander: Nahalata mo agad, ha? Did you know about this account?

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Yeah. I know its you. I feel its you. Ikaw ang sumagot sa confession ko sa BSU Secret Files.

@Tweets4Lavander:@LoveLavander: How did you know it was me? Si Nick ang sinabihan mo, hindi mo ba in-expect na siya ang sasagot?

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: You called me Lav. Ikaw lang ang tumatawag noon sa akin. With that, hindi ko minasama na naging mag-partner tayo sa thesis.

@Tweets4Lavander:@LoveLavander: Pero ramdam ko pa rin ang awkwardness mo noon.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Paanong hindi? Ikaw ba naman, malaman na may hidden desire/obsession pala sa `yo ang partner mo. Hi-hi.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Hidden obsession? Hmmm... That seems too much pero sige na nga! But I just I love you so much.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: And I love you, too. Thank you for waiting for me. For missing me for...two years! :’>

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: And waiting for you for two years and loving you till forever. And...may hidden desire at obsession rin pala sa akin!

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: How so?

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: By this account. Gaya-gaya ka. Binasa ko lahat ng tweets mo.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Gusto ko sanang iregalo sa `yo ang parang diary account na ito sa twitter sa first anniversary natin. But I became desperate.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Pero mas naging deep pa ba ang love mo sa akin dahil rito? Nang makita ko kasi ang sa `yo, I did.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Kahit na hindi. You have forgave me despite of my immature acts.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: I love you. That’s why. Pero may gusto sana akong hilingin sa `yo...

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Anything, my Honey Lav.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Dahil `di ka na nagtweet sa account na ito simula nang magkaayos tayo...tell me how much you love me. :’>

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Kaya lang naman `di na ako nagtweet dahil pinansin mo na ako ulit. Pabebe ka, ha? He-he.

@LoveLavander: @Tweets4Lavander: Errr. Miss kita, eh. Saka inaway mo ako kahapon. This is your consequence.

@Tweets4Lavander: @LoveLavander: Consequence it is. My love for you couldn’t just be defined in 160 characters.

Muntik ng mabagsak ni Lavander ang kilig sa banat na iyon ni Christoff ang Ipad na kanyang gamit. Dahil kapareho niya ay busy rin si Red sa pag-Ipad sa sala, napansin siya nito.

“Ano, okay ka na `te? Nag-LQ lang yata kayo ni Kuya Christoff, eh.”

“Oo na. Okay na kami,” masayang balita niya sa kapatid at kinurot ito. Ang bunso ang pinagbuntunan niya ng kilig.

Nalukot ang mukha ng kapatid. “Ano ba `yan! May bayad `yan kurot na `yan, ha? Mag-activate ka na muli ng Facebook! Pahinging ticket sa Candy Crush!”

Natawa si Lavander. Adik talaga ang kapatid niya. “Oo na!”

“Pabebe ka kasi,” komento pa ng kapatid.

Pabebe nga ba siya? At ano nga ba talaga ang ibig sabihin noon? Pero hindi na binigyang halaga ni Lavander kung tama nga ba ang pagkakaisip niya roon. Masaya siya at sa sobrang saya niya ay kaya na yata niyang tanggapin ang lahat ng komento sa kanya.

Sinaksak ni Lavander ang cell phone. Ngayon lang niya naalala na na-drain nga pala ang battery niya sa bus. At dahil ginusto na magpahinga kanina, hindi na niya inabala na i-charge iyon. Wala rin naman kasi siyang itetext dahil nasa bahay siya at si Christoff nga ay galit sa kanya. Doon na lang siguro nila itutuloy ang pag-uusap ni Christoff. Baka ma-limit pa sila sa tweets. Na-miss rin niya na marinig ang boses ni Christoff. Tatawagan niya ito.

Maayos na sila Lavander at Christoff at masaya siya. Naging mabilis at madali man at hindi sa personal nangyari, hindi na iyon mahalaga. Alam naman kasi niya na ito talaga ang kanyang kausap kahit nasa malayo ito.

Haay, thank you talaga sa internet technologies....naging madali ang makipag-communicate at makabuo ng romance. And of course...dumali rin ang pag-resolve sa mga conflict.

THE END

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.