“For formalities, I’m Gelo—”
“Gelo ba talaga ang pangalan mo o nickname lamang iyan?” singit ni Jeanette sa pakikipagkilala sa kanya ng damuhong lalaki. “It didn’t sound professional to me.”
“Look who’s talking about professionalism.” Tiim bagang na hayag naman ni Gelo. “Sino ba ang sumugod rito at walang kahihiyang nagde-demand ng refund ng deal na hindi naman sa kanya?”
Hindi niya nagawang magsalita. Nasupla siya ng walanghiya. Isa pa, hindi niya magagawang mangatwiran dahil siya naman talaga ang mali. Nakapirma na ang pinsan niya at siya lang naman itong may hidden agenda na sinulsulan ang pinsan. Sayang at hindi niya nakausap o nakadaupang palad man lang ang totoong pakay niya.
“So, ano ba ang hindi mo nagustuhan sa policy folder ni Ms. Velez?” pagtukoy ni Gelo sa pinsan ni Jeanette.
Naiinis na hinarap niya ang binata. Noon lang niya muling nahagip ang sariling pride.
“I’m Ms. Velez also.” Giit niya.
“Okay.” Anito na umigkas ang kilay sa paraang naghihintay ng sagot sa tanong nito.
“Yung loan-something! Bakit ganoon? Pera naman niya ang hihiramin tapos siya pa ang magbabayad ng interest? Kung sa bangko iyon ilalagay, malamang na umanak pa iyon ng malaki!” paglalahad niya ng nasa isip.
“Kaya nga naimbento ang salitang loan, utang iyon, na may interest siyempre. Kung hindi magpapatong ng interest ang Life Savers sa hihiraming pera, para lang nagluluko ang kompanya. Sana, matagal na itong nagsara kung hindi magpapatong ng interest.” Mahinahon nang pagpapaliwanag ni Gelo.
“Pero pera iyon ng kliyente, bakit kailangan pang patungan ng interest? Sabi niyo, ipon ang pera na ipinapasok ng mga kliyente rito. Kapag ba nag-iipon ka at hihiramin mo sa alkansya mo ang ipon, dapat na may patong kapag isinauli mo ang pera mo? Patong na magiging invisible na kapag inihulog sa alkansya.” pag-uusisa ni Jeanette.
Ngumiti si Gelo. At hindi niya inaasahan na magre-react ng kakaiba ang dibdib niya sa simpleng ngiting iyon ng binata. Oo, simple man ang ngiti, pero kampante naman siya na para sa kanya iyon. Hindi para sa ibang babae.
“Kapag ba nag-ipon ka, at binasag mo na ang piggy bank kahit hindi pa puno, makakapag-ipon ka pa muli roon?” tanong ni Gelo sa kanya.
Napailing siya. Hindi niya mahagilap ang sariling boses. At wala na siyang ibang nais gawin ng mga sandaling iyon kundi pag-aralan ang mukha ng hudyo. Gwapo itong talaga!
If Quelvin was handsome in every angle, then Gelo was handsome also, in different way. May sarili itong angking karisma sa taglay nitong kagwapuhan. Si Quelvin ay professional type, at si Gelo naman ay serious type. At aaminin niyang isang weakness niya sa mga lalaki ang seryoso ang dating.
“Exactly!” bulalas ni Gelo na nagpabalik sa kanya mula sa paglilimi ng kung anu-ano.
Bakit nga ba niya pinagkukumpara ang dalawang lalaki? Wala siyang pakialam rito. Quelvin is her only business here.
“Ang ibigsabihin ng loan-thing sa policy namin, pera ng kompanya ang ipapahiram sa kliyente. Hindi ang mismong ipon ng kliyente. Magiging collateral lamang ang ipon at hindi iyon mapapakialaman. Kaya nga doon ibabase ang halaga ng pwedeng i-loan ng kliyente.”
Hindi siya nakapangatwiran at napatitig sa kumikibot-kibot nitong labi habang nagsasalita. Wala naman na siyang pakialam sa sinasabi nito. Si Quelvin lang ang pakay niya rito… at… at ang glossy shine lips nito! Shit!
Bakit parang mas maganda pa ang labi nito sa kanya? Wala sa loob na naidampi niya ang dalawang daliri sa sarili niyang labi para siguraduhing mali ang nararamdaman niya. Para kasing nakadama siyang bigla ng panunuyo mula roon. Para siyang nauuhaw!
“What’s the problem, Ms. Velez?” untag sa kanya ni Gelo.
Gusto niyang pukpukin ang sariling ulo. Ano bang nangyayari sa kanya? Kung anu-anong inaatupag ng utak niya ganitong nag-uusap pa nga pala sila.
“Wala bang free mineral water dito? Nakakauhaw!” nag-iwas siya ng paningin. Baka kasi may iba pa itong mabasa sa kanya. Ma-boast pa ng husto ang ego nito.
Narinig niyang tumawag ng isang staff si Gelo at humingi ng mineral water. Ilang sandali pa at may dalawang bote na ng tubig sa harapan nila. Mabilis na hinagilap niya ang isa at uminom. Baka mababawasan noon ang nararamdaman niyang uhaw. Pero hindi napawi ng tubig ang nararamdaman niya. May iba siyang gustong inumin, rather, lantakan!
‘Ang glossy talaga ng lips niya! Nagli-lip shiner siguro ito. Ano kayang brand?’
“Anong brand ng lip gloss mo?” hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.
“Excuse me?” tila naiinsultong tanong ni Gelo.
“Eh kasi, bakit ang moist? Oy? Kabaro ka ba namin?”
Tuluyan nang nagdilim ang mukha ni Gelo dahil sa kaprangkahan niyang iyon. “I’m not a gay!” mahinang angil nito sa kanya.
“Okay.” Sumusukong sabi niya. “Nagtatanong lang eh. Seryoso masyado.” Uminom siyang muli ng tubig at napakagat-labi habang hindi maiwasang mapatingin sa mga labi ng kaharap.
Hindi nakaligtas sa kanya ang biglaang pagkurba ng mga iyon sa anyo ng malapad na ngiti.
“I’m sorry to disappoint you pero hindi ako nagli-lip gloss. It’s natural.” Sabi nito at binasa ng dila ang mga labi.
And it distracts the hell out of her! Ngali-ngali niyang abutin iyon at pasadahan ng mga daliri. She even thought of feeling his lips against hers!
“It’s crazy!” pabiglang angil niya sa sarili.
“Ha?” nagtatakang tanong ni Gelo. Nagulat yata ito sa biglaang outburst niya.
Oh my God. I’m dead!
Hindi niya lubos akalain na nagiging makamundo na pala siya. Bakit ba niya hinahayaan ang sarili na maakit at ma-distract ng mga labing iyon?
“Ang ibig kong sabihin. Malaking kalokohan nga ang ginawa naming pagsugod dito. Anyway, pwede na ba kaming umalis? May pupuntahan pa din kasi ako.” Nagmamadaling hinagilap niya ang bag na nasa ibabaw ng desk nito at sinabayan iyon ng tayo.
“Do you still have any concerns about the policy?” tanong pa nito.
“Wala na.” umiling siya at nanghahaba ang leeg sa paglinga sa silid na pinasukan nina Beatrice kanina.
Ganoon nalang ang pasasalamat niya nang iluwa ng pinto ang pinsan.
“Kung ganoon.” Tumayo na rin ito. “We’re done. Nice to meet you, Ms.—” Ibinitin nito ang sasabihin habang inilalahad ang kamay sa kanyang harapan.
Nakakatuwa namang isipin na matapos ang hindi nila magandang paghaharap kanina ay nagawa pa din siya nitong pakitunguhan ng maayos. O baka kaya ito ganoon ay dahil iniisip nitong baka magdulot na naman siya ng kasiraan sa trabaho ng mga ito kung hindi siya pakikiharapan ng maayos.
“Jeanette Velez.” Aniya at inabot ang kamay nito.
It feels good having her hand inside his.
‘What?’
Dagling hinablot niya ang kamay mula kay Gelo. He smiles knowingly. At nakakainis iyon. Mukhang may kakayahan itong basahin ang iniisip niya.
“Nice to meet you, too. And I hope it will be the last.” Aniya.
Dali-daling hinagilap niya ang pinsan na papalapit. Kulang nalang ay kaladkarin niya palabas ng opisina si Beatrice para lamang makalayo sa tila sumusunod sa kaniyang multo ng mga ngiti ni Gelo.
Nakakainis! Bakit ba ako naaapektuhan? Si Quelvin de Luna ang prospect ko na ni hindi ko nakadaupang-palad man lang dahil sa bruhildong yun! Hmp!
"FINE!" sumusukong bulalas ni Jeanette sa pinsan.
Isang matagumpay na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Beatrice. Paanong hindi? Maski na tutol siya sa plano ng pinsan na guluhin nila ang weekend vacation ng talipandas nitong boyfriend at ng bagong babae noon ay nagawa pa din siyang mapa-oo. Isa lang naman ang bagay na isinuhol nito sa kanya, ang contact number ni Quelvin. Alam na alam ng magaling niyang pinsan na kapag si Quelvin na ang sangkot sa usapan, gagawin niya ang kahit na anong hilingin nito. Sukdulang pakiusapan siya nitong humingi sila ng invitation papuntang Costa Galaxia kay Mr. Maruki Gonzalo. At sa kasamaang-palad ay boss niya at makulit na manliligaw. Ano nalang ang sasabihin noon kung biglaan siyang hihiling ng invitation matapos ang mahigit isandaang beses na yata nitong pagyayaya sa kanya na magbakasyon sa Costa Galaxia pero parati niyang tinatanggihan?
Hindi sa ayaw niya sa lugar. Sa totoo lang ay isa sa mga pangarap niya na makarating roon pero wala naman siyang ibang kilalang resident sa Costa Galaxia na pwedeng magdala sa kanya roon maliban kay Mr. Gonzalo. Ang lahat kasi nang nagpupunta roon ay kailangan pa ng invitation bilang gate pass. Ganoon ka-istrikto ang lugar. Ayaw rin naman niyang kagatin ang paanyaya nito dahil baka mabigyan pa ng ibang interpretasyon gayong hindi nga niya tipo ang mga tulad nito.
Sikat na sikat ang exclusive residential and leisure property na iyon. Sa pagkakaalam niya, isa iyong coastal area sa Batangas na may anim na libong ektarya ang laki at binubuo ng labindalawang cove. Dinevelop iyon ng isang bilyonaryong negosyante na Italyano. Thirty percent ng land area lang ang dinevelop para ma-preserve ang natural wealth ng lugar.
Ipinangalan ang labindalawang coves sa mga planeta at bituin sa Solar system, ngunit hindi tulad ng pagkakasunod-sunod. Ang first cove na tinawag na Sun Cove ang main destination ng mga nagpupunta sa Costa Galaxia at ginawa namang residential area ang kasunod na Cove na tinawag na Earth Cove. Ang sumunod pang sampong cove ay hindi na pinakialaman sa halip ay inalagaan.
Lahat ng magpunta sa Costa Galaxia ay puro satisfaction at saya ang souvenir na dala galing sa lugar.
At ngayon na tinatawag ng pangangailangan, kailangan niyang kapalan ang pagmumukha na makiusap sa boss. Para sa contact number ng crush niya, lulunukin na niya ang lahat ng dapat lunukin. Bukod doon ay makakarating na din siya sa Costa Galaxia na ang kasama ay ang pinsan at hindi si…
Teka! Paano kung magbigay ng kondisyon si Maruki na dapat ay kasama ito kapag pumunta sila ng Costa Galaxia?
“Cous, sigurado ka ba talaga sa gusto mo?” pangungulit na naman ni Jeanette kay Beatrice. Para kasing gusto na naman niyang umurong dahil sa huling naisip. “Hindi ba mas malaking kahibangan iyan? Binabalaan kita, iiwan kita sa resort sa sandaling umatungal ka sa harapan ko kapag nakita mo si Kirk at ang babae niya.”
Hindi ito sumagot sa halip ay sinimangutan pa siya. Nagpatuloy naman siya sa pangdi-discourage. Humiling nalang ito ng ibang bagay bilang kapalit ng contact number ni Quelvin huwag lang iyong palapitin siya kay Maruki.
“You’ll going to hurt yourself. Bakit hindi ka nalang makipaghiwalay, as in now na! Tutal may dahilan ka na at sapat na iyon para hindi ikaw ang lumabas na masama sa relasyon ninyo. Alam ko naman na isang issue sayo ang sasabihin ng mga mutual friends niyo.”
“At sa palagay mo, hindi ako masasaktan kung makikipaghiwalay ako ngayon?” sansala niya.
“Yun na nga! Masasaktan ka rin kahit ano pang gawin mo, so, bakit hindi mo pa gawin ngayon? Hurt yourself now! Broke with him and burst into tears. Siguro naman, after a week ay maayos ka na ulit.”
Pinandilatan siya nito. “No way! Hindi pa naman sure na tinatarantado niya ako. Gusto ko munang makasigurado. Baka paranoid lang ako.”
“Ayan ka na naman! Akala ko ba ay atat na atat ka nang gantihan ang Kirk na ‘yan? Bakit ngayon, umaasa ka na naman na mali ang hinala mo eh nakita mo na nga sila?” paninita nito.
“I just wanted to give him a benefit of the doubt.”
“Hindi ko alam kung anong dapat itawag sayo, martir o tanga?”
Natahimik at napaisip si Beatrice. Tila nag-iisip ito. Dapat lang! Dahil sa palagay niya, isang katangahan na ang pagpaparaya nito. Inihahain na nga rito ang mga clue ay pilit pa ding pinapaniwala ang sarili na may pag-asa pa ito at si Kirk. Kung siya kay Beatrice, makita niya lang na may ibang kalampungan ang boyfriend ay susugurin at sisitahin niya. Break na kung break!
Huminga ng malalim si Beatrice at hinarap si Jeanette. “Gusto mo pa bang makuha ang number ni Quelvin o magtatatalak ka nalang diyan? Sige ka, baka maisipan kong ialok nalang kay Myta ang offer.” Ang tinutukoy nito ay ang officemate niya na patay na patay din kay Quelvin! And as if hahayaan niyang maunahan ni Myta?
In her dreams!
“I already said ‘fine’, didn’t I?” yamot na awat niya sa pangte-threat ng pinsan. Tulisan din talaga itong si Beatrice! Manang-mana sa kanya!
“So, tutulungan mo na akong makakuha ng invitation papasok sa Costa Galaxia at sasamahan mo ako roon in three days?”
“What else? Baka may gusto ka pang idagdag?” asar na saad niya.
“Wala na.” malapad na ngumiti ito.
Ano pa nga bang magagawa niya. Ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan na niya kung ano ang magandang idahilan sa biglaang paghingi nila ni Beatrice ng invitation rito at siyempre ay ang leave niya. Itataon nila na biyernes aalis at uuwi na din sa linggo ng hapon para makapasok sila pareho sa kina-lunes-an ng umaga.
“THANK YOU so much, Sir. Kung hindi lang talaga nade-depress ang pinsan ko, hindi ko kakapalan ang mukha na humingi ng leave at ng invitation sa inyo.” Tuwang-tuwang sabi ni Jeanette kay Maruki.
Naroon silang tatlo sa isang café, malapit sa opisina ng GSC. Pansin ni Jeanette ang pailalim na tingin na ipinupukol ni Beatrice sa kanya habang nagpapasalamat siya kay Maruki. Iyon ay dahil sa idinahilan niyang depress na depress ang pinsan niya at kailangan nito ng break kaya’t sasamahan niyang magbakasyon. Hindi naman masamang kausap si Maruki at mabilis na umu-o sa hiling niya. Bakit nga naman hindi? Nagpapa-good shot ito.
“You’re welcome. Basta ikaw, Jeanette.” Nakangising saad ni Maruki. Kapag ganoong nasa labas sila, gusto ni Maruki na first name basis lamang sila. Pero sadyang matigas ang ulo niya kaya’t Sir pa din ang tawag niya dito. “Anyway, baka Sunday na ng umaga ako makasunod sa inyo. Napuno kasi ang schedule ko.”
Napawing bigla ang malapad na ngiti ni Jeanette pagkarinig sa sinasabi ni Maruki. “Susunod ka?” wala sa loob na tanong niya.
“Yeah. Pero sabi ko nga. Sa pa-third day niyo pa doon kasi puno ang schedule ko. Sana, sinabi mo sa akin ng mas maaga para naipaayos ko ang sched ko.”
Pilit na ngiti ang itinugon niya.
‘Bakit ko gagawin iyon? Ayoko nga na kasama ka! Kung hindi lang para sa contact number ni Quelvin, nunca akong makiusap na humingi ng invitation sayo.’
“You can use my unit para hindi niyo na kailanganing gumastos para sa hotel room—”
“No! No thanks!” maagap na tanggi niya. “You don’t have to. Kalabisan naman na iyon.” Sinipa niya ang paa ni Beatrice sa ilalim ng mesa matapos mapansin na balak nitong sumingit. Umaandar na naman ang kakuriputan nito at maski ang pride niya ay isasaalang-alang pa ng bruha. “Nagpapasalamat nga kami na bibigyan mo kami ng invitation. That’s more than enough, Sir. Anyway, kailangan ko na pong bumalik sa office. May mga trabaho pa kasi ako. Excuse me, Sir.” Sinabayan niya iyon ng tayo. “Tara na, Trix.” Ngali-ngaling hilahin niya ang pinsan palabas ng café.
“Ano ka ba, cous? Sayang din ‘yung offer. Bawas-gastos!” apila ni Beatrice sa kanya.
“Tumigil ka nga diyan, Trix! Ideya mo ito kaya bahala kang gumastos. Ayoko namang mabaon sa utang na loob kay Maruki para lang matulungan ka sa kalokohan mo. Baka mamaya niyan, kung ano pang hilingin noong kapalit sa akin! Baka ang sarili ko pa ang maging kabayaran!” sita niya sa pinsan.
Hindi na ito nagsalita. Siguro ay napag-isip-isip nito na tama siya. At mabuti naman kung ganoon. Ibigsabihin lang noon na may pakialam pa ito sa kanya sa kabila ng pagpo-pokus nito sa relasyon nito kay Kirk.
“Teka, bibili nga pala ako ng yogurt shake bago bumalik sa office. Mauna ka na, cous.” Aniya matapos maalala ang paborito niya.
Yogurt shake ang gasolina niya sa pagtatrabaho. Kung wala noon ay hindi siya makakapagtrabaho ng matino.
“O sige, saan ka ba bibili?” naitanong ni Beatrice na nilingon ang pinanggalingan nila.
“Dito nalang sa kabilang café. Baka makasalubong ko pa ang hapón na si Maruki, kulitin na naman ako!” napasimangot siya.
May taglay rin namang kakulitan ang Japanese-Fil na boss niya. Lalo pa ngayon na siya ang lumapit para humingi ng pabor. Nakapagpaalam na silang aalis, at kung makikita siya nito na bumalik, baka mabigyan na noon ng malisyosong dahilan ang pagbabalik niya.
“O siya, sige. Sa Friday nalang, cous.” Tila nagpapaalalang sabi nito.
“Whatever.” She rolled her eyes.
Nagmamartsang nagpunta siya sa kabilang café at bumili ng yogurt. Patapos na ang break time niya kaya’t nagmamadali din siyang umalis roon. Para lang mabunggo sa kung sinong pahara-hara sa daan!
“Shit!”
“Oh my God! Ang yogurt ko!”