Chapter 11-Final

“Ang gusto ko lang talagang sabihin ay mahal kita! Mahal na mahal kita. Noon, ngayon at sa maraming bukas na darating. Mamahalin pa rin kita kahit sa mga sandaling napakahirap intindihin ng topak mo. Mamahalin pa rin kita maski nai-insecure ka sa mas magaganda sa paligid mo.”

“Hindi ako na-i-insecure!” tanggi niya. “Hindi ako nai-insecure dahil maganda sila kundi dahil may mga taong nagmamahal sa kanila sa kabila ng kapintasan nila.”

“But I’m here now, Ellery. I will love every flaw you have in your veins.” He smiled and brushed her hair against her face. “Mapagmataas ka, suplada, walang ibang iniisip kundi ang magpaganda at hangaan ng iba. Lahat iyon, minus factor sa babaeng nais kong makasama habambuhay. Lahat ng iyon, gusto kong mawala sayo, gusto kitang baguhin. Pero ang lahat ng mga kapintasan at kakulangan mong iyon, iyon ang talagang minahal ko sayo. Dahil sa kabila ng di mabilang na flaw mo, I still fell in and never will fall out of love on you.”

She couldn’t contain the happiness she had inside her heart while hearing that sweet and warm words of love from him. Totoo bang nagmula iyon sa bibig nito? Totoo bang lahat ng iyon? Pero natatakot pa din siyang maniwala. Sa dami ng babae nitong papalit-palit na nagpupunta sa unit nito, bakit siya maniniwala? Paano kung pinakakagat lang siya nito sa bitag dahil hindi pa sapat rito ang serbisyo ng mga babae nito?

“Pero iba ang lalaking gusto mo.”

Napakunot-noo siya sa sinabi nito.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ka din lang magiging akin, ipapamukha ko nalang sayo ang mga masasamang ugali mo na dapat kong maging dahilan para hindi ka magustuhan. Ibabangon ko ang ego na ilang beses mong inapakan dahil sa pagiging snob mo. Ipapakain ko sayo ang masamang lasa ng gamot na palagi mong ipinatitikim sa akin—ang pagiging snob mo. Babalewalain din kita tulad ng ginagawa mong pambabalewala sa akin. Ipapamukha ko sayo ang kayabangan mo sa pamamagitan ng pagiging presko ko. Pero lahat ng iyon nagbago. Kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko na kaya gusto kong nasa tabi kita ay dahil gusto kitang gantihan, pamukhaan o mapaamo ang iyong kamalditahan, lahat ng planong iyon, naglalaho sa tuwing kasama na kita. Isang bagay nalang ang natitira. Ang totoong dahilan kung bakit gusto kong nasa tabi kita—ang katotohanang, maski lumipas ang mahabang panahon na walang nagbago sa ugali mo, hindi rin lumipas ang nararamdaman ko para sayo. I still admire you. And as the days passed by while we’re together, patuloy na nag-e-evolve ang damdamin ko para sayo. Pinilit kong supilin iyon. Kung sinu-sinong babaeng nagpakita sa akin ng interes ang pinapapunta ko sa unit ko para aliwin ako. Dahil matapos mong lumabas sa unit ko, ikaw pa rin ang laman ng utak ko. Natatakot akong magising isang araw na hindi ko na kayang mabuhay na wala ka sa tabi ko—”

Hindi nito natapos ang sasabihin dahil nasampal niya itong bigla. Manghang napatitig ito sa kanya.

“Bakit mo ako sinampal?”

“Tanga-tanga mo!” angil niya rito. “Kung gusto mo ako, bakit hindi ka nalang nagtapat? Hindi naman kita ire-reject ulit. Dahil sa ginawa mong pagkuha ng mga babae at pagpapatuloy sa unit mo sa mga iyon, nabagabag ako ng husto. Hindi ko akalain na sa hinaba-haba ng panahon at kung kailan pa unti-unti kong natatanggap na walang lalaking nakatakda para sa akin, saka ko naman matutuklasan na nagmamahal na pala ako sa maikling panahon na nakilala kita. At nakakatakot na ang lalaking mahal ko ay napakaraming babaeng gustong matikman. Alam mo ba kung gaano katinding depression ang dinanas ko pagkakita ko sa hitsura ng Tricia na iyon sa loob ng unit mo at makumpirma ang mga pinagagagawa ninyo? Kahit kasi alam kong marami kang babae, parati kong isinasaksak sa utak ko na baka hindi tama ang hinala ko. Baka nagja-jack-en-poy lang kayo sa loob ng unit mo. Pero ang makita kong half-naked ka at suot naman niya ang damit mo? Natakot na talaga ako. Tatlong araw akong hindi makausap ng matino ng manager ko at maski mga magulang ko, ayaw kong kausapin dahil wala akong ibang nais gawin kundi iyakan ang kabiguang magiging akin ka pa. Madaming lalaking nagpapakalat-kalat sa paligid ko pero isa lang ang gusto ko at ikaw iyon. Hindi ako makapili sa kanila dahil ang nakikita ko sa kanila ay ikaw—”

“Talaga?” nakaigkas ang kilay na tanong nito at mukhang hindi kumbinsido. Balibangin kaya niya ito ng… ano bang gamit ang malapit sa tabi niya? “Kaya pala naabutan kitang nakikipagyakapan sa long time boyfriend mo.”

“Ano? Long time boyfriend? Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend dahil hindi ako makahanap ng lalaking tutugma sa character na gusto ko. At nakakainis na kahit malayo ka sa lalaking gusto ko, nagustuhan pa din kita sa ganoon kaigsing sandali.” Nakasimangot na litanya niya.

Lalong nagdikit ang mga kilay ni Vincent. “Si Kyle?”

“Ano si Kyle?”

“Hindi ba siya ang long time boyfriend mo? Madalas kayo sa news articles at—”

“Bakit ka naniniwala sa tsismis e hindi naman lahat ng laman ng balita ay totoo?”

“Pero college pa lang tayo—”

“Freelance photographer na si Kyle noong college at dahil modelo ako at magaling siyang photographer kaya nag-click kami. Pero hindi ibigsabihin noon na may romantic feeling na ako sa kanya. Siya siguro, oo. Pero wala akong nararamdaman na ganoon para sa kanya at malinaw iyon—”

“Anak ng tinapa…” biglang putol nito sa kanya. “Pinili kong kalimutan nalang ang damdamin ko para sayo noon kasi inisip ko na si Kyle lang ang gusto mo dahil siya lang ang lalaking napapansin at nakikita mo noon. Ang problema, hindi rin naman ako nagwagi maski lumayo pa ako. Dahil nang araw na muling magsanga ang mga landas natin, alam kong bumalik din agad ang damdamin ko para sayo noon. Pinilit ko lang paniwalain at kumbinsihin ang sarili ko na wala na akong damdamin para sayo, isa pa ay magkasama na naman nga kayo ni Kyle. At kahit nasa tabi na kita, anumang sandali ay iiwan mo ako para lang makipag-date ka sa kanya.”

Napangiti si Ellery ng malapad. “Ibig mong sabihin, nagseselos ka kay Kyle?”

“Sobra!” pag-amin nito. “Sinundan lang talaga kita rito dahil pakiramdam ko, mababaliw na ako na hindi kita nakikita at hindi ko nasasabi sayo ang damdamin ko. Wala akong balak na agawin ka kay Kyle kung masaya ka naman sa kanya. Tatanggapin ko na siya ang gusto mo. Ang mahalaga lang sa akin ay mapalaya ko na ang sarili ko sa damdamin kong matagal ko palang inalagaan sa puso ko.”

She smiled even wider but her tears burst out and streamed down her face. That was the tears of joy. Ganoon pala kasarap sa pakiramdam na pakawalan ang luha ng kaligayahan.

“Hey, why are you crying?” Inabot nito ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang luha.

“I was just so happy to learn from you that you love me too. Sorry kung masama ang ugali ko. Siguro, dahil masyado akong nalunod sa yaman at kasikatan na mayroon ako. But I can change. Kaya kong magbago para sayo, huwag ka nalang tumingin sa ibang babae o maghakot ng ibang babae para kalimutan ako at piliting mawala ang damdamin mo para sa akin. Tanggapin mo nalang sa sarili mo na mahal mo ako dahil kapag pinatay mo ang damdamin mong iyan para sa akin, papatayin din kita!” pagbabanta niya na ikinahagalpak nito.

“You don’t have to change, Ellery. Dahil kahit na ano pang ugali mo na mayroon ka, mahal at mamahalin pa rin kita dahil ikaw iyan. Mahal kita bilang ikaw. At ‘wag ka ding mag-alala dahil immortal ang pag-ibig ko sayo. Kahit gusto kong patayin, hindi mamamatay dahil wala namang kamatayan. Maski mawala na ako sa mundo, alam ko, iibigin pa din kita hanggang sa kabilang buhay.”

Hinampas niya ito sa dibdib. “Huwag na nga nating pag-usapan ang tungkol sa kamatayan. Mas masarap na mabuhay na may minamahal at nagmamahal.”

Vincent laughed and gentle grab her waist to lean her against him. And before she could utter a word, he claimed her lips in a passionate kiss. Bagay na kanina pa niyang hinihintay.

“Ano nga palang ginagawa ng Tricia na iyon dito?” bigla niyang naitanong.

“Ewan ko. Baka may business siya sa building na ito. Wala naman nga akong masyadong alam sa kanya kasi sa Galactic Bar ko lang siya nakilala, nagkakuhanan ng number at iyon na. She was liberated. Men just came and go to her. Nagkakataon na available siya kapag kailangan ko ng panlibang at game siya.”

Dinagukan niya si Vincent sa pagkainis.

“Bakit ba?”

“Huwag ka nang maglibang ulit! Ako na ang lilibang sayo.”

Ang lakas ng tawa ni Vincent.

“I felt like hell whenever I’m not with you. Gusto nga kitang isumpa dahil naisip ko na unfair na nahulog ako sayo pero ikaw ay hindi at ibinibilang mo lang ako sa mga babae mo.” Nakasimangot na saad niya.

“Of course not! Ang buong isang linggo na magkasama tayo ang pinakamagandang nangyari sa akin sa buong buhay ko.”

“And with Tricia was a great thing either.”

“We’re just having a good time together at kaiba iyon sa great thing na parati mong ipinagpipilitan. What I felt for you was the greatest thing I ever felt.”

“Ayoko na may kahati sayo, Vincent. Kaya gusto kong idispatsa mo na ang mga babae mo bago ko ibigay ang puso ko sayo.”

“Wala kang kahati dahil kahit minsan ay hindi ako naging pag-aari ng iba, Ellery. I might have fun with them but that’s it.”

“Even have fun! I don’t want it.”

He chuckled. “Napaka-possesive mo naman pala.”

Inirapan nga niya ito. “Nagrereklamo ka?”

“Hindi. Gusto ko nga iyon.”

And she pulled his nape close to hers. Mabilis na siniil niya ito ng halik na agad nitong tinugon. Marubdob at nag-aalab. Damang-dama niya ang masidhing damdamin nito sa pagitan ng mga halik sa kanya nang bigla itong huminto at titigan siya.

“I have one more thing to tell.” Anito.

“Ano iyon?”

“Hindi totoong hindi ako aware sa pag-avail mo ng unit sa Costa Galaxia. Actually, ipinaayos ko kaagad ang katapat na unit ko sa paraang hindi mo na iyon mahihindian kapag ini-offer ng mga empleyado ko. I want us to be neighbor at nagpaplano na akong magpapansin sayo pero nangyari naman ang pambabali mo sa akin ng buto. You made things easy for me, baby. Nakaligtas ang ego ko.”

Nang ngumiti si Vincent ay kinurot niya ito ng pinong-pino sa tagiliran.

“A-Aray!”

‘Yan ang nababagay sa mga may malilinis na balak na tulad mo.’

WAKAS

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.